banghay aralin sa edukasyon sa pagpapakatao iv

5
Banghay Aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao IV Bb. Jenny Rose S. Basa I. Batayang Kasanayan Napatutunayan na ang Batas Moral ay pamantayang gabay tungo sa maayos na pamumuhay. II. Layunin Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang: 1. nakapagpapahayag nang maliwanag ang mga birtud at pagpapahalaga ng Batas Moral; 2. nakapaninindigan sa mga pagpapahalaga at birud ng Batas Moral; 3. nakaguguhit ng “poster” na nagpapakita ng pagpapahalaga sa mga birtud ng Batas Moral. III. Paksa Tama o Mali, Paano Ba Pipili? (Batas Moral Bilang Pamantayan Tungo sa Maayos na Pamumuhay) IV. Pagpapahalagang Dapat Paunlarin Kabutihang Panlahat (Common Good) V. Kagamitan Kartolina Makukulay na papel VI. Sanggunian Punsalan, Twila G., et al. Kaganapan sa Maylalang IV. REX Bookstore, Inc. Sta. Mesa Heights, Quezon City. 2007. VII. Pagganyak

Upload: jenny-rose-basa

Post on 19-Jan-2015

3.367 views

Category:

Documents


18 download

DESCRIPTION

 

TRANSCRIPT

Page 1: Banghay aralin sa edukasyon sa pagpapakatao iv

Banghay Aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao IV

Bb. Jenny Rose S. Basa

I. Batayang KasanayanNapatutunayan na ang Batas Moral ay pamantayang gabay tungo sa maayos na

pamumuhay.

II. LayuninPagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. nakapagpapahayag nang maliwanag ang mga birtud at pagpapahalaga ng Batas Moral;

2. nakapaninindigan sa mga pagpapahalaga at birud ng Batas Moral;3. nakaguguhit ng “poster” na nagpapakita ng pagpapahalaga sa mga

birtud ng Batas Moral.III. Paksa

Tama o Mali, Paano Ba Pipili? (Batas Moral Bilang Pamantayan Tungo sa Maayos na Pamumuhay)

IV. Pagpapahalagang Dapat PaunlarinKabutihang Panlahat (Common Good)

V. KagamitanKartolinaMakukulay na papel

VI. SanggunianPunsalan, Twila G., et al. Kaganapan sa Maylalang IV. REX Bookstore, Inc. Sta.

Mesa Heights, Quezon City. 2007.

VII. PagganyakPanuto: Magpapakita ang guro ng mga “speech balloons” na naglalaman ng mga suliraning karaniwang naririnig sa paligid. Pupunan ng mga mag-aaral ang espasyo sa kabilang “speech balloons” na siyang magsisilbing payo o kasagutan.

Hoy, alam mo ba, nag-li-live-in na raw sina Glenda at Mario?

Talaga? Naku, ___________________________________________

Buntis ako at ayaw akong pakasalan ni Tony. Ano ang gagawin ko?

Bakit hindi mo _________________________________________

Page 2: Banghay aralin sa edukasyon sa pagpapakatao iv

Mga Tanong:

1. Sa iyong palagay, tama kaya ang mga naisagot mo? 2. Sa mga pagkakataong moralidad na ang pinag-uusapan, ano ba ang tama at mali, mabuti

at masama?

VIII. GawainPanuto: Magpapakita ang guro ng apat na isyung moral. Sa bawat isyu ay may dalawang pangkat ang magtatalo (Panig o Laban).

A. Live – in: Payag ka bang makisama sa isang babae o lalaki nang walang benepisyo ng kasal, sibil man o sa simbahan?

B. Aborsyon: Payag ka bang magpalaglag kung ikaw ay nasa isang gipit na kalagayan? (Halimbawa: para sa babae, walang kikilalaning ama ang iyong magiging anak at para sa lalaki, nakabuntis ka ng babae)

C. Diborsyo: Kung ang mag-asawa ay hindi na magkasundo, payag ka ban a sila ay legal na maghiwalay?

D. Homosekswalidad: Payag ka bas a kalakaran na ang isang babae ay nakikipagrelasyon sa kapwa niya babae at ang lalaki naman sa kapwa niya lalaki?

Mga Tanong:

1. Sang-ayon ka ba sa mga panig ng iyong katunggaling grupo?2. Ano ang masasabi mo ukol sa mga isyung moral na nabanggit?3. Bakit nagkakaroon ng mga pagbabagong pananaw sa ganitong mga isyu ang ilang

mga Pilipino? Ganito na ba ang pananaw ng karamihan? Pangatwiranan.4. Ano ang pananaw ng pananampalatayang Pilipino at Batas Moral ukol sa mga isyung

live-in, aborsyon, diborsyo at homosekswalidad?5. Ano ang masasabi mo tungkol sa mga bansang may batas na pumapabor sa mga

isyung ito?

Alam mo, hindi kami magkasundo ng asawa ko. Lagi kaming nag-aaway.

Ang mabuti sigurong gawin mo ay ________________________

Nahihirapan ako. Hindi ko na yata maitatago ang tunay kong pagkatao at ang nararamdaman ko para sa kapwa ko lalaki.

E ‘di ang dapat mong gawing ay ___________________________

Page 3: Banghay aralin sa edukasyon sa pagpapakatao iv

6. Paano mapatitibay ng mga Pilipino ang pagpapahalagang moral sa kabila ng makabagong umiiral?

IX. Pagpapayaman ng KonseptoTatalakayin ng guro ang paksang “Batas Moral Bilang Pamantayan Tungo sa

Maayos na Pamumuhay”.

Batas Moral Bilang Pamantayan Tungo sa Maayos na Pamumuhay

Batas Moral Mga Birtud at Pagpapahalaga

Mga Gawaing Lumalabag

Klaster I – IIIMahalin ang DiyosIgalang ang Kanyang PangalanAlalahanin ang Araw ng Diyos

Pagmamahal sa DiyosKatotohanan at PananampalatayaPaggalang sa DiyosPaglilingkod sa DiyosPagtalima sa Kautusan

Pagsasagawa ng mga kultoPagsasabi ng malaswa at masaskit na salita sa DiyosPagwawalang-bahala sa mga pagtitipong espiritwalKawalan ng interes magsimba

Klaster IVIgalang mo ang iyong ama’t ina

PaggalangPagbubuklod ng pamilyaPagsunodKabutihang-loob

Paglalapastangan sa magulang at may awtoridad

Klaster V – XHuwag kang papatayHuwag kang mangangalunyaHuwag kang magnanakawHuwag kang sasaksi nang walang katotohananHuwag mong pagnanasaan at pag-iimbutan ang asawa at ari-arian ng iba

Paggalang sa buhay at dignidad ng taoPaggalang sa dignidad ng seksPaggalang sa pag-aari ng kapwaKomitment sa katotohananPagtulong sa kapwaPagtitimpiDisiplina sa sariliKalinisan ng loobKatapatan

Pakikipag-awayPang-aabusoPagbabasa ng malalaswang babasahinPagkagumon sa masamang bisyoPakikiapid at pakikipagrelasyon sa may-asawaPagnanakawPagsisinungaling at panloloko

X. PagsasabuhayPanuto: Bumuo ng pangkat at gumawa ng “poster” na kinapapalooban ng komik strip. Ilagay sa komik strip ang mensaheng nais ninyong ipaabot ukol sa mga isyung moral.

Page 4: Banghay aralin sa edukasyon sa pagpapakatao iv

XI. PagtatayaPanuto: Dugtungan ang mga di tapos na pangungusap

1. Para sa akin, ang mga isyu ukol sa diborsyo, aborsyon, homosekswalidad at iba pa ay dapat...

a. _________________________________________________b. _________________________________________________c. _________________________________________________

2. Ang iba pang isyung moral na nangangailangan ng pagsusuri ay...a. _________________________________________________b. _________________________________________________c. _________________________________________________

XII. Takdang Aralin

Panuto: Gumupit ng isang artikulo mula sa dyaryo o magazine na may kinalaman sa paglabag sa Batas Moral. Isulat kung anong

Batas ng Diyos ang nalabag at kung anong birtud o pagpapahalaga ang hindi nabigyang pansin. Gumawa ng repleksyon hinggil sa artikulong kinalap.