compiled recipes

24
COMPILATION OF LOW- COST, NUTRIENT- DENSE RECIPES FOR FILIPINOS This is a compilation of low-cost, nutrient dense recipes submitted and recommended by BS Community Nutrition students over the years. 1st Edition

Upload: agelvezon

Post on 14-Apr-2015

118 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

Page 1: Compiled Recipes

COMPILATION OF LOW-COST, NUTRIENT-

DENSE RECIPES FOR FILIPINOS

This is a compilation of low-cost, nutrient dense recipes submitted and

recommended by BS Community Nutrition students over the years.

1st Edition

Page 2: Compiled Recipes

1

List of Recipes 1. Malunggay and Egg soup .......................................................................................................................... 2

2. Ginataang Baboy at Gabi .......................................................................................................................... 2

3. Nilagang Manok sa Malunggay ................................................................................................................. 3

4. Malunggay Shanghai Rolls ........................................................................................................................ 4

5. Tokwa’t Malunggay ................................................................................................................................... 5

6. Chicken Sopas with Malunggay................................................................................................................. 6

7. Lumpiang Bangus ...................................................................................................................................... 7

8. Dried Sardines Sandwich Spread .............................................................................................................. 8

9. Karne, Gulay, at Patatas Keyks .................................................................................................................. 8

10. Adobong Laman Loob ng Manok ............................................................................................................ 9

11. Tinola tilapia at alugbati leaves ............................................................................................................. 10

12. Sopas de Pollo ....................................................................................................................................... 10

13. Sopas ng manok na may mais at abitswelas ......................................................................................... 11

14. Tortang Atay ng Baboy (sopas) ............................................................................................................. 12

16. Tuna & Liver Rice Combo ...................................................................................................................... 13

18. Bon’s Chicken Balls (4-5 servings) ......................................................................................................... 14

19. Adobong Pugo (4-6 servings) ................................................................................................................ 16

20. Chicken with Corn and Malunggay ....................................................................................................... 16

21. Kagyos na may halong Puso ng Saging at Manok ................................................................................. 18

22. Misua-Patola Soup with Amplaya ......................................................................................................... 18

23. Liver ala Cubana .................................................................................................................................... 19

25. Adobong dahon ng sayote .................................................................................................................... 20

26. Paksiw na talong ................................................................................................................................... 21

27. Fish Omelet ........................................................................................................................................... 21

27. Crispy Kangkong .................................................................................................................................... 22

28. Lumpiang Galunggong .......................................................................................................................... 22

Page 3: Compiled Recipes

2

1. Malunggay and Egg soup

from http://www.choosephils.com/read_post.php?cat=food&id=361

This recipe of malunggay soup is not just for lactating moms but it's good for kids as well

1 cup malunggay leaves, rinsed

Eggs (as many as desired)

1 pc garlic, minced

1 pc onion, minced

1 pc ginger, minced

1 tsp oil

salt and pepper

Procedure:

1. Saute garlic, onion, ginger in oil as well as malunggay leaves.

2. Put water and wait till it boils.

3. Put the egg, diced chicken may also be added.

4. Add seasoning if desired.

2. Ginataang Baboy at Gabi

From Ances Mulles, MJ Grageda, Joseph Vicencio, Daryl Dy

(Para sa 4 na tao)

Mga Sangkap Sukat Baboy (pata) 240 g baboy

Mantika 2 tbsp Luya 2 tsp minced Asin 1 tsp

Paminta 2 tsp Gata (Coconut Milk) 2 cups

Bawang 5 cloves Sibuyas, puti 1 whole

Dahon ng gabi 1 bundle Tubig 1/4 cup

Page 4: Compiled Recipes

3

Pamamaraan:

1. Una, pakuluaan sa tubig ang pata ng baboy ng mga sampung (10) minuto.

2. Ikalawa, igisa ang bawang, luya at sibuyas sa isang kaserol. Pagkatapos, idagdag ang pata ng

baboy at haluin.

3. Sunod, isama ang mga dahon ng gabi sa kaserol.

4. Pagkatapos, ihalo ang gata at pakuluan ito kasama ang mga naunang sangkap ng mga labing

limang (15) minuto.

4. Idagdag at ihalo ang asin at paminta, at pakuluan muli ito ng mga labing limang (15) minuto.

5. Sa wakas, ihain ito kasama ng mainit na kanin.

3. Nilagang Manok sa Malunggay

From Ances Mulles, MJ Grageda, Joseph Vicencio, Daryl Dy

(Para sa 5 tao)

Mga Sangkap Sukat Manok 1 kg

Sibuyas, puti 1 whole pc Tubig 8 cups

Bawang 1 whole Asin at Paminta To taste

Repolyo 1 whole Malunggay 1 bundle

Kalabasa ¼ squash Patis 2 tbsp

Pamamaraan:

1. Una, ilagay ang manok, sibuyas at tubig sa isang kaserol. Pakuluan at hinaan ang apoy ng mga

dalawangpung (20) minuto.

2. Sunod, idagdag ang kalabasa at haluin sa mahinang apoy ng mga sampung (10) minuto. Ihalo

rin ang asin, paminta at patis upang magdagdag ng lasa.

Page 5: Compiled Recipes

4

3. Pagkatapos, idagdag na ang manlunggay at repolyo, at haluin ng mga (3) tatlong minuto.

4. Sa wakas, ihain ito kasama ang mainit na kanin.

4. Malunggay Shanghai Rolls

From Arra Aguilar, Dale Sy, Zyera Prieto, Raquel Tamondong

(Para sa 5 tao (4 na piraso kada tao))

Mga Sangkap:

¼ kilo giniling na baboy

1 sibuyas, gayat nang malilit

4 piraso ng bawang

1 pirasong carrot, gayat nang maliliit na parisukat

1 itlog

1/3 tasang harina

2 kutsaritang asin

30g Tomato sauce

40g (1 tasa)Malunggay

20 pcs lumpia wrapper

Paraan ng Pagluluto:

1. Sa isang mangkok, ihalo ang baboy, sibuyas, bawang, carrots, harina, itlog, tomato

sauce, at malunggay.

2. Lagyan ng asin, pampalasa.

3. Ilagay sa lumpia wrapper at isara ang mga gilit sa pamamagitan ng paglalagay ng tubig.

4. Iprito sa maraming mantika.

5. Ihain kasama ng suka o ketchup.

Page 6: Compiled Recipes

5

5. Tokwa’t Malunggay

From Arra Aguilar, Dale Sy, Zyera Prieto, Raquel Tamondong

(Para sa dalawang tao)

Mga Sangkap:

2 tasang malunggay (dahon)

½ tasang tokwa, hiwain at iprito

1 sibuyas, gayatin

2 butil ng bawang

1 kutsarang toyo

2 kutsarang arina, haluan ng tubig

Asin, ilagay ayon sa panlasa

Paraan ng pagluluto:

1. Painitin ang mantika, ilagay ang bawang hanggang sa magkulay ginto ito. Ihalo ang

sibuyas at piniritong tokwa.

2. Lagyan ng dalawang tasang tubig. Isalin ang toyo. Pakuluin, haluin paminsan-minsan.

3. Ihalo ang malunggay. Isalin ang arinang hinalo sa tubig upang palaputin ang sarsa.

Haluin nang tuluy-tuloy para hindi ito magbuu-buo.

4. Tikman kung tama na ang lasa. Timplahan ng asin para umayon sa panlasa.

5. Ihain habang mainit.

Page 7: Compiled Recipes

6

6. Chicken Sopas with Malunggay

From Arra Aguilar, Dale Sy, Zyera Prieto, Raquel Tamondong

(Para sa apat na tao)

Mga Sangkap:

3 kutsara butter

1 medium onion, diced

½ kg chicken breast, boneless, diced

5 tasa tubig

2 chicken cubes

2 tasa elbow macaroni

¾ tasa carrots, diced

¾ tasa malunggay

¾ tasa gatas

Asin at Paminta

¾ tasa repolyo, shredded

Pamamaraan:

1. Initin ang malaking kaldero at ilagay ang butter hanggang matunaw. Idagdag and onions

at lutuin hanggang malambot. Ilagay ang manok at lutuin (3-5 minuto). Lagyan ng asin at

paminta. Ilagay ang tubig at chicken cubes tapos pakuluin. Ilagay ang gatas at painitan

muli (15-20 minuto).

2. Ilagay ang elbow macaroni at pakuluin ng 8 minuto. Dagdag ang carrots at malunggay at

painitan ng 3 minuto. Ilagay ang repolyo at pakuluin muli.

3. Ihain sa tasa.

Page 8: Compiled Recipes

7

7. Lumpiang Bangus

From Arra Aguilar, Dale Sy, Zyera Prieto, Raquel Tamondong

(Para sa 2 na tao)

Mga Sangkap:

150 grams hinimay na bangus (pwedeng gamitin ang ‘left-over’)

1 medium kamatis, diced

1 medium sibuyas (pula), diced

1 hilaw na mangga, diced

1-1/2 kutsara bagoong

1 kustara ng wansuy, pino ang pagchop

1/2 kutsarita Paminta

Lumpia Wrapper

Cooking Oil

Pamamaraan:

1. Sa isang tasa, ihalo ang hinimay nab angus, kamatis, sibuyas, manga, bagoong, at

wansuy. Dagdagan ng kaunting Paminta.

2. Ibalot ang mixture ng bangus sa lumpia wrapper, at iprito sa mainit na langis. I-ahon sa

langis at ipatulo ang langis ng saglit.

3. Makakagawa ng 10 piraso

4. Maaaring ihain ng may banana ketchup.

Page 9: Compiled Recipes

8

8. Dried Sardines Sandwich Spread

From PAN-Alpha

(Para sa 3 tao)

Mga Sangkap:

2 tuyo (sardinas)

4 kutsarang sandwich spread o mayonnaise

¼ Sibuyas (opsiyunal), tinadtad

Kalahating nilagang itlog

Paminta (pangpalasa)

Pamamaraan:

1.) Iprito ang tuyo tapos palamigin. Kapag malamig na, himayin upang walang tinik na

sumama.

2.) Ihalo ang hinimay na tuyo sa sandwich spread pagkatapos ay haluing mabuti. Kung

nais, samahan ng sibuyas para mas malasa.

3.) Balatan ang nilagang itlog. Pagkatapos ay ihalo sa sandwich spread na may tuyo.

Haluin ng mabuti.

4.) Lagyan ng paminta hanggang sa nais na lasa.

5.) Ipalaman sa tinapay o itago sa ref.

9. Karne, Gulay, at Patatas Keyks

From Martin Ilustre, Sofia Naval, Ivan Zapanta, Sam Siahetiong

(Para sa 10 tao) Mga sangkap: 1 katamtamang hati ng kalabasa ½ kilo patatas ½ tali ng kangkong 1 maliit na carrots ½ tali ng sitaw 1 maliit na sachet ng cheddar cheese 3 kutsara breadcrumbs

Page 10: Compiled Recipes

9

2 kutsara corn oil 10 piraso ng hita ng manok Pamamaraan:

1. Palambutin ang kalabasa at patatas ng limang minuto. 2. Pakuluan ang spinach, carrots at sitaw ng 2-3 minuto hangang maluto. Tanggalin ang

tubig at ilagay sa mangkok. 3. Durugin ang patatas at kalabasa gamit ang tinidor. Ihalo ang carrots, sitaw at spinach

kasama ng cheese sa isang mangkok. 4. Tanggalan ang manok ng buto at lutuin ito sa kawali. Isama ang mga ito sa mangkok ng

gulay at patatas. 5. Sa isang plato, maglagay ng breadcrumbs. Kumuha ng isang kutsara nung mga gulay,

gawing bilog at ilagay sa plato ng breadcrumbs. 6. Lagyan ng corn oil ang kawali at lutuin ang mga ito hangang maging brown mga ito.

10. Adobong Laman Loob ng Manok

From Martin Ilustre, Sofia Naval, Ivan Zapanta, Sam Siahetiong

(Para sa 3 tao)

Mga sangkap: ¼ tasa ng laman loob ng manok suka 2 hati ng bawang dahon ng laurel 2 kutsara ng toyo asin paminta 1 kutsara mantika kalamansi ¼ tasa water Pamamaraan:

1. Timplahan ang atay ng toyo, kalamansi, asin at paminta. 2. Pakuluan ng isang oras. 3. Pagkatapos ay prituhin ang atay na hindi kasama ang sabaw niya, wag itapon ang timpla. 4. Habang ginigisa ang atay ihalo ang bawang at sibuyas. 5. Ihalo ang timplahan at ang tubig. 6. Lutuin hanggan lumapot

Page 11: Compiled Recipes

10

11. Tinola tilapia at alugbati leaves

From Martin Ilustre, Sofia Naval, Ivan Zapanta, Sam Siahetiong

(Para sa 10 tao) Mga sangkap: ½ kilo ng Tilapia 2 hati ng bawang 1 katamtamang laki na Sibuyas 1 hinlalaki ng Luya 1 tasa ng sayote 4 kutsara ng Corn oil 1 broth cube 1 tali ng kangkong 1 tali ng alugbati leaves Pamamaraan:

1. Magpakulo ng dalawang litrong tubig sa kaldero at ilagay ang broth cubes dito. 2. Sa isang kawali, igisa ang bawang, luya at sibuyas. 3. Idagdag ang chayote at tahong sa pagigisa. 4. Isama ang mga ito sa kaldero ng stock ng manok. 5. Kapag kumulo na ang sabaw, ilagay na ang tilapia hangang sa maluto ito. 6. Patayin ang apoy at idagdag ang kangkong at alugbati.

12. Sopas de Pollo

From Martin Ilustre, Sofia Naval, Ivan Zapanta, Sam Siahetiong

(Para sa 5 tao)

Mga sangkap:

250g laman loob ng manok 2kutsara mantik 1 ulo ng bawang 1 sibuyas na puti 5 tasas chicken broth

Page 12: Compiled Recipes

11

1 ½ kutsarita ng asin ½ can ng 250ml evaporated milk Pamamaraan:

1. Hiwain ng pino ang laman loob ng manok. 2. Maglagay ng 5 tasa ng tubig sa isang kaldero at maglagay ng isang chicken broth cube. 3. Sa ibang kaldero igisa sa mantika kasama ng bawang, sibuyas at laman loob. Isalin ang

mga ginisa sa sabaw at pakuluan. 4. Bago ihain ilagay ang evaporated milk. Haluin ng mabuti at pwede ring ihain kasama ng

tinapay.

13. Sopas ng manok na may mais at abitswelas

From Issa Abelita, Maru Tinio, Trisha Garcia, Nicole Duran (Para sa 1 tao) Mga sangkap:

3 pirasong maliliit na galunggong

1 kutsaritang asin

2 pirasong kalamansi

1/3 tasang mantika

1/3 pirasong itlog na maalat

½ pirasong hiniwang mangga

2 pirasong maliit na kamatis

1 pirasong maliit na sibuyas Pamamaraan:

1. Linisan ng mabuti ang galunggong. Budburan ng asin at kala-mansi. 2. Magpainit ng kawali. Ilagay ang mantika at painitin ito. 3. Iprito ang galunggong hanngang sa maluto. 4. Palamigin. 5. Himayin ang laman at tanggalin ang mga buto. 6. Sa isang mangkok, ihalo ang mangga, kamatis at itlog na maalat at lagyan ng patis 7. Ilipat sa isa pang lalagyan at ilagay sa taas ang piniritong isda.

Page 13: Compiled Recipes

12

14. Tortang Atay ng Baboy (sopas)

From Issa Abelita, Maru Tinio, Trisha Garcia, Nicole Duran (Para sa 4 na tao) Mga sangkap:

1 kutsarang mantika

1 kutsarang hiniwang sibuyas

1/2 guhit ng atay ng baboy

½ pirasong maliit na karots

2 pirasong maliit na itlog

Pamamaraan:

1. Painitin ang kawali. Ilagay ang 1 kutsaritang mantika. 2. Kung sapat na ang init ng mantika, igisa ang sibuyas. 3. Sunod na ilagay ang karots. 4. Ihalo pagkatapos ang dinurog na atay ng baboy. 5. Haluin hanggang sa maluto ang atay at carrots. Patayin ang apoy. 6. Sa isang mangkok, batihin ang itlog. 7. Ihalo dito ang nilutong atay ng baboy at karots. 8. Magpainit muli ng kawali. Ilagay ang 1 kutsarang mantika. Painitin. 9. Ilagay ang binating itlog. Hayaang mabuo nito ang hugis bilog. 10. Iluto hanggang sa mamula.

15. Sinabawang Tapa From Gem Narvaez, Jemellie Azuela, Mae-Mae Buhat, Soraya Escandor (Para sa 4 na tao) Mga Sangkap:

4 piraso tinapa, hinimay

1 tasa talbos ng camote, hinimay

4 butil bawang

4 kutsarita sibuyas

4 kutsarita mantika

4 tasa ng tubig

asin

Page 14: Compiled Recipes

13

Pamamaraan:

1. Magpainit ng mantika sa kawali at magtosta ng bawang, hanguin. 2. Sa perohong kawali, igisa ang bawang at hinimay na tinapa. 3. Sabawan at timplahan ng asin. 4. Pakuluin ng 2 minuto. Isama ang talbos ng amplaya. 5. Hanguin sa apoy at ihain ng mainit.

16. Tuna & Liver Rice Combo

From PAN-Alpha Mga Sangkap:

1 lata ng tuna, tanggalin ang mantika

2 lata ng liver spread

4 tasa ng kanin (luto)

½ tasa ng sibuyas, pula, hiniwa-hiwa

1 kutsara ng bawang, tinadtad

1 kutsara ng luya, tinadtad

1 kutsarita ng mantika

Asin

Paminta

Pamamaraan: 1. Initin ang mantika sa pan o wok. 2. Igisa ang bawang at sibuyas. 3. Idagdag ang tinadtad na luya. 4. Isama sa gisa ang tuna. 5. Idagdag ang kanin. Ihalo ang lahat ng mabuti. 6. Idagdag ang liver spread at muling haluin ng mabuti. Siguraduhing pantay-pantay ang distribusyon ng rekado. 7. Magdagdag ng asin at paminta ayon sa palansa.

17. Paksiw na Tiyan ng Tilapia From PAN-Alpha (Para sa 6 na tao) Mga Sangkap:

1 kilo tiyan ng tilapia

½ ulo ng bawang

Page 15: Compiled Recipes

14

1 hinlalaki ng luya

1 katamtamang sibuyas

¼ cup suka

3 buong siling tagalog

1 maliit na ampalaya

2 maliit na talong

2 tbsp mantika Pamamaraan:

1. Linisin ang Tilapia at hiwain ng pahalang 2. Sa isang kaserola, ilagay ang bawang, sibuyas at luya 3. Inhanay ang tilapia na magkatabi 4. Idagdag ang 1 tasa ng tubig at ¼ tasa ng suka 5. Isunod ang gulay, siling tagalog at paminta 6. Lagyan ng asin at mantika 7. Takpan at pakuluan ng mga 8-12 na minuto 8. Ihain kasama ng mainit na kanin

18. Bon’s Chicken Balls (4-5 servings)

From PAN-Alpha (Para sa 4-5 katao) Mga sangkap:

3/4 tasang tinadtad na nilagang manok

1/2 kutsaritang asin

1/2 kutsaritang puting asukal

1/2 kutsaritang toyo

1/4 kutsaritang mantika

Paminta (pangpalasa)

2 kutsaritang harina

2 kutsaritang kerots (carrots)

1 kutsaritang dahon ng malunggay

1 kutsaritang dahon ng kangkong Pamamaraan:

1. Pagsamasamahin lahat ng sangkap sa isang lalagyan at haluin ng maigi. 2. Hatiin sa siyam na parte ang ginawa pagkatapos ay bilugin. 3. Pagkatapos ay iprito sa mainit na mantika kung saan ay lubog ang ginawang bilog.

Page 16: Compiled Recipes

15

4. Ihain habang mainit. Para mas sumarap, pwedeng isawsaw sa sweet chilli na sawsawan.

Page 17: Compiled Recipes

16

19. Adobong Pugo (4-6 servings)

From PAN-Alpha

(Para sa 4-6 na katao) Mga Sangkap:

1 kg. quail, natanggalan ng buto

1 tsp. pounded peppercorn

3 tbsp. bawang

2 tbsp patis

1/2 cup suka

1/2 cup tubig

1/2 cup olive oil Pamamaraan:

1. Timplahan ang pugo sa asin, paminta, bawang, asin at paminta ng 30 mintuo. 2. Lutuin ang pugo sa tubig at suka ng 30 minuto 3. Iwanan hanggan lumapot ang sabaw. 4. Painitin ang olive oil at lutuin ang bawang 5. Ihain kasama nung bawang

20. Chicken with Corn and Malunggay

From PAN-Alpha Mga Sangkap:

1 medium manok, cubed

2 cloves bawang, crushed

1/2 sibuyas, medium size

1 cup fresh corn from cob

5 cups tubig

4 tbsps. lard

1/2 cup malunggay leaves, washed and sorted

2 or 3 tbsps. patis Mga Sangkap:

1. Initin ang lard sa saucepan at igisa ang bawang, sibuyas, mais at manok 2. Idagdag ang patis, takpan at pakuluin 3. idagdag ang tubig and lutuin hanggan lumambot ang manok 4. idagdag ang dahon ng malunggay, takpan at lutuin ng 2 minuto pa

Page 18: Compiled Recipes

17

5. Ihain ng mainit

Page 19: Compiled Recipes

18

21. Kagyos na may halong Puso ng Saging at Manok

From PAN-Alpha

(Para sa 3-4 na tao) Mga Sangkap:

1 tasang patani

1 puso ng saging (na wala pang bulaklak)

½ ng isang manok

2 kutsarang mantika

3 kamatis na hinog

2 butil ng bawang

asin, panlasa Pamamaraan:

1. Pababanguhin ang bawang sa mantika. 2. Ilahok ang kamatis at dito igisa ang manok at kagyos, sariwa hangga’t maari. 3. Pagkaraan ng limang minute ay sasabawan ng dalawang basong tubig at bayaang maluto hanggang sa lumambot. 4. Bago ilahok ang puso ng saging ay gagayatin ng kasing-nipis ng papel, lamasin ng asin at alisin ang dagta at katas.

22. Misua-Patola Soup with Amplaya

From PAN-Alpha Mga Sangkap:

1 medium-sized patola, hiwain ng diagonal

1/2 tbsp garlic, durog

2 tbsp onions, nakahiwa

1/4 cup shrimps, nabalatan

4 cups broth

asin

paminta

mantika pang-gisa Pamamaraan:

1. Sa saucepan, igisa ang bawang at sibuyas

Page 20: Compiled Recipes

19

2. Idagdag ang mga hipon at nahiwang patola 3. Ibuhos ang sabaw o broth. Pakuluan 4. Timplahan ng asin at paminta. 5. Idagdag ang misua and lutuin ng 2-3 minuto

23. Liver ala Cubana

From Issa Abelita, Maru Tinio, Trisha Garcia, Nicole Duran Mga Sangkap:

• 200 g atay ng baboy, hiwain hanggang sa mag-ing kasing pino ng sisig • 200 g patatas, hiwain nang pa-cube • 135 g carrots, hiwain nang pa-cube • 1 lata ng gisantes (green peas) • 1 maliit na sibuyas, hiniwa nang maliit • 3 butil ng bawang, dinikdik • 3 ½ kutsarang corn oil • 1 kutsarang toyo • 5 itlog ng manok • 5 pirasong saging na saba

Paraan ng Pagluto: 1. Hiwain nang pahaba ang sag-ing na saba at i-prito. Isantabi muna. 2. Ilaga nang 10 minuto ang mga itlog ng manok. Pagkatapos ay isantabi rin. 3. Gisahin ang bawang at sibuyas. Ilagay na ang carrots at patatas. Kapag malambot na ang mga ito, ilagay ang atay ng baboy at timplahan gamit ng toyo. Is-unod na ang gisantes. Kapag ang mga ito ay luto na. Ilagay sa plato kung san inilagay ang mga isinantabing itlog and pri-tong hiwa ng saba.

24. Pancit Bihon Guisado Revised by Ances Mulles from http://panlasangpinoy.com/2009/03/10/pancit-guisado/ Mga sangkap:

1 lb pancit bihon (Rice Noodles)

1 cup carrot

½ lbs atay ng baboy, chooped

1/2 small cabbage, chopped

1 cup baguio beans

1 medium sized onion (sibuyas), chopped

1/2 tbsp garlic (bawang), minced

1 pc chicken cube

5 tbsp soy sauce (toyo)

Page 21: Compiled Recipes

20

3 to 4 cups water (tubig) Pamamaraan:

1. Ihanda ang pancit bihon (rice noodles) sa pamamagitan ng paglalagay nito sa tubig ng 10 minuto 2. Igisa ang bawang at sibuyas sa isang malaking kawali 3. Ihalo ang atay ng baboy at iluto ng 2 minuto 4. Ilagay ang chicken cube at tubig at pakuluan hanggang 15 minuto 5. Ihalo ang carrots, baguo beans, cabbage at pakuluan ng ilang minute 6. Tanggalin lahat ng sangkap sa kawali maliban sa tubig at itabi 7. Sa kawali na may tubig, idagdag ang toyo at haluin ng mabuti 8. Ilagay ang pancit bihon at haluin ng mabuti. Iluto hanggang mawala ang tubig 9. Ilagay ang mga tinabing sangkap at ihalo sa pancit ng 2 minuto 10. Ihanda ng mainit

25. Adobong dahon ng sayote

From Bianca Dualan, Miguel Yu, Ducielle Suarez, Krista Dela Cruz Mga Sangkap:

1 tasa ng dahon ng sayote

2 tbsps oil

1 tsp bawang na dinurog

1 tbsp sibuyas, nakahiwa

1/2 tasa tenga ng baboy, nakahiwa

3 tbsps toyo

5 tbsps suka

1 tbsp asukal

1 tsp patis

Paminta

asin Pamamaraan:

1. igisa ang bawang at sibuyas 2. ihalo ang tenga ng baboy, suka, at toyo 3. idagdag ang asukal 4. huling ihulog sa kalan ang dahon ng sayote at pakuluan hanggang maluto 5. lagyan ng asin at paminta ayon sa panlasa

Page 22: Compiled Recipes

21

26. Paksiw na talong

From Kevin Javier, Julian Laude, Ace Yu (Para sa 6 na tao) Mga Sangkap:

1 tasa ng gata ng niyog

½ tasang suka

1 kutsaritang paminta

2 kutsaritang asin

6 pirasong talong (Hiniwa ng katamtamang laki) Pamamaraan:

1. Pagsama-samahin sa isang kawali ang lahat ng sangkap maliban sa talong 2. Pakuluin at haluing mabuti nang hindi mamuo ang gata ng niyog 3. Idagdag ang talong at lutuin pa ng 15 minuto

27. Fish Omelet

From Kevin Javier, Julian Laude, Ace Yu (Para sa 6 na tao) Mga Sangkap:

2 kutsarang mantika para sa pagigisa

1 kutsarang bawang, tinadtad

2 kutsarang sibuyas, tinadtad

1 tasang hinimay na isda (tira-tira)

½ kutsaritang asin

Katiting na paminta

3 itlog, binate ng kaunti

4 kutsarang mantika, pamprito ng omelette Pamamaraan:

1. Igisa ang bawang, sibuyas at isda. 2. Budburan ng asin at paminta 3. Tanggalin sa kawali at palamigin 4. Idagdag ang itlog at haluin 5. Hatiin sa tatlong bahagi at iprito ang bawat isa.

Page 23: Compiled Recipes

22

27. Crispy Kangkong

From Kevin Javier, Julian Laude, Ace Yu Mga Sangkap:

4 na taling kangkong, nilinis

3 tasang gawgaw

5 tasang mantika

Vetsin

1 ½ tasang tubig

1 tasang harina

1 pirasong nilagang itlog, ginadgad Pamamaraan:

1. Linisin ang kangkong at kunin lamang ang mga dahon 2. Pagsamasamahin ang lahat ng sangkap maliban sa kangkong at mantika, sa isang

bowl at haluing mabuti. 3. Kunin ang mga dahon, isa-isang ilubog sa nagawang batter at prituhin sa mainit

na mantika hanggang sa magin malutong 4. Ilagay sa isang platong mayroong tissue upang masala ang mantika.

28. Lumpiang Galunggong

From Kevin Javier, Julian Laude, Ace Yu Mga Sangkap:

2 kutsarang Mantika

1 kutsaritang bawang, hiniwa sa maliliit na piraso

2 kutsarang sibuyas, hiniwa sa maliliit na piraso

1 tasang ng hinimay na pritong galunggong

2 kutsarang patis

1 ½ tasang kalabasa, hiniwang pahaba

½ tasang tubig

12 pirasong lumpia wrapper Pamamaraan:

1. Igisa ang bawang, sibuyas at galunggong. 2. Lagyan ng patis 3. Idagdag ang kalabasa at tubig at pakuluin 4. Alisin sa apoy at palimigin ng kaunti.

Page 24: Compiled Recipes

23

5. Kumuha ng dalawang kutsara ng natapos ng palaman at ibalot sa lumpia wrapper 6. Iprito hanggang sa maging golden-brown