bunga ng pagtataksil?

9
BUNGA NG PAGTATAKSIL? Ni: Jenita D. Guinoo …Arrray…manganganak na yata ako..ang sakit sakit na ng aking tiyan…Lito…tulungan mo ako… manganganak na yata ako…tulungan mo ako…Nakikita ni Lito ang asawa na nahihirapan nang lumakad ngunit waring parang walang naririnig ito. Hindi man lamang niya iniwan ang kanyang ginagawa. Maawa ka Lito! Tulungan mo ako please… pumutok na ang panubigan ko..ahhh! Noon lamang parang nagising si Lito,agad niyang pinangko ang asawa na nanghihina na dahil sa sobrang sakit ng tiyan. Tulungan niyo kami…manganganak na ang asawa ko! Iligtas niyo po siya…tulungan niyo po ang asawa ko. Iyon lamang ang aking naalala, nag-alala pa rin pala ang aking asawa sa aking kalagayan. Naramdaman kong parang may bumabara sa aking lalamunan nang maaalala ang nangyari sa amin

Upload: jenita-guinoo

Post on 18-Jan-2017

254 views

Category:

Education


4 download

TRANSCRIPT

Page 1: BUNGA NG PAGTATAKSIL?

BUNGA NG PAGTATAKSIL?Ni: Jenita D. Guinoo

…Arrray…manganganak na yata ako..ang sakit sakit na ng aking tiyan…Lito…tulungan mo ako…manganganak na yata ako…tulungan mo ako…Nakikita ni Lito ang asawa na nahihirapan nang lumakad ngunit waring parang walang naririnig ito. Hindi man lamang niya iniwan ang kanyang ginagawa. Maawa ka Lito! Tulungan mo ako please…pumutok na ang panubigan ko..ahhh! Noon lamang parang nagising si Lito,agad niyang pinangko ang asawa na nanghihina na dahil sa sobrang sakit ng tiyan. Tulungan niyo kami…manganganak na ang asawa ko! Iligtas niyo po siya…tulungan niyo po ang asawa ko.

Iyon lamang ang aking naalala, nag-alala pa rin pala ang aking asawa sa aking kalagayan. Naramdaman kong parang may bumabara sa aking lalamunan nang maaalala ang nangyari sa amin kung kaya’t nag-iba na ang damdamin sa akin ng aking asawa. Nawala na ang dati niyang malambing na pagtawag sa akin, ang pagkamaalalahanin niya ay napalitan na ngayon ng poot, poot na kailanman ay hindi nawawala ang ningas nito.

Page 2: BUNGA NG PAGTATAKSIL?

Hanggang kailan kaya ako magdurusa sa kasalanang aking nagawa?

Dati, ang saya-saya namin. Walang lakad na hindi kami magkasama kaya nga binansagan kaming kambal-tuko dahil sa hindi talaga naghihiwalay. Kung nasaan siya ay nandoon din ako.

Bilang Executive Branch Manager ay naidestino ako ng isang buwan sa isang branch ng San Jose na nangangailangan ng masusi’t maingat na pamamahala. Pinag-aaralan kong mabuti ang kalagayan ng finances at natukoy ko ang naging sanhi ng suliranin hanggang sa naisaayos ko ang gusot ng kompanya. Sa loob ng ilang araw na pamamalagi roon ay nakagamayan ko na ng loob ang aking mga ka-opesina. Kapag nalalaman nilang hindi ako nakauwi ay agad akong iniimbitahang mag-jamming. Minsan lamang ako sumasama sa kanila ngunit isang gabi noon ay hindi na ako nakaiwas sa pangungulit nila kaya napasubo ako sa inuman. Medyo nahilo na ako sa dami ng aking naiinom. Habang nagkukwentuhan kami ay bigla na lamang may lumapit na isang kakilala. Hindi ko agad siyang nakilala ngunit nang matamaan ang kanyang mukha ng liwanag ay napagtanto kong ang akin

Page 3: BUNGA NG PAGTATAKSIL?

palang dating kasintahan. Bigla na lamang sumikdo ang aking puso. Para akong natuklaw nang magtama ang aming mga mata. Binawi ko ang aking tingin at ipinako ko sa aking mga kasamahang nagkukwentuhan. Hindi ko siya pinansin ngunit ilang sandali lamang ay lumapit siya’t nagpakilala na kaibigan. Parang natilihan ako sa bigla niyang paglapit. Napaurong ako sa aking kinauupuan at hindi nakaimik sa kanyang mga katanungan. Marami sana akong itatanong sa kanya ngunit ang namutawi lamang sa aking mga labi ay “Hi”, Ba’t ka nakarating dito? Paano mo nalamang nandito ako? Nagkibit lamang siya ng balikat na nakangiti habang nakatingin sa akin. Ganyang-ganyan talaga siya kung tumingin sa akin parang tumatagos sa kaibuturan ng aking puso. Nag-aalala ako, baka maramdaman niyang kahit sa matagal na panahong hindi namin pagkikita ay nananatili pa rin siyang nakapaloob sa aking puso. Pinakatitigan niya ako na wari bang sinusuri pati ang aking kaluluwa. Ehem..ganito ba lamang tayo, magtitinginan? Upang matanggal ang pag-aalangan, uminom ako nang uminom. Hindi ko alam na naparami na pala ang naiinom kong alak. Huntahan na kami nang huntahan, hindi ko na mapigilan ang pagtawa,

Page 4: BUNGA NG PAGTATAKSIL?

mapapahalakhak na ako. Pati siya ay nadadala sa malakas kong pagtatawa. Isa-isang nagsisiuwian ang aking mga kasamahan hanggang sa kami na lamang ang naiwan. Di nagtagal ay nagpaalala na ang may-ari na magsasara na sila kaya napilitan kaming umalis. Akala ko’y wala lamang ang mga nainom ko ngunit parang nahilo ako sa aking biglaang pagtayo kaya inaalalayan niya ako. Habang tumatakbo ang sasakyan niya ay panay ang tingin niya sa akin. Napapangiti naman ako sa kanyang ginawi. Alam kong may nararamdaman pa rin siya sa akin na gaya ng aking damdamin. Bigla niyang kinabig ang manibela at huminto kami sa isang medyo madilim na bahagi ng kalsada. Agad niya akong hinalikan na hindi naman nakahuma dahil sa biglaan niyang ginawa. Napakapit ako sa kanya nang lalong mag-aalab ang kanyang mga halik. Maririin,waring mapupugto ang aking hininga. Binigyang laya namin ang aming nag-aalab na damdamin.

Kinabukasan ay hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari. Napakabilis ng pangyayari!Takang-taka ang mga kasama ko kung bakit ako naging tahimik, “hang-over” lamang kagabi..ang naging sagot ko sa kanila. Natapos ang buong araw na gaya ng dati, sobrang dami

Page 5: BUNGA NG PAGTATAKSIL?

ng gawaing dapat tapusin. Nananakit iyong likod ko sa kauupo. Hindi ko namamalayan na may mga mata palang nagmamasid sa akin sa may di-kalayuan ng aming opesina.

Natapos ang buong buwan nang matagumpay. Nagawa ko ang gawaing iniatang sa akin ng kompanya. Bilang ganti ng aking sakripisyo ay binigyan ako ng incentives at parangal sa tagumpay na nagawa.

Naging madamdamin ang pagpapaalaman ng lahat ng empleyado, pati ako ay napapasabay na ring napapaluha. Mami-miss ka namin, mam, saad lahat ng kasamahan ko. Paalam na sa inyong lahat. Pagbubutihan ninyo ang pagtatrabaho, sikapin ninyong umunlad ang ating negosyo.

Walang kabuhay-buhay ang pagtanggap ng aking asawa sa aking pagdating. Parang hindi man lamang niya ako na-miss. Isang buwan akong nawala ay wala man lang reaksyon! Naku, kakaiba talaga itong asawa ko.

Hanggang sa lumipas ang isang buwan, lumagpas sa inaasahang araw ang aking buwanang dalaw. Nagbabago yata? Wala man lang akong kahina-hinala na ito’y palatandaan na pala na maaaring nagbunga ang isang

Page 6: BUNGA NG PAGTATAKSIL?

gabi naming pagsasama. Kinakabahan ako sa nangyari. Naaalala ko nga palang mag-iisang buwan na mula nang magbalik ako sa aming opesina. Paano ko ito sasabihin sa aking asawa. Paano ko ito ipapaalam sa kanya. Alam kong magtataka siya kung bakit at sa anong paraan nabuntis ako gayong lagi namang sinubaybayan ang aming “calendar”.

Sa malao’t madali ay lalaki rin ang aking tiyan kaya sinabi ko na sa kanya nang walang patumpik-tumpik ang nangyaring pagkakamali. Wala man lang siyang nasabi ngunit ramdam na ramdam ko ang matinding galit na nag-uumapaw sa kanya. Pilit niya itong nilalabanan. Hanggang sa dahan-dahan ay ipinadarama niya sa akin ang kanyang galit. Kasabay ng paglaki ng aking tiyan ang papatindi rin niyang pagpaparusa sa akin. Lahat ay tinanggap ko. Halos halikan ko na ang kanyang mga paa para lamang mapatawad niya ako sa aking pagkakamali. Ngunit lalo lamang siyang nagmamatigas. Hindi lamang miminsan ang patago kong pag-iyak sa mga pinaranas niya sa akin. Parang gusto na yata niyang ako’y mamatay upang kasama ko ring mailibing ang bunga ng aking pagtataksil.

Page 7: BUNGA NG PAGTATAKSIL?

Lalaki po mam…sabi ng nurse sa akin. Napaka-cute ng bata..manang-mana sa kanyang ama! Ako’y natitigilan sa aking narinig mula sa nurse…kamukhang-kamukha po sa ama niya sabay alis na dala-dala ang kanyang mga gamit. May ligaya akong nararamdaman sa aking puso, hindi ko man tiyak pero ako’y natutuwa sa aking narinig. Agad kong tiningnan ang sanggol at napaluha ako nang makitang kamukha nga niya si Lito..ang aking asawa. Agad ko siyang kinulong sa aking mga bisig at hinahalikan habang tumutulo ang aking luha sa sobrang saya ng aking nararamdaman. Ang saya-saya ko! Hindi ko na mapigilan ang aking pag-iiyak nang lumapit sa akin ang aking asawa at tiningnan niya ang mukha ng sanggol. Pati rin siya ay nadadala na rin sa aking pag-iyak. Napahagulgol siya na parang nawawalan ng lakas sa nasaksihan. Paano kung may nangyari sa ating anak? Ang tanging namutawi sa kanyang mga labi. Magkayakap naming hinahalikan ang bunga ng aming pag-iibigan.

Wakas!