atityud ng matatanda sa boluntarismo

22
Atityud, Pananaw at Paglahok ng Matatanda sa Bolunterismo Pahina 1 ng 22 Atityud, Pananaw at Paglahok ng Matatanda sa Bolunterismo Ipinasa ni GLENN B. GOMEZ Socio 216 Ipinasa kina GRACE T. CRUZ, Ph.D. JOSEFINA N. NATIVIDAD, Sc.D. Propesor, Socio 216 DEPARTAMENTO NG SOSYOLOHIYA Kolehiyo ng Agham Panlipunan at Pilosopiya Unibersidad ng Pilipinas Diliman, Lungsod Quezon 08 Oktubre 2013

Upload: iht-gomez

Post on 29-Nov-2015

850 views

Category:

Documents


9 download

TRANSCRIPT

Page 1: Atityud Ng Matatanda Sa Boluntarismo

Atityud, Pananaw at Paglahok ng Matatanda sa Bolunterismo Pahina 1 ng 22

 

     

 

Atityud, Pananaw at Paglahok ng Matatanda

sa Bolunterismo

Ipinasa ni

GLENN B. GOMEZ Socio 216

Ipinasa kina

GRACE T. CRUZ, Ph.D. JOSEFINA N. NATIVIDAD, Sc.D.

Propesor, Socio 216

DEPARTAMENTO NG SOSYOLOHIYA Kolehiyo ng Agham Panlipunan at Pilosopiya

Unibersidad ng Pilipinas Diliman, Lungsod Quezon

08 Oktubre 2013

Page 2: Atityud Ng Matatanda Sa Boluntarismo

 

TALAAN NG NILALAMAN

Atityud, Pananaw at Paglahok ng Matatanda sa Bolunterismo

Panimula …………………………………………………………………………….…....3

Mga Naunang Pag-aaral Hinggil sa Atityud, Pananaw at Paglahok ng Matatanda sa

Bolunterismo …………………………………………………………………………..… 6

Kalagayan at Mga Programa ng Bolunterismo ng Matatanda sa Pilipinas ……………..10

Layunin at Suliranin ng Pag-aaral ………………………………………………………13

Metodolohiya ……………………………………………………………………………14

Kinalabasan ng Pag-aaral ………………………………………………………………..14

Kongklusyon ……………………………………………………………………………………18

Sanggunian ………………………………………………………………………………22

Page 3: Atityud Ng Matatanda Sa Boluntarismo

Atityud, Pananaw at Paglahok ng Matatanda sa Bolunterismo Pahina 3 ng 22

 

     

 

Atityud, Pananaw at Paglahok ng Matatanda sa Bolunterismo

Panimula

Lumalabas sa mga nakaraang pananaliksik na ang mga matatanda na nakikilahok

sa mga gawaing sosyal at komunidad ay napapanatiling aktibo at mahaba ang kanilang

mental at pisikal na kalusugan kumpara sa ibang matatanda (Musick at Wilson: 2008).1

Ang mga gawaing boluntaryo ay isa sa mga salik na nakapapapanatili ng pagiging aktibo

ng kanilang pakikipag-ugnayang sosyal matapos ang kanilang pagreretiro (Luoh at

Herzog: 2002).2

At higit pa sa nagagawang benepisyo ng pagiging boluntaryo ng matatanda sa

mga non-profit na organisasyon, at sa kanilang mga komunidad ay tumataas din ang

bilang ng mga matatanda na nakatutulong sa pagkamit sa ilang mga layunin ayon kina

Morrow Howell (2010)3 ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod: (1) pagbibigay ng

kaukulang serbisyo katuwang ang pamahalaan; (2) pagtulong sa pagpapatakbo sa mga

non-profit na organisasyon, pamahalaan at komunidad, simbahan at pagsuporta sa bagong

henerasyon ng mga lider na kabataan; (3) pagpapalakas ng ugnayang sosyal sa

pamamagitan ng pakikisangkot ng mas nakararami sa komunidad.

Maraming mga lokal at nasyonal na sektor ng pamahalaan ang naniniwala na ang

pagtaas ng bolunterismo ng mga matatanda ay isang “win-win” na sitwasyon, dahil sa

dami ng makikinabang sa gawain.

                                                                                                               1 Marc A. Musick and John Wilson, Volunteers: A Social Profile (Bloomington, IN: Indiana University Press, 2008) 2 M.C. Luoh and A.R. Herzog, “Individual Consequences of Volunteer and Paid Work in Old Age: Health and Mortality,” Journal of Health and Social Behavior 43, no. 4 (2002): 490-509. 3 Nancy Morrow-Howell, “Volunteering in Later Life: Research Frontiers,” The Journals of Gerontology Series B: Psychological Sciences and Social Sciences 65, no. 4 (2010): 461-69.  

Page 4: Atityud Ng Matatanda Sa Boluntarismo

 

Sa Estados Unidos, noong 2005 ay inilunsad ng White House Council on Aging

ang isang programa na naglalayon na mapaunlad ang opotunidad para sa bolunterismo ng

mga matatanda (Butrica, Johnson, at Zedlewski: 2009)4 at noong 2009 ay nilagdaan ni

Pangulong Barrack Obama ang Edward M. Kennedy Serve America Act, na naglalayong

mapataas ang serbisyong nanghihikayat sa matatanda na aktibong makilahok sa

bolunterismo (Barron et al.: 2009).5

Sa ibang umuunlad na bansa, na higit pang mas mabilis ang pagtanda ng

populasyon kaysa sa Estados Unidos ay sumusubok na rin na makita ang koneksyon ng

bolunterismo sa lipunan at sa matandang populasyon. (Musick and Wilson 2008;

Australian Bureau of Statistics 2010; Statistics Canada 2010; Hank and Erlinghagen

2010).6

Sa bansang Australia, lumalabas batay sa resulta ng 2006 census na 33 bahagdan

na may edad 55-64 na taon ang aktibong boluntaryo sa nakalipas na taon, mas mataas ito

sa 22 bahagdan sa mga may edad 65-74 at sa 14 na bahagdan para sa edad 85 pataas

(Australian Bureau of Statistics 2010). 7 Lumalabas naman sa 2007 Canadian Survey of

Giving: Volunteering and Participating na 40 bahagdan sa mga Canadians na may edad

55-64, 36 bahagdan sa edad 65 pataas ang aktibong boluntaryo sa nakaraang taon

(Statistics Canada 2010). 8Sa sarbey naman sa bansang Englatera, lumalabas na sa

taunang bilang mga lumahok na maging boluntaryo 41 bahagdan sa mga ito ay nasa edad                                                                                                                4 Barbara A. Butrica, Richard W. Johnson, and Sheila R. Zedlewski, “Volunteer Dynamics of Older Americans,” The Journals of Gerontology Series B: Psychological Sciences and Social Sciences 64, no. 5 (2009): 644 5 Jeremy S. Barron et al., “Potential for Intensive Volunteering to Promote the Health of Older Adults in Fair Health,” Journal of Urban Health 86, no. 4 (2009): 641-53. 6 Australian Bureau of Statistics, Voluntary Work, Australia, 2006 (2010), accessed at www.abs.gov.au/ausstats/[email protected]/ProductDocum entCollection?OpenAgent&productno=4441.0&issue=2006, on Dec. 31, 2010 7 Australian Bureau of Statistics, Voluntary Work, Australia, 2006 (2010), accessed at www.abs.gov.au/ausstats/[email protected]/ProductDocum entCollection?OpenAgent&productno=4441.0&issue=2006, on Dec. 31, 2010. 8 Today’s Research on Aging. Program and Policy Implications Issue 21, August 2011.

Page 5: Atityud Ng Matatanda Sa Boluntarismo

Atityud, Pananaw at Paglahok ng Matatanda sa Bolunterismo Pahina 5 ng 22

 

     

 

65-74 at 29 na bahagdan naman ang nasa 75 pataas (United Kingdom 2010).9

Sa mga nagdaang sarbey noon 1990’s mahigit sa 1/4 sa mga matatandang

Europeo ang nagboboluntaryo bawat taon, na nag-iiba sa mga bansa (Erlinghagen at

Hank: 2005). 10 Sa mga pinakabagong pambansang sarbey ng mga populasyon edad 50

pataas na isinagawa ng Surveys of Health, Ageing, and Retirement in Europe, or

SHARE, lumalabas na mas maraming matatanda sa hilagang Europa ang

nagboboluntaryo kumpara sa mga taga-Timog Europa. Aabot lamang sa 4 na bahagdan

ng Griyego at 12 bahagdan ng Italyano na may edad 50 pataas ang nagsabing sila ay

nagboluntaryo kumpara sa 29 na bahagdan ng mga taga-Sweden at 34 na Dutch ang nasa

katulad na grupo.

Ayon sa mga mananaliksik na ang pagkakaiba ng resulta sa bawat bansa ay

maiuugnay sa pagkakaiba-iba ng kultura ng pamilya, kalagayang sosyal, at kapakanan ng

estado. Halimbawa, sa Italya, Espanya at Gresya, ang mga pamilya ay inaasahang

magbibigay ng suporta sa mga boluntaryong organisasyon. Sa mga bansa sa Hilagang

Europa gaya ng Norway, Denmark at Netherlands ay may mas estabilisadong estadong

sistema at mas organisado ang istruktura ng mga serbisyong sosyal na nanghihikayat ng

bolunterismo (Haski-Leventhal 2009; Hank and Erlinghagen 2010).11 Ang resulta ay

nagbibigay-diin sa epekto ng sosyal, politikal at kalagayang ekonomiko batay sa desisyon

                                                                                                               9 Today’s Research on Aging. Program and Policy Implications Issue 21, August 2011. 10 Marcel Erlinghagen and Karsten Hank, Participation of Older Europeans in Volunteer Work: Individual Determinants and Societal Context, paper presented at 7th European Sociological Association (ESA) Conference, ESA Research Network on Ageing in Europe, Torun, Poland, Sept. 9, 2005, accessed at www.ageing-in-europe.org/ torunpapers/ESA_RN_Ageing_Torun2005_Erlinghagen.pdf, on Dec. 22, 2010. 11 Debbie Haski-Leventhal, “Elderly Volunteering and Well-Being: A Cross-European Comparison Based on SHARE Data,” Voluntas 20, no. 4 (2009): 388-404.

Page 6: Atityud Ng Matatanda Sa Boluntarismo

 

ng matatanda na magboluntaryo (Musick at Wilson: 2008).12

Mga Naunang Pag-aaral Hinggil sa Atityud, Pananaw at Paglahok ng Matatanda sa

Bolunterismo

Ayon ito sa Today’s Research on Aging, ang bolunterismo ay isang gawaing

walang bayad at maaaring kabahagi ng isang organisayon. Ito ay kaiba sa karaniwang

impormal na pagtulong kung saan tinutulungan ng mga tao ang kanilang mga kapitbahay

o kaibigan sa paggawa ng isang bagay, halimbawa, pagpunta sa grocery, pag-aalaga ng

bata at paghahalaman (Hank at Stuck: 2008).13 Ang mga tao na gumagawa naman ng

pormal na pagtulong ay hindi naman maituturing na bolunterismo. Halimbawa, ang taong

tumutulong sa simbahan ay maituturing na isang paraan ng impormal na pagtulong sa

isang kasama sa simbahan na hindi makapagmaneho, subalit ang isang tao na tumulong

sa isang may kapansanan ay hindi maaaring maituring bilang isang gawaing boluntaryo.

Ang bolunterismo ay binigyang-kahulugan ng ResPublica, isang hiwalay at di-

partisanong samahan sa bansang UK bilang:

“Volunteering is hard to define precisely but can be seen as having two forms. People volunteer informally by giving unpaid help to those outside their immediate families, or formally, through groups and organisations. These forms of volunteering can be hard to track, but it is very important to do so, particularly in some ethnic groups where this kind of mutual support is taken for granted.” 14

At kahit na manatili ang bahagdan ng mga boluntaryo, ay hindi ito mananatili sa

ganitong nibel dahil sa patuloy na pagtaas ng tumatandang populasyon (Zedlewski                                                                                                                12 Marc A. Musick and John Wilson, “Volunteering and Depression: The Role of Psychological and Social Resources in Different Age Groups,” The Journals of Gerontology Series A: Biological Sciences and Medical Sciences 56, no. 2 (2003): 259-69. 13 Karsten Hank and Stephanie Stuck, “Volunteer Work, Informal Help, and Care Among the 50+ in Europe: Further Evidence for ‘Linked’ Productive Activities at Older Ages,” Social Science Research 37, no. 4 (2008), accessed at http://ssrn.com/abstract=1445300, on Dec. 12, 2010. 14 ResPublica. Age of Opportunity. Older people, volunteering and the Big Society. Civil Society and Social Innovation Unit September 2011.

Page 7: Atityud Ng Matatanda Sa Boluntarismo

Atityud, Pananaw at Paglahok ng Matatanda sa Bolunterismo Pahina 7 ng 22

 

     

 

2007).15 At kung magiging matagumpay ang pagboboluntaryong ito ng mga matatanda ay

tataas pa ang bilang ng mga magboboluntaryo.

Ang National Volunteer and Philantrophy Center 16 ay nagbigay ng ilang dahilan

kung bakit mahalagang isaalang-alang ang pakikisangkot ng mga matatanda sa

bolunterismo ay ang mga sumusunod: (1) mayroon silang oras o panahon; (2) mayroon

silang kasanayan; (3) mayroon silang interes; (4) nais nilang makatulong sa

nangangailangan; at (5) mayroon silang network na makahikayat ng mga posibleng

donors.

Bilang karagdagan, isinasaalan-alang din ang malawak na kakayahan ng mga

matatanda partikular sa mga propesyonal at espesyal na serbisyo (hal. pagpapayo sa

pananalapi, pag-aawdit, pagsasaayos ng mga dokumento, atbp.), tuwirang serbisyo (hal.

pagtulong sa pangangailangan ng kapwa matanda, pagtuturo sa mga batang walang

kakayahang pumasok sa paaralan, paggabay at suporta sa mga kabataan, pagtuturo ng

mga kasanayan gaya ng pagluluto, pagsasayaw, pananahi at iba pang kaugnay na gawain.

Sa kasalukuyan ay nagiging popular ang mga pag-uusap hinggil sa bahaging

ginagampanan ng bolunterismo ng mga matatanda. Bukod pa sa pagbibigay ng pisikal at

mental na kalinangan ng pagiging aktibo ng mga matatanda ay malaki rin ang naitutulong

ng bolunterismo sa matagumpay na transisyon mula sa pagkakaroon ng trabaho patungo

sa pagreretiro ng mga matatanda.

Sa mga pananaliksik ay lumalabas na maraming matatanda ang may positibong

                                                                                                               15 Sheila R. Zedlewski, “Will Retiring Boomers Form a New Army of Volunteers?” Perspectives on Productive Aging, no. 7 (Washington, DC: Urban Institute, 2007).  16 ResPublica. Age of Opportunity. Older people, volunteering and the Big Society. Civil Society and Social Innovation Unit September 2011.

Page 8: Atityud Ng Matatanda Sa Boluntarismo

 

pagtingin sa bolunterismo at nagbibigay ito sa kanila ng suporta upang makita nila ang

kahalagahan ng kanilang sarili kahit sila ay matanda na (Davis Smith: 1998).17

Ang bolunterismo ay nagbibigay sa mga retirado ng oportunidad para maging

mahalaga ang kanilang kontribusyon sa lipunan at maging natural na bahagi ito ng

kanilang na kagaya sa mga panahon na sila ay naghahanap buhay. Sa mga naunang

isinagawang pag-aaral ay naging pangunahing batayan ng pagsusuri kung ano ang

nalilikhang epekto ng bolunterismo sa mga matatanda batay na rin sa mga naging sagot

ng mga nakaranas nito.

Ang naging pangunahing tuon ng pag-aaral ay ano ang epektibong salik ang

nakakaapeko sa relasyon ng mga matatanda sa bolunterismo at ang mahahalagang

elemento na nakakaapekto sa kanilang pakikilahok. Sa Canada, mahalagang aspeto ng

pamumuhay ng matatanda ang bolunterismo. Batay sa kanilang datos, noong 2007

Canada Survey of Giving, Volunteering and Participating (CSGVP)18 umaabot sa 12.5

milyon ng kanilang populasyon o 46% ng populasyon ang aktibong nakikilahok sa

bolunterismo, kabilang na rito ang edad 15 pataas na lumilikha ng 2.1 bilyong oras ng

bolunterismo at katumbas ng halos 1.1 milyon na kabuuang hanapbuhay.

May mga sosyal at pang-ekonomiyang katangian ang isinasaalang-alang para sa

mga matatandang mas may posibilidad na makilahok at para sa mga walang interes.

Lumalabas sa pag-aaral na noong 2007 na, ang matatandang may edad 65

hanggang 74 (36%) ay hindi gaanong aktibong nakikilahok sa bolunterismo. Ang pag-

aaral na ito ay nakatuon lamang sa pormal na bolunterismo. Samantalang, maraming

                                                                                                               17 Davis Smith, J. (1998) The 1997 National Survey of Volunteering, London: Institute for Volunteering Research.

18 2007 Canada Survey of Giving, Volunteering and Participating.

Page 9: Atityud Ng Matatanda Sa Boluntarismo

Atityud, Pananaw at Paglahok ng Matatanda sa Bolunterismo Pahina 9 ng 22

 

     

 

matatanda ang nakikilahok sa mga impormal na paraan ng bolunterismo.

Ang pormal na bolunterismo ay tumutukoy sa pagiging kabahagi ng isang

pangkat o organisasyon na walang anumang bayad. Samantalang ang impormal na

bolunterismo naman ay tumutukoy sa paggawa ng sariling hakbang para makatulong na

walang anumang bayad mula kaninuman at hindi bilang isang kabahagi ng isang samahan

o organisasyon. Ito ay kinabibilangan ng pagtulong sa mga kaibigan, kapitbahay o

kamag-anak subalit hindi rito kabilang ang pagtulong sa mga taong kasama sa loob ng

tahanan.

Noong 2007, 36% mula edad 65 hanggang 74 ang nakilahok sa bolunterismo

samantalang 33% naman ng matatanda na nasa edad 75 pataas ang lumahok.

Ilan sa mga salik na nakakaapekto batay sa kinalabasan ng pag-aaral tungkol sa

pakikilahok ng mga matatanda sa bolunterismo ay ang kanilang antas ng edukasyon,

pagsalo sa mga gawaing pangsimbahan, pagkakaroon ng sasakyan at lisensya. Ang ilan

namang batayan na nakakaapekto ayon sa ibang pag-aaral ay ang tagal ng pananatili o

paninirahan ng matatanda sa kanilang lugar.

Lumalabas din sa mga pag-aaral ang bolunterismo ay nagbibigay ng pagkakataon

sa mga matatanda na makipag-usap, maunawaan at mabigyan ng payo o pag-asa ang

ibang tao partikular sa kanilang mga suliranin. Habang ang iba naman ay nakatuon sa

mga partikular na larangan gaya ng kalusugan, kababaihan, isyung politikal, kriminalidad

at kapaligiran. Lumalabas din sa mga naunang pag-aaral na ang pagkahiwalay ng

matatanda sa sosyal na mga uri ng gawain ay nagiging dahilan upang maging malayo ang

kanilang pag-uugali sa pagkikisalamuha sa ibang tao.

Page 10: Atityud Ng Matatanda Sa Boluntarismo

 

Kaya naman malaking tungkulin ng komunidad na magkaroon ng mga gawaing

bolunterismo na makatutulong upang mas lalong mapalawak at mapaunlad ang

pakikipag-ugnayan ng mga matatanda at madagdagan ang lakas ng kanilang

pangangatawan at mabawasan ang maagang pagkamatay. At sa pamamagitan ng mga

ganitong uri ng programa ay mas lalong napauunlad ang pagkatao, pakikisalamuha at

ambag sa komunidad at sa lipunan.

Sa kabila ng aktibong pakikilahok ng mga matatanda sa mga programang may

kaugnayan sa bolunterismo ay may ilang mga salik na nakakaapekto sa kanilang

kakayahan na magboluntaryo sa mga programa. Kabilang sa mga salik na ito ay ang

kakulangan sa oras, kawalan ng kakayahan na maglaan ng mahabang panahon ng pagsali,

at usaping pinansyal bukod pa rito ay ang usaping pangkalusugan at mga pisikal na

limitasyon. Napapabilang dito ang 70% sa matatandang may edad 75 pataas samantalang

57% naman para sa mga may edad 65 hanggang 74.

Kalagayan at Mga Programa ng Bolunterismo ng Matatanda sa Pilipinas19

Ilang sa mga programang may kaugnayan sa bolunterismo sa Pilipinas ay ang: (1)

Resource Volunteer Service; (2) Foster Grandparents Services; (3) Peer Support Group;

(4) Peer Outreach/Respite Services (5) Family Enrichment Services; (6) Neighborhood

Watch; (7) Sponsorship Program; at (8) Assistance for Physical Restoration.

Ang Resource Volunteer Service ay maaaring salihan ng mga matatandang

makapaglalaan ng kanilang oras, kakayahan at kaalaman bilang mga tagapagsalita sa mga

kumperensya at seminar. Maaari rin silang maging tagapagkuwento sa mga day care                                                                                                                19 Clarita R. Carlos. Concerns of the Elderly in the Philippines. Philippine Social Sciences Review. vol. 56 nos.1-4, jan-dec 1999  

Page 11: Atityud Ng Matatanda Sa Boluntarismo

Atityud, Pananaw at Paglahok ng Matatanda sa Bolunterismo Pahina 11 ng 22

 

     

 

centers at humubog ng pag-uugali at kaasalan ng mga bata roon. Ang Foster

Grandparents Services naman ay para sa matatandang nagnanais na dumalaw sa mga

institusyon na nangangalaga sa mga sanggol, kabataan na walang kinalakihang lolo at

lola. Ang serbisyong ito ay nagbibigay ng pangngalaga at atensyon sa mga kabataang

may kapasanan o nasa institusyon. Ang set-up na ito ay karaniwang nagbibigay ng

oportunidad sa matatanda pati na sa mga bata. Ang mga matatandang kabilang sa

programang ito ay maaari ring magbigay ng tulong sa mga kabataang pansamantalang

iniwan ng kanilang mga magulang.

Ang Peer Support Group naman ay isang programa na para sa matatandang may

kasanayan sa pagsuporta sa kanilang mga kapwa matatanda. Magkikita-kita sila nang

palagian upang pag-usapan ang mga isyu, karanasan at kahirapang nararanasan ng bawat

isa at mula rito ay pag-uusapan nila ang mga pamamaraan na maaari nilang isagawa.

Ang Peer Outreach/Respite Services ay naman ay para sa mga matatandang

nagnanais na magbigay o magsagawa ng mga gawain na magbibigay ng suporta sa

kanilang kapwa matanda na mag-isang naninirahan sa bahay o kaya ay may sakit. Maaari

ring magbigay ng payo para sa kanilang kapwa matanda na namatayan o kasalukuyang

nakararanas ng problema.

Ang Family Enrichment Services naman ay para sa mga matatanda na maaaring

magsilbing tagapayo para sa mga nagnanais na magpakasal o sa mga mag-asawa,

kabataan at sa pagpapamilya. Isa pa sa mga programa ay ang Neighborhood Watch kung

saan maaaring magsilbing tagapag-ulat ng mga karahasan o pang-aabuso sa mga

matatanda, kabataan at babae. Maaari rin silang maging lupong tagapayo para maiwasan

Page 12: Atityud Ng Matatanda Sa Boluntarismo

 

ang ganitong uri ng karahasan.

Ang Sponsorship Program naman ay para sa mga matatandang maykaya sa buhay

na maaaring sumuporta sa pag-aaral ng mga kabataan o sa mga proyekto ng komunidad.

At ang Assistance for Physical Restoration na naglalayong magkaloob ng

pinansyal na suporta at mga kagamitan para sa mga matatanda gaya na lamang ng wheel

chairs, crutches, atbp. Ang lahat ng ito ay dating hawak ng DSWD at kasalukuyang

pinamamahalaan ng mga nasa lokal na yunit ng pamahalaan.

Ang Coalition of Services of the Elderly (COSE) ang isa sa pinakaaktibong

organisasyon na nagtataguyod ng pangangalaga ng mga matatanda sa komunidad. Ang

COSE ay nakikipag-ugnayan sa mga matatanda sa mga komunidad sa mga pook urban.

Ang mga matatanda katuwang ang COSE ay tumitingin sa kanilang kalagayan, matuto sa

mga karanasan ng iba pang organisasyong nilalahukan ng mga matatanda at gumawa ng

mga karagdagan at bagong plano para sa kanilang pag-unlad.

Ang mga programang pangkabuhayan na isinasagawa rin ng COSE gaya ng soap

making, small-scale production of herbal medicine and rice retail ay naglalayong maging

produktibo at may kasanayan ang mga matatanda. Malaki ang naitutulong ng mga

programang ito para matulungan din ng matatanda ang kapwa nila matatanda na mas

higit na nangangailangan.

Sa isang pag-aaral na isinagawa ng DSWD noong 1995, mas mababa ang bilang

ng mga matatandang naglalayong sumuporta sa bolunterismong programa ng

pamahalaan. Mababa rin ang pagtaas na naganap mula noong taong 1995-1997. Ang

kakulangan sa kamalayan at ang di wastong implementasyon ang itinuturing na isa sa

mga dahilan kung bakit hindi gaanong matagumpay ang programang ito. Makikita ito sa

Page 13: Atityud Ng Matatanda Sa Boluntarismo

Atityud, Pananaw at Paglahok ng Matatanda sa Bolunterismo Pahina 13 ng 22

 

     

 

pahayag ng DSWD matapos ang kanilang isinagawang pag-aaral na:

“…The full-blown volunteer program already started in 1992, but the level of awareness of the senior citizens regarding these programs seems to be low, resulting in their poor participation. The improper implementation of these volunteer programs and the small number of communities implementing them can also be the reason for the low level of participation of the elderly (na kay Carlos: 99)20

Ang pag-alam sa kamalayan ng mga matatanda hinggil sa kanilang konsepto ng

bolunterismo ay makatutulong upang magkaroon ng sigla ang programang ito ng

pamahalaan.

Mahalagang malaman ang kanilang pamilyaridad at ano ang kanilang pagtingin

hinggil sa matatanda. Ang matukoy ang pananaw at atityud ng matatanda hinggil sa

bolunterismo ang maituturing na pangunahing layunin ng papel na ito.

Layunin at Suliranin ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito nakatuon sa pagkilala sa atityud at pananaw ng mga

matatanda sa bolunterismo. Susubukin ding sagutin ang mga sumusunod na tanong:

1. Ano ang kahulugan ng bolunterismo sa mga matatanda?

2. Ano-anong salik ang nakaaapekto sa pakikisangkot ng matatanda sa

bolunterismo (hal. edad, kasarian, edukasyon, kita, kalagayang marital)?

3. Lumalahok ba sa bolunterismo ang mga matatanda?

4. Ano-ano ang dahilan ng kanilang pagsali?

5. Ano-ano naman ang dahilan ng kanilang di pagsali?

                                                                                                               20 Clarita R. Carlos. Concerns of the Elderly in the Philippines. Philippine Social Sciences Review. vol. 56 nos.1-4, jan-dec 1999  

Page 14: Atityud Ng Matatanda Sa Boluntarismo

 

6. Pamilyar ba ang mga matatanda sa mga programang may kaugnayan sa

bolunterismo na itinataguyod ng pamahalaan?

7. Kung may pagkakataon, alin sa mga programa ng pamahalaan ang maaaring

salihan ng mga matatanda batay sa kanilang interes at kakayahan?

Metodolohiya

Ang pag-aaral ay gagamit ng mga datos at pamamaraang qualitative sa pagtukoy

sa atityud at pananaw ng mga matatanda hinggil sa bolunterismo. Ilan sa magiging

batayan sa pagtukoy ay ang pagsusuri sa mga sosyodemograpikong detalye o malayang

baryabol gaya ng kasarian, edad, kalagayang marital, buwanang kita at edukasyon. Sa

madaling sabi, ang mga datos ay magmumula sa mga kakapanayaming matatanda.

Magkakaroon ng mga gabay na tanong ang mananaliksik na siya niyang

gagamitin sa pakikipag-usap sa mga matatandang kakapanayamin. Mula dito ay

pagsasama-samahin ng mananaliksik ang mga naging sagot at paliwanag ng mga

kinapanayam. Maaari ring gumamit ng personal na talaan ang mananaliksik para sa mga

karagdagang detalye na hindi na kabilang sa ginawang sarbey. Sa isang qualitative na

pag-aaral ay mahalagang bigyang-pansin ang kahalagahan ng mga datos at ang kasapatan

nito.

Kinalabasan ng Pag-aaral

Sa resulta ng isinagawang pag-aaral, lumalabas na sa pangkalahatan ay may

kabatiran o kaalaman ang mga matatanda hinggil sa konsepto ng bolunterismo. Malaking

bilang ang binigyang-pagpapakahulugan ang bolunterismo sa pormal na bolunterismo

Page 15: Atityud Ng Matatanda Sa Boluntarismo

Atityud, Pananaw at Paglahok ng Matatanda sa Bolunterismo Pahina 15 ng 22

 

     

 

tulad ng pagtulong sa komunidad o sa lugar na walang hinihinging kapalit at bilang isang

kabahagi pribado o gobyernong samahan. Samantalang, ang natitirang bahagi ay

nagbigay naman ng konsepto tungkol sa impormal na bolunterismo gaya ng pagsali sa

mga bagay na nakatutulong sa ibang tao, pwedeng may organisasyon, pwede rin naman

na wala. At maliit na bahagi naman ang nagsabing wala silang konsepto ng bolunterismo.

Batay sa resulta ng pag-aaral, marami sa mga tagatugon ang hindi aktibong kasali

sa anumang uri ng bolunterismo maging ito man ay personal, pribado o samahang

inorganisa ng pamahalaan. Sa sampung tagatugon, dalawa (2) lamang sa kanila ang

aktibong nakikilahok sa bolunterismo.

Lumalabas din sa pag-aaral na ang mga karaniwang dahilan ng kanilang hindi

paglahok sa bolunterismo ay kawalang linaw ng mga programa sa lugar tungkol sa mga

gawain para sa mga matatanda, kawalan ng oras o panahon at kakulangan sa kaalaman o

literasi.

Halos hati naman ang kanilang desisyon kung bibigyan sila ng pagkakataon na

sumali sa bolunterismo. Nais ng nilang sumali o magboluntaryo para makatulong at may

magawa naman rin silang iba maliban sa pananatili nila sa loob ng tahanan, makatulong

sa mga nangangailangan ng tulong sa aming samahan. Nais naman ng iba na

makapagbigay ng payo sa mga nangangailangang kabaranggay at para maipakita nila na

may magagawa sila kahit sila ay matanda na.

Nagsisilbing hadlang naman para sa iba ang kanilang katandaan at kawalan ng

interes sa pagsali sa mga gawaing may kaugnayan sa bolunterismo. Kaugnay din ng

kanilang pagtangging sumali ay ang kakulangan nila ng pinag-aralan o literasi.

Page 16: Atityud Ng Matatanda Sa Boluntarismo

 

Marami naman sa mga tagatugon ang nagsasabi na kung magkakaroon sila ng

pagkakataong sumali sa isang uri ng bolunterismo ay lalahukan nila ang mga gawaing

itinataguyod ng pamahalaan. Mas naniniwala kasi ang ilan na mas malawak ang

matutulungan at sakop ng mga organisasyon na isinasagawa sa ilalim ng pamamahala ng

gobyerno. Kakaunti naman ang gustong sumali sa pribadong samahan na nagtataguyod

ng bolunterismo.

Higit na marami sa matatandang kababaihan ang nais magboluntaryo sa larangan

ng edukasyon subalit mas marami sa kanila ang walang nais salihan. Mas aktibo naman

ang kagustuhan ng matatandang kalalakihan na sumali sa bolunterismo partikular sa

larangang sibiko at edukasyon kumpara sa walang nais salihan. Mas nakahihigit naman

ang bilang ng mga kalalakihan kaysa sa kababaihan na nagnanais maging bahagi ng

bolunterismo.

Mula sa resulta ng mga nakalap na datos, lumalabas na hindi pamilyar ang mga

tagatugon kaugnay sa mga programa para sa matatanda na may kaugnayan sa

bolunterismo na itinataguyod ng pamahalaan. Magkatulad lamang ang bilang ng mga

kababaihan at kalalakihan na nagsasabing wala silang kamalayan sa mga programa na

inihahanda ng pamahalaan para sa mga bolunterismo ng matatanda.

Wala namang nais salihan ang karamihan sa matatandang kababaihang mula sa

mga programang itinataguyod ng pamahalaan maliban sa ilan na gustong maging bahagi

ng Foster Grandparents Services at Sponsorship Program sa kanilang kagustuhan na

makatulong sa mga batang mahihirap at walang pang-aral. Samantalang mas aktibo

naman ang matatandang kalalakihan sa pagsali sa mga boluterismong programa ng

pamahalaan partikular sa Family Enrichment Services, dahil sa kanilang kagustuhang

Page 17: Atityud Ng Matatanda Sa Boluntarismo

Atityud, Pananaw at Paglahok ng Matatanda sa Bolunterismo Pahina 17 ng 22

 

     

 

magpayo sa mga tao, mag-asawa o pamilyang may mga personal na suliranin. Nais din

ng ilan na maging kabahagi ng Neighborhood Watch sa kanilang kagustuhang masugpo

ang pang-aabuso sa mga kababaihan at mga kapitbahay. Samantalang may isa namang

nais maging bahagi ng Resource Volunteer Service bilang bahagi ng kaniyang pagtulong.

Malaking bilang ng mga matatandang nakapanayam ang nagsabing sapat na sa

kanila ang inilatag na programa ng pamahalaan para sa mga bolunterismo ng mga

matatanda at wala na silang nais pang imungkahi na karagdagang programa. May ilan

namang nagbigay ng kanilang mungkahi partikular sa mga gawaing na makakatulong pa

sa matatanda para sa kanilang mas aktibong pakikilahok sa bolunterismo.

Lumalabas sa isinagawang pag-aaral na malaking bilang ng matatandang may

edad 65-70 ang walang pakikisangkot sa anumang uri ng bolunterismo. Mababa naman

ang bilang ng nasa edad 75-80 ang aktibong nakikilahok sa ganitong uri ng bolunterismo.

Malaking bahagdan din ng matatandang may-asawa ang nagsasabing hindi sila

aktibong nakikisangkot sa mga programa para sa bolunterismo ng mga matatanda subalit

nais nilang maging bahagi nito kung may pagkakataon. Marami rin sa kanila ang walang

kamalayan sa mga programang inilunsad ng pamahalaan na nagtataguyod ng aktibong

pakikilahok ng matatanda sa bolunterismo.

Marami rin sa matatandang hindi nakarating ng kolehiyo ang walang kamalayan

sa mga programang inilunsad ng pamahalaan tungkol sa bolunterismo. May kaunting

bilang ng matatandang nakakaalam sa mga programa sa bolunterismo ng matatanda

subalit hindi naman sila aktibong nakikilahok sa alin man sa mga ito.

Page 18: Atityud Ng Matatanda Sa Boluntarismo

 

Malaking bilang ng matatandang may kita na umaabot sa P5,000 hanggang

P20,000 ang walang pakikisangkot sa anumang gawain na may kaugnayan sa

bolunterismo samantalang isa lamang lamang ang kumikita ng P65,000 pataas ang

aktibong nakikilahok sa mga gawaing may koneksyon sa aktibong bolunterismo.

Kongklusyon

Batay sa kinalabasan ng pag-aaral ay nabuo ang mga sumusunod na kongklusyon:

1. Sa resulta ng isinagawang pag-aaral, lumalabas na sa pangkalahatan ay may

kabatiran o kaalaman ang mga matatanda hinggil sa konsepto ng bolunterismo.

Ang ilan ay nabigyan ito ng pagpapakulugan batay sa pormal at impormal na

paraan ng bolunterismo. At maliit na bahagi naman ang nagsabing wala silang

konsepto ng bolunterismo.

2. Hindi aktibong kasali sa anumang uri ng bolunterismo ang karamihan sa

mtatandang nakapanayam maging ito man ay personal, pribado o samahang

inorganisa ng pamahalaan. Sa sampung tagatugon, dalawa (2) lamang sa kanila

ang aktibong nakikilahok sa bolunterismo.

3. Ang mga karaniwang dahilan ng kanilang hindi paglahok sa bolunterismo ay

kawalang linaw ng mga programa sa lugar tungkol sa mga gawain para sa mga

matatanda, kawalan ng oras o panahon at kakulangan sa kaalaman o literasi.

4. Halos magkapareho lamang ang bilang ng nais sumali kung bibigyan sila ng

pagkakataon na sumali sa bolunterismo. Nais ng nilang sumali o magboluntaryo

para makatulong at may magawa naman rin silang iba maliban sa pananatili nila sa

loob ng tahanan, makatulong sa mga nangangailangan ng tulong sa aming

Page 19: Atityud Ng Matatanda Sa Boluntarismo

Atityud, Pananaw at Paglahok ng Matatanda sa Bolunterismo Pahina 19 ng 22

 

     

 

samahan. Nais naman ng iba na makapagbigay ng payo sa mga nangangailangang

kabaranggay at para maipakita nila na may magagawa sila kahit sila ay matanda

na.

5. Nagsisilbing hadlang naman para sa iba ang kanilang katandaan at kawalan ng

interes at kakulangan nila ng pinag-aralan o literasi sa pagsali sa mga gawaing may

kaugnayan sa bolunterismo.

6. Pagdating sa mga programa ng bolunterismo sa matatanda ay marami ang nais

lumahok sa mga gawaing itinataguyod ng pamahalaan. Mas naniniwala kasi ang

ilan na mas malawak ang matutulungan at sakop ng mga organisasyon na

isinasagawa sa ilalim ng pamamahala ng gobyerno.

7. Higit na marami sa matatandang kababaihan ang nais magboluntaryo sa larangan

ng edukasyon subalit mas marami sa kanila ang walang nais salihan.

8. Mas aktibo naman ang kagustuhan ng matatandang kalalakihan na sumali sa

bolunterismo partikular sa larangang sibiko at edukasyon kumpara sa walang nais

salihan.

9. Mas nakahihigit naman ang bilang ng mga kalalakihan kaysa sa kababaihan na

nagnanais maging bahagi ng bolunterismo.

10. Kulang sa pamilyaridad ang matatanda sa mga programa na may kaugnayan sa

kanilang bolunterismo na itinataguyod ng pamahalaan.

11. Magkatulad lamang ang bilang ng mga kababaihan at kalalakihan na nagsasabing

wala silang kamalayan sa mga programa na inihahanda ng pamahalaan para sa

mga bolunterismo ng matatanda.

Page 20: Atityud Ng Matatanda Sa Boluntarismo

 

12. Wala namang nais salihan ang karamihan sa matatandang kababaihang mula sa

mga programang itinataguyod ng pamahalaan maliban sa ilan na gustong maging

bahagi ng Foster Grandparents Services at Sponsorship Program.

13. Samantalang mas aktibo naman ang matatandang kalalakihan sa pagsali sa mga

boluterismong programa ng pamahalaan partikular sa Family Enrichment Services

at nais din ng ilan na maging kabahagi ng Neighborhood Watch.

14. Malaking bilang ng mga matatandang ang nagsabing sapat na sa kanila ang

inilatag na programa ng pamahalaan para sa mga bolunterismo ng mga matatanda

at wala na silang nais pang imungkahi na karagdagang programa. May ilan

namang nagbigay ng kanilang mungkahi partikular sa mga gawaing na

makakatulong pa sa matatanda para sa kanilang mas aktibong pakikilahok sa

bolunterismo.

15. Malaking bilang ng matatandang may edad 65-70 ang walang pakikisangkot sa

anumang uri ng bolunterismo. Mababa naman ang bilang ng nasa edad 75-80 ang

aktibong nakikilahok sa ganitong uri ng bolunterismo.

16. Malaking bahagdan ng matatandang may-asawa ang nagsasabing hindi sila

aktibong nakikisangkot sa mga programa para sa bolunterismo ng mga matatanda

subalit nais nilang maging bahagi nito kung may pagkakataon.

17. Marami rin sa kanila ang walang kamalayan sa mga programang inilunsad ng

pamahalaan na nagtataguyod ng aktibong pakikilahok ng matatanda sa

bolunterismo.

18. Marami rin sa matatandang hindi nakarating ng kolehiyo ang walang kamalayan sa

mga programang inilunsad ng pamahalaan tungkol sa bolunterismo. May kaunting

Page 21: Atityud Ng Matatanda Sa Boluntarismo

Atityud, Pananaw at Paglahok ng Matatanda sa Bolunterismo Pahina 21 ng 22

 

     

 

bilang ng matatandang nakakaalam sa mga programa sa bolunterismo ng

matatanda subalit hindi naman sila aktibong nakikilahok sa alin man sa mga ito.

19. Malaking bilang ng matatandang may kita na umaabot sa P5,000 hanggang

P20,000 ang walang pakikisangkot sa anumang gawain na may kaugnayan sa

bolunterismo samantalang isa lamang lamang ang kumikita ng P65,000 pataas ang

aktibong nakikilahok sa mga gawaing may koneksyon sa aktibong bolunterismo.

Page 22: Atityud Ng Matatanda Sa Boluntarismo

 

Sanggunian: Australian Bureau of Statistics. Voluntary Work, Australia, 2006 (2010), accessed at www.abs.gov.au/ausstats/[email protected]/ProductDocumentCollection?OpenAgent&productno=4441.0&issue=2006, on Dec. 31, 2010. Barbara A. Butrica, Richard W. Johnson, and Sheila R. Zedlewski. Volunteer Dynamics of Older Americans. The Journals of Gerontology Series B: Psychological Sciences and Social Sciences 64, no. 5 (2009): 644. Clarita R. Carlos. Concerns of the Elderly in the Philippines. Philippine Social Sciences Review. vol. 56 nos.1-4, jan-dec 1999 Doing Well. Engaging Senior Volunteers. A Guide for Non-profit Organization. National Volunteer & Philanthropy Centre, Singapore, 2007. S.I. Hong and Nancy Morrow-Howell. Health Outcomes of Experience Corps: A High-Commitment Volunteer Program. Social Science & Medicine 71, no. 2 (2010): 414-20. M.C. Luoh and A.R. Herzog. Individual Consequences of Volunteer and Paid Work in Old Age: Health and Mortality. Journal of Health and Social Behavior 43, no. 4 (2002): 490-509. Today’s Research on Aging. Program and Policy Implications Issue 21, August 2011. John Wilson and Marc Musick. Who Cares? Toward an Integrated Theory of Volunteer Work,” American. Sociological Review 62, no. 5 (1997): 694-713.