ang txtng blng txto -...

12
MALAY XVII (1) AGOSTO 2002 ANG TXTNG BLNG TXTO Isagani R. Cruz HINIHINGI ng agham-pantao ang patuloy na patunay ng mga teo rem ng mga teorya. Isang batayang teorem ng kritikang dekonstruksyonista ang modernong sawikaing "Una ang sulat ( ecriture) sa bigkas (parole Y' Hinango ito ni Jacques Derrida (De 1a Grammatologie) sa linggwistiks ni Ferdinand de Saussure. Hanggang ngayon ay kulang pa rin ito sa patunay, lalung-lalo na sa harap ng pagkamatay ng kritika sa paglipas ng ikadalawampung dantaon. Susubukin kong patunayan ang teorem na ito sa pamagitan ng pag-aral sa penomena ng pagtext sa cellfown. Layunin kong ipakita, una, na global ang texting, at ikalawa, na luma na ang texting. Dahil malawak ang gamit ng texting sa ispeys at sa taym, ang dalawang kategotya ni Immanuel Kant, masasabing sangkot ito sa estruktura ng isip-tao. Matagal na nating batid na ang Istrukturalismo ng linggwistika ang nagpapaliwanag sa estrukturang ito, at na ang Post-Istrukturalismo 0 Istrakturalismo ni Derrida ang nagdidikonstrak sa Istrukturalismo. *Unang binigkas bilang Pan.yam Propesoryal Don Francisco Orrigas Sr. sa Araling Filipino noong 4 Abril 2002 sa Bulwagang Orrigas ng Pamam.sang De La Salle. 1

Upload: phungcong

Post on 06-Feb-2018

280 views

Category:

Documents


47 download

TRANSCRIPT

Page 1: ANG TXTNG BLNG TXTO - tsmsfilipino.weebly.comtsmsfilipino.weebly.com/uploads/8/4/7/7/84774200/ang_txtng_blng... · Ilang halimbawa lamang ito ng mga text na umiikot ... sa pakipag-ugnayan

MALAY XVII (1) AGOSTO 2002

ANG TXTNG BLNG TXTO

Isagani R. Cruz

HINIHINGI ng agham-pantao ang patuloy na patunay ng mga teo rem ng

mga teorya. Isang batayang teorem ng kritikang dekonstruksyonista ang

modernong sawikaing "Una ang sulat ( ecriture) sa bigkas (parole Y' Hinango

ito ni Jacques Derrida (De 1a Grammatologie) sa linggwistiks ni Ferdinand

de Saussure. Hanggang ngayon ay kulang pa rin ito sa patunay, lalung-lalo

na sa harap ng pagkamatay ng kritika sa paglipas ng ikadalawampung dantaon.

Susubukin kong patunayan ang teorem na ito sa pamagitan ng pag-aral

sa penomena ng pagtext sa cellfown. Layunin kong ipakita, una, na global

ang texting, at ikalawa, na luma na ang texting. Dahil malawak ang gamit ng

texting sa ispeys at sa taym, ang dalawang kategotya ni Immanuel Kant,

masasabing sangkot ito sa estruktura ng isip-tao. Matagal na nating batid

na ang Istrukturalismo ng linggwistika ang nagpapaliwanag sa estrukturang

ito, at na ang Post-Istrukturalismo 0 Istrakturalismo ni Derrida ang

nagdidikonstrak sa Istrukturalismo.

*Unang binigkas bilang Pan.yam Propesoryal Don Francisco Orrigas Sr. sa Araling Filipino noong 4 Abril 2002 sa Bulwagang Orrigas ng Pamam.sang De La Salle.

1

Page 2: ANG TXTNG BLNG TXTO - tsmsfilipino.weebly.comtsmsfilipino.weebly.com/uploads/8/4/7/7/84774200/ang_txtng_blng... · Ilang halimbawa lamang ito ng mga text na umiikot ... sa pakipag-ugnayan

I. R. CRUZ

Layunin ko rin na ipakita na, ikatlo, na ang wika para sa Filipino ay nakasulat bago binibigkas; at ikapat. na dahil mala-Derrida ang wikang Fili­pino, masasabing makasulat at hindi makabigkas ang kulturang Filipino.

Una, global ang texting. Narito ang isang tipikal na text mula sa

cellfown: "A Thng of ButE is a Jy 4evr Its LuvlinS IncrEs it WL Nvr PS into OthineS." Mula ito sa sinulat ni John Keats (Endymion) na "A thing of beauty is a joy forever / Its loveliness increases,' it will never / Pass into nothingness' (LUVTLK77). Heto ang isa pa: "2 Hmn Luvs Mke 1 Dvne:' Hango naman ito sa sinulat ni Elizabeth Barrett Browning na "Two human loves make one divine" (LUVTLK72).

Heto naman ang mga short cat para sa halik (UX"), sa maraming halik

at yakap ("Xoxoxoxo") (LUVTLK 20), sa tanong na "Are you ready for love?" ("RURede4Luv") (RUUP4IT?75), at sa tanong, sa wikang Pranses, na "Voulez-vous couchez avec moi ce soir?" 0 "Okay bang mag-sex tayo mamayang gabi?" C'VVCAMCS?") (RUUP4IT? 16).

Ilang halimbawa lamang ito ng mga text na umiikot sa ibang bansa. Mayroon na ring pag-aral tungkol sa mga text na ito, halimbawa'y ang madalas banggiting sarbey noong Setyembre 2001, ang Third A. T. Kearney / Cam­bridge University Judge Institute of Management Mobinet Index, na tiningnan ang tinatawag sa wikang Ingles na Short Messaging Service (SMS):

2

Once a technology dominated by teenagers, the use of short messaging service (SMS) or "texting" is rapidly taking hold among adults 35 and ovez; according to a study by A. T. Kearney.

The Mobinet study of 2,400 mobIle phone users in the United States, United Kingdom, France, Germany, Finland and Japan found that SMS usage grew by 10 percent since the Mobinet study conducted in January 2001. SMS is now growing most strongly among economically powerfizl middle-aged mobile phone users. In the 35- to 54-year-old age category SMS us; grew by 20 percent, while in both the 55 to 64 and 65 and older catego­ries, it grew by 14 percent . ...

The study also found that penetration of Internet-enabled mobIle phones worldwide has increased fi-om 16 percent to 24 percent, primanly due to large increases in Japan (55 percent) and Germany (36 percent). In the United States, penetration rose slightly fi-om 13 percent in January 2001 to 14 percent in

Page 3: ANG TXTNG BLNG TXTO - tsmsfilipino.weebly.comtsmsfilipino.weebly.com/uploads/8/4/7/7/84774200/ang_txtng_blng... · Ilang halimbawa lamang ito ng mga text na umiikot ... sa pakipag-ugnayan

ANG TXTNG BlNG TXTO

June. It should come ~s no surprise that SMS is 35 percent more popular with users of Intemet-enabled phones than with non­

users ...

According to a study by Accenture, the global market fOr

wireless Internet-capable devices is set to grow 630 percent by 2005-

by which time there will be more than 1.7 billion mobile connec­tions. In the United States alone, Accenture predicts m-commerce

transactions will be a $20 billion business at that time. (CyberAtlas)

Sa pagbilang naman ng GSM Association, mahigit sa 750 milyon na

text ang ipinadadala sa buong mundo araw-araw ( World News, 17 Oktubre 2001). Malinaw na global ang penomenang texting.

At ano ba ang pinagkakaabalahan ng mga nagpapadala ng text? Ang pinakamalaking bahagi ng 750 milyon na text na ito ay tungkol sa pag-ibig o ligawan. Sa 1nglaterra, halimbawa, noong 14 Febrero 2001, mahigit sa 10

milyong text ang ipinadala, at ang lahat ng ito ay may kaugnayan sa pag-ibig:

According to LycosUK, a notable search engine, statistics

show that people are using text messages fOr romance. Of I8 to 24-year-olds, 42% use text messaging to flirt and 20% have used

text messaging to ask someone out on a date. UK text messaging

usage increases between IOpm and 2am on FrIday and Saturday

nights - no surprise since that's prime dating time. (Stewart)

Sa artikulo ni Fiona Stewart, nabanggit ang nangyari sa bayan natin noong EDSA Dos:

In the summer of 200a PhilipPJ.-ne text messages were even

used to rally support fOr a politicallttion In an attempt to oust

the unpopular government leader. The messages spread "virally."

They were sent so quickly and spread so WIdely that the authori­

ties were Incapable of controlling the crowds. (Stewart)

1kalawa; luma na ang texting. Hindi ang teknolohiya ang tinutukoy ko, kundi ang paraan ng pagsulat ngtext. Sa kalagitnaan pa lamang ng nakaraang dantaon ay ginagamit na ang tinatawag na Speedwriting, isang estilo ng short­hand (speedwriting. co. uk).

3

Page 4: ANG TXTNG BLNG TXTO - tsmsfilipino.weebly.comtsmsfilipino.weebly.com/uploads/8/4/7/7/84774200/ang_txtng_blng... · Ilang halimbawa lamang ito ng mga text na umiikot ... sa pakipag-ugnayan

I. R. CRUZ

Heto ang ilang tuntunin ng speedwriting: "Forget all silent letters -just write exactly what you hear." "ltrite K for the sound k or hard c as in cut." ultrite J for the sound j or soli g as in age" (speedwriting.co.uk).

Hanggang ngayo'y itinuturo pa rin ang speedwriting hindi lamang sa

Inglaterra, kundi sa mga hayskul sa bansang Estados Unidos, halimbawa'y sa

distrito ng Washington. Sa madaling salita'y luma na ang estilo ng pagsulat

ng texting. Sa speedwriting, ginagamit ang mismong mga titik, pero tinatanggal

ang mga di-kailangang patinig. Ponetika ang paggamit ng mga titik, para ng paggamit sa lumang abakada ng wikang Tagalog, kung saan ang tuntunin ay

kung ana ang bigkas, siyang baybay. Dahil walang pagkaiba ang bigkas sa

baybay, hindi masasabing nauuna ang bigkas sa baybay. Masasabi rin, at sinasabi nga, na kung ano ang baybay, siyang bigkas. Makikinita na mala­Derrida ang abakada.

Kung ayaw nating maging kolonyal, maaari naring hanapin ang ugat ng

texting sa alibata ng mga Bisaya, Ilokano, at Tagalog noong sinaunang panahon

sa mga islang naging Filipinas. Halimbawa' yang Bisayang alibatang pagbaybay ng maayong aga, maayong bun tag, maupay na aga, daghang salamat- gigutom ko, dayon, lingkod, maghaid sa sundang, kak Lapu Lapu, at pana (alibataatpandesal.com). 0 ang Ilokanong alibatang pagbaybay ng kayat mo nga manga iti pinakbet ken dinardaraan, naimbag nga ra.blim (alibataa tpandesal. com). 0 ang Tagalog na alibatang pagbaybay ng Pambansang Awit (alibataatpandesa1.com). Sa labing-apat na katinig ng

. alibata, na dinaragdagan ng tatlong patinig, ay kayang-kayang isulat sa maikli

at mabilis na paraan ang lahat ng mabibigkas sa tatlong pangunahing wika ng ating kapuluhan noon.

Dahil malawak ang gamit ng texting sa ispeys at taym, dahil nga global ito at luma na, malamang na elemento ito ng hinahanap ng mga Istrukturalistang katulad ni Ferdinand de Saussure na ~ruktura ng isip

ng tao. Alam natin na walang kinahinatnan ang paghanap na ito ng mga Istrukturalista, hindi dahil hindi nila narating ang hangganan ng kanilang

teorya at metodo, kundi dahil naudlot ang sistemang Istrukturalista sa

pang-asar ni Jacques Derrida sa kanyang tinatawag na dekonstruksyon 0

sa pagpasimple ng mga Amerikano, Post-Istrukturalismo 0

Istrakturalismo. Dinekonstrak ni Derrida arig akala ni Saussure na nauna

ang pagbigkas sa pagsulat 0 nauuna ang bigkas sa sulat. Masalimuot ang pagdekonstrak ni Derrida, pero malinaw na, 'para sa kanya, batayan ng

4

Page 5: ANG TXTNG BLNG TXTO - tsmsfilipino.weebly.comtsmsfilipino.weebly.com/uploads/8/4/7/7/84774200/ang_txtng_blng... · Ilang halimbawa lamang ito ng mga text na umiikot ... sa pakipag-ugnayan

ANG TXTNG BlNG TXTO

pagbigkas ang pagsulat, hindi dahil nagsusulat ang isang sanggol bago nagsasalita, kundi dahil hindi maaaring magkaroon ng salita kung walang sulat sa likod nito.

Samakatwid, dahil nakikita sa texting ang paglamang ng sulat sa salita,

ang pagyapak ng daliri sa dila, ang pagyaman ng mata at paghirap ng taynga, ang pagkiling ng tao sa buong mundo sa pakipag-ugnayan sa pamagitan ng sulat sa halip na usap, masasabi natin na isang patunay sa teorem na "Una ang sulat sa bigkas" sa teoryang dekonstruksyon ni Jacques Derrida ang texting.

Ikado, ang wika para sa Filipino ay nakasulat bago binibigkas. Napatunayan na ito ni Andrew Gonzalez, FSC, para sa wikang Philippine English. Halimbawa'y sinabi niya ito sa Oxford Companion to the English

Language (1992):

Because of the influence of reading and writing and the

academic context in which English is learned, local speech tends

to be based on written models. Filipinos generally speak the way they write, in a formal style based on Victorian prose models . ... Style is not differentiated and the formal style in general use has

been called the classroom compositional style (Gonzalez 766).

Madali namang makita na tama si Gonzalez. Pakinggan lamang nating mag-usap ang isang Filipino ~t ang isang Amerikano 0 Ingles. Mapapansin natin kaagad na ang bawat pantig ng Filipino ay maririnig, di tulad ng mga pantig ng Amerikano 0 Ingles na madalas mawala dahil masyadong mabilis mabigkas 0 kusang di binibigkas. Ito ang sinasabi ni Gonzalez na pagiging makapantig ng Philippine English: Philippine English "is syUable-timed, fOllowing the rhythm of the local languages/ fUU value is therefOre given to

unstressed syllables and shwa is usually re~zed as a fUU vower (766).

Mapapansin din ang karaniwang tamang gram;tika ng Filipinong nagsasalita, di tulad ng Amerikano 0 Ingles na walang pakundangang lumalabag sa mga tuntuning pambalarila. Marami nang nakapag-aral sa penomenong ito, di lamang si Gonzalez, halimbawa'y sina Teodoro A. Llarnzon at Ma. Lourdes S. Bautista. .

Dahil pasulat ang wikang Ingles para sa Filipino at samakatwid ay literado ang ating kulturang nalahian ng banyaga, ang paggamit natin ng wikang Ingles - at kasama na rito ang dayalekto nitong Taglish at iba pang

5

Page 6: ANG TXTNG BLNG TXTO - tsmsfilipino.weebly.comtsmsfilipino.weebly.com/uploads/8/4/7/7/84774200/ang_txtng_blng... · Ilang halimbawa lamang ito ng mga text na umiikot ... sa pakipag-ugnayan

I. R. CRUZ

varayati ng haluhalong wika - ay nakaangkla sa sulat. Para bagang nakikita natin sa ating isip muna ang papel na sinusulatan natin ng mga titik ng wika bago natin bigkasin ang mga ito na parang nagbabasa lamang ng iskrip. Ito ang tinatawag ni Derrida na tanda (trace) na parang guhit sa majic sleyt na naiiwan sa ating isipan kahit na nabura na natin ang papel sa ating imahinasyon.

Mahalaga sa pag-aral ng texting ang istatus ng Taglish. Hindi nagkakaisa ang mga linggwista sa kanilang pananaw sa Taglish. Hindi malinaw hanggang ngayon kung ito ay varayati ng Ingles, ng Philippine English, ng Tagalog, 0 ng Filipino. Ayon kay Gonzalez, ang Taglish ang pananda kung bakit hindi maaaring maging lingua franca ng bansa ang wikang Ingles 0 kahit na ang varayating Philippine English: "Because of code-switching, it seems unlikely that a colloquial variety of English alone wJ1l develop" (767). Sa papel niya na "English in Contact with Philippine Languages: Taglish and Philippine English" sa Japanese Association for Asian Englishes sa Japan noong Disyembre 2001, dinefayn ni Bautista ang Taglish bilang "the alternation between English and Tagalog that occurs often in informal speech and writing of educated, middle- or upper-class FIlipinos in urban areas, especially in Metro Mamia. Such alternation can involve single words, phrases, clauses, sentences, turns of speaking in one language which are inserted into discourse in the other language:' Si Bautista ang nagsabi na walang katuturan ang debate tungkol sa pangalan ng Taglish: "This phenomenon has been called borrowing, code-mixing, code-switching, language shifting, but I do not wish to pursue this ques­tion of terminology because efforts to provide precise and acceptable defi­nitions have been fruidess."

Matagal ko nang sinasabi na ang pagpasok ng Tagalog sa Ingles ay humahantong sa wikang Filipino. Daragdagan ko ang panukala kong ito at sasabihin ko ngayon na dala ng Filipino sa paghalo ng ~ka ang gramatika niya, 0 kung hindi man ang lahat ng tuntunin ng balari1a, ang pagbaybay niya. Sa madaling sabi, ang tuntuning "kung ano ang bigkas, siyang baybay" ay pumas ok na sa Philippine English dahil sa Taglish. Ang paraan ng pagbaybay sa wikang Tagalog 0 ang ponetikang batayan ng alibata ay lantad na ngayon sa pagtext sa wikang Philippine English 0 - dahil ang tinatawag na World Englishes 0 International English ay walang iba kundi kalipunan ng iba't ibang varayati ng Ingles na kasama ang Philippine English - mismong

6

Page 7: ANG TXTNG BLNG TXTO - tsmsfilipino.weebly.comtsmsfilipino.weebly.com/uploads/8/4/7/7/84774200/ang_txtng_blng... · Ilang halimbawa lamang ito ng mga text na umiikot ... sa pakipag-ugnayan

ANG TXTNG BlNG TXTO

Ingles. Hindi ang Tagalog ang nagpasimula ng pagiging ponetiko ng baybayang Ingles, dahil nga, tulad ng natuklasan ill Derrida, nauna naman ang Ingles na pasulat sa Ingles na pabigkas; sumakay lamang ang Tagalog sa talagang katangian na ng makasulat na wikang Ingles.

Mahirap patunayan na ang lahat ng mga wikang katutubo sa Filipinas ay·

makasulat, pero dahil ayon sa mga linggwista'y magkakamag-anak naman ang mga wikang ito. ("In the Philippines there are some 85 mutually uninteUigihle though genetically related languages of the Malaya-Polynesian tami/j' [Gonzalez 765]), masasabi nating makasulat ang wika sa Filipinas, Ingles man ito, Philip­pine English man, Filipino man, Tagalog man, 0 kung alinman sa iba't ibang

wikang katutubo.

At kung makasulat ang mga wika sa Filipinas, madali nang makita na makasulat kasi mismo ang Filipino. Makasulat tayo mula pa noong sinaunang panahoh, bago pa tayo sinakop ng mga Europeo:

La Lengua de todos, los Pintados y Blfayas, es vna me.'ma, por do .'e entienden, hablando y ekriuiendo; en letras y caratores que tienen particulares, que .'emejan i los Arabigos, Y .>U comun e.'cribir entre los naturales, es en hojas de arboles, yen caiias, .'obre la corteza,. que en todas las islas ay mumas, de dislorme grue.'o los caiiutos, y el pie es vn arhol muy grue.'o y madfo. [The language of all the Pintados and Bisayas is one and the same, by which they understand one an­other when talking, or when writing with the letters and characters of their own which they possess. These resemble those of the Arabs. The common writing among the natives is on leaves of trees and on bamboo bark. Throughout the islands the bamboo is abundant,' it has huge and misshapen joints, and lower part is a very thick and solid tree (Morga 16:115-16, salin nina Alfonso de Salvia, Norman F. Hall, at James Alexander Robertson,. hjgdi isinama ang paragraf na ito m" RizaJ sa kanyang edisyon!).

Makasulat tayo ngayon, gaya ng napapatunayan ng penomena ng texting. Suriin narin ngayon ang ilang text na nakadokumento sa·mga antolohiya

ng texting. Layunin narin na makita ang ilang katangian ng texting mula mismo sa mga text na awtentiko 0 tunay na nilikha ng mga nagtetext.

7

Page 8: ANG TXTNG BLNG TXTO - tsmsfilipino.weebly.comtsmsfilipino.weebly.com/uploads/8/4/7/7/84774200/ang_txtng_blng... · Ilang halimbawa lamang ito ng mga text na umiikot ... sa pakipag-ugnayan

loR. CRUZ

Una:

bud am!txt mo nman ako msg!nababato n ko.inaamag nata fne ko kc nagigng kuripOt nang mga tao s txt. Gguro d ka nauubusan ng msg kc klala ka n e.plsss ... U. (Text Plosion 4.8).

Malinaw na tinanggal na ang rnga di-kailangang patinig (e sa txt), ginarnit ang ponetikong pagbaybay ng rnga natitirang letra (n para sa na), at pinaghalo na ang lurnang abakada (k sa kc) at ang bagong alpabeto ( c sa kc). Taglish ang varayati na ginagamit (text- message, £One, please ay Ingles at ang iba ay Tagalog). Pansinin ang pagbago ng gramatika sa "txt rno oman ako msg": tinanggal na ang panandang ng sa harap ng msg. Magdadalawang taon na ang nakalilipas nang ipadala ang text na ito; ngayon ay kasarna na hindi lamang sa texting kundi pati na sa pasalitang kurnbersasyon ang gud am.

Ikalawa:

In txt msging. we dnt knw f d msg cums frm d heart Dr nOt. But i prmise u dat evry msg i send 2 u. cOmes frm deep with in me. So heres I msg 4 u .. i love yOu =) (Texter's Delight 6:103).

Malinaw rito ang pagpasok ng grarnatikang Filipino sa Philippine English (i send 2 usa halip na i send u). Malinaw rin ang pagkalamang ng mata sa taynga: ang paglaki ng titik ng 0 ay tanda ng mukha at ng puso ng tao (deep with in me) at ang paggamit ng rnala-Srniley na =) ay pahayag ng rnatinding pagkagalak sa harap ng mukha ng minarnahal ng lurnikha. Sa praxis ni Derrida, rnalinaw na hindi rnaiintindihan ang rnahalagang konsepto ng dlfRrance kung ito'y binibigkas larnang, dahil ~lang pagkaiba ang pagbigkas ng difRrance at ng dlfRrence, gayong napaICalaki ng pagkaiba ng dalawa sa antas ng kahulugan (Derrida, "La Differance"). Bukod pa rito ang

rnadalas gawing pagbura 0 pagguhit ng linya sa mga salitang nakaimprenta, tulad ng kay Martin Heidegger na Sein 0 kay Derrida na nature.

8

Page 9: ANG TXTNG BLNG TXTO - tsmsfilipino.weebly.comtsmsfilipino.weebly.com/uploads/8/4/7/7/84774200/ang_txtng_blng... · Ilang halimbawa lamang ito ng mga text na umiikot ... sa pakipag-ugnayan

ANG TXTNG BlNG TXTO

Ikatlo:

WhEn you're worried About wrong decisions In Iyf. wEn u fil d world hAs turnEd its bak on u,jz col meA iI com rushin H tel u KUNG SAN KA MASAYA, TE .. SUPORTAHAN TA KA! jj (Text Attack! 9:30-3I).

Mahnaw rito ang intertextualidad ng pasulat na wika. Maiintindihan

lamang ang text sa kontexto ng komersyal ng telepono. Bukod sa mababaw

na pagpatawa sa pamagitan ng paggamit ng linya ng komersyal, may malalim

na pagpatawa 0 ironiya sa paggamit ng linya ng komersyal ng teleponong

landlayn (' teleponong ginagamit sa pabigkas na wika. Ang biglang paggamit

ng wikang Bisaya at hindi ng wikang Tagalog para sa isang pangungusap na dapat sana'y Taglish ay nagdaragdag sa pagpatawa; Hindi lamang wikang

Tagalog 0 wikang Bisaya 0 varayating Taglish 0 varayating Philippine En­glish ang kasama sa isyu, kundi pati na rin ang tinatawag ng mga

postmodernistang pagpalabo ng bakod ng iba't ibang uri ng diskurso.

Anu-ano ang matututuhan natin mula sa texting?

Una, bakit hindi tumawag na lamang sa telepono ang nagpapadala ng text? 00 nga't mas mura ang texting, pero mas marami ka namang masasabi sa isang

minutong tawag kaysa maisulat sa iskrin ng cellfown. Bukod dito'y marami sa

mga nagretext ang kaya namang bayaran ang singil sa tawag. Hindi naman

masasabing ayaw kausapin ng mga nagtetext ang kanilang tinetext, dahil kinakausap

nga nila sa pamagitan ng text. Sa palagay ko'y ang talagang dahilan sa mabilis na

pag-angkin ng texting sa teritoryo ng tawag ay ang pagkalamang 0 praymasi ng sulat sa bigkas. Lumabas na rin, sa wakas, ang natural ng wika: ang wika'y

nakasulat bago ito binibigkas.

Ikalawa, bakit hindi mga huong saItta ang isinusulat sa text at bakit pinaiikli

ang mga ito? 00 nga't maliit lamang ang memorya ng kompyuter chip sa cellfown

at hindi kaya ang maraming titik. Pero mas madadalian naman ang tinetext kung

hindi na kailangang hulaan pa kung paano babasahin ang text at mababawasan

ang hindi pagkaintindihan. Sa palagay ko'y tanda ng pagiging literado nating

mga Filipino, at ng mga tao sa ibang bansa kung saan laganap ang texting, ang

pagpaikli ng mga salita, ang pagpalit ng baybay mula sa kanluraning morpolohiya

tungo sa ponemikong mala-abakada, ang mismong paglaganap na nga ng texting.

Hindi uubra sa isang kultutang hindi marunong magbasa at magsulat ang texting,

9

Page 10: ANG TXTNG BLNG TXTO - tsmsfilipino.weebly.comtsmsfilipino.weebly.com/uploads/8/4/7/7/84774200/ang_txtng_blng... · Ilang halimbawa lamang ito ng mga text na umiikot ... sa pakipag-ugnayan

I. R. CRUZ

hindi lamang dahil sa mababaw na dahilan na hindi nila kayang magpasok ng salita sa cellfown, kundi dahil ang wikang ginagamit sa cellfown ay metawika,

isang wikang hango 0 bunga ng ibang wika.

Ang madalas sabihin ng mga linggwista at ng mga kritikong pampanitikan

na kailangang may kompetens at may komunidad ng interpretasyon ang nagsasalita

at ang nakikinig, 0 sa ating kaso, ang nagtetext at ang tinetext, ay malinaw na

nangyayari ngayon sa texting. Nagkakaintindihan ang mga texter, dahil iisa ang

kanilang wika. Sa mga Filipino, ang wikang ito ay hindi Ingles, Philippine En­glish, Filipino, 0 Tagalog. Ang wikang ito ay metawika, 0 maaati naman nating

baligtarin at tawagin, kung terminolohiyang Aleman ang ating gagamitin, Ur­wika, 0 sa terminolohiyang Amerikano, protowika. Sa metapisika nr Heidegger

at kahit na ni Derrida, hindi meta 0 Ur 0 proto ang wika ng texting, kundi Sein

o nat"ure. Kung dikonstruksyon ang acing gagawing batayan, malaki ang posibilidad na lumantad na at naging kahulugang lantad ang kahulugang ladlad ng wika bilang langue.

Dahil patuloy na dumarami at nagbabago ang mga text na nililikha ng

texting, hindi atin alam kung saan hahantong ang pagdekonstrak ng texting

sa ating mga teorya tungkol sa wika. Malinaw lamang sa ngayon na tama si

Derrida sa kanyang kabuuang pananaw na una ang sulat sa bigkas, pero hindi

malinaw na tama siya sa iba pa niyang mga panukala, kahit na may dikonstruksyon na nagaganap sa dalawahang tawag / texting.

Dahil global at luma na ang texting, dahil pasulat ang wika sa Filipinas,

masasabi nating tama si Derrida, makasulat ang Filipino, ang wika ang ating

Meron, ang wika ng texting, ang texto ng texting, ang ating kaakuhan.

Bilang pangwakas na panalita, narito ang ilang text mula sa mundo ng

tex~ing:

10

IF U TXT ME, IL TXT U! (Text Power 5:37) jst txt me if lukin 4 a txtm8! (Text Power 5:39) txting is I way of getting frnds. (Text Power 5:4) jst txt m nd il gv jj d ndstrius txtmte uv ever hd. (Text Power 5: 34) txting rules! (Text Power 5:4) spend ur life having gud frnds - thnx hav a nys day (Text from the Heart 50) eVA (RUUP41T? 84)

Page 11: ANG TXTNG BLNG TXTO - tsmsfilipino.weebly.comtsmsfilipino.weebly.com/uploads/8/4/7/7/84774200/ang_txtng_blng... · Ilang halimbawa lamang ito ng mga text na umiikot ... sa pakipag-ugnayan

ANG TXTNG BlNG TXTO

BIBLIOGRAPIYA

"Americans increasing keen on texting." World News, 17 Oktubre 200!. http://uk.gsmbox.com/news/mobIle_news/alI/63622.gsmbox.

Bautista, Ma. Lourdes S. 2000. Defining Standard Philippine English: Its Sta­tus and Grammatical Featlires. Manila: De La Salle University Press.

_____ . "English in Contact with Philippine Languages: Taghsh and Philippine English." Japanese Association for Asian Englishes lOth Na­tional Conference, Kanazawa University of Economics, Japan, 1 Disyembre 2001.

Bell, Steve. Toilet Humour: The Cambridge Affair. The Guardian, 1992. http://www.hydra.umn.edu/derrJda/img/steve.gI£

CyberAtlas. Markets Wireless.. 3 October 200!. http:// c yb era t1 a s. in te r net. com/ m a rke ts / wire 1 es s/ar tic 1 e / 0,J0094_896SS1,00.html.

Derrida, Jacques. 1967. De la Grammatologie. Paris: Editions de Minuit, Of Grammatology. Salin ni Gayatri Chakravorty Spivak. 1976. Balti­more: Johns Hopkins University Press.

_____ . 1972. "La Differance:' Marges de 1a PhIlosophie. Paris: Editions de Minuit, Margins of Philosophy. Salin ni Alan Bass. Chi­cago: University of Chicago Press, 1982.

Gonzalez, Andrew, FSC. 1992. "Philippine English, also Filipino English." The Oxford Companion to the English Language. Inedit ni Tom McArthur. Oxford: Oxford University Press, pah. 765-767.

King, David, ed. 200!. Text from the Heart: Text Me Forever 3. [Manila J: Worldlink Books.

Llarnzon, Teodoro A. 1969. Standard Filipino English. Quezon City: Ateneo de Manila University Press.

Mander, Gabrielle, ed. 2001. LUVTLK!: lr.bk of luy txt. London: Michael .. O'Mara Books.

_____ . 2001. RUUP4IT?: 1de bk of txt dos. London: Michael

O'Mara Books. Morga, Antonio de. 1973. Sucesos de las Islas FIlipinas. Mexico: Geronymo

Balli, 1609. Salin nina Alfonso de Salvio, Norman F. Hall, at James Alexander Robertson. Sa: The PhIlippine Islands 1493-1898. Inedit nina Emma Helen Blair at James Alexander Robertson. Vol. 15-16. Mandaluyong: Cacho Hermanos.

11

Page 12: ANG TXTNG BLNG TXTO - tsmsfilipino.weebly.comtsmsfilipino.weebly.com/uploads/8/4/7/7/84774200/ang_txtng_blng... · Ilang halimbawa lamang ito ng mga text na umiikot ... sa pakipag-ugnayan

L R. CRUZ

Stewart, Fiona. "R U RDY 4 THS?: Part 2: The sexy power of text messag­ing." http://www.ivi1lage. co. uk/computers/int/emad/articles/ 0,9439-110_1732B2,00.html.

Text Attack! 9. Quezon City: PsiCom Publishing, 2001. Text Plosion 4. Quezon City: PsiCom Publishing, 2000. Text Power 5. Quezon City: PsiCom Publishing, 2001. Texter's Delight: Pindutan Forever 6. Quezon City: PsiCom Publishing,

2001. http:// a.1ibata.atpandesalcom/ALIBATA£gi£ (Ilokano Alibata) http://alibataatpandesalcom/ALIBATAv.gi£ (Bisaya Alibata) http.//www.eaglescorner.com/cgi-bin/Alibata/read cgi?lupa. (Tagalog

Alibata: Lupang Hinirang) http://www.jims.cam.ac.uk/news/press_releases/200 1/06_ 09_ OLhtml

(Mobinet Index 3) http://www.mythosandlogos.com/Derrida.html. (Larawan ni Jacques

Derrida) http:// www.speedwriting.co.uk/.

12