ap module iii

25
MODYUL 3: PAG-USBONG NG MAKABAGONG DAIGDIG: TRANSPORMASYON TUNGO SA PAGBUO NG PANDAIGDIGANG KAMALAYAN Panimula Ang mga pagbabago ng kamalayan mula sa Panahong Medieval ang nagpasimula sa pag-usbong ng makabagong daigdig. Ang mga pangyayari sa paglakas ng Europe, paglawak ng kapangyarihan nito at ang pagpakamulat sa mga bagong kaalaman at ideya ay nagdala ng transpormasyon sa Europe at bumago sa buong daigdig. Sa Yunit na ito ay tutuklasin mo ang pangyayari sa transpormasyon ng daigidg tungo sa pagbuo ng pandaigdigang kamalayan. Iuugnay mo ang mga ito sa kasalukuyan upang makabuo ng mga bagong kaalaman na makatutulong sa pagharap sa pagbabago ng daigdig. Aalamin mo rin kung paano lumakas ang Europe. Ano-ano ang dahilan at epekto ng paglawak ng kapangyarihan nito? Paano nakaapekto ang pag-usbong ng makabagong daigdig sa transpormasyon ng mga bansa at rehiyon sa daigdig bunsod ng paglaganap ng mga kaisipan sa siyensiya, pulitika at ekonomiya tungo sa pagbuo ng modernong pandaigdigang kamalayan? Handa ka na bang sagutin ang mga tanong na ito? Kung gayon, simulan ang pagtuklas sa mga pangyayaring ito. Mga Aralin At Sakop Ng Modyul Aralin 1: Paglakas ng Europe Aralin 2: Paglawak ng Kapangyarihan ng Europe Aralin 3: Pagkamulat Sa araling ito, inaasahang matututuhan mo ang sumusunod: Nasusuri ang konsepto ng bourgeoisie, merkantilismo, national monarchy, renaissance, simbahang katoliko at repormasyon Aralin 1 Napahahalagahan ang kontribusyon ng bourgeoisie, merkantilismo, national monarchy, renaissance, Simbahang Katoliko at repormasyon sa daigdig Nasusuri ang unang yugto ng imperyalismo at kolonisasyon sa Europe Aralin 2 Natataya ang mga dahilan at epekto ng unang yugto ng imperyalismo at kolonisasyon sa Europe Nasusuri ang mga kaganapan at epekto ng Rebolusyong Siyentipiko, Enlightenment, at Industriyal Nasusuri ang mga dahilan at epekto ng Ikalawang Yugto ng Imperyalismo 258

Upload: ruthferrera

Post on 11-Jul-2015

967 views

Category:

Documents


22 download

TRANSCRIPT

Page 1: Ap module iii

MODYUL 3: PAG-USBONG NG MAKABAGONG DAIGDIG:

TRANSPORMASYON TUNGO SA PAGBUO NG PANDAIGDIGANG KAMALAYAN

Panimula

Ang mga pagbabago ng kamalayan mula sa Panahong Medieval ang

nagpasimula sa pag-usbong ng makabagong daigdig. Ang mga pangyayari sa paglakas ng Europe, paglawak ng kapangyarihan nito at ang pagpakamulat sa mga bagong kaalaman at ideya ay nagdala ng transpormasyon sa Europe at bumago sa buong daigdig.

Sa Yunit na ito ay tutuklasin mo ang pangyayari sa transpormasyon ng daigidg tungo sa pagbuo ng pandaigdigang kamalayan. Iuugnay mo ang mga ito sa kasalukuyan upang makabuo ng mga bagong kaalaman na makatutulong sa pagharap sa pagbabago ng daigdig.

Aalamin mo rin kung paano lumakas ang Europe. Ano-ano ang dahilan at epekto ng paglawak ng kapangyarihan nito? Paano nakaapekto ang pag-usbong ng makabagong daigdig sa transpormasyon ng mga bansa at rehiyon sa daigdig bunsod ng paglaganap ng mga kaisipan sa siyensiya, pulitika at ekonomiya tungo sa pagbuo ng modernong pandaigdigang kamalayan? Handa

ka na bang sagutin ang mga tanong na ito? Kung gayon, simulan ang pagtuklas sa mga pangyayaring ito.

Mga Aralin At Sakop Ng Modyul

Aralin 1: Paglakas ng Europe Aralin 2: Paglawak ng Kapangyarihan ng Europe

Aralin 3: Pagkamulat

Sa araling ito, inaasahang matututuhan mo ang sumusunod:

Nasusuri ang konsepto ng bourgeoisie, merkantilismo, national monarchy, renaissance, simbahang katoliko at repormasyon

Aralin 1

Napahahalagahan ang kontribusyon ng bourgeoisie, merkantilismo, national monarchy, renaissance, Simbahang Katoliko at repormasyon sa daigdig

Nasusuri ang unang yugto ng imperyalismo at kolonisasyon sa

Europe

Aralin 2

Natataya ang mga dahilan at epekto ng unang yugto ng imperyalismo at kolonisasyon sa Europe

Nasusuri ang mga kaganapan at epekto ng Rebolusyong Siyentipiko, Enlightenment, at Industriyal

Nasusuri ang mga dahilan at epekto ng Ikalawang Yugto ng Imperyalismo

258

Page 2: Ap module iii

Naipaliliwanag ang kaugnayan ng Rebolusyong Pangkaisipan ng Aralin 3 mga Rebolusyong Pranses at Amerikano

Naipahahayag ang pagpapahalaga sa pag-usbong ng konsepto ng Nasyonalismo sa Europe at iba’t ibang bahagi ng daigdig

PAUNANG PAGTATAYA

Upang masubok ang iyong dati nang alam tungkol sa nilalaman ng Modyul na ito, sagutin ang sumusunod na pagsusulit. Isulat ang letra ng wastong sagot sa bawat bilang. Bigyang pansin ang mga aytem na hindi mo nasagot at subuking muling sagutan ang nasabing mga aytem habang ginagamit ang Modyul na ito.

1. Lahat ng nasa ibaba ay katangian ng bourgeoisie noong Gitnang Panahon MALIBAN sa anong aytem?

A. mayayaman at kabilang sila sa uring nobilidad at kaparian B. tinagurian silang middle class o panggitnang uri. C. nagmula sila sa mga banker at mangangalakal sa mga bayan at lungsod. D. nagamit ang kanilang propesyon at panulat sa pagbubunsod ng

rebolusyong pampulitika at pang-ekonomiya.

2. Alin ang pinakawastong kahulugan ng Renaissance?

A. muling pagsikat ng Kulturang Helenistiko B. muling pagsilang ng kaalamang Griyego-Romano

C. panibagong kaalamang panrelihiyon sa Europe D. panibagong kaalaman sa agham

3. Alin ang tamang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari?

I. schism sa Simbahang Katoliko II. pagtawag ni Pope Paul III sa Council of Trent III. pagpaskil ni Martin Luther ng Ninety-Five Theses sa pinto ng

Wittenberg Church

A. I - II - III B. II - I - III C. III - I - II

D. I - III – II

4. Alin sa sumusunod na mga pangungusap ang kumakatawan sa pahayag na “The end justifies the means ”?

A. Auman ang pamamaraan ng pinuno ay katanggap-tanggap

kung mabuti ang kaniyang hangarin. B. Ano pa man ang pamamaraan ng pinuno basta mabuti ito ay palaging

mabuti ang bunga nito.

259

Page 3: Ap module iii

C. Ang pamamaraan ng pinuno ay mahalaga sa moralidad ng nasasakupan. D. Ang mabuting pinuno ay nagpapakita ng mabuting pamamaraan

ng pamamahala.

5. Sino ang pilosopong Ingles na nagpanukala na ang kaalaman ng isang tao ay nagmumula sa karanasan? Binigyang-diin niyang ang kaisipan ng tao ay maitutulad sa “tabula rasa” o blank slate.

A. John Locke B. John Adams

C. Rene Descartes D. Jean-Jacques Rousseau

6. Bakit itinuring na batik sa kasaysayan ng Simbahang Katoliko ang Inquisition?

A. Napigilan nito ang paglaganap ng Protestant Reformation sa

timog Europe. B. Ang mga kalupitang ginawa ng Inquisition ay humantong sa

maraming kamatayan ng walang sala. C. Nasugpo nito ang mga salungat sa alituntunin ng Katolisismo.

D. Nagkaroon ng maraming kaaway ang Simbahang Katoliko.

7. Suriin ang mapa ng Italya. Ano kaya ang magiging implikasyon ng heograpiya sa ekonomiya nito?

260

Page 4: Ap module iii

A. Hindi hiwa-hiwalay ang bahagi nito na mahalaga sa pagkakaisa. B. May mapagkukunan ng yamang-dagat. C. Bukas ang iba’t ibang ruta nito sa kalakalan.

D. Madali itong masakop ng ibang bansa.

8. Ano ang kontribusyon ng sistemang merkantilismo sa Europe? A. Napabilis ang kalakalan dahil sa sistemang merkantilismo.

B. Naging batayan ito ng kapangyarihan ng mga bansa sa Europe. C. Sa tulong ng sistemang ito, natustusan ng mga bansa ang

kanilang Pangangailangan. D. Bumagal ang kalakalan dahil sa sistemang merkantilismo.

9. Sa ika-15 siglo, ang Europe ay nahati sa mga nation-state na nagpaligsahan sa kapangyarihan. Nagbunga ang paligsahang ito ay sa pagpapalawak ng mga nation-

state. Alin sa sumusunod na bansa ang nanguna sa pagtuklas ng mga lupain?

A. Spain B. England

C. Portugal D. Netherlands

10. Angt cartoon sa ibaba ay kumakatawan sa mga estado sa America. Ano ang mensaheng ipinakikita nito kung nangyari ito sa panahon ng rebolusyon laban sa British?

A. Kailangang maging matalino sa paglaban tulad ng isang ahas. B. Pagkakaisa ang susi upang magtagumpay sa laban.

C. Mag-ingat sa British na kawangis ng ahas. D. Walang maaapi kung walang nagpapaapi.

261

Page 5: Ap module iii

11. Alin ang mga pahayag na nagpapakita ng nasyonalismo sa kasalukuyang panahon?

1. Mamuhunan sa ibang bansa upang malaki ang kita.

2. Sumunod sa batas na ipinatutupad ng sariling barangay. 3. Magtapos ng pag-aaral sa ibang bansa at paggamit ng natutuhan sa

sariling bansa. 4. Gumamit ng wikang Ingles upang maipakilala ang kalinangan at

kulturang Pilipino.

A. 1,2,3,4 B. 1,2,3

C. 2,3,4 D. 3,4

12. Matagal nang may alitang politikal ang mga bansang France at England. Nang magsimula ang Rebolusyong Amerikano, nagpadala ng tulong militar ang France sa United States na malaki ang tulong sa pananagumpay ng huli. Batay dito, ano ang pinakaangkop na hinuha ang mabubuo?

A. Magkakampi ang France at United States B. Magkasabay na nilabananan ng Inglatera ang United States at France. C. Galit ang France sa ginawang pananakop ng England sa United States. D. Ginamit na pagkakataon ng Pransya ang Rebolusyong Amerikano upang

mapabagsak ang Inglatera. 13. Naisakatuparan ang rebolusyong politikal matapos umusbong ang mga kaisipang liberal at radikal sa daigdig. Ano ang ugnayan ng Rebolusyong Pangkaisipan sa Rebolusyong Politikal? A. Ang Rebolusyong Pangkaisipan ang nagtulak sa pag-usbong ng

Rebolusyong Politikal. B. Ang Rebolusyong Politikal ang naging sanhi ng paglaganap

ng Rebolusyong Pangkaisipan. C. Ang Rebolusyong Pangkaisipan at Politikal ay bunga na lamang

ng renaissance sa Europe. D. Walang direktang ugnayan ang Rebolusyong Politikal at

Rebolusyong Pangkaisipan.

14. Sa Ikalawang Yugto ng Imperyalismo at Kolonisasyon, ginamit na dahilan ng mga Europeo ang ideya ng white man’s burden upang bigyang katwiran ang kanilang pananakop. Ano ang ‘white man’s burden’?

A. Paniniwalang binigyan ng Diyos ang mga puti ng karapatan na

angkinin ang daigdig. B. Paniniwalang mga puti ang superior na lahi sa mundo. C. Paniniwalang tungkulin ng mga puti na panaigin ang

kanilang kabihasnan sa kanilang sinakop. D. Paniniwalang ang mga nasakop nilang kolonya ay dapat sumunod sa

mga kagustuhan ng mga Europeo.

262

Page 6: Ap module iii

15. Maraming makabagong ideya at imbensyon ang nabuo noong Rebolusyong Siyentipiko. Binago ng panahong ito ang pagtingin ng tao sa sansinukob. Alin sa sumusunod ang pinakamahalagang ambag ng Rebolusyong Siyentipiko sa mga Kanluranin?

A. Maraming aklat ang naisulat tungkol sa agham sa panahong ito. B. Nakapagtatag ng mga paaralang pang- agham sa Europa. C. Nabago ang tingin ng mga Kanluranin sa sansinukob.

D. Naging pangunahing dahilan ito ng kamalayan ng mga Kanluranin.

16. Nagdulot ang Rebolusyong Industriyal ng pag-unlad sa lipunan at ekonomiya ng Europe, kasabay ang suliraning idinulot nito. Alin sa mga sumusunod ang pinakamabigat na suliraning panlipunan at pang-ekonomiyang idinulot ng Rebolusyong Industriyal?

A. Dumagsa ang mga tao sa lungsod na mula sa mga probinsya. B. Maraming nawalan ng hanapbuhay at naging palaboy.

C. Maraming bata ang napilitang magtrabaho. D. Naging dahilan ito ng hidwaang pampolitika.

17. Alin sa sumusunod ang pangunahing epekto ng Rebolusyong Pranses?

A. Pagtanggal ng sistemang piyudal B. Pagpirma ng “Deklarasyon ng Karapatan ng Tao” C. Paglansag ng monarkiya at pagtatayo ng republika

D. Paglawak ng ideyang kalayaan, pagkakapantay-pantay at pagkakapatiran

18-20) Tama o Mali

Suriin ang bawat pahayag . Makatutulong ang nakasalungguhit na mga salita sa pagsusuri ng ideya sa bawat bilang. Pillin ang letra ng wastong sagot.

Gamitin ang sumusunod na option sa bilang 18-20.

A. Tama ang una at ikalawang pangungusap.

B. Mali ang una at ikalawang pangungusap. C. Tama ang unang pangungusap.

D. Tama ang ikalawang pangungusap.

18. I. Ang Humanismo ay kilusang kultural na nagsimula sa Italya

at lumaganap sa kabuuan ng Europa. II. Isa sa pinakamahalagang salik sa paglaganap ng kilusang kultural

ang pagkakaimbento ng ‘movable press’ ni Johan Gutenberg. 19.

I. Bago pa man nabuhay si Martin Luther ay marami nang repormista ang nabuhay upang hamunin ang katuruan at kapangyarihan ng Simbahang Katolika.

263

Page 7: Ap module iii

II. Isa sa mga katuruang humamon sa Simbahan ang paniniwalang

ang personal na relasyon ng tao sa Diyos ang makapagliligtas, hindi ang Simbahang sinasabing may hawak ng susi ng kalangitan.

20.

I. Kung ihahambing ang mabuti at masamang bunga ng pananakop, nakahihigit ang kabutihang idinulot nito sa daigdig.

II. Sapagkat maraming alipin ang nakuha mula sa Africa at nakatulong sa pagtatanim sa ilang bahagi ng America at Asia.

ARALIN 1: PAGLAKAS NG EUROPE

Nagmumula sa Europe ang pinakamayayamang mga bansa sa daigdig.

Malaki ang bahaging ginampanan nila upang mapanatili ang katayuan ng Europe bilang isa sa pinakamauunlad na kontinente sa daigdig. Kailan nga ba nagsimula ang paglakas ng mga mangangalakal na malaki ang naging bahagi sa paglakas ng Europe sa bahaging ito ng kasaysayan.

ALAMIN

Matapos mong masukat ang iyong kakayahang sumagot ng mga paunang tanong sa mga aralin ng Modyul na ito, malalaman mo kung paano muling lumakas ang Europe at kung ano-anong bagong ideya at pamana ang naging ambag nito sa transpormasyon ng mga bansa sa iba’t ibang bahagi ng daigdig. Tuklasin ang mga pangyayari na nagbigay-daan sa paglakas ng Europe. Lilinangin mo ang mga bagong kaalaman at kasanayan na magdadala sa iyo sa lubos na pag-unawa. Halina’t iyong simulan...

Gawain 1: Word Hunt

Hanapin at bilugan sa puzzle box ang mga terminong tinutukoy sa bawat kahon sa kasunod na pahina. Gamitin ang una at huling titik ng salita bilang gabay sa paghahanap ng bawat salita.

264

Page 8: Ap module iii

A L A M E R K A N T I L I S M O

D I M B S E T N A T S E T O R P

V S I O L P R O T S E T O R P R

C O K A T O L I K O W H P S E I

E M D K E R A L S E A R L K E S

T S K U Y M T T A P T K N G P R

N I R S F A G U M O Y A S O O U

M N L W C S B S N R B N C T R K

P A T P L Y A S H R E O P Y U G

E M Y M B O U R G E O I S I E A

R U L R E N A I S S A N C E S P

Y H C R A N O M L A N O I T A N 1. B____________R Nagmamay-ari o namamahala ng bangko 2. B____________E Panggitnang uri ng mamamayan sa Europe 3. E____________E Pangalawa sa pinakamaliliit na kontinente ng daigdig 4. H____________O Isang kilusang kultural na nakatuon sa panunumbalik at

pagbibigay-halaga sa kulturang klasikal ng Griyego at Romano 5. K____________O Nangangahulugang “universal” 6. M____________O Sistemang ekonomiko na nakabatay sa konseptong ang yaman ng

bansa ay nasa dami ng kanyang ginto at pilak 7. N____________L Dahil sa pagkatatag nito, muling lumakas ang kapangyarihan

ng M____________Y hari

8. P____________E Mga tumutol o sumalungat sa turo ng Simbahang Katoliko 9. R____________E Nangangahulugan itong “muling pagsilang” 10. R____________N Krisis sa relihiyon kung saan ang mga ibang bansang Katoliko ay

yumakap sa ibang relihiyon

Matapos mong matukoy ang mahahalagang salita sa aralin ay subukin mong bumuo ng kaisipan tungkol sa paglakas ng Europe.Sa tulong ng nabuong mga salita. Isulat mo ang iyong konsepto sa rectangle callout.

265

Page 9: Ap module iii

Pamprosesong tanong

1. Ano-ano ang iyong nahanap at nabuong mga salita? 2. Batay sa mga salitang iyon, alin sa mga ito ang pamilyar sa iyo? Bakit? 3. Paano nabuo ang iyong sariling konsepto o kaisipan mula sa mga salitang

iyong pinagsama-sama? Ano-ano ang iyong naging batayan upang mabuo

ang kaisipan?

GAWAIN 2: Kilalanin Mo!

Suriin ang sumusunod na mga larawan. Kilalanin ang bawat nakalarawan at

isulat sa patlang ang tungkulin o gawain ng bawat isa.

266

Page 10: Ap module iii

Pamprosesong tanong

1. Sino ang ipinakikita sa bawat larawan? 2. Mayroon ka bang kilala na may pagkakatulad sa nasa larawan?

3. Anong panahon kaya sa kasaysayan nagmula at nakilala ang mga nakalarawan? 4. Nakatutulong ba sa kasalukuyan ang nasa larawan? Patunayan. GAWAIN 3: Think –Pair- Share!

Sa tulong ng gawaing ito, masusukat mo ang kaalaman at pag-unlad sa pag-unawa ng aralin.

Panuto: Pumili ng kapareha sa gawaing ito at basahin ang katanungan sa aralin. Sagutin ang kahong itinakda sa inyo bago pagsamahin ang mga ideya. Iwanang walang sagot ang dalawang nasa ibabang kahon at balikan ito sa huling bahagi ng aralin.

TANUNGAN SA ARALIN

Paano nakaapekto ang paglakas ng Europe sa transpormasyon ng mga bansa at rehiyon sa daigdig at sa pagbuo ng pandaigdigang kamalayan?

AKING KAPAREHA

AKING KASAGUTAN

(Sagot ng Mag-aaral) (Sag ot ng Kapare h a )

PINAGSAMANG IDEYA (Sagot ng Magkapareha)

(Sa bahaging ito, isulat ng magkapareha ang pinal na kasagutan pagkatapos ng aralin)

Mga Sanggunian/ Batayan

(Tala ng mga babasahing pinagkunan ng impormasyon, website at iba pa) Nagtatapos ang bahagi ng Alamin sa puntong ito.

Pagkatapos masuri ang sariling mong kaalaman tungkol sa paksang tatalakayin, natitiyak kong gusto mong malaman kung tama ang iyong mga sagot sa talahanayan. Masasagot ito sa susunod na bahagi ng Modyul . Sa iyong pagsasagawa ng iba’t ibang gawain, suriin kung tumutugma ang iyong mga dating alam sa mga bagong kaaalamang matututuhan mo sa modyul na ito.

267

Page 11: Ap module iii

PAUNLARIN

Sa bahaging ito, inaasahang matututunan mo ang mahahalagang kaalaman tungkol sa paglakas ng Europe. Ang bahaging ginampanan ng Bourgeoisie, ng sistemang Merkantilismo, pagkatatag ng National Monarchy, Renaissance, at maging ng simbahang Katoliko at Repormasyon ay makatutulong upang lubos na maunawaan ang mga pagbabagong naganap sa Europe sa panahong ito. Maaaring balikan ang mga tanong sa unang bahagi matapos ang pag-aaral sa bahaging ito ng aralin. Inaasahan ding maiwawasto ang mga maling pag-unawa pagkatapos ng aralin.

GAWAIN 4: Pamana ng Nakaraan!

Natalakay sa Aralin 3 ng Modyul 2 ang mahahalagang pamana ng bayan

at lungsod sa panahong Medieval. Malaki ang naitulong ng mga pamanang ito sa pag-usbong ng Europe. Makikita sa dayagram ang mga pamanang ito.

Panuto: Suriin ang dayagram at sagutin ang mga katanungan.

Diagram Blg. 1.1

Halaw sa Kasaysayan ng Daigdig (Batayang Aklat Para sa Ikatlong Taon) nina Vivar et.al, pahina 156

268

Page 12: Ap module iii

Pamprosesong tanong

1. Sa mga pamanang inilahad sa dayagram, alin sa mga ito

pinakamahalaga? Bakit? 2. Sa iyong palagay, paano makaaapekto ang mga pamanang ito sa

paglakas ng Europe?

Simulan mo na ang pag-aaral tungkol sa mga bourgeoisie na malaki ang papel na ginampanan sa paglakas ng Europe.

GAWAIN 5: Burgis ka!

Malaki ang bahaging ginampanan ng mga bourgeoisie sa paglakas ng

Europe. Gusto mo ba silang makilala?

Panuto: Basahin at unawain mo ang teksto tungkol sa bourgeosie. Iyong itala ang mahahalagang datos na nakapaloob dito at punan ang cloud call out at concept map ng nasabing datos tunkol sa bourgeoisie.

269

Page 13: Ap module iii

PAG-USBONG NG BOURGEOISIE

Ang terminong bourgeoisie ay iniuugnay sa mga mamamayan ng mga bayan sa medieval France na binubuo ng mga artisan at mangangalakal. Ang mga artisan ay mga manggagawang may kasanayan sa paggawa ng mga kagamitang maaaring may partikular na gamit o pandekorasyon lamang.

Malaki ang pagkakaiba ng pamumuhay ng mga bourgeoisie sa

pamumuhay ng aristokrasya, mga magsasaka, o ng mga pari. Ang daigdig nila ay hindi ang manor o simbahan kundi ang pamilihan. Hindi nakatali ang mga kasapi ng uring ito sa mga panginoong may lupa. Ang kanilang yaman ay hindi nanggaling sa lupa kundi sa industriya at kalakalan. Ang mga artisan, halimbawa, ay naninirahan sa mga nabuong pamayanan. Hindi sila nakadepende sa sistemang piyudal at binanayaran sila sa kanilang paggawa.

Sa huling bahagi ng ika-17 siglo, naging isang makapangyarihang puwersa

ang bourgeoisie sa Europe. Binubuo sila ng mga mangangalakal, banker (nagmamay-ari o namamahala ng bangko), mga shipower (nagmamay-ari ng mga barko), mga pangunahing mamumuhunan, at mga negosyante. Hindi na kabilang sa kanila ang mga artisano na sa panahong ito ay maiuuri na sa mga manggagawa. Ang kapangyarihan ng bourgeoisie ay bunga ng kayamanan at pakikipag-alyansa sa hari laban sa mga landlord. Subalit ang kanilang kapangyarihan sa nasabing panahon ay pang-ekonomiya lamang. Maiuugat ang English Revolution, American Revolution, at French Revolution sa pagnanais ng bourgeoisie na palayain ang sarili mula sa anino ng piyudalismo, sa pakikialam ng monarkiya sa personal na kalayaan, at sa karapatan sa kalakalan at pagmamay-ari.

Nagkaroon lamang ng politikal na kapangyarihan ang mga bourgeoisie

pagdating ng ika-19 na siglo. Nagkamit si la ng karapatang politikal, panrelihiyon, at sibil sa pamamagitan ng pagtataguyod ng liberalismo.

Halaw mula sa: Kasaysayan ng Daigdig nina Grace Estela C.Mateo et’ al pp.209-211

Ang mga bourgeoisie ay ____________ ________________________________ ________________________________

270

Page 14: Ap module iii

PAGLAKAS NG MGA BOURGEOISIE

Sino-sino ang mga Katangian ng Halaga sa Lipunan

Bourgeoisie? mga Bourgeoisie (Noon at Ngayon)

_______________ ________________

_______________ ________________

_______________ ________________

_______________ ________________

_______________ ________________

_______________ ________________

_______________ ________________ _______________ ________________

Dahilan ng kanilang

Paglakas

Epekto sa Paglakas

ng Europe

________________ __________________

________________ __________________ ________________ __________________

________________ __________________ ________________ __________________ ________________ __________________

________________ __________________ ________________ __________________

________________ __________________

Pamprosesong tanong

1. Sino-sino ang itinuturing na kabilang sa pangkat ng bourgeoisie? 2. Ano-ano ang katangian ng bourgeoisie? 3. Ano ang naging papel nila sa paglakas ng Europe? 4. Sino ang maituturing natin na Bourgeoisie sa kasalukuyan? 5. Paano nakatutulong ang bourgeoisie sa kasalukuyan sa ating bansa at maging sa daigdig?

Hindi lamang ang paglakas ng bourgeoisie ang matutunghayan sa bahaging ito ng kasaysayan ng paglakas ng Europe, bahagi rin ng pangyayari sa panahong ito ang pag-iral ng sistemang nagbigay –daan sa paghahangad ng mahahalgang metal mayroon ang ibang panig ng daigdig maliban sa Europe. Paano ba ito nagsimula? Ano ba ang merkantilismo? Paano ito nakaapekto sa ekonomiya at lipunan ng Europe?

271

Page 15: Ap module iii

GAWAIN 6: Magbasa at Unawain!

Panuto: Basahin mo at unawain ang teksto hingil sa merkantilismo. Pagkatapos ay sagutin ang mga pamrposesong tanong.

Ang pag-unlad ng isang bagong

doktrinang tinawag na merkantilismo ay nakatulong din sa pagkabuo at paglakas ng mga nation-state sa Europe. Nabuo ang prinsipyo ng merkantilismo upang itaguyod ang kaunlarang pang-ekonomiya at kapangyarihang politikal ng isang bansa. Bagama’t kadalasang ikinakategorya bilang patakarang pang-ekonomiya, ang merkantilismo ay isang sistema na ang pangunahing mga layunin ay politikal. Ang mga layuning ito ay ang magkaroon ng malaking kitang magbibigay-daan upang ang hari ay makapagpagawa ng mga barko, mapondohan ang kaniyang hukbo, at magkaroon ng pamahalaang katatakutan at

rerespetuhin ng buong daigdig.

Ang doktrinang bullionism ay sentral sa teorya ng merkantilismo. Sa ilalim ng doktrinang ito, ang tagumpay ng isang bansa ay masusukat sa dami ng mahahalagang metal sa loob ng hangganan nito. Ibig sabihin, kung mas maraming ginto at pilak ang makukuha ng isang bansa, mas maraming pera ang malilikom nito bilang buwis.

Nangangahulugan ito na mas magiging mayaman at makapangyarihan ang naturang bansa.

Hango ang ideyang ito sa karanasan

ng Spain na yumaman at naging makapangyarihan dahil sa mahahalagang metal na nanggaling sa mga kolonya nito sa South America at Central America. Gayundin, kinailangan nila ng mga kolonyang magkakaloob ng mga ginto at pilak.

Ang isang bansang walang

kakayahang makakuha ng ginto at pilak nang madalian ay dapat na mas paunlarin pa ang kalakalan nito sa iba pang bansa. Kung titiyakin lamang ng pamahalaan na mas marami ang iniluluwas kaysa inaangkat, mas maraming ginto at pilak ang papasok sa bansa. Sa gayong paraan, mapananatili nito ang kalamangan sa balance ng kalakalan.

Isang elemento ng merkantilismo na

nakatulong sa pagkabuo at paglakas ng mga nation-state ay ang tinatawag na nasyonalismong ekonomiko. Ibig sabihin nito, kayang tustusan ng isang bansa ang sarili nitong pangangailangan. Sa pamamagitan ng pagtataas sa dami ng iniluluwas na produkto, hindi na aasa ang bansa sa mga produktong dayuhan. Halaw mula sa: Kasaysayan ng Daigdig nina Grace

Estela C.Mateo et’ al pp. 211-212

MERKANTILISMO

272

Page 16: Ap module iii

Pamprosesong tanong

1. Batay sa mga kaisipan at konseptong naipahayag sa teksto, ano

ang kahulugan ng merkantilismo? 2. Bakit sinasabing hindi lamang pang-ekonomiya kundi pampolitika rin

ang layunin ng merkantilismo?

3. Paano nagsimula at nakatulong ang merkantilismo sa paglakas ng Europe?

4. Mayroon pa bang merkantilismo sa kasalukuyan? Patunayan. 5. Pabor ka ba na ito ang gamiting sistemang pang-ekonomiya ng ating

bansa? ng daigdig? Bakit?

Ang paglakas ng bourgeoisie at paggamit ng sistemang merkantilismo ay naging daan upang muling manumbalik ang kapangyarihan ng hari. Paano nga ba muling naging makapangyarihan ang hari? Paano rin nakatulong ang mga bourgeoisie sa pagiging makapangyarihan ni la muli? Tunghayan mo ang mga pangyayari sa bahaging ito ng ating kasaysayan.

GAWAIN 7: Hagdan ng Pag-unawa!

Panuto: Paano nga ba nakatulong ang pagtatatag ng National Monarchy sa paglakas ng Europe? Sa tulong ng kasunod na teksto, itala mo sa ladder diagram ang mga kaganapan na nagbunsod sa pagyabong ng national monarchy.

273

Page 17: Ap module iii

PAGTATATAG NG NATIONAL MONARCHY

Ease modyul 10

Malaki ang naitulong ng

pagtatatag ng national monarchy

sa paglakas ng Europe. Matatandaan na sa panahon ng piyudalismo, walang sentralisadong pamahalaan. Mahina ang kapangyarihan ng hari. Ang naghahari ay ang mga noble na sila ring mga panginoong maylupa. Ang hari ay itinuturing lamang na pangunahing panginoong may lupa.

Subalit nabago ang katayuan ng monarkiya sa tulong ng mga bourgeoisie. Ang hari na

dating mahina ang kapangyarihan ay unti-unting namayagpag sa pamamagitan ng pagpapalawak ng teritoryo at pagbubuo ng matatag na sentralisadong pamahalaan. Humirang siya ng

mga mamamayang nagpatupad ng batas at nagsagawa ng paglilitis at pagpaparusa sa korte ng palasyo. Bilang resulta, ang katapatan ng mamamayan ay lumipat mula sa panginoong

maylupa tungo sa pamahalaan na may kakayahang protektahan sila. Handa silang magbayad ng buwis para sa proteksiyong ito.

Sa pamamagitan ng buwis, nagkaroon ng pondo ang hari upang magbayad ng mga sundalo. Dahil dito, nakalaya ang hari mula sa proteksiyon na dating ibinibigay

ng mga knight ng panginoong maylupa. Dahil ang katapatan ng mga sundalo ay nasa hari, maaari silang gamitin ng hari laban sa mga knight ng panginoong maylupa kung kinakailangan. Bukod dito,

maaari nang humirang ang hari ng mga edukadong mamamayan bilang kolektor ng buwis, hukom, sekretarya, at administrador.

Halaw mula sa: Kasaysayan ng Daigdig nina

Ano-ano ang salik na nakatulong sa muling paglakas ng kapangyarihan ng hari? _____________________________ _____________________________

_____________________________ _____________________________ _____________________________

274

Page 18: Ap module iii

PAG-USBONG NG MGA NATION- Tungkulin ng hukbo na palawigin

STATE ang teritoryo at kapangyarihan

ng monarkiya kahit

Sa pagbabago sa konsepto ng mangahulugan ito ng digmaan.

monarkiya. naitatag na rin ang mga Nagsimula rin ang institusyon ng

batayan ng mga nation-state sa burukrasya sa mga opisyal o

Europe. Angnation-state ay kawani na may kasanayan para

tumutukoy sa isang estado na patakbuhin ang pamahalaan

pinananahanan ng mga mamamayan ayon sa kautusan ng monarkiya.

na may magkakatulad na wika, Kabilang sa katungkulan ng mga

kultura, relihiyon, at kasaysayan. opisya at kawani ang

Dahil sa kanilang pagkakahalintulad pangongolekta ng buwis,

na kultural, ang mga mamamayan ay pagpapatupad ng batas, at

isang nagkakaisang lahi. Bukod sa pagkakaloob ng hustisya.

pagiging nasyon, isa rin silang

estado sapagkat nananahan sila sa Dahil sa

isang tiyak na teritoryo at may makapangyarihan ang mga

pamahalaan silang may soberanidad nation-state, nagpakita ng

o kasarinlan. Isa silang ibayong lakas ang Europe.

nagkakaisang lahi na may katapatan Nabuo sa Europe ang mga

sa kanilang bansa. bagong institusyong pampolit ika,

panlipunan, at pang-ekonomiya.

Mahalagang katangian ng Ang paglakas ng Europe ay

nation-state sa panahong ito ang nagbigay-daan din sa

pagkakaroon ng sentralisadong pagpapalawak nito ng

pamahalaan sa ilalim ng isang impluwensiya. Naganap ito sa

pambansang monarkiya na may panghihimasok at pananakop ng

kakayahan at kapangyarihan na mga Europeong nation-state sa

magpatupad ng batas sa buong Asya, America, at nang

nasasakupan. May mga bagong kinalaunan, sa Africa.

institusyon na umusbong bunga ng

pagiging nation-state. Isa rito ang Halaw mula sa: Kasaysayan ng Daigdig

nina Grace Estela C.Mateo et’ al pp. 212-

pagkabuo ng isang hukbo ng mga 213

propesyunal na sundalo na tapat sa

hari.

Paano nakatulong ang mga nation-

state sa paglakas ng Europe? ______________________________ ______________________________

______________________________ ______________________________ ______________________________

275

Page 19: Ap module iii

Pamprosesong tanong

1. Ano-ano ang salik na nagpabago sa konsepto ng monarkiya at

nagpalakas sa kapangyarihan ng hari? 2. Ano-anong bansa sa kasalukuyan ang pinamumunuan pa rin ng hari at

reyna? 3. Paano nakatulong ang nation-state sa paglakas ng Europe. 4. Kung ikaw ang tatanungin, pabor ka ba na ang mamuno sa ating bansa ay

hari at reyna? Bakit?

Bukod sa mga unang natalakay na aralin, tatalakayin rin ang

bahaging ginampanan ng simbahan sa paglakas ng Europe.

GAWAIN 8: Discussion WeB

PANUTO 1. Pagkatapos basahin ang teksto, bumuo ng limang pangkat na may parehong

bilang . 2. Talakayin ang tanong sa pangkat at bumuo ng ebidensya at suporta sa

panig ng Oo at Hindi. 3. Suriin ang tanong at itala ang mga impormasyon at pahayag ng bawat

miyembro bawat pangkat kung ang sagot ay Oo o Hindi. 4. Magtulungan ang bawat pangkat sa pagbuo ng dahilan at kongklusyon. 5. Panghuli, pumili ng tagapagsalita para maibahagi ang inyong pananaw

sa buong klase.

276

Page 20: Ap module iii

PAGLAKAS NG SIMBAHAN AT PAPEL NITO SA PAGLAKAS NG EUROPE

Habang nababawasan ang katapatan ng ordinaryong mamamayan sa mga panginoong maylupa, nakikita naman nila ang Simbahan bilang bagong sentro ng debosyon. Sa loob mismo ng Simbahan ay tinuligsa ang pang-aabuso ng mga hari na naging dahilan upang lalong lumakas ang kapangyarihan ng Papa.

Sa pagsapit ng 1073, naging mas

makapangyarihan ang Simbahan nang itakda ni Papa Gregory VII na ang lipunan ay bahagi ng kaayusang banal na napapasailalim sa batas ng Diyos. Bilang pinakamataas na lider-espiritwal at tagapagmana ng Simbahang Katoliko mula kay San Pedro, ang Papa ang may pinakamataas na kapangyarihan sa pananampalataya at doktrina. Kaugnay nito, ang lahat ng Obispo ay dapat na mapasailalim sa kanya, gayundin ang mga hari na ang kapangyarihan ay dapat lamang diumanong gamitin sa layuning Kristiyano. May karapatan ang Papa na tanggalin sa hari ang karapatang mamuno kung hindi tumupad ang hari sa kanyang obligasyong Kristiyano.

Ang Investiture Controversy ay sumasalamin sa tunggalian ng interes ng Simbahan at pamahalaan kaugnay ng mga ideya ni Papa Gregory VII. Hindi nagustuhan ng Haring German na si Henry IV ang ideya ni Papa Gregory VII. Para kay Henry, ang relihiyong panatisismo ni Papa Gregory VII ay tuwirang nakaapekto sa mga kaugalian at usaping politikal sa Germany. Dahil dito, humingi ng tulong ss Henry IV sa mga obispong German na pababain na sa puwesto ang Papa. Bilang tugon, idineklara ng Papa na ekskomulgado si Henry IV sa Simbahang Katoliko. Hiniling ng hari na alisin ang ekskomulgasyon sa kaniya. Nang hindi ito gawin ng Papa, tumayo si Henry IV nang nakayapak sa labas ng palasyo ng Canossa sa hilagang Italya ng tatlong araw noong 1077. Hiniling niya na alisin na ang parusang ekskomulgasyon.

Bagaman pinatawad din

kalaunan ng Papa si Henry, ang nasabing insidente ay lalong nagpatibay sa kapangyarihan ng Simbahan. Kalaunan, upang malutas ang nasabing isyu, nagkaroon ng kompromiso sa pagitan ng Simbahan at ni Henry V. Ito ang tinatawag na Concordat of Worms noong 1122 na kumilala sa dalawang tungkulin ng Obispo bilang lider-espiritwal ng Simbahan at panginoong maylupa. Kinilala nito ang Simbahan bilang isang nagsasariling institusyon na pinamumunuan ng Papa na hindi napapasailalim sa sinumang hari.

277

Page 21: Ap module iii

Ang simbahan ang pinakamakapangyarihang institusyon sa panahon ng Middle Ages. Malawak ang lupang pag-aari nito. Ito ang nagtakda sa Europe ng pamantayan ng pag-uugali at moralidad. Ito rin ang namahala sa edukasyon. Maging ang mga hari ay kaya niyang utusan o pasunurin. Dahil sa kapangyarihan ng Simbahan, mahalaga ang naging papel nito sa paglakas ng Europe. Sa pangunguna ng Simbahan, nabuo ang imahen ng Europe bilang isang malawak na kabuuang Kristiyano – ang Republica Christiana na pinamumunuan ng mga hari sa patnubay ng Papa.

Sa kabuuan, ang Europe sa simula ng ika-11 siglo hanggang sa ika-13 siglo ay

lumakas. Lumaki ang populasyon, nanumbalik ang dating siglang pangkalakalan, umusbong ang mga lungsod at kalaunan ay mga nation-state, at lumakas ang kapangyarihan ng Simbahan. Ang mga salik na ito ang nagbigay-daan sa paglakas ng Europe at sa kaganapan sa mga susunod na panahon.

Halaw mula sa: Kasaysayan ng Daigdig nina Grace Estela C.Mateo et’ al pp. 214 -216

Pamprosesong tanong

1. Ano ang naging papel ng Simbahan sa paglakas ng Europe? 2. Bakit mahalaga ang impluwensiya ng Simbahan sa paglakas ng Europe? 3. Paano nakatulong ang Simbahan sa paglakas ng Europe at

transpormasyon ng daigdig? 4. Malaki pa rin ba ang impluwensiya ng simbahan sa kasalukuyan?

Patunayan. GAWAIN 9: OO o HINDI!

Pagkatapos ang pagtalakay, pagsusuri ng mga konsepto at kaalaman sa naging aralin, iyong malalaman kung gaano mo naunawaan ang naging pag-aaral tungkol sa paglakas ng Europe.

278

Page 22: Ap module iii

Panuto: Basahin at suriin mo ang mga pahayag hinggil sa aralin. Idikit mo ang hawak mong sign sa bahagi ng OO kung naunawaan mo na ito at sa bahagi naman ng HINDI kung hindi pa malinaw sa iyo ang konseptong ito ng aralin. Pagkatapos ay suriin ang bilang ng mga nakaunawa at hindi pa naging malinaw ang pagkaunawa.

KONSEPTO/ KAALAMAN

OO HINDI

(NAUNAW AAN) (NAUNAW AAN)

1. Ang bourgeoisie ay binubuo ng mga mamamayan na kabilang sa panggitnang uri ng lipunan.

2. Dahil sa impluwensiya ng mga Bourgeoisie nasimulan nila ang mga reporma sa pamahalaan.

3. Ang merkantilismo ay isang sistemang pang-ekonomiya na lumaganap sa Europe na naghahangad ng pagkakaroon ng maraming ginto at pilak bilang tanda ng kayamanan at kapangyarihan ng bansa.

4. Sa pagkawala ng kapangyarihan ng mga panginoong maylupa, ang hari ang nagsilbing pinuno at nagpatingkad sa pagtatatag ng national monarchy.

5. Ang simbahan ang nagsilbing tagapangalaga ng kalinangan sa imperyo noong panahong Medieval.

Sa nakalipas na pagtalakay natutuhan mo ang mga

pangyayaring nagbunsod sa paglakas ng Europe. Sa bahaging ito ng aralin ay iyong pag-aaralan ang pagsilang ng Renaissance sa huling bahagi ng ika-14 na siglo.

279

Page 23: Ap module iii

GAWAIN 10: Magtulungan Tayo!

Panuto: Nakita mo na ba ang larawan na “MONA LISA”? Nabasa mo na rin ba ang kuwentong “Romeo at Juliet? Kilala mo ba ang lumikha sa mga obra maestrang ito? Kung gayon, basahin mo ang teksto hinggil sa aralin. Pagkatapos ay ihanda mo ang iyong sarili para sa pangkatang gawain

PAG-USBONG NG

RENAISSANCE

Dahil sa pag-unlad sa

agrikultura bunga ng mga pagbabago sa kagamitan at pamamaraan sa pagtatanim, umunlad ang produksiyon sa Europe noong Middle Ages. Humantong ito sa paglaki ng populasyon at pagdami ng pangangailangan ng mga mamamayan na natugunan naman ng maunlad na kalakalan. Ang mga lungsod-estado sa hilagang Italy ay nakinabang sa kalakalang ito. Noong ika-11 hanggang ika-12 siglo, umunlad ang mga ito bilang sentrong pangkalakalan at pananalapi sa Europe. Monopolisado rin ng hilagang Italy ang kalakalan sa pagitan ng Asya at Europe. Ilan sa mga lungsod-estadong umusbong ay ang Milan, Florence, Venice, Mantua, Ferrara, Padua, Bologna, at Genoa. Ang yaman ng mga lungsod-estado na ito ay hindi nakasalalay sa lupa kundi sa kalakalan at industriya. Sa katunayan, kung nangangailangan ng pera ang Papa, hari, o panginoong maylupa, nanghihiram sila sa mga mangangalakal at banker ng mga lungsod-estado na ito. Ang mga Medici sa Florence ay halimbawa ng isang pamilya ng mangangalakal at banker.

Kasaysayan ng Daigdig nina Grace Estela C.Mateo et’ al pp. 219-220

Sa pagtatapos ng Middle

Ages sa huling bahagi ng ika-14 na siglo, isinilang ang Renaissance. Ang Renaissance ay nangangahulugang “muling pagsilang” o rebirth. Maaari itong ilarawan sa dalawang paraan. Una, bilang kilusang kultural o intelektuwal na nagtangkang ibalik ang kagandahan ng sinaunang kulturang Greek at Roman sa pamamagitan ng pag-aaral sa panitikan at kultura ng mga nasabing sibilisasyon. Ikalawa, bilang panahon ng transisyon mula sa Middle Ages tungo sa Modern Period o Modernong Panahon.

Mula sa iyong pagkakaunawa sa tekstong binasa, ano ang Renaissance? _______________________________ _______________________________

_______________________________ _______________________________

280

Page 24: Ap module iii

BAKIT SA ITALY?

Italy ang pinagmulan ng kadakilaan ng sinaunang Rome at higit na may kaugnayan ang Italyano sa mga Romano kaysa

Pagtataguyod ng mga

maharlikang angkan sa mga taong mahusay sa

sining at masigasig sa

pag-aaral.

Itinuturing na isa sa maraming dahilan kung bakit naging tunay na sinilangan ng Renaissance ang Italy, ay magandang lokasyon nito. Dahil dito, nagkaroon ng pagkakataon ang mga lungsod dito na makipagkalakalan sa Kanlurang Asya at Europe.

Mahalagang papel ang ginampanan ng mga unibersidad sa Italy, naitaguyod at napanatiling buhay ang kulturang klasikal at ang mga teolohiya at pilosopiyang kaalaman ng kabihasnang Griyego at Romano.

http://www.italylink.com/maps/italy_rel86.jpg

Batay sa mga impormasyong inilahad, bakit nga ba sa Italy sumibol ang Renaissance? _______________________________ _______________________________ _______________________________

_______________________________

281

Page 25: Ap module iii

ANG MGA HUMANISTA

Sa pagtatapos ng Middle Ages,

nagkaroon ng bagong kapangyarihan ang mga hari samantalang ang kapangyarihan naman ng Simbahan ay sinimulang tuligsain. Ang mga digmaan, epidemya, at suliraning pang-ekonomiya ay tuluyan nang nagwakas. Nagbigay-daan ang mga kaganapang ito sa pagsilang ng bagong pananaw na dulot ng interes sa pag-aaral ng sinaunang Greece at Rome, ang humanismo. Ang mga iskolar na nanguna sa pag-aaral sa klasikal na sibilisasyon ng Greece at Rome ay tinawag na humanist o humanista, mula sa salitang Italian na nangangahulugang “guro ng humanidades, partikular ng wikang Latin.” Pinag-aaralan sa Humanities o Humanidades ang wikang Latin at Greek, Komposisyon, Retorika, Kasaysayan, at Pilosopiya, at maging ang Matematika at Musika. Sa pag-aaral ng mga ito, napagtanto ng mga humanista na dapat gawing modelo ang mga klasikal na ideyang matatagpuan sa mga asignaturang ito. Kasaysayan ng Daigdig nina Grace Estela C.Mateo et’ al pp. 220-221

Ang humanismo ay isang kilusang intelektuwal noong Renaissance na naniniwalang dapat pagtuunan ng pansin ang klasikal na sibilisasyon ng Greece at Rome sa pag-aaral dahil naglalaman ito ng lahat ng aral na dapat matutuhan upang magkaroon ng isang moral at epektibong buhay.

Ano ang pagkakaiba ng pagtingin ng mga humanista ng sinaunang panahon sa pagtingin ng mga iskolar ng Middle Ages? _______________________________ _______________________________ _______________________________

_______________________________

MGA AMBAG NG RENAISSANCE SA IBA’T IBANG LARANGAN Sa Larangan ng Sining at Panitikan

Francesco Petrarch (1304-1374). Ang “Ama ng Humanismo”. Pinakamahalagang sinulat niya sa Italyano ang “Songbook,” isang koleksiyon ng mga sonata ng pag-ibig sa pinakakamahal niyang si Laura.

Goivanni Boccacio (1313-1375). Matalik na kaibigan ni Petrarch. Ang kaniyang pinakamahusay na panitikang piyesa ay ang “Decameron”, isang tanyag na koleksyon na nagtataglay ng isandaang (100) nakatatawang salaysay.

282