desaparesidos original

10
DESAPARESIDOS PAMAGAT TAON NG PAGKAKASULAT : 1998 MAY-AKDA : LUALHATI BAUTISTA KAHULUGAN NG PAMAGAT BAGO AT PAGKATAPOS MAG BASA Desaparesidos, hindi ko maintindihan ang pamagat ng nobela ni Gng. Lualhati Bautista, ang aking hula sa umpisa ay ibig sabihin nito ay desperado at dahil may s sa dulo ay madaming desperadong tao ang ibig sabihin nito. Tama pala ang aking hula, ang hukbong kinabibilangan ng mga tauhan sa nobela ay mga desperadong makamtan ang kalayaan n gating bansa nuong panahon ng martial law. TAUHAN Anna o ka leila- ina na pilit hinahanap ang anak na si malaya sa napakahabang panahon. Isang NPA Ronildo o ka roy- isa ring NPA at napangasawa ni anna na naging triggerman ng kilusan. Karla- kasamahan na pinaghabilinan ng anak ni anna.

Upload: dyenniepoh2000

Post on 30-Oct-2014

2.653 views

Category:

Documents


3 download

TRANSCRIPT

Page 1: Desaparesidos Original

DESAPARESIDOS

PAMAGAT

TAON NG PAGKAKASULAT : 1998

MAY-AKDA : LUALHATI BAUTISTA

KAHULUGAN NG PAMAGAT BAGO AT PAGKATAPOS MAG BASA

Desaparesidos, hindi ko maintindihan ang pamagat ng nobela ni Gng.

Lualhati Bautista, ang aking hula sa umpisa ay ibig sabihin nito ay desperado

at dahil may s sa dulo ay madaming desperadong tao ang ibig sabihin nito.

Tama pala ang aking hula, ang hukbong kinabibilangan ng mga tauhan sa

nobela ay mga desperadong makamtan ang kalayaan n gating bansa nuong

panahon ng martial law.

TAUHAN

Anna o ka leila- ina na pilit hinahanap ang anak na si malaya sa

napakahabang panahon. Isang NPA 

Ronildo o ka roy- isa ring NPA at napangasawa ni anna na naging

triggerman ng kilusan. 

Karla- kasamahan na pinaghabilinan ng anak ni anna. 

Jinky- asawa ni karla na pinatay ng mga kasamahang NPA dahil ito ay

nagtaksil sa kilusan 

Lorena o Lorie- anak ni anna at roy. 

Page 2: Desaparesidos Original

Emmanuel o Emman - kaibigan ni lorena simula pa noong bata pa sila

nang iwanan si lorena sa ibat- ibang bahay. 

Malaya- anak ni anna na nawalay sa kanya at kinupkop ni Karla sa loob ng 21 taon. 

BUOD

Nagumpisa ang kwento sa panahon ng martial law at sa pagkawala ng

asawa ni Leila na si Nonong. Si Nonong ay nahuli ng mga sundalo at pinatay

idinisplay ang kanyang Bangkay sa plasa ay siniguro ni Leila na si nonong na

kanyang asawa nga ito at ipinaalam sa mga magulang ni nonong upang

makuha ang bangkay. Subalit ang nanyari ay pinatay rin at pinahirapan ang

tatay ni nonong ng kukunin na nito ang bangkay sa mga sundalo.

Naiwan si Leila at ang kanyang 5 buwang gulang na sanggol na

pinangalanan niyang Malaya. Pinayuhan sila ng nakatataas na mas

magiging ligtas ang bata kung ito ay ihahabilin sa mga nasa labas na

kasamahan. Si Jinky ay isang lalaki na kasamahan nila Leila sa kilusan ay

nagmagandang loob na isama si Leila sa kanyang asawang 6 na buwang

buntis upang ito ang mangalaga sa bata habang sila ay nakikibaka para sa

kalayaan ng bansa.

Si Karla ang asawa ni jinky na 6 na buwang buntis ang nag alaga sa

anak ni Leila na si Malaya, at ang magiging anak ni Karla ay papangalanan

ding Malaya kapag ito ay nailabas na. laking pasasalamat ni Leila na bukal

sa kalooban ni karla ang arugain ang kanyang anak.

Page 3: Desaparesidos Original

Habang nakikibaka ang mga NPA ay nagkaroon ng leak sa loob ng mga

sundalo at lumabas ang pangalan ni Ka Roy , hinanap ng mga sundalo ang

pamilya ng mga Magdangal sa mga bayan na kanilang pinuntahan.

Natunton ng mga sundalo ang mga magulang ni ka roy at bago pa may

madamay na iba ay umamin na si Mang Kardo na anak niya si Roy , sinunog

ang kanilang tahanan at lahat ng miyembro ng pamilya ay pinatay kahit ang

6 na taong gulang na si Nene.

Ang sumunod na eksena ay ang pagkakadakip kay Jinky at Leila ng sila

ay bumaba upang tingnan ang kalagayan ni karla at Malaya. Si Leila ay

ginahasa ng mga sundalo at walang sinabi na kahit anong impormasyon sa

mga sundalo, subalit si Jinky at nakipag ugnayan sa mga sundalo at nagturo

ng mga kasamahan.

Si Lito at si Roy ang unang nahuli ng mga sundalo at pinaglaban sila.

Naaawa si roy sa nangyayaring pagsusuntukan nila ni lito subalit wala siyang

magawa utos iyon ng mga sundalo at sila ay dinakip.

Ng natapos ang labanan ng mga Amerikano, ang tumulong upang

matapos ang martial law.

Pinalaya si roy at Leila. Si Leila ay ginamit na ang tunay niyang

pangalan na anna at nagkaroon sila ng pag-big ni roy, nagbunga ito ng isang

anak si lorena. Subalit kailangan pa rin nilang iwan si lorena noon upang

makibaka.

Page 4: Desaparesidos Original

Nagkaroon ng people power, napaalis ang pamilya marcos patungong

Hawaii at ang mga nakulong sa ilalim ng martial law ay pinalaya.

Nakasama na nila Roy at anna si Leila subalit malayo ang loob nito sa

kanila sapagkat may hadlang ang kanilang komunikasyon. Iniisip pa rin ni

Leila ang kanyang anak na si Malaya.

Pinuntahan ni Anna at Roy ang mga magulang ni jInky at nalaman ditto

na nagpunta si Karla bago ito umalis papuntang Canada kasama si Malaya

na apo nila.

Nagkaroon ng problema sina Anna at Roy sa anak nilang si Lorie sa

pagiging mapanghinala nila na maaring mawala o madukot ang kanilang

anak ay nasasagi na nila ang privacy ng kanilang dalagita.

Nagkita si Leila at Malaya sa di inaasahang pagkakataon. Hinimatay si

Leila ng malaman ang kwento ni Malaya at humiling siya na makipagkita kay

Karla. Sa ikalawang pagkakataon ng kanilang pagkikita, inamin naman ni

Karla na si Malaya ang anak ni Leila at ang kanyang ipinagbubuntis noon ay

namatay. Inako niyang anak si Malaya at pinalaki itong mabuti at marangal.

Nagkakilala sina Lorie at Malaya at nalaman nilang sila ay magkapatid,

nalaman na ni lorie ang nararamdaman ng kanilang ina ng nawalay sa

kanyang Ate.

Page 5: Desaparesidos Original

Sa huli, ikinasal si Malaya at nagging isang buong pamilya na sina Roy,

Anna, Malaya at Lorie. Ang pagpapatawad at pagkalimot ng mga nakaraan

at pagkatuto sa buhay ang ang buklod sa kanila.

PAGSUSURING PANG NILALAMAN

SOSYAL / PANGKABUHAYAN

Ang kabuhayan na ipinakita sa loob ng nobela ay sadyang

napakahirap. Mga NPA o New Peoples Army ang mga tauhan sa nobela,

kung kayat umaasa sila sa mga kabuhayan sa bundok.

KULTURANG PILIPINO

Pinakita rito ang kulturang Pilipino sa pagpapahalaga sa pamilya at ang pagmamahal sa ating bayan.

PILOSOPIYANG PILIPINO

Kung ang ibon ay ikulong umiiyak ang bayan pa kaya. Kung kayat

lumaban ang mga tao at bumuo ng isang kilusan na naglalayong palayain an

gating bansa sa martial law.

Naglalayon ang samahan na tapusin na ang karahasan ng pamumuno

ng mga Marcos at maging demokratiyo angrepublika ng Pilipinas.

SIMBOLISMONG GINAMIT

Ang simbolismong ginamit ditto ay ang INA at MALAYA. Ang pagiging

ina ni Anna ay hindi natatapos sa pagsilang lamang niya sa mga ito. Siya ay

nananatiling ina kahit malayo sa kanyang anak at sinisikap niyang

matugunan ang kailangan ng kanyang anak na si Lorie. Malaya, ang

Page 6: Desaparesidos Original

pangalan ng unang anak ni Anna kay nonong ay simbolo ng pinaglalaban ng

mga NPA noong panahon ng martial law.

PAGSUSURING PAMPANITIKAN

DULOG

Ang Kalayaan ng bansa sa martial law an gaming pangunahing panuntuhan. Markismo

Tulungan nio po ako diyos ko si Anna poi to mahal kop o ito - romantisisimo

TEORYANG NANGIBABAW

Ang teoryang nangingibabaw sa nobela ay ang pagkakaroon ng

kalayaan n gating bansa at ang pagiging ina ni Anna sa kanyang anak na

nawalay.

KABUUAN

Ang kabuuan ng nobela ay umikot kay Ana o Ka Leila at sa kanyang

paghahanap sa anak na si Malaya at at pagiging Malaya ng bansa sa ilalim

ng Martial Law.

BISA SA ISIP

Nalaman ko na napakahirap palang mabuhay nuong panahon na iyon,

lalo na at ikaw ay kasali sa kilusang kinapapalooban ni Leila at ng mga

kasama niya. Dapat pala akong magpasalamat sa ngayon at ako ay

nabuhay sa isang malayang lipunan at hindi mahirap para sa mga

Page 7: Desaparesidos Original

mamamayan ngayon ang mabuhay ng walang pangamba na sila ay

dudukutin at maaaring mapatay ng mga sundalo.

DAMDAMIN

Naantig ako sa eksena na nagkita sina Karla at Anna, sa una nilang

pagkikita ay hindi inamin ni Karla na si Malaya ay hindi niya anak kundi kay

Anna. At dahil sa masakit na naramdaman, hindi nakapagisip ng tama si

Anna na si Malaya talaga ang kanyang anak. Naramdaman ko rin ang galit

ni Lorie sa kanyang mga magulang sapagkat ito ay hindi pa nakakawala sa

kanilang nakaraan na puno ng galit, takot at kaba.

Page 8: Desaparesidos Original

KAASALAN

Natutunan ko na pahalagahan ang mga bagay na meron ako ngayon.

Ang pagiging mababang loob at ang pagkakaroon ng malasakit sa kapwa

kagaya ng ginawa ni anna, hindi niya inisip ang sariling kapakanan subalit

ang kapakanan ng kilusan at ng buong bayan.

ISPIRITWAL AT MORAL

Katulad ng natutunan kong pagpapahalaga, natutunan ko rin na

maging maka Dios, sapagkat nasa panig pa rin nina Anna at Roy ang Dios at

sila ay nabuhay pa pagkatapos silang pahirapan ng mga sundalo, at hindi

nawalan ng saysay ang kanilang mga ipinaglalaban sapag lumaya ang

pilipinas sa martial law at sila ay nakakita ng kaginhawahan at kapayapaan.

Page 9: Desaparesidos Original

KONKLUSYON

Maganda ang nobela subalit may mga maseselang bahagi ito. May

mga mura ring napapaloob sa kwento pati na ang mga salitang maselan na

pang matatanda lamang. Maganda ang tema ng kwento tungkol sa pagiging

ina at pagiging isang Pilipino na nagnanais na lumaya sa martial law.

Ipinakita rito ang mga kahirapang naranasan ng mga Pilipino sa ilalim

ng Martial law.

Ang nobelang desaparesidos ay isang kwento na maaaring nangyari sa

totoong buhay noong panahon ng martial law.

REKOMENDASYON

Inirerekomenda ko ang nobelang ito sa lahat ng mga Pilipino na nais

malaman ang Martial Law at ang mga kwentong napapaloob ditto. Ang mga

mambabasa ay makaka pulot ng mga magagandang asal at aral sa

kwentong ito.