bakit patuloy ang kahirapan sa pilipinas
TRANSCRIPT
Maligaya High SchoolIlang-ilang St., Maligaya Park Subd.
Brgy. Pasong Putik, Quezon City
“Bakit patuloy ang Kahirapan sa Pilipinas?”
A Project Submitted
As Partial Fulfillment of
The Requirements in
Araling Panlipunan IV
Submitted by:
Alzate, Arthur Jr.Palis, Ariel Dominique
Lagrama, Diane Rose AnnMarcaida, Charmaine
Rostata, JoanSerdiña, Elaine
Sta. Ana, Babylyn
IV-RizalDecember 18, 2009
Submitted to:
Mrs. Josephine Tavares
Mga Nilalaman…
Kabanata I:
Introduction
Background of the Study
Statement of the Problem
Significance of the Study
Hypothesis
Scope and Limitation
Definition of Terms
Kabanta II:
Mga kaugnay na pag-aaral: Dayuhan
Mga kaugnay na pag-aaral: Lokal
Kabanata III: Pamamaraan ng Pananaliksik
Pakitang Banghay
Respondents ng Pag-aaral
Gathering Data
KABANATA I
Introduction:
Ang kahirapan ay higit na natutukoy sa pamamagitan ng paraan ng pamumuhay
ng mga tao sa komunidad kung saan ang isa sa mga buhay at sa antas ng mga inaasahan
nila1 at tumutukoy rin sa kalagayan na hindi kayang tugunan ang mga pangunahing
pangangailangan ng tao tulad ng malinis na tubig, nutrisyon, kalusugan, damit at tirahan2
at isa ito sa problemang kinakaharap natin ngayon.
“Poverty is lately determined by the made of living of the community in which on
lives and the level of expectation that people set for themselves.”
Sa pangungusap na ito, mahihinuha natin na ang kahirapan ay malaking problema
na halos buong komunidad ng bansa ang naaapektuhan higit sa lahat mga taong
napapaloob dito. Alam naman natin na ang kahirapan ay tumutukoy sa kakulangan ng
pera at hindi masustentuhan na mga pangunahing pangangailangan tulad ng pagkain,
pananamit, tirahan, kalusugan, edukasyon at iba pa.
Ang kahirapan bilang isang pangkalahatang suliranin ay isang malalim na sugat
na makikita sa bawat sukat ng kultura at lipunan. Kasama rito ang mga kasapi ng
pamayanan na may sadyang maliit na kita. Kasama rin ang kakulangan ng mga serbisyo
katulad ng edukasyon, pamilihan, pangangalang pang-kalusugan, kawalan ng kakayanan
na gumawa ng mga pagpapasya sa sarili, at ang kawalan ng malinis na tubig, kalinisan at
kaayusan, maayos na kalye, transportasyon, at komunikasyon.
1 Economics; Theories and Principles, Julia D. Rilio; VIBAL Publishing House Inc., 2005, p. 2912http://translate.google.com.ph/#en|tl|refers%20to%20the%20condition%20of%20not%20having%20the%20means%20to%20afford%20basic%20human%20needs%20such%20as%20clean%20water%2C%20nutrition%2C%20health%20care%2C%20clothing%20and%20shelter
Mas madali nating maiintindihan ang kahulugan at kahalagahan ng pag-aaral ng
“kahirapan” sa pamamagitan ng ilang palatandaan at pagpapatunay na kahirapan ay ating
nararanasan sa ngayon. Sa panahon ngayon maraming pamilya ang mababa ang sahod,
kaya naman nakabuntot na rito na hindi rin nila tugunan ang kanilang pangangailangan at
kaakibat na rito ang hindi pagkontento ng bawat mamamayan. Sino ba naman ang
makukuntento kung ang sweldo ng iyong pamilya ay hindi sasapat sa pang araw-araw na
pangangailangan.
“Poverty is viewed in 2 different perspectives as signifying ‘moneylessness’ and
‘powerlessness’. Another distinction is the concepts of ‘relative’ and ‘asolute’ poverty.”3
Sa katagang ito, naipapakita lang na ang kahirapan ay malawak na makikita sa pagitan
ng mga mahihirap at mayayaman o madaling sabihin na mga nasa mababang kalagayan
at mataas na kalgayan ng buhay.
Kung ating kikilatisin ang mga bansang may malaking bahagdan ng kahirapan,
masasabi nating ilan sa mga pamilya dito ay hindi nakakapag-ipon ng kanilang sahod at
kulang sa trabaho para pang-suporta sa kanyang pamilya. Gayundin di nila
masusustentuhan ang kanilang pangunahing pangangailangan at higit sa lahat, hindi
mabibigyan ng oportunidad na magkaroon ng sariling bahay, pag-aari at hanap-buhay.
Sa kabilang banda, ang mga senyales ng kahirapan ay madaling makita kahit saan
—sa hangin, tubig, pagkain, sa ating lupang tinatayuan at sa kalagayan ng ating
kapaligiran na ating kinakasakupan.
Ika nga ni Nicholas de Chamfort, “Society comprises two classes: those who have
more food than appetite, and those who have more appetite than food”4 may mga taong
3 Encyclopedia Anuricara” By: Grolier Incorporated (1995) pg. 495? Sebastian-Roch Nicholas de Chamfort, Maximes; http://www.quotegarden.com/ poverty.html4
sadyang mayroon naming pagkain ngunit di nila ito pinahahalagahan at meron din
namang mga taong nangangailangan ng pagkain ngunit di sapat ang kung anong meron
para sa sarili nila. Sa kabuuan, ang kahirapan ay nangyayari rin dahil sa mga taong di
nagpapahalaga tulad ng ilang mayayaman at mga taong sadyang sugapa sa pera. Kaya
pansin natin, pagdating sa pagkain, ang mga mahihirap ay bihira ng kumain ng tatlong
beses sa isang araw.
Sa tulong ng mga susunod na pahina, mas mauunawaan natin ang salitang
“kahirapan” kung saan napapaloob na rito ang mga problemang sakop nito, mga dahilan
at epekto ng kahirapan sa bawat indibidwal at sa komunidad at kung paano natin maaring
solusyunan ang napakalaking isyung ito.
Background of the study:
Kahirapan--- kakulangan sa mga pangunahing pangangailangan. At katanggap-
tanggap naman na sasabihin nating baôn sa kahirapan ang halos kalahati ng
makadaigdigang populasyon.
“There is no single worldwide standard of poverty, and hence no accepted count
of the poor. But it is believed that from one half to two thirds of the world’s people
consume power than 1500 calories daily and are regularly hungry.5 Di maikakaila na sa
mga mahihirap matatagpuan ang nga taong gutom at halos di makakain dahil sa
kahirapan.
Ito nga ay isa sa mga problemang kinahaharap ng ating bansa. Sa ngayon, malaki
ang magiging epekto nito sa ating ekonomiya, politika at lipunan ng kahit na anong
bansa. Ang problemang ito, ay nararapt lang bigyang solusyon para magkaroon tayo ng
5 Encyclopedia Anuricara” By: Grolier Incorporated (1995) pg. 495
maganda at maunlad na lipunan at maaaring ibunga ng maunlad na bansa. Nakapaloob
din dito ang iba’t-ibang panlipunang problema kagaya ng kawalan ng trabaho,
kakulangan sa edukasyon, kakulangan sa tamang pamamahala na nakakaepekto at
nagbubunga sa atin ng kahirapan.
Ang kahirapan bilang isang pangkalahatang suliranin ay nangangailangan ng
isang pangkalahatang solusyon. Ang solusyon ay ang malinaw, may kamalayan at
sadyang pag-alis ng limang malalaking sangkap ng kahirapan.
At isa ito sa gusto naming malaman, kailangan nating palawakin ang ating
kaalaman ukol ditto dahil sa banding hulin tayo rin ang maiimpluwensyahan lalo na ang
mga susunod na henerasyon o mga kabataan. Dahil kapag dumating ang kahirapan sa
atin, tayo na ang mamamahala sa ‘ting mga buhay.
Ano sa tingin mo ang mga posibleng mangyari sa atin kung kahirapan ay patuloy
na mangyayari ditto sa Pilipinas? Mapagpapatuloy pa bang mga tulad naming mga
kabataan ang ating pag-aaral? Makakain pa ba tayo ng tatlong beses sa isang araw gaya
ng regular na oras n gating pagkain? May kinabukasan pa ba tayo kung magpapatuloy
ang kahirapan?
At yan din ang nais naming malaman ang kung may mga solusyon pa ba sa mga
problemang ito at makakabuti ba ito sa ating bansa o hindi. Nais naming itong malaman
siyempre para na rin mapayaman o mapalawak pa ang aming kaalaman ukol dito.
Statement of the Problem:
Habang patuloy na lumalawak ang ating pag-aaral tungkol sa ekonomiya, ang
ating pagkasangkot sa ekonomiya ng bansa ay mas lumalalim din. Tayo ay mas nagiging
mausisa sa mga bagay na nakapaligid sa atin at mas matuklasin sa mga tanong na: Bakit?
Paano? At Para kanino?
Ang tanong na binibigyang-diin dito ay “Bakit patuloy ang kahirapan sa
Pilipinas?” at upang mabigyang kasagutan ito. Kailangan natin ng ilang kaugnay na
katanungan para sumuporata at makatulong dito. Kailangan natin ng mga susuporta sa
ating katanungan upang mas maintindihan natin ito at magbibigay ng mahalagang
kaalaman tungkol sa mga problema n gating bansa.
Malalaman natin na ang patuloy na paglala ng kahirapan ay nakaka-apekto sa
atin. Kaya ano ang ating maaaring gawin bilang isang simpleng tao upang mapigilan ang
paglaki at paglala ng problemang ito. Malalaman din natin ang pangunahing dahilan ng
malawakang isyu at ang mga magiging epekto nito sa mga lugar at mga taong apektado.
Significance of the study:
Ang araling ito ay ang makapagbibigay sa atin ng mga kasagutan sa mga
problemang kinahaharap ng ating bansa at isa na nga rito ang “kahirapan” na isa sa
pinakamalaking problema na dapat nating masolusyunan, sapagkat kapag nabigyan ito ng
solusyon, ito ay may madaling salita magkakaraan ng pag-unlad sa aitng bansa na gusto
naman ng nakararami.
Ang pag-aaral na ito ay makapaglalawak din ng atin mga kaalaman tungkol sa
kahirapan at maaari rin itong makatulong bilang gabay sa ating pag-unlad.
Dito rin natin mapag-aaralan ang mga isyu at problema na makakaapekto sa atin
sa mga mahihirap na lubos na naghihirap dahil sa taas ng mga bilihin. Kailangan natin
itong malaman sapagkat tayo rin ang unang-unang maapektuhan ng lubos sapagkat tayo
ay sakop ng bansang Pilipinas na kung patuloy syang naghihirap ano pa kaya’y ang mga
anak niya na umaasa lamang sa kanya.
Ang pagharap sa kahirapan ay atin ring matutuhan dito sa talakayang ito, at
maaari rin nating maunawaan pa nang mas malalim ang problema ng kahirapan. Maaari
rin nating malaman ang mga posibilidad na maging kasagutan sa isyu na ito.
Hypotheses:
Patuloy ang kahirapn ng Pilipinas dahil marami sa mga tao ay kulang sa
Edukasyon; Ang pag-aaral tungkol sa problemang ito ay nagpapakita ng kahalagang
relasyon sa pagitan ng Edukasyon at kita ng isang pamilya sa dapat mayroon sila.
Hindi pagkakapantay-pantay ng oportunidad ng bawat indibidwal ay isa din sa
mga dahilan ng kahirapan, kung ating oobserbahan ang bilang ng mga walang trabaho ay
mas malaki kaysa sa mga taong may trabaho.
Kalamidad at kaawalan ng pag-asa ay isa din sa mga dahilan ng kahirapan,
katulad na lamang ng nangyari sa ating mga kababayan naapektuhan ng bagyong Ondoy.
Ang kanilang pag-aari o ari-arian ay nawasak at nawala sa isang iglap dahil sa nasabing
bagyo o sakuna na nagbigay ng kawalan ng pag-asa sa iba na walang naisalba sa kanilang
itinuturing na kayamanan. Ngunit masuwerte parin ang mga taong may nailigtas na mga
ari-arian kahit paano ay mayroon paring magagamit at mapupuntahan. Pero para sa mga
hindi sinusuwerte na katulad din ng mga taong nawalan din ng hanapbuhay nang
dumating ang baha na tumama sa kanilang komunidad. Ito ang ilan sa mga sanhi ng
pagiging mahirap ng ilang tao sa isang sandali at biglaang nakapagpabago ng kanilang
buhay sa isang iglap.
Dahil sa mga bunga ng mga pangyayaring ito na naging dulot ng paghihirap ng
ilang tao, napagdesisyunan naming magpahayag ng ilang maaaring maging solusyon sa
mga problemang ito, ang pagkakaroon ng alituntunin kung ano ang maaaring gawin. Isa
na dito ang pag-alis ng tinatawag na “Recession”, pagkakaroon ng programa sa
pagsasanay sa mga trabaho at pag-aaral, pag-aalis ng pagpili ng trabaho sa mga tao at
programa tungkol sa Tax na ipinapataw at pag-aalok ng trabaho sa mga walang trabaho.
Ito ang ilan sa mga solusyon na aming maipapahayag para mabawasan ang
kahirapan sa Pilipinas.
Scope and Limitation:
Ang saklaw at limitasyon ng sanaysay na ito ay nakasentro sa ating bansa kung
saan karamihan sa mga naninirahan ay naghihirapn o sabihing nating kapus palad sa
buhay. Bukod pa doon, aming ipapaliwanag ang dahilan at epekto ng kahirapan sa isang
indibidwal lalo na sa ating bansa na nakakatulong sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga
pampublikong programa para mabawasan ang mga ganitong suliranin.
Sa kabilang dako, gusto naming isa-isahin ang pangpublikong pag-uugali na
tumutugon sa problemang aming tinatalakay, upang ito’y mas lalong maintindihan ang
mga nagaganap sa atin ngayon. Kasama na rito ang isang programa na kung saan
nalalaman natin ang kalagayan ng mga tao sa lipunan. At upang mapag-usapan ang mga
mahalagang impormasyon sa aming sanaysay; ang pananatili ng kahirapan sa Pilipinas.
Definition of Terms
Quinquennially – tuwing limang taon;pagkatapos ng limang taon
Decennially- tuwing ika-sampung taon; pagkatapos ng sampung taon.
Recession- isang sistema na binubuo ng 'producer, consumer, market,
supply at demand' Ang producer ay ang gumagawa ng 'goods' na
kinokonsuma ng 'consumer' na binibili at binebenta sa 'market' na ang
presyo ay nalalaman base sa 'supply at demand'.
KABANATA II
Mga kaugnay Na pag-aaral: Dayuhan
Ang pagkalat ng kahirapan ay isa sa pinakaimportanteng problema na
kinahaharap natin dito sa Pilipinas at ang kahirapang ito ay isa ring problema na kung
ikukumpara natin sa ibang bansa sa Asia. Ang Southeast Asia Regional Center ay para sa
mga nakagraduate ay karugtong upang mabawasan ang mahihirap sa Asia. Ayon sa
kanilang pananaliksik na ang mabilis na pag-unlad ng Asia kagaya ng timog at timog-
silangang asia ng bansa ay kabaligtaran ng sa Pilipinas na ang pagbabawas ng mga
mahihirap ay napakabagal di kagaya ng Asia particular na ang Indonesia, Thailand,
Vietnam, at China. Pareho ang China at Vietnam ay nagsisimula sa pinakamataas na lebel
ng kahirapan di gaya sa Pilipinas noong 1980’s pero ang kanilang absolutong kahirapan
ay nabawasan at nagging mas mababa sa ating bansa noong 2000’s. Parehong Malaysia at
Thailand ay nagbawas din ng mga mahihirap noong nakaraang 20 taon. Ang absolutong
kahirapan sa Pilipinas ay mas mababa kaysa sa ibang bansa.
Ang Philippines Human Development Report 2005 ay nagpapakita na ang sukat
ng pagkakait kagaya ng disparities na access na reliable water supply, electricity, at higit
sa lahat ay kaalaman kung ano ang nararapat na bahagi ng sibilyan (HDN 2005).
Gayunpaman, ang Metro Manila ay may pinakamababang antas ng kahirapan. Samantala,
ang Bicol, Western Mindanao at Visayas ang may pinakamataas. Noong 2003, ang
bahagdan ng kahirapan ay mataas ng sampung beses sa Bicol at Western Mindanao kaysa
Metro Manila. Sa pangalawang pagkakataon, ang Autonomous Region of Muslim
Mindanao (ARMM) ang naging pinakamahirap noong taong 2003.
Mas mahalaga ay ang pabago-bagong ebolusyon ng kahirapan sa bawat oras. Sa
dalawang rehiyon, Western Mindanao at ARMM, ang kahirapan sa malalim na saklaw ay
mas mataas noong 2003 kaysa 1988. Ito rin ay pagtanggi na nagpapakita ng mga hakbang
na sumasalamin sa pagkakait ng pag-unlad ng tao particular sa kalusugan at edukasyon.
Sa pagtatapos sa taong 1990 ang dalawang rehiyon na ito, particular ang ARMM ay nasa
gitna ng marahas na paghaharap sa pagitan ng mga military at sibilyan.
Sa taong 2000 ng Setyembre, tinapos ng UN General Assembly ang Millennium
Summit sa pamamagitan ng pagtakda ng Millennium Development Goals (MDGs).
Bilang karagdagan, sa unang MDG ng pagpuksa sa matinding kahirapan at kagutuman,
ang iba ay sumasaklaw sa pagkamit ng pangunahing edukasyon, pagtataguyod ng
pagkapantay-pantay sa kasarian ng bawat tao, pagbabawas ng dami ng batang
namamatay, paglaban sa HIV/AIDS, malaria, at iba pang karamdaman, at pagbubuo ng
malawakang pagsasanib sa ikauunlad. At ayon sa pag-aaral ng Nigeria sinabi nila na ang
kanilang bansa ay tatukoy na naghihirap dail sa kurapsyon ng kanilang bansa na
hanggang ngayon ay hindi pa nasusulusyunan.6
Ang isang pag-aaral ng United Nations nang Estadiskita Division (UNSTAT) ay
kinilala ng isang hanay ng mga problema sa pag-unlad na bansa na mukha sa pagsukat at
monitoring ng panlipunan at pag-unlad ng tao na paraan, kabilang ang mga mahihirap na
data ng kalidad, lipas na sa panahon ng impormasyon, kakulangan ng kamalayan ng mga
kasalukuyang data sa availability sa mga gumagamit, at kakulangan ng disaggregated ng
data, tulad ng sa mga lunsod o bayan poor7. Ang pangunahing dahilan para sa pagkasalat
ng maaasahang data sa pinaka-unlad ng mga bansa sa rehiyon ay kakulangan ng sapat na
tao at mga mapagkukunan ng pananalapi, kakulangan ng koordinasyon sa mga statistical
6 http://en.wikipedia.org/wiki/Global_poverty
ahensya ng pangangalap ng impormasyon at mga mahihirap na pamamahala ng mga
umiiral na mga resources. Gayunman, sa kaso ng mga istatistika ng kahirapan, ang labis-
labis diin ilagay sa headcount hakbang ay din hampered anumang pag-unlad at
pagpapabuti ng mga data na maaaring sa kabilang banda ay maaaring nagbago. Habang
ang paghiram sa ideya mula sa Rowntree ng linya ng kahirapan, mamaya may mga
mananaliksik sa halip pinansin ang katotohanan na ang kinang ng kanyang pag-aaral
itaya ang buhay sa paggamit ng maraming iba't ibang klase ng mga pinagkukunan ng
data, ang pamamaraan ng koleksyon ng data at pagtatasa upang makakuha ng
detalyadong mga ebidensiya sa mga bagay na kaugnay sa kahirapan, pati na rin ang
pagtitiklop ng pag-aaral. Ang mga ito ay lugar na kung saan ay dapat pa rin ng mga pag-
aalala sa anumang seryosong pagtatangka upang mapabuti ang mga istatistika ng
kahirapan sa mga bansa ng rehiyon.7
“Since average real incomes of the nonpoor more than double each generation,
the gap ‘haves’ and ‘have-nots’ continually widens.”8
Sa ibang bansa tulad ng US, ang kahirapan sa taong 1970’s-1982 ay tumataas ng
3.4 million sa bawat katao. At nabawasan naman ito ng 31.5 million noong 1989. Ngunit
Ito’y tumalon bigla sa 33.6 million noong 1990 dahilan sa napakalaking populasyon.
7 http://www.un.org/Depts/escap/stat/nl/pov-meas.htm8 Encyclopedia Anuricara” By: Grolier Incorporated (1995) pg. 495
Mga kaugnay Na pag-aaral: Lokal
Sa ating bansa, ang kahirapan ay isang malaking problema na kinakaharap natin.
May iba’t-ibang organisasyon na nagsasagawa ng mga programa para maiwasan ang
patuloy na paghihirap tulad na lamang ng (NEDA), (FNRI), at (NCSO). Ang mga ito ay
nagsasagawa ng malawakang pagsusuri o pagsisiyasat para malaman ang porsyento ng
estado ng bawat pamilyang naninirahan sa ating bansa na mas mahirap kaysa
pangkaraniwan na mahirap.
Ayon sa mga nabangggit na organisasyon sa taong 1985, 59.3 bahagdan ng
pilipinong pamilya na mas mahirap kaysa karaniwan na may tinatayang P2,376
kabuwanang badyet para sa isang pamilya na may anim na miyembro.
Ayon sa SWS survey “isinama nila sa talaan ng bilang ng mga walang trabaho
ang mga tinanong na hindi sakop ng “official definitions" ng walang trabaho batay sa
paglalarawan ng ILO.
Nakasaad sa survey ng SWS na lumobo sa 34.2 porsiyento ang bilang ng mga
walang trabaho sa Pilipinas na nasa edad 18 pataas, ngunit aabot lamang talaga sa 25.9
porsiyento ang naturang listahan kung susundin ang paglalarawan ng ILO ng mga walang
trabaho.”9 na mas nagpalawig pa ng kahiarapn sa pilipinas.
Ang kabuuang kita sa probinsya noong 1971 ay nagkakahalagang P2,818
kumpara sa lungsod na P5,867. Ang kabuuang nagastos namansa mga probinsya ay
P3,474 na kumpara sa lungsodm na P6,810 ang inabot. Nagpapakita lang ito ng di
tamang paggasta. Ang pinakamalaking parte ng kinita na umabot sa 60 bahagdan ay
9 http://www.gmanews.tv/story/161096/sws-survey-sa-mga-walang-trabaho-mahirap-paniwalaan-solon
ginamit para sa pagkain, samantalang ang natitirang 40 bahagdan ay ginamit naman para
sa ibang pangunahing pangangailangan katulad ng pabahay at edukasyon.10
Ang ginamit na panukat ng gobyerno para mapababa ang estado ng kahirapan ng
mga magsasaka sa ating bansa ay ang reporma sa lupa at ang paghikayat na bumuo ng
iba’t-ibang kooperatiba.
10 “General Sociology”, Focus in the Philippines, 2nd Edition, Isabel S. Ponopio, KEN Incorporated 1979 pg.254
KABANATA III
Pamamaraan ng Pananaliksik:
Ang pamamaraang aming ginamit sa pagkuha ng mga impormasyon at mga ideya
ay una, batay na rin sa pakikipanayam sa mga taong nakakaranas ng kahirapan ngayon,
para malaman ang ilang impormasyon kung bakit nila nararanasan ang mga bagay na
iyon. Pangalawa, sa pagsusuri na aming ginawa nagpapatunay na ilan sa mga residente ay
kuntento na sa kanilang kalagayan at tanggap nila ang ganoong sitwasyon. Ang iba
naman ay nagsasabing hindi sila kuntento at gusto ng kaginhawaan sa buhay. Pangatlo,
ang pagsasaliksik sa pamamagitan ng ‘Internet’ na labis na nakatulong sa pagbibigay ng
impormasyon tungkol sa mga dahilan, epekto at mga solusyon sa ating tanong tungkol sa
malalang sitwasyon ng kahirapan. Gayundin, malaki rin ang naitulong ng mga libro para
sa amin upang mas maunawaan ang paksa na ito.
Sa mga paraang iyon, mas napalawak at madali naming maiintindihan ang aming
paksa at nakakapagbigay pa ito sa amin ng mas malawak na pag-unawa patungkol sa
ating kalunos-lunos na kalagayan.
Pakitang Banghay:
Sa pagsisiyasat na aming isinasagawa, kami ay naghanda ng ilang katanungan
hinggil sa kahirapan na nakakaapekto sa kanilang buhay. Ito ang mga sumusunod na
tanong; ilan ang miyembro ng inyong pamilya; ilan ang nagtatrabaho sa pamilya; ilan ang
dumedepende; gaano kalaki ang kita ng nagtatrabaho; sapat ba ito sa buong pamilya;
natutugunan ba ninyo ang inyong pangunahing pangangailangan; bukod sa pangunahing
pangangailangan nakabibili ba ba kayo ng ilang bagay na hindi naman gaano
kahalagahan; ilan ang nag-aaral; ilan ang hindi; ano pang ibang Gawain ng hindi nag-
aaral; hindi ba sila nagtatrabaho; (ilan ang college, high school, elementary) . ayan ang
ilan sa mga katanungan na aming inihatag sa kanila. At ang mga tanong na ito ay
tumulong at nagpalawak sa aming pagsisiyasat.
Respondents ng Pag-aaral:
Bilang tugon sa aming pagsisiyasat, ang ilang residente na aming napagtanungan
na sa tingin naming naaapektuhan ng kahirapan ay sumagot sa aming mga katanungan.
Kagaya na lamang ng isang residente nang Smile Citihomes sa Novalichez na si
Johsie Lava, para sa kanya ang 35 taong gulang may 2 anak na parehong mga bata at ang
isa ay nasa mababang paaralan at ang isa ay dalawang taong gulang pa lamang. Ang kita
nang kanyang asawa ay hindi sapat para sa kanilang pangangailangan sa pangaraw-araw.
At napatunayan naming sa bawat sampung pilipinong mamamayan ay may
humigit kumulang na puto hanggang walong Pilipino ang naghihirap. Ayon ito sa aming
survey.
Ang mga pilipinong ito ay apektado ng sinasabing pagtaas ng mga presyo ng mga
bilihin.
Data Gathering:
Ayon sa aming pag-aaral, napatunayan naming na ang kawalan ng trabaho ng
ilang mga Pilipino ay lubos na nakakaepekto sa kahirapan. Sa katunayan, nakakadagdag
pa ito sa dahilan ng patuloy na paghihirap ng mga Pilipino.
Lumabas sa ulat ng National Statistical Coordination Board (NSCB), ang ahensya
ng pamahalaan sa mga usaping estadistika, na sasapat sa pamilya na may limang
miyembro ang P6,120 kada buwan upang matamo ang mga pangangailangan nila.
Kasama na ang pagtutus nila sa edukasyon ng mga dumedependeng anak. Ayon din sa
pag-aaral nito, ang mga pamilya na nasa Metro Manila ay kailangang kumita ng higit
para makamit ang mga pangangailangan nila sa pagkain at iba pang pangunahing
pangangailangan ng isang indibidwal.
Tumaas ng 5.4 porsiyento ang poverty threshold ng isang pamilya sa Metro
Manila. Ibig sabihin, kailangan kumita ng isang pamilyang may limang miyembro sa
Kamaynilaan ng P275 kada araw o P8,254 kada buwan.11 Sa ganitong paraan,
matutustusan nila ang mga kailngan nila sa pang araw-araw. At kaya nilang sustentuhan
ang bawat pangangailangan ng bawat miyembro ng pamilya.
Sa Pilipinas, ang murang pagkain sa fast-food na may kanin na ay nagkakahalaga
ng P64 kada tao. Samantala, ang gasoline naman ay nasa P34-37 kada litro. Kaya
napapakita lang nasa bawat paggastos ng isang tao ay karugtong sa mga kita at pera na
kanilang kailangan kitain sa isang araw.
Ayon kay Salvador Burgos, isang factory worker na kumikita ng P9,000 sa isang
buwan, hindi na siya bago sa pagsisikip ng sinturon sa kanilang barung-barong sa Metro
Manila.Sa pagkakataong ito, naniniwala ang pamilyang Burgos na ang mga estadistikang
lumabas ay hindi makatotohanan at ang pagbaba ng halaga ng pagkain ang tunay na
salamin ng pagbuti ng buhay sa bansa.12
Sa sitwasyon ito, naipapakita lang na ang kahirapan ay sanhi rin ng mga pagtaas
ng presyo sa ating bansa. Kung bubuti ang mga bilihin, aayos ang pamumuhay ng bawat
indibidwal. Di na sila mabibigatan sa mga presyo at gayundin, matutustusan na nila ang
mga pangunahing bagay na ating talagang kailangan.
Lumabas din sa aming pagsisiyasat na dahilan din ng lubhang paghihirap ang
kawalan ng trabaho ng isang indibidwal. Ang pagtatrabaho ay malaking bagay sa atin
upang mabigyan suporta ang bawat isa. Sa pamamagitan nito, nasusustentuhan natin ang
11 http://www.gmanews.tv/story/49524/12 http://www.gmanews.tv/story/49524/
ating pangangailangan. Sa pagkawala ng trabaho, salapi ng pamilya ay magkukulang. At
kahirapan sa ating lipunan ay lalong mapapalago.
Matapos ang mahabang pagsasaliksik na aming ginawa sa iba’t-iba mang paraan,
natanto naming ang maraming sangkap ng kahirapan at lubos na ngang naapektuhan ang
ating bansa. Dito na lumalabas na marami talaga ang naghihirap sa ating bansa.
Ang data sources na maaaring potensyal na gagamitin para sa panggagaling
kahirapan-related statistics tagapagpahiwatig at isama ang senso populasyon,
sambahayan survey at administratibo na talaan. Gayunman, gaya ng naunang nabanggit,
ang mga datos na proseso collection madalas hindi focus sa mga alalahanin ng mga
kahirapan na tulad ng. Ang populasyon at pabahay senso ay maaaring maglingkod bilang
isang mahalagang pinagkukunan ng disaggregated data sa mga kondisyon ng pabahay,
kasama na ng access sa ligtas na pag-inom ng tubig, trabaho at kawalan ng trabaho.
Gayunman, ang impormasyon ay hindi kapaki-pakinabang para sa mga madalas na
pagtatasa at monitoring ng senso ay isinasagawa quinquennially o decennially.
Survey:
1. Nakakakain po ba kayo ng tatlong beses sa isang araw?
2. Nakakapag-aral po ba lahat ng limang anak ninyo?
3. Natutustusan ba ang pangangailangan niyo sa araw-araw?
4. Sapat ba ang kita ninyo para sa inyong lahat?
5. May trabaho po ba kayo? Ang asawa niyo?