bayaning proletaryo ng pilipinas at indonesia · dühring) (1877-1878) ni friedrich engels ay unang...

13

Upload: others

Post on 28-Oct-2019

18 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

Page 1: Bayaning Proletaryo ng Pilipinas at Indonesia · Dühring) (1877-1878) ni Friedrich Engels ay unang inilathala noong 1951 ng Terbitan Widjaya sa Jakarta. Si Tan Malaka ay namuno sa
Page 2: Bayaning Proletaryo ng Pilipinas at Indonesia · Dühring) (1877-1878) ni Friedrich Engels ay unang inilathala noong 1951 ng Terbitan Widjaya sa Jakarta. Si Tan Malaka ay namuno sa

1  

Andres Bonifacio: Bayaning Proletaryo ng Pilipinas at Indonesia

Ramon Guillermo

Associate Professor DFPP-CAL UP Diliman

Kita hanja dapat memberi salam pada sdr. sebangsa kita di Filipina pada waktoe kemerdekaannja

diproklamir dan masoek kezaman kemerdekaan sebagai hasil pedjoeangannja, dengan seroean: “Mabuhay ang Filipina!”

Maaari lamang tayong bumati sa mga kapatid na kaisang bansa natin sa Pilipinas sa panahon ng

pagproklama ng kanilang kalayaan ay pagpasok sa panahon ng paglaya bilang resulta ng kanilang pakikibaka, sa pamamagitan ng pagsigaw:

“Mabuhay ang Pilipinas!”

“Filipina dan Kita” (Ang Pilipinas at Tayo) Merdeka (Minggoen Merdeka)

Hulyo 6, 1946 Ang kasalukuyang sanaysay ay nakabatay sa isang bagong salin ng sanaysay ng Indones na lider komunista na si Tan Malaka o Ibrahim gelar Datuk Tan Malaka (1897-1949) hinggil sa isang “Taman Manusia”o “Hardin ng Tao” na itatayo diumano ng darating na Republika ng Indonesia sa hinaharap (Tan Malaka 2013). Pinamagatang “Ke Taman Manusia” at sinulat taong 1943 ang akdang kathang-isip na ito. Panghuling bahagi ito ng napakalaking akdang pilosopikal ni Tan Malaka na pinamagatang Madilog: Materialisme, Dialektika, Logika (1948) (Larawan 1). Tila tumatayo rin ito bilang pansarang mga repleksyon ng buong akda (Magnis-Suseno, 2005, pp. 205-233). Ang akdang ito, na maituturing na bersyong Indones ng Anti-Dühring o Herrn Eugen Dührings Umwälzung der Wissenschaft (Ang Rebolusyon sa Syensya ni Ginoong Eugen Dühring) (1877-1878) ni Friedrich Engels ay unang inilathala noong 1951 ng Terbitan Widjaya sa Jakarta. Si Tan Malaka ay namuno sa Partai Komunis Indonesia (PKI) mula 1921 hanggang 1922 (itinatag ang PKI noong 1920). Pagkatapos ay naging pinuno siya ng Komintern para sa Timog-Silangang Asya. Napadpad at nanatili si Tan Malaka sa Pilipinas mula 1925 hanggang 1926 at naging kaibigan ng mga Pilipino, tulad ng magiging tagapagtatag ng Partido Komunista ng Pilipinas (PKP) na si Crisanto Evangelista (Larawan 2). May isang buong kabanatang nauukol sa Pilipinas sa kanyang awtobiograpiyang may tatlong bolyum na pinamagatang Dari Penjara ke Penjara (Mula Bilangguan patungong Bilangguan) (TanMalaka, 2000, pp. 201-242) na sinulat niya taong 1948. Hindi pa rin ganap na malinaw ang sirkumstansya ng pagkabihag at pagpatay sa kanya noong 1949.

Page 3: Bayaning Proletaryo ng Pilipinas at Indonesia · Dühring) (1877-1878) ni Friedrich Engels ay unang inilathala noong 1951 ng Terbitan Widjaya sa Jakarta. Si Tan Malaka ay namuno sa

2  

Dahil sa futuristiko nitong perspektiba, maihahalintuladang obrang ito ni Tan Malaka sa sanaysay ni Jose Rizal na “Filipinas dentro de cien años” (Ang Pilipinas sa loob ng isang dantaon) (1891). Ipinaliwanag ni Tan Malaka ang pagkakatayo ng mga "Hardin ng Tao" sa iba't ibang bahagi ng kapuluan ng "Republika ng Indonesia."

Ang Republika ng Indonesia, na totoong makitid ngunit may pusong malapad, ay matagal nang nagtayo ng mga Hardin ng Tao (Taman Manusia), halos sa bawat pulo ng Indonesia. Sang-ayon sa ekonomiya ng bawat pulo ay namili na at nagtayo ng Hardin ng Tao sa batayang magkakatulad para sa buong Indonesia. Ang kasiglahan o teknika at sining ng lahat ng mga konstruksyong ito ay itinakda ng Komisyon ng Hardin ng Tao at pinagtibay ng Tagapayong Asembleya (Majelis Permusyawaratan) ng Indonesia. Ang Hardin ng Tao, na itinuturing na magiging modelo o halimbawa, ay nasa Java. (2013, 96)

De-kuryenteng tram ang sinakyan ng mga bisita ng Hardin ng Tao paakyat ng bundok. Pagbaba nila ng tram, sa paanan ng unang bundok na tumatayo para sa "Indonesia Raya" (Malaking Indonesia) ay may makikita raw na mga "kubu" (Larawan 3). Nangangahulugan ang salitang “kubu” sa Malay ng gusali, kuta o pananggol. Marahil ay kaugnay ang salitang ito ng terminong “kubo” at “bahay kubo.” Nakasulat sa paligid nito sa malalaking letra ang mababagsik na mga salitang,

Monumentong pang-alala sa mga Maruruming Tao, Taksil sa Bansa, Tagabenta ng Bayan, mga Ketongin ng Lipunan! (2013, 96)

Ang katagang "najis" (marumi) sa "manusia najis" (maruruming tao) ay marahil may kaugnayan sa katagang “haram” sa kaisipang Islam. Inilarawan ni Tan Malaka ang pagkakatala ng mga pangalan sa monumento ng mga "maruruming" taong ito ay ang paghahati ng mga ito sa apat na pangkat,

Sampu-sampu, oo, daan-daan ang mga pangalan at titulo ng mga “maruming tao”(manusia najis) ang nakasulat sa lahat ng panig ng malaking monumentong ito. Ang mas bago sa kanila ay may mga kasamang larawan. Binabanggit rin sa mga letrang bakal ang pinanggalingan, posisyon at ginawa sa nakaraan ng bawat isa sa bayang Indonesia. Ang naihanay sa mga nangungunang maruming tao ay yaong direktang tumulong sa nanakop, nang-api, nagsamantala o pumatay sa bayang Indonesia. Ang ikalawang pangkat ay iyong mga tumulong, sa hindi tuwirang paraan, sa kalaban ng Indonesia (hand en spandiensten verrichten). Ang ikatlong pangkat ay iyong kasama sa ikalawang pangkat na nabanggit sa itaas ngunit maliban pa rito’y ngumingisi sa tuwa kasama ng kalaban ng bayan habang nananakit sa bayan. May isa pang pangkat na nakasulat ang mga pangalan sa isang nakasaradong gusali sa likod ng monumento ng marurumi. Hindi sila isinama sa ikatlong pangkat pero lumaban sila sa sariling bayan. Ang ikaapat na pangkat na ito ay may mga mata pero hindi nakakakita, may tainga pero hindi nakaririnig, may utak pero hindi nag-iisip, may damdamin pero walang ginawa, may bibig pero maaaring … mga taong walang silbi sa bayan, kasama ng hindi even, hindi kasama ng hindi odd. Ang malaking bahagi ng bawat isang panig ng gusali ay hindi pa

Page 4: Bayaning Proletaryo ng Pilipinas at Indonesia · Dühring) (1877-1878) ni Friedrich Engels ay unang inilathala noong 1951 ng Terbitan Widjaya sa Jakarta. Si Tan Malaka ay namuno sa

3  

nasusulatan. Tila naghihintay ang pamahalaan ng Republika ng bagong maruruming aplikante. (2013, 97)

Mula sa monumento para sa "maruruming" tao ay tumuloy ang pangkat na bumibisita sa "Hardin ng Tao" papaakyat ng bundok. Naiiba na ang hitsura ng mga monumento na makikita habang papaakyat, ang karamihan ay mga kolumna (tugu) na may iba't ibang laki at ayos batay sa ambag ng taong ginugunita sa lipunang Indones. Mula sa ibaba ay makikita na may dalawang nagniningning na estatwa lamang na nasa tuktok ng bundok.

Tumungo kami sa kanang panig! Doon ay nakalagay ang mga palaisip at bayaning Indonesia. Mga taong may naambag sa Indonesia sa loob ng humigit-kumulang 2,000 taon. Kahit sapat ang dami ng gusali at estatwa sa antas ng bundok na ito, ang karamihan sa mga panggunita sa mga naglingkod na taong ito ay binubuo ng mga kolumna (tugu). Pero sa mga kolumnang panggunitang ito, ang mga pangalan ay hindi na pinagsasama-sama tulad ng mga maruruming tao kanina. Ang bawat isa ay may sariling malaki o maliit na kolumna ayon sa kanyang ambag sa lipunan. Ang mga kolumnang panggunitang ito sa paanan ng bundok ay napakaganda na! Sa paligid ng bundok ay makatatagpo tayo ng ilang estatwa ng mga palaisip at bayani ng Indonesia. Sa tuktok ng bundok ay dalawang estatwa lamang ang makikita natin! Ngunit higit na maganda kaysa sa mga nakita na kanina. Ang malaking bahagi ng espasyo sa bahaging padausdos at sa tuktok ng bundok ay wala pang lamang estatwa, pero punô ng mga puno at bulaklak na magaganda at ibong kaaya-aya ang awitin. Matagal na binalik-balikan ng Komite ng Hardin ng Tao ang usapin ng kinakailangang batayan upang mabuo ang gabay sa pagtatakda ng paglalagyan ng mga titira ritong mga pumanaw na Indones na malaki ang naiambag. (2013, 98)

Maipapangkat sa tatlo ang inilista ni Tan Malaka ang mga pangalan ng bayaning Indones mula sa ibaba papataas ng bundok (2013, 99-101).

1) Mga pinuno at bayani ng emperyong Majapahit:

Hayam Wuruk o Rajasanagara (1334-1389): Haring Javanese ng Emperyong Majapahit. Gajah Mada (ca. 1290-ca. 1364): Isa sa mga itinuturing na pambansang bayani ng Indonesia at punong ministro (mahapatih) ng Emperyong Majapahit sa rurok ng katanyagan at kapangyarihan nito.

2) Mga bayaning Muslim:

Hang Tuah o Hang Tua: Maalamat na mandirigmang dagat at bayani sa panahon ng Sultanato ng Malaka (ca. 1405-1511). Isinasalaysay ang buhay niya sa salaysay na Hikayat Hang Tuah. Diumano’y sa kanya nanggaling ang kasabihang “Tak akan Melayu hilang di dunia”(Hindi mawawala ang Malay sa daigdig). Dipo Negoro, Diponegoro, Dipanegara o Pangeran Dipanegara (1785-1855): Isa sa mga pambansang bayani ng Indonesia. Naglunsad siya ng digmang binansagang “Perang Diponegoro” (Digmang Diponegoro) laban sa mga Dutch (1825-1830). Tinatayang

Page 5: Bayaning Proletaryo ng Pilipinas at Indonesia · Dühring) (1877-1878) ni Friedrich Engels ay unang inilathala noong 1951 ng Terbitan Widjaya sa Jakarta. Si Tan Malaka ay namuno sa

4  

200,000 na mga katutubo ang namatay sa labanang ito na itinuturing bilang isa sa mga pinakamalaking pag-aalsa na naganap sa buong panahon ng pananakop ng mga Dutch sa Indonesia. Tuanooku Imam Bonjol (1772-1864): Ulama na namuno sa digma laban sa Dutch na binansagang “Perang Padri” o “Digma ng Imam” (1803-1838). Teuku Umar (1854-1899): Isinilang sa Meulaboh, Kanlurang Aceh. Nilabanan niya ang mga Dutch sa pamamagitan ng pagpapanggap ng pakikipagsabwatan sa kanila.

3) Mga bayaning intelektwal at "moderno":

Dr. Cipto Mangunkusumo o Tjipto Mangoenkoesoemo (1886-1943): Isa sa tatlong nagtatag ng Indische Partij (kasama nina E. Douwes Dekker at Ki Hajar Dewantara) noong Disyembre 25, 1912 na unang nagmungkahi ng ideya ng sariling pamumuno ng mga katutubo. Muhammad Husni Thamrin (1894-1941): Pulitiko na kinikilala bilang unang nanggaling sa grupong etnikong Betawi na umupo bilang kinatawan sa Volksraad (parlamento) sa Dutch East Indies.

Pagkaabot sa dalawang magagarang monumento sa pinakatuktok ng bundok, ipapakilala at ilalarawan ni Tan Malaka ang dalawang bayaning ito na pinag-alayan ng Republika ng Indonesia ng pinakamataas nilang pagpapahalaga at pagpaparangal,

Sa pinakatuktok ng bundok, may dalawang estatwang makikita, ang mga estatwa nina Dr. Jose Rizal at Andres Bonifacio. Inilagay sila sa tuktok ng bundok. Wala pang taga-Indonesia (sa makitid na pakahulugan nito) na nakaabot roon. Totoo na hanggang sa panahon ng pagpasok ng Japan, ang Indonesia (sa makitid na pakahulugan) ay walang nasyunalistang makasaysayan tulad nina Huaroz o Rizal, Dr. Sun Yat Sen o kahit pa ng isang Tilak. Hindi lamang kinikilala si Rizal bilang tagapanguna at bayaning lumaban para sa kalayaan ng Pilipinas kundi bilang doktor na kilala sa Silangang Asia, experto sa wika na may kaalaman sa mahigit labintatlong luma at kontemporaryong linggwahe, artista na nakatanggap ng pagkilalang internasyunal, biologist na nakatuklas ng mga bagong hayop at halaman, manunulat ng librong naging sanhi ng paglalagay niya sa ilalim ng ulan ng bala na parusa ng pamahalaang Espanyol. (2013, 101)

Interesante ang ibinigay na pagpapahalaga ni Tan Malaka, mula sa punto de bista ng mga kinatawan ng uring proletaryo sa kathang-isip na “Komisyon,” hinggil kay Andres Bonifacio bilang isang bayani ng Indonesia (sa malawak na pakahulugan), at bayani ng uring proletaryo sa buong Asya at maging sa antas pandaigdig,

Nakamit ni Bonifacio ang malaking bahagi ng kanyang nilayon, higit sa nakamit ng ibang mga Indones. Siya ang ama ng Katipunan, partidong rebolusyonaryo (partai revolusioner) na nanguna sa pagtataas ng bandila ng kalayaan, nilabanan sa pamamagitan lamang ng tangan-tangang bolo ang hukbong Espanyol nakumpleto sa sandata, at nagtagumpay na palayasin ang 3/4 ng mga Espanyol...hanggang pinatay siya ng taksil na kasama niya sa pakikibaka. Sa hanay ng mga kinatawan ng proletaryo (wakil proletar) sa Komisyon dati, marami ang nagmungkahing ipasok si Bonifacio sa bahaging

Page 6: Bayaning Proletaryo ng Pilipinas at Indonesia · Dühring) (1877-1878) ni Friedrich Engels ay unang inilathala noong 1951 ng Terbitan Widjaya sa Jakarta. Si Tan Malaka ay namuno sa

5  

internasyunal ng Hardin ng Tao. Iginiit ng panig na ito na si Bonifacio ang pinakauna, hindi lamang sa Pilipinas, kundi sa buong Indonesia, oo, sa buong Asia na nanggaling sa, at edukado bilang, proletaryado (proletaris), na nag-organisa ng mga proletaryo (proletar). Higit kay Dr. Rizal ay naunawaan ni Bonifacio ang lakas ng proletaryo (kekuatan proletar) at sa dulo’y naunawaan ang pulitika ng manghihimasok at mananalakay na Amerika. Hanggang sa sandali ng kanyang kamatayan ay matibay niyang pinanghawakan ang batayan ng kalayaan at hindi nakipagkompromiso sa dayuhan na nais manghimasok at makihalo sa pulitika ng Pilipinas. (2013, 101)

Kapansin-pansin ang pagdidiin ng Komisyon hinggil sa higit na pagkaunawa ni Bonifacio, kapag inihambing kay Rizal, sa mapanlikhang papel ng masa sa kasaysayan at sa "kapangyarihang proletaryo" (kekuatan proletar). Gayundin, pinuri si Bonifacio dahil sa ipinapalagay nilang mas matalas niyang pagkakatalos sa mga intensyon ng Estados Unidos bilang bagong mananalakay at mananakop. Maihahambing dito ang paglalarawan kay Bonifacio sa isang isyu ng pahayagang Indones na Pembangoen (Tagapagtatag), na may petsang Agosto 28, 1943 (parehong taon ng pagkakasulat ni Tan Malaka ng Madilog) (Tingnan ang Larawan 4). Binigyan si Andres Bonifacio ng pagpapahalaga sa artikulong may pamagat na “Alalahanin ang Bayaning si Bonifacio” (Memperingati Pahlawan Bonifacio). Kung binigyang pansin ni Tan Malaka pagiging “edukado” sa pakahulugang “proletaryado” (berpendidikan proleteris) ni Bonifacio, tinukoy naman sa pahayagang Pembangoen ang kanyang pagiging “aral” (tepeladjar), ngunit hindi sa pormal na paraan, kundi sa pamamagitan ng sariling pagsisikap (oesaha sendiri). Gayunpaman, kailangang alalahanin na ang konteksto ng nabanggit na artikulo ay ang pagpuri sa pekeng paggawad ng mga mananakop na Hapon ng “independensya” sa Pilipinas noong Oktube 14, 1943. Galing ang balita sa ahensyang pambalita ng Okupasyong Hapon na Domei (tingnan din ang artikulong may parehong pamagat sa pahayagang Asia Raya, Agosto 31, 1943),

Kaugnay ng kalayaang makakamit ng mamamayan ng Maynila sa taong ito, itinakda nila ang petsang 26-8 bilang araw ng paggunita kay Bonifacio, bayaning Pilipino na eksaktong 47 taon na nitong nakaraan, ika-27 ng Agosto, ay namuno sa kilusang lihim na pinangalanang Katipunan na nagsulong ng armadong pakikibaka laban sa kapangyarihang Espanyol. Si Andre Bonifacio (sic) ay anak ng mahihirap sa Maynila, isinilang noong taong 1863. Isang taong aral na nakamit ang kanyang kaalaman sa pamamagitan ng sariling pagsisikap. Maraming hirap ang kanyang dinanas dulot ng kalupitang Espanyol. Pagkabalita niya na si Jose Rizal ay hinuli at dinestiyero (makaraan ay pinatawan ng parusang kamatayan), binuo ni Bonifacio ang samahang lihim na may pangalang Katipunan at inlathala sa kanyang sariling pamamahala ang pahayagang lihim na Kalayan (sic) na may layuning paalabin ang diwa ng bayang Pilipino upang labanan ang kapangyarihang Espanyol. Maraming makabayang hinuli at itinapon sa bilangguan. Hindi na nanatiling nanonood lamang si Bonifacio sa kabangisang ito, at 47 taon na ang nakaraan, nong ika-26 ng Agosto, kasama ang 600 na bayani ay naglunsad ng armadong pakikibaka laban sa kapangyarihang Espanyol. Halos 8 buwan ang nagdaan at ang bandilang Pilipino ay nagwawagayway na. Ngunit sa katapusan ay nadurog ang kanilang pakikibaka ng kalabang higit na malakas. Hindi na naranasan ni Bonifacio mismo ang ganitong pangyayari. Namatay siya sa pakikibaka na may kagitingan at katapangan.

Page 7: Bayaning Proletaryo ng Pilipinas at Indonesia · Dühring) (1877-1878) ni Friedrich Engels ay unang inilathala noong 1951 ng Terbitan Widjaya sa Jakarta. Si Tan Malaka ay namuno sa

6  

Nabubuhay pa rin ang diwa ni Bonifacio sa puso ng bayang Pilipinas, higit sa lahat ngayon, sa oras ng pagkamit ng Pilipinas ng kalayaan niya.

(Berhoeboeng dengan kemerdekaan jang tahoen ini akan ditjapainja, rakjat Manila manganggap tg. 26-3 ini sebagai hari peringatan bagi Bonifacio, seorang pahlawan Pilipina jang tepat 47 tahoen jang laloe, pada tg. 27 Agoestoes, memimpin gerakan rahasianja, bernama Katipunan mengadakan perlawanan-bersendjata terhadap kekoeasaan Sepanjol. Andre Bonifacio adalah anak orang miskin di Manila, dilahirkan pada tahoen 1863. Seorang terpeladjar jang memperoleh pengetahoeanja dengan oesaha sendiri. Banjak penderitaan jang dialaminja karena kekedjaman Sepanjol. Ketika dikabarkan, bahwa Jose Rizal ditangkap dan diasingkan (kemoedian dihoekoem mati), Bonifacio membentoek perkoempoelan gelap bernama Katipunan dan menerbitkan serta memimpin sendiri seboeah madjallah-rahasia bernama Kalayan dengan maksoed membangkit semangat rakjat Pilipina melawan kekoeasaan Sepanjol. Banjak kaoem nasionalis ditangkap dan didjebloskan dalam boei. Bonifacio tak tahan lagi melihat kelaliman itoe, dan 47 tahoen jl., pada tg. 26 Agoestoes, bersama dengan 600 pahlawan melakoekan perlawanan-bersendjata terhadap kekoeasaan Sepanjol. Hampir 8 boelan lamanja bendera kebangsaan Pilipina berkibar. Tetapi pada achirnja perlawanan mereka dapat dipatahkan oleh moesoeh jang djaoeh lebih koeat. Bonifacio sendiri tak perleo mengalami hal sedemikian itoe. Ia meninggal dalam perdjoeangan dengan gagah berani. Kini semangat Bonifacio masih hidoep dalam hati rakjat Pilipina, teroetama pada waktoe Pilipina akan mentjapai kemerdekaannja sekarang ini.)

Maidurugtong din dito ang mahaba-habang pagtalakay sa kasaysayang ng Pilipinas at hinggil kina Rizal at Bonifacio mismo ni Pramoedya Ananta Toer (1925-2006) , ang pinakadakilang nobelistang Indones. Makikita ito sa kanyang pangkasaysayang nobela na Anak Semua Bangsa (Anak ng Lahat ng Bansa) (2009), na ikalawang tomo sa kanyang tetralohiyang Buru Quartet. Ang setting nito ay pitong taon pagkaraan ng Rebolusyong Pilipino (ca. 1903). Isinalaysay sa isang mahabang tsapter kung paano namangha ang bida ng nobela na si Minke sa kilusang mapagpalaya sa Pilipinas na inihambing niya sa madaling natalo na pag-aalsa ng mahirap na magsasakang si Trunodongso sa kwento,

Sa mata ng aking ulirat ay lumitaw ang mga edukadong Pilipino na namumuno sa bangsang hindi edukado katulad ni Trunodongso at sumasalakay sa mga himpilang militar ng Espanyol – larawang hindi maisasadula sa entablado ng Wayang. Kahit sa imahinasyon ko ay hindi ko maisip. Hindi sila pinamumunuan ng indibidwal. Ni ng utak ng pakikipaglaban. Kinakatawan sila ng Katipunan. Kinakatawan ng namumuno sa tuktok nito: si Andres Bonifacio. (Dalam mata-batinku muncul kaum terpelajar Filipina memimpin bangsanya yang tidak terpelajar semacam Trunodongso menyerbu tangsi-tangsi Spanyol—perang yang tak bisa digambarkan dalam panggung wayang. Bahkan khayalku pun tak mampu membayangkan. Mereka tidak dipimpin oleh perorangan. Oleh otak perlawanan.

Page 8: Bayaning Proletaryo ng Pilipinas at Indonesia · Dühring) (1877-1878) ni Friedrich Engels ay unang inilathala noong 1951 ng Terbitan Widjaya sa Jakarta. Si Tan Malaka ay namuno sa

7  

Terwakili dalam Katipunan. Terwakili oleh pimpinan puncaknya: Andrés Bonifacio.) (2009, 419)

Binanggit din sa nobela ni Pramoedya ang mga katangian ng “Katipunan” bilang “modernong organisasyon,” “May organisasyong naging ‘motor’ ng pakikidigmang ito, organisasyon na ang pangalan ay Katipunan” (Ada organisasi yang jadi motor perlawanan, organisasi yang bernama Katipunan itu) (2009, 403). (Sa isang talababa ay halos wasto at tumpak na ibinigay ni Pramoedya ang buong pangalan ng Katipunan bilang “Katipunan (Tagalog) Kataastaasang Kagalang-galang na Katipunan ng mga Anak ng Bayan.” Binura ang talababang ito ng tagasalin na Australyanong si Max Lane sa kanyang salin sa Ingles na Child of All Nations (1990).) Naging debate naman sa Komisyon kung mas bagay isama sina Rizal sa "bahaging internasyunal" ng Hardin ng Tao dahil sa kanyang pagiging isang "universal genius" na maipagmamalaki na kabilang sa "purong lahing Indonesia" (bangsa Indonesia tulen) at, sa gayon, sa tinaguriang Malay Race.

Meron ding mga komunista sa mga kasapi ng Komisyon na nais ilagay ang estatwa ni Dr. Rizal sa bahaging internasyunal ng Hardin ng Tao. Ipinaalala nila na ang doktor na ito, kahit 36 taong gulang lamang, ay nagpabatid na ng sinag ng kanyang kaisipan, hindi lamang sa larangan ng agham, kundi sa iba’t ibang larangan. Ipinaalala nila ang sinabi ni Russell na ang universal genius na ito, napakataas na uri ng talino sa lahat ng agham, ay hindi nabibilang sa ibang bansa kundi sa Malay Race, sa hanay ng bansang Indonesia. Kinilala na ni Clefford [sic] ang pambihirang katalinuhan ng batang doktor na ito na purong lahing Indonesia (bangsa Indonesia tulen)! At sinabi ng mga kasapi ng Komisyon dati na walang hadlang na ihanay si Dr. Rizal kay Aristoteles o Descartes na mga universal genius rin ngunit hindi sa wika o sining katulad ni Rizal. (2013, 102)

Ngunit namayani ang mga argumento na panatilihin silang dalawa sa tuktok ng bundok ng Indonesia Raya sa dalawang pangunahing dahilan. Unang-una, dahil may mahalaga silang papel sa pag-aangat ng buong mamamayang Indones sa inferiority complex na idinulot ng kolonyalismong Europeo,

[Ayon] sa palagay ng panig na nais iangat ang bansa at pawiin ang inferiority complex nito, mas mabuti na ilagay sina Jose Rizal at Andres Bonifacio sa bahaging nasyunal. (2013, 102)

At ikalawa, dahil wala raw silang naiwan, diumano, na mga teorya o bagong pundasyon para sa pagsulong ng kaalaman ng tao sa unibersal o pandaigdigang antas,

Tanggap ng lahat ng kasapi na ang dalawang dakilang Indones na ito, kahit sapat para sa Indonesia at Asia, ay hindi pa sapat para sa buong daigdig. Wala silang iniwang teorya o pundasyong bago para sa agham at lipunan sa pangkalahatan.

Dulot nito'y napagpasyahan na lamang na Komisyon bilang kompromiso na bagamat pananatilihin ang mga estatwa nina Rizal at Bonifacio sa bahaging Indonesia ng Hardin ng Tao

Page 9: Bayaning Proletaryo ng Pilipinas at Indonesia · Dühring) (1877-1878) ni Friedrich Engels ay unang inilathala noong 1951 ng Terbitan Widjaya sa Jakarta. Si Tan Malaka ay namuno sa

8  

ay ihaharap na lamang sila sa bahaging internasyunal. Doon ay magsisilbi silang matatayog na inspirasyon para sa lahat ng kabataan ng Republika ng Indonesia,

Ang naging desisyon ay ilagay ang estatwa nina Dr. Rizal at Bonifacio sa bahaging Indonesia na nakaharap sa bahaging internasyunal! Hindi biro ang magandang kulay at tinig ng ibon na aalagaan sa paligid ng mga dakilang pumanaw na ito. Maraming bulaklak na nakalagay sa paanan ng dalawang estatwang ito. Bulung-bulungan ng pagkamangha ng mga bisita, dadalhin ang kaisipan at mithiin ng mga binata at dalagang Indonesia na lumipad nang mataas sa kalawakan ... daigin ang katalinuhan ni Jose Rizal at lampasan ang katatagan (ketangguhan) ni Bonifacio. Ngayon ay patungo kami sa bundok sa kaliwang panig, sa bundok na internasyunal. (2013, 102)

Itinuring ni Tan Malaka sina Jose Rizal at Andres Bonifacio bilang mga “purong Indones” dahil sinasaklaw ang Pilipinas ng tinatawag niyang “Indonesia Raya” (Malaki o Dakilang Indonesia). Mas detalyadong binigyang pansin ni Tan Malaka ang usaping ito sa tsapter na “Filipina” (Pilipinas) sa kanyang awtobiograpiyang Dari Penjara ke Penjara. Sinulat niya roon, ang nakakagulat sa unang tingin na pahayag, na, “si Andres Bonifacio ay isang katutubong Indones galing sa barrio ng Tondo, sa paligid ng Maynila” ([Bonifacio] adalah Indonesia asli dari kampung Tondo, di sekitar Manila). Gayundin, “si Rizal ay katutubong Indones, at kung may halo man sa kanyang dugo ay masasabing napakakaunti nito” (Jose Rizal, adalah Indonesia asli, dan kalau adacampuran darahnya, maka bolehlah dikatakan amat tipis sekali) (Tan Malaka, 2000, pp.203-204). Walang intensyon si Tan Malaka na “angkinin” bilang mga “Indones” (sa makitid na pakahulugan) sina Bonifacio at Rizal, dulot lamang ito ng kanyang pananaw na nagmula sa iisang bansa ang Malaysia, Indonesia at Pilipinas. Pagkaraan nito ay tumuloy ang salaysay sa “bundok na Internasyunal” (bukit internasional). Nakatala sa paanan ng bundok na ito ang mga pangalan ng mga nangungunang kadre ng PKI na sina Subakat, Dahlan, Ali Archam, Sugono (o Soegono) at Dirya. Kahanay ng mga pangalang ito si Haji Misbach, na nakilala rin bilang Haji Merah (Pulang Haji) (1876-1926) dahil sa kanyang sintesis ng Islam at Komunismo bilang pinuno ng PKI sa Surakarta, Java. Ayon kay Tan Malaka, ang mga kadre ng PKI na ito ang pangunahing nakikilala na sa internasyunal na antas, dulot ng madalas na pagkakabanggit ng kanilang mga pangalan sa mga pahayagan at balita (sa mga panahong nagsusulat siya). Katapat ng mga pangalang ito ay may estatwa ng kabataang kumakatawan sa hinaharap. Nakasulat sa ibaba nito ang tekstong, “Iwaksi ang lahat ng uri ng pagsasamantala, pang-aapi at paghahambog! Mabuhay ang pagkakapantay ng mga tao at ng mga bansa. Mabuhay ang kalayaang mag-isip sa agham at sining!” (Enyahlah segala macam isapan, tindasan dan kecongkakan! Hiduplah persamaan manusia dan manusia serta bangsa dan bangsa. Hiduplah kemerdekaan berpikir buat ilmu pesawat dan seni!) Patungo sa itaas ng bundok na ito ay nakatala na ang mga pangalan, at nagtatayugan ang mga monumento para sa mga dakilang palaisip na “unibersal.” Kapansin-pansin ang pagkakahanay ni Tan Malaka ng mga pangalan mula ibaba pataas ayon sa pagkakasunod na: (1) “lider at pangulo ng mga bayan”; (2) “tagapagtatag ng mga paniniwala at relihiyon”; (3) “mga pilosoper ng mga tradisyong Silangan at Kanluran”; (4) “mga manunulat at makata”; (5) “mga siyentista sa iba’t ibang sangay ng agham mula Silangan at Kanluran”; at (5) “mga pilosoper ng Kaliwanagang Europeo hanggang sa mga tagapagtaguyod ng sosyalismo at Marxismo.” Mababatid marahil sa

Page 10: Bayaning Proletaryo ng Pilipinas at Indonesia · Dühring) (1877-1878) ni Friedrich Engels ay unang inilathala noong 1951 ng Terbitan Widjaya sa Jakarta. Si Tan Malaka ay namuno sa

9  

pagkakasunud-sunod na ito ang implisitong pagpapalahaga ni Tan Malaka sa mga larangan na kinabilangan at kinasangkutan ng mga dakilang pangalan niyang binabanggit. Sa pinakatuktok ng bundok na internasyunal ay dalawa rin lang ang mga estatwang makikita, ang mga monumento nina Karl Marx at Friedrich Engels. Kapansin-pansin sa gayon na ang dalawang bayaning “Indones” na sina Rizal at Bonifacio ay nakatingala sa mga monumento ng mga Alemang sina Marx at Engels. Namangha at napagod na ang mga naglakbay sa Hardin ng Tao. Nang papauwi na sila ay pinansin ni Tan Malaka na ang pinto papasok ng hardin ay naiiba sa pinto papalabas. Ginawa ito upang maiwasan ang pagbalik sa tanaw ng mga bumibisita ang mga “maruruming tao” na makakasira sa kanilang taglay nang matatayog na damdamin at katahimikan ng loob. Tumuloy ang mga bisita sa itinakdang exit ng hardin,

Sa harapan ng pintuang palabas ay nakasalubong namin at nakipag-usap sandali sa dating propesor (Maha Guru) ng Pambansang Pamantasan (Sekolah Tinggi Negara). Hindi namin malilimot ang sinabi sa amin ng tanyag na taong ito. Sabi niya: “Mula ngayon ay wala nang magagawang mabuti o masama ang isang tao na hindi malalaman o maaalala ng bayan sa habampanahon. Sa ganitong paraan, ang kahulugan ng panandalian at panghabampanahon, langit at impiyerno, sa katawan at sa kaluluwa ay binibigyang-hugis ng Hardin ng Tao na ito.” Ganito ang pananalita ng Propeta sa nakaraang panahon. (2013, 107)

Ngunit saan nanggaling ang mga panukat at pag-uuri ng “masama” at “mabuti”? Nagtatapos ang sanaysay ni Tan Malaka sa ilang pagmumuni-muni hinggil sa sagot sa tanong na ito,

Ang masama at mabuting ito ay kasamaan at kabutihan ng lipunang ito mismo. Nanggaling ito sa lipunang ito mismo, nanggaling sa mga ugnayan ng mga tao sa isa’t isa sa lipunang ito mismo. Ang mabuting gawa ay nagbubunga ng mabuti. Ang masamang gawa ay nagdudulot rin ng masama para sa lipunang ito mismo. Ang halimbawa para rito ay makukuha sa lahat ng bansa at kasaysayan ng lahat ng bansa. Ang mga batas na masama at mabuti ay mapipitas at mabibigyang hugis mula sa kasaysayan ng lahat ng bansa at estado ng nakaraan at kasalukuyan. Sa ganitong paraan, ang tao at ang kanyang moralidad ay ibinabatay na sa patunay (bukti), na malinaw at bunga ng karanasan, at makatatayo sa sarili niyang paa. At ang mga paang ito ay naroon sa loob ng lipunan ng tao (masyarakat manusia) kasama ng moralidad niya. Hindi na kailangang espiritu o diyos ang maging simula at katapusan ng tao at moralidad niya. Kahit ang espiritu at diyos ay makatutuklas ng katapusan nila sa tao at sa umiiral na moralidad, na nakabatay sa lipunan (masyarakat). (2013, 108) (Mga diin ni Tan Malaka mismo.)

Mga Sanggunian Filipina dan Kita, Merdeka (Minggoen Merdeka), Hulyo 6, 1946, p. 6. Indonesian Newspaper Project. http://niod.x-cago.com/maleise_kranten/index.do Magnis-Suseno, F. 2005. Dalam Bayang-bayang Lenin: Enam pemikir Marxis teori dari Lenin

sampai Tan Malaka. Jakar ta: Penerbit PT Gramedia Pustaka Utama.

Page 11: Bayaning Proletaryo ng Pilipinas at Indonesia · Dühring) (1877-1878) ni Friedrich Engels ay unang inilathala noong 1951 ng Terbitan Widjaya sa Jakarta. Si Tan Malaka ay namuno sa

10  

Memperingati Pahlawan Bonifacio, Asia raya, Agust 31, 1943, p. 1. Memperingati Pahlawan Bonifacio, Pembangoen, August 28, 1943, p. 1. Nery, John. 2011. Revolutionary Spirit: Jose Rizal in Southeast Asia. Singapore : Institute of

Southeast Asian Studies. Pramoedya Ananta Toer. 1990. This Earth of Mankind. Translated by Max Lane. New York:

Penguin Books. Pramoedya Ananta Toer. 2009. Anak Semua Bangsa. Jakarta: Lentera Dipantara. Tan Malaka. 1999. Madilog: Materialisme, Dialektika, Logika. Jakarta: Pusat Data Indikator,

mp. 447-462. Tan Malaka. 2000. Dari Penjara ke Penjara. Tomo 1. Jakarta: Teplok Press. Tan Malaka. 2008. Madilog: Materialisme, Dialektika, Logika. Jakarta: LPPM Tan Malaka, mp.

504-520. Tan Malaka. 2013. Tungo sa Hardin ng Tao: ‘Si Bonifacio ang pinakauna, hindi lamang sa

Pilipinas, kundi sa buong Indonesia, oo, sa buong Asia na nanggaling sa, at edukado bilang, proletaryado, na nag-organisa ng mga proletaryo’ ni Tan Malaka. Tagasalin Ramon Guillermo. Social Science Diliman, Vol.9, No. 1, 91-128.

Larawan 1: Pabalat ng Madilog ni Tan Malaka (2008)

Page 12: Bayaning Proletaryo ng Pilipinas at Indonesia · Dühring) (1877-1878) ni Friedrich Engels ay unang inilathala noong 1951 ng Terbitan Widjaya sa Jakarta. Si Tan Malaka ay namuno sa

11  

Larawan 3: Mula kaliwa patungong kanan: Crisanto Evangelista, Varona, Tan Malaka, de los Santos, isang hindi kilala, at Domingo Ponce (Poeze 1976, p. 381)

Larawan 3: Ang Dalawang Bundok sa “Hardin ng Tao” ni Tan Malaka (1943)

Page 13: Bayaning Proletaryo ng Pilipinas at Indonesia · Dühring) (1877-1878) ni Friedrich Engels ay unang inilathala noong 1951 ng Terbitan Widjaya sa Jakarta. Si Tan Malaka ay namuno sa

12  

Larawan 4: Mga Pahayagang Indones, Pembangoen (Agosto 28, 1943) at Asia Raya (Agosto 31, 1943)