diona text

8
Dionatext: Bagong Anyo ng Panitikan sa Panahon ng Teknolohiya Ni Flordeliza B. Castor Guro sa Filipino – Bataan National High School Sinasabing ang panulaan ay kasing tanda ng kasaysayan at sa tuwing ito ay lilitaw ay nagpapakita ng katamisan, kagandahan at kalamyusan. Ang mga Pilipino ay likas ang hilig sa pagtula. Tula ang daan ng pagpapahayag ng pag-ibig, sapag-awit sa kanyang musa… tula ang gamit, tula ang paraan ng pagpuri sa kanyang bayan at mga bayani o minsan ang tula din ay gamit sa pakikipagtalo. Sa bagong panahon sa pagtuturo ng teknolohiya, paano makikisabay ang tula sa pagtuturo ng asignaturang Filipino. Ang mga kabataan sa kasalukuyan ay walang hilig sa pagbuo ng tula. Upang ang guro ay makasunod sa usad ng teknolohiya, binuo and “dionatext”. Ano nga baang “dionatext”? Ito ay tatlong anyo ng pinaikling katutubong tula na biglang na buhay saala-alang madla sapamamagitan ng contest na ginamitang texting. Una, ang “tanaga” sa timpalak na “textanaga”, ikalawa ang “dalit”,sa “dalitext” at ang ikatlo “diona” sa “dionatext”. Sa naturang mga anyo, ang “diona” ang lumitaw na bagung-bago sa pandinig kahit sa mga iskolar at makatang tagalog. Ang “diona” ay isang halimbawang “epitalamico” natawag ng mga Espanyol sa madamdaming awit sa kasal.

Upload: rose-ann-aler

Post on 29-Sep-2015

118 views

Category:

Documents


10 download

DESCRIPTION

ok

TRANSCRIPT

Dionatext: Bagong Anyo ng Panitikan sa Panahon ng TeknolohiyaNiFlordeliza B. CastorGuro sa Filipino Bataan National High School

Sinasabing ang panulaan ay kasing tanda ng kasaysayan at sa tuwing ito ay lilitaw ay nagpapakita ng katamisan, kagandahan at kalamyusan. Ang mga Pilipino ay likas ang hilig sa pagtula. Tula ang daan ng pagpapahayag ng pag-ibig, sapag-awit sa kanyang musa tula ang gamit, tula ang paraan ng pagpuri sa kanyang bayan at mga bayani o minsan ang tula din ay gamit sa pakikipagtalo.

Sa bagong panahon sa pagtuturo ng teknolohiya, paano makikisabay ang tula sa pagtuturo ng asignaturang Filipino. Ang mga kabataan sa kasalukuyan ay walang hilig sa pagbuo ng tula. Upang ang guro ay makasunod sa usad ng teknolohiya, binuo and dionatext.

Ano nga baang dionatext? Ito ay tatlong anyo ng pinaikling katutubong tula na biglang na buhay saala-alang madla sapamamagitan ng contest na ginamitang texting.

Una, ang tanaga sa timpalak na textanaga, ikalawa ang dalit,sa dalitext at ang ikatlo diona sa dionatext. Sa naturang mga anyo, ang diona ang lumitaw na bagung-bago sa pandinig kahit sa mga iskolar at makatang tagalog.

Ang diona ay isang halimbawang epitalamico natawag ng mga Espanyol sa madamdaming awit sa kasal.

Kayat tayong mga guro sa ngayon na nagtuturo lalo na sa asignaturang Filipino, subukan natin ang dionatext na ito at tiyak na ang ating mag-aaral ay maaliw sa pagsulat nito.

Narito ang halimbawa:*Paglisan mo bunso *Anak na nagkamali *Ang paying koy si Inay *Tagpi-tagping yero manWag ka bigin ang pinto Kung ngayoy sa sanguni Kapote ko si Itay Sa piling ng magulangSisilip pa ang puso Yayakapin ding muli Sa maulan kong buhay Abot ang kalangitan

Panitikan sa panahon ng 'social networking' http://varsitarian.net/filipino/20111115/panitikan_sa_panahon_ng_social_networking

KUNG noon ay sa mga pahina lamang ng mga kuwaderno at aklat makababasa ng mga tula, ngayon ay higit nang naging moderno ang tulaan sa pamamagitan ng birtwal na mundo ng Facebook. Ito ang pinatunayan ng Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo (Lira) sa Tulaan sa Facebook 2011: Rizalstrasse, isang pampanitikang patimpalak.

Inspirasyon ng Tulaan sa Facebook ang mga naunang pampanitikang patimpalak na gumagamit ng teknolohiya ng cellphones, tulad ng Dalitext, Textanaga at Dionatext na kapwa pinamunuan ng National Commission for Culture and the Arts noong 2003 at 2004 upang muling maipakilala ang ibat ibang mga tradisyunal na anyo ng pagtutula gaya ng dalit, tanaga at diona. Ayon kay Phillip Yerro Kimpo Jr., pangulo ng Lira, sinimulang itaguyod ang Tulaan sa Facebook noong 2010 bilang bahagi ng pagdiriwang ng silver jubilee ng Lira.

[Pinamagatan ang patimpalak na Rizalstrasse dahil] ang pangunahing tema ng Tulaan sa Facebook ay si Dr. Jose Rizal, ang kaniyang buhay, at kaniyang mga akda. Kakabit ito ng pagdiriwang ng seskisentenaryo ng kapanganakan ng ating pambansang bayani, aniya. Nilalayon nito na ipaalala sa marami, lalo na sa mga kabataan, ang mahahalagang naiambag ni Rizal sa ating kultura.

Kung babasahin ang maraming lahok, ang dami pa rin nating hindi alam tungkol sa pambansang bayani. Makikita rin ang marami nating stock knowledge hinggil sa kaniya na karamihan ay panay tsismis o haka-haka. . . Ang Tulaan sa Facebook sa palagay koy naging pagkakataon para sa mga sumali na kilalaning talaga si Rizal, sa panahong marami nang nasabi hinggil sa kaniya, ani Louie Jon Sanchez, public relations officer ng Lira at dating patnugot ng Varsitarian. Isa pang layunin ng Tulaan sa Facebook ay ang paghikayat sa kabataan na ipadinig ang boses sa lipunan.

[ Ang patimpalak ay ] tumulong sa pagbibigay-sibol sa mga nagsisimulang makata at manunulat. At dahil hindi naman lahat ng may gustong ilahad na opinyon ay nais maging makata, ang isa pang layunin ay ang paghimok sa kabataan na maging mga epektibong komunikador at proaktibong mamamayan ng lipunan gamit ang kapangyarihan ng salitasa pagiging mamamayahag, sa pakikisangkot sa mga online forum at blog, sa pakikipagtalastasan sa debate o kaya namay fliptop, sa pagsulat ng nobelang maglalahad ng kanser ng lipunan, at marami pang ibang pamamaraan, ani Kimpo.

Tampok sa Tulaan sa Facebook ang paggamit ng diona, isang tradisyunal na anyo ng pagtutula na binubuo ng isang tulang may iisang saknong, may isahang tugma, binubuo ng tatlong taludtod, at may pitong pantig sa bawat taludtod.

Bagay na bagay sa kaiklihan ng plataporma ng Facebook ang ating katutubong anyo. Muling naibabalik ang pagkakakilanlan ng katutubong anyong ito, na kahit sumasagitsit ang teknolohiya ay totoong nakasasabay, ani Sanchez.

Ayon kay Sanchez, ang patimpalak na ito ay isang pagsunod sa agos ng samahan upang maibahagi ang tula sa higit na nakararaming tao, sa pamamagitan ng social networking sites.

Edukasyon ang tunay na pakay ng Lira sa pagbaling nito sa Facebook at nakatutuwang makitang may tumatatag na interes hindi lamang kay Rizal, kundi pati na rin sa ating katutubong mga anyong pampanulaan, aniya.

Bahagi ng programang Pambansang Edukasyong Pampanitikan ng Lira ang pagtuturo sa mga lalawigan at isang training clinic sa UP Diliman. Batid naming hindi lahat ng nais matuto sumulat ay makararating sa Maynila at hindi rin namin mapupuntahan ang lahat ng lalawigan. Kaya naman pinili ng Lira na gawing behikulo ang makabagong teknolohiyai.e. social networkingupang maabot ang mas malaking bahagi ng populasyon, ani Kimpo.

Sa paggamit ng Lira sa Facebook bilang midyum ng tulaan, higit na naging bukas ito sa mga tao at naging matagumpay sa paghimok ng mga Pilipinong linangin ang pagiging makata. Kasalukuyang mayroong 614 na miyembro ang Rizalstrasse: Tulaan sa Facebook group.

Napakalawak ng edad ng mga sumali sa Facebook, at kung saan-saan sila nagmula. Ngunit kapansin-pansing nakikibahagi ang mas malaking bilang ng kabataang 15 hanggang 30 [taong gulang] sa dalawang taon ng pagpapatulaan namin, ani Sanchez.

Katulong ng Lira ang Goethe Institut, isang kultural na institusyon ng Alemanya.

May natatangi ring pagbibigay-pansin sa naging impluwensiya ng karanasan ni Rizal sa Alemanya sa kanyang kamalayan, at kakabit naman ito ng pakikipagtulungan ng LIRA sa Goethe-Institute Philippinen, ani Kimpo.

Pormal na binuksan ang patimpalak noong Setyembre 11 at nagtapos noong Oktubre 31. Kasalukuyang nasa proseso ang Lira ng pagbabasa at pagsasala ng lahat ng tulang inilahok.

Ayon kay Sanchez, ang mga hurado ay binubuo ng mga batikang manunulat mula sa LIRA.

Unay may pagsasalang ginagawa ang komitetitingnan kung pasado sa kahingiang pang-anyo ng diona ang lahok, at kung itoy katanggap-tanggap sang-ayon sa tema. Ang mga papasa ay daraan sa mabusising pagbasa ng mga hurado, na kadalasay tatlong tao. Ipahahayag na lamang namin ang mga hurado sa taong ito sa mga susunod na anunsyo, aniya.

Ang mga nagwagi sa patimpalak ay ihagayag sa darating na Disyembre.

Panitikan Pilipino sa Modernong Panahon http://usapangbarberohan.blogspot.com/2011/05/panitikan-pilipino-sa-modernong-panahon.html

Kamusta, Simulan natin ang linggo ng Usapang Barbero sa maka-pilipinong usapin. Sa panahon ng Moderno at Mateknolohiyang Panahon alam pa ba natin ang kahulugan at salitang "PANITIKAN" Sa pagkakatanda ko bihira ko na lang marinig at makabasa ng mga Alamat,Salawikain,mga tula,mga kasabihan,mga palaisipan at ang naaalala ko lang taong 1998 pa ako nakipag-bugtungan sa akin mga kaibigan bilang paglilibang. Nung pamasok ang Taong dalawang-libo bigla na lang nag labasan ang kung anu-anung gamit at mga iba't-ibang klase ng paglilibang na nakabase sa teknolohiya. Hal. na lang cellphone biglang umuso ang text, nauso din ang mga laro tulad ng counterstrike at ragnarok. Sa panahon din yun unti-unti ng nawawala sa kaisipan ng bawat Pilipino ang salitang "PANITIKAN" maririnig na lang natin siguro ngayon ang salitang "PANITIKAN" sa loob ng eskwelahan at mababasa sa mga libro. Ano nga ba ang ibig sabihin ng "PANITIKAN" Ang Panitikan ay pagpapahayag ng damdamin ng isang tao. Ito ay bunga ng kaniyang mga naging karanasan, namasid, pangitain o imahinasyon. Ang pahayag ay batay sa sariling lagay ng kalooban ng tao, tulad ng galak o lungkot, pag-asa, panlulumo, paghanga, galit, katiwasayan at pagbalik sa nakaraan.

Ikaw sa pagkakatanda mo kailan ka huling bumasa ng Alamat,Epiko, Maikling Kwento at makipagbugtungan!?..Nakapanood ka na bang Moro-Moro,Balagtasan at Korido!?..hindi mo na matandaan di ba!?..kesa nga naman magbasa ng mga Alamat at kung anu-anu pa. Mas maganda siguro magbasa na lang ng mga text na galling sa mga kaibigan , kesa magbasa ng mga salawikaineh di magbasa na lang ng mga sweet quotes,bastos quotes at kung anu-anu pa. Kesa magbasa ng mga Epiko at maikling kwento sa panahon ngayon mas masarap magbasang mga Wall post sa FB, manuod ng mga Video sa Youtube. Kesa manuod ng Moro-moro at balagtasan manunuod na lang ng Fliptop sa Youtube (Modern Balagtasan Kuno). Kesa manuod ng Awit at Korido manunuod na lang ng mga "Justin Bieber" Concert. Kesa makipagbugtungan maglalaro na lang ng Dota kasama ang mga kaibigan. Sa panahon ngayon ganyan na kaisipan ng mga Kabataang Pilipino parang wala ng halaga sa kanila ang mga kultara at sining natin mga Pilipino. Mas gusto pa nilang magtext mahapon-magdamag,maglaro ng computer games kahit di na kumain at maginternet ng walang katapusan. Sa ganyan pagiisip masasabi mo ba na isa kang Proud Na Pilipino!? hindi di ba!?.."Dahil ang Tunay na Pagmamahal sa isang Bansa ay ang Pagyakap sa Pinagmulan at Kultura nito"Kung MAHAL MO ANG PILIPINAS dapat SA ISIP SA SALITA AT SA GAWA.

MAKABAGONG PANITIKANG FILIPINO, HATID NG WATTPAD SA KABATAANG PILIPINOnina Celina Bianca de ChavezBiglang tumulo ang luha ni Elsa nang maramdamang muli ang kalungkutan bunsod ng unti-unting paglalamig ng relasyon nila ni Xander. Sa hinaba-haba ng kanilang relasyon, hindi niya mawaring hindi sa simbahan ang tuloy nito. Daig pa niya ang pinagsakluban ng langit at lupa nang nagtapos ang kanilang pag-iibigan sa di inaasahang panahon. Nais niyang humagulgol at magalit sa mundo sa sakit na dulot ni Xander. Nawalan ng kahulugan ang kanyang buhay at hindi na niya mawari ang gagawin.Sa patuloy na pagpipighati, binuksan ni Elsa ang kompyuter at agad na nagtungot sinubukang magsulat ng kwento sa kanyang kinasanayang puntahang website- ang Wattpad. Kasimbilis ng pagpatak ng kanyang mga luha ang pagpuno niya sa mga pahina ng mga alaala.Pagkalipas ng ilang buwan, maraming nagbago kay Elsa. Nailathala ang kauna-unahan niyang librong hindi mapapantayan ang sayat swerteng ibinigay sa kanya. Isa na siyang sikat na manunulat na hinahangaan ng marami. Sa pagkakataong ito, paano nga ba binago ng Wattpad ang buhay ni Elsa? Tarat sulyapin natin ang isang makabagong anyo ng panitikang nagpapakilala nang lubusan sa ating kontemporaryong kultura.Gamit ang makabagong teknolohiyaUnti-unting pinapantayan ng Wattpad ang mga mas kilalang social networking sensation na Facebook, Twitter, at Instagram dahil sa nagiging daan ito upang makilala ang mga Pilipinong manunulat. Pumatok sa panlasa ng maraming Pilipino ang mga nobela at maikling kwentong nailalathala rito, kung kayat marami ang nahihikayat na magsulat sa Wattpad. Sa panayam ngAng Pahayagang Plaridel (APP)kay Kristel Tan, International Manager ng Wattpad sa Pilipinas, hindi nila pormal na ikinampanya ang site sa Pilipinas kayat hindi nila inaasahan ang kasikatang taglay nito ngayon sa bansa. Much of our organic growth can be credit to word of mouth and the network effect, pahayag niya.Nagsisilbing tulay ang Wattpad sa mga manunulat upang maibahagi nila ang kanilang kwento sa maraming mambabasa. Ayon kay Tan, mahigpit ang alituntuning ipinatutupad ng Wattpad hinggil sa paglalathala ng gawa upang matiyak na orihinal ang mga ito. Wattpad has copyright filters in place that detect most cases of copyright infringement or plagiarism, as well as a Support Team that handles reports involving copyright and plagiarism, paglalahad niya.Isang malaking hakbang tungo sa inobasyon ang kanilang nakamtan nang mabigyan sila ng pagkakataong tumuntong sa print media. Inilahad ni Tan saAPPna sinimulan ito nang mailathala ang Diary ng Panget ni HaveYouSeenThisGirl (Paulyn Ides). Their (administration) decision [with PSICOM to take a leap of faith to have print media] proved to be fruitful, with Diary ng Panget solidified as both a bestselling novel and summer blockbuster hit, pahayag niya. Bunsod nito, matutunghayan na rin ang mga kwentong minsang naisulat sa Wattpad na naka-imprenta sa libro, patuloy na hinahangaan at binibigyang papuri.Kwentong nagbibigay inspirasyon sa sambayanang PilipinoSa patuloy na pamamayagpag ng Wattpad sa madla, kabi-kabilang grupo ng taga-suporta ang nagpapahayag ng pagmamahal nila sa nasabing site. Ibinahagi saAPPni Abby Losantas, Wattpad Ambassador, ang inspirasyon sa walang humpay na pagsuportang kanyang ibinibigay sa lahat ng bumubuo ng Wattpad. Makikita mo na may potensyal yung mga nagsusulat doon sa Wattpad kahit bata pa. So, yung Wattpad na yung method of publishing [para makilala sila], pahayag niya. Aniya, nagkakaroon ng online community na nag-oorganisa rin ng pagtitipon upang makilala ng mga mambabasa ang mga manunulat sa Wattpad. Nagkakaroon ng meet-ups [ang manunulat at mambabasa], at doon nabubuo yung friendship and bond namin. Kaya walang wall sa pagitan ng reader and author, paglalahad niya.Patuloy ang suportang ibinibigay ng Wattpadders sa mga akda dahil sa ugnayan ng mga mambabasa at manunulat. Gayunpaman, walang katiyakan kung paano tuluyang magmamarka ang bawat akda sa maraming mambabasa. Ayon kay Aly Almario, manunulat ng Break the Cassanovas Heart, ibinahagi niyang patok sa panlasa ng kabataan ang pagiging payak at magaan ng mga istoryang matatagpuan sa Wattpad. Hindi masyadong mabigat ang twist [ng mga kwento]. In that way, nakaka-relate sila (kabataan). Nailalagay nila ang kanilang sarili sa paa ng characters, pahayag niya.Hindi sapat ang nilalaman ng bawat kwento upang mapukaw ang interes ng karamihan sa pagtangkilik at pagbasa rito. Sa katunayan, nararapat lang ang pagbibigay halaga sa bawat aspekto ng pagsulat dahil ito ang susi sa atensyon ng madla. Ibinahagi ni Paulyn Ides (HaveYouSeenThisGirl), manunulat ng sikat na librong Diary ng Panget, saAPPna walang saysay ang magandang balangkas kung hindi ito nasusulat sa paraang angkop sa panlasa ng madla. Bukod sa isang magandang balangkas, kailangan mayroon din [itong] magandang paraan ng pagsusulat, nakakaakit na pagsasalaysay ng kwento at [dapat] puno ng emosyon ang isang magandang kwento, paliwanag niya.Para sa mga naghahangad na makilala sa mundo ng panitikan, ipinahayag ni Ides ang kahalagahan ng Wattpad upang masungkit nila ang bituing nararapat sa kanila. Nakatutulong ang Wattpad sa paghihikayat sa mga manunulat na ilabas ang kanilang mga akda at kanilang mga talento sa pagsusulat- para itong Youtube ng mga manunulat, sambit niya. Sa panayam ngAPPkay Jade Pitogo, Lasalyanong manunulat sa Wattpad at may-akda ng Three Words, Eight Letters, inilahad niyang nagsusulat siya dahil mahal niya ang pagsusulat. Nagsulat kami dahil passion namin yun at hindi naman namin inakalang magbubunga ng ganito (sumikat at mailathala). Kaya ang payo ko, Write to express, and not to impress, saad niya.Pagpapayabong sa panitikang PilipinoSa panahong nasa rurok ng katanyagan ang panitikang banyaga sa Pilipinas, palaisipan pa rin sa mga Pilipinong manunulat kung paano ibabalik ang kinang ng panitikang Filipino. Sa pamamagitan ng Wattpad, tila nabuhay ito sa paraang angkop sa nagbabagong panahon. Tradisyonal man o moderno, makatatagpo ang isang mambabasa ng istoryang pupukaw sa kanya rito. Nagsilbing inspirasyon ang Wattpad upang mabuhay ang pagmamahal ng kabataan sa pagbabasa, at mabigyan ng pagkakataon ang mga manunulat na mailathala ang kanilang mga akda. Binibigyan ng Wattpad ang mga Pilipinong manunulat ng oportunidad na ipakita at ibahagi ang kanilang talento. Matutunghayan sa bawat likha ang identidad ng isang manunulat na siyang salamin ng mayamang kulturang kanyang tinataglay.