ang pagdarasal sa islam - salah at wudhu

2
Tinipon nina: Muhammad dela Pena Isinaayos nila: Abdullah Gonzales at Ahmad Fernandez Omar Taron Abdulaziz Gonzales P.O.Box 20824 Riyadh 11465 K.S.A. Tel.: no. 011-4083405 www.islamcocg.com ANG MGA KONDISYON NG SALAH 1. Islam 2. Sapat na pag-iisip 3. Tamang gulang 4. Taharah - Pagsasagawa ng (Wudhu, Ghusl o Tayammum) 5. Kalinisan ang pag-alis ng maruruming bagay sa (katawan, damit at lugar na pagsasaga- waan ng Salah) 6. Ang maayos na pagtatakip ng Awrah 7. Pagsasagawa sa takdang oras 8. Pagharap sa Qiblah (direksyon sa Makkah) 9. Pagkakaroon ng Niyyah (Hangarin na magsagawa ng Salah). ANG MGA HALIGI (RUKUN) NG SALAH 1. Pagtayo (kung makakaya). 2. Pagbigkas ng Takbeeratul Ihram (pagsasabi ng kauna-unahang Allahu Akbar). 3. Ang pagbigkas ng Al Fatiha, ang unang kabanata (Surah) ng Banal na Qur’an. 4. Ang Ruk’u o pagyukod ng ulo at likod sa anggulong 90 degrees. 5. Pagbalik sa pagkakatayo nang tuwid pagkatapos ng Ruk’u. 6. Sujud o pagpapatirapa sa lapag (sahig o lupa) na ang noo at ilong, dalawang kamay, tuhod, dulo ng paa ay nakadikit dito. 7. Pag-angat ng katawan mula sa pagkapatirapa upang maupo. 8. Maikling pamamahinga habang nakaupo. 9. Kapanatagan sa lahat ng kilos. 10. Pagsasagawa ng pangunahing bahagi ng Salah ayon sa pagkasunud-sunod. 11. Pag-upo para sa huling Tashahud. 12. Pagbigkas ng huling Tashahud (ikalawang bahagi). 13. Darood – ang panalangin para kay Propeta Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan ng Allah). 14. Ang Tasleem - ang paglingon ng mukha sa kanan at kaliwa na sinasabi ang Assalamu A’laykum wa Rahmatullah. ANG MGA WAJIB (DAPAT GAMPANAN) SA SALAH 1. Ang pagsasabi ng Allahu Akbar maliban sa Takbeeratul Ihram (ang unang Takbeer). 2. Ang pagsambit ng Imam at maging ng nagdarasal ng mag-isa ng: SAMI’ ALLAHU LIMAN HAMIDAH (Dinidinig ng Allah ang sinuman na nagpupuri sa Kanya). 3. Ang pagsabi ng Imam at ng bawa’t isa ng: RABBANA WA LAKAL HAMD (Panginoon namin ang papuri ay sa Iyo lamang). 4. Ang pagsabi ng: SUBHAANA RABBIYAL ADHEEM (Kaluwalhatian sa aking Dakilang Panginoon) habang nasa posisyon ng Ruku’. 5. Ang pagsabi ng: SUBHAANA RABBIYAL A’ALAA (Kaluwalhatian sa aking Panginoon, ang Kataas-taasan) habang nasa posisyon ng Sujud. 6. Ang pagsabi ng RABBIGH FIRLEE (O aking Panginoon patawarin Mo po ako) sa pagitan ng dalawang Sujud. 7. Ang pagbigkas ng unang bahagi ng Tashahud (at-Tashahud al-Awal) at 8. Ang pag-upo para sa unang Tashahud. ANG MGA SUNNAH SA SALAH 1. Ang pagbigkas ng Dua’ al Istiftah. “SUBHAANAKAL LAHUMMA WA BIHAMDIKA WA TABAARAKASMUKA WA TA’ALAA JADDUKA WA LAA ILAAHA GHAYRUK.” 2. Ang paglagay ng mga kamay sa dibdib, ang kanang kamay ay nakapatong sa kaliwang kamay habang nasa nakatayong posisyon. 3. Ang pagtaas ng mga kamay hanggang sa balikat na ang mga daliri ay magkaka- dikit at nagsasabi ng Allahu Akbar habang sinisimulan ang Salah, kapag nagsa- sagawa ng Ruku’ at kapag bumalik sa pagkakatayo para simulan ang ikatlong yunit ng Salah. 4. Ang pagsasabi ng: SUBHAANA RABBIYAL ADHEEM at SUBHAANA RABBIYAL A’ALAA nang higit sa isang beses habang nasa posisyon ng Ruku’ at Sujud. 5. Ang pagsasabi ng RABBIGH FIRLEE (O aking Panginoon, nawa’y patawarin Mo ako) nang higit sa isang beses sa pagitan ng isang Sujud. 6. Ang pagyuko na ang ulo at likuran ay nasa pantay na posisyon. Ito ay ang tamang posisyon ng Ruku’. 7. Habang nasa posisyon ng Sujud (pagpapatirapa, ang mga braso ay hindi dapat nakadikit sa tagiliran at ang dibdib ay hindi dapat nakadikit sa mga hita. 8. Ang pagtaas ng braso habang nasa Sujud (pagpapatirapa) na posisyon. 9. Ang Darood - panalangin para kay Propeta Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan ng Allah sa kanyang pamilya at para kay Propeta Ibrahim sa kanyang pamilya). (Ang huling Tashahud ang tinutukoy dito). 10. Ang pagsasagawa ng Salah sa Fajr, Maghreb at Isha nang may tunog. 11. Ang pag-upo sa pagitan ng dalawang Sujud na ang kaliwang pigi ay nakapatong sa kaliwang paa (na nakahiga) habang ang kanang paa ay nakatukod at ang daliri nito ay nakasayad sa lapag (sahig o lupa). 12. Ang pag-upo nang upong tinatawag na “Tawarruk” habang binibigkas ang huling Tashahud. Ang pag-upong ito ay ganito: nakatukod ang kanang paa, nakalagay ang kaliwang paa sa ilalim ng kanang paa, sa ilalim ng kanang binti, at nakadikit sa lapag ang kaliwang pigi. 13. Ang tahimik na pagbigkas ng Du’a pagkatapos ng huling Tashahud. 14. Ang tahimik na pagsasagawa ng Salah sa Dhuhor, A’sr, at sa huling Raka’h ng Maghreb at I’sha. 15. Ang pagbigkas ng mga piling talata sa Banal na Qur’an pagkatapos big- kasin ang Al-Fatiha. SURATHUL FATIHA A’OODHU BILLAAHI MINASH SHAYTAANIR RAJEEM 1. BISMILLAAHIR RAHMAAN- IR RAHEEM 2. ALHAMDULILLAAHI RAB- BIL ‘AALAMEEN 3. ARRAHMANIR RAHEEM 4. MAALIKI YAWMIDDEEN 5. IYYAAKA NA’BUDU WA IYYAAKA NASTA’EEN 6. IHDINAS SIRAATAL MUS- TAQEEM 7. SIRAATAL LADHEENA AN’AMTA A’LAYHIM 8. GHAYRIL MAGH DHOOBI A’LAYHIM WALADH DHAALLEN. AMEEN 1. Sa Ngalan ng Allah, ang Mahabagin, ang Maawain 2. Ang [lahat ng] papuri ay sa Allah [lamang], ang Panginoon ng lahat [ng mga nilikha]. 3. Ang Mahabagin, ang Maawain. 4. Ang Hari [Maalik] sa Araw ng Pagbabayad. 5. [Tanging] Ikaw lamang ang aming sinasamba, at [tanging] Ikaw lamang ang aming hinihingan [ng tulong]. 6. Patnubayan Mo kami sa matuwid na Landas 7. Sa landas niyaong mga ginawaran Mo ng Iyong pagpapala at hindi [sa landas] ng mga umani ng [Iyong] Poot, at ng mga nangaligaw. SURATHUL IKHLAS BISMILLAAHIR RAHMAANIR RAHEEM 1. QUL HUWAL LAAHU AHAD 2. ALLAAHUS SAMAD 3. LAM YALID WA LAM YOOLAD 4. WA LAM YAKUL LAHU KUFUWAN AHAD Sa Ngalan ng Allah, ang Mahabagin, ang Maawain 1. Sabihin: “Siya ang Allah, Nag-iisa 2. “Allah, ang walang hanggang sandigan [o inaasahan ng lahat], 3. “Siya ay hindi nagkaanak at hindi Siya ipinanganak”, 4. “At sa Kanya ay walang makatu- tumbas [o makapapantay].” SURATHUL FALAQ BISMILLAAHIR RAHMAANIR RAHEEM 1. QUL A’OODHU BIRABBIL FALAQ 2. MIN SHARRI MAA KHALAQ 3. WA MIN SHARRI GHAASIQIN IDHAA WAQAB 4. WA MIN SHARRIN NAF- FAATHAATI FIL ‘UQAD 5. WA MIN SHARRI HAASIDIN IDHAA HASAD Sa Ngalan ng Allah, ang Mahabagin, ang Maawain 1. Sabihin: “Ako ay humahanap ng paglingap sa Panginoon ng bu- kang-liwayway, 2. Laban sa kasamaan ng anumang Kanyang nilikha, 3. At laban sa kasamaan ng kadili- man [ng gabi] kapag ito ay tahimik, 4. At laban sa kasamaan ng mga tagapag-ihip sa mga buhol, 5. At laban sa kasamaan ng isang mainggitin kapag siya ay naiinggit.” SURATHUL NAAS BISMILLAAHIR RAHMAANIR RAHEEM 1. QUL A’OODHU BIRABBINAAS 2. MALIKIN NAAS 3. ILAAHIN NAAS 4. MIN SHARRIL WASWAASIL KHANNAAS 5. ALLADHEE YUWASWISU FEE SUDOORIN NAAS 6. MINAL JINNATI WAN NAAS Sa Ngalan ng Allah, ang Mahabagin, ang Maawain 1. Sabihin: “Ako ay humahanap ng paglingap sa Panginoon ng sangkatauhan, 2. Sa Hari ng sangkatauhan, 3. Sa Diyos ng sangkatauhan, 4. Laban sa kasamaan ng lumalayong tagapagbulong – 5. Na nagbubulong [ng kasamaan] sa mga dibdib ng sangkatauhan, 6. [Sila ay] mula sa [lipon] ng jinn at tao.” TASHAHUD 1 AT-TAHIYYAATU LILLAAHI WAS-SALAWAATU WAT- TAYYIBAATU ASSALAMU A’LAYKA AYYUHAN NABI WA RAHMATULLAHI WA BARAKATUH. ASSALAAMU A’LAYNAA WA-`ALAA I’BAADILLAAHIS SALIHEEN. ASH-HADU ALLAA ILAAHA ILLALLAAH WA ASH-HADU ANNA MUHAMMADAN `ABDUHU WA- RASULUHU. TASHAHUD 2 ALLAHUMMA SALLI A’LA MUHAM- MAD WA A’LA ALI MUHAMMAD KAMAA SALLAYTA A’LA IBRAHEEM WA A’LA ALI IBRAHEEM INNAKA HAMIDUM MAJEED ALLAHUMMA BAARIK A’LA MUHAMMAD WA A’LA ALI MUHAMMAD KAMAA BAARAKTA A’LA IBRAHEEM WA A’LA ALI IBRAHEEM INNAKA HAMEEDUM MAJEED. “at magsagawa ng pagdarasal. Katotohanan, ang pagdarasal ay pumipigil sa mga gawaing mahahalay at masama” ةء وال�صصفة الو�صوAng Bukang Liwayway Ang Panimula Ang Kadalisayan Ang Sangkatauhan

Upload: islamic-center-in-al-batha-riyadh-ksa

Post on 27-Dec-2015

343 views

Category:

Documents


35 download

DESCRIPTION

كيفية أداء الوضوء والصلاة اللغة: الفلبينية : للتحميلA Guide in Performing Wudhu & Salah(In Filipino Language)by; Al Batha Islamic Center in Riyadh KSAhttp://facebook.com/batha.dawahhttps://plus.google.com/u/0/+BathaDawah/postshttp://www.islamcocg.comIto ay Salaah na binubuo lamang ng dalawang yunit (Rak’ah). Kapag ang salaah ay may tatlong yunit (Rak’ah) tulad ng Salaathul Maghreb, ang unang Tashahud lamang ang bibigkasin sa posisyong ipinakikita sa larawang bilang ika-9 atpagkatapos ay bumalik sa posisiyong ipinakikita sa larawang bilang ika-3. Gawin lamang ito nang isang ulit at ituloy hanggang matapos. Kapag ang Salaah ay may apat na yunit (Rak’ah) Duhur, A’sr at I’sha, ang unang Tashahud lamang angbibigkasin sa sa posisyong ipinakikita sa larawang bilang ika-9 at pagkatapos ay bumalik sa posisiyong ipinakikita sa larawang bilang ika-3. Gawin lamang ito nang dalawang ulit at ituloy hanggang matapos.

TRANSCRIPT

Page 1: Ang Pagdarasal sa Islam - Salah at Wudhu

Tinipon nina: Muhammad dela Pena

Isinaayos nila: Abdullah Gonzalesat Ahmad Fernandez

Omar TaronAbdulaziz Gonzales

P.O.Box 20824 Riyadh 11465 K.S.A. Tel.: no. 011-4083405w w w . i s l a m c o c g . c o m

Ang mgA kondisyon ng sAlAh1. Islam2. Sapat na pag-iisip3. Tamang gulang4. Taharah - Pagsasagawa ng

(Wudhu, Ghusl o Tayammum)5. Kalinisan ang pag-alis ng

maruruming bagay sa (katawan, damit at lugar na pagsasaga-

waan ng Salah)6. Ang maayos na pagtatakip ng

Awrah7. Pagsasagawa sa takdang oras8. Pagharap sa Qiblah (direksyon sa

Makkah)9. Pagkakaroon ng Niyyah (Hangarin

na magsagawa ng Salah).

Ang mgA hAligi (Rukun) ng sAlAh1. Pagtayo (kung makakaya).2. Pagbigkas ng Takbeeratul Ihram (pagsasabi ng kauna-unahang Allahu Akbar).3. Ang pagbigkas ng Al Fatiha, ang unang kabanata (Surah) ng Banal na Qur’an.4. Ang Ruk’u o pagyukod ng ulo at likod sa anggulong 90 degrees.5. Pagbalik sa pagkakatayo nang tuwid pagkatapos ng Ruk’u.6. Sujud o pagpapatirapa sa lapag (sahig o lupa) na ang noo at ilong, dalawang

kamay, tuhod, dulo ng paa ay nakadikit dito.7. Pag-angat ng katawan mula sa pagkapatirapa upang maupo.8. Maikling pamamahinga habang nakaupo.9. Kapanatagan sa lahat ng kilos.10. Pagsasagawa ng pangunahing bahagi ng Salah ayon sa pagkasunud-sunod.11. Pag-upo para sa huling Tashahud.12. Pagbigkas ng huling Tashahud (ikalawang bahagi).13. Darood – ang panalangin para kay Propeta Muhammad (sumakanya nawa

ang kapayapaan ng Allah).14. Ang Tasleem - ang paglingon ng mukha sa kanan at kaliwa na sinasabi ang

Assalamu A’laykum wa Rahmatullah.

Ang mgA WAjib (dApAt gAmpAnAn) sA sAlAh1. Ang pagsasabi ng Allahu Akbar maliban sa Takbeeratul Ihram (ang unang Takbeer).2. Ang pagsambit ng Imam at maging ng nagdarasal ng mag-isa ng: SAMI’ ALLAHU

LIMAN HAMIDAH (Dinidinig ng Allah ang sinuman na nagpupuri sa Kanya).3. Ang pagsabi ng Imam at ng bawa’t isa ng: RABBANA WA LAKAL HAMD (Panginoon namin ang papuri ay sa Iyo lamang).4. Ang pagsabi ng: SUBHAANA RABBIYAL ADHEEM (Kaluwalhatian sa aking Dakilang Panginoon) habang nasa posisyon ng Ruku’.5. Ang pagsabi ng: SUBHAANA RABBIYAL A’ALAA (Kaluwalhatian sa aking Panginoon, ang Kataas-taasan) habang nasa posisyon ng Sujud.6. Ang pagsabi ng RABBIGH FIRLEE (O aking Panginoon patawarin Mo po ako) sa

pagitan ng dalawang Sujud.7. Ang pagbigkas ng unang bahagi ng Tashahud (at-Tashahud al-Awal) at8. Ang pag-upo para sa unang Tashahud.

Ang mgA sunnAh sA sAlAh1. Ang pagbigkas ng Dua’ al Istiftah. “SUBHAANAKAL LAHUMMA WA BIHAMDIKA

WA TABAARAKASMUKA WA TA’ALAA JADDUKA WA LAA ILAAHA GHAYRUK.”2. Ang paglagay ng mga kamay sa dibdib, ang kanang kamay ay nakapatong sa

kaliwang kamay habang nasa nakatayong posisyon.3. Ang pagtaas ng mga kamay hanggang sa balikat na ang mga daliri ay magkaka-

dikit at nagsasabi ng Allahu Akbar habang sinisimulan ang Salah, kapag nagsa-sagawa ng Ruku’ at kapag bumalik sa pagkakatayo para simulan ang ikatlong yunit ng Salah.

4. Ang pagsasabi ng: SUBHAANA RABBIYAL ADHEEM at SUBHAANA RABBIYAL A’ALAA nang higit sa isang beses habang nasa posisyon ng Ruku’ at Sujud.

5. Ang pagsasabi ng RABBIGH FIRLEE (O aking Panginoon, nawa’y patawarin Mo ako) nang higit sa isang beses sa pagitan ng isang Sujud.

6. Ang pagyuko na ang ulo at likuran ay nasa pantay na posisyon. Ito ay ang tamang posisyon ng Ruku’.

7. Habang nasa posisyon ng Sujud (pagpapatirapa, ang mga braso ay hindi dapat nakadikit sa tagiliran at ang dibdib ay hindi dapat nakadikit sa mga hita.

8. Ang pagtaas ng braso habang nasa Sujud (pagpapatirapa) na posisyon.9. Ang Darood - panalangin para kay Propeta Muhammad (sumakanya

nawa ang kapayapaan ng Allah sa kanyang pamilya at para kay Propeta Ibrahim sa kanyang pamilya). (Ang huling Tashahud ang tinutukoy dito).

10. Ang pagsasagawa ng Salah sa Fajr, Maghreb at Isha nang may tunog.11. Ang pag-upo sa pagitan ng dalawang Sujud na ang kaliwang pigi ay

nakapatong sa kaliwang paa (na nakahiga) habang ang kanang paa ay nakatukod at ang daliri nito ay nakasayad sa lapag (sahig o lupa).

12. Ang pag-upo nang upong tinatawag na “Tawarruk” habang binibigkas ang huling Tashahud. Ang pag-upong ito ay ganito: nakatukod ang kanang paa, nakalagay ang kaliwang paa sa ilalim ng kanang paa, sa ilalim ng kanang binti, at nakadikit sa lapag ang kaliwang pigi.

13. Ang tahimik na pagbigkas ng Du’a pagkatapos ng huling Tashahud.14. Ang tahimik na pagsasagawa ng Salah sa Dhuhor, A’sr, at sa huling

Raka’h ng Maghreb at I’sha.15. Ang pagbigkas ng mga piling talata sa Banal na Qur’an pagkatapos big-

kasin ang Al-Fatiha.

suRAthul FAtihA

A’OODHU BILLAAHI MINASH SHAYTAANIR RAJEEM

1. BISMILLAAHIR RAHMAAN-IR RAHEEM

2. ALHAMDULILLAAHI RAB-BIL ‘AALAMEEN

3. ARRAHMANIR RAHEEM4. MAALIKI YAWMIDDEEN5. IYYAAKA NA’BUDU WA

IYYAAKA NASTA’EEN6. IHDINAS SIRAATAL MUS-

TAQEEM7. SIRAATAL LADHEENA

AN’AMTA A’LAYHIM8. GHAYRIL MAGH DHOOBI

A’LAYHIM WALADH DHAALLEN. AMEEN

1. Sa Ngalan ng Allah, ang Mahabagin, ang Maawain2. Ang [lahat ng] papuri ay sa Allah

[lamang], ang Panginoon ng lahat [ng mga nilikha].

3. Ang Mahabagin, ang Maawain.4. Ang Hari [Maalik] sa Araw ng

Pagbabayad.5. [Tanging] Ikaw lamang ang aming

sinasamba, at [tanging] Ikaw lamang ang aming hinihingan [ng tulong].

6. Patnubayan Mo kami sa matuwid na Landas –

7. Sa landas niyaong mga ginawaran Mo ng Iyong pagpapala at hindi [sa landas] ng mga umani ng [Iyong] Poot, at ng mga nangaligaw.

suRAthul ikhlAs

BISMILLAAHIR RAHMAANIR RAHEEM

1. QUL HUWAL LAAHU AHAD 2. ALLAAHUS SAMAD3. LAM YALID WA LAM

YOOLAD4. WA LAM YAKUL LAHU

KUFUWAN AHAD

Sa Ngalan ng Allah, ang Mahabagin, ang Maawain

1. Sabihin: “Siya ang Allah, Nag-iisa2. “Allah, ang walang hanggang sandigan [o inaasahan ng lahat],3. “Siya ay hindi nagkaanak at hindi

Siya ipinanganak”,4. “At sa Kanya ay walang makatu-

tumbas [o makapapantay].”

suRAthul FAlAq

BISMILLAAHIR RAHMAANIR RAHEEM

1. QUL A’OODHU BIRABBIL

FALAQ

2. MIN SHARRI MAA KHALAQ

3. WA MIN SHARRI GHAASIQIN

IDHAA WAQAB

4. WA MIN SHARRIN NAF-

FAATHAATI FIL ‘UQAD

5. WA MIN SHARRI HAASIDIN

IDHAA HASAD

Sa Ngalan ng Allah, ang Mahabagin, ang Maawain

1. Sabihin: “Ako ay humahanap ng paglingap sa Panginoon ng bu-kang-liwayway,

2. Laban sa kasamaan ng anumang Kanyang nilikha,

3. At laban sa kasamaan ng kadili-man [ng gabi] kapag ito ay tahimik,

4. At laban sa kasamaan ng mga tagapag-ihip sa mga buhol,

5. At laban sa kasamaan ng isang mainggitin kapag siya ay naiinggit.”

suRAthul nAAsBISMILLAAHIR RAHMAANIR

RAHEEM

1. QUL A’OODHU BIRABBINAAS2. MALIKIN NAAS3. ILAAHIN NAAS4. MIN SHARRIL WASWAASIL

KHANNAAS5. ALLADHEE YUWASWISU FEE

SUDOORIN NAAS6. MINAL JINNATI WAN NAAS

Sa Ngalan ng Allah, ang Mahabagin, ang Maawain

1. Sabihin: “Ako ay humahanap ng paglingap sa Panginoon ng

sangkatauhan,2. Sa Hari ng sangkatauhan,3. Sa Diyos ng sangkatauhan,4. Laban sa kasamaan ng

lumalayong tagapagbulong –5. Na nagbubulong [ng kasamaan]

sa mga dibdib ng sangkatauhan,6. [Sila ay] mula sa [lipon] ng jinn at

tao.”

tAshAhud 1

AT-TAHIYYAATU LILLAAHI

WAS-SALAWAATU WAT-

TAYYIBAATU ASSALAMU

A’LAYKA AYYUHAN NABI

WA RAHMATULLAHI WA

BARAKATUH. ASSALAAMU

A’LAYNAA WA-`ALAA

I’BAADILLAAHIS SALIHEEN.

ASH-HADU ALLAA ILAAHA

ILLALLAAH WA ASH-HADU

ANNA MUHAMMADAN

`ABDUHU WA- RASULUHU.

tAshAhud 2

ALLAHUMMA SALLI A’LA MUHAM-

MAD WA A’LA ALI MUHAMMAD

KAMAA SALLAYTA A’LA IBRAHEEM

WA A’LA ALI IBRAHEEM INNAKA

HAMIDUM MAJEED ALLAHUMMA

BAARIK A’LA MUHAMMAD WA A’LA

ALI MUHAMMAD KAMAA

BAARAKTA A’LA IBRAHEEM WA

A’LA ALI IBRAHEEM INNAKA

HAMEEDUM MAJEED.

“at magsagawa ng pagdarasal. Katotohanan, ang pagdarasal ay pumipigil sa mga gawaing mahahalay at masama”

�صفة الو�صوء وال�صالة

Ang Bukang Liwayway

Ang Panimula

Ang Kadalisayan

Ang Sangkatauhan

Page 2: Ang Pagdarasal sa Islam - Salah at Wudhu

1. Kinakailangang magkaroon ng layunin o neeyah na di binibigkas nang malakas (isapuso lamang).

2. Bigkasin ang “Bismillah” (Sa Ngalan ng Allah).

3. Hugasan ang dalawang kamay (kanan muna) ng tig-tatatlong ulit simula sa dulo ng daliri hanggang pulso, lini-sin ang pagitan ng mga daliri.

4. Magmumog nang tatlong ulit (kanang kamay ang gamitin)

5. Linisin ang ilong sa pamamagitan ng pagsinghot ng tubig mula sa kanang kamay

6. Hilamusan ang buong mukha nang tatlong ulit. (Hagurin ang balbas)

7. Hugasan nang tatlong ulit ang buong kamay at braso magmula sa

dulo ng daliri hanggang sa bahaging itaas ng siko.

8. Haplusin ng dalawang basang kamay ang ulo magmula sa itaas ng noo hanggang sa batok at pabalik sa noo. 9. pagkatapos ay ipasok ang hintuturo sa loob ng tainga habang hinahagod ng hinlalaki

ang bahaging likod nito simula sa ibaba ng tainga pataas, gawin ito ng isang beses lamang.

10. Hugasan ang paa hanggang bukung-bukong nang tig-tatatlong ulit, linisin ang pagitan ng mga daliri nito, unahin ang kanang paa at pag-katapos ay isunod ang kaliwa.

11. Isagawa ang Wudhu ayon sa pagkakasunud-sunod nang walang patlang. Banggitin ang Du’ah o panalangin pagkatapos itong isagawa. ASH-HADU ALLAA ILAHA ILLALLAH WAHDAHU LA SHAREEKA LAH WA ASH-HADU ANNA MUHAMMADAN ABDUHU WA RASULUH. (Ako ay sumasaksi na walang tunay na diyos na karapat-dapat sambahin maliban sa Allah, ang Nag-iisang walang katambal at ako ay sumasaksi na si Muhammad ay Kanyang Alipin at Sugo.

“Allahummaj’alnee Minat-tawabeen Waj’alnee Minal-mutatahhireen” (O Allah, Loobin Mo na ako’y maging isa sa mga laging nagsisisi at laging dalisay) *Tiyakin na dinaluyan ng tubig ang mga bahagi ng katawan na kinakailangang mabasa.

at isinga ito sa tulong ng kaliwang kamay.

Ito ay Salaah na binubuo lamang ng dalawang yunit (Rak’ah). Kapag ang salaah ay may tatlong yunit (Rak’ah) tulad ng Salaathul Maghreb, ang unang Tashahud lamang ang bibigkasin sa posisyong ipinakikita sa larawang bilang ika-9 at pagkatapos ay bumalik sa posisiyong ipinakikita sa larawang bilang ika-3. Gawin lamang ito nang isang ulit at ituloy hanggang matapos. Kapag ang Salaah ay may apat na yunit (Rak’ah) Duhur, A’sr at I’sha, ang unang Tashahud lamang ang bibigkasin sa sa posisyong ipinakikita sa larawang bilang ika-9 at pagkatapos ay bumalik sa posisiyong ipinakikita sa larawang bilang ika-3. Gawin lamang ito nang dalawang ulit at ituloy hanggang matapos.

Ang ka’bah na matatag-puan sa makkah ay isang tanda lamang. ito ang qiblah - ang direksiyong kung saan kinakailangang humarap ang isang nagda-rasal. ito ay hindi bagay na sinasamba.

Magkaroon ng layunin sa sarili (isa puso lamang) na magsasagawa ng Salaah (tulad ng mga itinakdang tungkuling pagdarasal) tulad ng FAJR, DHUHOR, A’SR, MAGHRIB, AT I’SHA, o kung ito ba ay SUNNAH (kusang-loob na pagdarasal)

Humarap sa Qiblah at pagkatapos ay itaas ang mga kamay sa pagitan ng tainga a t balikat habang binibigkas ang “ALLAHU AKBAR” ibig sabihin; “Ang Allah ay Dakila”. Ito ang Takbeeratul Ihram.

Ilagay ang dalawang kamay sa dib-dib (nakapatong ang kanang kamay sa kaliwang kamay o braso) at bigka-sin nang pabulong:SUBHAANAKAL LAHUMMA WA BIHAMDIKA (O Al-lah, Maluwalhati at Kapuri-puri) ”WA TABAARAKASMUKA WA TA’ALAA JADDUKA (at purihin ang Ngalan Mo at dakilain ang Iyong Kataasan) ”WA LAA ILAAHA GHAYRUK.” (at walang karapat-dapat sambahin maliban sa Iyo)

Ngayon ay sabihin ang “ALLAHU AKBAR” (nakataas ang dalawang kamay sa pagitan ng tainga at balikat) at yumuko na naka-pantay ang iyong ulo sa likod habang ang mga kamay ay nakalapat sa ibabaw ng mga tuhod. (ang katayuang ito ay tinatawag na Ruk’u) at sabihin nang tatlong (3) ulit ang mga sumusunod: “SUBHAANA RABBI-YAL ADHEEM.” (Kaluwalhatian sa aking Dakilang Panginoon)

“A’UDHU BIL-LAAHI MINASH SHAYTAANIR RAJEEM”; ako’y nagpapakupkop sa Allah laban sa isinumpang si SatanasBISMILLAAHIR RAHMAANIR RAHEEM”; sa Ngalan ng Allah, ang Mapagpala, ang Mahabagin Bigkasin ang pambungad na kabanata ng Banal na Qur’an, ang Al-Fatiha, at sundan ito ng alinmang mai-kling kabanata o mga talata ng Qur’an.

Pagkatapos ay bumalik sa pagkakatayo at itaas ang mga kamay sa pagitan ng tainga at balikat, habang binibigkas ang

“SAMI’ ALLAHU LIMAN HAMIDAH.” (Dinidinig ng Allah ang sinuman nanagpupuri sa Kanya.)Sa posisyong nakatayo sabihin ang: “RAB-BANA WA LAKAL HAMD” (Panginoon namin ang papuri ay sa Iyo lamang.)

Ngayon ay sabihin ang “ALLAHU AKBAR” at magpatirapa na nakalapat ang iyong tuhod, palad, noo at ilong, at mga paa na nakapatingkayad pataas ang mga daliri nito (habang ang mga sakong ay nakaangat) sa lupa (sahig) na nasa direksyon ng Qiblah (ang posisiyong ito ay tinatawag na SUJUD): Habang nasa ganitong kalagayan, bigkasin nang tatlong (3) ulit ang “SUBHAANA RAB-BIYAL A’ALAA”, (Kaluwalhatian sa aking Panginoon, ang Kataas-taasan).

At pagkatapos ay umupo sa inyong kaliwang paa na ang sakong ng kanang paa ay nakaangat at ang

daliri ng kanang paa ay nakapatingkayad sa lupa (sahig) at bigkasin ang sumusunod: “RABBIG FIRLEE, WARHAMNEE, WAJBURNEE, WAHDI-NEE, WARZAQNEE, WA’AFINEE” (Panginoon, nawa’y patawarin Mo ako, kahabagan Mo ako, tulungan Mo ako, patnubayan Mo ako, biyayaan Mo ako, at pagalingin Mo ako.)

Pagkatapos nito, bigkasin ang “ALLAHU AKBAR” at isagawa ang pangalawang Sujud at bigkasin nang tatlong (3) ulit ang: “SUBHAANA RABBIYAL A’ALAA” at Isagawang muli ang posisyon sa larawan bilang ika-3 hanggang ika-8 para sa ikalawang yunit ng Salaah at ituloy ito hanggang matapos.

Umupo kagaya ng sa larawang ipinakikita sa bilang ika-7 at bigkasin ang Tashahud 1 at Tashahud 2 habang ang iyong kanang hintuturo na nakapatong sa iyong tuhod ay nakaturo sa direksyon ng Qiblah.

Pagkatapos nito ay gawin ang Tasleem. Ibaling ang mukha sa kanan at sabihin ang “AS-SALAAMU A’LAYKUM WA RAHMATULLAAH” (Sumainyo ang kapayapaan at ang habag ng Allah)

at pagkatapos ay ibaling naman ang mukha sa kaliwa at sabihin “AS-SALAAMU A’LAYKUM WA RAHMATULLAAH” (Sumainyo ang kapayapaan at ang habag ng Allah).