banghay aralin sa filipino iii ang pagibig

5
Banghay-Aralin sa Filipino I (Ang Pag-ibig ni Emilio Jacinto) Banghay-Aralin Sa Filipino III I.Mga Layunin Sa pamamagitan ng larawan, 80% ang mga mag-aaral sa ikatlong taon ay inaasahang: a. Nakapagbibigay-kahulugan sa mga mahihirap na salita; b. Nakapagtutukoy ng teoryang panliteratura na ginamit sa akda; c. Nakapagpapahayag ng mga sariling paraan ng mga sariling paraan ng pagpapadama ng pag-ibig; at d. Nakapagsisipi ng mga pahayag mula sa sanaysay. II. Paksang-Aralin Paksa : “Ang Pag-ibig” ni Emilio Jacinto Sanggunian : Badayos, Paquito B. Yaman ng Pamana III. Pp. 162- 169 Kagamitan : larawan, hugis pusong cartolina, graphic organizer (positive-negative chart) Pagpapahalagang Moral : Paggalang sa damdamin ng iba Kasanayan : pagsang- ayon at pagsalungat III. Pamamaraan A. Pangganyak Sa araw-araw nating pamumuhay, hangad natin ay kapayapaan at katahimikan. Ngunit hindi talaga maiiwasan ang mga masasamang pangyayari, pag-uugali at kilos. Magpapaskil ng dalawang larawan ang guro sa pisara.

Upload: jc-ford

Post on 03-Jan-2016

573 views

Category:

Documents


7 download

DESCRIPTION

Ang Pag-Ibig ni Emilio Jacinto

TRANSCRIPT

Page 1: Banghay Aralin Sa Filipino III Ang Pagibig

Banghay-Aralin sa Filipino I (Ang Pag-ibig ni Emilio Jacinto)

Banghay-Aralin Sa Filipino III

I.Mga Layunin

Sa pamamagitan ng larawan, 80% ang mga mag-aaral sa ikatlong taon ay inaasahang:

a. Nakapagbibigay-kahulugan sa mga mahihirap na salita;

b. Nakapagtutukoy ng teoryang panliteratura na ginamit sa akda;

c. Nakapagpapahayag ng mga sariling paraan ng mga sariling paraan ng pagpapadama ng pag-ibig; at

d. Nakapagsisipi ng mga pahayag mula sa sanaysay.

II. Paksang-Aralin

Paksa : “Ang Pag-ibig” ni Emilio Jacinto

Sanggunian : Badayos, Paquito B. Yaman ng Pamana III. Pp. 162-169

Kagamitan : larawan, hugis pusong cartolina, graphic organizer (positive-negative chart)

Pagpapahalagang Moral : Paggalang sa damdamin ng iba

Kasanayan : pagsang-ayon at pagsalungat

III. Pamamaraan

A. Pangganyak

Sa araw-araw nating pamumuhay, hangad natin ay kapayapaan at katahimikan. Ngunit hindi talaga maiiwasan ang mga masasamang pangyayari, pag-uugali at kilos.

Magpapaskil ng dalawang larawan ang guro sa pisara.

Pansinin ang dalawang larawang pinaskil ko sa pisara.

· Ano ang makikita sa unang larawan? Sa ikalawang larawan?

· Ano ang pagkakaiba at pagkakatulad ng larawan?

B. Paglalahad

Ang kapayapaan ay nakakamit dahil sa pagmamahal na namamayani sa bawat isa. Kung nagmamahal ka, igagalang mo ang iyong mga magulang, tutulungan ang iyong kapwa at lilinisin ang iyong kapaligiran. Kasamaan naman ang dulot ng kawalan ng pagmamahal. Naiinggit ka sa iyong kapwa, sinusuway ang mga magulang at kaligayahan mo ang kapahamakan ng

Page 2: Banghay Aralin Sa Filipino III Ang Pagibig

sangkatauhan. Nagkakaiba an gating palagay sa kahulugan ng tunay na pagmamahal. Tunghayan natin ang pagpapakahulugan at pagpapahalaga ni Emilio Jacinto sa pagmamahal sa kanyang sanaysay na pinamagatang “Ang Pag-ibig.”

C. Pagbibigay ng Pangganyak na Tanong

Alam kong may ideya na kayo tungkol sa sanaysay pero sa kabilang banda may mga katanungan din kayong gusting mabigyang-linaw.

Ilalahad ng mga mag-aaral ang kanilang mga tanong ukol sa sanaysay na “Ang Pag-ibig”.

· Bakit pinamagatang “Ang Pag-ibig” ang sanaysay ni Emilio Jacinto?

· Paano inilarawan ng may-akda ang pag-ibig?

· Ano ang magagandang dulot ng pag-ibig?

· Ano ang maaring mamayani kung walang pag-ibig?

D. Pag-alis ng Sagabal

Bibigyan ko ang bawat isa ng mga papel na hugis puso. Nakasulat sa mga puso ang mga mahihirap na salitang kailangan niyong itapat sa mga kahulugang ipapaskil sa pisara.

NANGANGATAL panginginig ng katawan o tinig kapag nagagalit natatakot o nagiginaw

NALIPOS ganap na natakpan

PITA ibig; matinding pag-asam

ABA dukha

MANAMBITAN pagsusumamo; pagmamakaawa

E. Pagtatalakay

Sa mga hugis pusong ibinigay ng guro kanina, ipapangkat ang klase sa tatlo. Ang nakakuha ng malalaking puso ang kabilang sa unang pangkat. Ang may maliliit na puso ang kabilang sa unang pangkat. Ang may maliit na puso ang ikalawang pangkat. Ang nakakuha naman ng mga pusong may hugis tao sa loob ay ang ikatlong pangkat.

Unang Pangkat

Sumipi ng mga pahayag na naglalarawan o kakikitaan ng mga positibong dulot ng pag-ibig. Isulat sa cartolina.

· Bakit napili ninyo ang mga pahayag na ito?

· Anu-ano ang magagandang dulot ng pag-ibig?

· Sumasang-ayon ba kayo sa magagandang dulot ng pag-ibig ayon kay Emilio Jacinto? Bakit?

Pangalawang Pangkat

Sumipi ng mga pahayag na naglalarawan ng mga negatibong pangyayari dahil sa kawalan ng pag-ibig. Isulat sa cartolina.

· Bakit napili ninyo ang mga pahayag na ito?

· Anu-ano ang magagandang dulot ng pag-ibig?

· Sumasang-ayon ba kayo sa magagandang dulot ng pag-ibig ayon kay Emilio Jacinto? Bakit?

Pangatlong Pangkat

Sumipi ng mga pahayag na nasasangkot ng mga taong may magagandang dulot o may masasamang dulot ng kawalan ng pag-ibig. Pangalanan ang bawat isa. Isulat ang pahayag at ang mga tao sa cartolina.

Page 3: Banghay Aralin Sa Filipino III Ang Pagibig

· Ano ang maaaring mangyari sa kanila kapag namayani ang pag-ibig?

· Ano ang maaaring mangyari sa kanila kapag walang pag-ibig?

Bibigyan lamang ng 10 minuto ang mga mag-aaral upang magawa ang mga iniatas sa kanila. Magbabahaginan ang bawat grupo sa harap ng klase.

F. Pagsagot sa Pangganyak na Tanong

Mula sa binahagi ng bawat pangkat sa klase, ilahad muli ang inyong tanong kanina at sagutin ninyo pagkatapos.

Ilalahad ng mga mag-aaral ang kanilang mga tanong at sagot.

G. Pagpapalawak

Mananatili ang mga mag-aaral sa kanilang mga pangkat. Bawat pangkat ay pipili ng angkop na awit na naglalarawan sa pag-ibig ng Poong Maykapal (Pangkat 1), pag-ibig sa Magulang (Pangkat 2), at pag-ibig sa kapwa at bayan (Pangkat 3). Aawitin ito ng bawat pangkat sa harap ng klase. Bawat sa ay kailangang maglahad ng mga paraan paano ipapadama ang pag-ibig sa Poong Maykapal, magulang, kapwa at bayan.

H. Paglalapat

Pansinin ang pahayag na ito.

“Kung ang magulang ay walang pag-ibig sa anak, sino ang magbabatang mag-iiwi sa mga sanggol? At mabubuhay naman kaya ang mga anak sa sarili lamang nila? Kung ang anak kaya naman ay walang pag-ibig sa magulang, sino ang maging alalay at tungkod sa katandaan? Ang kamatayan ay lalo pangn matamis kaysa buhay para sa matandang nangangatal ang tuhod at nanlalabo ang pagod na mga mata ay wala nang malingapang mag-aakayat at makaaaliw sa kanyang kahinaan.”

· Sinu-sino ang pinag-uusapan sa pahayag na ito mula sa sanaysay?

· Paano umikot sa mga taong ito ang Pag-ibig?

Ang mga taong ito na binanggit sa sanaysay ang sentro ng pag-ibig. Samakatuwid nakatuon ang pag-ibig sa mga taong binanggit. Kung gayon anong teoryang pampanitikan ang ginamit sa sanaysay na ito?

Teoryang Humanismo

Ano ang teoryang Humanismo?

Ang tao ang sentro ng pagsusuri sa akda.

I. Paglagom ng Seleksyon

Ang mga siniping pahayag ng bawat pangkat ay ilalagay sa loob ng graphic organizer (positive-negative chart) na ipapaskil sa pisara.

NEGATIBO Ang Pag-ibig ni Emilio Jacinto POSITIBO

MGA PANGALAN

Anu-ano ang mga magagandang dulot ng pag-ibig?

Ano-ano ang maaring ibunga ng kawalan ng pag-ibig?

Sinu-sino ang nakadama ng pag-ibig?

J.Ebalwasyon

Page 4: Banghay Aralin Sa Filipino III Ang Pagibig

Sa isang kalahating papel sagutin ang mga sumusunod na tanong:

Ibahagi ang iyong karanasan sa pag-ibig.

Paano mo ito pananatilihin?

Ibahagi ang iyong karanasan sa mga bunga ng kawalan ng pag-ibig.

Paano mo ito maiiwasan?

IV. Takdang-Aralin

Sumulat ng isang sanaysay na may kaugnayan sa pag-ibig. Ang sanaysay na gagawin ay dapat sumunod sa mga pamantayan.

May 3 talata (simula, katawan, wakas

May 5 pangungusap bawat talata

May organisado at malikhaing ideya/kaisipan

Dapat malinis at maganda ang sulat kamay

Isulat sa short bond paper

http://catherinemylobcabase.blogspot.com/2011/09/banghay-aralin-sa-filipino-i-ang-pag.html