ang kapanganakan ni hesus - bible for children · nagmadaling pumunta ang mga pastol sa sabsaban at...
TRANSCRIPT
![Page 1: Ang Kapanganakan ni Hesus - Bible for Children · Nagmadaling pumunta ang mga pastol sa sabsaban at pagkatapos nilang ... dinala ni Jose at Maria si Hesus sa templo. Nakita ni. Simeon](https://reader030.vdocuments.site/reader030/viewer/2022011814/5e4a214d041fb04e1f79fb00/html5/thumbnails/1.jpg)
Ang Kapanganakan
ni Hesus
Inihahandog ngBibliya Para sa mga Bata
![Page 2: Ang Kapanganakan ni Hesus - Bible for Children · Nagmadaling pumunta ang mga pastol sa sabsaban at pagkatapos nilang ... dinala ni Jose at Maria si Hesus sa templo. Nakita ni. Simeon](https://reader030.vdocuments.site/reader030/viewer/2022011814/5e4a214d041fb04e1f79fb00/html5/thumbnails/2.jpg)
Isinulat ni: Edward HughesInilarawan ni: M. Maillot
Ibinagay nila: E. Frischbutter at Sarah S.Isinalin ni: Christie Arpin
Inilimbag at ipinamamahagi ng Bible for Children
www.M1914.org
BFCPO Box 3
Winnipeg, MB R3C 2G1Canada
©2012 Bible for Children, Inc.Pahintulot: Ang materyal na ito ay maaaring makopya o malimbag,
ngunit hindi maaaring ipagbili.
![Page 3: Ang Kapanganakan ni Hesus - Bible for Children · Nagmadaling pumunta ang mga pastol sa sabsaban at pagkatapos nilang ... dinala ni Jose at Maria si Hesus sa templo. Nakita ni. Simeon](https://reader030.vdocuments.site/reader030/viewer/2022011814/5e4a214d041fb04e1f79fb00/html5/thumbnails/3.jpg)
Pinapunta ng Diyos ang anghel na si Gabriel kay Maria, isang dalagang Judio. “Ikaw ay magsisilang ng isang lalaki, at Hesus ang ipapangalan mo sa Kanya. Siya ay tatawaging
Anak ng Kataas-taasang
Diyos, at maghahari magpakailanman.”
![Page 4: Ang Kapanganakan ni Hesus - Bible for Children · Nagmadaling pumunta ang mga pastol sa sabsaban at pagkatapos nilang ... dinala ni Jose at Maria si Hesus sa templo. Nakita ni. Simeon](https://reader030.vdocuments.site/reader030/viewer/2022011814/5e4a214d041fb04e1f79fb00/html5/thumbnails/4.jpg)
Nagtaka si Maria. Tinanong niya, “Paano ito mangyayari, ako ay walang asawa? Sinabi ng anghel na ang sanggolay manggagalingsa Diyos.”
![Page 5: Ang Kapanganakan ni Hesus - Bible for Children · Nagmadaling pumunta ang mga pastol sa sabsaban at pagkatapos nilang ... dinala ni Jose at Maria si Hesus sa templo. Nakita ni. Simeon](https://reader030.vdocuments.site/reader030/viewer/2022011814/5e4a214d041fb04e1f79fb00/html5/thumbnails/5.jpg)
At sinabi din ng anghel kay Maria na ang pinsan niyang si Elizabeth ay magkakaanak din kahit siya ay matanda na. Ito rin ay isang mirakulo. Pagkaraan ng pangyayaring ito ay binisita ni Maria si Elizabeth. At pinuri nilang dalawa and Diyos.
![Page 6: Ang Kapanganakan ni Hesus - Bible for Children · Nagmadaling pumunta ang mga pastol sa sabsaban at pagkatapos nilang ... dinala ni Jose at Maria si Hesus sa templo. Nakita ni. Simeon](https://reader030.vdocuments.site/reader030/viewer/2022011814/5e4a214d041fb04e1f79fb00/html5/thumbnails/6.jpg)
Nang malaman ni Jose na buntis si Maria, nabahala at nalungkot siya. Nagisip at nagisip siya dahil alam niyang hindi siya ang ama.
![Page 7: Ang Kapanganakan ni Hesus - Bible for Children · Nagmadaling pumunta ang mga pastol sa sabsaban at pagkatapos nilang ... dinala ni Jose at Maria si Hesus sa templo. Nakita ni. Simeon](https://reader030.vdocuments.site/reader030/viewer/2022011814/5e4a214d041fb04e1f79fb00/html5/thumbnails/7.jpg)
Sa kanyang panaginip sinabi ng anghel ng Diyos, na ang sanggol ay mirakulo ng Espiritu Santo, nanggaling sa Diyosat huwag siyang mabahala.
![Page 8: Ang Kapanganakan ni Hesus - Bible for Children · Nagmadaling pumunta ang mga pastol sa sabsaban at pagkatapos nilang ... dinala ni Jose at Maria si Hesus sa templo. Nakita ni. Simeon](https://reader030.vdocuments.site/reader030/viewer/2022011814/5e4a214d041fb04e1f79fb00/html5/thumbnails/8.jpg)
Naniwala si Jose at sumunod sa kagustuhan ng Diyos. Sumusunod din siya sa batas ngbayan. Kasama si Maria, kailangan nilang pumuntasa Bethlehempara
magpatala
at magbayad ng buwis.
![Page 9: Ang Kapanganakan ni Hesus - Bible for Children · Nagmadaling pumunta ang mga pastol sa sabsaban at pagkatapos nilang ... dinala ni Jose at Maria si Hesus sa templo. Nakita ni. Simeon](https://reader030.vdocuments.site/reader030/viewer/2022011814/5e4a214d041fb04e1f79fb00/html5/thumbnails/9.jpg)
Inabot ng panganganak sa Bethlehem si Maria. Ngunit walang mahanap
na bahay-upahan! Kumatok sila
ngunit walanglugar para sa
kanila!
![Page 10: Ang Kapanganakan ni Hesus - Bible for Children · Nagmadaling pumunta ang mga pastol sa sabsaban at pagkatapos nilang ... dinala ni Jose at Maria si Hesus sa templo. Nakita ni. Simeon](https://reader030.vdocuments.site/reader030/viewer/2022011814/5e4a214d041fb04e1f79fb00/html5/thumbnails/10.jpg)
Niyaya ni Jose na pumuntana lang sila sa sabsaban
ng mga tupa.
![Page 11: Ang Kapanganakan ni Hesus - Bible for Children · Nagmadaling pumunta ang mga pastol sa sabsaban at pagkatapos nilang ... dinala ni Jose at Maria si Hesus sa templo. Nakita ni. Simeon](https://reader030.vdocuments.site/reader030/viewer/2022011814/5e4a214d041fb04e1f79fb00/html5/thumbnails/11.jpg)
May mga pastol na malapit sa sabsaban. Sinabi ng anghel, “May magandang balita. Ipinanganak sa inyo ang isang Tagapagligtas. Siya
ang Hesu Kristong
Panginoon.”
![Page 12: Ang Kapanganakan ni Hesus - Bible for Children · Nagmadaling pumunta ang mga pastol sa sabsaban at pagkatapos nilang ... dinala ni Jose at Maria si Hesus sa templo. Nakita ni. Simeon](https://reader030.vdocuments.site/reader030/viewer/2022011814/5e4a214d041fb04e1f79fb00/html5/thumbnails/12.jpg)
At dumating pa ang maraming anghel, masaya sila na nagpuri sa Diyos at
nagsabi, “Luwalhati saDiyos na
kataastaasan, sa lupa ay kapayapaan,
sa mga tao ay kaluguran.”
![Page 13: Ang Kapanganakan ni Hesus - Bible for Children · Nagmadaling pumunta ang mga pastol sa sabsaban at pagkatapos nilang ... dinala ni Jose at Maria si Hesus sa templo. Nakita ni. Simeon](https://reader030.vdocuments.site/reader030/viewer/2022011814/5e4a214d041fb04e1f79fb00/html5/thumbnails/13.jpg)
Nagmadaling pumunta ang mga pastol sa sabsaban at pagkatapos nilang makita ang sanggol ay ipinamalitanila sa lahat ang kanilang nasaksihan.
![Page 14: Ang Kapanganakan ni Hesus - Bible for Children · Nagmadaling pumunta ang mga pastol sa sabsaban at pagkatapos nilang ... dinala ni Jose at Maria si Hesus sa templo. Nakita ni. Simeon](https://reader030.vdocuments.site/reader030/viewer/2022011814/5e4a214d041fb04e1f79fb00/html5/thumbnails/14.jpg)
Pagkalipas ng apatnapung araw, dinala ni Jose at Maria si Hesus
sa templo. Nakita niSimeon ang sanggolat pinuri niya angPanginoon.
![Page 15: Ang Kapanganakan ni Hesus - Bible for Children · Nagmadaling pumunta ang mga pastol sa sabsaban at pagkatapos nilang ... dinala ni Jose at Maria si Hesus sa templo. Nakita ni. Simeon](https://reader030.vdocuments.site/reader030/viewer/2022011814/5e4a214d041fb04e1f79fb00/html5/thumbnails/15.jpg)
Si Anna, isang matandang lingkod, ay nagpasalamat sa Diyos
nang makita ang sanggolna si Hesus. Narito naang pangako ng Diyos–
si Hesus, ang Anakng Diyos, na
Tagapagligtas.
![Page 16: Ang Kapanganakan ni Hesus - Bible for Children · Nagmadaling pumunta ang mga pastol sa sabsaban at pagkatapos nilang ... dinala ni Jose at Maria si Hesus sa templo. Nakita ni. Simeon](https://reader030.vdocuments.site/reader030/viewer/2022011814/5e4a214d041fb04e1f79fb00/html5/thumbnails/16.jpg)
Makaraan angilang araw, maymga “wise men”o pantas na dumating sa
Jerusalem mula sa Silangan. Nais nila malaman kung saan makikita ang batang ipinanganak na hari ng mga Judio.
![Page 17: Ang Kapanganakan ni Hesus - Bible for Children · Nagmadaling pumunta ang mga pastol sa sabsaban at pagkatapos nilang ... dinala ni Jose at Maria si Hesus sa templo. Nakita ni. Simeon](https://reader030.vdocuments.site/reader030/viewer/2022011814/5e4a214d041fb04e1f79fb00/html5/thumbnails/17.jpg)
Narinig ito ni Herodes. Naligalig siya at sinabi niya sa mga wise men na kapag natagpuan nilaang sanggol na si Hesus ay sabihin sa kanya at sasamba rin siya. Pero ang totoo ay gusto niyang ipapatay ito.
![Page 18: Ang Kapanganakan ni Hesus - Bible for Children · Nagmadaling pumunta ang mga pastol sa sabsaban at pagkatapos nilang ... dinala ni Jose at Maria si Hesus sa templo. Nakita ni. Simeon](https://reader030.vdocuments.site/reader030/viewer/2022011814/5e4a214d041fb04e1f79fb00/html5/thumbnails/18.jpg)
Huminto ang nangunang bituin na nag-gabay sa mga wise men sa tapat ng bahay na kinaroroonan
ni Hesus. Sila ay lumuhod at nagpuri sa Panginoon. Sila
ay naghandog ng gintoat mamahaling
pabango.
![Page 19: Ang Kapanganakan ni Hesus - Bible for Children · Nagmadaling pumunta ang mga pastol sa sabsaban at pagkatapos nilang ... dinala ni Jose at Maria si Hesus sa templo. Nakita ni. Simeon](https://reader030.vdocuments.site/reader030/viewer/2022011814/5e4a214d041fb04e1f79fb00/html5/thumbnails/19.jpg)
Nang pauwi na sila, binalaanan ng Diyos na mag-iba sila ng daan at huwag bumalik kay Herodes.
![Page 20: Ang Kapanganakan ni Hesus - Bible for Children · Nagmadaling pumunta ang mga pastol sa sabsaban at pagkatapos nilang ... dinala ni Jose at Maria si Hesus sa templo. Nakita ni. Simeon](https://reader030.vdocuments.site/reader030/viewer/2022011814/5e4a214d041fb04e1f79fb00/html5/thumbnails/20.jpg)
Nang malaman ni Herodesna siya ay nalinlang, labissiyang nagalit at pinapatay niya ang lahat ng lalaking sanggol sa Bethlehem at kapaligiran.
![Page 21: Ang Kapanganakan ni Hesus - Bible for Children · Nagmadaling pumunta ang mga pastol sa sabsaban at pagkatapos nilang ... dinala ni Jose at Maria si Hesus sa templo. Nakita ni. Simeon](https://reader030.vdocuments.site/reader030/viewer/2022011814/5e4a214d041fb04e1f79fb00/html5/thumbnails/21.jpg)
Pero hindi masaktan ni Herodes ang Anak ng Diyos. Binalaanan sa panaginip si Jose, na
sila ay pumunta, at magtago sa Ehipto.
![Page 22: Ang Kapanganakan ni Hesus - Bible for Children · Nagmadaling pumunta ang mga pastol sa sabsaban at pagkatapos nilang ... dinala ni Jose at Maria si Hesus sa templo. Nakita ni. Simeon](https://reader030.vdocuments.site/reader030/viewer/2022011814/5e4a214d041fb04e1f79fb00/html5/thumbnails/22.jpg)
Nang namatayna si Herodes ay nagbalik silaJose,
Maria at Hesus, at sila ay tumira sa Nazareth, malapit sa dagat ng Galileo.
![Page 23: Ang Kapanganakan ni Hesus - Bible for Children · Nagmadaling pumunta ang mga pastol sa sabsaban at pagkatapos nilang ... dinala ni Jose at Maria si Hesus sa templo. Nakita ni. Simeon](https://reader030.vdocuments.site/reader030/viewer/2022011814/5e4a214d041fb04e1f79fb00/html5/thumbnails/23.jpg)
“Ang bukas ng iyong mga Salita ay nagbibigay ng liwanag.” Mga Awit 119:130
Ang Kapanganakan ni Hesus
isang kuwentong nanggagaling sa Salita ng Diyos, ang Bibliya,
makikita sa
Mateo 1-2; Lucas 1-2
![Page 24: Ang Kapanganakan ni Hesus - Bible for Children · Nagmadaling pumunta ang mga pastol sa sabsaban at pagkatapos nilang ... dinala ni Jose at Maria si Hesus sa templo. Nakita ni. Simeon](https://reader030.vdocuments.site/reader030/viewer/2022011814/5e4a214d041fb04e1f79fb00/html5/thumbnails/24.jpg)
36 60
Ang Wakas
![Page 25: Ang Kapanganakan ni Hesus - Bible for Children · Nagmadaling pumunta ang mga pastol sa sabsaban at pagkatapos nilang ... dinala ni Jose at Maria si Hesus sa templo. Nakita ni. Simeon](https://reader030.vdocuments.site/reader030/viewer/2022011814/5e4a214d041fb04e1f79fb00/html5/thumbnails/25.jpg)
Sinasabi sa kuwentong ito mula sa Bibliya ang tungkol sa ating kahanga-hangang Diyos na Siyang lumikha sa atin at nais Niya na
makilala natin Siya.
Alam ng Diyos na tayo'y nakagawa ng masasamang bagay na tinatawag Niyang kasalanan. Ang parusa sa kasalanan ay kamatayan ngunit lubos
ang pagmamahal ng Diyos sa atin kaya't ipinadala Niya ang Kanyang Anak na si Hesus na Siyang napako at namatay sa Krus upang pagbayaran
ang ating mga kasalanan.
Subalit hindi nanatiling patay si Hesus. Nabuhay Siyang muli atbumalik sa langit! Kung mananampalataya ka kay Hesus at hihingi ng kapatawaran sa iyong mga kasalanan, papatawarin ka Niya. Siya ay
darating at mananahan sa iyong buhay magpakailanman.
Kung ibig mong maligtas at mapatawad sa iyong kasalanan, narito ang isang panalangin na maaari mong tularan:
“Mahal kong Diyos, naniniwala po ako na si Hesus ay namatay para sa akin, ngunit Siya ay nabuhay muli. Tinatanggap ko po kayo sa aking buhay at
patawarin Ninyo po ako sa aking mga kasalanan upang ako'y magkaroon ngayon ng bagong buhay, at sa isang araw ay makasama Kayo magpakailanman.
Tulungan po Ninyo akong mamuhay bilang Inyong anak. Amen.”
Basahin ang Bibliya at manalangin sa Diyos araw-araw! Juan 3:16