compilation of short stories

Upload: vienna-marie-sambajon

Post on 03-Apr-2018

269 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

  • 7/29/2019 Compilation of Short Stories

    1/22

    1

  • 7/29/2019 Compilation of Short Stories

    2/22

    2

    Talaan ng Nilalaman

    Ang Lalakeng Nakaputi........3 Ang Love Story ng isang Halimaw..7 Bedsheet..................................................9

    SM (Soulmate at Secret Marriage).11 Sakit ng Kahapon.......................14 Pagasa para sa puso ni Tessie...16

  • 7/29/2019 Compilation of Short Stories

    3/22

    3

    Ang Lalakeng Nakaputi

    Madaling araw na namang nakauwi si Isabella sa kanyang up and down na pamamahay na siya,dalawang katulong at isang driver lamang ang nakatira. Malakas ang ulan sa labas, pero dahilnapayungan siya agad ng mga naghihintay na yaya, ni isang patak ay hindi siya nabasa. Isa iyon sa mgabatas niya sa bahay na ito, malaki naman ang pinapasahod niya sa katulong kung kaya naman ay

    handang handa ang mga ito na gawin ang anumang gusto niya.

    Magisa lang siyang nakatira sa bahay na iyon na sa Paranaque na may apat na kwarto at isangmaid's quarter, pamana pa ito sa kanya ng kanyang mga magulang, na nasa high school pa lang siyanang mamatay ang mga ito sa isang plane crash sa ibang bansa. Nag warm shower si Isabella sa isangbath tub na may scented candles pa sa paligid niya, pati tubig ay may mga fresh na rosas pa, syemprehinanda din iyon ng kanyang mga mahal na katulong, pagkatapos niyang maligo ay pinunasan siya ngtuwalya at inalalayan sa kwarto nito. "Iwan niyo na po ako." utos niya kay Yaya Marie.

    "Sige po Ma'am."

    At muli siya ay magisa na naman.

    Umupo siya sa harap ng kanyang salamin, kasabay noon ay isang kidlat na may kasamangmalakas na kulog. "Akala mo ba natatakot ako sayo? Tumigil ka nga diyan!" aniya sa panahon sa labasna para bang may kaaway. "Kung akala mo nasisindak na ako sa pakidlat kidlat mo ay nagkakamali ka,hindi ako takot sayo!"

    Walang sakit sa pagiisip si Isabella, kung yan ang inaakala niyo.

    Galit lang talaga siya sa Diyos, sa poong maykapal. Sa kataas taasan. Matinding matindi anggalit niya dito.

    Unang una hindi mo siya pwedeng husgahan sa mga oras na ito, iyon ay dahil, hindi mo pa alamang istorya ng buhay niya, at malamang kung negatibo man ang magiging pananaw mo sa kanya ay etoay dahil sa hindi mo pa napagdadaanan ang mga napagdaanan niya sa buhay.

    Walong taon na ang nakararaan...

    Malayong malayo ang Isabella noon sa ngayon. Ang Isabella noon ay isang mahinhing babae,masayahin, palangiti, positibo ang tingin sa mga bagay at laging iniisip ang kalagayan ng mga tao sapaligid niya. Gabi gabi pa siyang nagdadasal at linggo linggo kung mag simba, kasali pa nga siya saisang youth group na tumutulong sa mga ibang taong nangangailangan. Dahil may kaya naman angkanyang pamilya, wala silang problema sa pera, nakapag aral siya sa isang sikat na unibersidad,nakakabili ng kung anu anong magagarang damit. Sa mga panahon na iyon ay meron na din siyangnobyo na pitong taon, si Martin. Madalas silang magkasama ni Martin kahit saan sila magpunta, bata palang din ay magkaibigan na sila. At nang magsimula sila magaral ay magkaklase pa sila, hindi na ngasurpresa kung isang araw ay ikakasal ang dalawa.

    Nagbago lamang ang takbo ng buhay niya nang matanggap niya ang isang phone call mula sakanyang Auntie, "P- Patay na ang Mama at Papa mo Bella..."

    "Po?" Nagsimulang humagulhol ang auntie niya na nasa kabilang linya."S- sorry iha, nag crash ang eroplanong sinasakyan nila na papuntang Mexico." Nasa

    kalagitnaan ng honeymoon ang kanyang mga magulang nang panahon na iyon, hindi niya inaakala namakakatanggap siya ng ganoong klaseng balita.

    "Hindi po Auntie, hindi po totoo yan..."

    Makalipas ang isang linggo ay nakauwi na din ang mga labi ng kanyang mga magulang. Walangginawa si Isabella kung hindi umiyak ng umiyak, kung nakamamatay lang

  • 7/29/2019 Compilation of Short Stories

    4/22

    4

    siguro ang pag iyak ay malamang nauna pa siyang nilibing. Pero hindi, ang sakit sakit na ng

    dibdib niya, at ng ulo niya sa kakaisip kung paano na ang magiging buhay niya. "Bella, kumain ka nanaman." Buti na lamang at nasa tabi niya si Martin. Umiling si Isabella.

    "Ayoko Martin, hindi ako kakain hangga't hindi sila tumatayo at nagsasalita at... at buhay. Gustoko silang mabuhay Martin..." Patuloy pa rin sa paghihinagpis ang batang dalagita na para nang baliw sapinagsasasabi.

    "Bella, kailangan mo ng tanggapin na wala na sila.""Bakit sila pa ang kailangang mamatay? Marami namang masasamang tao sa mundo ah, bakit

    sila pa?""Oras na nila Bella, kailangan na nilang pumunta sa lugar kung saan sila mas magiging masaya.""No Martin, madamot siya. Hindi naman niya kailangan ng Mama at Papa ko ah, aanhin niya ba

    sila? Ano ang magiging silbi nila sa langit? Hindi ko maintindihan. Mabait naman akong bata, tumutulongako sa lahat ng tao na pwedeng tulungan, I was willing to do everything good, but what did I do todeserve this?!!" Humarap si Isabella sa altar na nasa di kalayuan at sabay na inusal, "I hate you."

    Lumipas ang ilang araw ay nilibing na din ang kanyang mga magulang. Mataas ang sikat ng araw,asul ang kalangitan, maririnig mo pa ang mga huni ng ibon, masayang masaya ang kapaligiran pwera

    lamang sa mga nagluluksa sa pagkamatay ng Mama at Papa ni Isabella.

    Lumipas naman ang dalawang taon ay mayroong isang binalita si Martin kay Isabella na lalongnagpausbong ng galit nito sa nasa itaas. "Isabella," kinabahan siya nang marinig ang buong pangalan,hindi ito natural kay Martin dahil ang tawag nito sa kanya ay Bella lamang. Si Martin ang tanging karamayniya sa mga panahong hindi pa niya matanggap na patay na ang kanyang mga magulang. Si Martin langdin ang tanging tao na nagbibigay sa kanya ng lakas ng loob, eto na din siguro ang huling dahilan kungbakit pa siya nabubuhay. "May pagtatapat sana ako sayo."

    "Ano yun Martin?""Kailangan na nating maghiwalay.""H- ha? Bakit?" Napalunok ang lalake na naka puting polo at itim na slocks, kasalukuyan silang

    nakaupo sa madalas nilang tambayan, ang swing sa isang lumang playground na mga bata pa ata sila aynaroroon na.

    "M- magpapari ako." Lalong gumuho ang mundo ni Isabella nang marinig niya ang mga katagangiyon, para siyang nilunod ng tanging tao na inaasahan niya, yung tipong nalulunod ka na nga, nilulunodka pa lalo, at ang masama doon ay hindi ka pa mamatay matay sa sobrang sakit na nararamdaman mo.

    "K- kailan pa?" tanong niya kahit pa hirap na hirap na siyang magsalita."Matagal na, Isabella. Hindi ko lang masabi sayo dahil alam kong malaki ang galit mo sa kanya,

    sinubukan kong maibalik ang pagtitiwala mo sa kanya sa lahat ng paraan na alam ko, at alam ko etongpagsabi ko sayo ay hindi isa sa mga paraan, pero ang pitong taon ng buhay ko ay ginawa kong sayungsayo. Hindi naman siguro ako makasarili kung iisipin ko din ang buhay ko. Matagal ko na itong naiisip,pero hindi kita maiwan." Saka pumasok sa isip ni Isabella ang mga senyales na hindi niya pinansinmatagal na. Kaya pala sa pisngi at noo lang siya nito hinahalikan, kaya pala hindi niya madalas hawakanang kamay ko, kaya pala hanggang ngayon ay birhen pa din ako, kaya pala mabait siya sa lahat, at kayapala panay ang pagtatanggol sa kanyang nagiisang kaaway. "Wag ka sanang magalit sa kanya, wag moibuhos sa kanya, sa akin ka magalit Isabella, nagsinungaling ako sayo." Pero hindi na siya nakapagsalita,

    tumalikod na lamang siya at umalis. Sinubukan niyang umahon mula sa pagkakalunod.

    Lumipas ang ilang taon, nakagraduate na siya sa kolehiyo, at dahil siya naman talaga angnagiisang tagapagmana ng kumpanya na tinaguyod ng mga magulang niya ay hindi na siya nahirapan, atdahil din sa kanyang pagkakadalubhasa sa real estate ay mas lalo niyang napalago ang naipundar ngkanyang mga magulang. Hindi siya naghirap pagdating sa pera. Lahat ng pwede niyang bilhin ay binili naniya, isa na dito ang pagibig. Hindi na siya nagkanobyo pang muli mula nang nakipaghiwalay sa kanya siMartin na balita niya ay nasa

  • 7/29/2019 Compilation of Short Stories

    5/22

    5

    malayong probinsya na. Bagamat marami pa ring nanliligaw, hindi niya pinapansin ang mga ito. Mahirapna, baka masaktan na naman siyang muli. Natutunan niya na kaya nga palang bilhin ng pera ang lahatng bagay sa mundo.

    Katatapos lang ng party ng isang kaibigan niya na may ari ng fashion line, naghihintay na siya sakanyang driver nang biglang bumuhos ang kanina pang nagbabadya na malakas na ulan. Alas onse nang gabi at iilan na lamang ang tao sa establisyementong iyon. "Hilo mam, bad news po, nasiraan po angsasakyan natin. Malabo na po na masundo pa namin kayo."

    "Anong sabi niyo? Paano ako ngayon makakauwi niyan?""Mam pasinsya na po, grabe po talaga ang lagay ngayon, hahanap pa po ako ng magaayos nito

    tapos tatawagan ko po kayo."

    D%mn it. Napaupo si Isabella sa isang bench sa lobby, sabay napapikit. Kanina pa siyang umagadito at pagod na pagod na siya, bigla niyang na miss na naman ang kanyang malambot na kama.Pagdilat niya ay nabigla siya sa nakita. Hindi niya akalain na isang maliit na chapel pala ang kaharap ngmalahiganteng building kung saan siya nakaupo.

    "Hi miss." bati ng isang lalake, nakaputi ito, clean cut, pati sapatos ay puti. Hindi ito pinansin ni

    Isabella at nagpatuloy na lang ito sa paglalaro ng kanyang telepono. "Miss yohooo! Pwede mo naman poi pause yan." Yun nga ang ginawa niya at sabay na tiningnan ang lalake, dimples ang unang napansin niIsabella, mapungay ang mga mata nito, mapula ang manipis nitong labi. "Kamusta ka?"

    "Sigurado ka ba na ako ang kausap mo?" Tumango ang lalake."Oo ikaw nga.""Anong kailangan mo? Pera ba? Hindi ka naman mukhang pulubi ah.""Haha, miss naman, sa gwapo kong ito mukha ba akong pulubi?""Hindi naman, mukha kang... nagsosolisit. Anyway wag mo na ako pagaksayahan ng panahon,

    pwede?""Uhm pwede kitang ihatid sa bahay niyo kung gusto mo.""Ha? Talaga? Paano?""Naniniwala ka ba sa hiwaga ng Diyos?""Ha?"

    "Maniniwala ka ba kung sasabihin kong pinadala niya ako sayo para tulungan? Isabella angpangalan mo, tama?" Nabigla siya sa narinig. Ano ang pinagsasasabi ng lalakeng ito? "Alam kong malakiang galit mo sa kanya pero sana 'tol wag naman ganoon."

    "Wow, hindi ka pala solicitor, manghuhula ka pala.""Bahala ka kung ayaw mo maniwala, napagutusan lang talaga ako." anito nang nakangiti kahit pa

    puro pagtataray lang ang ginagawa ni Isabella."Anong sindikato ka ba? Papatayin mo din ba ako at kukunin ang mga laman loob? O baka

    naman engkanto ka?""Alam mo, hanga na ako sayo, lakas ng loob mo. Mukhang wala kang kinatatakutan. Tama nga si

    Manong God.""Whatever." anito, Sugo nga ba siya ng Diyos? Kung makapagsalita ang lalakeng ito parang hindi

    siya pangkaraniwang tao. Lalong lumakas ang ulan at nawalan na din siya ng signal sa hindi malamangdahilan.

    "Sa ganitong ulan, sa tingin ko kailangan mo na talaga ng tulong ko.""Paano mo naman ako matutulungan? May sasakyan ka ba? Ite teleport mo ba ako?""Hmm, malapit doon sa sagot mo." anito. "Ano, payag ka ba?" tanong ng lalake. Nagdadalawang

    isip pa sana siya nang bigla na lang siyang halbutin ng lalake ito at niyakap siya bigla, nabigla man siIsabella, sa hindi na namang malaman na dahilan ay hinayaan niya lang ito. Para bang meron itongkapangyarihan, dahil sa tigas ng loob ng Isabella, nakayanan siyang pasunurin ng lalake. Sa unangpagkakataon ay nakaramdam siya ng kakaibang samut samong emosyon, mga emosyong hindi niyanaramdaman sa matagal na panahon. Nakaramdam siya ng saya, ng pagmamahal. Napapikit siya, atmaya maya ay idinilat niya ang kanyang mga mata, tanaw tanaw niya ang chapel. Yakap pa din siya ng

  • 7/29/2019 Compilation of Short Stories

    6/22

    6

    lalakeng nakaputi na tila magaan ang mga kamay, para siyang nakalutang sa hangin, muntikan pa siyangmaluha dahil unti unting gumagaan ang loob niya, para siyang nasa... langit. And for the first time in

    many years, she found peace on that single embrace of a stranger"Uhm, a- ano nga pala ang pangalan mo?" Naramdaman ni Isabella ang paghigpit ng yakap nito,

    nakaramdam siya ng pagyanig. Lumilindol ba?"Ako si Gabriel..."

    Napabalikwas si Isabella mula sa kanyang hinihigaan, nasa kanyang kwarto na siya. Napatinginsiya sa bintana, malakas pa din ang ulan. Nasapo niya ang ulo, "Panaginip lang ba iyon?" aniya. Tumayosiya sa kanyang higaan at isinuklay ang kanyang kamay sa kanyang buhok, para siyang may nasapo saulo, nang tingnan niya iyon, nakita niya ang isang piraso ng puting pakpak. "Saan ito galing?" Saka langnaisip ni Isabella na suot niya pa din pala ang suot niya kanina sa party ng kaibigan. "Nalasing ba akokanina? Wala naman akong ininom? Bakit hindi ko maalala kung paano ako nakauwi?"

    Lumabas siya ng kwarto at bumaba patungo sa kusina. "Yaya, yaya?? Pakuha nga po ng tubig."Parang nakakita ng multo si Yaya Marie nang makita siya. "Anong problema?"

    "Eh kasi po Ma'am, katatawag lang po nung driver, sabi niya nasa talyer daw po siya, pinapaayos

    yung sasakyan, sabi niya po sa akin, hindi niya daw po kayo ma contact. Eh hindi naman po kayo nagtataxi di ba Ma'am? At sa alam ko po kahit anong mangyari, hihintayin niyo talaga ang driver, paano pokayo nakauwi?"

  • 7/29/2019 Compilation of Short Stories

    7/22

    7

    Ang Love Story ng isang Halimaw

    "Napakahiwaga mo." sabi ni Joana, habang ang kanan niyang kamay ay nakahawak sa pisngi ngdi mawaring nilalang. Mabalahibo ito at malaki ang katawan, hanggang balikat ang buhok at may ilangkulubot sa mukha, sa labi nito ay makikita ang dalawang nakausling maliit na pangil.

    "Pero Joana, nalulungkot ako na hanggang sa panaginip lang tayo pwede magkita." malungkot

    na usal ng nilalang. "Ang tao at ang isang tulad ko ay hindi nababagay, magkaiba na magkaiba angmundo natin."

    "Alam ko, pero gusto din kita makita ng personal, hindi lamang dito sa panaginip ko. Pakiramdamko tuloy nagiilusyon o nasisiraan lang ako ng bait. Totoo ka ba talaga? O gawa gawa ka lang ng malikotkong imahinasyon?"

    "Hindi mo ba naisip na napapadalas na itong pagkikita natin sa panaginip mo?" nakangiting usalng nilalang. "Masasabi mo pa ba na kathang isip lang ako?" Umiling si Joana.

    "Sa buong araw ikaw lang ang naiisip ko at ang tanging hiling ko lang sa umaga ay gumabi naupang ako ay matulog muli at makita ka."

    "Ayokong sirain mo ang buhay mo Joana, dapat pala nakinig na lang ako sa payo ng mgakaibigan ko sa akin, hindi na dapat ako nagpakita sayo."

    "Wag mong sabihin yan Leeo!" pasigaw na usal ng babae. "Bakit ba hirap kang maniwala na, namahal na kita? Na hindi mo kasalanan kung bakit tayo nagiibigan?" Niyakap ni Joana ang nobyong mula

    sa ibang mundo habang si Leeo naman ay hinahagkan ang mabangong buhok nito. "Leeo, isama mo naako sa mundo niyo, please lang.""A- alam mong hindi ko pwede gawin yan.""Akala ko ba mahal mo ko?""Hindi naman sa ganoon-""Parang awa mo na.""Patawad Joana, pero hindi-""Please, Leeo bukas ay ipapakasal ako ni Daddy sa isang taong hindi ko mahal. Pag kinasal

    kami, hindi na tayo magkita pag nagkataon kahit pa sa panaginip ko!" naiiyak na si Joana. Pinahid namanni Leeo ang mga luha niya...

    Nang biglang na lang naging malabo ang lahat...

    "Kunin mo na ako Leeo, please... Leeo! Mahal na mahal kita-" Napabalikwas si Joanna mula sakanyang higaan. Napatingin siya sa may bintana. Umaga na. Hindi, hindi ito maaari. Ngayon na ang arawng kasal niya at wala na siyang kawala. Lalong naiyak ang dalaga, naguguluhan na siya sa mgapangyayari. Gulong gulo na ang isip niya. "Bakit Leeo, totoo ka ba talaga? Duwag ka! Isa kangduwagggggg!!!!" Lalong lumakas ang hagulhol ng dalaga.

    Ilang oras ang lumipas, heto na si Joana ngayon, nakatingin sa salamin habang nilalagyan ngkolorete ang mukha. Suot niya ang isang magarbong puting gown at ilang sandali na lang ay lalarga nasila patungo sa isang simbahan sa bayan para maikasal sa isang lalakeng mayaman, may maramingnegosyo at higit sa lahat hindi niya mahal. Kinasuklaman niya ang mga magulang dahil dito. Masyadosiyang umasa kay Leeo na pinakamamahal niya na ililigtas siya nito pero hindi ito pumayag sa huli nilangpaguusap. Hindi ito pumayag dahil sa dahilang magkaiba ang lahi nila at dahil hindi naman ito tao.

    "Joana, tara na, naghihintay na ang sasakyang maghahatid sayo sa simbahan." sabi ng kanyang

    yaya Elissa. Inalalayan siya nitong tumayo at maglakad patungo sa sasakyan. Bawat hakbang niya aymabigat at hindi niya halos mabuhat ang sarili. Pwede pa ba siyang tumakas? Kung tatakas siya, saansiya pupunta? Lalong nanlumo si Joana sa naisip. Pagkasakay niya ng sasakyan at napasandal siya saupuan."Hindi, hindi ko to kaya." nasabi niya. "Manong pwede po bang wag niyo na lang ako dalhin sasimbahan." Hindi sumagot ang lalakeng nagmamaneho ng sasakyan. "Manong, ihinto niyo po angsasakyan, ayoko na po magpakasal." Pero hindi pa din ito tuminag. Nakaramdam na ng pagkainis siJoana, niyugyog niya ang balikat ng lalake at sa wakas ay ihininto na nito ang

  • 7/29/2019 Compilation of Short Stories

    8/22

    8

    sasakyan. Humarap sa kanya ang driver na ngayon niya lang napansin na naka itim na

    salamin pala ito sa mata. Tinanggal ng lalake ang suot nitong salamin at lumantad kay Joana ang mukhang isang pamilyar na lalake, ang lalakeng palagi niyang kinikita sa kanyang panaginip.

  • 7/29/2019 Compilation of Short Stories

    9/22

    9

    Bed Sheet

    Binuksan ni Jessa ang switch ng ilaw nang siya ay makarating sa kanyang inuupahang condo sa

    Makati. Tulad ng dati ay nakakaramdam na naman siya ng kalungkutan, wala pa man din siya sa moodmakipagkita sa kanyang mga FuBu, kahit pa nakatanggap na siya ng ilang tawag kanina habang siya aynasa trabaho, nagyayaya na makipagkita sa kanya. Magisa lang siyang naninirahan sa siyudad, angkanyang Ina na tanging katuwang niya sa buhay ay nagasawa nang muli matapos ang halos sampungtaon na pagkamatay ng kanyang Ama. Buti pa si Mommy, kahit fifty years old na, nakahanap pa din ngtaong pang habambuhay na makakasama niya, ako magtre treinta na ako ah, bakit ba hindi ko pa din ulitnararandaman ang magmahal? Ang iba kong mga kaibigan ay may kanya kanya ng pamilya,samantalang ako SINGLE. Magisa na lang ata ako tatanda eh. Padabog na sinabi ni Jessa sa sarilihabang siya ay nagaayos ng gamit. Kumain na siya sa labas kung kaya tanging shower na lang angnatitira niyang gawin at matutulog na siya. Ganoon lang naman ang routine niya araw araw, mataposmagtrabaho, kung hindi siya makikipagkita sa mga lalake niya ay kakain siya magisa at saka matutulog.SEX. Iyon ang tanging ginagawa niya upang makatakas sa tunay niyang mundo, sa kanyang malungkotna mundo. Nandyan si Jason na may ari ng isang restaurant na iilan na din ang branches, gwapo naman

    ito, hindi lang magaling magluto kung hindi ay magaling din sa kama. In- offer- an na din siya nito napakakasalan siya pero itong si Jessa ang umaayaw. Kahit kasi ilang beses na silang nagsama ni Jasonsa iisang kama ay hindi niya maramdaman dito ang spark na hinahanap niya. Ganoon din angpakiramdan niya kay Lance na isang waiter sa bar na madalas niyang tambayan. Hindi tulad ni Jason, siLance naman ay alam niyang katawan lang ang habol sa kanya.

    Bago humiga sa kama si Jessa ay pinalitan niya muna ng mas malinis na bedsheet ang kanyangkama. Ginagawa niya iyon tatlo o apat na beses sa isang Linggo, isa ito sa pinakatatago niyang sikreto.Obssess siya sa pagpapalit ng bedsheet. Gusto niya ay palagi itong malinis at laging mabango. Pinatayniya ang lahat ng ilaw at itinira ang ilaw sa banyo, hindi niya pa din kasi kayang matulog magisa namadilim ang buong kabahayan. Sa wakas ay naayos na niya ang lahat, saka siya humiga sa kanyangqueen size bed na malaki para sa kanya. At dahil magisa lang siya sa condo na iyon, hindi siya sanay namagdamit. Nakakapaglakad siya sa kahit na anong parte ng bahay nang nakahubad, pero syempresinisigurado niyang sarado ang lahat ng kanyang kurtina. Sinubukang matulog ni Jessa, pero halosmagiisang oras na at hindi pa din siya mapakali. Hindi niya pa din mahuli ang tamang posisyon ngpagtulog, hindi niya akalain na kahit pala pagod na pagod ka na, may panahon pang mapagod ang tulogmo. Isa lang naman ang tanging solusyon niya pag ganitong hindi siya makatulog. Kinuha niya angremote at Ini -on ang TV, nilipat niya ito sa isang cable channel na madalas niyang puntahan, angplayboy channel. Habang pinapanood niya ito ay bigla siyang nakaramdam ng kakaibang kiliti at init sakanyang katawan. Dahan dahan ay naglakbay na ang mga kamay niya sa parte ng kanyang katawan naalam niyang magugustuhan niya...

    Matapos ang ilang minuto, natapos ang pinapanood niya sakto din ng kanyang pagtatapos sakanyang ginagawa. Isang ipit na ungol ang kanyang pinakawalan at saka huminga ng malalim. Kinuhaniya ang tissue sa bedside table at saka pinunasan ang dapat punasan.

    Napangiti siya. Kani kanina lang ay masamang masama ang mood niya at napakadaming bagay

    ang tumatakbo sa isip niya, kung dapat pa ba siyang mag asawa, kung paano siya maghahanap ngkaramay niya sa buhay, kung tatanda na lang ba siya magisa? Bigla niyang naalala ang ibang kaibiganniya, may asawa nga ito, may pamilya at may mga anak, pero ano ang mga kinukwento nito sa kanya?Na nagsisisi ang mga ito dahil sa pinili nitong lalake? Na inis na sila dahil uuwi lang ang kanilang mgaasawa galing sa trabaho at kailangan pang pagsilbihan ang mga ito, when in fact may trabaho din namansila sa umaga? Hay, puro frustration lang naman ang naririnig niya mula dito. Siguro kaya hindi na dinsiya

  • 7/29/2019 Compilation of Short Stories

    10/22

    10

    nagatubili pang ma- inlove, dahil sigurado siyang hindi niya mararanasan ang ganitong kaligayahann.Sex lang ba? Kaya naman niyang paligayahin ang sarili niya. Sa wakas ay napapikit na din siya atmahimbing na nakatulog. Bukas ay magpapalit na naman siya ng bedsheet.

  • 7/29/2019 Compilation of Short Stories

    11/22

    11

    SM (Soulmate at Secret Marriage)

    Gaano kalaki ang kaya mong isakripisyo para lang sa pagibig? Gaano kalayo o kataas angkaya mong liparin para lang makasama ang minamahal? Gaano kalalim ang iyong susuungin?Kaya mo bang mag take ng risk sa isang bagay na walang kasiguraduhan? Sinu sino ang kayamong labanan para lang mapatunayan na tama ang pinili mong desisyon? Kaya mo bang labanan

    ang buong mundo?

    Sangkaterbang katanungan ang naglalaro sa isip ko habang nakasakay ako sa eroplanong CebuPacific flight 5J 143 mula Hong Kong papuntang Manila. Nanlalamig ang bawat kalamnan ko, samu'tsamong emosyon ang naglalaro sa dibdib ko. Excited na akong muli siyang makita matapos ang haloslimang buwan naming pagkakalayo. Ako nga pala si Catherine, eighteen years old, half Chinese, halfFilipino, at kahit alam kong magagalit ang buong mundo sa gagawin ko ay wala akong pakialam kunghindi masunod ang aking gusto. Eto lang naman ang tangi kong gusto sa buhay, ang makasama angnagiisang lalake na minahal ko ng buong puso, si Jake.

    Matagal na kaming magkaibigan ni Jake, mula nang mga grade school pa lang ata aymagkakilala na kami, pero kailan lang naman kami nagka develop- an. Or should I say, kailan ko langsiya sinagot. Hindi naman kasi lingid sa kaalaman ko na may gusto siya sa akin noon pa, ako lang itong

    hindi available. LOL. Pero dumating ang pagkakataon namin. Dumating ang time na na- realize ko nainlove na pala ako sa kanya. Hindi naman pala lahat ng tao nai- inlove sa unang beses niyong pagkikita,naisip ko na ang love pala ay pwedeng ma realize after five years or more. Maayos ang aming relasyondahil meron kaming matatag na foundation (oha quotation yan), ang aming pagkakaibigan. Nakakakiligisipin ang mga panahong simple pa lang ang aming relasyon. Maglalandian sa isa sa mga bakantengclassrooms pag walang prof, o di naman kaya ay pupunta ako sa bahay nila para doon ituloy ang naudlotna paghahalikan at... uhm, alam niyo na yun for sure. Siya din ang ka partner ko noong nag debut akoand months after that, kinailangan kong pumunta sa Hong Kong para mag trabaho dahil hindi na biro anggastusin ngayon lalo pa at panganay ako sa tatlong magkakapatid. Ang Mommy ko din kasi ay may sakitat baon na din naman kami sa utang kaya naman wala akong choice kung hindi gampanan angresponsibilidad ko bilang Ate, kailangan kong kumayod para makapag aral pa ang mga kapatid ko. Akalako nga magiging madali ang long distance pero isang araw pa lang ata ako sa Hong Kong ay miss namiss ko na siya. Pakiramdam ko napakalayo niya. Araw araw naman kaming nagtatawagan, nagcha chat,we were trying to fill the long distance we have. And believe me, it's not easy. Minsan pa nga aynatatagpuan ko ang sarili ko na umiiyak hanggang sa makatulog.

    Naniniwala ako na sa buhay ng isang tao ay magkakaroon siya ng isang soulmate, isang tao atang tanging tao na makakapagpasaya sayo, he may either bring the best or the worse out of you, anguna at huling taong naiisip mo sa buong araw. Nakita ko yun sa katauhan ni Jake, kung kaya naman sadami ng pinagdaanan namin ay nananatili kaming matatag.

    Sa wakas naman ay nakahanap ako ng trabaho sa isang travel agency. Hindi ko akalain na kahitpala hindi ako nakapag tapos ng pagaaral ay may tatanggap sa akin dito, ibang iba sa Pilipinas nakailangan college graduate ka pa para lang maging janitor. Nag trabaho ako nang maigi, ayos naman angsahod, pwede nang mabuhay muli ang pamilya ko. Hanggang sa hindi na ako makatiis, nag file ako ngleave for 3 days at ng ticket pauwi ng Pilipinas tutal kaya ko naman itong gastusan. Matagal na naminitong plano, ang magpakasal. Sinabi ko na iyon sa Daddy ko pero hindi naman siya pumayag, sino ba

    naman ang papayagang magpakasal sa edad kong ito? Kahit sinong kakilala ko ay sinubukan akongpigilan pero wala na silang magagawa pa dahil buo na ang pagiisip ko. Ang pinakamasakit sa lahat ayang pag iyak ng mga magulang ko sa aming paguusap. "Ma, eto talaga ang gusto kong gawin."

    "Magkakamatayan tayo Catherine, hindi mangyayari ang gusto mo!" mahigpit niyang sabi habangang Daddy ko ay tahimik lamang sa isang tabi. Hindi ko makakalimutan ang

    tagpong iyon, I was actually thinking kung masama ba talagang ipaglaban ang pagiging masaya? Paano

  • 7/29/2019 Compilation of Short Stories

    12/22

    12

    kong ito lang ang nakakapag pasaya sa akin? Sayang lang ang buhay ko

    kung mamamatay akong walang pinaglalaban. Kaya kung hindi ko man naidala ito sa santong dasalan,idadaan ko na lang ito sa santong paspasan. Pero paano?

    Wala ni isa man sa pamilya ko ang sinabihan ko na uuwi ako, this is it. Wala ng atrasan ito. Akalako nga ay makakarating ako sa Pilipinas nang hindi nalalaman nina Mommy. Pero nangyari ang hindi koinaasahan. Nalaman niya. Galit na galit siya nang mga oras na iyon, pero being the parents that they are,ihinatid nila ako sa airport. At eto na nga ako ngayon, nakaupo sa eroplanong ito na nilalamig.Nakalimutan ko na din kasing magdala ng jacket. Makalipas ang isang oras ay lumapag na din angeroplano at dahil madaling araw ang dating ng flight na ito ay madali na lang ang pagdaan ko saimmigration at sa customs na mukha din namang antok na antok, it's one in the morning. Pagkalabas kong arrival hall ay hinanap ko sa mga taong naghihintay si Jake. Naglakad lakad ako hanggang samakarating ang mga mata ko sa dulo at doon ay may nakita akong kumakaway. Muntikan nang tumalonang puso ko at malaglag ang panty ko, si JAKE! Tumakbo ako papunta sa kanya, galak na galak na saawa ng Diyos ay mayayakap na din kita. Naglapat kaagad ang aming mga labi ng ilang segundo, angkanyang kanang kamay ay nasa likod ko, ang kaliwa naman ay nasa batok. Nararandaman ko na sanaang kanyang dila, pero nagsalita na ako kaagad. "Baka naman bukas ay nasa TV na tayo nito dahil saeksenang ito.""Tama ka, sa bahay na lang." aniya na pabiro. "Ang daming istorbo dito." Sumakay kami sa van na

    inarkila niya at kahit nasa van na kami ay pinigil pa din namin ang aming mga sarili.

    Pagdating namin sa bahay nila ay hindi na kami nagaksaya pa ng panahon. Sabay kaming naligoat pagkatapos ay dumiretso na kami sa isang kama na mukhang inayos niya para sa pagdating ko. Bagoang comforter, bago ang punda, bago ang lahat. Pinatay agad ang ilaw and then we made love.

    Nang sumunod na araw ay maaga kaming nagising. Nauna akong naligo at saka siya sumunod.Eto na ang araw na ikakasal kami. Nilakad na kasi niya ang lahat, binayaran ang dapat bayaran kungkaya naman ay hindi na namin kinailangang dumaan ng seminar, hindi pa din nagbabago dito, nadadaanpa din ang lahat sa bayaran. Inaayos ko ang bag na dadalhin namin nang may napansin ako sa loob ngbag niya. Isang maliit na asul na kahon. Hindi ko akalaing nakabili na siya ng singsing. Wala naman kasisiyang sinabi tungkol dito. Dumating ang van na inarkila niya at kami na nga ay papunta na sa munisipyong Maynila. Hindi tulad ng mga normal na ikakasal, si Jake ay naka puting polo at maong na pantalon

    lang, isabay mo pa ang converse niyang rubber shoes. Habang ako ay naka itim na blouse na maybulaklak sa kaliwang dibdib at itim na skirt, sa paa ko naman ay nakasandal na 3 inches ang takong. Atdahil nga late na kami ay mabilis ang patakbo ng van, nahuli pa kami ng isang traffic enforcer pero mulinamin itong binayaran at kami ay nakadaan. Ang tanging witness namin sa araw na ito ay si Manongdriver ng van. Pagdating namin sa Munisipyo ay naalala ko ang mga horror stories na napapanood ko saTV tungkol sa lugar na ito, tama nga sila, it's a bit spooky here. "At dahil late kayo, kailangan niyongmagdagdag dito." sabi ng matandang mukhang pera na reverend sa amin. Pero wala kaming choice, butina lang at may perang dala itong si Jake at binayaran agad ang madaldal na reverend. Sabi niya tatlongoras na kaming late. Okay, kami lang siguro ang tanging taong ikakasal na late ng ganoon katagal.Nagsimula na nga ang seremonyas at nagtapos ang lahat sa mga katagang "you may kiss the bride".

    Masaya kami nang araw na iyon, sa wakas at naikasal na din kami. Ilang gabi na lang ako dito.Balak namin, matapos ang ilang buwan pag nakaipon, ay kukunin ko siya sa Hong Kong at doon kami

    magsasama. Mas okay ang future doon. Alam kong magagalit ang mga magulang ko sa akin, pati na dinsiguro mga kaibigan ko, but who cares? Alam kong dadating ang panahon na matatanggap din nila kami,matatanggap din kami ng mundo. Ang importante lang sa ngayon ay masaya ako, eto ang kasiyahanghindi nababayaran ng kahit na ano o magkano.

    Papalubog na ang araw at papauwi na kami sa bahay nila, magkahawak ang kamay at kitang kitaang pagkislap ng silver na singsing na suot namin na nagko konekta sa aming

  • 7/29/2019 Compilation of Short Stories

    13/22

    13

    dalawa. Nakasandal ako sa lalakeng ngayon ay asawa ko na at sa ngayon ay wala na akong maihihilingpa.Baon namin ang isang pangarap na balang araw ay kakampihan din kami ng mundo

  • 7/29/2019 Compilation of Short Stories

    14/22

    14

    Sakit ng Kahapon

    Alas dos na ng hapon pero di pa rin magawang bumangon ni Ginny sa kama. Kanina pa siyagising, sinisikap niyang matulog ulit pero kahit anong gawin niya ay di talaga siya dalawin ng antok. Walana siyang mailuha, pero bakit ganoon? Nararandaman niya pa din ang sakit? Nararandaman niyang

    mahapdi pa din ang nararandaman niya mula sa kanyang puso dahil sa nangyari isang linggo na angnakakaraan. Naiisip niya, buti pa sana kung nasugatan ka, baka pwede pang uminom ng anestisya. Peroang sakit na tulad nito? Para kang unti- unting pinapatay pero nagagawa mong makita pa din ang sikatng araw kinabukasan.

    Hindi tayo para sa isa't isa

    Yan ang mga salitang binitawan sa kanya ni Lorenz. Alas kwatro ng hapon yun, sa may likod ngisang bakanteng bahay. Kung saan sila madalas na nagkikita kahit ala una na ng umaga. Nagagawaniyang tumakas mula sa bahay nila habang tulog ang lahat at kahit madilim at nakakatakot ang paligid,sinisikap niyang pumunta sa tagpuan nila. Halos araw araw niya iyong ginagawa sa loob ng mahigit apatna buwan. Hindi sila pwedeng magkita sa araw dahil bawal. Magagalit ang kanyang Lola napinagbawalan siyang magka boyfriend hanggang sa makapag tapos siya ng pagaaral. Seventeen years

    old pa lang siya at nasa unang taon sa pagko- kolehiyo sa kursong nursing. Nasa abroad ang kanyangIna at ang kanyang Ama naman ay matagal na silang iniwan. Meron siyang dalawang nakakatandang atepero nagsipag asawa na ito. Kaya naman sobrang higpit sa kanya ng kanyang Lola Malyn dahil natatakotitong baka magaya ito sa dalawa. Pero sinuway niya ito. Napaniwala niya ang kanyang Lola na walasiyang boyfriend. Nagawa niyang itago ang relasyon sa loob ng apat na buwan, isang relasyon na akalaniya ay magtatagal.

    Ipinakilala sa kanya si Lorenz ng isang kaibigan. Nagsimula sila sa pagte- text hanggang sasinagot na nga niya ito. Si Lorenz ang una niyang naging boyfriend at eto din ang nakakuha ng kanyangpagka birhen. Nangyari iyon sa may likod din ng bakanteng bahay kung saan sila nagtatagpo. Iilangbeses nangyari, sa halos araw araw nilang ginagawa.

    Wag kang mag alala, dahan dahanin ko, wala kang mararandaman.

    Bulong nito sa kanya habang nararandaman niya sa pagitan ng dalawa niyang hita angpagkalalake nito. Ipinasok ito sa kanya dahan dahan pero muntikan pa din siyang sumigaw sa sakit.

    Ibuka mo pa

    Nang mga panahong iyon ay tila siyang alipin nito. Sunund sunuran sa mga sinabi nito. Ni hindisiya makahindi sa kung anoman ang gusto nito kahit nakakasakit na physically and emotionally.Nagagawa niyang lahat iyon dahil mahal niya ito. Pero di niya alam kung pagmamahal ba ang nadadamanito para sa kanya.

    Ano bang nagawa ko? Binigay ko naman lahat ah. sabi niya nang makipag break na ito sa kanya.Umaalingawngaw ang boses niya sa tahimik na gabi na tanging ang kahol lamang ng aso ang maririnig.

    Alam ko, binigay mo lahat pero hindi sapat eh. tugon nito sa kanya.

    Saan? Saan ako nagkulang, sabihin mo. Gagawin ko ang lahat bumalik ka lang. May kailanganba akong baguhin?

    Nagawa niyang magpakababa para lang dito pero hindi pinansin nito ang kanyangpagsusumamo.

  • 7/29/2019 Compilation of Short Stories

    15/22

    15

    Wag mong gawin yan, Wag mong ibaba ang sarili mo.Meron bang iba? Umiling lamang ito.

    Di na naman mapigilan ni Ginny ang umiyak. Wala naman palang iba eh. Eh ano angpagkakamali ko? tanong niya sa sarili. Binigay ko naman ang lahat ah. Patuloy pa din ang pag titig niGinny sa kisame. Maya maya lang ay kumatok na ang kanyang Lola Malyn at saka ito pumasok sa mayloob ng kwarto.

    "Di ka ba papasok?"tanong nito na may pagaalala sa tinig. "May sakit ka ba?" Lumapit ito sakanya at kinapa ang kanyang noo. "Iha, medyo mainit ka."

    "La, wala po ito. Okay lang ako.""Anong problema? Ba't di mo sabihin sa akin?"Di nakasagot si Ginny. Alam niyang magagalit

    lang ang kanyang Lola pag nagkataon. Hindi na nito pwedeng malaman pa. Wala lang ding mangyayari.Lalo pang lalala.

    "Bukas po papasok na ako. Masama lang po kasi ang pakirandam ko.""O siya aral ka kasi ng aral. Teka at kukuha ako ng makakain mo ha. Dyan ka lang." anito. Hindi

    narandaman ni Ginny na mainit siya dala ng lagnat, ang tanging nararandaman niya lang ang sakit nanararandaman niya mula sa sakit ng kahapon.

    "Oo nga pala Ginny, alam mo ba na uuwi na ang Mama mo susunod na buwan?-" Walang narinigna tugon si Lola Malyn. Nadatnan niya na lamang na tulog na naman ang apo sa kama nito.

  • 7/29/2019 Compilation of Short Stories

    16/22

    16

    Pagasa para sa puso ni Tessie

    "Uy, ano ba? Paano ka makakauwi niyan? Ang dami mo ng nainom ah, alas kwatro na, hindi kaba uuwi?" saway ni Tina sa kaibigan at katrabaho niyang si Stacey. Sila na lamang ang natitira sa bar naiyon, umalis na ang iba nilang katrabaho na tulad nila ay waitress din. Kahit ang manager nilang si MrChan ay hindi na nagpaabot ng hatinggabi dahil Martes at wala naman masyadong tao. Sa dami ngnainom ni Stacey ay hindi pa rin nito nararandaman na nagiinit na ang katawan niya dahil sa dami ngnainom, kahit summer kasi ay patay ang aircon, tanging ang malamig na bote ng beer na lamang nanahahawakan niya ang tanging nagpapalamig sa kanya. Grabe pa naman ang tag init sa Hong Kong,sobrang maalinsangan ang panahon, ni walang dumadaang hanging bukod sa ihinihinga mo. Tila angmasarap na simoy ng hangin ay hinaharang ng naglalakihang gusali na konti na lang ay abot na anglangit. Parehong nakasuot ng unipormeng pang waitress sina Stacey at Tina, maikling palda at putingpolo shirt, nakasuot din sila kanina ng apron na ngayon ay nakasampay na lang sa kanya kanyang upuan.Si Tina na mahaba ang buhok at balinkinitan ang katawan, ay apat na taon nang nagtratrabaho saHurricane Bar, ito ang una niyang trabaho sa tanang buhay niya. Naka ilang buwan lang siya saUnibersidad ng Hong Kong, masyado kasi itong mahal at hindi na siya kayang sustentuhan ng kanyangmga magulang. Panganay pa man din siya sa apat na magkakapatid. Ang dalawang babae at isang

    bunsong lalake na mas nakababata sa kanya at kasalukuyang naninirahan sa Cavite ay pinagpapatuloyang pagaaral sa Pilipinas. Mula nang nakapag trabaho siya dito ay hindi na niya nagawa pang bumalik sapagaaral kahit pa iyon ang pinangako niya sa sarili niya sa oras na makaipon siya. Sa halip ay ginamitniya ang perang kinikita para makatulong sa mga kapatid pang nagaaral. Ang kanyang Ama kasi na Instikay nagkaroon ng sandamukal na utang kung kaya naman siya na lang ang inaasahan ng pamilya. AngIna niya naman ay naghahanap buhay din dito sa Hong Kong, umeextra sa mga shop na nagbebenta ngPhilippine products. Si Stacey naman na mestiza ang mukha, medyo brown ang buhok, pumipilantik angmata ay higit na nakakakuha ng atensyon sa mga customers at kahit kay Mr Chan na may dalawa ngasawa. Siya naman ay anim na taon ng nagtra trabaho dito at kahit anong gawin ni Mr Chan ay hindi siyabumibigay dito. Kahit ano pang ialok nito sa kanya ay nananatili siyang nagtra trabaho lamang parakumita. Hindi tulad ni Tina, sa sarili lang napupunta ang kinikita niya. Nae- enjoy niya ang buhay dalaga,nag iba lang ang sitwasyon niya mula nang makilala niya si Gerry.

    "Okay lang ako Stacey, huwag kang magalala. Kailangan ko na kasing iinom ito eh.

    Nakakapagod na mabuhay, alam mo yun?" Napabuntong hininga siya. Napansin ni Tina na nagba-baybreyt ang cellphone ni Stacey na nasa lamesa lamang kasama ang mga bote ng beer.

    "Hindi mo ba sasagutin yan? Kanina ko pa yan napapansin ah." Kinuha ni Stacey ang cellphoneat saka ibinato sa di kalayuan. Sikat na modelo pa man din ng cellphone iyon pero hindi siyananghinayang na gawin ito. Maya maya lang ay unti unting nababalot ang Hurricane bar ng hagulhol nagawa ni Stacey. Awa ang narandaman ni Tina sa kaibigan, pero wala siyang magawa kung hindi aluhinito. Hindi na nagtanong si Tina at sa halip ay hinintay na lamang niya na maiiyak ni Stacey ang dapatiiyak. At hindi din nagtagal ay nagsimula na itong mag kwento.

    "Ang sakit sakit na Tina, bakit pa kasi si Gerry ang minahal ko eh? Ang dami dami namanglalakeng nagkakandarapa sa akin? Alam mo yun?" Tumango lang si Tina. "Hindi ko akalaing aabot anglahat sa ganito."

    Nakilala ni Stacey si Gerry sa isang bar kung saan sila nag kita ng kanyang mga kaibigan. Dayoff niya noon, dalawang taon na ang nakakalipas, nakipagkilala sa kanya si Gerry na noon ay nilapitansiya. Nagpunta kasi sa banyo ang dalawa niyang kaibigan na sina Meg at Dana kung kaya ay magisasiyang nakaupo habang pinapanood ang mga tao. Nakapantalon ito at naka dilaw na polo shirt habangang buhok naman nito ay naka gell. Tulad ni Stacey ay maputi ito at may hitsura. Hindi gaanong singkitang mata at tila ba palaging nakangiti ang mga labi. Nag 'hi' pa lang ito sa kanya ay alam niyangmahuhulog siya sa lalakeng ito. "Alam mo kanina pa kita pinagmamasdan sa di kalayuan?"

    "Ha, talaga lang ah?""Ang ganda mo kasi, ewan ko ba. Takpan mo nga yang mukha mo." natawa si Stacey sa

    pangaasar ng lalake.

  • 7/29/2019 Compilation of Short Stories

    17/22

    17

    "Hindi naman masyado makapal ang mukha mo ano? Lalapit ka dito bigla at

    sasabihin mo sa akin na takpan ko ang mukha ko? Okay ka lang ba, baka naman lasing ka na?" kunyariay pagsusungit nito.

    "Eto naman nagbibiro lang. Gusto mo ng macaroni spaghetti? Masarap yung spag nila dito?""Hindi, kumain na ako.""Ako na ang bahala, wag kang magalala.""Ano ba, hindi pa nga kita kilala eh manlilibre ka na agad? Hindi ka din presko 'no?""Ay sorry naman, nakalimutan ko. Para kasing matagal na kitang kilala, sigurado ka ba na hindi

    tayo magkakilala?" hirit pa nito. Umiling lang si Stacey. "Okay fine, ako nga pala si Gerry, GerryDominguez."

    "Stacey Sescon." tugon naman ng isa. "Matagal ka na dito?""Oo, thirteen years old pa lang ako dito na ako nagaaral eh.""Pareho pala tayo. Saan ka nagtratrabaho?""Sa may World wide, alam mo yun? Promoter ako ng isang telephone company.""Ganoon ba, mukhang mahirap yun ah. Nasubukan ko doon pero hindi ako nagtagal." Sa

    ganoong paguusap sila nadatnan nina Meg at Dana na parehong galing sa banyo. Nagsuka pa kasi siDana kung kaya naman ay nagtagal talaga sila.

    "At sino naman itong hampas lupa na ito?" ani Meg na medyo may pagka prangka magsalita namay halo na ring biro. Halos nasa kwarenta ang baywang nito at halos nasa balikat lang ni Stacey.

    "Nagsuka lang kami sandali, nagkaroon ka na ng kasama dito." hirit naman ni Dana namatangkad ng kaunti kay Stacey at nasa bente kwatro naman ang baywang, mahaba ang buhok nito atkayumanggi ang balat tulad ni Meg.

    "Si Gerry nga pala, ewan ko ba nakiepal siya kanina habang nage emote ako dito eh." pabironamang tugon ni Stacey. Totoo namang nage emote ng mga oras na iyon si Stacey dahil nalaman niyangmay nililigawang iba ang huli niyang boyfriend na si Carl. Si Carl ay first love niya at ang tanging lalakengsineryoso niya sa loob ng halos anim taon. High school pa lang ata ay sila na. Hindi niya akalain na sapagbabalik niya mula sa isang bakasyon sa Boracay, ay malalaman niyang may kinakarir na itong iba atang masama ay kakilala pa niya. Nalaman niya ito mula sa isang nagmamalasakit na kaibigan. Eto dindaw ang dahilan kung kaya naman ay pala ay hindi niya makontak ito habang nasa Pilipinas. Umamin naang babae pero etong si Carl ang kailanmang hindi aamin. Kahit pa kitang kita na sa ebidensya. Handa

    naman sanang makipagbalikan si Stacey pero ang hindi pag amin ni Carl sa kanya ang tanging dahilankung kaya naman kahit anong hingi ng tawad nito ay hindi na niya ito pinagbigyan. Napakadali namanpala para kay Carl itapon ang ilang taong relasyon. Lalo pang nawala ang tiwala ni Stacey nang isangaraw ay nakita niya itong may kasamang iba sa isang parke at lalong nawala ang pagasangmakipagbalikan dito nang nakita niyang naghalikan ang dalawa ng matagal. Ilang linggo pa lang angnakakalipas nang makipag hiwalay siya dito at eto ngayon ang isang estranghero na sa unangpagkakataon ay nakapagpasaya sa kanya kahit sa ilang minuto pa lang nilang paguusap, kahit pa purowalang kwenta ang pinagsasasabi nito. Sa ganoong sitwasyon sila nagkakilala, dumating si Gerry sapanahon na kailangan niya ito. Magmula nang araw na iyon ay madalas na silang magkausap sacellphone. Nang sumunod na nagkita sila ay merong inamin si Gerry. Nagkita sila sa isang sikat na pastahouse kung saan puro patugtog ang mga love songs.

    "Ipagtatapat ko sana sa iyo na meron akong asawa sa Pilipinas." Sa pagkakarinig na iyon niStacey ay tila gumuho ang mundo niya kung kaya ay hindi siya nakapagsalita agad. "Pero hindi na kami

    maayos ngayon, mga ilang buwan na kaming walang maayos na komunikasyon.""M- may mga anak ka ba sa kanya?" tanging natanong ni Stacey."Oo, dalawa ang anak ko, nagaaral sila sa Pilipinas. Mahal na mahal ko ang mga anak kong iyon,

    ang tanging relasyon lang talaga namin ng Nanay nila ang nagkalamat.""Ah ganoon ba?""Gusto kong malaman mo yan Stacey, alam mo kung bakit?" Umiling na naman si Stacey.

    "Noong unang beses pa lang kita nakita, na inlove na ako sayo." Hindi alam ni Stacey kung ano angmagiging reaksyon sa sinabing iyon ni Gerry. Dapat ba niyang paniwalaan ito? Tama ba na patulan niyaang lalakeng ito sa sinasabi niya? Pero sabi niya hindi na sila

  • 7/29/2019 Compilation of Short Stories

    18/22

    18

    maayos, di ba? Hindi naman siguro masamang magkagusto din ako sa lalakeng ito, at isa pa kailanganniya ng masasandalan ngayon, hindi naman din ibig sabihin na magiging sila na. Masaya naman dinsiyang kasama. Kung anu ano na ang naglalaro sa isipan ni Stacey.

    Pero hindi din naman naglaon ay sinagot niya ng matamis na oo ang lalakeng ito. Kahit pa sinabiniya ng ilang beses na hinding hindi siya mahuhulog dito. Sobrang galak naman ang naramdaman noonni Gerry. Madalas na silang lumalabas mag mula noon. Noong una pa nga ay iilan pa lang angnakakaalam ang tungkol sa mga pamilya nito na naiwan sa Pilipinas. Lumaon naman ay nalaman ito ngmga taong nakapaligid sa kanila, ang pamilya nila ay parehong tutol sa relasyon. Lalong lalo na angnanay ni Gerry na botong boto sa asawa nito. "Hindi mo dapat sinisira ang pamilya mo! Kinasal kayo saPinas, nagkaanak, alam mo ba ang pinapasok mo?"

    "Ma, ano ba? Mahal ko si Stacey, wala kang pakialam kung pipiliin ko si Stacey!" nagulantangang matanda sa pagsigaw ni Gerry, eto kasi ang unang beses na ginawa ito sa kanya ng anak.

    "Alam mo ba ang ibig sabihin ng kasal niyo? Balewala na lang ba iyon sayo?""Ayaw na din naman ni Liezel Ma? Bakit ko pa ipipilit ang sarili ko?""Kinausap ko siya Gerry! Ang sabi niya ikaw itong umayaw sa relasyon niyo. Wala naman daw

    siyang magawa."

    "Lagi naman kasi kaming nagtatalo pag magkasama kami, ayoko na!""Hindi purkit nagtatalo ang magasawa ibig sabihin ay hindi na masaya ang pagsasama nila, ibig

    sabihin ng pagaaway o pagtatalo ay para mas tumibay ang relasyon at mapagusapan kung ano angdapat pagusapan. Hindi ganyan na susuko ka agad!" Hindi na sumagot si Gerry at sa halip ay nagbingibingian na pumasok sa loob ng kanyang kwarto.

    "Ang sarap alalahanin ang mga araw na iyon Tina. Yung unang araw na nagkakilala kami, peronang nalaman ko na may asawa pala siya? Na may mga anak, hindi ko man lang pinansin iyon. Maspinili ko ang pagmamahal ko sa kanya. Hanggang sa naging komplikado ang mga bagay bagay... nagingkomplikado na ang lahat."

    Hindi natahimik ang Nanay ni Gerry, araw araw niyang tatawagan ang number ni Stacey kungsaan niya nakuha sa cellphone ng anak. "Hoy babae, ilang ulit ko ba sasabihin sayo na hiwalayan mo na

    ang anak ko. Pamilyado siyang tao!""Wala po kayong pakialam kung nagmamahalan kami." matapang na sagot ni Stacey. "Kung

    mangguugulo lang po kayo ay wala kayong mapapala sa akin.""Hayup kang babae ka! Makikita mo bubuhusan kita ng asido sa kalye, makita lang kita!" Hindi

    lang si Stacey ang na istress sa mga pangyayari, dahil pati ang mga magulang niya ay patuloy siyangpinagsasabihan. Muntikan na ngang atakihin ang kanyang ama sa puso.

    "Anak, hahanap ka na nga lang ng lalake eh yung may asawa pa? Maganda ka naman, madamika pang makikilala." ang kanyang Ina na si Aurora na sumabat na din sa mga pangyayari.

    "Ma, mahal ko po si Gerry, wag niyo namang gawin sa akin ito. Ngayon ko lang uli susubukanmagmahal."

    "Mas matutuwa pa ako kung si Carl ang boyfriend mo hanggang ngayon. Mabait siyang bata,nagkaroon lang ng isang pagkakamali ay tinalikuran mo na. Samantalang ang lalakeng ito, hindi ko alamkung ano ang nakita mo sa kanya. Tandan mo na ang lalakeng manloloko, manloloko na habambuhay."

    "Sana pala nakinig ako sa mga sinabi nila noon. Alam mo kahit nakikita ko ang point nila, ewanko ba pero para bang pinipigilan ng puso ko na mag process ang utak ko. Nakakaasar!"

    "Ano ba kasi ang nangyari?" di na napigilang tanong ni Tina."Matagal ko na itong itinatago, hindi ko na kaya pang sarilinin na lang." aniya. "Alam mo ba

    simula nang magsama kami sa iisang bahay, ginawa ko naman ang lahat ng ikasisiya niya. Okay namankami Tina, wala akong masabi. Mabait at maaalalahanin siya. Pero ang hindi ko matanggap, pumunta

    dito ang pamilya niya at doon siya umuuwi sa bahay nila. At ako

  • 7/29/2019 Compilation of Short Stories

    19/22

    19

    magisa sa bahay namin na ako lang naman ang nagbabayad. Halos dalawang buwan na kaming ganoonat pakiramdam ko ay sasabog na ako."

    "Pero hindi ba pumasok sa isip mo na kasal na siya bago ka pumasok sa ganyang relasyon?Okay sana kung annulled na ang kasal nila at least legal kayo pero sa ginagawa niyong iyan, ikaw pa dinang kabit niya."

    "Alam ko ang mga iyon Tina pero kapag nagmamahal ka hindi mo na naiisip kung nalulugi ka bao luging lugi ka na. Mas matimbang pa din ang nararamdaman ng puso mo na para bang manhid sa mgapangyayari."

    "Eh bakit ka nga nagkakaganyan ngayon?""Ewan ko ba! Feeling ko pagod na pagod na ako. Feeling ko hindi na ako makahinga sa mga

    pangyayari sa buhay ko." dahan dahang napapikit si Stacey at saka tumulo ang kanina pang nagbabadyana luha. "Suko na ako." Sa sobrang kalasingan ni Stacey ay napahawak siya sa tiyan niya at saka isinukaang ilang lagok ng beer. Sa dami ng kanyang naisuka ay umikot ang kanyang paningin at sakanapasandal sa kanyang inuupuan. Ang kanyang buhok ay basa ng pinaghalong luha, laway at suka.

    Nang sumunod na araw ay hindi nakapasok sa trabaho si Stacey dahil sa hang over. Umuwi siyasa bahay ng mga magulang niya nang lasing na lasing. Hindi niya kakayaning makita doon si Gerry kung

    sakali mang uuwi siya. Hindi na nagtanong ang mga magulang niya dahil alam na nito ang nangyari.Paano kasi ay tawag ng tawag doon ang Nanay nitong si Gerry at sinasabing nandito ang asawa't mgaanak ni Gerry kaya wag na sana manggulo itong si Stacey. Sa mga sumunod na araw na pag tawag ngNanay nito ay karaniwang hindi na nila pinapatapos pang magsalita ito. Agad agad na inalalayan siStacey ng kanyang Ina, pinunasan ang buong katawan nito at sinamahan hanggang sa pagtulog. Hindigumising si Stacey hanggang sa mag alas nwebe na at maghahapunan na ang buong pamilya. "Ate, tarakain na." yaya ni Jessie na nakababatang kapatid ni Stacey.

    "Hindi ako gutom.""Stacey naman, alcohol lang ang ininom mo kagabi, hanggang sa harap ng building natin ay

    nagsusuka ka. Buti na lang talaga ay hinatid ka ni Tina.""H- hinatid ako ni Tina?""Kita mo lasing na lasing ka, hindi mo na naaalala."

    Ilang araw hindi pumasok sa trabaho si Stacey, nakahiga lang siya at nakatitig sa kawalan. Angphone niya hanggang ngayon ay hindi pa din gumagana. Ayaw niya na din ito ipaayos at kahitnakakailang tawag si Gerry sa bahay nila ay hindi niya ito sinasagot. Isang araw nga ay kumatok ito sapintuan nila pero dahil magisa lang siya sa bahay ay hindi niya ito binuksan. Hindi niya kayang harapin siGerry. "Stacey, alam kong nasa loob ka, buksan mo na naman ang pinto. Akala ko ba mahal mo ko?"Hindi na napigilang hindi sumagot ni Stacey.

    "Alam mong mahal kita Gerry, pero alam ko na sa ganitong sitwasyon at lagi akong talo. Hindinghindi ako mananalo sa asawa mo, kasal kayo, may mga anak kayo, mas kailangan ka niya."

    "Akala ko ba napagusapan na natin ito, akala ko ba okay lang na dalawin ko ang mga anak ko.""Okay lang naman na dalawin mo sila, pero ikaw na din itong mismong nag decide na doon ka

    muna matutulog sa sandaling panahon. Anong gusto mong isipin ko? Mag manhid manhidan ako? Pagodna ako Gerry. Umalis ka na! Wala kang mapapala na sa akin."

    "Please naman Stacey, mahal na mahal kita. Parang awa mo na." nagsimula nang kalampugin ni

    Gerry ang pintuan."Tumigil ka Gerry, kung hindi ka titigil ay tatawag ako ng pulis!" pananakot ni Stacey na ikinatigilnaman nitong si Gerry, mangiyak ngiyak siya na napasandal sa pintuan habang dahan dahangnapapaupo sa may sahig. Si Stacey naman, bagamat naiiyak din ay pumunta na lamang sa kwarto atbinuksan ang TV, pinalakasan pa ang volume para lang hindi na niya marinig ang umiiyak na Gerry salabas. Sinubukan niyang ituon ang atensyon sa balita sa TV na tungkol sa bagong team ng football saPilipinas na bagamat mas pinapakita ang mga foreigner na manlalaro ay sinasabing manlalaro ito ngPilipinas at proud to be pinoy ang mga ito. Ang mga fans naman nito ay tiling tili.

  • 7/29/2019 Compilation of Short Stories

    20/22

    20

    Kaya ko nga bang panindigan itong ginagawa ko? Kaya ko bang mawala at burahin si Gerry sabuhay ko? Binaha ng katanungan si Stacey, hanggang sa tumulo na naman ang mga luha na akala niyaay naubos na. Hindi, hindi ako lalabas. Dito lang ako. Kaya ko ito. Mas mahal ko ang sarili ko, wala langakong mapapalang magandang kinabukasan sa kanya. Eto ang paulit ulit na sinasabi ni Stacey sa sarili.Sa wakas ay dumating na ang gabi at isa isang nagsidatingan ang mga pamilya ni Stacey mula sa kanyakanyang trabaho. "Ano kaya kung magbakasyon ka muna sa Pilipinas anak? Baka doon mas makapagisip isip ka." sabi ng kanyang Ama na si Lauro habang hawak hawak ang kanyang kamay. Hindipalasalita ang

    Ama niya pero ang mga huling sinabi nito ang pumukaw sa kanya."Ate baka doon ka na makapag move on." sabat naman ng kapatid niyang si Jessie na twenty

    years old na. "Kailangan mo yan eh. Maawa ka naman sa sarili mo, bigyan mo ang sarili mo ngpagkakataon na sumaya."

    Tinaymingan ni Stacey na wala sa bahay si Gerry nang kunin niya ang mga gamit niya. Kasamaniya pa si Tina para kung sakali mang dumating itong si Gerry at hindi ito makapalag sa sasabihin niya.Kabang kaba si Stacey sa ginagawa niyang pagi- impake dahil baka anumang oras ay dumating si Gerry.Hindi naman ito ang unang beses na nakipag hiwalay siya dito. Paano naman kasi ay kahit dati ay

    nagagawa na siyang saktang nito sa tuwing sasabihin niya na makikipag hiwalay siya, at kahit pasinabing hindi nito sinasadya ay hindi niya pa din maialis ito sa isip gawa ng trauma. Eto ang kailanmanhindi niya sinabi sa mga magulang niya o sa kahit na sino. Kahit papaano ay gusto niya pa din itongprotektahan sa mata ng mga tao. Saka niya naisip na ang kapal pala ng mukha nito. Napaniwala niyangmahal niya talaga ako when in fact hindi pa nga kami mag asawa ay sinasaktan na niya ako.

    "Alam mo girl, I'm so proud of you, unti unti ka ng nagigising sa katotohanan." sabi ni Tinahabang iniabot sa kanya ang tinuping damit para ilagay sa travelling bag.

    "Natutuwa din ako Tina, pero tama ang pamilya ko, kailangan ko pa din mag move on, kailanganko munang lumayo para buuin ulit ang sarili ko."

    "Tama ka, buti na lang at pinayagan ka ni Mr Chan mag leave, sabi niya pwede ka daw bumalikkahit kailan mo gusto. Talagang may gusto sayo!" pangaasar ni Tina.

    "Pero Tina, totoo bang pumupunta pa din siya sa bar?""Oo, lagi ka pa din niyang tinatanong sa akin, umaasa pa din siya na makita ka niya doon. Sa

    bahay ng mga magulang mo lang siya hindi makapalag.""Oo nga eh. Mabuti pa bilisan na natin at baka maabutan pa niya ako dito." At nagmadali na sa

    pagiimpake ang dalawa. Wala pang labing limang minuto ay natapos na din sila. Bago pa umalis siStacey ay nagiwan siya ng isang sulat na magpapaliwanag kay Gerry na mawawala na siya ng tuluyansa buhay nito.

    Padabog na umuwi si Gerry sa bahay na tinitirhan nila ni Stacey. Halos isang linggo na silanghindi nagkikita nito at sa totoo lang ay miss na miss na niya ito. Totoo nga na doon muna siya sa bahayng Nanay niya tumutuloy pero ito ay dahil isa sa mga anak niya ay may sakit. Napahiga si Gerry sa kamanang masulyapan niya ang bukas na pinto ng cabinet. Tumayo siya para isara ito, ito ang ang cabinet niStacey. Nagulat siya nang makita niyang wala na pala itong kalaman laman at ang tanging natira na langsa cabinet ay isang papel na nakatupi. Kinuha niya ito at sinilip, sulat kamay ni Stacey. Nagsimula siyangbasahin ang sulat.

    Gerry,

    Aalis na ako, huwag ka ng umasa pang babalik ako sayo dahil buo na ang desisyon ko. Gagawinko ito para sa sarili ko kaya sana bigyan mo ko ng pagkakataon na mag bagong buhay. Hindi ko kayangisipin na nakikihati ako sa atensyon mo at ang mga kaagaw ko pa ay ang dati mong asawa at anak. Hindiko masikmura na ako ay pangalawa lamang sa priority mo. Hindi ko sinasabing nagsisisi ako sa mganangyari pero naisip ko din na sana pala ay umiwas na ako sayo dati pa. Isa lang ang maihihiling ko sayo,huwag na huwag mo na akong hahanapin, alam kong maliit na lugar lang ang Hong Kong, alam mo kung

  • 7/29/2019 Compilation of Short Stories

    21/22

    21

    saan ako nakatira o nagtra trabaho pero sinasabi ko sa'yo, wala kang mapapala.

    Good bye.Stacey

    Matapos mabasa ni Gerry ang sulat ay nilukot niya ito na halos mapunit. Sa sobrang galit aynasuntok niya ang pinto ng cabinet ng makailang beses hanggang sa nagdugo ang dalawang kamao niya.Inaamin niyang hindi siya perpektong tao at inaamin niya din na minahal niya si Stacey, kung pwede ngalang sana ay hatiin niya ang sarili niya sa dalawa. Hindi niya din kayang abadunahin ang mga anak niya.At sa sobrang galit ay nasasaktan niya si Stacey hindi lang sa pananalita kung hindi pati na din sa pisikal."Stacey, nagsisisi na ako, bumalik ka na sana..." humahagulhol na sabi ni Gerry, ang kanyang buhok aymakailang beses niyang sabunutan sa sobrang galit, ilang oras siyang nasa ganoong sitwasyon. Hindi na

    niya hahabulin pa si Stacey, hindi siya makapunta sa mga magulang nito dahil wala din siyang mukhangmaihaharap. Galit na galit siya sa sarili niya, sinisisi niya rin ang sarili, kung maibabalik niya lang sanaang panahon.

    Sakay sakay na ng isang eroplano papuntang Manila si Stacey, at dahil masakit na ang ulo niyasa kaiiyak ay napagdesisyunan niyang matulog na lamang sa buong biyahe. Wala na siyangnararandaman ngayon, matapos ang ilang araw na pagiiyak ay pagod na pagod na siya sa ganitongsitwasyon siya din naman ang nagsimula. Wala na siyang maramdaman kung hindi pagkapagod, manhidna siguro siya sa lahat ng bagay na naaalala niya tungkol kay Gerry. Hindi na namalayan ni Stacey nanakatulog na pala siya at nanatili siyang ganoon sa loob ng halos isa't kalahating oras.

    "Tessie!!!" napalingon si Stacey sa pamilyar na boses na iyon. Sa wakas ay nakarating na siya saNinoy Aquino International Airport 3, nalamapasan na din niya sa ang immigration at ang customs. Siyangayon ay nakatayo sa arrival hall habang tulak tulak ang isang kart na nagdadala ng lahat ng gamit niya.Naramdaman niya bigla ang simoy ng hangin dito sa Pilipinas na ibang iba sa Hong Kong. Dito kasi saPilipinas, kahit tag init ay makakalanghap ka pa ng hangin. Pero tulad ng Hong Kong ay grabe angpolusyon dito, hindi lang sa hangin kung hindi pa din sa ingay ng mga tao, ng mga sasakyan, ng eroplano,

    ng announcer ng airport. Muntikan na siyang matumba dahil sa pagkahilo pero buti na lamang at sinalosiya ng isang lalake. Lalakeng pumukaw ng dati pang natatagong damdamin, gulo gulo ang buhok nito,naka polo shirt at short. Kung hindi siya nagkakamali ay ito ang kababata niyang si Andrew, nakilala niyaito noong nakatira pa sila sa Cavite bago sila nag migrate ng Hong Kong. Matagal din silang nagingmagkaklase nito, at lagi siyang nakakatanggap ng sulat mula dito. "Naaalala mo pa ba ako Tessie, esteStacey ka na pala ngayon?" nakangiting tanong nito.

    "Oo naman Andrew." masaya niya itong niyakap ng mahigpit. "Bakit nga pala ikaw ang sumundosa akin dito?"

    "Biglaan naman kasi ang uwi mo, Biyernes ngayon kaya may pasok ang mga Tiyo mo sa trabahohabang ang Lola mo naman ay nasa Van, hindi makalabas dahil sa sobrang init. Kung kaya naman akona lang pinaghintay nila dito." Ngumiti na naman si Andrew na nagpaalala kay Stacey na naging crushniya ito dati pa, hindi niya lang nasabi dahil naging abala sila sa paglilipat sa Hong Kong. Hindi niya alamkung bakit pero tulad ng dati ay kumakabog na naman ang dibdib niya sa nang makita ang lalakeng ito.

    "Salamat sa pagsundo sa akin ah, oo nga pala, meron ka bang facebook? Hindi na akonakakasagot sa mga sulat mo sa akin, alam mo naman-"

    "Oo busy ka. Wala akong facebook, pero alam ko usong uso yun ngayon eh. Turuan mo namanako doon o. Alam mo naman masyado din ako abala sa trabaho ko bilang prof sa University na malapitsa atin kung nababasa mo nga ang mga sulat ko, nakasulat naman yun lahat doon. Buti na lang talagangayon ay maaga natapos ang klase ko, ako na ang nagpresinta na sumundo sayo.""Oo naman binabasa ko pa din ang mga sulat mo, too bad hindi talaga ako nakakapag reply. Busy dinako sa trabaho ko, lagi akong puyat." Hindi niya masabi na pinagbawalan din siya ng mga dati niyangnobyo kasama si Gerry na sumagot sa mga sulat nito dahil sa selos. "Anyway, salamat ulit ha, hayaan

  • 7/29/2019 Compilation of Short Stories

    22/22

    22

    mo tuturuan kita mag facebook." natatawang sagot ni Stacey. Kinuha ni Andrew ang mga bagahe niStacey sa kart at nagsimula na silang lumabas ng mataong airport. Hawak kamay silang naglalakadpapunta sa van kung saan naghihintay ang kanina pang naiinip na Lola nito.