commentator's copy - misa mayor

Upload: kenjie-gomez-eneran

Post on 13-Apr-2018

360 views

Category:

Documents


3 download

TRANSCRIPT

  • 7/26/2019 Commentator's Copy - Misa Mayor

    1/22

    1

    Parokya ni San Juan Nepomuceno

    Malibay, Lungsod ng Pasay

    Kapistahan ng

    Mahal na Poong

    San uan Nepomuceno

    "San Juan Nepomuceno, Martir ng Kumpisal,ang Sakramento ng Awa ng Panginoon"

    Ika- 16 ng Mayo 2016

    Lubhang Kagalang-galang Socrates Villegas, DD

    Arsobispo ng Lingayen- Dagupan

    Pangulo, Kapulungan ng mga Katolikong Obispo ng Pilipinas

  • 7/26/2019 Commentator's Copy - Misa Mayor

    2/22

    2

    MISA NG SAMBAYANAN

    Tagapagdaloy:Magandang Umaga po sa ating lahat. Ngayon po ay

    ang Kapistahan ng ating Mahal na Patron San Juan Nepomuceno.

    Ang mamumuno po sa ating Banal na Pagdiriwang ay ang

    Lubhang Kagalang-galang, Socrates Villegas, DD, Arsobispo ng

    Lingayen- Dagupan at Pangulo ng Kapulungan ng mga

    Katolikong Obispo ng Pilipinas, kasama ang ating Kura Paroko

    Rev. Fr. Edgardo Coroza at ang mga kaparian ng Arkidiyosesis

    ng Maynila. Magsitayo po ang lahat at sumabay sa koro para sa

    pambungad na awit.

    Kapag natitipon na ang sambayanan, ang Obispo, mga nakikipagdiwang na mgapari at mga tagapaglingkod ay lalakad patungo sa dambana samantalang ang

    awiting pambungad ay inaawit.

    Pagsapit sa dambana, ang mga nakikipagdiwang na mga pari, ang obispo at mga

    tagapaglingkod ay magbibigay-galang alinsunod sa hinihinging paraan.

    Magbibigay-galang ang obispo sa dambana sa pamamagitan ng paghalik saibabaw ng altar. Matapos nito, iinsensuhan ng Obispo ang altar. Bago simulan

    ang Banal na Misa, gagawin ang pagbubukas at pagpapakita sa bagong luklukan

    ng tabernakulo ng simbahan. Babanggitin ng naatasang magsalita ang mgasumusunod na pangungusap bago buksan ang bagong luklukan.

    Tagapagdaloy: Atin pong gaganapin ang pag-aalis ng tabing at

    pagbabasbas ng bagong luklukan ng tabernakulo

    Madre:Sa lalong ikadadakila ng Diyos kasama ang mga tulong panalangin ng

    ating Mahal na Patron, San Juan Nepomuceno, at ng Mahal na Birheng Maria, ayinihahandog ng Parokya ng Malibay ang bagong luklukan ng Tabernakulo na

    syang sisidlan ng banal na katawan at dugo ng ating Panginoong Hesukristo.

    Ang Obispo, Kura Paroko, at ilang miyembro ng sector ng lipunan ay ang mgamangunguna sa pagbubukas ng bagong luklukan. Habang binubuksan ang tabing

    ng luklukan, ang koro ay umaawit ng awitin ng pagpupuri sa Diyos.

    Matapos ang pagbubukas ng tabing ng luklukan ng tabernakulo, babanggitin ng

    Obispo ang panalangin ng pagbabasbas sa bagong luklukan:

    Obispo: Ang tumutulong sa atin ay ang Panginoon

  • 7/26/2019 Commentator's Copy - Misa Mayor

    3/22

    3

    Bayan: Na may gawa ng langit at lupa.

    Obispo: Manalangin tayo

    O Diyos Ama, basbasan Mo ang bagong luklukan na ito na

    inilaan para sa iyong karangalan at kalooban. Loobin mong ang

    lahat ng manalangin at dumulog sa dakong ito ay magkamit ngiyong pagpapala at ipag-adya sa bawat panganib sa buhay,

    yayamang kaming lahat ay umaasa sa Iyong biyaya at kagandahang

    loob. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Hesukristong amingPanginoon, kaisa mo at ng Espiritu Santo, nabubuhay at naghahari,

    magpasawalang hanggan.

    Bayan: Amen!

    Wiwisikan ng Obispo ng banal na tubig ang bagong luklukan at iinsensuhan ito.

    Matapos nito ay ilalagay ng Obispo ang siboryo na naglalaman ng katawan ni

    kristo, isasara ang tabernakulo at magbibigay galang rito ayon sa kinaugaliangparaan.

    Pupunta ang Obispo sa kanyang upuan at sisimulan ang Banal na Misa sapamamagitan ng antanda ng krus.

    Obispo: Sa ngalan ng Amaat ng Anak at ng Espiritu Santo.

    Bayan: Amen!

    Obispo: Sumainyo ang kapayapaan!

    Bayan: At sumaiyo rin!

    Obispo: Mga Kapatid, aminin natin ang ating mga kasalanan upang tayoy

    maging marapat gumanap sa banal na pagdiriwang.

    Sandaling katahimikan. Matapos, kasabay ng bayan ay wiwkain ng pari:

    Inaamin ko sa makapangyarihang Diyos, at sa inyo, mga kapatid,

    na lubha akong nagkasala, sa isip, sa salita, at sa gawa, at sa akingmga pagkukulang. Kaya isinasamo ko sa Mahal na Birheng

    Maria, sa lahat ng mga anghel at mga banal, at sa inyo, mga

    kapatid, na akoy ipanalangin sa Panginoong ating Diyos.

  • 7/26/2019 Commentator's Copy - Misa Mayor

    4/22

    4

    Obispo: Kaawaan tayo ng makapangyarihang Diyos, patawarin tayo sa ating

    mga kasalanan at patnubayan tayo sa buhay na walang hanggan.

    Bayan: Amen!

    Panginoon kaawaan mo kami

    Panginoon kaawaan mo kami.

    Kristo kaawaan mo kami.Kristo kaawaan mo kami.

    Panginoon kaawaan mo kami.

    Panginoon kaawan mo kami.

    PAPURI SA DIYOSPasisimulan ng punong tagapagdiwang ang pag-awit ng Papuri sa Diyos.

    Papuri sa Diyos sa kaitaasanat sa lupay kapayapaan sa mga taong kinalulugdan niya.

    Pinupuri ka namin, dinarangal ka namin, sinasamba ka namin, ipinagbubunyi kanamin, pinasasalamatan ka namin

    dahil sa dakila mong angking kapurihan.

    Panginoong Diyos, Hari ng langit,Diyos Amang makapangyarihan sa lahat.

    Panginoong Hesukristo, Bugtong na Anak,

    Panginoong Diyos, Kordero ng Diyos, Anak ng Ama.

    Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,maawa ka sa amin. Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan

    ng sanlibutan, tanggapin mo ang aming kahilingan.Ikaw na naluluklok sa kanan ng Ama, maawa ka sa amin.Sapagkat ikaw lamang ang banal ikaw lamang ang Panginoon,

    ikaw lamang, O Hesukristo, ang kataas-taasan,

    kasama ng Espiritu Santo sa kadakilaan ng Diyos Ama. Amen.

    PAMBUNGAD NA PANALANGIN

    Manalangin tayo.

    Saglit na katahimikan.

    Ama naming makapangyarihan, ipinagkaloob mo kay San JuanNepomuceno na makipagtunggalian sa kamatayan para sundin ang

    loob mo. Bilang tugon sa kanyang pagdalangin, gawin mongmapagtiisan namin ang lahat ng kahirapan alang-alang sa pag-ibig

    sa iyo at buong sigasig na marating namin ikaw, na siyang tanging

    buhay sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo

    magpasawalang hanggan.

  • 7/26/2019 Commentator's Copy - Misa Mayor

    5/22

    5

    Bayan: Amen!Tagapagdaloy: Magsiupo po ang lahat at tayoy buong

    pusong makinig sa pagpapahayag ng salita ng Diyos.

    PAGPAPAHAYAG NGSALITA NG DIYOS

    UNANG PAGBASA 2 Macabeo 7, 1. 2023. 27b29

    Kahanga-hanga ang ina, hindi nasira ang kanyang loob

    dahil nagtiwala siya sa Panginoon.

    Pagbasa mula sa Ikalawang Aklat ng Macabeo

    Noong mga araw na iyon, isang ina at ang kanyang

    pitong anak na lalaki ay ipinahuli ng hari. Silay

    pinahirapan para pilitin na kumain ng karneng baboy na

    ipinagbabawal ng Diyos.

    Ang di malilimot at higit na kahanga-hanga ay ang

    ina. Nasaksihan nito ang sunud-sunod na pagpaparusang

    ginawa sa kanyang anim na anak hanggang sa ang mga

    itoy mamatay sa loob lamang ng isang araw. Ngunit

    hindi nasira ang kanyang loob dahil nagtiwala siya sa

    Panginoon. Malakas ang kanyang loob kahit na siyay

    babae; kasintapang siya ng lalaki. Sa wika ng kanyang

    mga ninuno, isa-isa niyang pinalakas ang loob ng

    kanyang mga anak. Ganito ang sabi niya, Hindi ko alam

    kung paano kayo naging tao sa aking sinapupunan. Hindi

    ako ang naglagay ng ibat ibang sangkap ng inyong

    katawan at nagbigay sa inyo ng buhay. Ang lumikha ngbuong santinakpan ay siya ring lumikha ng tao at lahat ng

    bagay. Dahil sa kanyang kagandahang-loob ay ibabalik

    niyang muli ang inyong hininga at buhay, yamang hindi

    ninyo inaalintana ang sariling buhay dahil sa Kanyang

    kautusan.

  • 7/26/2019 Commentator's Copy - Misa Mayor

    6/22

    6

    Anak, mahabag ka sa iyong ina na siyam na

    buwang nagdala sa iyo sa kanyang sinapupunan. Tatlong

    taon kitang pinasuso. Pinalaki kita, pinapag-aral at

    inaruga hanggang ngayon. Masdan mo ang kalangitan at

    ang daigdig at lahat ng bagay na naroon. Alam mong anglahat ng iyan ay nilikha ng Diyos, tulad din naman ng

    sangkatauhan. Huwag kang matakot sa berdugong ito.

    Ipakita mong karapat-dapat ka sa iyong mga kapatid na

    nagdusa hanggang kamatayan, upang sa muling

    pagkabuhay ay makapiling kita kasama nila.

    Ang salita ng Diyos.

    Salamat sa Diyos.

    (kakantahin ng Koro ang tugon na Salamat sa Diyospati

    ang salmong tugunan)

    SALMONG TUGUNAN Awit 23

    Tugon. Ang Panginoon ang aking pastol

    Pinagiginhawa akong lubos.

    Handog niyang himlayay sariwang pastulanAng pahingahan koy payapang batisan,

    Hatid sa kalulwa ay kaginhawahan,

    Sa tumpak na landas, Siya ang patnubay.

    Tugon. Ang Panginoon ang aking pastol

    Pinagiginhawa akong lubos.

    Madilim na lambak man ang tatahakin ko,

    Wala akong sindak, Siyay kasama ko.

    Ang hawak niyang tungkod ang siyang gabay ko.

    Tangan niyang pamalo, siglat tanggulan ko.

    Tugon. Ang Panginoon ang aking pastol

    Pinagiginhawa akong lubos.

  • 7/26/2019 Commentator's Copy - Misa Mayor

    7/22

    7

    IKALAWANG PAGBASA Roma 8, 31b39

    Ang kamatayan o ang buhay ay hindi

    makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ng Diyos

    Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Roma

    Mga kapatid:

    Kung ang Diyos ay panig sa atin, sino ang laban sa

    atin? Hindi niya ipinagkait ang sarili niyang Anak kundi

    ibinigay para sa ating lahat. Kung naipagkaloob niya sa

    atin ang kanyang Anak, hindi ba niya ipagkakaloob sa

    atin ang lahat ng bagay, kasama ng kanyang Anak? Sino

    ang maghaharap ng sakdal laban sa mga hinirang ng

    Diyos, gayong ang Diyos ang nagpapawalang-sala sa

    kanila? Sino ang hahatol ng kaparusahan? Si Kristo

    Hesus bang nasa kanan ng Diyos? Siya pa nga ang

    namatay at muling binuhay, at ngayoy namamagitan

    para sa atin. Sino ang makapaghihiwalay sa atin sa

    pagmamahal ni Kristo? Ang paghihirap ba? Ang

    kapighatian, ang pag-uusig, ang gutom, ang kahubaran,ang panganib, o ang tabak? Ayon sa nasusulat,

    Alang-alang sa iyo, nanganganib kaming

    mamatay sa buong maghapon. Ibinibilang kami na mga

    tupang papatayin

    Hindi! Ang lahat ng itoy kayang-kaya nating

    pagtagumpayan sa pamamagitan niya na nagmamahal sa

    atin. Sapagkat natitiyak kong ang kamatayan, ang buhay,ang mga anghel, ang mga pamunuan, ang mga bagay sa

    kasalukuyan, ang mga bagay na darating, ang mga

    kapangyarihan, ang kataasan, ang kalaliman, o ang

    alinmang nilalang ay hindi makapaghihiwalay sa atin sa

  • 7/26/2019 Commentator's Copy - Misa Mayor

    8/22

    8

    pag-ibig ng Diyospag-ibig na ipinadama niya sa atin sa

    pamamagitan ni Kristo Hesus na ating Panginoon.

    Ang salita ng Diyos.

    Salamat sa Diyos

    (kakantahin ng Koro ang tugon na Salamat sa Diyos)

    Tagapagdaloy: Tayo po ngayon ay magbigay galang sa mabuting

    balita

    ALELUYA Mateo 5,10

    Aleluya! Aleluya!

    Mapalad ang nagtitiis

    Sa mabutiy inuusigTagapagmana ng langit

    Aleluya! Aleluya!

    PAGPAPAHAYAG NG MABUTING BALITA

    Mateo 10, 1722

    Dahil sa akin, ihaharap kayo sa mga gobernador at mga hari,

    at magpapatotoo kayo sa harapan nila at ng mga Hentil.

    Sumainyo ang PanginoonTagapagdaloy: At sumaiyo rin.

    Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo.

    Tagapagdaloy: Papuri sa iyo Panginoon.

    Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang

    mga apostol, Mag-ingat kayo sapagkat may mga taongmagkakanulo sa inyo sa hukuman; at hahagupitin nila

    kayo sa mga sinagoga. Dahil sa akin, ihaharap kayo sa

    mga gobernador at mga hari, at magpapatotoo kayo saharapan nila at ng mga Hentil. Kapag nililitis na kayo,huwag kayong mabalisa tungkol sa sasabihin ninyo o

    kung paano ninyo sasabihin. Pagdating ng oras, itoyipagkakaloob sa inyo. Sapagkat hindi kayo ang

    magsasalita kundi ang Espiritu ng inyong Ama angmagsasalita sa pamamagitan ninyo.

  • 7/26/2019 Commentator's Copy - Misa Mayor

    9/22

    9

    Ipagkakanulo ng kapatid ang kanyang kapatid

    upang ipapatay; gayundin ang gagawin ng ama sakanyang anak.. Lalabanan ng mga anak ang kanilang mga

    magulang, at ipapapatay. Kapopootan kayo ng lahat dahil

    sa akin; ngunit ang manatiling tapat hanggang wakas ang

    siyang maliligtas.

    Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

    Tagapagdaloy: Pinupuri ka namin PanginoongHesukristo.

    Tagapagdaloy: Manatili pong nakatayo para sa paggawad ng

    pagbabasbas.

    I aabot ng diyakono ang Libro ng M abuting Bal ita sa Obispo upang

    igawad ang pagbabasbas sa lahat ng nati tipon.

    Tagapagdaloy:Magsi-upo po ang lahat.

    HOMILIYA

    Ang obispo ay magbibigay ng homiliya. Matapos ay maaaring magkaroon ng

    sandaling katahimikan para sa pansariling pagninilay.

    Tagapagdaloy: Maglaan po tayo ng ilang minutongkatahimikan para sa pagninilay.

    Matapos ang pagninilay, ang lahat ay tatayo para sa pagpapahayag ng

    pananampalataya.

    Tagapagdaloy:Magsitayo po ang lahat.

    PAGPAPAHAYAG NG PANANAMPALATAYA.

    Sumasampalataya ako sa Diyos Amang

    makapangyarihan sa lahat na may gawa ng langit at

    lupa.

    Sumasampalataya naman ako kay Hesukristo

    iisang Anak ng Diyos Panginoon nating lahat.

    Nagkatawang tao siya lalang ng Espiritu Santo.

    Ipinanganak ni Santa Mariang Birhen,

    pinagpakasakit ni Pontio Pilato ipinako sa krus,

  • 7/26/2019 Commentator's Copy - Misa Mayor

    10/22

    10

    namatay, inilibing, nanaog sa kinaroroonan ng mga

    yumao.

    Nang maikatlong araw nabuhay na mag-uli

    umakyat sa langit, naluluklok sa kanan ng Diyos

    Amang makapangyarihan sa lahat, doonmagmumulat paririto at huhukom sa nangabubuhay

    at namamatay na tao.

    Sumasampalataya naman ako sa Diyos Espiritu

    Santo, sa Banal na Simbahang Katolika sa kasamahan

    ng mga banal, sa kapatawaran ng mga kasalanan, sa

    pagkabuhay na mag-uli ng nangamatay na tao at sa

    buhay na walang hanggan

    Amen.

    PANALANGIN NG BAYAN

    Aanyayahan ng obispo ang sambayanan sa pagluhog.

    Obispo: Ang Diyos ng Awa ang siyang patuloy na nagpapa-agos

    ng walang hanggang pagmamahal sa ating lahat. Hilingin natin sa

    Panginoon, sa tulong ng panalangin ng Mahal na Patrong San Juan

    Nepomuceno, na patuloy tayong pagpalain at palakasin sa

    pananampalataya sa kabila ng ating pagiging makasalanan. Ang

    ating itutugon:

    Tugon. Sa pamamagitan ng mga panalangin ni San

    Juan Nepomuceno, Panginoon pagpalain mo ang

    Iyong bayan.

    Lektor. Para sa Santo Papa, ang Pastol ng Awa ng Diyos, nawa ay

    patuloy siyang patnubayan ng Banal na Espiritu Santo upang

    katulad ng mga apostol ay walang takot na makapagpahayag ng

    muling pagkabuhay ni Hesus saan man dako at sulok ng daigdig,

    manalangin tayo sa Panginoon.

    Tugon. Sa pamamagitan ng mga panalangin ni San

    Juan Nepomuceno, Panginoon pagpalain mo ang

    Iyong bayan.

  • 7/26/2019 Commentator's Copy - Misa Mayor

    11/22

    11

    Lektor. Para sa parokya ng Malibay, nawa ang halimbawang

    ipinakita ng ating Patron San Juan Nepomuceno na pagiging

    matipid at mapag-isip sa pangungusap, ay magsilbing ugat ng

    panibagong kultura na magbubunsod sa kaayusan at mag-iiwas sa

    iba't ibang alitan at hindi pagkakaunawaan, manalangin tayo sa

    Panginoon.

    Tugon. Sa pamamagitan ng mga panalangin ni San

    Juan Nepomuceno, Panginoon pagpalain mo ang

    Iyong bayan.

    Lektor. Ang pamimintuho nawa sa ating Patron, San Juan

    Nepomuceno ang magsilbing inspirasyon sa ating lahat sa Malibay

    na maging banal sa isip, sa salita, at sa gawa nang sa gayon aymagsilbing tagapagdala ng liwanag sa lipunang nadidimlan.

    Manalangin tayo sa Panginoon.

    Tugon. Sa pamamagitan ng mga panalangin ni San

    Juan Nepomuceno, Panginoon pagpalain mo ang

    Iyong bayan.

    Lektor. Nasaksihan natin sa kwento ng pagkamartir ni San JuanNepomuceno, ang pagmamalabis ni Haring Wenceslao sa kanyang

    kapangyarihan; maghari nawa sa puso ng mga namumuno sa bayan

    ang pusong may tunay na paglilingkod sa Diyos at sa kapwa sa

    pamamagitan ng pagiging tapat sa mga tungkulin. Manalangin tayo

    sa Panginoon.

    Tugon. Sa pamamagitan ng mga panalangin ni San

    Juan Nepomuceno, Panginoon pagpalain mo ang

    Iyong bayan.

    Lektor. Tulad ni San Juan Nepomuceno na nagtiis ng hirap at sakit,

    ang mga inuusig dahilan sa pagtalima sa paggawa ng kabutihan ay

    biyayaan nawa ng lakas ng loob upang itaguyod ang tama

    Manalangin tayo sa Panginoon.

  • 7/26/2019 Commentator's Copy - Misa Mayor

    12/22

    12

    Tugon. Sa pamamagitan ng mga panalangin ni San

    Juan Nepomuceno, Panginoon pagpalain mo ang

    Iyong bayan.

    Punong Tagapagdiwang. Diyos Ama, ikaw ang nagbigay buhay sa

    lahat ng mabuti, dinggin mo ang aming mga panalangin at gabayan

    mo kami, habang ipinagdiriwang namin ang kapistahan ng martir

    ng Sakramento ng iyong awa na si San Juan Nepomuceno.

    Hinihiling namin ito sa ngalan ni Kristong aming Panginoon.

    Bayan: Amen!

    Sisimulan ngayon ang paghahanda sa mga alay. Ang mga tao ay maaring

    magprusisyon patungong altar upang ialay ang kanilang maitutulong para sa mga

    dukha at sa simbahan.

    Tagapagdaloy: Magsiupo po ang lahat. Tayo po ngayon ay

    nasa bahagi na ng Liturhiya ng Eukaristiya, ang paghahain

    ng ating mga alay.

  • 7/26/2019 Commentator's Copy - Misa Mayor

    13/22

    13

    PAGDIRIWANG NG

    HULING HAPUNAN

    PAGHAHANDA NG MGA ALAY

    Ngayon ay tatanggapin ng tagapagdiwang ang iba pang mga alay, angtinapay at ang alak. Samantalang itoy ginaganap, ilalagay ng mga

    tagapaglingkod ang telang patungan ng katawan ni Kristo, ang pamahiran ng

    kalis, at ang aklat ng pagmimisa sa ibabaw ng dambana.

    Ngayoy tatayo ang punong tagapagdiwang sa gawing gitna ng dambana,

    hahawakan niya ang pinggan ng tinapay nang bahagyang nakaangat sa dambana,

    habang dinarasal niya ng pabulong:

    Kapuri-puri ka, Diyos Amang Lumikha sa sanlibutan. Sa

    iyong kagandahang-loob, narito ang aming maiaalay.

    Mula sa lupa at bunga ng aming paggawa ang tinapay naito para maging pagkaing nagbibigay-buhay.

    Kapuri-puri ang Poong Maykapal ngayon at kailan man!

    Ang diyakono ay magbubuhos ng alak at kaunting tubig sa kalis habang

    dinarasal nang pabulong.

    Sa paghahalong ito ng alak at tubig

    kami naway makasalo sa pagka-Diyos ni Kristona napagindapat makihati sa aming pagkatao.

    Pagbalik sa gawing gitna ng dambana, hahawakan ng punong tagapagdiwangang kalis nang bahagyang nakaangat sa dambana habang dinarasal niya nang

    pabulong:

    Kapuri-puri ka, Diyos Amang Lumikha sa sanlibutan. Saiyong kagandahang-loob, narito ang aming maiaalay.

    Mula sa katas ng ubas at bunga ng aming paggawa ang

    alak na ito para maging inuming nagbibigay ng iyong

    Espiritu.

    Kapuri-puri ang Poong Maykapal ngayon at kailan man!

    Pagkatapos yuyuko ang punong tagapagdiwang habang dinarasal niya ng

    pabulong:

    Diyos Amang Lumikha, nakikiusap kamingmakasalanan. Tanggapin mo ang aming pagsisisi bilanghandog upang kamiy matutong sumunod sa iyo ng

  • 7/26/2019 Commentator's Copy - Misa Mayor

    14/22

    14

    buong puso.

    linsesuhan ng punong tagapagdiwang ang mga alay at dambana; pagkaraay

    iinsensuhan ng diyakono o ng tagapaglingkod ang pari at mga nagsisimba.

    Pagkatapos tutungo ang tagapagdiwang sa gilid ng dambana, maghuhugas

    siya ng mga kamay samantalang pabulong niyang dinarasal:

    O Diyos kong minamahal, kasalanan koy hugasan

    at linisin mong lubusan ang nagawa kong pagsuway.

    Pagbalik ng punong tagapagdiwang sa gitna ng dambana. Ilalahad niya ang

    kanyang mga kamay sa mga tao at ipahahayag.

    Manalangin kayo, mga kapatid, upang ang paghahainnatin ay kalugdan ng Diyos Amang makapangyarihan.

    Tagapagdaloy: Tanggapin nawa ng Panginoon itongpaghahain sa iyong mga kamay sa kapurihan niya at

    karangalan sa ating kapakinabangan at sa buong

    Sambayanan niyang banal.

    PANALANGIN UKOL SA MGA ALAY

    Ama naming Lumikha, inihahain namin ang mga alay sa iyongayong ginugunita ang banal mong martir na si San Juan

    Nepomuceno na hindi naihiwalay ng anumang pang-akit na

    talikdan ang pakikiisa sa iyong sambayanan sa pamamagitan ni

    Hesukristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

    Tagapagdaloy:Amen.

  • 7/26/2019 Commentator's Copy - Misa Mayor

    15/22

    15

    IKATLONG PANALANGIN NG

    PAGPUPURI AT PASASALAMAT

    PREPASYO

    Sumainyo ang Panginoon.

    Tagapagdaloy:At sumaiyo rin.

    ltaas sa Diyos ang inyong puso at diwa.

    Tagapagdaloy:Itinaas na namin sa Panginoon.

    Pasalamatan natin ang Panginoong ating Diyos.

    Tagapagdaloy:Marapat na siya ay pasalamatan.

    Ama naming makapangyarihan,

    tunay ngang marapat na ikaw ay aming pasalamatan ngayongaming kagalakan na si San Juan Nepomuceno ay parangalan.

    Siya kapanalig naming may paninindiganna ikaw ay ipahayag kahit siyay mamatay

    sapagkat minarapat mong kanyang matularan

    ang iyong anak na naghain ng sariling buhay.

    Tulad ng naganap sa iyong Anakang dugo ng mga martir ay dumanak

    hindi dahil sa katatagang likas

    kundi dahil sa iyong bigay na lakas.

    Kaya kaisa ng mga anghel na nagpupuri sa iyo nang walang

    humpay sa kalangitan ipinagbubunyi namin ang iyong kadakilaan:

    Santo, Santo, Santo Panginoong Diyos ng mga hukbo!Napupuno ang langit at lupa ng kadakilaan mo.Osana sa kaitaasan!

    Pinagpala ang naparirito sa ngalan ng Panginoon!

    Osana sa kaitaasan!

    Tagapagdaloy:Magsiluhod po ang lahat

    Nakalahad ang mga kamay na darasalin

    Ama naming banal, dapat kang purihin ng tanang kinapal, sapagkat

    sa pamamagitan ng iyong Anak na aming Panginoong Hesukristo

  • 7/26/2019 Commentator's Copy - Misa Mayor

    16/22

    16

    at sa kapangyrihan ng Banal na Espiritu, ang lahat ay bibibigyan

    mo ng buhay at kabanalan.

    Walang sawa mong tinitipon ang iyong sambayanan upang mula sa

    pagsikat hanggang sa paglubog ng araw, maihandog ang malinis na

    alay para sambahin ang iyong ngalan.

    Pagdaraupin ng tagpagdiwang ang kanyang kamay at lulukuban ng mga

    kamay niya ang mga alay habang siya ay nagdarasal.

    Ama, isinasamo naming pakabanalin mo sa kapangyarihan ng

    Banal na Espiritu ang mga kaloob na ito na aming inilalaan sa iyo.

    Pagdaraupin ng tagapagdiwang ang kanyang mga kamay at kukurusan niya

    ang tinapay at kalis, samantalang kanyang dinarasal.

    Ito nawa ay maging Katawan at Dugo ng iyong Anak at aming

    Panginoong Hesukristo

    Pagdaraupin niya ang kanyang mga kamay.

    na nag-utos ipagdiwang ang misteriyong ito.

    Noong gabing ipagkanulo siya,

    Hahawakan ng tagapagdiwang ang tinapay ng bahagyang nakaangat sa

    ibabaw ng dambana habang kanyang patuloy na inihahayag:

    hinawakan niya ang tinapay, pinasalamatan ka niya, pinaghati-hati

    niya iyon, iniabot sa kanyang mga alagad at sinabi:

    Bahagyang yuyuko ang punong tagapagdiwang.

    TANGGAPIN NINYONG LAHAT ITO AT KANIN:ITO ANG AKING KATAWAN

    NA IHAHANDOG PARA SA INYO.

    Ipapamalas niya ang tinapay, ipapatong niya ito sa pinggang patungan ng

    katawan ni Kristo, at luluhod siya bilang pagsamba.

    Pagkatapos ipahahayag ng punong tagapagdiwang.

    Gayun din naman, pagkatapos ng hapunan,

    Hahawakan ng punong tagapagdiwang ang kalis nang bahagyang nakataas

    sa ibabaw ng dambana habang kanyang patuloy na inihahayag:

    hinawakan niya ang kalis, muli ka niyang pinasalamatan, iniabot sa

    kanyang mga alagad, at sinabi:

    Bahagyang yuyuko ang punong tagapagdiwang.

  • 7/26/2019 Commentator's Copy - Misa Mayor

    17/22

    17

    TANGGAPIN NINYONG LAHAT ITO AT INUMIN:

    ITO ANG KALIS NG AKING DUGO

    NG BAGO AT WALANG HANGGANG TIPAN,

    ANG AKING DUGO NA IBUBUHOSPARA SA INYO AT PARA SA LAHAT

    SA IKAPAGPAPATAWAD NG MGA KASALANAN.GAWIN NINYO ITO SA PAG-ALALA SA AKIN.

    Ipamamalas niya ang kalis, ipapatong niya ito sa telang patungan ng katawan

    ni Kristo, at luluhod siya bilang pagsamba.

    Tagapagdaloy:Manatili pong nakaluhod ang lahat.

    Pagkatapos, ipahahayag ng punong tagapagdiwang:

    Ipagbunyi natin ang misteryo ng pananampalataya.

    Sa krus mo at pagkabuhay, kamiy natubos mong tunay.

    Poong Hesus naming mahal, iligtas mo kaming tanan,

    ngayon at magpakailan man.

    Ilalahad ng punong tagapagdiwang ang kanyang mga kamay samantalang

    siya ay nagdarasal.

    Ama, ginugunita namin ang pagkamatay ng iyong Anak

    na sa amiy nagligtas, gayun din ang kanyang mulingpagkabuhay at pag-akyat sa kalangitan samantalang ang

    kanyang pagbabalik ay pinananabikan, kaya bilang

    pasasalamat ngayoy aming iniaalay sa iyo ang buhay atbanal na paghahaing ito.

    Tunghayan mo ang handog na ito ng iyong Simbahan.Masdan mo ang iyong Anak na nag-alay ng kanyang

    buhay upang kami ay ipagkasundo sa iyo. Loobin mongkaming magsalu-salo sa kanyang Katawan at Dugoay

    mapuspos ng Espiritu Santo at maging isang katawan at

    isang diwa kay Kristo.

    NAKIKIPAGDIWANG I

    Kami nawa ay gawin niyang handog na habang panahong

    nakatalaga sa iyo. Tulungan nawa niya kaming magkamitng iyong pamana kaisa ng Ina ng Diyos, ang Mahal na

    Birhen, kaisa ng mga Apostol, mga Martir, at kaisa nglahat ng mga Banal na aming inaasahang laging

    nakikiusap para sa aming kapakanan.

  • 7/26/2019 Commentator's Copy - Misa Mayor

    18/22

    18

    NAKIKIPAGDIWANG II

    Ama, ang handog na ito na aming pakikipagkasundo sa

    iyo ay magbunga nawa ng kapayapaan at kaligtasan parasa buong daigdig. Patatagin mo sa pananampalataya at

    pag-ibig ang iyong simbahang naglalakbay sa lupa,kasama ang iyong lingkod na si Papa Francisco, ang

    aming obispong si Luis Antonio, ng tanang mga Obispo

    at buong kaparian at ng iyong piniling sambayanan.

    Dinggin mo ang kahilingan ng iyong angkan na ngayo'ytinipon mo sa iyong harapan.

    Amang maawain, kupkupin mo at pag-isahin ang lahat ng

    iyong mga anak sa bawat sulok at panig ng daigdig.

    Kaawan mo at patuluyin sa iyong kaharian ang mga

    kapatid naming yumao at ang lahat ng lumisan samundong ito na nagtataglay ng pag-ibig sa iyo.

    Kami ay umaasang makararating sa iyong piling at sama-

    samang magtatamasa ng iyong kaningningang walang

    maliw sapagkat aming masisilayan ang iyongkagandahan

    Pagdaraupin ang kanyang mga kamay.

    Sa pamamagitan ng aming Panginoong Hesukristo na

    siyang pinagdaraanan ng bawat kaloob Mo sa amingkabutihan.

    Hahawakan ng punong tagapagdiwang ang pinggang may ostiya at ang kalis

    at kapwa niya itataas habang kanyang ipinapahayag:

    Sa pamamagitan ni Kristo kasama niya, at sa kanya anglahat ng parangal at papuri ay sa iyo, Diyos Amang

    makapangyarihan, kasama ng Espiritu Santo

    magpasawalang hanggan.

    Amen.

    Tagapagdaloy:Magsitayo po ang lahat.

  • 7/26/2019 Commentator's Copy - Misa Mayor

    19/22

    19

    ANG PAKIKINABANG

    Sa tagubilin ng mga nakagagaling na utos at turo ni Hesusna Panginoon natin at Diyos ipahayag natin nang lakas-

    loob:

    Ama namin, sumasalangit ka. Sambahin ang ngalan mo.Mapasaamin ang kaharian mo. Sundin ang loob mo dito

    sa lupa para nang sa langit. Bigyan mo kami ngayon ngaming kakanin sa araw-araw. At patawarin mo kami sa

    aming mga sala para nang pagpapatawad namin sa

    nagkakasala sa amin At huwag mo kaming ipahintulot sa

    tukso. At iadya mo kami sa lahat ng masama.

    Nakalahad ang mga kamay ng punong tagapagdiwang sa pagdarasal:

    Hinihiling naming kamiy iadya sa lahat ng masama,pagkalooban ng kapayapaan araw-araw, iligtas sa

    kasalanan at ilayo sa lahat ng kapahamakan samantalangaming pinananabikan ang dakilang araw ng

    pagpapahayag ng Tagapagligtas naming si Hesukristo.

    Pagdaraupin niya ang kanyang mga kamay.

    Sapagkat iyo ang kaharian at ang kapangyarihan at ang kapurihan

    magpakailan man! Amen.

    Malakas na darasalin ng paring nakalahad ang mga kamay:

    Panginoong Hesukristo, sinabi mo sa iyong mga Apostol:

    Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang akingkapayapaan ang ibinibigay ko sa inyo. Tunghayan mo

    ang aming Pananampalataya at huwag ang aming mgapagkakasala. Pagkalooban mo kami ng kapayapaan at

    pagkakaisa ayon sa iyong kalooban

    Pagdaraupin niya ang kanyang mga kamay.

    kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

    Tagapagdaloy:Amen.

    Ang kapayapaan ng Panginoong Hesukristo ay laging

    sumainyo lahat.

    Tagapagdaloy:At sumaiyo rin.

  • 7/26/2019 Commentator's Copy - Misa Mayor

    20/22

    20

    lpahahayag ng diyakono o ng pari

    Magbigayan kayo ng kapayapaan sa isat isa.

    Pagkatapos, hahawakan ng pari ang ostiya at hahati-hatiin niya ito sa ibabaw

    ng pinggan at isasawak niya ang kaputol sa kalis habang pabulong niyang

    dinarasal:

    Sa pagsasawak na ito ng katawan sa dugo ng aming

    Panginoong Hesukristo, tanggapin nawa namin sapakikinabang ang buhay na walang hanggan.

    Matapos magbigayan ng kapayapaan, aawit ang koro habang nagdarasal

    nang pabulong ang pari.

    Kordero ng Diyos, na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,

    maawa ka sa amin.

    Kordero ng Diyos, na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,

    maawa ka sa amin.

    Kordero ng Diyos, na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,

    ipagkaloob mo sa amin ang kapayapaan.

    Magkadaop ang mga kamay ng pari sa pabulong na pagdarasal.

    Panginoong Hesukristo, Anak ng Diyos na buhay, sa

    kalooban ng Ama kasama ng Espiritu Santo, binuhay mo

    sa iyong pagkamatay ang sanlibutan. Pakundangan sa

    iyong banal na katawan at dugo, iadya mo ako sa tanangaking kasalanan at lahat ng masama, gawin mo akonglaging makasunod sa iyong mga utos, at huwag mong

    ipahintulot na akoy mawalay sa iyo kailanman.

    Luluhod ang tagapagdiwang at darasalin ng pabulong ang panalangin bagomagkomunyon. Pagtayo niya kanyang hahawakan ang ostiya na itataas sa

    ibabaw ng pinggan. Paharap sa mga tao siyang magsasabi ng malakas:

    Ito ang Kordero ng Diyos. Ito ang nag-aalis ng mga

    kasalanan ng sanlibutan. Mapapalad tayong nakikibahagisa kanyang banal na piging.

    Tagapagdaloy: Panginoon, hindi ako karapat-dapat na

    magpatuloy sa iyo ngunit sa isang salita mo lamang ay

    gagaling na ako.

  • 7/26/2019 Commentator's Copy - Misa Mayor

    21/22

    21

    Siya ay makikinabang nang magalang at nakayuko sa dambana habang

    patuloy na nagdarasal:

    Ipagsanggalang nawa ako ng katawan ni Kristo patungosa buhay na walang hanggan.

    Mapitagan niyang tatanggapin ang katawan ni Kristo.

    Kukunin niya ang kalis ng dugo ni Kristo.

    Ipagsanggalang nawa ako ng dugo ni Kristo patungo sa

    buhay na walang hanggan.

    Mapitagan niyang tatanggapin ang dugo ng Kristo.

    Pagkapakinabang bibigyan niya ang sambayanan ng katawan ni Kristo.

    Makaaawit ang koro ng naaangkop na awit.

    Matapos ang komunyon, maaaring mgakaroon ng ilang saglit ng katahimikan

    para sa pansariling pananalangin at pagninilay.

    Tagapagdaloy: Ang pagtanggap po ng Banal na Komunyon ay

    gagawin po natin by row. Panatilihin po natin ang

    katahimikan sa loob ng simbahan.

    PANALANGIN PAGKAPAKINABANG

    Manalangin tayo.

    Saglit na katahimikan.

    Ama naming mapagmahal, pagkatanggap namin sa banal na

    pakikinabang, hinihiling naming sa pagtulad namin sa katatagan niSan Juan Nepomuceno kami naway pagindapating magkamit ng

    gantimpalang walang maliw para sa pananatiling matapat sa

    pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo

    magpasawalang hanggan.

    Tagapagdaloy: Amen.

    PAGPAPASALAMAT NG KURA PAROKO / PAGLILIPAT

    NG TUNGKULIN SA BAGONG HERMANO MAYOR

    Ang lahat ay magsiupo.

  • 7/26/2019 Commentator's Copy - Misa Mayor

    22/22

    22

    Tagapagdaloy: Magsiupo po ang lahat para sa pasasalamat ng ating

    minamahal na Kura Paroko at ang pagsasalin ng tungkulin sa

    bagong Hermano Mayor.

    Matapos ng pagsasalin ng tungkulin sa bagong hermano mayor, ang

    lahat ay magsisitayo para sa pagbabasbas at paghahayo.

    Tagapagdaloy: Magsitayo po ang lahat.

    PAGBABASBAS AT PAGHAHAYO

    Gagawin ang pagbabasbas nang nakasuot ang mitra ng obispo.

    Sumainyo ang Panginoon

    Tagapagdaloy: At sumaiyo rin.

    Purihin ang ngalan ng PanginoonTagapagdaloy: Ngayon at magpakailanman.

    Ang tumutulong sa atin ay ang Panginoon

    Tagapagdaloy: Na may gawa ng langit at lupa.

    Tatanggapin ng obispo ang kanyang pastoral staff.

    Pagpalain nawa kayo ng butihin at makapangyarihang

    Diyos Ama, Anak at Espiritu Santo.Tagapagdaloy: Amen.

    Diyakono o ang pari. Humayo kayong taglay angkapayapaan upang ang Panginoon at ang kapwa ay

    mahalin at paglingkuran.

    Tagapagdaloy: Salamat sa Diyos.

    Lilisanin ng punong tagapagdiwang at mga tagapaglingkod ang santwaryo.