artipisyal na pagpapalahi ng hayop - laguna.gov.ph · ang dumalagang baboy kung ito man ay...
TRANSCRIPT
ARTIPISYAL
NA
PAGPAPALAHI NG HAYOP
Brgy. Callios, Sta. Cruz, Laguna
Phone: 501-2425/2689
Fax: 501-0457
E-mail:
Tanggapan ng
Panlalawigang
Beterinaryo
Kgg. JEORGE ―ER’ EJERCITO ESTREGAN
Gobernador
at ng
Baboy
1. Maaring labis ang katabaan ng inahin.
2. Maaaring ang pagpapakasta ay napaaga o nahuli
kaya ang punlay ng barako at itlog ng inahin ay
hindi nag-abot ng kapwa may buhay.
3. Maaring ang barakong ginamit kahit subok na ay
labis na ang pagkakagamit.Kung kaya’t hindi na
gaanong malusog.
4. Maaring ang baboy ay may sakit o inpeksyon sa
bahay-biik.
5. Ang dumalagang baboy kung ito man ay nagla-
landi , ay maaaring hindi magbuntis kung may ka-
pansanan sa katawan lalo na sa daanan ng semilya
hanggang sa utero.
Mga Kadahilanan ng Hindi Pagtutuloy ng Pagbub-
untis ng Hayop
Kalabaw/Baka
1. May mga problema sa matres ng hayop na hindi
kayang alamin ng technician sa kanyang pagsusuri,
na kahit semilyahan o turukan ay hindi rin ito mag-
bubuntis.
2. May mga hayop na hindi tumutuloy ang pagbub-
untis dahil sa kakulangan ng pagkain, sobrang gamit
sa trabaho, o di kaya ay likas na hindi ito nabubu-
hayan ng guya.
3. Hindi tumutuloy ang pangingitlog ng obaryo.
4. Ano mang bagay na pipigil sa pagtatagpo at pagsa-
sanib ng itlog ng babae at semilya ng lalaki ay sapat
na para hindi mabuntis ang isang hayop.
Proyekto ng
Pamahalaang
Panlalawigan
sa pamumuno ni
Ano ang Artipisyal na Pagpapalahi o Artificial Insemi-
nation (A.I.)?
Ang ―Artificial Insemination‖ o AI ay
karaniwang tinatawag na paglalagay ( pagsusumpit/
pagtuturok ) ng semilya sa pamamagitan ng instru-
mento sa mga naglalanding inahin o dumalagang
hayop tulad ng baboy,baka at kalabaw.
Mga Kapakinabangan ng Artipisyal na Pagpa-
palahi
Maraming kapakinabangan ang artipisyal
na pagpapalahi kung ito ay mapapamahalaan at
maisasagawa ng maayos.
1. Kakayahang masiguro ang kalidad ng semilya
bago magpalahi.
2. Naiiwasan ang pagkalat ng sakit
3. Mas madali ang pagpapataas ng lahi ng hayop
lalo na sa mga lugar na malayo at walang barakong
may mataas na lahi.
4. Mabilis ang paraan ng pagpapalahi.
5. Pinakaepektibong paraan para mapalahian ang
matapang o maliliit na inahin at dumalaga upang
maiwasan ang posibleng pag-aaway o pamimilay.
6. Mas mabilis na paraan ng pagpapalahi ng hayop sa
abot kayang halaga
7. Mas marami ang maseserbisyuhang inahin o du-
malaga sa pinalawig na semilya ng bulugang hayop.
Mga Limitasyon ng Artipisyal na Pagpapalahi
1. Nangangailangan ng mas maingat at may ka-
sanayan at kaalaman sa pagsasagawa ng proseso/
teknolohiya.
2. Nangangailangan ng mga kagamitan sa pagsasa-
gawa ng pagpapalahi.
3. Mababa ng bhagya ang bahagdan ng nagbubuntis
kung ihahambing sa natural na pamamaraan ng pagpa-
palahi.
Mga Dapat Isaalang-alang sa Artipisyal na Pagpa-
palahi
1. Antas ng kalusugan – Ang mga hayop na mahina
at nahawa ng iba’t-ibang sakit ay karaniwang mababa
ang tsansa na mabuntis. Ang tamang programa sa pag-
babakuna at pagpupurga ay nararapat at pinakama-
buting gawin upang matiyak na maayos ang kalusugan
ng inahin.
2. Tamang pagtukoy o pagtingin ng paglalandi. Ang
maagap at tamang pagsususri ng panahon ng pagla-
landi ang kailangan upang mapalahian ang inahin sa
tamang oras/ panahon.
3. Panahon ng pagsesemilya—kinakailangang isa-
gawa ang Artipisyal na Pagpapalahi 24 hanggang 36
na oras matapos magsimula ang paglalandi.
4. Muling pagbubuntis– Ang tagumpay ng artipisyal
na pagpapalahi ay masisiguro kung ang inahin ay
masesemilyahan 60 araw matapos magluwal ng
bulo (kalabaw at baka) o sa loob ng dalawang
lingo matapos ihiwalay ang mga biik (baboy).
Artipisyal na Pagpapalahi ng
Hayop