ayoko na! - dspace

24
Bobadilla | 1 Unibersidad ng Pilipinas – Manila Kolehiyo ng Agham at Sining Kagawaran ng Agham Panlipunan AYOKO NA! Isang Pagsasaliksik ukol sa Pag-alis ng Bagong Henerasyon sa Sektor ng Pagsasaka sa Komunidad ng Barangay Sanja Mayor, Tanza, Cavite Ang Seminar Paper na ito ay ipinasa ni: Moselle Hannah P. Bobadilla 2011-35293 BA Political Science May 20, 2015 Ipinasa kay: Prof. Fatima Castillo Tagapayo Political Science 198 (WBYDX)

Upload: others

Post on 03-Oct-2021

1 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

Page 1: AYOKO NA! - DSPACE

B o b a d i l l a | 1

Unibersidad ng Pilipinas – Manila

Kolehiyo ng Agham at Sining

Kagawaran ng Agham Panlipunan

AYOKO NA!

Isang Pagsasaliksik ukol sa Pag-alis ng Bagong Henerasyon sa Sektor ng Pagsasaka

sa Komunidad ng Barangay Sanja Mayor, Tanza, Cavite

Ang Seminar Paper na ito ay ipinasa ni:

Moselle Hannah P. Bobadilla

2011-35293

BA Political Science

May 20, 2015

Ipinasa kay:

Prof. Fatima Castillo

Tagapayo

Political Science 198 (WBYDX)

Page 2: AYOKO NA! - DSPACE

B o b a d i l l a | 2

Abstrak

Sa pag-aaral na ito, ginamit ang Structuration Theory ni Giddens at ang konsepto

ng Social Stratification at Social Mobility upang masagot ang katanungang, bakit

umaalis ang bagong henerasyon sa sektor ng pagsasaka. Ang case study ay isinagawa

sa Brgy. Sanja Mayor, Tanza, Cavite. Ang kwantitatibong bahagi ng pagsasaliksik ay

isang sarbey na mayroong 20 magsasakang katugon. Samantala ang kwalitatibong

datos naman ay nakuha sa pamamagitan ng expert interview sa isang representatib ng

KMP, dalawang key informant interviews mula sa LGU ng lugar at narrative taking sa

mga miyembro ng dalawang magsasakang pamilya.

Sa pamamagitan ng content analysis method, napag-alaman na ang mga

istruktura ng lipunan ay may negatibong epekto sa desisyon ng mga anak ng

magsasaka pagdating sa sektor ng agrikultura. Sila ay umaalis buhat ng pagdami sa

bilang ng pagbabago ng gamit ng lupang pang-agrikultural, kawalan ng sariling lupa,

kakulangan sa suporta galing sa gobyerno, kawalan ng seguridad sa kita sa pagsasaka,

pagdami ng oportunidad na magtrabaho sa ibang sektor buhat ng edukasyon at

mismong ang kanilang mga magulang ay ninanais na magkaroon sila ng ibang uri ng

pamumuhay.

Page 3: AYOKO NA! - DSPACE

B o b a d i l l a | 3

Panimula

Kilala ang Pilipinas sa pang-agrikultural nitong katangian. Karamihan sa mga

Pilipino ay nakabatay sa lupa ang kanilang pamumuhay. Sa katanuyan, hindi

mawawala sa mga lathalain ang pagsasalarawan kay Juan bilang isang magsasakang

nagtatrabaho sa ilalim ng tirik na araw, may suot na salakot at may hila-hilang kalabaw.

Ngunit sa paglipas ng panahon, tila ang ganitong mukha ni Juan ay unti-unti

nang nawawala. Nag-iiba na kung paano ipinipinta sa isipan ng mga tao ang isang

Pilipino. Kadalasan sila ay naisasalarawan bilang mga Overseas Filipino Workers o

mga trabahador sa mga call centers at pabrika. Bakit nangyayari ito sa Pilipinas na isa

namang pang-agrikultural na bansa? Tunay nga kayang nagsisimula nang sumigaw

ang mga bagong henerasyong Pilipino ng “ayoko na!” pagdating sa mga trabaho sa

bukid? Kung gayunman, ano nga ba ang mga dahilan sa pagbabagong ito?

Ang pagsasaka ang isa sa mga pangunahing katawan ng sektor ng agrikultura

sa bansa. Sa pamamagitan ng pag-aaral, sisiyasatin ang mga dahilan kung bakit

umaalis ang mga bagong henerasyon sa pagsasakahan. Aalamin kung paano

naaapektuhan ng iba’t ibang istruktura sa lipunan ang kanilang desisyong lisanin ang

nakagisnang pamumuhay na nakabatay sa sa bukid.

Mga Katanungan sa Pagsasaliksik

Pangkalahatang Katanungan:

Bakit pinipili ng bagong henerasyon ng pamilya ng magsasaka na umalis sa

trabahong pagsasaka?

Mga Tiyak na Katanungan:

1. Anu-ano mga bagay ang nakakaimpluwensya sa pagpili ng trabaho ng mga anak

ng magsasaka?

2. Nakakaapekto ba ang pang-ekonomikong kapasidad ng pamilya sa kagustuhan

ng mga anak umalis sa pagsasaka?

3. Paano nakakaapekto ang mga hangaring pampamilya sa hangarin ng isang

miyembro ukol sa kaniyang naging trabaho?

4. Hinihikayat ba ng gobyerno ang mga kabataan na manatili sa pagsasaka?

5. Paano nakakaapekto ang pagkakaroon ng sariling lupang pangsakahan sa

kagustuhan ng isang indibidwal na magpatuloy sa pagsasaka?

Balangkas ng Pag-aanalisa

Ang pagbubuo ng hangarin ng bawat indibidwal ay nagsisimula sa pagkabata pa

lang at ang mga hangaring ito ay nababago o umiinam depende sa kanilang magiging

Page 4: AYOKO NA! - DSPACE

B o b a d i l l a | 4

mga karanasan, kaalaman at oportunidad. Gayundin, ang mga bagay na ito ay

naaapektuhan ng iba’t ibang istruktura sa lipunan, gaya ng pangaraw-araw na

interaksyon sa kaniyang pamilya na nagpapahiwatig ng mga ekspektasyon ng iba pang

miyembro sa kaniya, pang-ekonomikong kalagayan sa lipunan, pagkakaroon ng sariling

lupang sakahan at oportunidad sa edukasyon.1 Kumabaga, hindi maipapaliwanag na

kaiba mula sa kung ano ang mga karaniwang hangarin ng isang indibidwal sa kaisipang

namumutawi sa lipunan.

Ang hangarin ng isang indibidwal sa ganitong konteksto ay maaaring bigyang

kahulugan bilang kung ano ang gustong mangyari o posisyong maabot sa hinaharap.

Ito ang siyang pangunahing nag-uudyok sa bagong henerasyon sa paggawa ng

desisyong umalis sa sektor ng pangsakahan.

Dahil nga layunin ng pagsasaliksik na ito na alamin kung paano naaapektuhan

ng istruktura ng lipunan ang hangarin ng mga kabataan, ginamit ang pangunahing

kaisipan ng Structuration Theory ni Giddens. Ayon sa teoryang ito, hindi maihihiwalay

ang mga istraktura sa lipunan at ang mga mamamayan dito. Ito ang tinatawag ni

Giddens na ‘duality of structure,’ kung saan ang nadidiktahan ng mga istruktura ang

galaw ng mga tao, ngunit ang istrukturang ito ay bunga rin ng mga kaisipan ng mga tao

mismo. Ang mga istrukturang ito ay tinitingnan bilang mga patakaran at yaman na

ginagamit ng mga tao sa kanilang araw-araw na pakikisalamuha.2

Kung palalagumin ang ganitong pagtingin, may kakayahan ang mga tao na

gumawa o baguhin ang mga istruktura sa lipunan, datapwat wala silang lubos na

kalayaang mamili dahil ang kanilang kaalaman ay salat, gayunpaman ang mga tao ay

nagkakabit ng mga rason at halaga sa kanilang mga aksyon at desisyon.3

Ang Structuration Theory ang gagamiting kaisipan upang mapag-aralan kung

paano binibigyang katwiran ng bawat indibidwal ang kaniyang hangarin habang

nililimitahan ng iba’t ibang istruktura sa lipunan ang kanilang mga desisyon at galaw. Sa

pagpapaliwanag na ito, maaaring sabihin na ang mga mithiin o ang mga bagay na

gustong makamit ng bawat indibidwal, bagaman siya ang nagpasya ukol dito, ay bunga

pa rin ng impluwensya ng kaniyang kapaligiran.4

1 J. Leavy and S. Smith, ‘Future Farmers: Exploring Youth Aspirations for African Agriculture (Policy Brief 037)’,

http://www.future-agricultures.org/publications/research-and-analysis/945-future-farmers-exploring-youth-aspirations-for-african-agriculture/file, 2010, (accessed on February 2015) 2 M. Lamsal, ‘The Structuration Approach of Anthony Giddens’, Himalayan Journal of Sociology and Anthropology,

vol. 5, 2012, pp. 111-122 3 J. Turner, ‘The Theory of Structuration’, American Journal of Sociology, vol. 91, no. 4, 1986, pp. 969-977 4 M. Lamsal, ‘The Structuration Approach of Anthony Giddens’

Page 5: AYOKO NA! - DSPACE

B o b a d i l l a | 5

Gayunpaman, may dalawang aspetong dapat ding tingnan. Una ay ang Social

Stratification na tumutukoy sa kawalan ng pagkapantay-pantay, at ang pangalawa

naman ay ang Social Mobility, kung saan mayroong nangyayaring pagbabago sa

posisyong kinasasadlakan sa lipunan. Ang Social Mobility ay nahahati sa dalawang

klase: ang pagbabago ng posisyon ng isang indibidwal habang siya ay nabubuhay, at

ang pagbabago ng posisyon ng isang grupo sa paglipas ng iba’t ibang henerasyon.5

Ang pagsasaliksik na ito ay magbibigay diin sa ikalawa.

Ang kaugnayan ng Structration Theory sa dalawang konsepto ng Social

Stratification at Social Mobility ay mauugat sa mismong mga istruktura ng lipunang pag-

aaralan. Ang mga bagay gaya ng pang-ekonomikong kalagayan, pagkakaroon ng

sariling lupang sakahan at oportunidad sa edukasyon ay nagdudulot ng Social

Stratification. Samantala, ang pangaraw-araw na interaksyon sa loob ng pamilya ang

nagbibigay ng ideya sa hangarin ng bawat indibidwal na maghanap ng ibang trabaho

labas sa sektor ng agrikultura at magkaroon ng tinatawag na Social Mobility.

Metodolohiya at mga etikal na pagsasaalang-alang

Metodolohiya

Case Study bilang disenyo ng pagsasaliksik

Sa pamamagitan ng disenyo ng case study sa pananaliksik, nakakuha ng datos

na magpapakita ng konteksto ng isang isyu. Ang mga kaalaman sa pag-aaral ay

mahuhubog galing sa mga karanasan, kwento at personal na pagtingin ng mga

kalahok.6 7

Sa pagsasaliksik na ito, binigyan ng mas malalim na pagtingin ang pag-alis ng

bagong henerasyon sa sektor ng pagsasaka at ang pagpili ng trabahong labas sa

sektor ng pagsasaka na maoobserbahan sa Barangay ng Sanja Mayor. Dito ay inalam

kung ano ang kanilang mga dahilan kaya naging ganoon ang kanilang desisyon.

5 L. Li, ‘A Comparative Study of Intergenerational Mobility: Shanghai and St. Petersburg’, Russian Social Science

Review, vol. 55, no. 4, 2014, pp. 4-15. 6 R. Stake, ‘Case Studies’, in Denzin and Lincoln (ed.), Handbook of Qualitative Research, Sage Publications,1994,

pp. 236-247. 7 R. Yin, ‘Case Study Research: Design and Methods, 3

rd edn.’, Applied Social Research Methods Series, vol. 5, Sage

Publications, n.d.

Page 6: AYOKO NA! - DSPACE

Ang Barangay Sanja Mayor bilang Lokasyon sa Pagsasaliksik

Napili ang bayan ng Tanza dahil may

mahalaga itong katangian kun

sa ibang lungsod at bayan sa Kabite. Bukod

sa katabi nito ang bayan kung nasaan ang

Cavite Processing Zone (CEPZ),

pa rin ng munisipalidad ang kalakhan ng

pang-agrikultural na anyo ng lugar. Subalit,

hindi maitatanggi ang unti-unting

dulot na rin ng paglago ng urbanisasyon at

industriyalisasyon dito. Ang rural nitong

katangian ay nababawasan sa malalaking

bahagi ng munisipalidad ayon sa pag

Sa katunayan, naglabas ang Opisinang Pang

opisyal na listahan ng mga magsasaka ng palay para sa taong 2014. Ayon dito, higit sa

kalhati ng 627 na magsasaka ang may edad apatnapu at pataas. Pinapakita nito na ang

mga nakakatandang henerasyon na lamang ang nagpapatuloy na magbungkal

para suportahan ang kani-kanilang pamilya.

Gayundin, sa 41 na barangay sa munisipalidad ng Tanza, napili ang Sanja

Mayor na lokasyon sa pagsasaliksik sapagkat ito ang may pinakamaraming bilang ng

pagbabago sa gamit ng lupa sa munisipalidad ng Tanz

kaya naman may kamalayan ang mga magsasaka sa isyu ng

mga istruktura sa lipunan na titingnan sa pag

Ang mga Kalahok sa Pagsasaliksik

Dahil palay ang pangunahing inaani sa munisipalidad, mga magsa

ang pipiliing kalahok ng pag-aaral para sa sarbey at

opisyal sa LGU na may kinalaman sa barangay at pag

kinapanayam bilang Key Informant.

galing sa Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP).

Mga Datos sa Pagsasaliksik

Ang mga malawak na hanay na datos na

ang mga sumusunod: (1) propayl ng mga magsasaka, antas ng edukasyong kanilang

8 P. Kelly, ‘Everyday Urbanization: The Social Dynamics of Development in Manila’s Extended Metr

International Journal of Urban and Regional Research,

B o b a d i l l a

Figure 1. Mapa ng Cavite(Source: CLUP 2010-2020)

Ang Barangay Sanja Mayor bilang Lokasyon sa Pagsasaliksik

apili ang bayan ng Tanza dahil may

mahalaga itong katangian kung ikukumpara

sa ibang lungsod at bayan sa Kabite. Bukod

sa katabi nito ang bayan kung nasaan ang

Cavite Processing Zone (CEPZ), napanatili

pa rin ng munisipalidad ang kalakhan ng

agrikultural na anyo ng lugar. Subalit,

unting pagbabago

dulot na rin ng paglago ng urbanisasyon at

industriyalisasyon dito. Ang rural nitong

katangian ay nababawasan sa malalaking

bahagi ng munisipalidad ayon sa pag-aaral na ginawa ni Kelly.8

Sa katunayan, naglabas ang Opisinang Pang-agrikultural ng munisipalidad ng

opisyal na listahan ng mga magsasaka ng palay para sa taong 2014. Ayon dito, higit sa

kalhati ng 627 na magsasaka ang may edad apatnapu at pataas. Pinapakita nito na ang

mga nakakatandang henerasyon na lamang ang nagpapatuloy na magbungkal

kanilang pamilya.

Gayundin, sa 41 na barangay sa munisipalidad ng Tanza, napili ang Sanja

Mayor na lokasyon sa pagsasaliksik sapagkat ito ang may pinakamaraming bilang ng

pagbabago sa gamit ng lupa sa munisipalidad ng Tanza sa nakaraang limang taon,

kaya naman may kamalayan ang mga magsasaka sa isyu ng land conversion

mga istruktura sa lipunan na titingnan sa pag-aaral.

Ang mga Kalahok sa Pagsasaliksik

Dahil palay ang pangunahing inaani sa munisipalidad, mga magsa

aaral para sa sarbey at narrative taking, samantala mga

opisyal sa LGU na may kinalaman sa barangay at pag-aagrikultura ang mga

Key Informant. Nagsagawa rin ng panayam sa isang representatib

ing sa Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP).

Mga Datos sa Pagsasaliksik

Ang mga malawak na hanay na datos na ginamit para sa pagsasaliksik na ito ay

ang mga sumusunod: (1) propayl ng mga magsasaka, antas ng edukasyong kanilang

‘Everyday Urbanization: The Social Dynamics of Development in Manila’s Extended Metr

International Journal of Urban and Regional Research, vol. 23, no. 2, 1999, pp. 283-303

B o b a d i l l a | 6

Figure 1. Mapa ng Cavite

munisipalidad ng

opisyal na listahan ng mga magsasaka ng palay para sa taong 2014. Ayon dito, higit sa

kalhati ng 627 na magsasaka ang may edad apatnapu at pataas. Pinapakita nito na ang

mga nakakatandang henerasyon na lamang ang nagpapatuloy na magbungkal ng lupa

Gayundin, sa 41 na barangay sa munisipalidad ng Tanza, napili ang Sanja

Mayor na lokasyon sa pagsasaliksik sapagkat ito ang may pinakamaraming bilang ng

a sa nakaraang limang taon,

land conversion na isa sa

Dahil palay ang pangunahing inaani sa munisipalidad, mga magsasaka ng palay

, samantala mga

aagrikultura ang mga

Nagsagawa rin ng panayam sa isang representatib

para sa pagsasaliksik na ito ay

ang mga sumusunod: (1) propayl ng mga magsasaka, antas ng edukasyong kanilang

‘Everyday Urbanization: The Social Dynamics of Development in Manila’s Extended Metropolitan Region’,

Page 7: AYOKO NA! - DSPACE

B o b a d i l l a | 7

naabot at kung nagmamay-ari ng sariling lupa na nakuha gamit ang sarbey, (2)

paggamit ng lupa sa lugar na nakuha sa Municipal Environment and Natural Resources

Office, (3) bilang ng pagbabago ng gamit ng lupa sa nakaraang limang taon ayon sa

rekord ng Municipal Engineering Office, (4) pang-ekonomikong kapasidad ng pamilya at

mga istrukturang panlipunan na nakakaapekto sa desisyon ng indibidwal ukol sa

pagsasakahan na nakuha sa pagsusuri ng mga pang-akademikong lathalain, narrative

taking sa ilang pamilya ng mga magsasaka sa lugar at expert interview sa KMP, (5)

historya ng pamilya sa pagsasaka at ang kanilang karanasan na inilahad sa isang

narrative taking, at (6) suporta ng gobyerno sa sektor ng pagsakahan at kabuuang

bilang ng mga anak ng magsasakang umaalis sa sektor ng pagsakahan na nakuha sa

mga key informant galing sa LGU ng lugar at expert interview sa KMP.

Primaryang Datos (Kwantitatibong bahagi)

Naglunsad ang mananaliksik ng sarbey upang alamin at magkaroon ng

pangkalahatang datos ukol sa propayl ng mga magsasaka ng barangay at kung gaano

kalaki sa bahagdan ng populasyon ay nagmamay-ari ng kanilang sariling lupang

pangsakahan. Bukod pa rito, layon rin ng sarbey na ito na magbigay ideya kung ano

ang pangkaraniwang antas ng edukasyon na naabot ng mga magsasaka, suporta ng

gobyerno sa sektor ng pangsakahan at ang kinikita sa pagsasaka kada-taon.

Pinili ang mga kalahok sa pamamagitan ng random sampling sa opisyal na

listahan ng mga magsasaka ng palay sa Sanja Mayor para sa taong 2014. Ang

listahang ito ay naglalaman ng 41 na indibidwal na magsasaka, ngunit dahil maaaring

ang mga nakalista rito ay tumigil na sa pagsasaka dahil sa iba’t ibang kadahilanan gaya

ng pagpuntang ibang bansa at pagtigil na sa trabahong bukid, minabuti ng mananaliksik

na ipagtanong at isa-isang matunton ang mga nakalistang magsasaka. Ito ay sa tulong

ng mga Barangay Tanod dahil na rin hindi kilala ng mananaliksik ang mga tao sa

barangay.

Gayundin, ang random sampling ay isinagawa sa pamamagitan ng pagtatakda

ng ispesipikong numero sa mga natitirang magsasakang patuloy na angbubungkal ng

lupa sa listahan at isang random number generator. Ito ay upang matiyak na ang bawat

isa ay may pantay-pantay na pagkakataong maisali bilang kalahok sa sarbey.

Ang bilang ng kalahok sa sarbey ay 20 sa 21 na magsasakang patuloy na

umaani ng palay sa barangay. Ito ay may 95% confidence level at 5% margin of error.

Ito ay nakalkula gamit ang Slovan’s Formula:

Page 8: AYOKO NA! - DSPACE

B o b a d i l l a | 8

Primaryang Datos (Kwalitatibong bahagi)

Upang makita ang konteksto ng mga kwantitatibong datos, nagsagawa rin ng

mga naka-rekord na panayam sa mga Key Informant galing sa LGU, panayam sa isang

expert galing sa Kilusang Mambubukid ng Pilipinas (KMP) at narrative taking sa

pamilya ng magsasaka.

Ang nakapanayam sa Expert Interview ay si Antonio “Ka Tonying” Flores,

Secetary General ng KMP. Dito, inalam kung ano ang kalagayan ng sektor ng

agrikultura sa bansa, mga problema ukol dito at kung paano ito tinutugunan ng

gobyerno. Itinanong rin kung umaalis na nga ba ang mga anak ng mga magsasaka sa

sektor ng pagsasaka at ano ang mga dahilang nag-udyok sa pag-alis na ito.

Gayundin, naglunsad ng Key Informant Interviews sa dalawang opisyal sa LGU

ng lugar. Sila ay sina Rolando Arnes, ang tagapamalakad sa Municipal Agricultural

Office ng Tanza at Rolando Rivera, pangulo ng Association of Barangay Captains

(ABC)-Tanza at ang punong-barangay ng Sanja Mayor. Sila ay tinanong kung may

nakikita nga bang pagtanda ng natitirang magsasaka at kung ano ang mga kapansin-

pansing dahilan nito. Inalam rin kung hinihikayat ba ng gobyerno ang mga anak ng

magsasaka na manatili sa pagsasaka.

Ayon sa estima ng Barangay, higit-kumulang 15 hanggang 20 ang magsasakang

pamilya sa lugar. Dalawa sa pamilyang ito ang binigyan ng mas malalim na diin at

hiningian ng permisong makilahok sa Narrative Taking. Pinuntahan sila ng mananaliksik

upang malaman ang kanilang mga karanasan at pansariling opinyon ukol sa

pamumuhay bilang magsasakang pamilya. Dito malinaw na nailahad kung paano nabuo

ng mga miyembro ang kanilang indibidwal na hangarin at kung anu-ano ang mga bagay

na nakaapekto sa desisyong ito. Sinigurado ng mananaliksik na ang mga

kakapanayamin ay nasa 18 gulang paaas at naging sapat na ang panayam sa

dalawang pamilya upang makakuha ng datos na makapagbibigay ng buong larawan

ukol sa isyu.

Ang dalawang pamilya ay napili sa pamamagitan ng purposive sampling.

Kinakailangang ang karamihan sa miyebro ng pamilya ay nanatili sa munisipalidad at

Page 9: AYOKO NA! - DSPACE

B o b a d i l l a | 9

may miyembrong patuloy na nagsasaka at naging kalahok sa isinagawang sarbey.

Pawang mga lalaki lamang ang nakalista sa opisyal na listahang ginamit sa sarbey

kaya naman mga tatay ang naging batayang miyembrong patuloy na nagsasaka.

Ngunit mayroong pagkakaiba ang dalawang pamilyang ito. Isa sa kanila ay

nabibilang sa grupo ng mga “may kaya” sa barangay, samantalang ang isa ay

nakakaranas ng kakulangan. Ito ay upang makita kung may apekto ba ang pang-

ekonomikong kapasidad sa pagtingin ng mga miyembro sa kanilang pamumuhay bilang

isang magsasakang pamilya. Bukod pa rito, ang tatay na nagsasaka sa unang pamilya

ay may sapat na kaalaman na sa isyu ng agrikultura na bagama’t walang pinag-aralan

ay naging kilala sa lugar dahil na rin sa malawak na kaalaman sa agrikultura. Sa

kabilang banda, ang tatay sa ikalawang pamilya ay masasabing tradisyunal na

magsasaka.

Bilang karagdagan, gumamit rin ang mananaliksik ng Field Notes para magamit

ang mga obserbasyon ng mananaliksik na makakatulong para magkaroon ng buong

larawan ang paglalahad ng kwento ng mga kinapanayam.

Sekondaryang Datos

Ang datos tungkol sa bilang ng pagbabago ng gamit ng lupa ay nakuha sa

pamamagitan ng paghiling ng mga mananaliksik na makakuha ng kopya ng mga ulat at

dokumento sa Municipal Engineering Office ng Tanza at ang Comprehensive Land Use

Plan (CLUP) naman ay sa Municipal Environment and Natural Resource Office. Ang

nakalap na impormasyon ay ginamit upang isalarawan kung ano ang pisikal na

kalagayan ng pag-aagrikultura sa lugar at kung paano nito naaapektuhan ang mga uri

ng trabahong nasa munisipalidad.

Nagkaroon din ng mga pag-aaral sa mga pang-akademikong lathalain ukol sa

pag-alis ng mga kabataan sa sektor ng pagsasaka. Ito ay upang magkaroon

pangunahing kaisipan kung ano nga ba ang mga istruktura sa lipunan na nakakaapekto

sa desisyon ng mga anak ng magsasaka ukol sa pagsasakahan at magbigay ng mga

pangunahing konsepto at ideyang maaaring gamitin sa pagsasaliksik. Kumbaga, ito ang

mga datos na ginamit upang magkaroon ng mas malawak na pagtinigin sa isyu.

Pag-aanalisa ng Datos

Maingat na sinuri ng mananaliksik ang mga mahahalagang konsepto at ideya sa

pamamagitan ng content analysis method para sa mga impormasyong nakalap sa Key

Informant Interviews, Expert Interview at Narrative Taking.

Sa Key Informant Interviews, isinalin muna ang bawat na-rekord na panayam

upang masuri ng maigi ang bawat pahayag. Sunod nito, ang lahat ay isa-isang binasa

Page 10: AYOKO NA! - DSPACE

B o b a d i l l a | 10

ng masinsinan saka hinati sa mga magkakaibang subsets. Nilagyan ng tanda o

komento ang anumang mahalagang ideyang dapat bigyang pansin sa pag-aaral. Ang

mga datos na ito ay iaayos at binalangkas ayon sa naaangkop nitong kategorya.

Kasunod nito ay gumawa ng macro subset kung saan pagsasamahin ang bawat

impormasyong magkakasama sa parehong kategorya (ito ay ang isang pamamaraan

ng coding ayon sa araling itinuro ni Prof. Fatima Castillo).

Pagdating naman sa na-rekord na panayam sa narrative taking, layunin ng

mananaliksik na maisulat ang bawat indibidwal na kwento kung paano ito inilahad ng

mga kalahok. Ang mga karanasang nilahad ay ginawang naratibong nasa first person

point of view upang ipakita na ang nagkukwento ay ang mga kalahok. Hangga’t maaari,

hinango ang mismong mga sanaysay ng kalahok at ito ang ginamit sa naratib.

Nakapaloob din dito ang mga obserbasyon ng mananaliksik nang isagawa niya ang

narrative taking. Ang mga salaysay ay nahahati ayon sa kung saang pamilya sila

kabilang. Sunod ay nilagay ang mga importateng pahayag ng dalawang pamilya sa

talahanayan at pinagkumpara ang mga ito.

Samantala, ang datos naman na nakuha sa sarbey ay ginawan rin ng

talahanayan saka kinuha ang mga porsyento ng mga sagot ng magsasaka at kung

naangkop ay kinuha rin ang mean.

Matapos ang pang-unang pagaanalisa ng mga datos, pinaglingkis ang mga

numerong nakalap mula sa sarbey at mga mahahalagang pahayag sa mga panayam sa

pamamagitan ng pagsasama sa mga magkakaangkop na kwantitatibo at kwalitatibong

datos.

Ginamit ang Structuration Theory bilang gabay upang masagot ang mga

katanungan sa pagsasaliksik at makabuo ng sustantibong kongklusyon mula sa mga

katanungan ng pagsasaliksik.

Etikal na Pagsasaalang-alang

Tiniyak ng mananaliksik na ang lahat ng kinapanayam para sa pag-aaral na ito

ay may free, prior and informed consent upang masiguradong malinaw ang

pagpapakilala, pagpapaliwanang ng paksa at layunin ng pag-aaral at kung paano

gagamitin ang mga impormasyong makakalap.

Walang nakikitang panganib sa pagsasaliksik bukod sa paglabas sa publiko ng

mga personal na impormasyon ng mga kalahok kaya naman upang mapanatili ang

kumpidensyalidad, ang pag-aaral ay gumamit ng alyas sa mga panayam at hindi

paghingi ng pangalan sa sarbey. Ngunit kung sakaling pinahintulutan ng mga

kakapanayamin na ilabas ang kanilang pangalan, lalo na sa mga key informant

interviews, ang paggamit ng alyas ay hindi na kinakailangan.

Page 11: AYOKO NA! - DSPACE

B o b a d i l l a | 11

Gayunpaman, sinigurado na mabibigyang proteksyon ang indibidwal sa

pamamagitan ng di pag-rekord ng ilang bahagi ng mga interbyu ayon sa kanilang

kahilingan. Hindi rin kasamang hinihingi ang pangalan ng indibidwal sa ginanap na

sarbey upang masiguradong wala itong personal na pagkakakilanlan.

Sinomang pumayag maging kalahok sa pagsasaliksik na ito ay binigyan ng

karapatang tumanggi o ipatigil ang kanilang partisipasyon. Ito ay upang masigurado na

ang kanilang partisipasyon ay boluntaryo. Ang pakikipanayam din ay isinagawa sa lugar

na ligtas gaya ng barangay hall, opisina o kaya sa bahay ng iinterbyuhin, kung saan

man mas komportable ang kalahok. Ang resulta ng pag-aaral ay bukas sa sinomang

kalahok sa pagsasaliksik kung ito man ay kanilang hihingiin.

Bagaman ang benepisyo sa pagsasaliksik na ito ay hindi tuwiran o materyal,

inaasahan pa rin na ito ay magsisilbing sanggunian para sa mga susunod pang pag-

aaral na maaaring gawin hinggil sa paksang ito, sapagkat magbibigay ang mananaliksik

ng kopya ng pag-aaral sa Municipal Agricultural Office at sa KMP.

Mga Natuklasan at Diskusyon

Ang sektor ng agrikultura sa Pilipinas

Ang sektor ng agrikultura sa Pilipinas ay nanatiling mahina at problemado, kung

saan ang mga kabilang dito ang pinakamahirap sa lipunan. Ayon nga sa press release

ng Philippine Statistics Authority (PSA) para sa taong 2009, ang poverty incidence ng

mga magsasaka ay 36.7 %, pangalawa sa pinakamataas, at nasa one-third ng

mahihirap sa bansa ay nasa mga rural na lugar 9 10 kaya naman ang pagsasaka ay

tinitingnan bilang indikasyon ng kahirapan.11

Bilang karagdagan, ayon sa pinakahuling datos na naitala ng Philippine Statistics

Authority, kung ikukumpura sektor ng agrikultura sa sektor ng industriya at serbisyo,

tanging ang agrikultura lang ang nakakaranas ng pababang bilang ng mga

manggagawa sa mga nakaraang taon12 at ang karaniwang edad ng mga magsasaka sa

bansa ay 57.13

9 E. Herrera, ‘Corruption in Agricultural Sector and Poverty’, The Manila Times , 28 July 2014,

http://www.manilatimes.net/corruption-agri-sector-poverty/114783/, (accessed on March 2015) 10 Philippine Statistics Authority – National Statistics Coordination Board. ‘Fishermen still the Poorest Sector in

2009’, http://www.nscb.gov.ph/pressreleases/2012/PR-201206-SS2-01_pov2009.asp, 2012, (accessed on March 2015). 11 IRIN Foundation, ‘Filipino Farmers – A Dying Breed?’, http://www.irinnews.org/report/97550/filipino-farmers-a-

dying-breed, 2013, (accessed on February 2015) 12

CountrySTAT Philippines, ‘Employment by Industry Group’, http://countrystat.bas.gov.ph, 2014, (accessed on March 2015) 13

IRIN Foundation, ‘Filipino Farmers – A Dying Breed?’

Page 12: AYOKO NA! - DSPACE

B o b a d i l l a | 12

Ayon sa pagsasaliksik na ito, ang mga dahilan sa likod ng problemang ito ay

mauugat sa mga istruktura sa lipunan na nagdudulot ng negatibong epekto sa

kagustuhan ng mga anak ng magsasaka na manatili sa sektor ng agrikultura. Upang

mas lalong mabigyan ng pokus ang mga ito, ginamit nag mga datos na nakuha mula sa

case study sa Sanja Mayor, Tanza, Cavite.

Pagbabago sa gamit ng lupa

Ayon sa Comprehensive Land Use Plan ng Tanza, noong nakaraang 2010 halos

doble ng laki ng lupang pang-agrikultural ng munisipalidad ang inilaan para maging

built-up areas14. Sa pagdating ng 2020, nilalayon ng pamunuan ng Tanza na lalong

palakihin ang pagitan ng dalawang ito kung saan magiging triple na ng laki ng lupang

agrikultural ang built-up areas. Nasasalamin nito na mas binibigyang pansin ang pro-

market na katangian ng lipunan. Kumbaga, mas binibigyang halaga na ng munsipalidad

ang pagkakaroon ng mga lupang makakasagot sa mga pangangailangan buhat ng

urbanisasyon at industriyalisasyon sa lugar kaysa sa pang-agrikultural nitong

pangangailangan.

Ang barangay ng Sanja Mayor ay nasa

hilagang bahagi ng Tanza. Ito ay napapalibutan

ng lupain at base sa obserbasyon ng mananaliksik,

madaming mga bagong sabdibisyon ang itintayo

rito. Makikita sa Figure 2 ang lokasyon ng Sanja

Mayor (ito ay ang nakapaloob sa pulang kahon).

Samantala, makikita sa Figure 3 ang kasalukuyang

gamit ng lupa sa lugar at ang pinapasang planong

pagbabago ng gamit sa lupa ayon sa CLUP.

Kapansin-pansin na madaming mga maliliit na patse

ng lupang pang-agrikultural (ito ay ang mga kulay

berde sa mapa) ay tatanggalin at ikokonsentra na

lang ang pagsasaka sa ilang barangay na mayroon

pang malalaking hektarya ng bukid.

Figure 3. Kasalukuyang Gamit ng Lupa sa Munisipalidad at ang Planong

Pagbabago ayon sa CLUP (2010-2020)

14

Ayon sa depinisyon ng CLUP, ang built-up areas ay tumutukoy sa kabuuang kategorya para sa residensyal, kumersyal, institusyonal, industriyal na lupa at mga open spaces para sa parke, sementeryo at kalsada

Figure 2. Lokasyon ng Sanja Mayor

Source: CLUP 2010-2020

Page 13: AYOKO NA! - DSPACE

B o b a d i l l a | 13

Sa pagdami ng bilang ng mga lupang sakahang nagiging bahayan, pabrika o iba

pang imprastraktura, mas lalong nababawasan ang pagkakataon ng mga magsasakang

magkaroon ng sarili nilang lupa. Kung isasaalang-alang ang interes ng mga kabataan

sa pagsasaka, malaking bahagdan ng kanilang desisyon ay nakabatay sa kung

magkakaroon ba sila ng paraan para magkaroon ng lupang pangsakahan.15

Kawalan ng Sariling Lupa

Ang usapin ng kawalan ng sariling lupa ay matagal nang isyu ng agrikultural na

sektor sa Pilipinas dahil sa mala-kolonyal at mala-pyudal na katangian ng lipunan. Ayon

nga sa datos ng KMP na nabanggit sa panayam, sa sampung magsasaka, tatlo lang

ang may lupa mula kalhati hanggang dalawang hektarya, habang ang natitirang pito ay

walang sariling lupa.

Sa sarbey na isinagawa ng mananaliksik, lahat ng katugon ay nagsabing wala

silang sariling lupa at nagtatrabaho lamang bilang tenant kahit na lagpas sampung taon

na silang nagbubungkal sa bukid.

Kadugtong pa nito, nabanggit ni Rivera sa panayam na dahil hindi pagmamay-ari

ng magsasaka ang lupa, hindi na ito pinaglalaanan ng pagod at mahabang panahon ng

mga anak ng magsasaka kung may iba naman silang opsyon ng mapapagkunan ng

trabaho. Kasi kahit na pagyamanin nila ang lupa, hindi rin naman ito mapupunta sa

kanila. Kung titingnan, makikita na ang pagiging tenant ng kanilang mga magulang ang

15

P. Njenga, et. al. ‘Youth and Women Empowerment through Agriculture in Kenya’, http://www.vsojitolee.org/sites/vso_jitolee/files/documents/Reports/youth-and-women-empowerment-through-agriculture-2013.pdf, 2013, (accessed on February 2015)

Source: CLUP 2010-2020

Page 14: AYOKO NA! - DSPACE

B o b a d i l l a | 14

nag-uudyok sa anak na huwag na lang din umasa sa pagsasaka. Kahit na nabibigyan

ng pagkakataon na makapgbungkal ang kanilang magulang sa ngayon, hindi tiyak kung

ito ba ay magpapatuloy sa hinaharap.

Suporta mula sa Gobyerno

Ayon sa KMP na napakaliit ng subsidyong ibinibigay ng gobyerno sa sektor ng

agrikultura. Bukod pa rito, ang binibigay na suporta ay hindi tumutulong upang

magkaroon ng pangmatagalang benepisyo ng mga maralitang magsasaka, bagkus

nagiging kasangkapan pa nga ang gobyerno at mga batas na mas lalong pahirapin ang

mga maralitang magsasaka. Ang gobyerno mismo ay walang pagtingin kung paano pa-

uunlarin ang agrikultura sa bansa. Ika nga ni Tonying ng KMP, “kapag sinasabi nating

magsasaka, siya ang backbone of the nation. Pero paano mo makikita ang backbone of

the nation kung walang suporta sa gobyerno?”

Gayundin, nang tanungin kung sapat ba ang suportang binibigay ng gobyerno sa

kanilang sektor, nagkasundo ang sagot ng mga katugon sa sarbey kung saan lahat sila

ay nagsabi na hindi ito nakakasapat, bagamat mayroong mga isinisagawang programa

ang gobyerno tulad ng pagbibigay ng panimulang puhunan sa mga out-of-school-youth

na gustong magsaka, pamamahagi ng dalawang palay thresher, pagbibigay ng mga

libreng kagamitan sa pagtatanim tulad ng mga binhi, fertilizer at insecticide at

paglulunsad ng mga libreng seminar.

Kita sa Pagsasaka

Tinitingnan rin ang pagsasaka bilang trabaho na walang katiyakan.

Nangangailangan ang pagsasaka ng dedikasyon, kapital upang magsimulang

makapagtanim at sapat na kaalaman sa pagatanim, ngunit ang kadalasang nagiging

kapalit nito ay mabagal dumating, maliit ang halaga at hindi nakakasapat sa

pangangailangan. Ang pag-aani rin ay hindi buwan-buwan kaya may mga panahong

walang kinikita ang mga magsasaka.16

Bukod pa rito, mababa lang ang kita ng mga magsasaka, kung minsan ay

nakakaranas din sila ng pagkaluge sa ani. Ito ay buhat ng sistema sa lipunan kung saan

malaki ang gastos sa pagtatanim, ngunit ang mga produkto ay nabebenta lamang sa

mababang halaga. Kinakapos sila sa mga gastusin kaya napipilitan ang mga

magsasaka na maghanap ng ibang paraan upang makakuha ng karagdagang pera.

Marahil ang kawalan ng seguridad na ito ay nakikitang malaking bagay na nag-

uudyok kung bakit nadidiktahang umalis ang mga anak ng magsasaka sa sektor ng

16

P. Njenga, et. al. ‘Youth and Women Empowerment through Agriculture in Kenya’, http://www.vsojitolee.org/sites/vso_jitolee/files/documents/Reports/youth-and-women-empowerment-through-agriculture-2013.pdf, 2013, (accessed on February 2015)

Page 15: AYOKO NA! - DSPACE

B o b a d i l l a | 15

agrikultura at hindi na manahin ang trabaho ng kani-kanilang magulang kung sila ay

mabibigyan ng pagkakataon.

Hirap sa bukid at ang kagustuhan ng mga magulang

85% ng mga magsasaka ang sumagot na nagtrabaho sila sa bukid dahil minana

nila ang trabahong ito sa kanilang mga magulang, samantala 15% ang nagsabing wala

silang ibang mapasukang trabaho kaya sila napilitang magsaka. Gayunpaman, ayon sa

panayam kay Rivera at Arnes, pareho nilang sinabi na umaayaw na ang mga anak na

magsaka sa bukid.

Isa sa mga dahilan ay ang hirap ng katawan sa pagsasaka ngunit ang kanila

namang kinikita ay hindi sapat at walang katiyakan. Mas pinipili nila ang ibang paraan

upang kumita ng pera tulad ng pamamasukan bilang labor sa mga sabdibisyon at

pagtatrabaho sa pabrika.

Kasunod pa nito ay mas mataas ang pagtingin ng lipunan sa mga trabaho sa

pabrika kaysa sa bukid dahil mas maalwan ang trabaho sa pabrika, laging nakapostura,

hindi nakalubog sa putik at siguradong sumesweldo kada-kinsenas at katapusan ng

buwan. Nakakaapekto rin kung paano isinasalarawan ng media ang pagsasaka bilang

mababang uri ng trabahong hindi nagbibigay ng mataas na estado sa lipunan.

Maraming mga kabataan sa rural na pamayanan ang umiiwas sa trabaho sa bukid at

naghahangad na magtrabaho sa ibang sektor.17

Kung ikukumpara ang pagtingin sa mga magsasaka sa pang-agrikultural na

bansang Pilipinas at sa industriyalisadong bansang Japan, kapansin-pansin na mas

mataas ang pagtingin sa mga magsasaka sa Japan dahil ang mga magsasakang hapon

ay mayroong sapat na impluwensya at kakayahang ipahayag ang kanilang hinaing sa

gobyerno kaya naman sila ang may pinakamataas na lebel ng agricultural protectionism

upang mapanatiling malakas ang kanilang sektor ng agrikultura. Bukod pa rito, ang mga

magsasaka sa Japan ay bagaman nagsasaka lang ng maliit na sukat ng lupa, sila ay

umaani pa rin ng sapat dala ng teknolohiya sa bansa.18 19 20

Nabanggit din sa panayam na hindi na rin ineengganyo ng mga magulang ang

kanilang mga anak na tumulong sa tubigan o kaya ay maging magsasaka rin. Ang

17

J. Rigg, ‘Land, Farming Livelihoods, and Poverty: Rethinking the Links in Rural South’ 18 M. Honma, ‘Japan’s Agricultural Policy and Protection Growth’, in T. Ito and A. Krueger (ed.), Trade and

Protectionism, NBER-EASE, vol. 2, University of Chicago Press, 1993, pp. 95-114 19

R. Martini at S. Kimura, ‘Evaluation of Agricultural Policy Reform in Japan’, Organization for Economic Co-operation and Development Publishing, 2009. 20 S. Poungchompu, et. al., ‘Aspects of the Aging Farming Population and Food Security in Agriculture for Thailand

and Japan’, International Journal for Environmental and Rural Development, vol. 3, no. 1, 2012, pp. 102-107

Page 16: AYOKO NA! - DSPACE

B o b a d i l l a | 16

nagiging katwiran kasi ng mga magulang ay ayaw na nilang ipadanas sa kanilang mga

anak ang hirap sa pabubukid. Kaya hangga’t maaari pinag-aaral nila ang kanilang mga

anak upang makapagtrabaho sa ibang lugar.

Upang mas malinaw na makita kung paano nakakaapekto ang kawalan ng

seguridad sa kita, edukasyon at pagmumulat ng mga magulang sa kanilang mga anak

sa hirap ng trabaho sa bukid, makikita sa Table 2 at 3 ang buod ng kwento ng Pamilya

Santos at Pamilya Carpio.

Table 2. Ang Buod ng mga Kwento ng Pamilya Santos (Tatay Felipe) at Pamilya

Carpio (Tatay Noli)

Kategorya ng Karanasan Tatay Felipe Tatay Noli

Pinagmulang uri ng pamilya Nanggaling sa pamilya ng

tenant na magsasaka

Nagsimulang magtrabaho

sa bukid sa murang taong

gulang na 10 taon

Nanggaling sa

magsasakang pamilya na

nagmamay-ari ng sariling

lupang sakahan

Nagsimulang magtrabaho

sa bukid ng mga higit

sampung taong gulang

Lupang sakahan Walang sariling lupa at

nagtatrabaho lamang

bilang tenant

Walang sariling lupa at

nagtatrabaho lamang

bilang tenant

Antas ng edukasyong naabot Tumigil sa pag-aaral

noong Grade 4; hindi

nakatapos ng elementarya

Nang matutuong

magsaka, hindi na naging

prayoridad ang pag-aaral

Hindi nakapagtapos ng

elementarya

Kagustuhang magsaka Sa sampung

magkakapatid, siya

lamang ang talagang

binuo ang pagsasaka

Mas piniling bumalik sa

bukid kaysa magtrabaho

sa ibang sektor

Ginustong magtrabaho sa

gobyerno o kaya ay

maging sundalo ngunit

dahil walang tinapos,

tinanggap niyang

hanggang doon na lang

siya sa sakahan

Uri ng pamumuhay Noon ay simple, payak at

Pinagkakasiya lang ang

maliit na kita ngunit

nakakaranas pa rin ng

kasalatan dahil hindi sapat

ang kinikita sa bukid kaya

naghanap ng ibang

trabaho para mapunan

Nararamdaman niya ang

hirap sa pagsasaka,

pagod sa katawan at

pagod sa isipan kakaisip

ng mga gastos

Kinakailangang

mangutang ng kapital para

makapagtanim

Page 17: AYOKO NA! - DSPACE

B o b a d i l l a | 17

ang lumalaking gastos

Ngayon ay nakakaalwan

na at nagtatrabaho na

lang sa bukid upang hindi

maipahinga at manghina

ang katawan

Mahirap ang buhay. Ika

nga niya “walang nalasap

na kaligayahan sa

pagsasaka”

Mga paraang ginawa para

kumita ng pera bukod sa

pagsasaka

Nagtrabaho sa Saudi

Nagculture ng African

Catfish

Nagpadami ng baka

Nagparenta ng videoke

Wala ng oras na

maghanap ng ibang

trabaho dahil buong araw

nag-aalaga ng kalabaw

Pagkakaroon ng hangarin

para sa kanilang anak Ayaw na ipamana sa mga

anak ang pagsasaka kaya

sinikap na pagtapusin ng

kolehiyo

Iminulat din sa pagsasaka

ang mga anak kung saan

ang ilan ay kasa-kasama

niya pa rin sa bukirin

hanggang ngayon

Suportang natatanggap sa

gobyerno Para sa kaniya, maraming

kakulangan ang gobyerno

[walang nabanggit]

Tabe 3. Ang Buod ng mga Kwento ng Pamilya Santos (Anna) at Pamilya Carpio

(Linda)

Kategorya ng Karanasan Anna Linda

Tumulong sa magulang na

magsaka

Tumutulong lamang sa

mga simpleng gawain sa

bukid, ngunit tinigil na ito

nang magsimulang

magtrabaho

Nagtanim rin noong edad

bente, ngunit tumigil rin

dahil nagtrabaho sa

Maynila

Antas ng edukasyong naabot Nakapagtapos ng kolehiyo Nakapagtapos ng hayskul

sa isang pampublikong

paaralang malapit sa lugar

Kagustuhang magsaka Nang mabigyan ng

oportunidad na makapag-

aral ng kolehiyo, kahit na

naranasan niyang

tumulong sa bukid, doon

na siya nagsimulang

magkaroon ng pag-aasam

na maging propesyunal.

Hindi niya ginustong

manatili sa pagsasakahan

Ginusto niya maging nars

pero hanggang hayskul

lang siya kayang

suportahan ng kaniyang

magulang

Kitang-kita ang pag-ayaw

niyang magpatuloy sa

pagsasaka dahil nakita

niyang kahit may kinakain

sila, wala namang

natitirang pera, bagkus

nagkakautang pa nga

Page 18: AYOKO NA! - DSPACE

B o b a d i l l a | 18

Uri ng pamumuhay ayon sa

kanilang perspektibo Maraming pagkakataong

kinakapos sila simula

nung bata hanggang siya

ay magkolehiyo

Nakita niyang nagtrabaho

agad yung mga mas

matatanda niyang kapatid

at nangungutang ang

kaniyang mga magulang

Hindi sila namamasyal sa

ibang lugar, ang

pinakapahinga na ng

kanilang pamilya ay

manatili sa bahay

Mahirap ang buhay kung

saan ang natitira sa mga

inani ay yun din ang

kakainin

Hindi sila nakakabili ng

mga bagong gamit

Nang magkaroon ng

sariling pamilya, “kayod-

kalabaw” para mapag-aral

ang mga anak at hindi na

matulad sa kanila na

napilitang magsaka

Kasalukuyang trabaho Nagtatrabaho sa Cavite

Processing Zone bilang

industrial engineer

Walang tiyak na trabaho.

Kung ano lang ang

dumadating na pedeng

mapagkuhanan ng konting

kita

Makikita na sa mga kwentong inilahad ng Pamilya Santos at Carpio at nabanggit

din sa panayam kay Arnes at Rivera na lahat sila ay sumasang-ayon na ang mga

magulang na nagsasaka na mismo ang nagpapakita ng motibo na hindi nila gustong

maging magsasaka rin ang kanilang anak. Ayaw na nilang iparanas kung ano ang hirap

na kanilang pinagdaanan sa bukid at ang mga pagkakataong talagang sila ay

kinakapos sa pang-araw araw na gastusin.

Ang kaibahan lang sa naging kwento ng Pamilya Santos at Carpio ay buhat ng

Social Stratification. Makikita na halos pareho ang mga istruktura sa lipunan na kanilang

kinalakihan at ginalawa. Ngunit sa isang kaso, nakagawa ng paraan si Tatay Felipe na

madala at mabigyang oportunidad ang kaniyang mga anak na magtrabaho sa ibang

sektor. Sa ngayon, sila ay nakakaranas ng mas mataas na uri ng pamumuhay kung

ikukumpara noon. Si Anna ay naging propesyunal at kasalukuyang nagtatrabaho na sa

pang-industriyal na sektor at siya ay malabo ng bumalik sa trabaho sa bukid.

Samantala, si Tatay Noli naman ay hindi napagtagumayang mapagtrabaho ang

kaniyang mga anak sa ibang sektor dahil na rin sa kahirapan ng trabaho. Bagaman

parehong nanggaling sa pamilyang magsasaka, nagkaroon ng mga sirkumstansya na

nagdulot ng hindi pagkaroon ng pantay na oportunidad si Tatay Noli at Tatay Felipe.

Bukod pa rito, natali si Tatay Noli sa mahirap na trabaho sa bukid at kulang din siya sa

mga kuneksyong mas makakapagbigay sana sa kaniya ng kaalaman sa pagsasaka

Page 19: AYOKO NA! - DSPACE

B o b a d i l l a | 19

kaya hindi siya nagkaroon ng panahon na makahanap ng ibang paraan tulad ni Tatay

Felipe.

Dala na rin ng hirap sa pagsasaka, gustuhin niya mang huwag ipamana ang

kaniyang pagiging magsasaka, ito na rin ang kabuhayang kinamulatan ng kaniyang

mga anak. Ngunit, mahalagang bigyang pansin na kahit naging ganito ang kaso, wala

pa rin sa kaniyang mga anak ang nagtuon ng buong oras sa bukid at ang mga ito ay

naghahanap ng ibang daan para kumita ng pera.

Samakatuwid, si Tatay Noli ay sumasalamin sa isang tradisyunal na

magsasakang nawalan na ng oras para makapaghanap pa ng ibang mapagkukuhanan

ng pera bukod sa pagbubungkal ng lupa. Naging normal na ang ganitong pagtingin sa

mga magsasaka na sila ay ay dapat lamang na ibuhos ang kaniyang puhunan at pagod

sa pagtatanim kahit hindi sila nakakaranas ng pag-unlad. Ito ang dahilan kung bakit ang

kaisipan ng lipunan na mababa ang estado ng pamumuhay ng mga magsasaka ay

namumutawi, kaya naman maraming mga magsasakang magulang ay ayaw nang

ipamana ang pagbubukid sa kanilang mga anak, ngunit ang ilan tulad ni Tatay Noli ay

walang pagpipilian kundi ipamulat sa kanilang mga anak ang trabaho sa bukid.

Ang konsepto ng Social Mobility o ang pagbabago ng posisyon ng isang grupo

sa paglipas ng iba’t ibang henerasyon ay mas kapansin-pansin sa kaso ng Pamilya

Santos. Ngunit, hindi rin naman maikakaila na sa henerasyon ng pamilya ni Linda, anak

ni Tatay Noli, ang pamilya Carpio ay unti-unti na ring nakakaranas ng Social Mobility.

Nabanggit kasi ni Linda na pinilit niyang mapag-aral ang kaniyang mga anak at sila

ngayon ay nagtatrabaho na rin sa industriyal na sektor.

Makikita na ang Social Mobility ng dalawang pamilya ay hindi nangyari ng sabay.

Sa una ay sa henerasyon ng mga anak ni Tatay Felipe, sa kabila naman ay sa

henerasyon pa ng mga apo ni Tatay Noli. Subalit, may makikitang pagkakapareho sa

dalawang pangyayaring ito. Ito ay nirarapat ng mga magulang na pag-aralin ang

kanilang mga anak upang sila ay makakuha ng oportunidad ng mas magandang

trabaho at magkaroon ng mas magandang buhay. Gayundin, ginagawa nilang

tuntungan ang pagsasaka upang mapag-aral ang kanilang mga anak at maiahon sila sa

kahirapan.

Table 4. Istrukturang panlipunang nakakaapekto sa kagustuhang umalis o

manatili ng bagong henerasyong Pilipino sa pagsasaka

Unang lebel Pangalawang lebel

Pagbabago ng Gamit ng Lupa Dumadami ang bilang ng mga lupang

agrikultural na ginagawang mga

sabdibisyon at pabrika

Pagiging pro-market ng lipunan kung saan

Page 20: AYOKO NA! - DSPACE

B o b a d i l l a | 20

mas tinutuonan ang pangangailangan

buhat ng urbanisasyon at industriyalisasyon

Kumokonti ang pagkakataon ng mga

magsasakang magkaroon ng kanilang

sariling lupa

Hangaring Pampamilya Hindi na ineengganyo ng mga magulang

ang kanilang anak na magsaka dahil sa

hirap ng trabaho sa bukid

Mas gusto nilang magtrabaho ang kanilang

mga anak sa ibang sektor

Edukasyon Ang kawalan ng edukasyon ang tumatali sa

ibang mga magsasaka sa trabaho sa bukid

Ang pagkakaroon ng edukasyon ang

nagbibigay ng mas madaming oportunidad

upang makapagtrabaho sa ibang sektor

Mas tinitingnan ang pagtatrabaho sa ibang

sektor na daan upang maitaas ang estado

sa lipunan

Seguridad ng Kita sa Pagsasaka Kawalan ng tiyak na kita

Hindi kumikita kada-buwan

Nagkakaron lamang ng pera matapos

umani

May tiyansa na malugi ang mga

magsasaka at mabaon sa inutang na

pangkapital

Hindi sapat ang kinikita sa mga gastusin sa

araw-araw kaya nakakaranas sila ng

kasalatan at kaakibat nito ay ang

mababang imahe ng mga magsasaka sa

lipunan

Suporta ng Gobyerno Nananatiling atrasado ang sektor ng

agrikultura dahil hindi ito napaunlad ng

gobyerno kaya madaming mga anak ng

magsasakang nakikitang ang hirap sa

mano-manong pagbubukid at pinipili na

lang magtrabaho sa ibang lugar

Kakulangan sa subsidyo sa sektor ng

agrikultura

Page 21: AYOKO NA! - DSPACE

B o b a d i l l a | 21

Konklusyon

Ayon sa ginawang pag-aaral ang mga istruktura sa lipunan ay negatibong

nakakapaketo sa kagustuhan ng mga anak ng magsasaka na sundan ang trabahong

nakagisnan sa kanilang mga magulang. Ang mga ito ay sumusunod:

Pang-ekonomikong kapasidad ng pamilya

Sa tanong kung nakakaapekto ba ang pang-ekonomikong kapasidad ng pamilya

sa kagustuhan ng mga anak umalis sa pagsasaka, ang sagot ay oo. Base sa mga

nakuhang datos, ang kahirapan ay hindi mailalayo sa sektor ng agrikultura. Kaya

naman madaming mga nagsasakang magulang ang ayaw nang pagtrabahuhin sa bukid

ang kani-kanilang mga anak. Mas pinapahalagahan nila ang oportunidad na

magtrabaho sa ibang sektor sapagkat ang tingin nila ay mas magiging maayos nag

kinabukasan ng kanilang mga anak kapag umalis sila sa sektor ng pagsasaka.

Dito pumapasok ang pang-ekonomikong kapasidad ng mga pamilya, kung saan

sinusukat ang kakayanan nilang mapag-aral ang kanilang mga anak. Ang edukasyon

ang nakiktang susi ng mga pamilya ng mga magsasaka upang magkaroon ang kanilang

mga anak ng mas maraming oportunidad sa paghahanap-buhay. Ngunit ang positibong

antas ng edukasyon ay nagdudulot ng negatibong epekto sa kagustuhan ng mga anak

ng magsasakang magbukid.

Hangaring pampamilya

Sa tanong naman kung paano nakakaapekto ang mga hangaring pampamilya sa

hangarin ng isang miyembro ukol sa kaniyang naging trabaho, ang sagot dito ay

manggagaling sa mga nakuhang datos sa karanasan ng Pailya Santos at Carpio, kung

saan ang mga magulang na ang tumatangging ipamana ang pagsasaka sa kanilang

mga anak buhat ng hirap sa bukid at kahirapang kaugnay ng pagsasaka.

Dito din pumapasok ang kaisipan na mababa ang imahe ng magsasaka sa

lipunan kaya iniiwasan ito ng mga anak ng magsasaka at naghahangad silang

makapagtrabaho sa ibang sektor tulad ng pabrika na mas makakapagbigay ng tiyak na

kita at mataas na estado sa lipunan.

Gobyerno

Ang gobyerno ang isa sa mga pinakamalaking istruktura sa lipunan na

nakaapekto sa sektor ng agrikultura lalo na pagdating sa subsidyo at pagtatayo ng mga

imprastraktura. Kung tatanungin kung hinihikayat ba ng gobyerno ang mga kabataang

manatili sa pagsasaka, ang sagot dito ay hindi. Bagaman, hindi direkta, dahil sa

kawalan ng suporta ng gobyerno, hindi naeengganyo ang mga Pilipinong anak ng

magsasaka na magtrabaho sa bukid. Hindi sapat ang pagbibigay lamang ng mga

Page 22: AYOKO NA! - DSPACE

B o b a d i l l a | 22

kagamitan sa pagtatanim, makikita kasi na ang agrikultura ay nanatiling atrasado sa

kabuuan.

Sariling lupang sakahan

Ang pagtaas ng bilang ng pagbabago ng gamit sa mga lupang agrikultural. Mas

lalong kumokonti ang lupang sakahan kaya naman marami sa mga magsasaka ang

hindi nagkakaroon ng pagkakataong mag-ari ng kanilang sariling lupang binubungkal.

Halos lahat sila ay nagtatrabaho bilang tenant na kahit na hindi nakakaranas ng

pagpapalayas sa lugar, kinakailangan pa ring magbigay ng ani o kaya naman ay renta

sa panginoong may lupa kahit na sobrang liit lang ang kanilang kinikita kada-ani.

BIlang karagdagan, naiisip din ng mga anak ng magsasaka na kahit pagyamanin

nila ang lupa, hindi naman ito magiging kanila kaya sayang lang ang kanilang pagod.

Ang kawalan ng seguridad na ito ay nanatiling usapin at problema sa mga tenant na

magsasaka, kaya ang mga anak nila ay pinipiling magbuhos na lamang ng panahon sa

ibang bagay na makapagbibigay sa kanila ng mas tiyak na kinabukasan tulad ng

pagtatrabaho sa ibang sektor. Ito ang sagot sa katanungan kung paano nakakaapekto

ang pagkakaroon ng sariling lupang pangsakahan sa kagustuhan ng isang indibidwal

na magpatuloy sa pagsasaka.

Bilang konklusyon, hindi maitatanggi na umaalis na ang mga anak ng mga

magsasaka sa sektor ng pagsasaka. Ang kanilang desisyong ito ay buhat na rin ng mga

istrukturang namumutawi sa lipunan tulad ng mga nabanggit sa itaas.

Page 23: AYOKO NA! - DSPACE

B o b a d i l l a | 23

Sanggunian

CountrySTAT Philippines, ‘Employment by Industry Group’,

http://countrystat.bas.gov.ph, 2014, (accessed on March 2015)

Harada, Y., ‘Japan’s Agriculture and the TPP’, http://www.tokyofoundation.org/en/

articles/2013/japan-agriculture-and-tpp , 2013, (accessed on April 2015)

Herrera, E., ‘Corruption in Agricultural Sector and Poverty’, The Manila Times , 28 July

2014, http://www.manilatimes.net/corruption-agri-sector-poverty/114783/,

(accessed on March 2015)

Honma, M., ‘Japan’s Agricultural Policy and Protection Growth’, in T. Ito and A. Krueger

(ed.), Trade and Protectionism, NBER-EASE, vol. 2, University of Chicago Press,

1993, pp. 95-114

IRIN Foundation, ‘Filipino Farmers – A Dying Breed?’,

http://www.irinnews.org/report/97550/filipino-farmers-a-dying-breed, 2013,

(accessed on February 2015)

Kelly, P., ‘Everyday Urbanization: The Social Dynamics of Development in Manila’s

Extended Metropolitan Region’, International Journal of Urban and Regional

Research, vol. 23, no. 2, 1999, pp. 283-303

Lamsal, M., ‘The Structuration Approach of Anthony Giddens’, Himalayan Journal of

Sociology and Anthropology, vol. 5, 2012, pp. 111-122

Leavy, J. and Smith, S., ‘Future Farmers: Exploring Youth Aspirations for African

Agriculture (Policy Brief 037)’, http://www.future-

agricultures.org/publications/research-and-analysis/945-future-farmers-exploring-

youth-aspirations-for-african-agriculture/file, 2010, (accessed on February 2015)

Li, L., ‘A Comparative Study of Intergenerational Mobility: Shanghai and St. Petersburg’,

Russian Social Science Review, vol. 55, no. 4, 2014, pp. 4-15.

Martini, R. and Kimura, S., ‘Evaluation of Agricultural Policy Reform in Japan’,

Organization for Economic Co-operation and Development Publishing, 2009.

Njenga, P. et. al., ‘Youth and Women Empowerment through Agriculture in Kenya’,

http://www.vsojitolee.org/sites/vso_jitolee/files/documents/Reports/youth-and-

Page 24: AYOKO NA! - DSPACE

B o b a d i l l a | 24

women-empowerment-through-agriculture-2013.pdf, 2013, (accessed on

February 2015)

Philippine Statistics Authority – National Statistics Coordination Board. ‘Fishermen still

the Poorest Sector in 2009’, http://www.nscb.gov.ph/pressreleases/2012/PR-

201206-SS2-01_pov2009.asp, 2012, (accessed on March 2015).

Rigg, J., ‘Land, Farming Livelihoods, and Poverty: Rethinking the Links in Rural South’,

World Development, vol. 34, no. 1, 2005, pp. 180-202

Stake, R., ‘Case Studies’, in Denzin and Lincoln (ed.), Handbook of Qualitative

Research, Sage Publications,1994, pp. 236-247.

Turner, J., ‘The Theory of Structuration’, American Journal of Sociology, vol. 91, no. 4,

1986, pp. 969-977

Yin, R., ‘Case Study Research: Design and Methods, 3rd edn.’, Applied Social Research

Methods Series, vol. 5, Sage Publications, n.d.