bakuna sa covid-19

23
Bakuna sa COVID-19: Ang ating susunod na hakbang upang wakasan ang pandemya. Pangalan Petsa

Upload: others

Post on 01-May-2022

5 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

Page 1: Bakuna sa COVID-19

Bakuna sa COVID-19: Ang ating susunod na hakbang upang wakasan ang pandemya.

PangalanPetsa

Page 2: Bakuna sa COVID-19

Ano ang iyong mga katanungan tungkol sa bakuna sa COVID-19?

Page 3: Bakuna sa COVID-19

Alam namin

• Ang COVID-19 ay naglalagay ng mabigat na pasanin sa minoryang mga komunidad.

• Hindi lahat ng miyembro ng komunidad ay nagtitiwala sa mga bakuna at serbisyong pangkalusugan.

• Ang ilang mga tao ay may mga katanungan o alalahanin tungkol sa kaligtasan at pagiging epektibo ng bakuna sa COVID-19.

Page 4: Bakuna sa COVID-19

Bakit mahalaga ang bakuna?

• Tinutulungan ng bakuna ang iyong katawan upang labanan ang mga sakit.

• Hindi madaling kumakalat ang mga virus kapag may sapat na mga tao ang nabakunahan laban sa isang sakit.

− Tinatawag natin itong "community immunity."

• Ang bakuna ay isa sa mga pinakamalaking kwento ng tagumpay sa pampublikong kalusugan.

Page 5: Bakuna sa COVID-19

Ano’ng mga bakuna sa COVID-19 ang mayroon sa U.S.?Pfizer-BioNTech

• 12 taong gulang o mas matanda pa.

• 2 dosis, 3 linggo ang pagitan.

Moderna• 18 taong gulang o mas matanda

pa.• 2 dosis, 4 na linggo ang pagitan.

Johnson & Johnson• 18 taong gulang o mas matanda

pa.• 1 dosis.

Magpabakuna ka! At ikawmagpabakuna ka! Lahatmakapagpapabakuna!

Page 6: Bakuna sa COVID-19

Gaano ka-epektibo ang mga bakuna?

• May bisa ang mga bakuna sa COVID-19.

• Mahigit 94% ng lahat ng kaso, kamatayan, at pagpa-ospital sa Washington, sa hanay ng mga kuwalipikadong mabakunahan ay iyong mga walang bakuna o hindi ganap na nabakunahan.

• Sinusubaybayan pa rin ng CDC ang bisa ng bakuna laban sa Delta.• Malamang na ang bisa ng mga bakunang mRNA at J&J ay na-

apektuhan ngunit gumagana pa rin.• Habang dumadagsa ang Delta sa buong bansa, 99% ng kamatayan at

97% ng mga pagpapa-ospital ay sa mga indibidwal na hindi nabakunahan.

• Kahit pagkatapos mabakunahan, inirerekomenda ang pagsusuot ng face mask habang kasama ang ibang tao sa loob ng mga gusali sa mga pampublikong lugar.

Page 7: Bakuna sa COVID-19

Ano ang delta variant?• Habang kumakalat ang virus na nagiging sanhi ng COVID-19, maaari

itong magbagong-anyo sa paraang mas nakakahawa.• Ang mga bagong variant ay pinangalanan gamit ang mga griyegong

titik (hal., alpha, delta).

• Ang delta variant ay higit pa sa dalawang beses na mas nakakahawa kaysa sa orihinal na strain ng virus at maaaring malusutan ang natural na immunity.

• Hanggang noong mga unang araw ng Agosto 2021, ang delta variant ay responsable sa mahigit 75% ng mga kaso sa Estado ng Washington.

• Wala pa itong 10% ng mga kaso noong mga huling araw ng Hunyo.

• Patuloy na pinapakita ng mga ebidensya na ang bawat bakuna sa U.S. (Pfizer, Moderna at Johnson & Johnson) ay napakabisa laban sa pagpapa-ospital (0.00%0.06%) at kamatayan (halos 0%) na sanhi ng COVID-19.

Page 8: Bakuna sa COVID-19

Ano naman ang pangatlong dosis o mga booster?• Nirerekomenda ang ika-3 dosis para sa taong may katamtaman

hanggang malubhang kompromiso sa kanilang mga immune system.• Para lamang sa mga nagpabakuna ng Pfizer at Moderna.• Hindi bababa sa 8 linggo pagkatapos ng ika-2 dosis.• Nagpapatuloy ang pananaliksik para sa bakuna ng Johnson &

Johnson.

• Ang mga booster na iniksyon ay maaaring magamit sa Septiyembre 2021 para sa mga nagpabakuna ng Pfizer at Moderna.

• 8 buwan pagkatapos ng iyong pangalawang dosis. • Nagpapatuloy ang pananaliksik para sa bakuna ng Johnson &

Johnson.• Naghihintay ng dagdag na gabay.

Page 9: Bakuna sa COVID-19

Puwede pa rin ba akong magkaroon ng COVID-19 pagkatapos na ganap na mabakunahan? • Oo. Walang bakuna ang nagbibigay ng 100% proteksyon.

• Kapag ang isang taong ganap nang nabakunahan ay nagkaroon ng COVID-19, ito ay tinatawag na isang "breakthrough case."

• Halos 3,000 ang mga breakthrough case sa Estado ng Washington (mga 0.068% ng kabuuang mga kaso ng COVID-19).

• 45 mga tao ang namatay mula sa mga breakthrough case. Karamihan sa mga taong ito ay nanirahan sa mga lugar para sa pangmatagalang pag-aalaga at malamang na may ilang problema sa kalagayan ng kalusugan.

• Sa bansa, mahigit 97% ng pagpapa-ospital na sanhi ng COVID-19 at higit sa 99% ng pagkamatay na sanhi ng COVID-19 ay sa mga taong hindi nabakunahan.

• Kahit na nangyayari ang mga breakthrough case, kung tutuusin ay bihira ang mga ito.

Page 10: Bakuna sa COVID-19

Paano nabuo ang isang bakuna?

GABAYACIPTAGAPAYOKOMITE SAPAGBABAKUNAMGA GINAGAWA

BLALISENSYA NG BIOLOGICSAPLIKASYON

CDCMGA SENTRO PARA SAPAGKONTROL NG SAKITAT PAG-IWAS

FDAMGA GINAGAWAFOOD AND DRUGADMINISTRATION

INDINIIMBESTIGAHANGBAGONG GAMOTAPLIKASYON

Ang Life Cycle ng Bakunakaligtasan sa bawat yugto

PAGBUBUO NG BAKUNA

kaligtasannagpapatuloy sa

CDC + FDAkaligtasan

pagmomonitor

kaligtasanay isang prayoridad

sa panahon ng pagbubuo ng bakuna

+ inaprubahan YUGTO 1 YUGTO 2 YUGTO 3 YUGTO 4

PANGUNAHINPANANALIKSIK

PAGTUKLAS

kaligtasan bisakaligtasan +

bisa

SA PRE-KLINIKAL

NA PAG-AARAL

KLINIKAL NA PAG-AARAL / MGA PAGSUBOK FDAPAGSUSURI

ACIPPAGSUSURI

PAGKATAPOS NG PAG-APRUBAPAGMOMONITOR + PANANALIKSIK

pagsubaybay sa kaligtasan para samalubha, hindi inaasahanmasasamang kaganapan

Page 11: Bakuna sa COVID-19

Ano ang mga karagdagang pag-iingat para sa kaligtasan sa Washington?

FDA Emergency Use Authorization

Siyentipikong Pagsusuri ng Kaligtasan sa mga Estado sa Kanluran

(Western States Scientific Safety Review)

Tagapayong Komite ng Bakuna & Grupo ng

Tagapayo sa Agham ng Bakuna

Pangangasiwa ng Bakuna

Page 12: Bakuna sa COVID-19

Paanong mabilis na nabuo ang bakunang ito?

Page 13: Bakuna sa COVID-19

Ano ang mga kasamang epekto?

Ang mga kasamang epekto ay pangkaraniwan at nangangahulugan na ang bakuna ay gumagana.

Maaaring kabilang dito ang:

• Sakit sa ininiksyunan, pamumula, o pamamaga; pagod, sakit ng ulo, sakit sa kalamnan, panginginig, sakit sa mga kasu-kasuan, lagnat, pagduduwal, pamamaga ng mga lymph node.

• Kadalasang nangyayari sa loob ng unang 3 araw nang pagbabakuna.

• Nawawala sa loob ng 1-2 araw nang pagsisimula.

Mga sintomas ng COVID-19:

• Ubo, kapos na paghinga, sipon, pangangati ng lalamunan, pagkawala ng panlasa at pang-amoy.

Page 14: Bakuna sa COVID-19

Paano kung mayroon akong masamang reaksyon?Bihirang mangyari ang mga malulubhang masamang reaksyon (nakapipinsalang mga reaksyon).

• Kung mayroon kang anumang masamang reaksyon, sabihin ito sa iyong doktor.

• Kung mayroon kang emerhensiya na maaring makamatay, tumawag sa 9-1-1.

Magsign up sa V-Safe.

• Araw-araw hanggang buwanang pagsusuri sa kalusugan sa pamamagitan ng pagte-text pagkatapos ng pagbabakuna.

• Iulat ang kasamang mga epekto at mga kaganapan sa kalusugan.

• Kasama ang aktibong pagfollow-up sa telepono para sa makabuluhang mga epekto sa kalusugan.

Page 15: Bakuna sa COVID-19

Mayroon bang anumang mga bakuna na may mga tiyak na kasamang epekto?• Johnson & Johnson:

− Cerebral venous sinus thrombosis.▪ Karaniwan sa mga kababaihan 18-48 taong gulang.▪ 6 na kaso ang iniulat sa 6.8 milyong dosis.

− Guillain-Barre syndrome▪ Karaniwan sa kalalakihang mahigit 50 taong gulang.▪ 100 na kaso ang iniulat sa 12.8 milyong dosis.

• Pfizer at Moderna:− Myocarditis at pericarditis.

▪ Karaniwan sa kalalakihan 16-30 taong gulang.▪ 226 mga kaso ang iniulat sa 177 milyong dosis (hanggang

ngayong Hunyo 10, 2021).

Page 16: Bakuna sa COVID-19

Ligtas ba ito para sa lahat ng lahi at grupong etniko?Sinusuportahan at ipinamamahagi lamang namin ang mga bakunang ligtas at mabisa para sa lahat ng mga grupo.

Mga kalahok ng pag-aaral:

Pfizer Moderna J&J U.S. Pop

Asyano 4.4% 4.6% 3.7% 6%NHOPI 0.2% 0.2% 0.3% 0.2%Itim 9.8% 9.7% 17.2% 13%

Latinx 17.6% 20.0% 44.8% 17%

Native American 0.6% 0.8% 8.4% 1%Puti 81.9% 79.4% 62.1% 76%

Page 17: Bakuna sa COVID-19

Sino ang dapat munang makipag-usap sa kanilang doktor?

• Buntis.

• Pagkakaroon ng gatas sa suso.

• Mahina ang immunity

• May kasaysayan ng malubhang alerdyi na reaksyon sa iba pang bakuna.

• Sakit sa pagdurugo o paggamit ng pampalabnaw ng dugo.

Page 18: Bakuna sa COVID-19

Ano ang gagawin ko kapag ganap na akong nabakunahan?Ikaw ay ganap nang nabakunahan 2 linggo matapos ang iyong ikalawang dosis ng Pfizer o Moderna o ang iyong solong dosis ng Johnson & Johnson.

Kapag ganap ka nang nabakunahan, ikaw ay:• Hindi na kailangang magsuot ng mask sa loob ng pampublikong lugar na may

mababang hawahan ng sakit. − Maliban kung hinihingi ng batas, lokal na negosyo, o trabaho.− Sa Washington, kinakailangan ang pagsusuot ng face mask.

• Dapat magpatuloy sa pagsusuot ng mga mask sa mga lugar ng pangangalaga ng kalusugan, paaralan, kongregasyon, at sa pampublikong sasakyan.

• Hindi na kailangang magpasuri bago o pagkatapos ng paglalakbay sa loob ng bansa.

• Hindi na kailangang magkuwarantina pagkatapos ng nabatid na pagkalantad.• Dapat magpasuri kung nakararanas ng mga sintomas ng COVID-19 o nalantad sa

isang kilalang kaso.

Page 19: Bakuna sa COVID-19

Paano kung hindi ako mabakunahan?

Kailangan mo pa ring magsuot ng mask, limitahan ang pagtitipon at panatilihin ang pisikal na distansya kapag nasa paligid ng iba sa labas ng iyong tahanan.

Magsuot ng mask. Manatiling 6 na talampakan

ang pagitan sa iba.

Hugasan ang iyong

mga kamay.

Page 20: Bakuna sa COVID-19

Ano pa ang kailangan kong malaman?

• Hindi naglalaman ng mga preserbatibo ang Pfizer-BioNTech, Moderna, at Johnson & Johnson na bakuna sa COVID-19.

• Hindi ginawa sa natural na gomang latex ang mga takip ng vial.

• Ang mga taong nagkaroon na ng COVID-19 ay maaari at dapat na mabakunahan.

• Maghintay hanggang makumpleto ang pagbukod sa iba.• Maghintay hanggang makumpleto ang kuwarantina kung nalantad

kamakailan lamang.

• Ang tanging tunay na kontraindikasyon ay ang dati nang alerdyi na reaksyon sa partikular na bakuna o anumang bahagi nito.

Page 21: Bakuna sa COVID-19

Kailangan ko bang magbayad para sa bakuna?• Hindi.

• Babayaran ng pambansang gobyerno ang halaga ng bakuna sa COVID-19.

• Walang kang gagastusin, may paseguro man o wala.• Maaaring maningil ng bayad ang mga doktor, ngunit sakop ng

alinman sa paseguro o HRSA ang gastos na ito. • Hindi ipagkakait ng tagabakuna ang bakuna bunsod ng anumang

kadahilang may kinalaman sa gastos.

• Kung pagbabayarin ka, mag-email sa [email protected].

Page 22: Bakuna sa COVID-19

Paano ako makakakuha ng bakuna sa COVID-19?• Tumawag sa (253) 649-1412, 7 araw

8nu – 4:30nh.

• Puntahan satpchd.org/vaxtothefuture.

• Puntahan sa vaccinelocator.doh.wa.gov.

• Tawagan ang iyong doktor.

• Tumawag sa mga lokal na mga botika.

Page 23: Bakuna sa COVID-19

May mga katanungan ba kayo? Gusto mo ba ng karagdagang impormasyon?

Bisitahin ang tpchd.org/vaxtothefuture.

Mag-email sa [email protected].

Tumawag sa (253) 649-1412.

Kinakaya namin.

Ngayon umaasa tayo.