ang tribong tagbanua

28
“Ang Tribong Tagbanua” Ang salitang Tagbanua na maaari ring baybaying “Tagbanwa” o “Tagbanuwa” ay nagmula sa salitang “taga”  at ang “banua”  na ang ibig sabihin ay  taga-lalawigan o taga-kabukiran  , samakatuwid, ito ay nangangahulugang mga taong taga-lalawigan na kabaliktaran ng mga taong taga-dalampasigan o dagat  (Llamzon, 1978). Ang Tagbanua ay ang pinakamalaking etnikong grupo na matatagpuan sa isla ng Palawan. Sila ay matatagpuan sa Hilaga, sentro at Timog na bahagi ng isla, partikular na sa Silangan at Kanluran, malapit sa mga kapatagang hindi malayo sa mga dalampasigan at sa bulubunduking sentro ng Palawan. Sa hilagang bahagi ng Palawan ay nakatira ang grupong tinagurian o tinatawag na Ken-uy . Sa islang Culion, sa dulong hilaga ng Palawan, ay may naninirahan ding grupo ng  Tagbanua. Taong 1988, ang kabuuang populasyon ng Tagbanua ay mahigit sa sampung daang libo. Sa kasalukuyan, ang populasyon ng mga Tagabanua ay 10,000. Kasaysayan Ang tribong Tagbanua ay sinasabing sumailalim sa tatlong makasaysayang panahon: katutubo , na kung saan nagkaroon ng ugnayan sa kultrang Hindi-Indonesian; Muslim , na nagkaroon ng relasyon sa sultan ng Borneo at ang mga Muslim sa Sulu at Mindanao at Kastila , Amerikano at Kontemporaryong panahon . Ayon sa kasaysayan ang tribong Tagbanua, may kaugnayan sa bansang Brunei, sa unang sultan o makisampu ng Brunyu na nagmula sa salitang Burnay (Fox 1982:18). Ang kanilang nakasulat na kasaysayan ay nagsimula sa kolonisasyon ng mga Kastila sa Pilipinas. Noong 1521, ang barko ni Magellan ay dumaong sa Palawan at si Antonio Pigafetta ay nakapagtala na ang mga Tagabanua ay dati nang

Upload: vincent-jake-naputo

Post on 30-Oct-2015

8.268 views

Category:

Documents


16 download

DESCRIPTION

Isang komprehensibong pagtalakay sa Wika, Kultura at Lipunan ng Tirbong Tagbanua.

TRANSCRIPT

Page 1: Ang Tribong Tagbanua

7/15/2019 Ang Tribong Tagbanua

http://slidepdf.com/reader/full/ang-tribong-tagbanua 1/28

“Ang Tribong Tagbanua” 

Ang salitang Tagbanua  na maaari ring baybaying “Tagbanwa” o

“Tagbanuwa” ay nagmula sa salitang “taga”  at ang “banua”  na ang ibig

sabihin ay  “ taga-lalawigan o taga-kabukiran ” , samakatuwid, ito ay 

nangangahulugang mga taong taga-lalawigan na kabaliktaran  ng  mga

taong taga-dalampasigan o dagat (Llamzon, 1978). 

Ang Tagbanua ay ang pinakamalaking etnikong grupo na

matatagpuan sa isla ng Palawan. Sila ay matatagpuan sa Hilaga, sentro

at Timog na bahagi ng isla, partikular na sa Silangan at Kanluran,

malapit sa mga kapatagang hindi malayo sa mga dalampasigan at sa

bulubunduking sentro ng Palawan. Sa hilagang bahagi ng Palawan ay 

nakatira ang grupong tinagurian o tinatawag na Ken-uy . Sa islang

Culion, sa dulong hilaga ng Palawan, ay may naninirahan ding grupo ng

 Tagbanua. Taong 1988, ang kabuuang populasyon ng Tagbanua ay 

mahigit sa sampung daang libo. Sa kasalukuyan, ang populasyon ng

mga Tagabanua ay 10,000.

Kasaysayan

Ang tribong Tagbanua ay sinasabing sumailalim sa tatlong

makasaysayang panahon: katutubo , na kung saan nagkaroon ng

ugnayan sa kultrang Hindi-Indonesian; Muslim , na nagkaroon ng

relasyon sa sultan ng Borneo at ang mga Muslim sa Sulu at Mindanao at

Kastila , Amerikano at Kontemporaryong panahon .

Ayon sa kasaysayan ang tribong Tagbanua, may kaugnayan sa

bansang Brunei, sa unang sultan o makisampu ng Brunyu na nagmulasa salitang Burnay (Fox 1982:18). Ang kanilang nakasulat na

kasaysayan ay nagsimula sa kolonisasyon ng mga Kastila sa Pilipinas.

Noong 1521, ang barko ni Magellan ay dumaong sa Palawan  at si

Antonio Pigafetta ay nakapagtala na ang mga Tagabanua ay dati nang

Page 2: Ang Tribong Tagbanua

7/15/2019 Ang Tribong Tagbanua

http://slidepdf.com/reader/full/ang-tribong-tagbanua 2/28

nagsasagawa ng ritwal ng pakikipagkaibigan na katulad ng sandugo.

Nabanggit din na ang nasabing tribo ay nagsasaka ng lupa, nangangaso

gamit ang makakapal na panang yari sa kahoy. Nagpapahalaga rin sila

sa mga singsing, patalim at iba pa.

Hanggang sa huling siglo ng ika-17 siglo, ang timog na bahagi ng

Palawan ay nasa ilalim pa rin ng kontrol ng sultan ng Brunei na naging

daan sa di-pagkakaunawaan at kaguluhan sa pagitan ng mga Kastila at

ng sultan. Sa panahong ito, ang mga Kastila, mga Muslim sa Sulu,

Mindanao, Palawan at hilagang bahagi ng Borneo ay naglalaban sa loob

ng halos 300 taon.

Sa ika-19 na siglo naman, ang mga Tagbanua ay patuloy na

naniniwala sa kanilang pinaniniwalaang Diyos ng langit na si Magnisda

o Nagabacaban. Ang Diyos naman ng karagatan ay si Poco. Ang kanyang

tulong ay hinihingi sa oras na may karamdaman. Ang ikatlo naman ay 

ang Diyos ng mundo na si Sedumunadoc ay kinakailangan upang

magkaroon ng magandang ani at ang ikaapat ay si Tabiacoud na

naninirahan sa mundong-ilalim.

Sa mga Diyos na ito, ang mga Tagbanua ay nagdiriwang ng isang

malaking pista taun-taon pagkatapos ng pag-aani. Pinapapunta ng

babaylan o shaman ang mga tao upang magtipon sa dalampasigan at

may dalang kahit anong alay. Kinukuha ng babaylan ang mga dalang

manok para sa seremonya at isinasabit sa sanga ng puno at pinapatay 

ito sa pamamagitan ng pagpalo ng kahoy. Pinahihintulutan lamang

hampasin nangg isang beses ang bawat hayop at ang mga naiwang

buhay ay pinapakawalan at hindi na muling sasaktan dahil sila‟y 

naniniwalang nasa ilalim ito ng proteksyon ni Poco, ang Diyos ngkaragatan. Ang mga hayop na namatay ay kanilang niluluto at kinakain.

Pagkatapos nilang kumain, sila ay sumasayaw at umiinom ng rice wine.

Sa kalagitnaan ng gabi, si Buntala na isang Diyos  ay tumatawid sa

meridyan. Ang babaylan ay lulublob patungo sa dagat nang hanggang

bewang lamang, ang iba ay sumasayaw habang tinutulak ang balsa na

Page 3: Ang Tribong Tagbanua

7/15/2019 Ang Tribong Tagbanua

http://slidepdf.com/reader/full/ang-tribong-tagbanua 3/28

may lamang alay patungo sa dagat. Kapag ito ay babalik dahil sa

malakas na hampas ng alon at hangin, ibig sabihin ito‟y tinaggihan ni

Poco, ang diyos ng dagat. Ngunit kung ito ay nawalang lumulutang sa

dagat, ibig sabihin ito‟y tinanggap nang may galak (Marche 1970:236-

237). Pagkatapos ng pananakop ng Kastila sa pagpasok naman ng mga

Amerikano bilang bagong tagapamahala, ang pagbabago ay nagsimula sa

Isla ng Palawan at sa tribong Tagbanua. Noong 1904, ang Iwahig ang

naging sentro ng pananakop na kung saan pinalitan ang Tagbanua

habang patuloy sa paglago ang pananakop. Sa taong 1910, ang

pamamahala sa Tagbanua nailipat sa mga Amerikano. Sa mga sumunod

na taon, naganap ang panloob na paglilipat o migrasyon  ng isla ng

Visayas at Luzon, ang pangingibabaw ng relihiyong Kristiyanismo at

unti-unting pagbabagong naganap mula sa isla partikular na sa

kalagayang pang-ekonomiya at pulitikal na hindi naging madali sa mga

 Tagbanua.

Ekonomiya

Ang Tagbanua ay tagabungkal ng palayan. Ang kanilang

hanapbuhay ay nakadepende sa pagbuhos ng ulan. Mayroong dalawang

seremonya na isinasagawa ang pamayanang Tagbanua na kung tawagin

ay Lambay, may kaugnayan sa pagkakaingin at ang ikalawa ay ang

pagpapatubo ng mga tanim at ang pananalangin sa pagkakaroon ng

ulan tuwing araw ng pagtatanim. Ang kanin na tinatawag na Paray ay 

itinuturing na isang regalo at isang perpektong pagkain. Ito‟y 

pinagkukunan nila ng kanilang tabad na isang inuming alak  na isang

perpektong inumin para sa kanilang ritwal. Ang bigas ay yumayabongdahil sa kanilang ritwal pati na rin ang ibang pinagkukunan ng pagkain

tulad ng kamote, mais, kamoteng-kahoy, millet at taro sa mas

kakaunting bilang. Ang iba pang gawaing pang-ekonomiya ay ang

pangangaso, pangingisda at pag-iimbak ng pagkain. Ang mga matataas

na kalidad na uri ng kahoy sa Pilipinas ay matatagpuan sa gitnang

Page 4: Ang Tribong Tagbanua

7/15/2019 Ang Tribong Tagbanua

http://slidepdf.com/reader/full/ang-tribong-tagbanua 4/28

Palawan tulad ng almasiga na siyang pinagkukunan ng gum o resin na

tinatawag na bagtik na ginagamit sa produktong pang-industriya tulad

ng varnish. Ang pagtitipon ng bagtik ay tuwing tagtuyot na mga buwan

tulad ng Enero, Pebrero at Marso na siya nilang pinakamahalagang

pinagkukunan ng mapagkakakitaan at upang makabili sila ng

mamahaling kalakal. Bukod sa pagtitipon ng bagtik, ang pangingisda at

pangangaso ay isinasagawa rin tuwing tagtuyot. Ang tribong Tagbanua

ay nagsasagawa ng anim na paraan sa pangingisda: pamimingwit; 

paghuhuli ng hipon gamit ang kamay o maliit na sisidlan; paglalason sa

mga isda gamit ang mga halamang herbal; paggamit ng harang o lambat

sa mga ilog, paggamit ng baril-pang-isda na may gomang sling at

panama; paggamit ng sulo sa gabi at paghuhuli ng isda gamit ang sibat 

(Fox 1982:49).

Sa panahon ng tagtuyot, ang ilog at mga sapa ay nagiging malinaw

at nagiging mababaw na isang ideyal na teknik sa pangingisda. Ang

paglalason ng isda ay para lamang sa malalalim na ilog. Ang pagpapana

ng mga mababangis na baboy at aso ay ideyal din sa ganitong panahon,

dahil ang pagkain ng mga hayop na nabanggit ay lumalabas sa

kagubatan tuwing tagtuyot at pumupunta sa ilog kung saan mas madali

silang mahuli. Mula Enero hanggang Hulyo, ang mga Tagbanua ay nag-

iimbak din ng pulot, edible young bees at beeswax upang gamitin sa

kanilang ritwal.

Ang tribong Tagbanua sa kanlurang bahagi ay nagbebenta ng

banig sa palengke. Maliban sa pagtitipon ng bagtik (na kung saan

nakapagbibigay ng pagkakakitaan sa kabila ng sakit sa likuran), ang

rattan at ang mga palay ay pinagkukunan din ng mapagkakakikitaan.Marami sa kanila ang nagbabayad ng kanilang utang sa tindahan sa

pamamagitan ng inani nilang palay. Ang mga bigas na ito ay bibilhin

para maging konsumo sa mas mahal na halaga.

Sa ngayon, ang mga Tagbanua ay mayroong kalabaw at

kakaunting baka na ginagamit bilang transportasyon upang magbenta

Page 5: Ang Tribong Tagbanua

7/15/2019 Ang Tribong Tagbanua

http://slidepdf.com/reader/full/ang-tribong-tagbanua 5/28

ng bagtik sa Aborlan. Bagaman, ito ay hindi ginagamit sa mga pang-

agrikultural na gawain. Ito rin ay iniihaw para gawing pagkain.

Kalagayang Sosyal

Sa lipunang Tagbanua, ang pamilya ang pinakapundamental na

 yunit. Ang matrilocality ay kinagawiang sundin na kung saan, ang lalaki

ay maninirahan sa lugar ng babaeng kanyang pakakasalan. Ang pamilya

ay binubuo ng isang ama at ina at mga anak na hindi pa kinakasal. Ang

mga namatayan ng asawa, mga byudo o byuda ay hindi pinapayagang

manirahan kasama ang kanyang kapamilya.

Ang lipunang Tagbanua ay binubuo ng tatlong sosyal na uri. Ang

nasa pinakamataas ay ang mga nabibilang sa mga mayayaman o may 

kapangyarihang angkan o lahi sa lipunan na likas na namamana. Ang

pagiging kabilang dito ay malimit na nagmumula sa mga lider nila na

kung tawagin ay masikampu. Ang pangalawang uri ay kinabibilangan ng

mga karaniwang tao na siyang pinagmumulan ng mga maliliit na lider at

babaylan. At ang nasa pinakamababang uri naman ay yaong may mga

pagkakautang na hindi kayang bayaran kung kaya nagpapakaalipin.

Relihiyon at Paniniwala

Sa ikalabing-siyam na dantaon, nagpatuloy ang mga Tagbanua sa

paniniwala sa kanilang mga diyus-diyusan, lalo na ang apat na

itinuturing na pinakamakapangyarihang diyos at diyoses: si Magnisdaor Nagabacaban- diyos ng kalangitan; si Poco- diyos ng karagatan at

pinaniniwalaang isang mabuting espiritu na maaaring makapaglunas ng

karamdaman; si Sedumunadoc- diyos ng mundo na siyang nagbibigay 

ng masaganang ani; at si Tabiacoud- na diyos sa mundong ilalim o

mundo ng mga patay.

Page 6: Ang Tribong Tagbanua

7/15/2019 Ang Tribong Tagbanua

http://slidepdf.com/reader/full/ang-tribong-tagbanua 6/28

 

Ang relasyon ng mga Tagbanua sa mundo ng mga espiritu ay ang

batayan ng kanilang mga ritwal, pagdiriwang at sayaw. Karamihan sa

mga seremonyang isinasagawa ay karaniwang nakabatay sa

paniniwalang may likas na interaksyon sa pagitan ng mundo ng mga

buhay at daigdig ng mga patay. Ang mga seremonyang ito ay ginaganap

sa kahit na saang dako ng lipunan, mula sa bawat pamilya hanggang sa

buong pamayanan na pinamumunuan ng kanilang pinuno. May mga

selebrasyong sadyang ginaganap upang magsilbing basbas sa pagtatayo

o pagbubuo ng bahay, o anumang ari-arian na itatayo. Ang mga

nagsisilbing handog sa mga ritwal ay ang bigas o kanin, manok at iba

pang aning pagkain.

Ang itinuturing na pinakamahalagang bahagi sa buhay ng mga

 Tagbanua ay sa panahon pagkatapos ng pag-aani na kung saan

ginaganap ang awitan, sayawan, ligawan at sanduguan. Sa panahong ito

ay saganang-sagana ang pamayanan sa inuming tabad, alak na mula sa

bigas, na itinuturing na nakapagdudulot ng kabutihan sa katawan at

kaluluwa ng mga lumalahok sa seremonya at nakakahalina rin sa mga

espiritu ng mga yumao nang Tagbanua na sumali sa pagdiriwang.

Ang mga bundok at kagubatan ay pinaniniwalaang tirahan hindi

lamang ng maraming mabubuti kundi maging ng mga masasamang

espiritu na kinatatakutan ng mga Tagbanua, kung kaya iniiwasan at

ipinagbabawal ang pagpuputol ng mga kahoy. Naniniwala sila kay 

Mangidusa, diyos na nakaupo sa kalangitan na hinahayaang nakalaylay 

ang paa sa itaas ng mundo. Sa kagustuhang malugod sa kanila ang mgaespiritung nananahan sa kagubatan at kalikasan, nagsasagawa ang mga

 Tagbanua ng mga ritwal.

Ang babaylan, kadalasan ay isang babae, ang nagsasagawa ng

mga ritwal, mula sa kapanganakan hanggang sa kamatayan ng bawat

 Tagbanua. Pinaniniwalaang may banal na espiritung sumasama sa

Page 7: Ang Tribong Tagbanua

7/15/2019 Ang Tribong Tagbanua

http://slidepdf.com/reader/full/ang-tribong-tagbanua 7/28

kaluluwa ng namayapa hanggang sa patutungahan nitong daigdig. Ang

mga mangangaso ay nagtatawag ng kaluluwa ng mga namatay nang

kapamilya upang sila ay tulungang makiusap sa mga espiritung may-ari

ng mga baboy-ramo na mahanap at mahuli ang mga ito.

Naniniwala rin sila na ang pagatataglay ng anting-anting o kung

tawagin ay mutya ay maaaring makapagpatagumpay sa pangangaso,

pangingisda at pakikipagtalo. Pinaniniwalaan din nila na ang

pinakamataas na bahagi ng kalawakan ay langit at wala nang iba pa, ito

ang itinuturo ng kanilang mga maglambay (spiritwal na pinunong lalaki),

katungkulan  (spiritwal na pinunong babae) at babaylan na nagmula sa

Baraki at Kaibigan.

  Naniniwala sila kay Tungkuyanin na nakaupo sa

pinakamataas na bahagi ng kalawakan. Ang kanyang paa ay 

nakalaylay sa itaas ng mundo.

  Naniniwala rin silang ang ulan ay isang biyayang nagmula

kay Mangindusa, ang pinakamataas na diyos ng mga

 Tagbanua.

  Ang tribong Tagbanua ay naniniwalang may dalawang haligi

ang langit. Ang isa ay makikita sa Babatan sa silangan kung

saan sumisikat ang araw at ang isa naman ay sa Sidpan sa

Kanluran kung saan lumulubog ang araw. Sa Babatan

naninirahan ang diyos na tinatawag na diwata kat libatan ,

samantalang sa Sidpan naman ay si diwata kat sidpan . Sila

ay parehong may kontrol sa ulan.

  Si Tumangkuyun ay ang naatasan sa paghuhugas at

paglilinis ng mga sanga ng dalawang punong may dugo ng

mga namatay na Tagbanua dahil sa epidemya at ito ang

dahilan kung bakit kulay pula ang pagsikat at paglubog ng

araw.

Page 8: Ang Tribong Tagbanua

7/15/2019 Ang Tribong Tagbanua

http://slidepdf.com/reader/full/ang-tribong-tagbanua 8/28

  Sa ilalim ng langit ay ang kalawakan na kinabibilangan ng

mga ulap. Ito ay tinatawag na dibuwat na ang ibig sabihin ay 

mataas at dito namamalagi ang mga diyus-diyosan at ang

mga ninunong namatay. Dito naninirahan ang bangkay, ang

mga kaluluwa ng Tagbanua na namatay dahil sa karahasan

o pagkalason at maging ang mga kaluluwa ng babaeng

namatay dahil sa panganganak. Sa ilalim nito, ay ang

bulalakaw  o ang diwata kat dibuwat , na lumilipad at

gumagala sa ulap na handang tumulong sa mga

 Tagbanuang nangangailangan ng tulong.

  Si Mangindusa ay hindi naman namamalagi sa

pinakamataas na lugar sa halip ay nasa bahaging banal na

tinatawag na Awan-awan . Ito ay mas mataas sa langut 

(paglubog ng araw) sa pagitan ng kalawakan at mundo. Sa

lugar na ito, si Mangindusa ay naninirahan nang may mga

katuwang o katulong: si Bugawasin, ang kanyang asawa; si

dibuwatanin , ang kanyang mensahero, at iba pang mga

nilalang. Hindi siya bumababa mula sa Awan-awan at siya‟y 

nananatili sa kanyang trono na dumuduyan-duyan sa

bintayawan o barbarangan, na ginagamit sa seremonya ng

diwata na dinadaluhan ng maraming diyus-diyosan. Ito ay 

dibuwatanin na nagiging daan upang sila ay magsama-sama

at magpasalamat. Nag-aalay sila ng bigas, tabako, betel at

wax.

Relihiyon at Paniniwala

Sa ikalabing-siyam na dantaon, nagpatuloy ang mga Tagbanua sa

paniniwala sa kanilang mga diyus-diyusan, lalo na ang apat na

itinuturing na pinakamakapangyarihang diyos at diyoses: si Magnisda

or Nagabacaban- diyos ng kalangitan; si Poco- diyos ng karagatan at

Page 9: Ang Tribong Tagbanua

7/15/2019 Ang Tribong Tagbanua

http://slidepdf.com/reader/full/ang-tribong-tagbanua 9/28

pinaniniwalaang isang mabuting espiritu na maaaring makapaglunas ng

karamdaman; si Sedumunadoc- diyos ng mundo na siyang nagbibigay 

ng masaganang ani; at si Tabiacoud- na diyos sa mundong ilalim o

mundo ng mga patay.

Ang relasyon ng mga Tagbanua sa mundo ng mga espiritu ay ang

batayan ng kanilang mga ritwal, pagdiriwang at sayaw. Karamihan sa

mga seremonyang isinasagawa ay karaniwang nakabatay sa

paniniwalang may likas na interaksyon sa pagitan ng mundo ng mga

buhay at daigdig ng mga patay. Ang mga seremonyang ito ay ginaganap

sa kahit na saang dako ng lipunan, mula sa bawat pamilya hanggang sa

buong pamayanan na pinamumunuan ng kanilang pinuno. May mga

selebrasyong sadyang ginaganap upang magsilbing basbas sa pagtatayo

o pagbubup ng bahay, o anumang ari-arian na itatayo. Ang mga

nagsisilbing handog sa mga ritwal ay ang bigas o kanin, manok at iba

pang aning pagkain.

Ang itinuturing na pinakamahalagang bahagi sa buhay ng mga

 Tagbanua ay sa panahon pagkatapos ng pag-aani na kung saan

ginaganap ang awitan, sayawan, ligawan at sanduguan. Sa panahong ito

ay saganang-sagana ang pamayanan sa inuming tabad, alak na mula sa

bigas, na itinuturing na nakapagdudulot ng kabutihan sa katawan at

kaluluwa ng mga lumalahok sa seremonya at nakakahalina rin sa mga

espiritu ng mga yumao nang Tagbanua na sumali sa pagdiriwang.

Ang mga bundok at kagubatan ay pinaniniwalaang tirahan hindi

lamang ng maraming mabubuti kundi maging ng mga masasamangespiritu na kinatatakutan ng mga Tagbanua, kung kaya iniiwasan at

ipinagbabawal ang pagpuputol ng mga kahoy. Naniniwala sila kay 

Mangidusa, diyos na nakaupo sa kalangitan at hinahayaang nakalaylay 

ang paa sa itaas ng mundo. sa kagustuhang malugod sa kanila ang mga

Page 10: Ang Tribong Tagbanua

7/15/2019 Ang Tribong Tagbanua

http://slidepdf.com/reader/full/ang-tribong-tagbanua 10/28

espiritung nananahan sa kagubatan at kalikasan, nagsasagawa ang mga

 Tagbanua ng mga ritwal.

Ang babaylan, kadalasan ay isang babae, ang nagsasagawa ng

mga ritwal, mula sa kapanganakan hanggang sa kamatayan ng bawat

 Tagbanua. Pinaniniwalaang may banal na espiritung sumasama sa

kaluluwa ng namayapa hanggang sa patutungahan nitong daigdig. Ang

mga mangangaso ay nagtatawag ng kaluluwa ng mga namatay nang

kapamilya upang sila ay tulungang makiusap sa mga espiritung may-ari

ng mga baboy-ramo na tulungan silang mahanap at mahuli ang mga ito.

Naniniwala rin sila na ang pagatataglay ng anting-anting o kung

tawagin ay mutya ay maaaring makapagpatagumpay sa pangangaso,

pangingisda at pakikipagtalo. Pinaniniwalaan din nila na ang

pinakamataas na bahagi ng kalawakan ay langit at wala nang iba pa, ito

ang itinuturo ng kanilang mga maglambay (spiritwal na pinunong lalaki),

katungkulan (spiritwal na pinunong babae) at kay babaylan na nagmula

sa Baraki at Kaibigan.

  Naniniwala sila kay Tungkuyanin na nakaupo sa

pinakamataas na bahagi ng kalawakan. Ang kanyang paa ay 

nakalaylay sa itaas ng mundo.

  Naniniwala rin silang ang ulan ay isang biyayang nagmula

kay Mangindusa, ang pinakamataas na diyos ng mga

 Tagbanua.

  Ang tribong Tagbanua ay naniniwalang may dalawang haligi

ang langit. Ang isa ay makikita sa Babatan sa silangan kung

saan sumisikat ang araw at ang isa naman ay sa Sidpan sa

Kanluran kung saan lumulubog ang araw. Sa Babatan

naninirahan ang diyos na tinatawag na diwata kat libatan ,

samantalang sa Sidpan naman ay si diwata kat sidpan . Sila

ay parehong may kontrol sa ulan.

Page 11: Ang Tribong Tagbanua

7/15/2019 Ang Tribong Tagbanua

http://slidepdf.com/reader/full/ang-tribong-tagbanua 11/28

  Si Tumangkuyun ay ang naatasan sa paghuhugas at

paglilinis ng mga sanga ng dalawang punong may dugo ng

mga namatay na Tagbanua dahil sa epidemya at ito ang

dahilan kung bakit kulay pula ang pagsikat at paglubog ng

araw.

  Sa ilalim ng langit ay ang kalawakan na kinabibilangan ng

ulap. Ito ay tinatawag na dibuwat  na ang ibig sabihin ay 

mataas at dito namamalagi ang mga diyus-diyosan at ang

mga ninunong namatay. Dito naninirahan ang bangkay, ang

mga kaluluwa ng Tagbanua na namatay dahil sa karahasan

o mga nalason at maging ang mga kaluluwa ng babaeng

namatay dahil sa panganganak. Sa ilalim nito, ay ang

bulalakaw  o ang diwata kat dibuwat , na lumilipad at

gumagala sa ulap na handang tumulong sa mga

 Tagbanuang nangangailangan ng tulong.

  Si Mangindusa ay hindi naman namamalagi sa

pinakamataas na lugar sa halip ay nasa bahaging banal na

tinatawag na Awan-awan . Ito ay mas mataas sa langut

(paglubog ng araw) sa pagitan ng kalawakan at mundo. Sa

lugar na ito, si Mangindusa ay naninirahan ng may mga

katuwang o katulong: si Bugawasin, ang kanyang asawa; si

dibuwatanin , ang kanyang mensahero, at iba pang mga

nilalang. Hindi siya bumababa mula sa Awan-awan at siya‟y 

nananatili sa kanyang trono na dumuduyan-duyan sa

bintayawan o barbarangan, na ginagamit sa seremonya ng

diwata na dinadaluhan ng maraming diyus-diyosan. Ito ay 

dibuwatanin na nagiging daan upang sila ay magsama-sama

upang ang tribong Tagbanua ay magpasalamat. Nag-aalay 

sila ng bigas, tabako, betel at wax.

Page 12: Ang Tribong Tagbanua

7/15/2019 Ang Tribong Tagbanua

http://slidepdf.com/reader/full/ang-tribong-tagbanua 12/28

 

LAtEST: Relihiyon

Naniniwala ang mga Tagbanua sa kiyabusan, isang lugar na

walang umiihip na hangin at itinuturing na hangganan ng mundo

„pagkat tanging kawalan ang matatagpuan. Pinaniniwalaan din na sa

lugar na ito nagmumula ang amyan, natatanging hangin tuwing tagtuyot

na namamahala sa pagsusunog sa mga kagubatan tulad ng kaingin. Sa

panahon ng mga mahahabang tagtuyot, tinatawag ng mga Tagbanua si

diwata kat amyan upang maghandog sa kanila ng ulan at mag-ihip ng

hangin. Ngunit sapagkat ang amyan ay nagdadala rin ng kinatatakutan

nilang salakap, mga masasamang espiritu ng epidemya sa mundo,

pinaniniwalang ang Kiyabusan ay siya ring kinalalagyan ng kaluluwa ng

mga namatay dahil sa epidemya.

Pinaniniwalang ang mga namatay dahil sa mga karamdamang

tulad ng panglubaw (smallpox), tai-tai (dysentery) at trangkaso (flu), ay 

lulan ng tinatawag nilang adyung, isang malaking Bangka. Ang

paglalakbay ng bangkang ito ay ginagabayan ng mga salakap at

isinasama sa pag-ihip ng hanging amyan patungo sa kiyabusan. 

Sinasabing ang salakap ay nagtatanim ng punong daunu sa panahon ng

amyan, ang halimuyak ng mga bulaklak ng punong ito ay 

nakapagdudulot ng karamdaman sa sinumang nakakaamoy. Isinasama

rin umano ng salakap si Tumungkuyan, Tandayag, Lumalayag at 

Sumurutum, ang kapitan ng bangkang adyung. Ayon sa mga

impormanteng isinangkot sa isinagawang pag-aaral ni Fox na nakita

umano nila sa kanilang panaginip na puno ng mga mahal sa buhay ang

nasabing Bangka kasama ang mga nabanggit na kapitan at

tagapamahala ng adyung. 

Page 13: Ang Tribong Tagbanua

7/15/2019 Ang Tribong Tagbanua

http://slidepdf.com/reader/full/ang-tribong-tagbanua 13/28

Inilarawan ng mga Tagbanua na ang salakap ay mga nilalang na

maliliit at nababalot ng maiitim na balahibo o buhok. Sa kanilang

alamat, ang mga salakap ay mga nilalang na minsang naninirahan sa

tabi ng mga Tagbanua bilang mga palakaibigang kapitbahay. Ngunit

dahil sa katraiduran ng mga Tagbanua, naging mga nilalang sila na

nagpaparusa sa mga tagbanua. Upang pakiusapan ang mga salakap na

tigilan sila, isinasagawa ang seremonyang runsay.

Ang pagkalalang ng mundo at mga tao ay pinaniniwalaang gawa

ng isang diwata. Si Mangindusa ay ang pinaniniwalaang tagapagparusa

sa sinumang nagkakasala sa pamamagitan ng paggawa ng dusa o

krimen. Sa lipunang Tagbanua, ang sumbang (paggahasa sa kamag-anak) na isang uri ng dusa ang pinakamabigat na pagkakasala. Ang

parusang inilalapat ni Mangindusa ay maaaring sa pamamagitan ng

pagpigil sa ulan sa mahabang tagtuyot.

Ang mga Tagbanua ay may paniniwalang ang bawat tao ay may 

anim na kaluluwa: ang kiyarulwa na totoong kaluluwa at ang limang

 payu na mga pansekundaryang kaluluwa. Ang kiyarulwa ay handog ni

Mangindusa sa bawat sanggol na isinisilang, at ang ibang kaluluwa

naman ay lumalabas lamang kapag isinasagawa na ang lambay na isang

ritwal para sa isang sanggol pagsapit ng isa o dalawang buwan

pagkatapos ng pagkakasilang. Ang lambay ay tumutukoy sa kahit na

anong ritwal na iniaalay kay Mangindusa. Ang limang ibang kaluluwa ay 

makikita umano sa dulo ng mga kamay at paa, at sa itaas ng ulo. Kung

mamamatay ang tao, ang kiyarulwa o ang totoong kaluluwa ay maaaring

humantong sa apat na posibleng patutunguhan o destinasyon. Kungnamatay ang isang tao dahil sa epidemya o mga nakamamatay na

karamdaman, dadalhin ang kanyang totoong kaluluwa ng salakap sa

kiyabusan. Kung ang ikinamatay naman ay pagkalason o karahasan,

ang kanyang kaluluwa ay nagiging bangkay at napupunta sa itaas na

bahagi, rehiyon o dimension. Kung ang dahilan ng pagkamatay naman

Page 14: Ang Tribong Tagbanua

7/15/2019 Ang Tribong Tagbanua

http://slidepdf.com/reader/full/ang-tribong-tagbanua 14/28

ay sabu , kinuha ang kaluluwa ng panyaan (espiritu sa kapaligiran) o

damdam (masamang espiritu), ang totoong kaluluwa ay nagiging

biyaladbad na mananahan sa kapaligiran. At kung ang sanhi ng

kamatayan ay natural o likas lamang, ang totoong kaluluwa ay 

napupunta sa basad, ang mundo ng mga patay o mundong ilalim.

Habang ang kiyarulwa ay nagiging espiritu na maaaring mapunta sa

mundo ng mga patay at magpapatuloy na makikibahagi sa mga buhay 

sa pamamagitan ng mga ritwal, ang limang pansekundaryang kaluluwa

ay mananahan o mananatili lamang sa kapaligiran.

Ayon sa mga Tagbanua, ang mundong ilalim tulad ng basad ay 

may mas malinaw na imahe kumpara sa malabo at walangkasiguruhang anyo ng kalangitan. Kapag namamatay umano ang isang

 Tagbanua, ang kanyang kaluluwa ay nananatili sa mundo sa loob ng

pitong araw hanggang sa maisagawa ang ritwal para sa mga patay na

tinatawag na kapupupusan. Sa loob ng pitong araw, ang kaluluwa

umano ay nananatili sa libingan ng bangkay ng yumao at kung gabi

naman ay bumabalik sa kanyang tahanan noong nabubuhay pa para

pagmasdan ang ginagawa at kaasalan ng mga iniwang kapamilya. Sa

paglalakbay ng kaluluwa papunta sa mundong ilalim, maraming tao at

pangyayari ang kanyang pagdadaanan. May isang banal na ilog na kung

tawagin ay kalabagang , na kung saan makakatagpo si Taliyakad, ang

tagamasid na nagbabantay ng tulay na halaman na ang tawag ay balugu. 

Sa unahan ay makakatagpo naman ng kaluluwa si Anggugru , ang

tagabantay ng mga apoy, na siyang mainit na tatanggap ng kaluluwa at

magbibigay ng apoy bago papapasukin sa mundong ilalim.

Sa basad, ang mga espiritu ng mga namatay ay tinatawag na

tiladmanin, ay nabubuhay na katulad ng pamumuhay ng mga nasa

mundong ibabaw tulad ng pagtatanim ng palay at pagpapamilya

hanggang sa sila ay mamatay nang pitong beses. Ngunit ang

pagkakaanyo ng basad ay interesante o kakaiba sapagkat ang lahat ay 

Page 15: Ang Tribong Tagbanua

7/15/2019 Ang Tribong Tagbanua

http://slidepdf.com/reader/full/ang-tribong-tagbanua 15/28

kabaliktaran ng mga pangyayari sa mundo ng mga buhay. Habang

sumisikat ang araw sa mundong ibabaw, sa basad naman ay lumulubog

na ito. Ang mga ilog ay nagmumula sa karagatan patungo sa mga

bundok. Ang panahon ng pagtatanim sa mundo ay pag-aani sa busad. 

Ayon kay Fox, ito ay tanda ng pagpapatuloy ng proseso ng buhay.

Mayroong dalawang ritwal na isinasagawa upang magkaroon ng

proteksyon ang mga Tagbanua mula sa kinatatakutan nilang salakap.

Ito ay ang pagbuyis at runsay. Ang pagbuyis ay isinasagawa ng magbuyis  

tatlong beses sa isang taon. Ang unang dalawang pagbuyis ay ginagawa

sa buwan ng Nobyembre at Disyembre. Sa mga panahong nagkakaroon

ng pagbuyis, ang amyan (northeast wind) ay umiihip. Ang ikatlong

 pagbuyis ay ginaganap kung ang buwan ay nagpapakita sa araw na

tinatawag nilang magkaadlawan, nagmula sa salitang adlaw na ang ibig

sabihin ay araw (day). Sa isang ritwal, ang magbuyis ay nagtatawag ng

mga salakap upang pakiusapang huwag nang dakpin ang mga kaluluwa

ng mga Tagbanua habang ang mga nasabing espiritu ay naglalakbay 

sakay ng bangkang sakayan kasama sa umiihip na hanging amyan. Ang

mga salakap ay pinapangunahan ng itinuturing nilang kapitan, si

Sumurutum , na may tatlong tinyente na sina Tuwan Ding, Tuwan 

Pagbuysan at Tuwan Pagraskadan. Ang pagbuyis ay isinasagawa sa

isang permanenteng platform na tinatawag na piyangaw. Ito ay itinatayo

sa harap ng tahanan ng magbuyis.Ang iniaalay sa ritwal na ito ay ang

sanga ng katumbal, pulang sili na pinakapaboritong pagkain ng datu ng

salakap.

Samantala, ang runsay ay sinasabing pinakadramatikong

seremonya ng mga Tagbanua. Isang beses sa isang taon lamang

isinasagawa ang runsay sa isang gabi ng ikaapat na araw ng kabilugan

ng buwan sa buwan ng Disyembre. Isinasagawa ito sa dalampasigan

Page 16: Ang Tribong Tagbanua

7/15/2019 Ang Tribong Tagbanua

http://slidepdf.com/reader/full/ang-tribong-tagbanua 16/28

malapit sa bukana ng Ilog Aborlan. Tulad ng pagbuyis, ang runsay, ay 

ginaganap upang humingi ng proteksyon laban sa mga karamdamang

nakamamatay. Nagsisimula ang ritwal sa takipsilim at nagtatapos sa

bukang-liwayway.

Ang iba pang mahalagang ritwal ng mga Tagbanua ay ang

 pagdiwata o diwata at ang bilang , na pawing pinangungunahan ng isang

babaylan na umano ay sinasaniban ng kanilang mga diyos. Ang mga

ritwal na ito ang itinuturing na anyo ng dula ng mga Tagbanua.

Tradisyon at Kaugalian sa Kasal at Pag-aasawa

Ang pamilyang Tagbanua ay binubuo sa pamamagitan ng

kasunduan sa pagitan ng mga magulang. Pagkatapos ng kasal, ang mag-

asawang Tagbanua ay naninirahan sa tahanan ng magulang ng babae, o

hindi naman kaya‟y sa isang bagong bahay na itinayo malapit sa

nasabing tahanan. Ipinapalagay ng mga Tagbanua na ang pagkakaroon

ng anak ang pinakadiwa ng pagpapakasal kung kaya malaki ang

kanilang pagnanasa magkaanak gayundin ang pagmamahal sa kanilang

mga anak.

Pinakaideyal sa mga Tagbanua ang monogamy o ang pagkakaroon

ng isang asawa lamang. Ngunit may mga pagkakataon na nagkakaroon

rin ng polygamy o pag-aasawa ng higit pa sa isa, basta‟t pumapayag ang

unang asawa. Sa kabila nito, nananatiling ang unang asawa ang may 

pinakamalaking bahagi sa kinikita ng pamilya. Ang diborsyo ay 

pinahihintulutan ngunit may multang kinakailangang bayaran ang

asawang naging dahilan ng hiwalayan.

Page 17: Ang Tribong Tagbanua

7/15/2019 Ang Tribong Tagbanua

http://slidepdf.com/reader/full/ang-tribong-tagbanua 17/28

May tinatawag ang mga Tagbanua na pang-aagaw. Ito ay ang

kaugalian sa pang-aagaw ng asawa na kakatwa sa lipunang Tagbanua.

Hindi itinuturing na kasalanan para sa ikinasal nang babae o

pangangabit para sa ikinasal nang lalaki sapagkat walang konsepto ng

moralidad at batas na pinaiiral ang mga Tagbanua. Ang lahat na kaso ng

 pang-aagaw ay nagtatapos sa hiwalayan o muling pagpapakasal.

Iniiwasan ng mga Tagbanua ang karahasan o pisikal na pananakit sa

bawat pang-aagaw kung kaya nagsasagawa sila ng mga ritwal at legal na

sistema ng hiwalayan sa pamamagitan ng pagbabayad ng karampatang

halaga upang maiwasan ang kaguluhan.

May tatlong posibleng sitwasyon ng pang-aagaw at pagbabayad ngmulta:

Una, kung ang lalaking hindi pa ikinasal ay nang-agaw ng

babaeng ikinasal na, kailangang bayaran ng lalaki ang lalaking asawa ng

inagaw niyang babae. Kadalasan, ang ibinabayad ay tatlong ulit ng

ibinayad ng orihinal na asawang lalaki bilang dowry sa babae noong

bago pa sila ikinasal. Kailangan ding magbayad ng lalaking nang-agaw

sa magulang ng babae.

Pangalawa, kung ang lalaking ikinasal na ay nang-agaw ng isang

babaeng hindi pa ikinasal, kailangan niyang bayaran ang unang asawa

ng kapaduwayan , ( polygamy fee )at kinakailangang pumayag ang mga

magulang ng asawa na magkaroon ng dagdag na asawa. Kung ang gusto

naman ng unang asawa ay hiwalayan, kailangang magbayad ng bagay  

ng lalaki. Anuman ang mangyayaring kasunduan sa unang asawa,

kailangang magbayad pa rin ng dowry sa bago niyang biyanan.

Pangatlo, kung parehong ikinasal na ang lalaki at babae na

sangkot sa pang-aagaw, ang lalaki ay kinakailangang magbayad ng

bagay sa kanyang unang asawa (kung makikipaghiwalay) at sa asawa ng

babaeng inagaw niya. Kung pipiliin ng unang asawa ng lalaki na

Page 18: Ang Tribong Tagbanua

7/15/2019 Ang Tribong Tagbanua

http://slidepdf.com/reader/full/ang-tribong-tagbanua 18/28

manatiling asawa kailangang bayaran pa rin siya ng halaga. Maliban

dito, hindi maaaring alisin ang kaugalian ng pagbabayad ng dowry sa

magiging biyanan.

Sining at Pananamit

Ang tradisyunal na damit ng mga Tagbanua ay gawa mula sa mga

balat at sanga ng mga punongkahoy tulad ng salugin. Noong unang

panahon ang mga lalaking Tagbanua ay nakasuot ng simpleng bahag na

ang nagsisilbing sinturon ay ang hinabing rattan na tinatawag na

ambalad samantalang ang mga babae naman ay nababalot ng damit na

gawa rin sa balat ng kahoy. Nakagawian na rin sa tribo na parehong

mahahaba ang buhok ng lalaki at babae. Sinasadya rin ng tribo na

paitimin ang kanilang mga ngipin. Ang kanilang mga hikaw naman ay 

inukit nila mula sa matibay na kahoy ng bantilaw. Yari rin sa mga

matitibay na kahoy ang kanilang mga suklay at pulseras. Ang leeg ng

mga babae ay natatakpan naman ng mga kwintas na beads. Ang mga

babae ay ang gumagawa ng mga tansong anklet.

Kabilang sa mga produkto ng mga Tagbanua ang paggawa ng mga

basker at mga masining na pag-uukit ng kahoy. May iba‟t-bang

disenyong makikita sa kanilang produktong tingkop, isang basket na

ginagamit sa pag-aani na yari sa kawayan (Lane 1986:148).

May tinatawag din silang bayong-bayong, isang uri ng basket na

lalagyan ng bigas. Iba‟t-ibang disenyo at hugis ang makikita sa mga

bayong-bayong ng Tagbanua. Yari ang mga ito sa buri. Sa pamamagitan

ng pinatuyong dahon ng mga palm trees, nagkakaroon ng iba‟t-ibang

kulay ang mga nasabing basket na maaaring, pula, bughaw, grey, lila,

Page 19: Ang Tribong Tagbanua

7/15/2019 Ang Tribong Tagbanua

http://slidepdf.com/reader/full/ang-tribong-tagbanua 19/28

itim o berde. Maaari ring gamitin ang mga bayong-bayong bilang

lalagyan ng tabako (De los Reyes 1977:215).

Mahilig sa pag-uukit ng mga anyo ng mga hayop ang mga

 Tagbanua. Pawang yari sa mga matitigas na kahoy ang kanilang mga

ukit na mga anyo ng hayop na pinaiitim sa pamamagitan ng apoy. Ang

mga inukit na ito ay ang tinatanaw rin bilang mga mahahalagang bagay 

na ginagamit bilang mga alay sa kanilang mga ritwal. Ang paggawa ng

mga ito ay nagsisimula sa pagpuputol ng mga sanga ng punongkahoy na

alimutyugan. Ang kahoy na ito na maputi at malambot, ay pinagpuputol

sa haba ng isang ruler (1 ft) at hinahati sa dalawa bago pinapakinis o

inuukit. Ang ginagamit nilang pamutol nito ay barong, isang bolo o itak.Sa pag-uukit naman, gumagamit sila ng isang maliit na kutsilyo na ang

tawag ay  pisay. Pinapakinis naman ang kanilang mga inukit gamit sa

pamamagitan ng pagkiskis ng dahon ng agupi o isis. Pinapahiran din ito

ng dahon ng kamote, yam o kamoteng-kahoy upang maging kulay berde.

Kung nais naman nilang maging kulay itim ang mga inukit na hugis,

bahagya itong pinadadaanan ng apoy o sinusunog at pinauusukan

hanggang sa makamit ang ninanais na kaitiman ng kulay. Kabilang sa

kanilang mga inuukit na anyo ng hayop ay ang mammanuk (manok na

tandang), kiruman (pagong), kararaga (uri ng ibon), dugyan (maliit na

hayop na gumagapang sa lupa), butiki at baboy-ramo. Ang mga ito ay 

maaaring maging alay sa kanilang mga ritwal at kung hindi naman ay 

nagiging laruan ng mga bata.

Literatura

Karamihan sa mga paniniwala at ritwal ng mga Tagbanua ay 

ibinabatay sa mga pasalin-dilang alamat at kwentong-bayan nila na

Page 20: Ang Tribong Tagbanua

7/15/2019 Ang Tribong Tagbanua

http://slidepdf.com/reader/full/ang-tribong-tagbanua 20/28

nagpapaliwanag sa pinagmulan ng mundo at nagpapahayag din ng mga

katotohanan at aral sa buhay na may tiyak na kaugnayan sa realidad ng

kasalukuyan nilang buhay, kapalaran at kabuhayan (Fox 1982:151).

Ang konsepto at paniniwala ng mga Tagbanua sa mundo o daigdig

ng mga espiritu ay nag-ugat sa kanilang mga alamat at kwentong bayan

na nagbi bigay ng kapaliwanagan sa kanilang mga pinaniniwalaan.

Gaya ng mga sumusunod na kwentong-bayan:

Ang Pinagmulan ng Salakap 

Noong unang panahaon, sinasabing minsang nagsama ang mga

 Tagbanua at Salakap sa pangingisda sa dagat. Napagkasunduan na

dapat na mag-iwan ng Tagbanua ng komuy, pagkain na mula sa kanin o

bigas na binabalot ng dahon ng punong Alimutyugan, sa kanyang

madadaanan upang makasunod at hindi maligaw ang mga Salakap.

Ngunit naisipan ng mga Tagbanua na lokohin at paglaruan ang

kaibigang Salakap. Nang buksan na ng mga Salakap ang iniwang

pagkain ng mga Tagbanua na binalot sa dahon ng alimutyugan, napag-

alaman nilang hindi komuy ang laman nito, kundi dumi ng tao.

Sapagkat gutom na gutom na ang mga Salakap, wala silang nagawa

kundi kainin ang iniwan ng mga Tagbanua. Pagkatapos kumain,

napagtanto nilang masarap iyon, kung kaya naisipan nilang mas

masarap siguro ang laman ng mga Tagbanua yamang masarap naman

ang kanilang mga dumi. Kung kaya napagpasyahan ng mga Salakap nakainin na rin ang mga Tagbanua. Kinain nilang lahat ang mga

 Tagbanuang sumama sa nasabing pangingisda maliban sa isang babae

at lalaki. Pinakawalan nila ang dalawang ito sa isang kondisyon,

kinakailangang magsagawa sila ng seremonyang runsay, isang beses

isang taon. Pagkatapos ay iniwan na ng mga Salakap ang nakaligtas na

Page 21: Ang Tribong Tagbanua

7/15/2019 Ang Tribong Tagbanua

http://slidepdf.com/reader/full/ang-tribong-tagbanua 21/28

mga Tagbanua at naglakbay patungo sa kiyabusan. Ang naging mga

anak at apo ng pares ng nakaligtas na Tagbanua ang naging mga

 Tagbanua sa kasalukuyan na inaatasang magsagawa ng ritwal ng

runsay taun-taon.

Ang alamat na ito rin ang nagpapaliwanag kung papaanong

nagkaroon ng kiyabusan na pinaniniwalaan nilang may mahalagang

papel sa kanilang pagsasaka, mula sa pagtatanim hanggang sa pag-aani

ng kanilang mga pananim.

Alamat ng mga Tagbanua

Unang Bersyon

Una umanong lumikha ng bato ang mga Diyos ngunit hindi

nakakapagsalita ang mga bato. Sumunod nilang nilalang ang mundo,

ngunit tulad ng bato hindi rin ito nakakapagsalita. Ang mundo ay naging

tao, ito ang Tagbanua. Sa kaluguran ng mga Diyos, binigyan ang

 Tagbanua ng mga elemento ng apoy, bato, bakal at iba pang metal,

maging ng bigas at ang alak na nagmumula sa bigas. Sa kasalukuyan,

ang alak na nagmumula sa bigas ang ginagamit ng mga Tagbanua sa

pagtawag sa mga Diyos at mga espiritu o kaluluwa ng mga patay (Fox

1982: 154).

Pangalawang Bersyon

Ang manlilikha ay unang naglalang ng unang tao, si Adan. Ngunit

siya ay katulad ng bato na hindi nakakapagsalita. Sumunod na nilikha

ang mundo at nakapagsalita na si Adan. Naawa ang Diyos kay Adan

sapagkat siya ay nag-iisa lamang. Isang araw nang magising si Adan

pagkatapos niyang matulog ay nagkaroon na siya ng kasama, si Iba.

Page 22: Ang Tribong Tagbanua

7/15/2019 Ang Tribong Tagbanua

http://slidepdf.com/reader/full/ang-tribong-tagbanua 22/28

Naging mag-asawa sila at nagbunga ng tatlong anak. Isang hapon,

habang natutulog si Adan ay hindi sinasadyang nakalabas ang kanyang

ari sapagkat nakasuot lamang siya ng bahag. Ang unang anak ay 

tumawa nang malakas sa harap ng kanyang ama nang walang

paggalang. Siya ang naging ama ng mga Tagbanua. Ang ikalawang anak

ay tumawa rin ngunit hindi gaanong malakas tulad ng nauna. Siya ang

naging ama ng mga Moro. Ngunit ang ikatlong anak ay hindi tumawa,

bagkus ay kumuha ito ng kumot ang tinakpan ang maselang bahagi ng

kanyang ama. Ang huling anak ang naging ama ng mga Kastila. Ito ang

kwento ng pinagmulan ng mga tagbanua.

Ang Alamat ng Ritwal na Runsay

Noong unang panahon, may isang sinaunang Tagbanua na

nagngangalang Apu Pilas. Habang naglalakad sa dalampasigan malapit

ng bukana ng Ilog Aborlan, nakatagpo niya ang siyam na Diyos.

Nakasakay ang mga Diyos sa isang malaking kawa malapit sa

dalampasigan. Natakot si Apu Pilas kaya sinubukan siyang tawagin ang

kasamang si Ab Inan. Kinausap ng mga Diyos ang dalawang Tagbanua

na kinailangan nilang magsagawa ng Runsay taun-taon, sa ikaapat na

araw pagkatapos ng ganap na kabilugan ng buwan sa Disyembre. Kung

hindi ito susundin, magkakaroon ng mga karamdaman at kamatayan ng

mga tao. Isa-isang nagpakilala ang siyam na Diyos, sila sina Mamuldaw,

Nanalaykay Kat Bukas (Kasama ng mga Alon), Sinamukray Kay Layag 

(Sakay ng Hangin), Tumindug Kumana Kan (Nakatayong Kalalakihan),

Ilintaw Kat Sabang (Ang Lumitaw sa Malalim na Karagatan), Linintas Kat 

Butas (Tumatawid Hanggang sa Abot ng Iyong Tanaw), Nagsagubay,Nanalaytay Kat Langab (Naglalakad sa Alon) at mapag-isang babae.

Musika

Page 23: Ang Tribong Tagbanua

7/15/2019 Ang Tribong Tagbanua

http://slidepdf.com/reader/full/ang-tribong-tagbanua 23/28

  Ang mga Tagbanua ay mayaman sa mga instrumentong

pangmusika tulad ng mga sumusunod: aruding  o harpa ng mga

Hudyo;  babarak  o plautang hinihipan gamit ang ilong;  tipanu 

plautang hinihipan gamit ang bunganga;  pagang  at  tibuldu ,

dalawang baryasyon ng bamboo zither; kudlung  o boat lute, ito

ay kahawig ng ginagamit ng mga taga-Mindanao at taga-Celebes;

gimba l o drum, na ang sa itaas ay gawa sa balat ng bayawak; at

ang tiring , composed of lengths of bamboo with openings of 

various sizes producing different notes when struck with a stick.

  Ang tribong Tagbanua ay mayroong dalawang uri ng gong na mula

sa babandil . Ang plautang hinihipan gamit ang bunganga ay 

ginagamit pa rin hanggang sa ngayon, at ang drum at gong ay 

patuloy na ginagam it sa ritwal. Ang ibang mga instrumento ay 

bihira na lamang na makikita sa ngayon, at napalitan ng mga

makabagong uri ng gitara at ukulele, na gawa sa bao ng niyog na

katulad sa ginagamit ng mga Christian Visayan (Fox 1982:38).

  Mayroong dalawang uri ng awit ang mga Tagbanua — ang oiman o

ballad at ang dagoy o kundiman.

Ritwal

  Ang mgaTagbanua ay mayroong apat na prominente at

pantay na mga ritwal na tumutugon sa apat na pangkat ng

kanilang lipunan: ang Pagdiwata (ang mga kamag-anak o

kasapi sa klan), Bilang (pamilya), Lambay (ang pook o

nayon, para sa paggalang sa mga diyos ng kalikasan) at ang

Runsay (supernatural). 

Page 24: Ang Tribong Tagbanua

7/15/2019 Ang Tribong Tagbanua

http://slidepdf.com/reader/full/ang-tribong-tagbanua 24/28

 

  Mga Sayaw

  Kendar- o sayaw.

  Abellano o Soriano  

- ang tradisyunal na sayaw ng mga Tagbanua na

isinasagawa ng mga kalalakihan.

  Bugas-bugasan  

- sayaw para sa lahat ng mga kalahok sa pagdiwata,

pagkatapos inumin ang tabad (rice wine)

  Kalindapan - ito ay isang uri ng sayaw pang-isahan na

sinasayaw ng babaeng babaylan at ng kanyang mga

tagasilbi.

  Runsay- ritwal na sayaw na sinasagawa sa dalampasigan ng

mga taganayon, na ang balsa na may lamang pagkain ay 

nakalutang para gawing alay sa kanilang mga diyos. Ito‟y 

kanilang ginagawa sa hating-gabi at tumatagal hanggang

bukangliwayway. Ang ulo ng mga kababaihan ay nababalot

ng tela. Ang mga kalalakihan ay naghahawak-kamay upang

bumuo ng bilog sa palibot ng mga kababaihan. Habang

sumasayaw ang mga babae nang pa-clockwise, ganun din

ang mga kalalakihan. Ang tono ng awit ay tinatawag ng

turun na mayroong dalawang bahagi, ang una ay para sa

mga kalalakihan at ang isa naman ay para sa mga

kababaihan. Minsan, ang dalawang grupo ay nagpapalitan

ng panulaan, awitan, sayawan, at tawanan nang paulit-ulithanggang bukangliwayway.

Page 25: Ang Tribong Tagbanua

7/15/2019 Ang Tribong Tagbanua

http://slidepdf.com/reader/full/ang-tribong-tagbanua 25/28

  Sarungkay - isang uri ng nakagagaling na sayaw na

ginagawa ng babaylan habang binabalanse ang espada sa

kanyang ulo. 

  Tugatak or tarindak - sayaw na ginagawa ng mga

taganayon na dumadalo sa inim o pagdiwata 

  Tamigan - sinasagawa ng mga lalaking mandirigma gamit

ang bilao bilang pansagang. 

  busak-busak - isang gagambang sasayaw 

  segutset - sayaw sa panliligaw 

  tarek- tradisyunal na sayaw ng mga Tagbanua 

  andardi - pampistang sayaw ng mga Tagbanua sa loob at

palibot ng Aborlan, na isinasagawa tuwing may pagtitipon.

Habang nagpapahinga, ang mga Tagbanua ay umaawit at

sumasayaw ng andardi para itaboy ang oras. Ang mga kasali

sa sayawan ay sumusuot ng kanilang kasuotan at may 

hinahawakang palaspas na katulad sa anahaw. Ang musika

ng andardi ay binubo ng labingdalawang bahagi, na

pinapatugtog o inaawit habang nagsasayawan. Ang musika‟y 

sinasaliwan ng drum at gong. 

Dula

  Ang dula ng mga Tagbanua ay ipinapahayag sa pamamagitan ng

sayaw na ginagaya ang mga hayop tulad ng busak-busak , at mga

nagpapakita ng hanapbuhay tulad ng batak ribid  at bugsay- 

bugsay.

Diwata, pagdiwata or inim (drink)

Page 26: Ang Tribong Tagbanua

7/15/2019 Ang Tribong Tagbanua

http://slidepdf.com/reader/full/ang-tribong-tagbanua 26/28

-Ang pinakamahalagang ritwal ng mga Tagbanua, na karaniwang

dinadaluhan ng mga diyos upang magdiwang ng masaganang pista ng

tabad, kanin, biko, alahas, musika at iba pang mga alay. Ang

paghahanda sa ganitong selebrasyon ay malawakan sa lipunan ng mga

 Tagbanua. Ang ritwal ay isinasagawa sa layong mapagaling ang may 

sakit, pagkakaroon ng masaganang ani at matagumpay na pangangaso,

pasasalamat sa pag-ani ng palay, at kaayusan ng nayon. Ang ritwal ay 

idinadaos sa upang parangalan si Mangindusa at maging ang mga diyus-

diyosan Fox 1982:207). Ang lalagyan ng maasim na rice wine ay may 

malaking papel na ginagampanan sa ganitong ritwal dahil ito ang daan

upang ang mga diyus-diyosan ay maakit para makilahok sa pista, ito

ang tanging bagay na wala sa mundo ng espiritu. Ito ang umuugnay 

upang maging isa ang mga tao sa pista tulad ng sandugo, awit at sayaw.

Ito ay ikinokonsidera bilang isang inuming nakalilibang,

nakapagpapalakas at gamot. Ang nasa gitna ng ritwal ay ang babaylan

na responsible sa pagpili ng lugar para sa paglilinis, payapain ang

paligid, tagapagbigay ng anting-anting para sa mga mangingisda at

mangangaso, tagapagpagaling ng lahat ng uri ng sakit. 

  Bilang ceremony- ang pinakamahalagang ritwal para sa

mga patay. Ito‟y isinasagawa pagkatapos ng ani. Ang

pamilya ng mga Tagbanua ay inaasahang manguna sa

ritwal na ito. Sa pagdiwata at iba pang uri ng ritwal ng

mga Tagbanua, ang tabad ay mahalaga sa seremonyang

bilang dahil ito ay umiikot sa pagbabahaginan ng wine sapagitan ng mga buhay at ng mga espiritu ng mga patay.

Dahil walang wine sa kabilang mundo, ang bilang ay 

isang pagkakataon sa mga espiritu upang makainom ng

paborito nilang tabad at para sa mga buhay upang ang

kanilang hiling ay mapagbigyan. Ang ritwal na bilang ay 

Page 27: Ang Tribong Tagbanua

7/15/2019 Ang Tribong Tagbanua

http://slidepdf.com/reader/full/ang-tribong-tagbanua 27/28

nagsisimula sa panghuhula upang matukoy kung sino

ang may kasalanan ng pagkakasakit ng isang tao. Ito ay 

kinabibilangan ng  paurut  (invocation), at pagsusunog ng

 parina  (incense) na ang kanyang kaaya-ayang amoy ay 

nakakahalina sa mga diyus-diyosan at mga espiritu ng

patay. Ang gong ay pinapatugtog habang ang paurut ay 

isinasagawa at ang musika nito ay idinadagdag para sa

mga espititu upang lumahok sa pagtitipon. Pagkatapos

ng pag-aalay sa ritwal na nilalagay sa banig, ang mga

pagkain ay ibinabahagi sa mga bata at sa mga bisita; at

pagkatapos ang banig ay inaalis. Susunod ay ang pag-

iinom ng tabad sa pamamagitan ng straw.

Panawag- ito ay isang ritwal na sinasagawa ng babaylan malapit sa

puntod ng isang kamag-anak na namatay sa pamamagitan ng pag-aalay 

ng betel quids, sigarilyo at ang pangakong tabad na ang may sakit ay 

gagaling. Ang lalagyan ng tabad ay inihahanda ng mgang ng mga

nagdiriwa kasama ang alay na kinabibilangan ng: karung  o lalagyan ng

tubig; plato na may betel quid at sigarilyo; baso ng “orange gin,” na isang

mumurahing nakalalasing na inumin na nagmula sa Aborlan at

iniaangkat sa Manila; dalawang bowl na may lima o pitong amik, isang

uri ng pritong biko; lamparang nagbibigay liwanag para sa ritwal na

pumalit sa tradisyunal na lampara; dalawang salansan ng palay na

inilalaan para sa ritwal na bilang;at ang bowl ng liyutyut, malagkit na

bigas na minatamis at inilagay sa kawayan at muling niluto. Ang

liyutyut( na tinatawag ding lutlut ng mga Mantalingayan sa timog na

bahagi ng Palawan) ay maaari ring tawaging  piyusupusu  o suman na

binalot sa dahon ng saging. Ang tatlong mahalagang pagkaing pang

ritwal —  amik, liyutyut, at piyusupusu ay kinokonsiderang regalo at

Page 28: Ang Tribong Tagbanua

7/15/2019 Ang Tribong Tagbanua

http://slidepdf.com/reader/full/ang-tribong-tagbanua 28/28

pinaniniwalaang masarap at karapat-dapat na ialay sa mga ditus-

diyosan at mga patay.

“Alpabeto ng mga Tagbanua” 

Ang alpabeto ng mga Tagbanua ay isa sa pinakamalapit na

ginagamit na alpabeto sa Pilipinas hanggang ika-17 siglo AD. Ito ay 

pinaniniwalaang ipinadala mula sa Kawi script ng Java, Bali at Sumatra,

at muling ibinalik mula sa Pallava script, na isa sa timog na bahagi ng

India na hango sa Brahmi.