chapter 1-3 edited 4 seminar old
TRANSCRIPT
LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS
GRADUATE SCHOOL
Kabanata 1
SULIRANIN AT ANG SANLIGAN NITO
Panimula
Bawat bansa sa mundo ay may kani-kaniyang wikang bumibigkis sa damdamin ng
kanyang mga mamamayan. Kung kaya’t ang wika ay nagsisilbing kaluluwa ng isang bansa.
Ang isang tao kahit saan siya magtungo ay makikilala kung sino siya at saang bansa siya
nagmula dahil sa wikang taglay niya at gamit niya. Mula sa Korinto I 14:10-11 nakasaad na
maraming iba’t ibang wika sa daigdig at bawat isa’y may kahulugan, ngunit kung hindi
marunong ng wikang ginagamit ng kausap, hindi magkakaunawaan ang mga tao. Sa lahat ng
nilalang ng Diyos ang tao lamang ang binigyan ng kapangyarihang makapagsalita,
makarinig, makabasa at makasulat ng may kritikal na pang unawa. Isang mahalagang
kasangkapang nagagamit ng tao sa paglinang ng mga kasanayan ay ang wika.
Ang wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan. Kalipunan ito ng mga simbolo, tunog,
at mga kaugnay na batas upang maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan. Ginagamit ang
pamamaraang ito sa pagpapaabot ng kaisipan at damdamin sa pamamagitan ng pagsasalita at
pagsulat. Isa rin itong likas na makataong pamamaraan ng paghahatid ng mga kaisipan,
damdamin at mga hangarin sa pamamagitan ng isang kaparaanang lumilikha ng tunog; at
kabuuan din ito ng mga sagisag sa paraang binibigkas. Sa pamamagitan nito,
nagkakaugnayan, nagkakaunawaan at nagkakaisa ang mga kaanib ng isang pulutong ng mga
tao. Kung wala ang wika, mawawalan ng saysay ang halos lahat ng gawain ng
sangkatauhan, sapagkat nagagamit ito sa pakikipag-ugnayan katulad ng sa pakikipagkalakalan,
sa diplomatikong pamamaraan ng bawat pamahalaan, at pakikipagpalitan ng mga kaalaman
sa agham, teknolohiya at industriya. Mahalaga ang wika sa pakikipagtalastasan maging sa
pagtungo, paghahanapbuhay, at paninirahan sa ibang bansa.
1
LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS
GRADUATE SCHOOL
Kaugnay nito, sinasalamin ng wika ang kultura, kaisipan, kasanayan at sining ng
sambayanan. Napag-uugnay-ugnay ng wika ang ibat-ibang salik ng kalinangan, ang
masistemang simbolo sa tinig at sulat na ginagamit ng tao sa pagpapahayag ng kaisipan at
damdamin. Mahalaga ang wika di lamang sa sarili kundi sa pakikipag-interaksyon na rin sa
kapwa at sa lipunan. Ginagamit sa pagkuha ng impormasyon, pagtatamo ng edukasyon,
gayon din sa pagsisiwalat ng damdamin, saloobin at kaisipan. Sa wika napapabilis at
napapagaan ang isang gawain.
Subalit hindi maitatangging nagbabago ito kasabay ng pagbabago ng panahon at
pandaigdig na pagbabago. Ito ay dumedepende sa karanasan at pamumuhay ng tao. Kasama
ng tao ang wika sa mga masusukal at maliligayang paglalakbay sa buhay. Ito’y walang
partikular na anyo at hangganan. Ang wika ay may mahalagang bahagi sa pagsulong ng
kabihasnan sa alinmang panig ng daigdig. Ang sariling wika, ang Filipino, ay isang matatag
na saligan ng ating bansa. Ito ay likas na kayamanan na kaagapay sa pagsulong ng bayan.
Isa itong malaking maringal na pag-asa para sa lahat ng mga Pilipino. Kakambal ito ng pag-
unlad ng bansang may kalayaan. Nagsisilbing sandatang pumupuksa sa kaaway. Ang wika
ay natural gaya ng paghinga at paglakad. Kung walang wika, walang paraan upang ang tao’y
makahakbang sa hinaharap. Ang wika’y lumalawak at lumalaganap. Ito’y nalilinang ng
pangangailangang panlipunan at bumabagay sa pag-iiba ng kalagayang sosyal. Kasama ito
sa mga ordinaryong bagay na kakabit na ng pang araw-araw na buhay.
Sa pamamagitan din ng wika, nagkakaalaman at nagkakaugnayan sa pamumuhay,
saloobin, tradisyon, mithiin, paniniwala ang mga tao. Sapat sa pangangailangan ng mga
taong gumagamit ng wika ang kanilang sinasalitang wika batay sa kanilang kultura. Ang
wikang Filipino, halimbawa ay sapat sa pangangailangan ng mga Pilipino para gamitin ito sa
pakikipagtalastasan. Binibigyang-diin ng simulaing ito na ang sinumang nagtuturo ng wika,
kasabay na itinuturo ang isang sistema ng kultura at kaugalian, pagpapahalaga, paraan ng
pag-iisip, pagkilos at pagdama ng mga taong gumagamit ng target na wika.
2
LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS
GRADUATE SCHOOL
Napakahalagang magkaroon ng sariling wika ang isang bansa tulad ng Pilipinas.
Isinasaad ng Artikulo XIV ng Saligang Batas ng 1987 na ang Wikang Pambansa ng
Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig
sa mga umiral na wika sa Pilipinas at iba pang mga wika. Isang layunin ng pagkakaroon ng
isang wikang pambansa ang pagpapalaganap ng pagkakaisang pambansa, ang pagkakaroon ng
heograpiko at politikal na pagkakapatiran, at maging ang pagkakaroon ng isang sumasagisag
na pambansang wika ng isang bansa. Ang pagkakaroon ng kaalaman sa wika ay susi ng
pagkatuto at tagumpay sa pag-aaral ng lahat ng asignatura sa paaralan. Ang Filipino bilang
wikang pambansa ay naging mabisang kasangkapan nating mga Pilipino sa
pakikipagtalastasan. Kailangan ito’y maging isang wikang magagamit sa pagtuturo.
Alinsunod sa mga probisyon sa batas at kung mamarapatin ng kongreso, gagawa ng mga
hakbang ang ating gobyerno upang simulan at itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang
wikang opisyal na komunikasyon at bilang wika sa pagtuturo sa lahat ng sistema ng
Edukasyon.
Kaugnay nito isa sa mga asignatura na kasalukuyang kabilang sa bawat programa sa
pag-aaral na inilatag ng DepEd ay ang Filipino. Ang asignaturang Filipino ay dinisenyo ng
departamento ng edukasyon upang mapalawak ang kaalaman ng bawat Filipino patungkol sa
sariling wika at ang mga kagamitan nito. Sa isang bansang maraming dayalektong ginagamit
tulad ng Pilipinas, ang pag-aaral ng wikang Filipino sa paaralan ay makatutulong ng
malaki sa larangan ng pakikipagkomunikasyon sa kapwa Pilipino sa anumang panig ng
bansa. Pangunahing layunin sa pagtuturo ng wika ang paglinang sa kakayahang
komunikatibo ng mga mag-aaral. Ang simula ng lahat ng pagsisikap sa pagtuturo ng Filipino
sa paaralan ay ang pagunawa sa kalikasan at pagkakaiba-iba ng mga bata sa paaralan, pati na
ang pagkakaroon ng kaalaman at lubusang pang-unawa kung paano natutuhan ang wika, una
o pangalawang wika man, at ang mga proseso sa pagkatuto nito. Wika ang pokus ng pag-
aaral sa asignaturang Filipino sa ikalawang antas ng sekundarya.
3
LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS
GRADUATE SCHOOL
Sanhi nito, ang mga mananaliksik ay naglalayon na matulungan ang mga guro upang
mas mapaunlad pa ang perpormans ng mga mag-aaral sa asignaturang Filipino. Ang pag-
aaral sa mga paniniwala at saloobin ng mga mag-aaral ay nakakatulong sa pagpapaunlad ng
perpormans ng bawat mag-aaral. Gayunpaman, nakalulungkot ang katotohanan na ilan sa
mga mag-aaral sa asignaturang Filipino ang hindi lubos na naka-uunawa sa kahalagahan ng
pag- aaral ng wikang Filipino. Ang kabisaan kapakinabangan at kabuluhan ng pagtuturo at
pagkatuto ay nakasalalay sa positibong saloobing taglay ng mga mag-aaral hinggil sa
asignaturang kanyang pinag-aaralan. Kung negatibo ang saloobin magiging mabuway o
mahina ang pagkatuto at ang retensyon ng kaalaman ay magiging pansamantala lamang.
Kung magkagayon ay walang makikitang aplikasyon o repleksyon man lamang ng
pagkatuto mula sa perpormans ng mga mag-aaral. Ito marahil ang dahilan kung bakit tila
nasasayang at nauuwi lamang sa wala ang inilalaang oras ng mga guro para sa kanyang
pagtuturo.
Alinsunod dito mahalagang maging sensitibo ang bawat guro sa gawi at asal na
ipinakikita ng mga mag-aaral sa loob ng klase sapagkat ang mga ito ay maaari nilang
magamit bilang indikeytor upang malaman ang saloobin ng mga mag-aaral hinggil sa
asignaturang kanilang itinuturo. Ito ay maaaring magsilbing gabay ng bawat isa upang higit
na mapabuti ang pagpaplano ng mga tiyak na gawain at pagpili ng mga angkop na
istratehiyang makatutulong sa paghubog ng mabuting paniniwala, gawi at saloobin ng mga
mag-aaral sa kanilang pag-aaral.
Hindi lingid sa mga guro na isa sa mga kinaaayawang asignatura ng mga mag-aaral
ay ang Filipino. Ang ilang dahilan – nakakabagot, nakakaantok at iba pang dahilan na hindi
kaaya-aya sa pandinig. Ang nagiging bunga sa mga mag-aaral ng mga kadahilanang ito ay
ang pagbagsak sa asignaturang Filipino, madalang na pagpasok sa asignaturang Filipino at
kawalan ng pagpapahalaga sa wikang Filipino. Ang makabuluhang paniniwala at saloobin
ng mga mag-aaral sa asignaturang Filipino ang magtutulak sa kanilang linangin at paunlarin
4
LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS
GRADUATE SCHOOL
ang kanilang kaalaman upang maging mahusay sa wikang Filipino. Lubhang nakakaalarma
o kung hindi man isang malaking hamon para sa mga gurong nagtuturo ng Filipino ang
patuloy na pagbaba ng antas ng perpormans ng mga mag-aaral sa asignaturang ito gayundin
ang paglaganap ng iba’t ibang miskonsepsyon hinggil sa halaga at kabuluhan ng pag-aaral
ng Filipino. Bilang mga edukador ninanais nating maging matagumpay at kapakipakinabang
ang bawat minuto ng ating pagtuturo datapwat isang malaking salik tungo sa pagtatamo ng
hangaring ito ang saloobin ng mga mag-aaral at mga taong nakaiimpluwensya ng malaki sa
mga kabataang ito.
Minabuti ng mananaliksik na isagawa ang pag-aaral na ito upang malaman ang mga
paniniwala at saloobin ng mga mag-aaral sa pag-aaral ng asignaturang Filipino at ang
kaugnayan nito sa kanilang perpormans sa ikalawang antas ng Mataas na Paaralan ng
Hilagang Distrito ng Lungsod ng Tanauan at upang mapaunlad ang pag-aaral sa
asignaturang Filipino. Ang Hilagang Distrito ng Lungsod ng Tanauan ay binubuo ng
Tanauan City High School, Pantay National High School at Malaking Pulo National High
School. Hindi lamang ang mga nabanggit na paaralan ang may layuning paunlarin ang pag-
aaral sa asignaturang Filipino, gayundin ang iba pang paaralang nasasakupan ng Lungsod ng
Tanauan. Upang higit pang mapaunlad ang pag-aaral sa asignaturang Filipino,
kinakailangang matukoy ang mga paniniwala at saloobin ng mga ma-aaral sa asignaturang
ito. Ang makabuluhang paniniwala at saloobin ng mga mag-aaral ang pagmumulan ng
kanilang mabuting pag-uugali na makatutulong sa pagpapaunlad ng kanilang perpormans sa
asignaturang Filipino.
Balangkas Teoretikal
Ginamit sa pag-aaral na ito ang Teorya ng Risond Aksyon (TRA) ni Fishbein &
Ajzen (1980).Ayon sa teoryang ito ang pag-uugali ng isang tao ay nagmula sa kanyang
paniniwala. Binubuo ang teoryang ito ng paniniwala, saloobin, intensyon, at pag-uugali.
Ang paniniwala ay ang interpretasyon ng indibidwal sa mga impormasyon patungkol sa
5
LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS
GRADUATE SCHOOL
isang bagay. Ang saloobin ay tumutukoy naman sa kalagayan ng pag-iisip at pagkilos bunga
ng damdaming naghahari sa isang tao sa isang takdang oras o panahon. Samantalang ang
intensyon ay ang posibilidad na isakilos ang kanyang nais bilang bahagi ng kanyang
paniniwala na tumutukoy sa kabuuan ng kanyang pag-uugali. Ang pag-uugali ay ang
nakikitang kilos ng isang indibidwal batay sa kanyang saloobin. Ipinalalagay ng panukalang
ito na ang ang paniniwala, saloobin at intensyon ng isang indibidwal ay magkakaugnay. Sa
pamamagitan ng paniniwala sa isang tiyak na pangyayari, makabubuo ang isang indibidwal
ng positibo o negatibong saloobin. Batay sa saloobing ito, nabubuo ng isang indibidwal ang
intensyon na isakilos ang kanyang ugali. Ang intensyong ito ay direkta ang kaugnayan sa
pag-uugali.
Napaunlad pa ni Ajzen (2006) ang naunang teorya sa kanyang Teorya ng Plan
Pigyur 1 Teorya ng Risond Aksyon
Makikita sa pigyur 1 sa itaas ang ugnayan ng saloobin at paniniwala patungo sa
intensyon na magiging dahilan upang isakilos ang nabuong pag-uugali.
Napaunlad pa ni Ajzen, (2002) ang naunang teorya sa kanyang Teorya ng Plan
Beheyvyor (TPB). Ayon sa teoryang ito nagagamit ang konsepto ng paniniwala dahil ang
pag-uugali ng tao mula sa tatlong batayan ng paniniwala. Sa pamamagitan ng balangkas nito
naipaliliwanag kung bakit naipapakita ng tao ang isang tiyak na pag-uugali. Ipinapaliwanag
sa teoryang TBP na ang intensyon ng isang tao ay isang magandang batayan ng kanilang
pag-uugali.
6
LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS
GRADUATE SCHOOL
Ang intensyon ay naiimpluwensyahan ng tatlong batayan. Ang beheyvyor belif
(behaviour belief) ay tumutukoy sa kawing na nag-uugnay sa pag-uugali at kalalabasan nito.
Nakabatay ito sa pagtataya ng isang tao sa kinalabasan ng kanyang pag-uugali. Samantalang
ang sabjektib norm (subjective norm) naman ay ang mga paniniwala kung paano
matatanggap ng iba ang pag-uugali ng isang tao. Kung ang ugali ay katanggap-tanggap sa
ibang tao, mahihikayat siyang ipakita ang kanyang ugali at kung hindi nman ito katanggap-
tanggap ay pipilitin niya itong itago. Ang huli ay ang persiv beheyvyor kontrol (perceived
behavioural control), ang kahirapan o kadaliang ipakita ang isang pag-uugali. Makikita sa
pigyur 2 ang ugnayan ng bawat isa.
Pigyur 2 Teorya ng Plan Beheyvyor
Bagama’t ang mga teoryang nabanggit ay hindi direktang tumutukoy sa paniniwala
at saloobin ng mga mag-aaral sa isang asignatura, ito ay magagamit sa pag-aaral sa mga
paniniwala at saloobin ng mag-aaral sa asignaturang Filipino at kung paaano ito
nakakaimpluwensya sa antas ng perpormans nila. May iba't ibang paniniwala at saloobin ng
mga mag-aaral hinggil sa kanilang mga asignatura sa paaralan. Ang pag-uugali ay ang
7
LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS
GRADUATE SCHOOL
naoobserbahang kilos ng isang indibidwal batay sa kanyang saloobin. Sinasabing ang
paniniwala ay nakakaimpluwensya sa saloobin at ang saloobin ay nakakaimpluwensya sa
pag-uugali. Ang pag-uugali nman ang dahilan ng pag-unlad o di pag-unlad ng mga mag-
aaral sa kanilang perpormans. Ang mga mag-aaral mismo ang makakatulong sa kanilang
sarili upang umangat sa asignaturang Filipino sa tulong ng mga makabuluhang paniniwala at
saloobin.
Ang asignaturang Filipino sa ikalawang antas ay tumatalakay sa wika. Kung susuriin
at ihahambing sa ibang asignatura ay mas nakaaangat ito sa kadalian. Ang isang dahilang
maibibigay dito ay dahil sa karaniwan ng ginagamit ang wika sa tahanan. Sa pang-araw-
araw na pakikisalamuha at pakikipag-ugnayan ay hindi nawawala ang Filipino. Ito ang
wikang ginagamit bilang midyum sa pakikipagtalastasan. Ngunit nakapagtatakang mayroon
pa ring mga mag-aaral ang nakakakuha ng mababang marka kung hindi man bagsak sa
asignaturang Filipino. Isa sa mga dahilan ay ang hindi tamang paniniwala at saloobin ng
mga mag-aaral hinggil sa pag-aaral ng asignaturang Filipino. Samakatuwid, ang simula ng
lahat ng pagsisikap sa pagtuturo ng Filipino sa paaralan ay ang pagunawa sa kalikasan at
pagkakaiba-iba ng mga bata sa paaralan, gayundin ang mga paniniwala at saloobin, pati na
ang pagkakaroon ng kaalaman at lubusang pang-unawa kung paano natutuhan ang wika at
ang mga proseso sa pagkatuto nito.
Batay sa mga teoryang tinalakay, nabuo ang paradima sa susunod na pahina.
8
LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS
GRADUATE SCHOOL
INPUT PROSESO KINALABASAN
Pigyur 3. Paradima ng Pag-aaral
Makikita sa unang bloke sa ilalim ng pamagat na Input ang mga baryabol na
tumutukoy sa pananaw at saloobin ng mga mag-aaral sa asignaturang Filipino sa ikalawang
antas ayon sa pagtataya ng mag-aaral at ng kani-kanilang guro at ang antas ng perpormans
ng mga mag-aaral sa asignaturang Filipino.
9
FEEDBACK
1. Pananaw at saloobin ng mga mag-aaral sa asignaturang Filipino sa ikalawang antas ayon sa pagtataya ng mag-aaral at ng kani-kanilang guro.
2. Antas ng perpormans ng mga mag-aaral sa asignaturang Filipino.
1. Paggamit ng talatanungan bilang instrumento.2. Paggamit ng istatistika para sa “treatment ng data” - weighted mean - chi-square
(Data Analysis)3. Pagkakaiba sa pagtataya ng dalawang pangkat ng tagasagot kaugnay ng mga paniniwala at gawi ng mga naturang mag-aaral. (Comparative Analysis)4. Napag-uugnay ang mga paniniwala at saloobin ng mga mag-aaral sa asignaturang Filipino sa kanilang perpormans. (Correlation Analysis)
Pagpapaunlad ng pag-aaral sa
Asignaturang Filipino.
LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS
GRADUATE SCHOOL
Nakapaloob naman sa ikalawang bloke ang prosesong ginamit ng mananaliksik tulad
ng paggamit ng talatanungan bilang instrumento, paggamit ng istatistika para sa “treatment
ng data, pagkakaiba sa pagtataya ng dalawang pangkat ng tagasagot kaugnay ng mga
paniniwala at saloobin ng mga naturang mag-aaral at kaugnayan ng mga paniniwala at
saloobin ng mga mag-aaral sa asignaturang Filipino sa kanilang perpormans.
Inilahad sa ikatlong bloke ang maaring maging resulta ng pag-aaral tulad ng
programang pagpapaunlad ng pag-aaral sa asignaturang Filipino.
Paglalahad ng Suliranin
Ang pag-aaral na ito ay naglalayon na malaman ang mga paniniwala at saloobin ng mga
mag-aaral sa asignaturang Filipino at ang kaugnayan nito sa kanilang perpormans sa
ikalawang antas ng Mataas na Paaralan ng Hilagang Distrito ng Lungsod ng Tanauan tungo
sa pagpapaunlad ng pag-aaral ng asignaturang Filipino. At upang malaman ang mga tiyak na
kasagutan sa mga sumusunod na katanungan:
1. Anu-ano ang mga paniniwala at saloobin ng mga mag-aaral sa asignaturang Filipino
sa ikalawang antas ng Mataas na Paaralan ng Hilagang Distrito ng Lungsod ng
Tanauan ayon sa pagtataya ng mga mag-aaral mismo at ng kani-kanilang mga guro?
2. May pagkakaiba ba sa pagtataya ng dalawang pangkat ng tagasagot kaugnay ng mga
paniniwala at saloobin ng mga naturang mag-aaral?
3. Ano ang antas ng perpormans ng mga mag-aaral sa asignaturang Filipino?
4. Paano nauugnay ang mga paniniwala at saloobin ng mga mag-aaral sa asignaturang
Filipino sa kanilang perpormans?
5. Batay sa kinalabasan ng pag-aaral, anong programang pagpapaunlad sa pag-aaral ng
asignaturang Filipino ang maimumungkahi?
10
LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS
GRADUATE SCHOOL
Hinuha
Nabuo ng mananaliksik ang sumusunod na hinuha tungkol sa kaugnayan ng
paniniwala at saloobin ng mga mag-aaral sa asignaturang Filipino sa kanilang perpormans:
1. Walang makabuluhang pagkakaiba sa pagtataya ng dalawang pangkat ng tagasagot
kaugnay ng mga paniniwala at saloobin ng mga mag-aaral.
2. Walang makabuluhang kaugnayan ang mga paniniwala at saloobin ng mga mag-
aaral sa asignaturang Filipino sa kanilang perpormans.
Kahalagahan ng Pag-aaral
Pangunahing layunin ng mananaliksik na mapayaman, at mapaunlad ang paggamit
ng wikang Filipino sa pamamagitan ng pag-aaral sa mga pananaw at saloobin ng mga mag-
aaral sa asignaturang Filipino. Ang mananaliksik ay umaasa na magiging makabuluhan ang
magiging resulta ng pag-aaral na ito sa mga guro at mga mag-aaral, sa mga pinuno ng
paaralan at sa susunod pang mananaliksik.
Sa mga Guro. Ang pagtaas ng perpormans ng mga mag-aaral sa asignaturang
Filipino ay bunga ng makabuluhang paniniwala at saloobin ng mga mag-aaral na nagmula sa
kasanayang natutuhan nila sa kanilang guro. Ang pag-aaral na ito ay makatutulong ng
malaki sa mga upang malunasan ang mga balakid na dulot ng pagkakaroon ng negatibong
saloobin ng mga mag-aaral sa pag-aaral ng Filipino na siyang humahadlang sa mabisa at
makabuluhang pagkatuto ng kanyang mga mag-aaral. Ang resulta ng pag-aaral ay
magiginng gabay ng mga guro sa pagpili ng mga tenik at istratehiya upang lalong mapagbuti
ang pagtuturo.
Sa mga Mag-aaral. Makikita sa balangkas teoretikal na ang paniniwala at saloobin
ng mga mag-aaral ay may kaugnayan sa kanilang perpormans. Sa mga datos na malilikom
ng mananaliksik, maipapaabot niya sa mga mag-aaral kung anu-anong paniniwala at
11
LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS
GRADUATE SCHOOL
saloobin ang makakatulong sa pagpapaunlad ng kanilang perpormans sa asignaturang
Filipino at upang higit na matutugunan ang kanilang pangangailangan tungo sa mabisa at
makabuluhang pagkatuto.
Sa mga Pinuno ng Paaralan. Ang mga datos at mga impormasyong malilikom sa
pag-aaral na ito ay maaaring gawing sanggunian ng mga pinuno ng paaralan upang malaman
nila ang kahalagahan ng makabuluhang paniniwala at saloobin ng mga mag-aaral sa
kanilang perpormans at maging patnubay upang higit na maging maingat at matalino sa
pagpaplano at pagpapatupad ng mga programa at gawaing maaaring makaimpluwensya sa
makabuluhang pagkatuto at level ng performans ng mga mag-aaral sa asignaturang Filipino
.
Sa mga Susunod na Mananaliksik. Ang kalalabasan ng pag-aaral na ito ay
magbibigay ng iba pang ideya para sa malawakang pag-aaral sa ganitong larangan sa mga
darating pang panahon. Ang pag-aaral na ito ay magsisilbing lunsaran upang ang ibang
interesadong mananaliksik sa iba’t-ibang paaralang gwadrado ay makabuo ng kaugnay na
pag-aaral tungo sa pagpapaunlad ng Wikang Filipino.
Abot at Saklaw ng Pag-aaral
Ang pag-aaral na ito ay sumasaklaw sa kaugnayan ng paniniwala at saloobin ng mga
mag-aaral sa kanilang perpormans sa asignaturang Filipino sa ikalawang antas ng Mataas na
Paaralan ng Hilagang Distrito ng Lungsod ng Tanauan. Sumasaklaw din ito sa mga guro na
nagtuturo sa ikalawang antas ng mga nasabing paaralan.
Inalam ng mananaliksik ang persepsyon ng mga guro at mag-aaral sa paniniwala at
saloobin ng mga mag-aaral sa asignaturang Filipino. May Isang daan at siyam napo’t pitong
mag-aaral sa ikalawang antas ng Mataas na Paaralan ang naging tagasagot sa talatanungan at
may anim na guro naman ang kasangkot sa pag-aaral na ito. Ang mga mag-aaral na
pinagkunan ng mga datos at mga impormasyon ay nagmula sa tatlong paaralang
12
LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS
GRADUATE SCHOOL
nasasakupan ng Hilagang Distrito ng Lungsod ng Tanauan. Sa pagpili ng mga paaralan,
naging batayan ang mismong pinagtuturuan ng mananaliksik kung saan marami sa mga guro
ay naging kaibigan o kakilala at ang Distritong kinabibilangan ng paaralang pinagtuturuan
ng mananaliksik. Dahil sa mga batayang ito, naging madali ang pakikipag-ugnayan upang
magkaroon ng katuparan ang pag-aaral na ito.
Ang mga paaralang kabilang sa Hilagang Distrito ng Lungsod ng Tanauan ay ang
mga sumusunod: Tanauan City High School, Pantay National High School at Malaking Pulo
National High School.
Katuturan ng mga Salitang Ginamit
Ang mga sumusunod na katawagang ginamit ay binibigyang paliwanag upang higit
na maunawaan ang pag-aaral na ito. Ninais ng mananaliksik na ang kahulugan ng mga ito ay
ayon sa pagkakagamit ng mga salita sa pag-aaral na ito at hindi halaw sa mga diksyunaryo
upang lalong mapabilis ang pagkaunawa ng mga mambabasa sa mga terminolohiyang
ginamit.
Asignaturang Filipino. Ito’y isa mga asignatura sa kurikulum ng sekondarya mula
unang taon hanggang ikaapat na antas. Tinutukoy sa asignaturang ito ang mga bagaybagay
na may kaugnayan sa bararila, mga uri ng pananalita at kahit na ang mga mahahalagang
pangyayari sa ating bansa gamit ang Wikang Pambansa bilang medyum ng instraksyon sa
pagtuturo.
Guro. Ang guro ang isa sa mga tao na may malaking papel sa edukasyon. Ito ang
mga tao na naghahatid ng kaalaman patungo sa lahat ng kanyang tinuturuan gamit ang mga
pamamaraan at mga materyales nasiyang nagsisilbing tulay upang maisalin ang kaalamang
epiktibo sa lahat ng mga nangangailangan.
Guro sa Filipino. Isang guro na dalubhasa sa pagtuturo ng asignaturang Filipino o
nagtuturo ng wika
13
LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS
GRADUATE SCHOOL
Komunikasyon. Ito ay paraan ng paghahatid ng mensahe ng isang tao sa kanyang
kapwa tao.
Paniniwala. Ito naman ay interpretasyon ng mga mag-aaral sa mga impormasyon
patungkol sa isang bagay o sitwasyon. Pinagmumulan ito ng saloobin at pag-uugali
Paradima. Ito ay tumatalakay sa kabuuang karikatura ng pag-aaral.
Perpormans. Ito ay nangangahulugan ng pagsasagawa ng isang bagay na may tiyak
na layunin. Nasusukat ito sa pamamagitan ng marka o grado.
Saloobin. Ito ay tumutukoy sa kabuuan ng kagustuhan, kaisipan at damdamin ng
isang tao paayon man o pasalungat hinggil sa isang sitwasyon o bagay. Naiimpluwensyahan
nito ang kaasalan o gawi maging ang pag-uugali.
Talatanungan. Ito ay isang instrumento sa pananaliksik upang malaman ang sanhi o
kadahilanan ng suliraning nakapaloob sa pag-aaral.
Wika. Ang wika ay anumang binibigkas, sinesenyas o sinusulat ng tao upang
maipahayag ang kanyang saloobin
Wikang Filipino. Ang wikang Filipino ay ang wikang dapat na gamitin sa mga
paaralan, at gawing wika ng pagtuturo at sa pakipagtalastasan.
14
LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS
GRADUATE SCHOOL
Kabanata 2
MGA AKDANG MAY KAUGNAY SA PAG-AARAL
Inilahad sa kabanatang ito ang ilang aklat at tesis na may kaugnayan sa kasalukuyang
pag-aaral. Natuklasan ng mananaliksik ukol sa paksa na iilan lamang ang mga banyagang
tesis ang kakikitaan ng pagkakalapit sa paksang sinuri.
Banyagang Literatura
Masasabing bahagi na ng pagkatao ang saloobin. Araw-araw nakakaramdam ang tao
ng pagmamahal, galit, pagkagusto, pag-ayaw, pagsang-ayon, pagtanggi at iba pang
damdamin. Ito ay bunga ng kanilang ebalwasyon sa isang bagay o sitwasyon na maaaring
positibo o negatibo. Kaya’t ang saloobin ay nangangahulugan ng kabuuang ebalwasyon sa
isang sitwasyon o bagay (Bohner & Wänke, 2002).
Sinang-ayunan naman ito ni Haddock et.al.,(2010) na nagsabing ang saloobin ay ang
inklinasyon at predisposisyon na gumagabay sa pag-uugali at kilos maging positibo o
negatibo man. Nagbabago at umuunlad ang saloobin sa paglipas ng panahon. Ito ay
naaapektuhan ng tatlong aspeto ang kognitiv na binubuo ng paniniwala, ideya, katangian,
afektiv na binubuo ng damdamin at emosyon at ang beheyvyoral tulad ng nakaraang
pangyayari, at karanasan.
Magkakaugnay ang paniniwala at saloobin sapagkat ang saloobin ay bunga ng mga
pinagsama-samang paniniwala ayon sa aklat ni Kloosterman (2002). Ito din ay ang personal
na paghusga at pananaw na nagbibigay ng ideya sa isang tao na hindi na nangangailangan ng
pagpapatunay.
Kaugnay nito ipinaliwanag ni Fishbien et. al, (2002) sa kanyang teorya ng Rison
Aksyon na ang pag-uugali ng isang tao ay nagmula sa kanyang paniniwala. Binubuo ito
15
LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS
GRADUATE SCHOOL
limang aspeto tulad ng paniniwala, saloobin, intensyon, at pag-uugali. Ang paniniwala ay
ang interpretasyon ng indibidwal sa mga impormasyon patungkol sa isang bagay.
Ang saloobin ay tumutukoy naman sa kalagayan ng pag-iisip at pagkilos bunga ng
damdaming naghahari sa isang tao sa isang takdang oras o panahon. Samantalang ang
intensyon ay ang posibilidad na isakilos ang kanyang nais bilang bahagi ng kanyang
paniniwala na tumutukoy sa kabuuan ng kanyang pag-uugali. Ang pag-uugali ay ang
nakikitang kilos ng isang indibidwal batay sa kanyang saloobin. Ipinalalagay ng panukalang
ito na ang ang paniniwala, saloobin at intensyon ng isang indibidwal ay magkakaugnay. Sa
pamamagitan ng paniniwala sa isang tiyak na pangyayari, makabubuo ang isang indibidwal
ng positibo o negatibong saloobin. Batay sa saloobing ito, nabubuo ng isang indibidwal ang
intensyon na isakilos ang kanyang ugali. Ang intensyong ito ay direkta ang kaugnayan sa
pag-uugali.
Ang pag-aaral sa paniniwala at saloobin ng mag-aaral sa isang asignatura ay
nakatutulong upang maiangat ang kanilang kaalaman at perpormans. Sa pag-aaral ng
asignaturang Filipino sa Ikalawang antas ng sekundarya, pinagtutuunan ng importansya ang
pag-aaral ng wika. Ang wika ay ang sistema ng komunikasyon na nag-uugnay sa mga tao.
Binibigyang diin nito ang sosyal na tungkulin ng wika at ang katotohanan na napakahalaga
nito bilang instrumento sa pagpapahayag ng kanilang saloobin http://en.wikipedia.
org/wiki/Language.
Lokal na Literatura
Ayon kay Guiritan (2008) mahalaga ang papel na ginagampanan ng wika sa buhay
ng lahat ng tao. Walang taong makapagsasabi na ni minsan ay hindi siya gumamit ng kahit
ano mang anyo ng wika. Lahat ng uri o antas ng tao sa mundong ibabaw ay ginagamit ang
wika bilang kasangkapan sa iba’t-ibang larangang pang-ekonomiya, pampulitika,
panrelihiyon, pangedukasyon at panlipunan. Sa wika din nasasalamin ang mga adhikain,
kaalaman, pilosopiya, paniniwala, moralidad at karanasan ng bawat isa at binubuo ng
16
LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS
GRADUATE SCHOOL
wikang sining, panitikan, karunungan, kaugalian at kinagawian ng mga nagsisilbing
pundasyon ng ating kultura. Sa tulong ng wika, ang isang tao’y makapamumuhay ng maayos
at maigagapang niya ang kanyang sarili sa kanyang kapaligiran. Mahalaga ang mga
elementong nabanggit dahil dito lumalawak at nabubuo ang pagkatao ng mga Pilipino.
Maliit ang uniberso sapagkat limitado ang kakayahan ng tao sa paggamit ng wika. Dagdag
pa dito ang pagpapahayag ng mga kaisipan ay batay sa saklaw ng kaalaman sa lengguwahe.
Ang saklaw ng kaalaman ang siyang humuhugis naman sa uniberso. Pinauunlad ng tao ang
wika at ang wika din naman ang nagpapaunlad sa tao. Nabubuhay ang tao dahil sa wika at
ang wika ay nabubuhay dahil sa tao. Kung wala ang mga tao, walang wika. Kung walang
wika, walang buhay. Ang pagkakasilang ng wika ay nagbibigay buhay sa sibilisasyon;
sapagkat ito ang naghihiwalay ng tao sa hayop. Dahil sa wika, malinaw na nailalarawan
nang higit ang kakayahan at lalong nagiging makatwiran ang tao. Ang abilidad ng tao na
gamitin ang kanyang wika ay nagbibigay-daan upang makasabay sa patuloy na pagbabago.
Mula sa pagsilang, kakambal na ng tao ang wika. Malalim at hindi mapapantayan ang
ugnayang ito kung titingnan. Higit pa sa isang umbilical cord ang ugnayan ng tao sa
kanyang wika.
Napakatagal nang panahon na pinag-aaralan ang mga wika ng tao. Bahagi ng mga
unang pag-aaral ang nabanggit na sa itaas. Napakahalaga ng wika sa pakikipagtalastasan. Sa
pasalitang pakikipagtalasasan, ang wika ang tagapagdala ng ideya tungo sa mabisang
pakikipag-ugnayan. Kung kaya, ang pagkakaroon ng isang pambansang wika ay tulay upang
ang isang bansa ay magkaisa at makamit ang minimithing kaunlaran. Mahalaga ang wikang
pambansa sa isang malayang bansa. Pinauunlad nito ang pagkakaunawaan at pagkilalang
kultural at transnasyonal ng mga mamamayan ng isang bansa. Pinatitibay rin nito ang
pambansang pagkakaisa at pagkakakilanlan. Ito ay importanteng elemento para sa pag-unlad
na pulitikal, ekonomikal, at sosyal ng isang bansa. Ang Filipino ang siyang wikang
pambansa ng Pilipinas. Ito ang nagsisilbing tali na nag-uugnay sa mga Pilipino mula sa iba’t
ibang bahagi ng mundo sa kanilang pinanggalingan. Kailangang matutunan ng lahat ng
17
LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS
GRADUATE SCHOOL
Pilipino ang salitang ito. Dapat ay madali itong matututunan sa lahat ng dako ng bansa
(http://www.slideshare.net/icgamatero/ang-sarili-natingwika).
Ayon kay Dr. Aurora Batnag (Kabayan, 2001) sapagkat ang Pilipinas ay
multilinggwal at multicultural, nabubuklod ang ating mga watak-watak na isla ng iisang
mithiin na ipinapahayag hindi lamang sa maraming tinig ng iba’t- ibang rehiyon kundi
gayon din sa isahang midyum na Wikang Filipino. Samakatuwid hindi matutumbasan ang
papel ng wika sa pagtatangkang baguhin ang kalagayan ng lipunan ng isang bansa.
Sa pahayagan din sa Kabayan noong Pebrero 14, 2003 ay nagpalabas ng manipesto
ang Sentro sa kahusayan sa Filipino, Komisyon ng Lalong Mataas na Edukasyon ng DLSU
na nagsaaad na ang English ay hindi solusyon sa problema ng edukasyon sa Pilipinas.
Nakasaad sa manipesto na matagal nang panahong ginagamit ang English bilang
pangunahing wikang panturo ngunit hanggang sa kasalukuyan ay nananatili pa rin ang
problema ng bansa sa ekonomiya at edukasyon. Dapat nating alalahanin na ang sagot sa mga
ganitong problema ay nakasalalay sa pagpapatibay ng karunungan ng mamamayan at ito ay
makakamit sa wikang Filipino. Ang ganitong ideya ay pinatutunayan ng mga lokal at
internasyunal ng mga riserts (pananaliksik) na mas mabilis ang pagkatuto ng mga bata kapag
sa sariling wika nag-aral at ng mga bansang umuunlad na gamit ang sariling wika sa
pagsasalin ng kaalaman.
Ayon naman sa aklat na Bakit Baliktad Magbasa ng Libro ang mga Pilipino? Bob
Ong (2000) hanggang ngayon ay mahirap pa ring resolbahin ang isyu sa Wikang Pambansa
dahil iba-iba pa rin ang sinasabi sa mga dyaryo, magazine at libro ukol dito. Idinagdag pa sa
aklat na si dating Governor Osmeña ay nagpahayag na hindi patas kung pipiliting mag-
Tagalog ang mga hindi-Katagalugan. Pero ipinaliwanag din sa aklat na: sa dating ginawang
survey sa Ateneo de Manila University, 98% na ng mga Pilipino ang kayang umintindi ng
18
LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS
GRADUATE SCHOOL
Tagalog, samantalang 51% lang ang nakakaintindi ng English. Patunay lamang na
malaganap na ang paggamit ng Filipino sa kasalukuyan sa ating bansa.
Sa sistema ng edukasyon, ang Wikang Filipino ay isa sa higit na pinahahalagahan.
Sapagkat ito ang wika ng lahat ng mamamayang Filipino. Sa wikang ito nakilala ang mga
Pilipino, wikang nagbubuklod sa buong sambayan. Ang wikang Filipino ay binigyang
kahulugan ng Komisyon sa Wikang Filipino sa aklat ni Santos, 2003 at itinakda ang
paglinang dito tulad ng ito ay ang katutubong wika na ginagamit sa buong bansa bilang wika
ng komunikasyon ng mga etnikong grupo. Katulad ng iba pang wikang buhay, ang Filipino
ay dumaraan sa proseso ng paglinang sa pamamagitan ng panghihiram sa mga wika sa
Pilipinas at mga di kakatubong wika sa ebolusyon ng iba’t-ibang barayti ng wika para sa
iba’t-ibang sitwasyong sosyal, sa mga nagsasalita nito na may iba’t-ibang mga paksa ng
talakayan at iskolarling pagpapahayag. Mula sa kahulugang ibinigay, nabuo ang katangian
ng Wikang Filipino na ito’y gamiting wika, buhay at dinamiko, patuloy na nililinang at
pinauunlad, may iba’t-ibang barayti at hindi lamang para sa sosyal na pangangailangan
kundi para sa akademiko at iskolarling pagpapahayag (Santos, 2003).
Hindi maikakaila ang katotohanan sa pahayag na ang pag-aaral ng isang wika ay
madali sa ilang mag-aaral at napakahirap sa iba. Ang nahihirapan ay mga mag-aaral na
mahiyain at mahina ang loob. Ayaw magbukas ng bibig dahil natatakot magkamali. Ayaw
mapintasan ang maling pagbigkas o maling pagsasamasama ng salita. Hindi magsasalita
hangga't sa palagay nila ay tamang-tama na ang sasabihin nila. Ang nadadalian ay ang hindi
nahihiyang magkamali. Kahi't balu-baluktot, pinipilit nilang magsalita. Malakas ang
kanilang loob. http://www.seasite.niu.edu/ Tagalog/themes/sanaysay.htm
Banyagang Pag-aaral
Ayon kay Akey (2006), sa kanyang pag-aaral ng “School Context, Student Attitudes
and Behavior, and Academic Achievement: An Exploratory Analysis”, ang paniniwala,
19
LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS
GRADUATE SCHOOL
saloobin at pag-uugali ng mga mag-aaral ay malaki ang ginagampanan sa kanilang
akademikong pag-unlad. Ang paniniwala ng mga mag-aaral sa kanilang kakayahan at
tagumpay sa paaralan gayundin ang antas ng pakikisalamuha at emosyunal na kalagayan ay
maaaring makatulong o makasagabal sa pagpapaunlad ng kakayahang pang akademiko. Ang
tatlong nabanggit na may kinalaman sa perpormans ng mga mag-aaral ay ang paniniwala,
saloobin at pag-uugali. Masasabing ang mga ito ay may kaugnayan sa isat-isa. Pinagbatayan
din ng kanyang pag-aaral ang Teorya ng Risond Aksyon na kung saan ang saloobin at pag-
uugali ng isang indibidwal ay nag-uugat sa kanyang paniniwala. Ang interpretasyon ng mga
mag-aaral sa mga impormasyon patungkol sa isang bagay ay dulot ng kanilang paniniwala.
Isa sa mga di-makabuluhang paniniwala ng mga mag-aaral ngayon sa asignaturang Filipino
ay ang paniniwala nilang ito ay hindi nakakawiling pag-aralan kung ihahalintulad sa ibang
asignatura. Maaaring maapektuhan nito ang kanilang saloobin at magdulot ng hindi kanais-
nais na resulta lalo na sa kanilang perpormans. Ang saloobin naman sa kabilang banda ay
tumutukoy sa mga kinalabasan ng paniniwala na nakakaapekto sa pag-uugali.
Ang saloobin ay tumutukoy din sa kalagayan ng pag-iisip at pagkilos bunga ng damdaming
naghahari sa isang tao sa isang takdang oras o panahon.
Ang saloobin ay direksyunal, sapagkat maaaring ito ay positibo o negatibo. Ilan sa
halimbawa ay ang iba't ibang saloobin ng mga mag-aaral hinggil sa kanilang mga asignatura
sa paaralan . Ang paniniwala ng mga mag-aaral sa asignaturang Filipino ang pinagmumulan
ng kanilang saloobin. Kung painaniniwalaan ng mag-aaral ng nakababagot ang asignaturang
Filipino, hindi niya nanaisin pa na mag-aral sa asignaturang ito. Ang pag-uugali ay ang
nakikitang kilos ng isang indibidwal batay sa kanyang saloobin. Sinasabing ang paniniwala
ay nakakaimpluwensya sa saloobin at ang saloobin ay nakakaimpluwensya sa ninanais na
gawin o ikilos.
Ang paniniwala ay ang kontrol ng isang indibidwal sa pagpapakita ng kanyang ugali.
Tumutukoy din ito sa mental na representasyon na nakakaimpluwensya sa beheyvyor ng
isang tao. Dagdag pa dito, ang paniniwala ng isang tao ay maaaring maimpluwensyahan ng
20
LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS
GRADUATE SCHOOL
kanyang mga karanasan, mga bagay na natutuhan o mga sitwasyon sa paligid. Samakatuwid,
ito ay ang abstrak na prinsipyo na maaaring maobserbahan sa pamamagitan ng gawi at pag-
uugali ng isang indibidwal (Valinides, 2008)
Mula naman sa pananaliksik ni Randel, (2000), sinasabing isang kaugnay na aspeto
ng mga paniniwala at saloobin ng mag-aaral ang kanilang pamantayan sa perpormans.
Pagbaba ng kanilang pamantayan sa pag-abot ng nais nilang perpormans ay
nangangahulugan din ng pagbaba ng kanilang perpormans. Ito ay dahil sa ang mga mag-
aaral na may mababang pamantayan sa pag-aaral ay mas kuntento kaysa mga mga mag-aaral
na naghahangad ng mataas na marka.
Sa kinalabasan ng pag-aaral ni Eleftherios (2007), malinaw na ang paniniwala at
saloobin ng mga mag-aaral sa sekundarya sa Unibersidad ng Athens, Greece ay
nakakaimpluwensya sa kanilang perpormans sa matemetika. Nilinaw dito na ang paniniwala
at saloobin ng mga mag-aaral ay kaunay ng kanyang sosyo-ekonomikong estado.
Natuklasan din na magkakaiba ang resulta ng datos mula sa mga distrito ng Greece. Kaunay
ng pag-aaral na ito, natuklasan ni Philippou, (2000) na ang mga paniniwala ng mga guro at
mag-aaral sa asignaturang matematika ay magkakaiba sa bawat bansa. Dulot ito ng
pagkakaiba-iba ng kanilang kapaligiran at kulturang kinabibilangan.
Ang paniniwala ng mga mag-aaral tungkol sa kanilang kakayahan at inaasahang
tagumpay sa paaralan ay direktang may kaugnayan sa kanilang pakikilahok na maaaring
makabuti o hindi sa kanilang perpormans. Bilang konklusyon sa pag-aaral na isinagawa ni
Mohamed et.al. (2011), sinasabing kapag ang positibong saloobin ng mag-aaral ay
katamtaman lamang, maaari pa itong mapaunlad. Kapunapuna din na hindi naapektuhan ng
mababang perpormans ng mga mag-aaral ang kanilang positibong saloobin hinggil sa
asignaturang matematika.
21
LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS
GRADUATE SCHOOL
Lokal na Pag-aaral
Ang pagkakaroon ng wika bilang buklod ng pagkakaisa ay tanda ng kaunlaran ng
bawat bansa. Ang wika ay isang mahalagang kasangkapang ginagamit ng tao sa kanyang
pakikisalamuha sa kapwa. Ito ang kumakatawan at isa sa pinakamalakas na nagbubuklod sa
mga tao upang palaganapin ang pagkakaisa at ang pambansang mithiin at layunin (Abanador
et.al., 2003)
Ayon kay Sapungan (2007) sa pananaliksik niya sa “Kakayahan ng mga Mag-aaral
sa Unang Taon sa Batangas National High School sa Wastong Paggamit ng mga Salita:Isang
Pagtataya”, malaking bahagi ng buhay ng tao ang pakikipagtalastasan. Sapagkat ang tao ay
bahagi ng lipunang binubuo ng kapwa niya tao, kailangan niyang makipagtalastasan nang
maisagawa ang naisin upang maunawaan at magkaisa. Sa puntong ito kailangan ang wika,
wikang mahalagang biyaya ng ating Panginoon. Sa wikang ito na sinasalita ng tao
nagkakaroon ng pagkakaisa at pagkakaunawaan. Ang wikang sinasalita ang kasangkapang
kailangan sa lahat ng pakikipagtalastasan.
Ayon naman kay Bagon (2000) ang wika ay sining ng komunikasyon. Sa malawak
na pananaw dito, ang wika ay hindi lamang nakatuon sa anyo nitong pasalita o pasulat.
Totoong ang wika ay “makikita” sa mga produkto ng pagsulat ng mga magaaral o maririnig
sa kanilang pagsasalita ngunit higit pa rito ang nasasaklawan ng wika. Ang wika ay
nakaugat sa ating karanasan. Ang magaaral na may sapat na kabatiran sa mga nagaganap sa
kanyang kapaligiran ay inaasahang magiging matataas sa paglalahad ng kanyang mga ideya
o kaisipan tungkol sa kapaligirang ito. Kaya sa pagtuturo ng wika, nararapat lamang na
ihantad ang mga mag-aaral sa iba’t ibang makatotohanang gawain upang “iparanas” sa
kanila ang tunay na gamit ng wika. Maaaring bigyan sila ng maraming babasahing aklat at
mga magasin, palikhain ng tula na malalapatan ng himig, pasulatin ang isang maikling dula,
paguhitin ng magagandang tanawin, pasalihin sa mga interaktibong talakayan- lahat ng mga
22
LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS
GRADUATE SCHOOL
karanasang ito’y magsisilbing matibay na pundasyon sa pagkakaroon ng mag-aaral ng isang
maunlad na wika
Kaugnay nito binigyang diin ni Catapang (2003) sa kanyang “ Antas ng Kaalaman
ng mga Mag-aaral sa Filipino sa Ikaapat na Baitang sa Tatlong Pampublikong Paaralang
Elementarya ng Lungsod ng Tanauan” na ang wika ay komunikasyon, walang
komunikasyon kung walang wika, kung walang komunikasyon ay walang karunungan at
kung walang karunungan ay walang kaunlaran. Habang nagiging maunlad ang wika ay
lalong nagiging mabisa ang komunikasyon. Napakahalaga ng ginagampanang papel ng wika
sa edukasyon. Ang wika ay kasangkapan sa pagkatuto. Ang isang taong may malawak na
kakayahan sa wika ay higit na maasahan sa pag-aaral, pag-unawa at pagpapahalaga.
Ang wika ay pinakakailangang mekanismo ng buhay na hinuhubog,
pinamamatnubayan, pinayayaman sa pamamagitan ng pagtitipon ng mga nakaraang
karanasan ng kapwa. At sa lahat ng uri ng simbolo, ang wika ang pinakamaunlad,
pinakamahiwaga at pinakamasalimuot. Wika ang nagsisilbing behikulo ng
pakikipagtalastasan (Aguilar et. al., 2002).
Walang pangyayari sa buhay ng tao na di-nauugnay sa kanyang wika. Wika ang
kanyang ginagamit sa pagpapahayag ng saloobin, pakikipag-ugnayan, at pakikipagtalastasan
sa kapwa. Ang wika ay kasangkapan ng pakikipagtalastasan at instrumento sa paglikha ng
makabuluhan at malikhaing pag-iisip. Ang pakikipagtalastasan ayon kay Bathan et. al.,
(2002) ay pagpapahayag, pagbibigay o paghahatid ng kabatiran, isang pakikipag-usap na
dapat gawin sa mabisang paraan. Matatamo ang mabisang pakikipagtalastasan sa paaralan.
Dito’y nilalayon di lamang hubugin ang pagkatao ng isang mag-aaral, manapa’y linangin sa
kanila ang kakayahang pangwikang siyang sangkap sa pakikipagtalastasan. Ang paglinang
sa mga kasanayang pangwika ay isang mahalagang hakbang upang masubok ang kakayahan
ng mga mag-aaral na umunawa, makipag-usap, magbasa at sumulat.
23
LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS
GRADUATE SCHOOL
Lumabas sa pananaliksik ni Aguilar, (2002) na ang wika ay maituturing na isang
mahalagang salik sa pagtatamo ng karunungan at mabisang instrument sa pambansang
pagkakaisa at pagkakaunawaan. Ang pagkakaroon ng isang wika ay isang katangiang
ikinaiba ng tao sa anumang bagay na nilikha ng Diyos sapagkat ito ang daluyan ng maayos
at matagumpay na pakikipagkomunikasyon. Ang wika ang kasangkapang ginagamit ng lahat
ng uri o antas ng tao sa lipunan at nagagamit ito sa iba’t-ibang aspeto ng pamumuhay.
Hindi maikakailang kaugnay din ng naunang pag-aaral ang mga natuklasan ni
Contreras, (2007) sa kanyang “ Ang Pagtuturo ng Filipino sa Ilang Piling Paaralang
Elementarya sa Dibisyon ng Lobo, Sangay ng Batangas”, nilinaw niya ang dalawang
pangunahing dahilan kung bakit dapat ituro ang Filipino. Una, itinuturo bilang asignaturang
pangwika at ikalawa, upang magamit ito bilang wikang panturo. Malinaw ang pagkakaiba
ng dalawang layunin subalit magkatuwang ng kaganapan sa pagkatuto. Kinakailangang
matutunan ang Filipino bilang wikang may kakayahan upang magamit itong epektibo sa
pagkatuto sa iba pang asignatura na itinuturo sa Filipino. Ito ay batay sa itinatadhana ng
1987 Konstitusyon, sa Artikulo XIV, Seksyon 7 na nagsasabing gamitin ang Filipino bilang
wikang opisyal at wikang panturo sa mga paaralan. Nakasaad din sa konstitusyong ito na
para sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang wikang opisyal ng Pilipinas ay
Filipino hangga’t walang ibang itinatadhana ang batas. Gayundin, may opisyal na batayan sa
paggamit nito gaya ng isinasaad sa Kautusang Pangkagawaran ng DECS, Blg. 52 s 1987
(sek. 2-a): Ang patakaran sa Edukasyon Bilinggwal ay naglalayong makapagtamo ng
kahusayan sa Filipino at English sa pamamagitan ng pagtuturo ng dalawang wikang ito at sa
paggamit nito bilang midyum ng pagtuturo sa lahat ng antas.
Ayon sa pananaliksik na isinagawa ni Cantal (2010) ang paglinang sa wika ay
nakapokus sa kapakinabangang idudulot nito sa mag-aaral, na matutunan ang wika upang
sila ay makapaghanapbuhay, makipamuhay sa kanilang kapwa at mapahalagahan ng lubusan
ang kagandahan ng buhay na kanyang ginagalawan. Ang wika ay “makikita” sa mga
24
LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS
GRADUATE SCHOOL
produkto ng pagsulat ng mga magaaral o maririnig sa kanilang pagsasalita ngunit higit pa
rito ang nasasaklawan ng wika. Ang wika ay nakaugat sa ating karanasan. Ang magaaral na
may sapat na kabatiran sa mga nagaganap sa kanyang kapaligiran ay inaasahang magiging
matataas sa paglalahad ng kanyang mga ideya o kaisipan tungkol sa kapaligirang ito. Kaya
sa pagtuturo ng wika, nararapat lamang na ihantad ang mga mag-aaral sa iba’t ibang
makatotohanang gawain upang “iparanas” sa kanila ang tunay na gamit ng wika. Maaaring
bigyan sila ng maraming babasahing aklat at mga magasin, palikhain ng tula na malalapatan
ng himig, pasulatin ng isang maikling dula, paguhitin ng magagandang tanawin, pasalihin sa
mga interaktibong talakayan- lahat ng mga karanasang ito’y magsisilbing matibay na
pundasyon sa pagkakaroon ng mag-aaral ng isang maunlad na wika.
Kung babalikan ang pag-aaral na isinagawa ni Sapungan (2007) binigyang diin
niyang ang pagpapanday, paghuhubog at pagpapalawak ng kaalaman ng mga mag-aaral
tungkol sa wika ay nakaatang sa mga balikat ng guro. Tungkulin ng mga gurong maghatid
ng mga kaalaman at kabatiran sa bawat mg-aaral. Responsibilidad ng isang mabuting guro
na tumulong upang mapayabong ang katalinuhan at kaisipan ng isang indibidwal. At dahil
din sa mga guro sa Filipino, ang mga mag-aaral ay natututong magpahalaga sa sariling wika.
Sa tulong nila nagkakaroon ng makabuluhang paniniwala at saloobin ang mga mag-aaral
tungo sa pag-aaral ng asignaturang Filipino.
Kaugnay ng mga naunang pag-aaral inisa-isa sa pananaliksik ni Aguilar (2002) ang
mga suliranin ng guro sa pagtuturo ng asignaturang Filipino at tatlo lamang ang lubos na
suliranin ng mga guro, ito ay ang mga sumusunod: kawalan ng badyet para sa kagamitang
nais ihanda sa bawat aralin, malaking bilang ng mag-aaral sa isang klase at maling
paniniwala ng mga mag-aaral na ang asignaturang Filipino ay madali. Iminungkahi ng
mananaliksik na tulungan ng mga guro ang mga mag-aaral na mabago ang kanilang maling
paniniwala sa asignaturang Filipino.
25
LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS
GRADUATE SCHOOL
Ang pag-aaral na isinagawa ni Anilao et. al (2005) ay pag-alam sa suliranin na
nararanasan ng mga guro sa pagtuturo ng Filipino sa Dibisyon ng Tanauan. Natuklasan nila
na isa sa suliranin ng mga guro sa pagtuturo ay ang pag-wawalang bahala ng mga mag-aaral
sa asignaturang Filipino sapagkat ito raw ay kanilang medaling maintindihan. Malaki ang
paniniwala ng mga mag-aaral na madali ang Filipino kung kaya sila’y may saloobin na hindi
makinig o makilahok sa talakayan. May iba namang mag-aaral na hindi nagpapahayag ng
tuwiran kahit may nais sabihin o ideya sapagkat naniniwala silang kulang pa ang kanilang
kaalaman ukol sa paksang pinag-uusapan. Ang mga paniniwala at saloobing ito ang
nakakasagabal sa pag-unlad ng perpormans ng mga mag-aaral sa asignaturang Filipino.
Dahil sa suliraning ito, isa sa iminungkahi ng mananaliksik ay ang pagganyak sa mga batang
mahiyain upang sila’y magkaroon ng lakas ng loob na makapagsalita at makapag-ambag ng
kanilang nalalaman at saloobin. Gayundin ang paggabay ng guro upang maitama ang mga
maling paniniwala ng mga mag-aaral sa asignaturang Filipino.
Sintesis
May pagkakatulad sa mga pag-aaral ng iba’t-ibang mananaliksik tulad ng sinabi ni
Aguilar et. al. (2002) na ang wika ay pinakakailangang mekanismo ng buhay na hinuhubog,
pinamamatnubayan, pinayayaman sa pamamagitan ng pagtitipon ng mga nakaraang
karanasan ng kapwa. Wika ang nagsisilbing behikulo ng pakikipagtalastasan.
Pinatunayan din ito ni Bathan et. al., (2002) na walang pangyayari sa buhay ng tao
na di-nauugnay sa kanyang wika. Wika ang kanyang ginagamit sa pagpapahayag ng
saloobin, pakikipag-ugnayan, at pakikipagtalastasan sa kapwa. Ang wika ay kasangkapan ng
pakikipagtalastasan at instrumento sa paglikha ng makabuluhan at malikhaing pag-iisip.
Kung susuriin naman ang wika mula kay Dr. Aurora Batnag (Kabayan, 2001) ay
tumatalakay sa pasalitang pakikipagtalasasan, tagapagdala ng ideya tungo sa mabisang
pakikipag-ugnayan at tulay upang ang isang bansa ay magkaisa at makamit ang minimithing
26
LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS
GRADUATE SCHOOL
kaunlaran na siyang binanggit sa isinagawang pag-aaral ni Abanador et.al., (2003). Ayon pa
dito ang pagkakaroon ng wika bilang buklod ng pagkakaisa ay tanda ng kaunlaran ng bawat
bansa. Ang wika ay isang mahalagang kasangkapang ginagamit ng tao sa kanyang
pakikisalamuha sa kapwa. Ito ang kumakatawan at isa sa pinakamalakas na nagbubuklod sa
mga tao upang palaganapin ang pagkakaisa at ang pambansang mithiin at layunin.
Isinasaad naman sa 1987 Konstitusyon, Artikulo XIV, Seksyon 7 ang gamit ng
Filipino bilang wikang opisyal at wikang panturo sa mga paaralan. “Para sa mga layunin ng
komunikasyon at pagtuturo, ang wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino hangga’t walang
ibang itinatadhana ang batas”. Samakatuwid kung nais na maiangat ang katayuan ng wikang
Filipino, kailangang ipagpatuloy ang paggamit ng wika bilang behikulo sa pagtuturo ng
Filipino upang mapadali ang pagkatuto ng mga mag-aaral De Leon et.al., (2004). Nauugnay
ito sa pag-aaral ni Anilao et. al (2005) tungkol sa pag-alam sa suliranin na nararanasan ng
mga guro sa pagtuturo ng Filipino sa Dibisyon ng Tanauan. Natuklasan nila na isa sa
suliranin ng mga guro sa pagtuturo ay ang pag-wawalang bahala ng mga mag-aaral sa
asignaturang Filipino sapagkat ito raw ay kanilang madaling maintindihan kaya’t
nagkakaroon sila ng negatibong saloobin na nakakaapekto sa kanilang perpormans. Kaya’t
iminumungkahi ng mananaliksik na gabayan ng guroang mga mag-aaral upang maitama ang
mga maling paniniwala nila sa asignaturang Filipino.
Maging ang ilang banyagang pag-aaral ay nagpapatunay na ang paniniwala at
saloobin ng mga mag-aaral sa isang asignatura ay maaaring makabuti o hindi sa kanilang
perpormans.
27
LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS
GRADUATE SCHOOL
Kabanata 3
PAMAMARAAN AT PAGKUHA NG DATOS
Inilahad sa kabanatang ito ang mga pamamaraan at kasangkapang ginamit sa
pagtitipon ng mga datos, gayundin ang lahat ng pangangailangan sa pag-aaral na ito.
Disenyo ng Pananaliksik
Kinakailangan ang maingat na pagsusuri at wastong hakbangin upang maging
malinaw ang pagpapaliwanag ng mga nalikom na datos mula sa mga mag-aaral at mga guro
upang maging makabuluhan ang pag-aaral na ito sa mga babasa. Ginamit na pamamaraan sa
pag-aaral ang deskriptibong paglalarawan upang maipamalas ng husto ang mga paniniwala
at saloobin ng mga mag-aaral sa asignaturang Filipino at ang kaugnayan nito sa kanilang
perpormans.
Ayon kay Sanchez (2000), ang kaisipang paglalarawan ay isang paraan ng
pangangalap ng impormasyon hinggil sa napapanahong umiikot na sistema. Ito ay
naglalarawan ng mga sitwasyon habang ang isang pag-aaral ay isinasaayos pa lamang para
malaman ang sanhi ng suliranin.
Mga Tagasagot
Ang mga mag-aaral sa ikalawang antas ang ginamit ng may akda bilang kanyang
respondent o pagkukuhanan ng mga datos at mga impormasyon na gagamitin sa pag-aaral.
Naging respondente din ang mga guro na nagtuturo sa kanila ng wika. May tatlong paaralan
sa Hilagang Distrito ng Lungsod ng Tanauan ang napiling pagsagawaan ng pag-aaral.
28
LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS
GRADUATE SCHOOL
Talahanayan A. Bilang ng mga mag-aaral at mga guro sa ikalawang antas sa Hilagang
Distritong Lungsod ng Tanauan na naging respondent sa pag-aaral na ito.
Pangalan ng Paaralan
Kabuuang bilang
ng Mag-aaral sa
Ikalawang Antas
Bilang ng mag-
aaral sa Ikatlong
Antas
( 20%)
Bilang ng Guro
1. Tanauan City High School 596 119 2
2. Pantay Bata High School 150 30 2
3. Malaking Pulo National
High School
240 48 2
Kabuuan: 986 197 6
Kabuuang bilang ng Mag-aaral: 197
Kabuuang bilang ng Guro: 6
Kabuuang Bilang ng Respondente: 203
Batay sa talahanayan A, ang pagkuha ng bilang ng respondent ay nakasalalay sa
dami ng populasyon. Sangayon kay Sanchez, (2000) ang pagkuha ng bilang ng respondente
– (10%) kung ang populasyon ay madami at kapag kakaunti naman ay (20%).
Gumamit ang mananaliksik ng random sampling sa pagkuha ng mga mag-aaral na
nagsisilbing tagasagot sa mga talatanungang ipapamahagi sa kanila. Sa puntong ito gumamit
ng fish ball technique ang ginagamit na kung saan may tatlong kahon na kumakatawan sa
piniling paaralan, nakapaloob sa kahon ang pangalan ng lahat ng mag-aaral at kumuha sa
bawat kahon.. Ang nabunot na pangalan ang siyang sasagot sa talatanungan dito nakapaloob
ang mga katanungang sasagot lahat sa inilahad na suliranin sa pag-aaral.
29
LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS
GRADUATE SCHOOL
Instrumento
Talatanungan o questionnaire ang ginamit na instrumento para malikom ang mga
kailangang impormasyon at datos. Upang masukat ang mga katanungan, ang dalawang
grupo ay sasagot batay sa angkop na bilang sa bawat baryabol, lubos na sumasang-ayon (5),
sumasang-ayon (4), di-makapagpasya (3), di sumasang-ayon (2), lubos na di sumasang-ayon
(1). Ang pamamaraang ito ng paglikom ng datos ang isinagawa para matiyak ang katatayuan
ng pinag-aaralan. Naniniwala ang mananaliksik na ito ang pinakamabisang instrumento
kung paano makakakuha ng tama at wastong impormasyon. Ang mga katanungan ay
malinaw na tumutukoy sa mga kasagutang nais tuklasin ng mananaliksik.
Balidasyon ng Instrumento
Tatlong propesor sa Laguna College of Business and Arts (LCBA) at ang Pansangay
na Tagamasid sa Filipino ng Sangay ng Lungsod ng Tanauan ang sumuri sa talatanungan na
ginamit sa pag-aaral na isinagawa ng mananaliksik. Upang masagot ng husto, sinuring
manuti kung ang mga baryabol ay akma sa bawat katanungan ng suliranin. Tiningnan nila
kung ang mga datos at impormasyon na makakalap sa talatanungan ay masasagot ang lahat
ng mga suliraning inilahad sa pag-aaral.
Pamamahagi at Pagkalikom ng mga Datos
Ang mga katanungan ay nabuo ng may-akda ng tesis na ito sa tulong ng tesis na
tagapayo. Bago isinagawa ang pamamahagi ng katanungan ay humingi muna ng pahintulot
sa mga namumuno sa mga paaralan kung saan isinagawa ang pag-aaral, maging sa
pansangay na tagapamanihala ng Lungsod ng Tanauan. Pinagsama-sama ang mga
talatanungan at pinagtali-tali. Pagkatapos ay inayos sa mga “tabular form” o talahanayan.
Lahat ng mga katanungan ay nilagyan ng sagot, limit at bahagdan.
Istatistikang Ginamit
30
LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS
GRADUATE SCHOOL
Ang mga sumusunod ay ang mga ginamit na istatistika sa pag-aaral na ito:
Upang matugunan ang suliranin hinggil sa kung ano ang mga pananaw at saloobin
ng mga mag-aaral sa asignaturang Filipino at sa pagtataya ng mga mag-aaral mismo at kani-
kanilang guro ginamit ang weighted mean;
Mw = fw
N
na kung saan:
Mw = weighted mean
fw = sum of the product of the frequency and weight
N = number of cases or respondents
Para naman sa mga aspeto tungkol sa suliranin sa saloobin at paniniwala ginamit ang
chi-square.
x² = ( O – E )² E
na kung saan:
O = observed frequency
E = expected frequency
31