ang konseptong papel

10

Upload: majoydrew

Post on 24-Jan-2017

106 views

Category:

Education


6 download

TRANSCRIPT

Page 1: Ang konseptong papel
Page 2: Ang konseptong papel

Mga Uri ng Datos

Page 3: Ang konseptong papel

•Bawat uri ng pananaliksik ay nangangailangan ng naaangkop na datos upang makamit ang layunin ng mga ito. At upang makuha ang kinakailangang datos, ang mananaliksik ay nangangailangang gumamit ng tamang metodo.

Page 4: Ang konseptong papel

•Depende sa layunin ng isang pananaliksik, maaaring ang datos na kinakailangan mo ay iyong nagsasalaysay o naglalarawan o pareho. Ang mga datos na may ganitong kalikasan ay tinatawag na datos ng kalidad o qualitative data.

(Halimbawa: ay kulay, tekstura, lasa, damdamin, mga pangyayari, at sasagot sa mga tanong na paano at bakit). Kung minsan, maging ang mga sagot sa mga tanong na ano, sino, kalian, at saan ay maaaring ikonsiderang datos ng kalidad depende sa tanong at/o sagot ng respondents.

Page 5: Ang konseptong papel
Page 6: Ang konseptong papel

Ang Konseptong

Papel

Page 7: Ang konseptong papel

•Makatutulong ang konseptong papel upang lalong magabayan o mabigyang-direksiyon ang mananaliksik lalo na kung siya’y baguhan pa lang sa gawaing ito. Bago pa man kasi niya gawin ang malalimang pagsisiyasat o pagpapatunay sa pamamagitan ng mga nakalap na ebidensya ay magkakaroon na siya ng pagkakataong maipakita o mailahad kung ano ang mangyayari.

Page 8: Ang konseptong papel

•Ayon kina Constantino at Zafra (2000) may apat na bahagi ng konseptong papel na binubuo ng rationale, layunin, metodolohiya, at inaasahang output o resulta.

Ratinale- Ito ang bahaging nagsasaad sa kasaysayan o dahilan kung bakit napiling talakayin ang isang paksa. Mababasa rito ang kahalagahan at kabuluhan ng paksa.

Page 9: Ang konseptong papel

•Layunin- Dito naman mababasa ang hangarin o tunguhin ng pananaliksik o base sa paksa.

•Metodolohiya-Inilalahad ditto ang pamaraang gagamitin ng mananaliksik sa pangangalap ng datos gayundin ang paraang gagamitin sa pagsusuri naman niya sa mga nakalap na impormasyon.

Page 10: Ang konseptong papel

•Inaasahang output o resulta- Dito ilalahad ang inaasahang kalalabasan o magiging resulta ng pananaliksik o pag-aaral. Dahil patuloy pa rin ang pangangalap ng impormasyon ay maaaring magkaroon pa rin ng pagbabago ang inaasahang resulta sa pinal na papel depende sa kalalabasan ng pagkalap ng datos.