centralfocus i -1

8
SOUTHZONE 2011 Teknolohiya at Silbi nito sa Bayan ng Apalit sundan sa pahina 5 Apalit, patungo sa pagiging isang ganap na siyudad! sundan sa pahina 5 MALAUS KO PU BAYAN NATIN, PAHAYAGAN NATIN Isa sa mga pagbabagong magaganap sa bayan ng Apalit, Masantol, at Macabebe ay ang pagkakaroon ng isang pang-komunidad na pahayagan na regular nating matutunghayan simula ngayong araw ng Lunes, ika-14 ng Nobyembre, at kada ikalawang linggo pagkatapos nito. Sa wakas, makikita na din natin ang mga balitang atin, hindi lamang tuwing may mga kalamidad, may mga masamang pangyayari, o may mga kontrobersyal na isyu sa ating bayan. Ang Central Focus ay nag-iisang pangkomunidad na pahayagan sa mga nasabing bayan. Ito ay isa sa mga pangunahing produkto ng IXI Software Solutions (http://ixi.ph). Layunin ng pahayagan na ito na maging tulay sa pagdaloy ng impormasyon mula sa mga lokal na pamahalaan, pribadong sektor at mga negosyo, civil society, at iba pang indibidwal o organisasyon. Bilang isang pang-komunidad na pahayagan, ang Central Focus ay maglalaman ng mga artikulong tungkol sa atin, galing sa atin, at makakaapekto sa atin. Kasama sa mga adhikain ng pahayagan ay ang makapag-bigay ng impormasyon at kaalaman tungkol sa pulitika at lokal na pamahalaan; ekonomiya at merkado; entertainment; at iba pang mga interesanteng paksa tungkol sa mga bayang makakasama sa sirkulasyon ng pahayagan. Sinisikap din ng pangasiwaan ng pahayagan na tumanggap ng mga akda o kontribusyon mula sa mga mambabasa upang maipahayag nila ang kanilang saloobin o iniisip sa mga isyung nakapaligid sa kanya. Bilang tugon sa agos ng teknolohiya, ang pahayagan ay mayroong sariling Website (http:// centralfocus.ixi.ph) kung saan lahat ng artikulong inilathala na ay makikita na nakasalin sa wikang Ingles. Ang pinakahuling isyu ng pahayagan (sa format na PDF) ay maari ding makuha ng walang kabayaran sa nasabing Website. Ang unang isyu na ipinamimigay ng walang bayad ay resulta ng mga mga panulat ng mga staff at mga contributors mula sa iba’t ibang panig ng komunidad -- mula sa mga guro hanggang sa mga kawani ng lokal na pamahalaan. Umaasa ang Central Focus na patuloy na magpapadala ng kani-kaniyang kontribusyon ang mga mambabasa nito sa pamamagitan ng e-mail o pagtawag sa tanggapan ng pahayagan. Ang pahayagang Central Focus ay inilalathala ng IXI Software Solutions tuwing una at ikatlong Lunes ng buwan. Matatagpuan ang tanggapan ng IXI Software Solutions sa harapan ng Shell Gas Station sa Barangay Sampaloc, Apalit, Pampanga. Pribadong sektor nagbigay tulong sa Malauli High School Mga tagasuyo ng Panginoon, muling nag-alay ng Mabuting Oras M aayos na naidaos ng mga mamamayan ng Macabebe ang taunang paggunita sa mga mahal sa buhay na sumakabilang buhay na noong Nobyembre 1, 2011, sa kabila ng iba’t ibang pagsubok na dumaan ngayong taon. sundan sa pahina 2 P anibagong kinabukasan ang nagsimula para sa mga mag- aaral ng Malauli High School, Masantol, Pampanga dulot ng mga donasyong aklat na nagmula sa Bato Balani Foundation, Inc., sa pakikipagtulungan ng Diwa Learning Systems, Inc. at ilang pribadong indibidwal. sundan sa pahina 2 M uli ay taos pusong nag- bigay ng oras at panahon ang mga tagasuyo ng Simbahang Katoliko sa 3 bayan ng Pam- panga para sa kanilang taunang pagrerenew bilang miyembro ng EMDC na may temang “Maka- pusong Pamagserbisyu” noong ika-5 ng Nobyembre 2011. sundan sa pahina 2 Undas sa Macabebe, maayos na naidaos sa kabila ng unos CENTRAL F O CUS P HTTP://CENTRALFOCUS.IXI.PH U +63 45 3046018 TOMO I BLG. 1 NOBYEMBRE 14, 2011 sundan sa pahina 7 Pasyalan De Kabalen ST. PETER APOSTLE PARISH CHURCH sundan sa pahina 3 Takam Na Takam! @ Kimberly’s sundan sa pahina 3 Pa-TALK Sa’yo Ang paniniwala at kaugalian ng mga Kapampangan tuwing panahon ng Undas sundan sa pahina 3 Facebook.com/CentralFocusOnline Ipakita ang angking talento! Paano? Alamin sa pahina 6.

Upload: peejay-salonga-galang

Post on 07-Oct-2014

398 views

Category:

Documents


1 download

TRANSCRIPT

SOUTHZONE 2011

Teknolohiya at Silbi nito sa Bayan ng Apalitsundan sa pahina 5

Apalit, patungo sa pagiging isang ganap na siyudad!sundan sa pahina 5

MALAUS KO PUBAYAN NATIN, PAHAYAGAN NATIN

Isa sa mga pagbabagong magaganap sa bayan ng Apalit, Masantol, at Macabebe ay ang pagkakaroon ng isang pang-komunidad na pahayagan na regular nating matutunghayan simula ngayong araw ng Lunes, ika-14 ng Nobyembre, at kada ikalawang linggo pagkatapos nito. Sa wakas, makikita na din natin ang mga balitang atin, hindi lamang tuwing may mga kalamidad, may mga masamang pangyayari, o may mga kontrobersyal na isyu sa ating bayan.

Ang Central Focus ay nag-iisang pangkomunidad na pahayagan sa mga nasabing bayan. Ito ay isa sa mga pangunahing produkto ng IXI Software Solutions (http://ixi.ph). Layunin ng pahayagan na ito na maging tulay sa pagdaloy ng impormasyon mula sa mga lokal na pamahalaan, pribadong sektor at mga negosyo, civil society, at iba pang indibidwal o organisasyon.

Bilang isang pang-komunidad na pahayagan, ang Central Focus ay maglalaman ng mga artikulong tungkol sa atin, galing sa atin, at makakaapekto sa atin.

Kasama sa mga adhikain ng pahayagan ay ang makapag-bigay ng impormasyon at kaalaman tungkol sa pulitika at lokal na pamahalaan; ekonomiya at merkado; entertainment; at iba pang mga interesanteng paksa tungkol sa mga

bayang makakasama sa sirkulasyon ng pahayagan. Sinisikap din ng pangasiwaan ng pahayagan na tumanggap ng mga akda o kontribusyon mula sa mga mambabasa upang maipahayag nila ang kanilang saloobin o iniisip sa mga isyung nakapaligid sa kanya.

Bilang tugon sa agos ng teknolohiya, ang pahayagan ay mayroong sariling Website (http://centralfocus.ixi.ph) kung saan lahat ng artikulong inilathala na ay makikita na nakasalin sa wikang Ingles. Ang pinakahuling isyu ng pahayagan (sa format na PDF) ay maari ding makuha ng walang kabayaran sa nasabing Website.

Ang unang isyu na ipinamimigay ng walang bayad ay resulta ng mga mga panulat ng mga staff at mga contributors mula sa iba’t ibang panig ng komunidad -- mula sa mga guro hanggang sa mga kawani ng lokal na pamahalaan. Umaasa ang Central Focus na patuloy na magpapadala ng kani-kaniyang kontribusyon ang mga mambabasa nito sa pamamagitan ng e-mail o pagtawag sa tanggapan ng pahayagan.

Ang pahayagang Central Focus ay inilalathala ng IXI Software Solutions tuwing una at ikatlong Lunes ng buwan. Matatagpuan ang tanggapan ng IXI Software Solutions sa harapan ng Shell Gas Station sa Barangay Sampaloc, Apalit, Pampanga.

Pribadong sektor nagbigay tulong sa Malauli High School

Mga tagasuyo ng Panginoon, muling nag-alay ng Mabuting Oras

Maayos na naidaos ng mga mamamayan ng Macabebe

ang taunang paggunita sa mga mahal sa buhay na sumakabilang buhay na noong Nobyembre 1, 2011, sa kabila ng iba’t ibang pagsubok na dumaan ngayong taon. sundan sa pahina 2

Panibagong kinabukasan ang nagsimula para sa mga mag-

aaral ng Malauli High School, Masantol, Pampanga dulot ng mga donasyong aklat na nagmula sa Bato Balani Foundation, Inc., sa pakikipagtulungan ng Diwa Learning Systems, Inc. at ilang pribadong indibidwal. sundan sa

pahina 2

Muli ay taos pusong nag-bigay ng oras at panahon

ang mga tagasuyo ng Simbahang Katoliko sa 3 bayan ng Pam-panga para sa kanilang taunang pagrerenew bilang miyembro ng EMDC na may temang “Maka-pusong Pamagserbisyu” noong ika-5 ng Nobyembre 2011. sundan sa pahina 2

Undas sa Macabebe, maayos na naidaos sa kabila ng unos

CENTRAL FOCUSP HTTP://CENTRALFOCUS.IXI.PH U +63 45 3046018TOMO I BLG. 1 NOBYEMBRE 14, 2011

sundan sa pahina 7

Pasyalan De KabalenST. PETER APOSTLE PARISH CHURCHsundan sa pahina 3

Takam Na Takam! @ Kimberly’ssundan sa pahina 3

Pa-TALK Sa’yoAng paniniwala at

kaugalian ng mga

Kapampangan tuwing

panahon ng Undas

sundan sa pahina 3

Facebook.com/CentralFocusOnline

Ipakita ang angking

talento! Paano? Alamin sa pahina 6.

CENTRALFOCUS

EditorialNews

kamatayang bangayan ng gobyerno at ng dating pangulo na ngayon ay kongresistang Gloria Macapagal-Arroyo.

Ito lang ba talaga ang mga bagay na dapat nilang ipagsigawan sa buong bansa? Bagaman ito ay hindi katanggap-tanggap sa atin, hindi natin maaring sisihin ang mga pahayagang ito. Magiging interesado nga ba naman ang isang taga-Mindanao sa mga nangyayari sa baryo ng Malauli?

Alam natin na hindi sapat ang mga pambansang pahayagan o pambansang telebisyon upang ipaabot sa mga mamamayan kung ano ang nangyayari sa paligid ng sariling komunidad na ito. Gaano ba naman kadalas na ang isang malaking pahayagan o telebisyon ay magbabalita ng nangyayari sa kasuluksulukan ng Pampanga? Mapapansin ba kaya ng mga higanteng pahayagan ang mga makataong proyekto sa bayan ng Apalit? O ang taos-pusong pagsusumikap ng isang guro sa bayan ng Masantol upang matulungan ang kanyang paaralan? O ang magagandang proyektong pangkabataan sa bayan ng Macabebe? O ang magagandang adhikain ng lokal na pamahalaan ng Apalit para sa ikauunlad nito?

Layunin ng pahayagang ito na maging tulay na magdudugtong sa mga mamamayan at sa mga pangyayaring nakapaligid sa atin… mga pangyayaring tungkol sa ATIN, may kinalaman sa ATIN,

at higit sa lahat, mga bagay na pinahahalahagahan NATIN.

Ngunit hindi nais ng pahayagan na ito na tumigil lamang sa pag-aabot ng balita. Kasama ng pagbabalita ay ninanais din ng pahayagan na ito na magsilbing hamon para sa mga mamamayan upang makialam sa mga nangyayari sa ating kapaligiran. Katulad ng isang guro sa isang baranggay sa bayan ng Masantol na hindi lamang naghihintay sa kung anong maibibigay sa kanyang paaralang ng gobyerno natin (silipin ang kaugnay na balita sa isyung ito), na gumawa ng hakbang upang matulungan ang kanyang paaralan sa mga pangangailangan nito, nais naming hamunin ang bawat mamamayan na gumawa ng hakbang upang tulungan ang kanyang sarili, o tumulong sa mga nangangailangan. Nais naming hikayatin ang bawat isa na huwag makuntento sa kung ano lamang ang nandiyan na.

Sa ganang amin, handa kaming maging tagapag-bahagi ng mga mabubuting pangyayari na inyong nagawa o pinipilit na gawin… hindi upang magmayabang, kundi upang magbigay ng pag-asa sa nakararami at magsilbing halimbawa sa mga nagnanais ding gumawa pa ng kabutihan.

‘Ika nga ng isang patnugot sa isang sikat na pahayagan: “Kung hindi tayo, sino? Kung hindi ngayon, kailan?”

Ang unang isyu na ito ng Central Focus ay simbolo ng napakaraming bagay at pagpapahalaga.

Ang isyu na ito ay ang unang pagsubok ng grupo upang makabuo ng isang makabuluhang pahayagan — isang pahayagan na hindi makasarili, hindi puro reklamo, hindi puro anunsyo o patalastas, at higit sa lahat, hindi mapang-manipula.

Ang naisin ng pahayagang ito ay makapaghatid ng impormasyon sa mga nangangailangan nito. Hindi man alam ng lahat, nangangailangan tayo ng impormasyon sa napakaraming bagay. Ilang beses na bang nagkaroon ng malubhang epekto ang isang kalamidad dahil lamang sa kulang ang impormasyon na ipinamamahagi ng mga dapat mamahagi nito?

Kailan lamang ay laman ng mga pahayagan at telebisyon ang paglubog sa mga bayan ng Masantol, Macabebe, Apalit, at San Simon. Kinakailangan pa bang salantain ng bagyo at lumubog ang ating mga bayan bago tayo maging laman ng mga pahayagan? Kinakailangan pa bang magkaroon ng mga patayan at mga karumaldumal na krimen bago tayo maging bahagi ng telebisyon gayung napakaraming magagandang bagay ang dapat nating ipamahagi hindi lamang sa bayan natin kung hindi sa buong mundo?

Pagkatapos ng bahang dulot ng mga nakaraang bagyo, ang nakikita lamang ng ibang tao kapag binanggit ang salitang Pampanga ay ang walang

Hindi naman lingid sa kaalaman ng karamihan, na isa ang probinsya ng Pampanga sa talaga namang tinamaan at binigyang perwisyo ng mga nagdaang kalamidad at mga bagyong Pedring at Quiel. Kung saan halos ang mga kalsada at kabuhayan ay tinamaan ng baha at hanggang sa ngayon ay lubog pa rin ang iilan, kabilang na ang ilang sementeryo sa Macabebe.

Ayon sa mga mamamayan ng Macabebe, sanay na sila sa sitwasyon ng baha lalo sa mga sementeryo, dahil ilang taon na rin nila itong dinaranas tuwing sasapit ang undas, ngunit iba lamang sa ngayon dahil sa mga pagsubok na dinanas sa mga nakalipas na buwan.

Kaya naman noong Nobyembre 1, 2011 talaga namang kaabang-abang kung ano nga ba ang lagay ng mga himlayan ng mga mahal sa buhay ng mga mamayan ng Macabebe. Inaasahan man ang di gaanong mabuting sitwasyon, dito ay nakita ang maayos na pamamahala ng mga pribadong sektor na nagmamay-ari ng mga sementeryo dahil sa mga

Ang EMDC Renewal ay unang nagsimula noong ika-39 ng Enero taong 1973 sa panahon at pamamahala ni Pope Pablo VI sa buong Simbahang Katoliko. Naisakatuparan ito sa sampung parokya sa mga lugar ng Macabebe, Masantol, at Apalit. Ito ay mayroong kabuuang 342 na partisipantes na kinabibilangan ng mga 148 na partisipantes sa Apalit, 106 sa Macabebe, at 88 sa Masantol.

Ang bagong tema na nasabing organisasyon ay pinamagatang “Maka-pusong Pamagserbisyo” na ginanap sa kapilya ng Sto. Rosario, Macabebe. Ito ay nagsilbing pang-apat na taon ng EMDC Renewal sa tulong narin ng pangalawang

termino ni Bro. Nestor G. Tienzo na tumatayong tagapamahala at Vicariate Coordinator ng kanilang grupo.

Layunin ng organisasyong ito na makapaghatid ng lingguhang serbisyo publiko sa bawat parokya upang makapag-abot ng tulong sa mga nangangailangan at mga may sakit. Naglalayon din ito ng linguhang serbisyo para sa mga simbahan sa bawat parokya at lamayan minsan sa isang buwan.

Taon-taon, nakikilahok at tumutulong din ang organisasyon ng EMDC sa itinuturing nitong tatlong pinakamalaking responsibilidad tulad ng Retreat tuwing Mahal na Araw, Renewal tuwing ikatlo ng

Sabado ng Octubre ngunit naantala at nailipat ito dahil sa bagyo at mga pagbaha at Kumpil tuwing unang Sabado ng Disyembre na pinangungunahan ni Archbishop Archdiocese.

Nagbibigay din ng tulong pinansyal ang EMDC kung may aktibong myembro silang nasawi mula sa pondo ng Damayan na nagmumula sa mga Retreat, Renewal at Kumpil.

Marami ang natutulungan ng organisasyong ito sa maganda nitong mithiin. Nais ng EMDC na mas mapaganda at mapalinang nila ang kanilang tungkulin upang mas marami ang kanilang matulungan.

- Mariz D. Hernandez

Bilang isa sa mga pinakabagong pampublikong paaralan sa sekondarya na nagsimula noong taong 2008 lamang, layunin ng Malauli High School ang magkaroon ng makabuluhang sistema at mabigyang katuparan ang programa ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) na remedial reading program para sa mga mag-aaral na nahihirapang magbasa o nahihirapang unawain ang kanilang mga binasa o binabasa.

Sa panimula ng unang taon ng pamamahala ni Gng. Willet Sunga-Perez bilang OIC, gumawa ito ng mga hakbang upang maisakatuparan at matuloy ang pamamahagi ng kaalaman sa mga mag-aaral sa pamamagitan ng mga kapaki-

pakinabang na babasahin. Sa pakikipagtulungan sa IXI Software Solutions, nagpadala ng liham si Gng. Sunga-Perez sa Diwa. At nito ngang ika-4 ng Nobyembre taong kasalukuyan, nakakuha ng mahigit na 20 kahon ng pinaghalo-halong textbooks, magasin, at iba pang mga babasahin ang Malauli High School na magagamit para sa remedial program nito.

Ayon sa kanilang English Coordinator na si Darlene M. Lebaste, sa nakaraang 3 taon ay may nagbigay na rin ng mga libro at iba pang babasahin sa kanila, ngunit ang ibinigay na tulong ngayong taon ng Bato Balani, Diwa, at iba pang pribadong indibidwal ay magsisilbing

napakalaking tulong para sa mga mag-aaral ng Malauli High School. Hindi umano sila titigil na ipatupad ang remedial program na ito hangga’t may mga mag-aaral na nahihirapan pang magbasa ng maayos.

Idinagdag pa niya na layunin din ng programang ito na lahat ng mga mag-aaral nila ay magkaroon ng malaking kaunlaran pagdating sa pagbabasa. Umaasa rin sila na masimulan na ang outreach program para sa mga kabataan na hindi magawang mag-aral bunsod ng kahirapan o ang mga out-of-school youth.

- Mary Charlane M. Payuan

EDITORIAL BOARD

Editor-in-ChiefPaul H. Pineda

WritersMary Charlane M. PayuanKatrina Anne U. Casuga

Mariz D. HernandezPorshia H. Pineda

Layout ArtistPeejay S. Galang

Circulation ManagerZenaida H. Pineda

CENTRAL FOCUS is published biweeklyby IXI Software Solutions.

Office Address:MacArthur Highway, Sampaloc,

Apalit, Pampanga

ginawa nilang paraan upang maging maayos ang pagbisita sa mga mahal sa buhay.

Bagama’t may ilang parte ng mga sementeryo na may tubig baha pa rin at hindi maayos na mapuntahan dahil sa sitwasyon na pumapaligid dito, nangingibabaw pa rin ang mas malawak na parte na maari mong madalaw ang iyong mahal sa buhay dahil sa mga pinatambakan ang lupa at sementong dadaanan gamit ang buhangin na ginawang sand bag na malaki ang naitulong sa mas maayos at kumportableng daan para sa mga tao at higit sa lahat sa tulong na rin ng kapulisan ng Macabebe, naging mapayapa ang pagdaraos ng Undas sa pangkalahatan.

Hindi man nanatili ang pisikal na anyo ng mga sementeryo sa Macabebe, katulad noong mga nagdaang taon, nanatili pa rin ang isang bagay na hindi na mawawala sa mga Pilipino, ang pagbubuklod-buklod para ipagdasal ang mga mahal sa buhay na ngayon ay nasa piling na ng Poong Maykapal.

- Mary Charlane M. Payuan

Naging payak at tahimik ang paggunita ng mga Apaliteños sa Araw ng mga Patay noong Nobyembre 1, 2011, sa tulong na rin ng mahigpit na pamamalakad ng mga kinauukulan at kapulisan upang maiwasan ang di kanais-nais na krimen sa lugar.

Tuwing ika-1 ng Nobyembre sinasariwa at inaalala natin ang mga yumaong mahal natin sa buhay. Nagtitirik tayo ng kandila, nagdadala at nag-aalay ng bulaklak bilang pagmamahal at pag alala sa kanila. Ganito marahil ang kinalakihan nating tradisyon, na kahit wala na sila at hindi na natin sila kapiling, kailangan parin natin silang pahalagahan. Ito’y isang patunay lamang na hindi natin sila makakalimutan kahit nasa kabilang buhay na sila.

Dito sa ating lugar sa Apalit, mahigpit ang pagpapatupad ng ating mga nanunungkulan upang makaiwas sa anumang kaguluhan at mapanatili ang kaayusan sa mga sementeryo. Kasabay ng paggunita natin sa araw ng mga patay, nag alay din ng misa si Rev. Fr. Rolando Lopez para sa ating mga mahal sa buhay. Nagsimula ito ng alas Sais ng umaga bilang unang misa, at mga sumunod pa hanggang tanghali. Ang ilang hindi nakapagsimba ay nag alay na lamang ng kanilang mataimtim na dasal sa sementeryo sapagkat nag daos din ng munting misa si Rev. Fr Juan Danilo Dizon sa Blue Madonna Memorial Park.

Umaga pa lamang, hindi na matatawaran ang bilang ng mga taong nagsisidagsaan sa Apalit Public Cemetery at Blue Madonna Memorial Park.

May mga pulis sa harapan at gilid ng mga sementeryo upang suriin ang mga dalang gamit ng mga sibilyan

bago makapasok. Ipinagbabawal sa dalawang semeteryo ang mga matutulis na bagay gaya ng kutsilyo, tinidor, sticks, gunting at kahit ano pang mga bagay na pwedeng magdulot ng gulo at sakuna. Bawal din magdala ng mga nakakalasing na inumin at maiingay na bagay tulad ng radyo upang magbigay respeto narin sa ating mga yumaong mahal sa buhay.

Nagsagawa rin ang pamunuan ng Knights of Columbus ng “Oplan Kaluluwa” Knights in Action para makapagsilbi sa lahat ng nangangailangan at humihingi ng tulong.

May mga nakaalalay na medical team at mga tanod sa bawat sulok ng mga sementeryo upang maiwasan ang anumang kaguluhan. Ang ilang mga tanod ay nagroronda para makatiyak na walang sumusuway sa kanilang mga patakaran.

Nagsilbing reunion din ang lupong ng mga pamilya sa dalawang sementeryo, dahil ito ang naging daan para magkasama sama ang bawat isa sa kanila.

Nakisama ang magandang panahon na ikinatuwa ng maraming Cabalen, bagamat umulan kinagabihan,marami parin ang nanatili sa mga puntod ng kanilang mga kaanak.

Ang magandang pagpapatupad ng mga kinauukulan ay nagdulot ng magandang epekto, walang naitalang krimen o nasaktan sa magkabilang sementeryo.

At sana’y magsilbing aral at gabay muli ito upang maidaos muli natin ng tahimik ang Undas sa susunod pang mga taon.

- Mariz D. Hernandez

Kung Hindi Tayo, Sino?

mula sa pahina 1 Mga tagasuyo ng Panginoon...

UNDAS ng mga Apaliteños

mula sa pahina 1 Malauli High School...

mula sa pahina 1Undas sa Macabebe...

2

CENTRALFOCUS CENTRALFOCUS Feature

Kilala ang Apalit sa maraming imprastraktura, senaryo, at pagkain. Ngunit lingid sa ilan na tanyag din ang ating lugar sa mga makasaysayan at natatanging lugar na dinarayo ng nakararami.

Isa ang St. Peter Apostle Parish Church sa mga ipinagmamalaking lugar ng mga Apaliteños. Ito ang nag-sisilbing makasaysayang palatandaan at kultura ng ating komunidad. Bu-kod sa napakagandang imprastrak-tura nito, ipinagmamalaki at dinarayo ito sa angking nitong kasaysayan.

Ang “Apalit Catholic Communi-ty” ay tuluyang nahiwalay sa parokya ng Calumpit noong taong 1597 sa tu-long ng kauna-unahang naitalagang pari para magsilbi sa komunidad ng Apalit na si Fr. Pedro de Vergara.

Ang kauna-unahang simbahan ng ating parokya at kumbento ay naitatag noong panahon ni Father Simon de Alarcia noong taong 1854-1860 ngunit sa kasamaang palad na-sira ito ng malakas na lindol noong taong 1863. Nagmabuting loob si

Father Gallende upang makapagtayo ng bagong simbahan para sa ating komunidad. Ang kasalukuyang sim-bahan natin ngayon ay naitatag sa termino at panunungkulan ni Father Gallende noong taong 1873 hang-gang 1886. Naisakatuparan at nag-bigay daan ito upang magkaisa ang bawat mamamayan. Marami sa ating mga Cabalen ang nag-abot at nagha-tid ng ibat-ibang tulong at pagka-kawang gawa upang maisaayos ang ating minamahal na simbahan.

Ang klasikong kaayusan at mga makasaysayang myural sa kisame ng ating natatanging simbahan ay nilikha ng isang batikang Italyanong pintor na si Caesara Alberoni noong taong 1876.

Ang St. Peter Apostle Parish Church kasama ng ating patron na si San Pedro o mas kilala sa tawag na (Apung Iru) ay kasama sa pinakama-halagang yaman ng komunidad ng Apalit. Simula noong taong 1844, ang mga progresibong mamamayan ng Apalit ay nagdiriwang ng taunang

pyesta sa makulay na pagoda bilang parangal at pasasalamat sa ating pa-tron si San Pedro Apostle (Apung Iru). Ipinagdiriwang natin ang kapist-ahang ito mula Hunyo 28, 29 at 30.

Malaking bahagi na ng ating ka-saysayan ang ating simbahan, du-mating man ang maraming unos at

pagsubok, nakatayo parin ito at nana-tiling matatag.

Dinarayo ito maging ng mga turis-ta at iba’t-ibang prominenteng tao sa ating bansa. Naging bahagi din ang ating simbahan sa iba’t-ibang klase ng pelikula at palabas sa telebisyon gaya ng Alyna ni Shaina Magdayao,

Pangako Sa’yo ni Kristine Hermosa at Jericho Rosales at marami pang iba.

Dito rin ginaganap ang araw-araw at lingguhang misa, Pasko, Bagong Taon, Mahal na Araw, at Salubong tuwing Mayo. Tuwing regular na araw, hindi nawawalan ng tao ang naturang simbahan dahil para sa atin isang malaking karangalan na ang makapaglingkod at madama natin ang presensya ng ating mahal na panginoon sa loob ng ating sa-gradong simbahan. Mas pinipili na ng nakararami sa atin na magsimba lalu na tuwing lingo kesa mamasyal sa ibang mga lugar na pinatutunayan ng kasabihang “The family that prays together, stays together.”

Bukas din ang ating simbahan sa iba’t-ibang mahahalagang seremonya gaya ng binyag, komyunyon, kumpil, at kasal.

Ang St. Peter Apostle Parish Church ay nagsisilbing tanda nat-ing mga Apalitenos bilang mapag-kawang gawa at relihiyosong tao. Na kahit anong mga pagsubok at hirap ang ating maranasan sa ating buhay, nariyan parin tayo nananalig at na-nanatiling may takot sa ating Poong Maykapal.

Pasyalan De KabalenST. P ET E R A P O ST L E PA R I SH Mariz D. Hernandez

Katrina Anne U. CasugaKimberly’sTakam Na Takam! @

Likas na talaga sa mga Pilipino na kung ating ilalarawan ang mga Kapampangan, ang pagluluto ay isa sa mga bagay na sumisimbolo sa kanila. Karamihan sa mga Kapampangan ay bihasa sa pagluluto ng mga masasarap na pagkain na dinadayo pa ng mga tao mula sa karatig lalawigan at nakakarating din sa ibayong dagat.

Ang pagkain ay isa sa mga atraksyon na ipinagmamalaki ng mga Kapampangan. Sari-saring mga putahe ang alam nilang lutuin na tunay nga namang masasarap at masasabi mo na lamang na “Kapampangan ku at pagmaragul ku!”

Ang pancit ay isa sa mga espesyalidad ng mga Kapampangan at maraming klase ng pancit ang kanilang ibinibida. Ang pagluluto ng pancit ay ating namana pa sa mga kapatid nating mga Intsik na mas pinasarap pa ng ating mga ninuno. Kung inyong mapapansin hindi mawawala ang pancit sa mga okasyon na dinadaluhan lalo na kapag may nagdiriwang ng kanilang kaarawan.

Sa aking pagtatanung-tanong tungkol sa mga kilalang kainan na talagang matagal nang dinadayo dahil sa pagseserb nila ng masarap na pancit at iba pang pagkain na kinahuhumalingan ng mga Kapampangan, isa sa mga kainan sa Apalit ang nanguna, at ito ay ang Kimberly’s Lomi House.

Ang Kimberly’s Lomi House ay nagsimula pa noong taong 1999 at hanggang ngayon ay tinatangkilik pa rin ang kanilang masasarap na pancit at ang kanilang lomi. Ang mag-

asawang sina Ginoong Jose Padilla at Ginang Teresita Padilla at ang kanilang limang anak ay nagtulung-tulong upang mas gumanda ang pamamalakad ng kanilang kainan. Dahil sa pagtutulungan ng kanilang pamilya, mayroon na silang apat na branch na talagang dinadayo ng mga tao. Sinusubukan din ng kanilang pamilya na magbukas pa ng panibagong branch para mas lumawak at maihatid sa mga taong hindi pa nakakatikim ng kanilang espesyalidad na mga pagkain. Ang espesyalidad na pagkain

na kanilang sineserb sa Kimberly’s ay ang pancit, lomi, at ang kanilang puto.

Maraming klase ng lutong pancit at iba pang mga pagkain ang kanilang ipinagmamalaki. Mayroong silang pancit guisado, miki-bihon, canton, lomi, at puto. Ang kanilang noodles na ginagamit sa kanilang pancit ay sila din ang gumagawa kung kaya’t malalasahan mo ang tunay na luto ng Kapampangan. Maidadagdag pa rito ang kanilang puto na sila din ang gumagawa.

Ang pagkaing kanilang sineserb sa

Kimberly’s ay tunay na pang-masa, dahil sa presyong 75 pesos mayroon ka na makakain na masarap na putahe at ito ay good for three to four persons. Sulit na sulit kung inyong susuriin.

Nang aking matikman ang kanilang lomi, ang una kong napansin ay wala itong lasang pait at nangingibabaw ang thickness ng sabaw. Pangalawa ko namang kinain ay ang kanilang pancit guisado, sa aking pag-nguya ay nangibabaw kaagad ang linamnam ng butter at hindi nasobrahan sa luto ang kanilang noodles at ang gulay na kasama sa putahe. At ang pinaka-nangibabaw sa lahat ng aking tinikman sa Kimberly’s Lomi House ay ang kanilang “canton.” Masasabi ko na ito ay must try! Sa amoy pa lamang ay matatakam ka na at sa pagtikim nito ay talagang masasarapan ka. Ang mga putaheng ito ay iilan lamang sa mga masasarap na pagkain na sineserb sa Kimberly’s Lomi House.

Ayon kay Ginang Jing Canlas, isa sa mga anak nila Ginoong Jose Padilla at Ginang Teresita Padilla na nag-mamanage sa kanilang isang branch sa Apalit, ay mayroon silang “special ingredients” na inilalagay na nagpapasarap sa kanilang pancit at lomi na hindi mo makikita sa ibang lomi at pancit.

Sa aking pag-rereview sa mga pagkain sa Kimberly’s Lomi House, nakita ko kung gaano kamahal ng mga Kapampangan ang pagluluto ng mga masasarap na putahe. Sa aking pagtikim ng kanilang pagkain, talagang sinisigurado ko na babalik-balikan ko ang kainan na ito dahil sa mura na sobrang sarap pa!

mula sa pahina 1Undas sa Macabebe...

3

Pa-TALK Sa’yo Ang paniniwala at kaugalian ng mga Kapampangan tuwing panahon ng UndasMary Charlane M. Payuan

Likas na talaga sa mga Pilipino ang pagkakaroon ng iba’t-ibang pa-niniwala at kaugalian buhay na nag-ging malaking bahagi ng buhay ng bawat isa. Kaya upang maihatid ang kakaibang pagkukwento patungkol sa mga paniniwala at kaugalian na tila bumabagabag paminsan minsan sa atin at sa pamumuhay natin, narito ang isang lathalain na nagmula ang mga kasagutan sa pulso ng mamama-yan ng mga piling bayan ng Pampan-ga (Apalit, Macebebe, at Masantol) na maaring magbigay ng kiliti, real-isasyon, at marami pang iba.

Para sa unang isyu ng pa-TALK Sa’yo, tinalakay ko ang sa tingin ko ay napapanahong talakayin: Ang pa-niniwala at kaugalian ng mga kapam-pangan tuwing panahon ng Undas.

Narito ang listahan ng ilan sa mga kaugalian at paniniwala na na-kasanayan na ng mga kapampangan tuwing undas:

5. Inaayusan ng nakakatakot ang bawat establisimento.

Isa sa mga nakasanayan na umanong gawin ng mga kapampan-gan sa 3 bayan ng Pampanga ay ang

pag-aayos at paglalagay ng naka-katakot na desenyo sa mga opisina, paaralan at establisimento upang magbigay buhay sa dilim na pinani-niwalaang bumubuhay sa mga patay. Naniniwala diumano sila na isa ito sa nagbibigay swerte sa negosyo sa ka-dahilanang mabilis itong mapapansin dahil kakaiba, nakakatakot at napapa-nahon. Ayon pa sa iba, isa daw ito sa hindi mawawala dahil isa itong paraan ng pagbibigay pugay sa mga nakakatakot na nilalalang maging sa mga yumao na na sadyang kinatata-kutan ng ilan.

4. Dumadalaw sa sementeryo tu-wing Nobyembre 1.

Hindi naman na bago ang kau-galian ng mga Pilipino sa pagpa-pahalaga ng mga mahal sa buhay, na patuloy nilang minamahal buhay man o patay na. Gayunpaman ang un-ang araw ng Nobyembre ang siyang sinasabing opisyal na araw na inilaan para sa mga mahal natin sa buhay na pumanaw na. Kaya naman tuwing sasapit ang petsa at panahong ito, asahan mo ang dagsa ng tao sa bawat sementeryo saan mang sulok may-

roon nito. Naniniwala kase ang mga Pilipino na ang unang araw ng Noby-embre ay pista ng mga patay na dapat bigyang halaga, kung saan dapat ay dalawin sila at ipagdasal, dahil kung hindi, sila raw ang dadalaw sa iyo.

3. Pinagdadala ng paboritong pag-kain sa sementeryo ang namayapa na.

Kilala ang mga Pilipino na mahihilig kumain, at dito napa-paloob ang pagkakakilanlan sa mga Kapampangan bilang mga magagaling magluto at talaga na-mang kakaiba ang panlasa, kaya naman hindi maitatanggi na mag-ing ang mga kapampangan na su-makabilang buhay na ay patuloy pa rin ang paglasap ng tinatawag na “lutong kapampangan”. Kaug-nay nito, ugali na ng karamihan na dalhan ng paboritong pagkain ang namayapa na upang maiparamdam daw umano sa namayapa na, na sa kabila ng lahat, ay buong puso pa rin ang pagmamahal ng mga kaanak at kaibigan sa kanya na dinaraan sa simpleng pagdadala ng paborito nito na nagpapakita ng hindi kailanmang paglimot sa

mahal sa buhay na yumao na.2. Sama-samang nagpupunta sa

sementeryo upang magbantay, mag alay ng bulaklak at magsindi ng kandila para sa mahal sa buhay na pumanaw na.

Matibay na pagbubuklod ng pamilya ang isa sa ugaling Pilipino na higit na hinahangaan ng lahat. Sa hirap man o ligaya, tiyak na nariyan ang pamilya upang masandalan at ika’y gabayan. Kaya naman sa mga panahong kagaya ng undas, hindi mawawala ang pagsasama-sama ng mag-anak upang mag-alay ng oras sa pagdalaw bilang pagpapahalaga sa minamahal; pag-aalay ng bulak-lak na tanda ng busilak at habambu-hay na pagmamahal sa yumao na; at ang pagsindi ng kandila na sumisi-bolo sa pagdarasal at patuloy na pag-gabay ng liwanag sa taong namaya-pa na. Isa lamang ito sa kaugaliang nagpapakita ng tibay ng samahan ng bawat Pilipino, dito o sa kabilang buhay man.

1. Nagdarasal sa loob ng siyam (9) na gabi para sa kaluluwa ng ka-mag-anak na namayapa na.

Tunay na madasalin ang mga Pil-ipino, dahil na rin ito sa paniniwala nila na lahat ng bagay ay makukuha sa pananalangin. Ngunit ang pagda-rasal ay hindi lamang nauukol para sa mga nabubuhay, ito ay higit na mahalaga para sa mga sumakabilang buhay na. Naniniwala ang maraming Pilipino na purgatoryo muna ang un-ang hantungan ng mga yumao bago makaakyat sa langit, ngunit bago mangyari iyon, kailangan muna nila ng pagdarasal mula sa mga kaanak at kaibigan upang magpatuloy ang kanilang paglalakbay ng mapayapa patungo sa paroroonan. Kaya naman iniaalay ang 9 na gabi ng pagdarasal tuwing unang araw ng Nobyembre bilang paggunita na rin sa mga yu-mao na.

Iba-ibang paniniwala at kaugalian man ang lumitaw sa lathalaing ito, iisa lamang ang siyang dapat na tan-daan ng lahat; na ang bawat nilalal-ang sa mundong ito ay dapat magma-halan ng buong puso kapiling man ang mahal sa buhay o hindi na.

T Community News

Apalit

Ang bayan ng Apalit ay isa sa mga matatandang munisipalidad ng lalawigan ng Pampanga. Ang bayan na ito ay nadiskubre noong taong 1582. Ito ay

pinaniniwalaang dating gubat at may malaking puno na nakatanim sa sentrong bahagi nito. Ang puno na ito ay isang Pterocarpus Indicus o asana sa salitang Tagalog at Apalit naman sa salitang Kapampangan. Sa laki ng puno na ito, umaabot ito hanggang sa “Caduang Tete” (pangalawang tulay ng Colgante). Matapos ang pagkilala sa bayan na ito, si Juan Cudia ay hinirang bilang kauna-unahang kapitan ng pueblo. Ang encomienda La Castilla o kilala ngayon bilang San Juan ay kinilala bilang kapital ng bayan.

Ang Apalit ay kilala sa parada ng mga santo at nangunguna dito ang pista ni Apung Iru (Saint Peter the Apostle). Ang pista na ito ay nagsimula noong taong 1844. Simula noon ay naging tradisyon na ito ng mga Apaliteños.

Ang Apalit ay kabilang sa mga ika-1 klase ng bayan sa lalawigan ng Pampanga. Ito din ay binubuo ng 12 na barangay at ito ay ang mga sumusunod: (1) Balucuc; (2) Calantipe; (3) Cansinala; (4) Capalangan; (5) Colgante; (6) Paligui; (7) Sampaloc; (8) San Juan (Poblacion); (9) San Vicente; (10) Sucad; (11) Sulipan; at (12) Tabuyuc (Santo Rosario).

Macabebe

Ang bayan ng Macabebe ay kilala sa kapuluan pagdating sa mga cloth traders at sa mga matatapang na kawal ni Rajah Soliman. Isa din ang bayan

na ito sa mga matatandang munisipalidad ng lalawigan ng Pampanga at ito ay laging kinokonekta sa tubig dahil ito ay malapit sa Rio Grande de la Pampanga. Ayon sa mga nakakarami ang Macabebe ay nangangahulugang “karatig pampang ng ilog.” Pinaniniwalaan din na ang mga tao sa Macabebe ay ang mga unang nakilalang Kapampangan dahil noong sinakop ng mga Espanyol ang Pilipinas, ang Macabebe ay kilala na bilang isang komunidad sa lalawigan ng Pampanga.

Kapag sumasapit ang ika-10 ng Setyembre, ipinagdiriwang ang pista sa buong bayan at mga parokya ng Macabebe. Ang bayan na ito ay kabilang sa ika-2 klase ng munisipalidad ng lalawigan ng Pampanga. Binubuo ng 25 barangays ang Macabebe at ito ay ang mga sumusunod: (1) Batasan; (2) Caduang Tete; (3) Candelaria; (4) Castuli; (5) Consuelo; (6) Dalayap; (7) Mataguiti; (8) San Esteban; (9) San Francisco; (10) San Gabriel (Poblacion); (11) San Isidro; (12) San Jose; (13) San Juan; (14) San Rafael; (15) San Roque; (16) San Vicente; (17) Santa Cruz (Poblacion); (18) Santa Lutgarda; (19) Santa Maria; (20) Santa Rita; (21) Santo Niño; (22) Santo Rosario (Poblacion); (23) Saplad david; (24) Telacsan; at (25) Tacasan.

Masantol

Ang bayan ng Masantol ay orihinal na parte ng bayan ng Macabebe at ito ay tinawag noon na San Miguel de Masantol. Ang tatlong patriyarka

na sina Manuel Fajardo, Gregorio Bautista, at Juan Lacap ay nagsulong noong ika-26 ng Hunyo taong 1877 na ihiwalay ang mga barrio ng Bebe, Bulacus, Caingin, at Nigui sa Macabebe at ito ay nagresulta ng panibagong Spanish pueblo na tinawag na San Miguel. Ang pueblong ito ay inaprubahan ng gobernador heneral ng Espanya na si Domingo Moriones y Murillo at pinasinayaan noong ika-1 ng Mayo taong 1878. Ngunit noong ika-26 ng Hulyo taong 1904, ang paghihiwalay ng Masantol sa Macabebe ay nawalan ng bisa kung kaya’t ito ay naging parte ulit ng bayan ng Macabebe. Ang pagsasamang muli ng Masantol sa Macabebe ay hindi nagtagal, dahil noong taong 1907 binigyang muli ng karapatan ang Masantol na bumukod at maging isang malayang munisipalidad ng Pampanga.

Sa bayan ng Masantol ay pinaniniwalaang ipinanganak ang isa sa mga nirerespeto nating mga bayani, at ito ay si Andres Bonifacio.

Ang Masantol ay kabilang sa mga ika-3 klase ng munisipalidad sa lalawigan ng Pampanga at tinatayang binubuo ito ng 26 barangays at 2 independent/dependent barrio at ito ay ang mga sumusunod: (1) Alauli; (2) Bagang; (3) Balibago; (4) Bebe Anac; (5) Bebe Matua; (6) Bulacus; (7) San Agustin (Caingin); (8) Santa Monica (Caingin); (9) Cambasi; (10) Malauli; (11) Nigui; (12) Palimpe; (13) Puti; (14) Sagrada (Tibagin); (15) San Isidro Anac; (16) San Isidro Matua (Poblacion); (17) San Nicolas (Poblacion); (18) San Pedro; (19) Santa Cruz; (20) Santa Lucia Matua; (21) Santa Lucia Paguiaba; (22) Santa Lucia Wakas; (23) Santa Lucia Anac (Poblacion); (24) Sapang Kawayan; (25) Sua; at (26) Santo Niño. At ang 2 barrio ay ang mga sumusunod: (1) Bebe Arabia; at (2) Sagrada 2 (sagrada dos).

Kasaysayan ng Apalit, Macabebe, at Masantol

Ang bayan ng Apalit ay isa sa mga nagsusumikap na munisipalidad sa lalawigan ng Pampanga kung kaya’t hindi malayo na maging isa ito sa mga siyudad na ipinagmamalaki ng Pampanga. Kung ating susuriin, ang pagbabago na natatamo sa ngayon ng Apalit ay nagbibigay ng magandang pakinabang sa mga Apaliteños. Unang una na dito ang pagpasok ng mga establisyimento na nagbibigay ng mga oportunidad sa mga Apaliteños pagdating sa pangangailangan ng trabaho at iba pang mga pangangailangan sa kanilang pang-araw-araw na buhay.

Maraming bagay na dapat pang isaalang-alang para maging siyudad ang isang lugar at isa na dito ang tagumpay ng isang bayan. Ang Apalit ay kabilang sa mga first-class municipalities ng Pampanga at makikita dito kung gaano nagsumikap ang mga

nanunungkulan para matamo ito. Maraming mga nagdadatingan na mga negosyo sa bayan ng Apalit na nagbibigay ng magandang pag-unlad sa iba’t ibang larangan sa nasabing bayan. Marami mang dapat ikonsidera para gawing siyudad ang isang lugar, ang mga klasipikasyon na ito ay maaaring tanggapin para gawing ganap na siyudad ang Apalit.

Hindi talaga imposible na maging siyudad ang Apalit dahil ang mga tao sa bayan at ang mga nanunungkulan ay dedikado para umunlad ang bayan na kanilang sinilangan at minamahal. Maaaring isang araw ay “City of Apalit” na ang iyong ilalagay o isasagot kapag tinatanong o ipinapasulat ang lokasyon ng iyong tirahan. Maaaring sobrang ambisyosa ang naturan na ito, ngunit malay mo magkatotoo, at isa ka na sa mga tao na ipagmamalaki na ikaw ay isang Apaliteño.

ANGAT FOREVER BALEN - Ang mga katagang naging gabay sa kampanya noon at sa pamamahala ngayon ng masipag at masigasig na Punong Bayan ng Macabebe, si Mayor Annette Flores-Balgan. Dito nag-uugat ang lahat ng mga programa at proyekto na kanyang ipinatutupad para sa kapakanan at ikagaganda ng kabuhayan ng mga mamamayan ng Macabebe.

Iilan sa mga proyektong nabanggit ay sa pangkabuhayan at paglilinang o pagsasanay ng kakayahan ng lakas-tao kagaya ng mga kurso sa paggawa ng mga gamit na yari sa water lily, pagluluto, paggawa ng bayong, maiikling kurso sa pagwewelding, sa pagsisilbi ng pagkain at inumin, at sa paggamit at pagkumpuni ng kompyuter. Tuluy-tuloy ang pagtanggap ng mga nais na makapag-aral ng mga kursong ito na naglalayong makapagbigay ng magandang pundasyon hindi lang sa mga kabataan ng ating bayan kundi sa lahat ng mga gustong makakuha ng magandang trabaho.

Isa sa mga adhikain ni Mayor Balgan ay palakasin at linangin ang likas na kakayahan ng mga mamamayan upang kumita

ng sapat tungo sa pag-asenso. Binibigyan nyang diin na mas kapaki-pakinabang na mabigyan ng sapat na kaalaman ang mga tao upang makatayo sa kanilang sariling mga paa kumpara sa nakasanayang pagbibigay ng pera sa mga ito. Nais nyang maalis ang “dole-out mentality” sa mga residente ng bayang kanyang nasasakupan, sa halip maging aktibo at produktibong kasangga tungo sa mapayapa at progresibong Macabebe.

Apalit, patungo sa pagiging isang ganap na siyudad!

ANGAT FOREVER BALENMarion M. Yambao

http://municipalityofmacabebe.weebly.com/

Katrina Anne U. Casuga

4 4

Community News 5

ng suweldo ng mga guro para ma-engganyo sila na maging mas epektibong mga guro. Kailangan ding pag-aralan ulit ng DepEd ang sistema ng edukasyon ng bansa kung ang kurikulum na sinusunod ba ay angkop at tumutugon pa sa mga pangangailangan ng mga mag-aaral. Kailangan nilang matuto mula sa ibang bansa sa Asya na progresibo at nagpapamalas ng malakas na ekonomiya. Sa halip na magmungkahi ng panibagong eksperimental na proyekto, bakit hindi na lang muna asikasuhin at pagtuunan ng pansin ang mga walang katapusang isyu na kung tutuusin ay parang nagiging isa ng sarsuela? Malinaw na itong mga tauhan ng DepEd ay nagtapos sa mga mamahaling paaralan kung kaya naman masasabi na sila ay higit na matalino, ngunit hindi ba nila naiisip na ang pagdadagdag ng dalawa pang taon sa elementarya at sekondarya ay papahabain lang ang hirap at pagtitiis ng mga mag-aaral sa mga masisikip na silid-aralan kung saan pinagkakasya ang 70 mag-aaral sa isang kuwarto, na nagdadagdag suliranin at dahilan para maghigpit ng sinturon ang mga magulang para lang mapag-aral ang kanilang mga anak.

Kagaya ng aking nabanggit, ang aming distrito ay maituturing na maswerte dahil ang aming lokal na pamahalaan na pinamumunuan ni Mayor Annette Flores Balgan ay sinusuportahan ang mga mithiin ng aming distrito partikular na ang Macabebe E/S. Sa mga oras na isinusulat ang akdang ito, ang Macabebe ay nakapagpatapos na ng daan-daang mag-aaral sa bokasyunal na kurso mula ng mag-umpisa ito noong isang taon. Ito ay proyekto ni Gng. Balgan sa bayan ng Macabebe, na kung saan siya ay nagiging daan para makapagbigay ng oportunidad sa mga kabataang hindi nakapag-aral para kumuha at makatapos ng mga teknikal na kurso kagaya ng Welding, Food and beverages, Housekeeping, at Electrical installation sa pamumuno ng TESDA. Ito ay napakagandang oportunidad para sa lahat ng mga mag-aaral na kahit hindi sila nakapagtapos ng kolehiyo basta natapos ang kurso sa TESDA ay may pagkakataon na makahanap ng trabaho.

Sino ang hindi nakaaalam sa kontrobersiyal na isyu na ito na nakakapagpataas ng kilay ng ilang mga tao, nakakalikha ng galit mula sa mga magulang, at nakakapagdulot ng hindi kaaya-ayang komento ng mga mag-aaral na direktang maapektuhan ng panukalang ito – Ang tinutukoy ko ay ang K+12 na nais ipatupad ng DepEd.

Iminukanghi ni DepEd Sec. Bro. Armin Luistro ang K+12 o ang karagdagang dalawang taon sa elementarya at sekondarya sa paniniwala na kung ang mga mag-aaral ay kukuha pa ng karagdagang dalawang taon sa paaralan, malulutas nito ang problema ng lumulubhang sistema ng edukasyon sa Pilipinas at makakapagpatapos ng mga de-kalidad na mag-aaral na itinuturing na “globally competitive.”

Bilang isang pampublikong guro, gusto kong maniwala at kahit papaano ako ay nahihikayat sa magandang ideya na ito nung ito ay ipinresenta sa mga tao. Ngunit sa kabilang banda, napapaisip pa rin ako at nag-aalinlangan tuwing nakikita ko ang tunay na sitwasyon sa mga pampublikong paaralan lalo na sa mga malalayong baryo kung saan pinakamalubha ang sitwasyon. Kung tutuusin, kami ay maituturing nang pinagpala sa aming distrito (pero hindi masasabing kuntento) kumpara sa ibang karatig paaralan.

Minsan, para lang matugunan ang mga pangangailangan ng aming mga paaralan, kami mismong mga guro ang gumagawa ng posibleng solusyon sa pamamagitan ng panghihingi sa aming mga kaibigan at kamag-anak na maykaya sa buhay upang makumpleto ang mga gamit na kailangan ng mga estudyante at upang makalikom ng pondo bilang pantugon sa mga pangangailangan sa aming mga silid-aralan. Hindi ito maganda sa paningin, ngunit kung aasa at maghihintay pa kami sa tulong ng gobyerno, matatagalan bago namin ito makamit.

Ito ang dahilan kung bakit ang ilang mga guro, magulang, at mag-aaral ay hindi sumasang-ayon sa isinusulong na K+12 dahil mas marami pang seryosong suliranin na dapat unahin katulad ng pagpaayos sa mga eskwelahan, karagdagang silid-aralan, aklat, at guro, at kung maaari ay ang pagpapataas

Iba na ang panahon natin ngayon. Lahat ina-up grade; lahat ina-up size. Ginagawa ito upang hindi mapag-iwanan ng panahon. Kaakibat din ng pagbabagong ito ay ang pagsulpot ng iba’t ibang salita, karamihan ay daglat at ginagamit sa mga social networking site. Tulad halimbawa ng OMG, URL, LOL, at GTG.

Eh, ang UbD, alam niyo ba ang kahulugan nito? Ito ay tanda ng pag-a-up grade sa larangan ng edukasyon na naglalayong malinang ang kakayahan ng mga mag-aaral at gawing makabuluhan at naaayon sa panahon ang kanilang pagkatuto.

Ang UbD o Understanding by Design ay isang framework o disenyo para sa paggawa ng isang unit plan. Ginawa ito ng mga Amerikanong gurong sina Grant Wiggins at Jay Mc Tighe. Hindi ito isang curriculum, tulad ng pag-aakala ng iba; isa itong framework o disenyo na naglalayong alalayan ang mga guro sa pagpaplano upang gawing makabuluhan ang kanilang pagtuturo. Sa pamamagitan nito, masisigurado na ang mga kakayahan o skills, at hindi lamang facts, ang maituturo sa mga mag-aaral. Binibigyang-diin din sa UbD ang kahalagahan ng transfer of learning sa mga mag-aaral.

May tatlong bahagi ang UbD framework. Sa unang bahagi o Stage 1 (Desired Results) ay kailangang isa-isahin ng guro ang mga ibig niyang maintindihan ng mga mag-aaral na titimo sa kanilang mga kaisipan at puso sa panghabang panahon. Ang tawag sa mga ito ay Enduring Understanding (EU). Ang EU ay kailangang manggaling mismo sa mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagtatanong ng guro ng mga Essential Questions (EQ). Ang EQ ay “thought provoking.” Sa pamamagitan nito, malilinang sa mga mag-aral ang kanilang “critical thinking skills.”

Kasama din sa Stage 1 ang pagtukoy sa mga kakayahang lilinangin sa mga mag-aaral sa buong yunit pati na ang mga araling pag-aaralan. Sa UbD, binibigyang-diin na hindi “content” ang dapat ituro kundi “skills.” Malilinang ang mga skill na ito sa pamamagitan ng pagtataya ng mga layuning nakatuon sa “six facets of understanding”---explanation, interpretation, application, perspective, empathy, at self knowledge. Masisigurado na sa mga layuning ito ay matututo ang mga mag-aaral na magpaliwanag sa kanilang sariling paraan at pananalita, magagamit sa totoong buhay ang mga

natutunan, makikita ang kahalagahan ng mga bagay-bagay, maiintindihan ang kalagayan ng iba sa pamamagitan ng paglalagay ng kanilang sarili sa sitwasyon ng iba, at magkakaroon ng malalim na kamalayan ng kanilang sarili at ng iba na magbubunsod sa kanila na gawin ang kung ano ang nararapat.

Mapapansin na sa Stage 1 pa lamang ay nakikita na ng guro niya sa kanyang balintataw ang resulta ng kanyang magiging pagtuturo. Kaya nga tinatawag ding “backward design” ang UbD dahil nag-uumpisa ito sa “end results.”

Sa Stage 2 (Assessment Evidence), tutukuyin ang mga uri ng “assessment” o paraan ng paglalagom upang matiyak na may “understanding” ngang nangyayari sa mga mag-aaral. Nahahati sa dalawa ang bahagi na ito. Sa bahaging “other evidence” nabibilang ang mga tradisyunal na pamamaraan ng paglalagom. Sa bahaging “performance task” naman, maipapakita nang lubusan ng mga mag-aaral ang kanilang naintindihan at na-develop na skills sa buong yunit. Dito ay may “role” silang dapat gawin ayon sa isang sitwasyon at may tiyak silang layuning kailangang matamo. Kailangan din nilang gumawa ng isang kongkretong produkto na orihinal sa kanila. Kailangan nilang “mag-produce” ng sariling gawa bilang tanda na may nangyaring transfer of learning sa mga mag-aaral dahil nagamit nila sa totoong buhay ang kanilang napag-aralan.

Ang huling bahagi ng unit plan ay ang Stage 3 (Learning Plan). Dito paplanuhin ng guro kung paano niya ituturo ang mga skill upang matamo ang mga layunin at EU na kanyang inilagay sa Stage 1. Sa bahaging ito, gagamit ng tamang pamamaraan o strategies ang mga guro sa pagtuturo ng bawat lesson. Para itong lesson plan na may pagganyak o motivation (hook), sunud-sunod na gawain (engaging), at tanda ng pagkatuto (transfer of learning).

Sa unang tingin, parang dagdag pasakit sa mga guro ang paggawa ng UbD. Ngunit kung titingnang mabuti, tama lamang na maging bukas sa pagbabago ang ating mga guro ngayon lalo na kung ito ay para sa ikabubuti ng mga mag-aaral. Sabi ng isang speaker sa isang convention na aking dinaluhan, teachers should be change oriented… they should do more with less. There is nothing constant in this world, but change. Huwag tayong magpahuli sa panahon.

Kapag sinabing teknolohiya, ang mga unang bagay na naiisip natin ay mga bigatin at progresibong inobasyon kagaya ng mga lasers, nanochips, satellites, at robotics. Ga-nunpaman, ang mga halimbawang ito ay isang maliit na bahagi lamang sa kabuuan ng teknolohiya. Mayroon tayong tinatawag na rural technology na sumasaklaw sa iba pang uri ng inobasyon; ito ay ang mga binuo para matugunan ang mga pangangailangan ng mga bayan sa probinsiya na maaaring nakaranas na ng mga pagsulong pagdating sa teknolo-hiya pero nananatili pa ring rural at agrikul-tural. Gamitin nating halimbawa ang rural na munisipalidad ng Apalit.

Sa larangan ng solid waste management, ang bayan ng Apalit ay nagsisilbing isang magandang halimbawa ng isang progresi-bong inobasyon. Matapos ang sapilitang pag-papasara sa tambakan ng basura malapit sa Calumpit, ang pangunahing garbage collec-tion facility ng Apalit, nagpatuloy ang bayan ng Apalit sa pagpapagaan ng problema sa basura sa pamamagitan ng agresibong imple-mentasyon ng kanilang solid waste legisla-tions, pangunahin dito ang Ecological Solid Waste Management Act of 2000. Edukasyon at inobasyon ang naging mga nangungunang ipinaglalaban ng lungsod. Ang bawat barang-

gay ay tinuruan ng tamang pag-iipon, paghi-hiwalay, at pagtatapon ng basura.

Pagdating sa inobasyon, ang lungsod, kasama na ang ibang munisipalidad ng Pam-panga, ay patuloy na naghahanap ng paraan para mas mapakinabangan ang solid waste management program. Sa mga unang bahagi ng taong ito, nagkaroon na ng mga pag-uusap sa pagitan ng mga opisyal ng lokal ng Apalit at mga hindi pinangalanang establisyemen-tong pangnegosyo pagdating sa pagbuo ng isang melting facility para sa mga materyales na gawa sa plastik. Sa pagbuo ng melting fa-cility na ito, maari nilang masolusyunan ng mahigit 20% ang problema sa dami ng basura.

Ang probinsyal na pamahalaan ng Pam-panga ay tinitingnan ang posibilidad ng pag-gamit ng makinarya para masolusyunan ang problema sa basura. Kamakailan lang, nag-prisinta sila ng “waste shredders” bilang ba-hagi ng kanilang layunin. Ang mga makinang ito ay may kakayahan na gawing pataba ang mga gutay-gutay na basura bilang pantulong naman sa agrikultura.

Dahil sa malaking porsyento ng ekonomi-ya ng isang rural na lungsod ay agrikultural, hindi kataka-taka kung ang teknolohiyang mabubuo at pag-iibayuhin ay may kinalaman sa agrikultura. Mula sa nabanggit na shredder

na may kakayahang makabuo ng mga pataba galing sa basura, nagkaroon na rin ng isang proyekto (isinagawa din sa Apalit) para mak-abuo ng mga organikong pataba o vermi com-post bilang paraan para mabawasan ang mga gastusin sa agrikultura at makalikha ng mga agrikultural na produkto na walang kemikal. Para sa proyektong ito, gumamit lang sila ng mga tira-tira at patapong sangkap o pagkain, dumi ng kalabaw at iba pang hayop, at mga natuyong dahon at sanga ng ipil-ipil.

Ang OpAPA: ICT E-Village project ay isa pang bago at matayog na proyekto na na-katuon din sa agrikultura. Ang proyektong ito ay isinasagawa sa pakikipagtulungan sa Bureau of Agricultural Research, IRRI, at sa Pampanga Agricultural College. Isa sa mga nakikilahok na lungsod ay ang Apalit, at ito ay sinusuportahan ng alkalde ng lungsod, Os-car D. Tetangco, Jr. Sa kabuuan, ang proyek-tong ito ay gumagamit ng mga pangkarani-wang impormasyon at pangkomunikasyong teknolohiya (ICT) na meron ang lungsod bi-lang mabilis at epektibong paraan para mag-pakalat ng mga kapaki-pakinabang at napapa-nahong impormasyon sa mga magsasaka at iba pang mga tao o grupo na may negosyong may kinalaman sa bigas. Isa sa mga layunin ng proyekto ay makapagbigay ng online at

distance learning, web-based advisories, at makabuo ng isang electronic library na maar-ing magresulta sa mas magandang kalidad ng mga ani, hindi gaanong pagdepende ng mga magsasaka sa mga pataba at pamatay-peste, at mas mabilis na pagsusuri at mga solusyon sa mga problema sa pagsasaka. Ang proyektong ito ay gugugol ng mga tatlong taon bago ma-kumpleto – isang kahanga-hangang pahayag ng debosyon mula sa mga taong bahagi ng proyekto.

Ang mga nabanggit na rural na teknolo-hiya at inobasyon ay ilan lamang sa mga halimbawa. Marami-rami na ring rural na komunidad sa buong bansa ang progresibong nakikilahok sa at nagsasagawa ng mga gani-tong proyekto. Maaaring ang mga proyektong ito ay hindi kasing tayog ng mga sasakyang pangkalawakan o nukleyar na planta, ganun-paman, ang maidudulot ng mga ito sa komun-idad ay kahanga-hanga. Ang pinakaimportan-teng sangkap dito ay ang debosyon ng mga tao, mula sa mga mamamayan hanggang sa mga namumuno sa gobyerno. Kaya naman, ang debosyon ng Apalit sa mga ganitong magagandang teknolohiya ay masasabing ta-laga namang kahanga-hanga.

Teknolohiya at Silbi nito sa Bayan ng Apalit

UbD, Carry Mo To! K+12 at ang Totoong Kalagayan ng Sistema ng Edukasyon

PHPineda

Marilen Calma-Muñoz

Osmerito V. Vergara

Edukasyon ang daan tungo sa maayos na kinabukasan.

CENTRALFOCUSEntertainmentn

I L O P E D R O D E V E R G A R A V E J O K UQ W E R T A B G S E H K I Y P J O S R T H Q ZD R S U L I P A N T H H U I U A V A T G N H QQ A Z C S W A W D F G M K O N Y H P F V Q V AA Q W E R C M G T Y H J P A G O D A B G E Q QA S D X Q E P G T H Y F G J I Y H N Y Q S Q CA Q S Z X C A A P K J Y S G R V D G R T A Y HA T U R O N N E S D E C A S U Y S K J O N J OM A S I M J G E O N W Q N P O R H A W R F B GA J P O M A A P A I L O N V E Y O W U M E R PR R Y A C H I R I S T M I C A S H A A P R P AT Y N E L W N Y E T A R C P A U T Y U K N A GI N A G H I S H G S E S O B G N F A S A A A HN A S S S F T K I Z C T L I W D D N Y U N F AD R D A D C I G U X F Q A U A D A E Y A D G HE F M A D A T B O R G A S N Y Q B Y L U O A AG F C R Q L U B E N A S Q A G P I G I A I P BO D Q F P Q T T O F V L W H S C L N F A R P II S W L H W E Q P G B L D G U N O U F K T I PT A R G T E P Y L R H A L A N A T A G W G L AI H T N T R A W K E J F K T L N G U A A N U FP R T J G D Q E J Q O A I G A D N F A Y R L GO D Y Y N T Q R H E L R J N H O A S A A F Q AR C G A R Y W Y Q P T A Y R G P A N G P A N GF G P Y F U A U W L Y D H F A Y L R H A Y L R

HANAP SALITA

•Kauna-unahang naitalagang pari para magsilbi sa komunidad ng Apalit•Isang barangay sa Apalit•Isa sa mga sikat na pagkain na ipinagmamalaki ng mga kapampangan•Pinakaunang sekundaryang paaralan sa Masantol•Ang patron ng Apalit na si San Pedro ay mas kilala sa pangalang ito•Isang barangay sa Masantol•Ang pagpaparada sa patron ng Apalit na si San Pedro sa ilog ng Pampanga•Isa sa mga sikat na industriya sa bayan ng Apalit•Sinaunang salitang Kapampangan ng punong narra•Kilala ang Apalit sa maabilidad na mga taong ito pagdating sa paggawa ngbolo•Dito isinasakay ang patron ng Apalit na si Apung Iru tuwing ipaparada ito sailog ng Apalit•Ito ang apelyido ng kasalukuyang alkalde ng Apalit•Isang barangay sa Macabebe•Ito ang pangalan ng patron ng Macabebe•Sa salitang ito nagmula ang salitang “Pampanga”•Itinuturing ang bayan na ito na “Christmas capital” ng Pilipinas•Ito ay nagmula sa salitang “nobena,” na tumutukoy sa siyam na araw na simbang gabi•Isang malaking relihiyosong pagdiriwang sa bayan ng Sasmuan•Sa eksplorasyon ng taong ito, ang Pampanga ay naitatag•Ito ang bersyon ng Pampanga sa Pagsanjan Falls ng Laguna na matatagpuan sa Porac

Direksyon:Sagutin ang mga sumusunod na katanungan at hanapin sa kahon ang kasagutan gamit ang mga clues sa ibaba.

ni Porshia H. Pineda

PEDRO DE VERGARA SULIPAN APALIT TURONNES DE CASUY PAMPANGA INSTITUTE APUNG IRU SAPANG KAWAYAN PANDAY LIBAD PAGHAHABI SAN NICOLAS PAGODA APALIT TETANGCO CANDELARIA PANGPANG SAN FERNANDO LUBENAS KURALDAL MARTIN DE GOITI DARA FALLS

BAGONG TAON, BAGONG PAG-ASA:Isang Patimpalak sa Pagsulat

at Pagkuha ng LarawanIkaw ba ay mahilig kumuha ng iba’t-ibang larawan gamit ang iyong digital camera? Mahilig ka bang mag-sulat ng mga sanaysay o maikling kwento? Kung ganoon, ipakita mo sa amin ang iyong galing! Maaari kang manalo ng mga gift packs at ibang pang pa-premyo, at magkaroon ng pagkakataon na makita ng iyong mga kababayan ang iyong katha!

Ang Central Focus ay nag-iimbita sa lahat ng mga mambabasa nito (mapa-mag-aaral man, nagtatrabaho, propesyunal, o kahit sino pang interesado saan mang sulok ng mundo) na mag-sumite ng larawang per-sonal nilang kinuhanan (isang larawan kada isang kalahok) o orihinal na panulat (isang akda kada isang kalahok) na sumusunod sa temang “Bagong Taon, Bagong Pag-asa.”

Ano pang hinihintay mo? Sali na!

Para sa karagdagang impormasyon kung paano ang pagsali at iba pang detalye, bumisita lamang sa web-site ng Central Focus, centralfocus.ixi.ph.

Detalye para sa patimpalak:

LARAWAN (PHOTOCONTEST)• Orihinal na kuha at sumusunod sa temang Bagong Taon, Bagong Pag-asa• Siguraduhing maganda ang resolusyon ng larawan na isusumite• Bawal manipulahin ang larawan gamit ang kahit anong photo-editing application• I-save bilang JPG/JPEG ang larawan,

PANULAT (WRITING CONTEST)• Orihinal na panulat at sumusunod sa temang Bagong Taon, Bagong Pag-asa• Maaring sumulat ng tula, sanaysay, maikling kwento, at kung ano-ano pang anyo ng panitikan.• Maaring isulat sa Ingles, Filipino, o Capampangan.• Hindi hihigit sa 1,000 salita.• Maaring kathang-isip o hango sa mga totoong pangyayari ngunit hindi dapat maninira ng kredibilidad ng kahit sinong tao, grupo ng mga tao, o institusyon.• I-save ang akda bilang DOC/DOCX.

Magkakaroon ng UNA, IKALAWA, at IKATLONG GANTIMPALA para sa PAGKUHA NG LARAWAN at PAGSULAT. Ang detalye ng mga gantimpala ay ipapalabas sa susunod ng isyu ng Central Focus. Mag-kakaroon din ng People’s Choice award para sa PAGKUHA NG LARAWAN.

Da Opis...https://www.facebook.com/pages/Da-Opis/183540395025088

lCAPRICORN 22 Dec-20 Jan : Magigising na ang natutulog mong puso; sa kabilang banda maghinay hinay ka sa paghawak ng pera at lilipad yan. Swerte: asul at 35-27-49

aAQUARIUS21 Jan-19Feb: Bagalan ang lakad para makasunod naman s’ya pero ingat lang baka maholdap ka. Swerte: pula at 21-23-25

bPISCES 20 Feb-20 March: Angkop ang araw na ito para sa negosyo kaya kalimutan mo muna siya. Swerte: berde at 19-10-31

cARIES 21 March- 19 Apr: Pagkakataon mo ngayong intindihin ang lahat pati ang paglipat ng bahay kaya ipagpatuloy ang nasimulan. Swerte: dilaw at 07-24-31

dTAURUS 20 Apr- 20 May: May maiinlab sa boses mo ng hindi inaasahan pero hindi sa mukha mo. Swerte: luntian at 13-15-19

eGEMINI 21 May- 21 Jun: Mahuhuli mong nakatitig siya sayo dahil gusto ka niya pero wag mo siyang pansinin baka lumuha ka lang. Swerte: puti at 23-26-15

fCANCER 22 Jun-23 July: Hindi maganda ang araw na ito para sa’yo dahil masasaktan ka lamang sa pag-ibig na matagal ng iniingatan. Swerte: abuhin at 11-22-33

gLEO 24 Jul- 23 Aug: Tigilan mo na ang pagtulog ng matagal baka makasama na sa mata at buhay mo. Swerte: pilak at 14-15-18

hVIRGO 24 Aug- 22 Sept: Maging mapagmasid ka sa paligid mo lalo na sa pagbaba mo sa jeep baka mahulog ka. Swerte: putlaing pula at 14-27-19

iLIBRA 23 Sept-22 Oct: Wag mong bibiglain ang pagsubo sa mahal mo baka mabilaukan siya iwanan ka at maiyak ka pa. Swerte: rosas at 16-40-47

jSCORPIO 23 Oct-22 Nov: Puno ng surpresa ang araw na ito para sayo, pero baka masaktan ka. Swerte: itim at 30-34-44

kSAGITTARIUS 23 Nov-21 Dec: Makakaranas ka ng kasawian ngayon kaya ihanada mo ang sarili mo. Swerte: asul at 27-29-34

KAPALARANni Madam Maring

6

sundan sa susunod na pahina...

CENTRALFOCUS

District Palaro 2011,ikinasang muli

Sports

MACABEBE - Ginanap noong Nobyembre 5, 2011 ang taunang pampalakasan o atletiks para sa mga mag-aaral na nasa elementarya ng Macabebe East District bilang pagpapatuloy ng tatlong araw na paghaharap para sa Distict Palaro.

Hindi man nasunod ang unang plinanong lugar para sa pampalakasan sa Bren Guiao Sports Complex dahil sa hindi ito ligtas na pagdausan ng laro bunsod ng epekto ng baha, napagdesisyunan ng buong komite sa pangunguna ng P.E coordinator ng buong Macabebe East District na si Gng. Perlita S. Calara na ilipat na lamang ang pagdarausan nito sa Macabebe Elementary School.

Nakapaloob sa pampalakasan ang 3 magkakaibang laro kagaya ng Track & Field na mayroong 100, 200, 400, 800 at 1500 meter dash; Throws na mayroong Javelin, Shot Put, at Discus; sa Jumps naman ay Long, High, at Triple na siyang pinaglabanan ng bawat kalahok na paaralan sa elementarya.

Samantala nauna nang naganap noong Oktubre 26, 2011 ang isa pang aspeto ng Palaro na Chess kung saan nasungkit ng mga manlalaro ng Telacsan Elementary School ang tatlong pwesto at isang pwesto sa Saplad David Elementary School. Noong Nobyembre 12, 2011 naman ay ang huling parte ng District Palaro na badminton kung saan ang magwawagi dito ay awtomatikong irerepresenta ang buong Distrito sa PASDAM bunsod ng flagship na naganap dahil sa pagbaha.

Mula pa noong 1970s ay dinaraos na ang District Palaro na may layuning makabuo ng pagkakaibigan sa mga karatig na paaralan at makatuklas ng mga bagong atleta upang makipagbakbakan sa mga

MACABEBE– Ang SOUTHZONE ay isang patimpalak kung saan nagtatagisan ang mga kabataan, mula sa mga pribadong paaralan, hindi lamang sa kanilang angking talino pati na rin ang kanilang liksi sa mga laro o sports, at husay sa kanilang kultura. Mahigit 30 pribadong mga paaralan, elementary at high school, ang lumalahok sa SOUTHZONE.

Bawat taon ay may tema o paksa ang SOUTHZONE, at ngayong taon, October 2011, ang tema nito ay “Molding Green Horns in Sports on Becoming Better Athletes.” At bawat taon ay may tinatalaga silang mga miyembro ng komite para sa ikakaayos at ikagaganda ng patimpalak na ito. Ngayong taon si Ginoong Eric L. Nicodemus (Pampanga Colleges) ang naitalaga bilang chairperson, Ginoong Wilfredo Yco (Pampanga Central Highschool) bilang vice-chairperson, Ginang Marilen Calma-Muñoz (The Blueridge School of Apalit) bilang secretary, Ginang Frida S. Saclao (Mother Mary Eugenie Center for Studies) bilang treasurer, Ginoong Ed Borje (St. Peter’s Institute) bilang auditor, Ginang Ma. Lourdes Herrero (Colegio de San Lorenzo) bilang academic coordinator, at Ginang Rowina Flores (Sta. Monica Minalin Montessori School) bilang athletic coordinator. Ang Mr. and Ms. SOUTHZONE sa departamento ng highschool, patimpalak sa pang-akademya, at pang-kultura ay mga aktibidades na hindi

mawawala sa SOUTHZONE. Ang SOUTHZONE ay nasa ika-6 na taon na ngayong taong 2011 at possible na magtatagal pa ito.

Sa Sta. Monica de Minalin Montessori School (SMMMS) sa Minalin, Pampanga ginanap ang pambungad na programa ng SOUTHZONE ngayong taon. Sa The Blueridge School of Apalit naman ginanap ang volleyball events. At ang iba namang mga aktibidades ay ginanap sa iba pang mga kasali na paaralan.

Ang SOUTHZONE ay nagsimula noong taong 2005 at binubuo ito ng mahigit sa 30 pribadong mga paaralan na nagmula sa Apalit, Macabebe, Masantol, Minalin, San Simon, at Sto. Tomas. Si Ginoong Gener Bustos ng San Miguel Academy (SMA) ang namuno sa pagkakatatag ng SOUTHZONE at nagbigay naman ng suporta dito sina Ginang Lourdes “Odie” Herrero ng Colegio de San Lorenzo de Pampanga (CDSL of Macabebe) at TJ Simbulan, school administrator ng paaralang St. Agustine Institute of Pampanga Inc.

Naganap at pinaghandaan ang unang SOUTHZONE Athletic Meet sa paaralan ng Colegio de San Lorenzo de Pampanga. Ang unang SOUTHZONE ay nagsimula sa mga laro gaya ng basketball, volleyball at sa mga iba pang mga laro. Ang patimpalak na pang-akademya ng SOUTHZONE ay umusbong noong pangalawang SOUTHZONE Meet at isinali na din noong pangatlong SOUTHZONE Meet ang patimpalak na pang-kultura.

atletang mag-aaral sa South Sectoral kung saan 7 Distrito mula Apalit, Masantol, Macabebe East, Macabebe West, Santo Tomas, Minalin, at San Simon ang maglalaban laban upang makasuong sa susunod na lebel ng kompetisyon sa pampalakasan ang Pampanga Division Athletic Meet (PASDAM) sa darating na Disyembre 7-10, 2011.

Narito ang listahan ng labintatlong paaralan sa elementarya ng Macabebe East District na bumubuo sa District Palaro; Batasan Elementary School, Caduang Tete Elementary School, Candelaria Elementary School, M a c a b e b e E l e m e n t a r y School, San G a b r i e l E l e m e n t a r y S c h o o l , San Isido Elementary S c h o o l , San Roque Elementary School, San V i c e n t e F e r e r Elementary S c h o o l , San Vicente San Francisco E l e m e n t a r y School, Saplad David Elementary School, Sta. Rita Elementary School, Tacasan Elementary School at Telacsan Elementary School.

SOUTHZONE 2011 7

Katrina Anne U. Casuga

Mary Charlene M. Payuan

Ang lahat ng mga lahok sa PAGKUHA NG LARAWAN ay ilalagay sa Facebook account ng Cen-tral Focus (http://facebook.com/CentralFocusOnline) sa ika-12 ng Disyembre (Lunes). Magkaka-roon ng kompetisyon sa padamihan ng LIKES (mula ika-12 hanggang ika-31 ng Disyembre) at mula dito ay pipiliin ang itataguring People’s Choice. Ang Top 5 na pinakamadaming LIKES sa Facebook ay tatanggap ng P500 na halaga ng SM o Starbuck’s Gift Certificate (pumili lamang ng isa) bawat isa. Ang People’s Choice (pinakamadaming LIKES) ay magkakaroon ng karagdagang sorpresang gantimpala (abangan ang pag-anunsyo nito sa susunod na isyu ng pahayagan).

Ang mga magwawagi sa PAGKUHA NG LARAWAN at PAGSULAT ay huhusgahan ng mga pil-ing lupon ng mga inampalan (judges) mula sa iba’t-ibang sektor ng komunidad gamit ang mga sumusunod na gabay:

• Pagiging orihinal ng konsepto• Pagsunod sa ibinigay na tema• Impact ng panulat o larawan• Katuturan sa lipunan

Ipadala ang inyong lahok bilang e-mail attachment sa address na [email protected]. Ilagay sa SUBJECT ng email ang mga katagang: Bagong Taon, Bagong Pag-asa. Ilagay sa katawan ng e-mail ang mga sumusunod:

• Name• Birthday• Contact information• Address• Caption sa larawan o deskripsyon sa akda na nakasulat sa Ingles, Filipino, o Capampangan (hindi hihigit sa 250 letra kasama ang mga espasyo)

Huling araw ng pagpapadala ng lahok• Ika-9 ng Disyembre para sa Larawan• Ika-23 ng Disyembre para sa PanulatPagpapahayag ng mga nagwagi•Ika-9 ng Enero, 2012: Ipapahayag sa website ng Central Focus (http://centralfocus.ixi.ph) at sa Facebook Account (http://facebook.com/CentralFocusOnline)

Ang lahok ng lahat ng mananalo (pagkuha ng larawan at pag-sulat) ay magiging kasama sa unang isyu ng Central Focus sa taong 2012.

Kung kayo ay may mga katanungan, maari niyo kaming tawagan sa 045-3046018, i-text sa 09228618034, o i-e-mail sa [email protected].

mula sa pahina 6 BAGONG TAON, BAGONG PAG-ASA

INNOVATIONS EXCEEDING IMAGINATION

IXI.ph

CONCEPTS & MEDIA

We create short films and do photography as a hobby. We

manage a paper as a service to our community. We don’t have work-life balance activities. We love our work and we live it!

Audio-Video PresentationsDigital Imaging/Photography

Print Services

APPLICATIONS DEVELOPMENT

One of the most difficult phases in technology development is training people how to adapt. Our goal is

simple and direct: To let technology adapt to our lifestyle and not the

other way around.

Web Design/DevelopmentSoftware Development/TestingHTML/CSS, VB, JS, PHP, SQL

INFORMATION MANAGEMENT

Data alone will bring you nowhere. Someone has to make sense out of it through careful

analysis, assessment, or at the very least, well-organized

presentation.

Data Conversion/TaggingTypesetting / Desktop Publishing

Editorial Services

OUR SERVICES

IXI Software SolutionsMacArthur Highway, Sampaloc

Apalit 2016 PampangaPhilippines

(E) [email protected] | (T) +63 45 3046018