ang kaibigang tunay

4
ANG KAIBIGANG TUNAY by: Al Q. Perez. Kaibigang tunay ay laging matapat, ang tulong ay laan sa lahat ng oras. Siya ay mabait at saka marangal sa lahat ng saglit ay maaasahan. Sa pangangailangan, siya'y laging handa nang ang kaibiga'y hindi mapahiya. Siya'y nakalaan kahit na magtiis upang mapagbigyan, katotong matalik. Kaibigang lubos, kaibigang tapat ay kayamanan din ang nakakatulad. ANG MGA LABI MO by: Ang mg̃a labi mo ay dalawang lang̃it, Lang̃it-na di bughaw, ni lang̃it ng̃ hapis, Labi ng̃ bulaklak na kapwa ninibig Labing mababang̃o, sariwa't malinis. Labi ng̃ sampagang may pait at awa, Tipunan ng̃ pulót, tamis at biyaya, Sisidlang ang lama'y kabang̃uhang pawa, Pook na tipanan ng̃ hamog at diwa. Tagapamalita ng̃ lihim ng̃ puso,

Upload: aurora

Post on 22-Nov-2014

473 views

Category:

Documents


2 download

TRANSCRIPT

Page 1: ANG KAIBIGANG TUNAY

ANG KAIBIGANG TUNAY by: Al Q. Perez.

Kaibigang tunay ay laging matapat,ang tulong ay laan sa lahat ng oras.

Siya ay mabait at saka marangalsa lahat ng saglit ay maaasahan.

Sa pangangailangan, siya'y laging handanang ang kaibiga'y hindi mapahiya.

Siya'y nakalaan kahit na magtiisupang mapagbigyan, katotong matalik.

Kaibigang lubos, kaibigang tapatay kayamanan din ang nakakatulad.

ANG MGA LABI MO by:

Ang mg� a labi mo ay dalawang lang� it,Lang� it-na di bughaw, ni lang� it ng� hapis,

Labi ng� bulaklak na kapwa ninibigLabing mababang� o, sariwa't malinis.

Labi ng� sampagang may pait at awa,Tipunan ng� pulót, tamis at biyaya,

Sisidlang ang lama'y kabang� uhang pawa,Pook na tipanan ng� hamog at diwa.

Tagapamalita ng� lihim ng� puso,May oo at hindi, may tutol at samo,

May buhay at palad, may tula't pagsuyo.

Ang� mg� a labi mo'y may pulót na tang� iKung iyan ang aking pagkaing palagi'y

Talo ko ang lahat, talo ko ang Hari.

Page 2: ANG KAIBIGANG TUNAY

DAHIL SA PAG-IBIG

By: Iñigo Ed. Regalado

KAHAPON...Sa tingin ko’y tila pawang kalumbayan

ang inihahandog ng lahat ng bagay, pati ng mabangong mga bulaklakan

ay putos ng luksa at pugad ng panglaw;akala ko tuloy itong Daigdigan

ay isang mallit na libingan lamang. Mangyari, Kahapon

ang dulot mo’y lason.

NGAYON...Sa mga mata ko ay pawang ligaya

ang inihahandog ng bawa’t makita, pati ng libingang malayo’t ulila

wari’y halamanang pugad ng ginhawa; sa aking akala’y tila maliit pa

itong Daigdigan sa aking panata. Papaano, Ngayo’ynagwagi ang layon.

BUKAS...Sino baga kaya ang makatatatap

ng magiging guhit nitong ating palad? Ang buhay ng tao ay lunday sa dagat

na inaamihan at hinahabagat; itong Daigdigan ay isang palanas

na nabibinhian ng lungkot at galak. Bukas! Ang pag-asa’y

mahirap mataya...

AWA SA PAG-IBIG by: Jose de la Cruz

Oh! Kaawa-awang buhay ko sa ibaMula at sapol ay gumiliw-giliw na,

Nguni’t magpangayon ang wakas ay di paNagkamit ng tungkol pangalang ginhawa.

Ano’t ang ganti mong pagbayad sa akin,Ang ako’y umasa’t panasa-nasain,At inilagak mong sabing nahabilin,

Sa langit ang awa saka ko na hintin!

Page 3: ANG KAIBIGANG TUNAY

Ang awa ng langit at awa mo namanNagkakaisa na kaya kung so bagay?

Banta ko’y hindi rin; sa awa mong tunay,Iba ang sa langit na maibibigay.

Ano ang ganti mo sa taglay kong hirap,Sa langit na hintin ang magiging habag?Napalungi namang patad yaring palad,

Sa ibang suminta’t gumiliw ng tapat.

Lihim ng mga Titig!...

Ibig kong hulaan sa silong ng. Lang. itang lihim na saklaw niyang mg. a titig,

isang suliraning nagpapahiwatig,ng. maraming bagay, ng. luha't pag-ibig.

Ako'y manghuhula sa bagay na iyan,pagka't nababasa, sa hugis, sa galaw

ng. mga titig mong halik ng. kundimanang ibig sabihin at pita ng. buhay.

Ikaw'y nagtatapon nang minsa'y pagsuyo,minsa'y pang-aaba't minsa'y panibugho,

minsa'y paanyaya sa tibok ng. pusonang upang sumamba't sa iyo'y sumamo.

Ang mga titig mo'y may saklaw na lihim,at maraming bagay ang ibig sabihin,ng. uni't sa palad ko'y isang suliraning

nagkakahulugang ako'y ginigiliw.

ANG HALIK NI INA

Ang mata ni ina'y bukalan n luhag̃�Kung may dala-dalang damdamin at awa,

Ang lahi ni ina'y sampagang sariwa

Page 4: ANG KAIBIGANG TUNAY

Na may laging laang halik at kalin a.g̃�

Sa halik ni Ina ay doon nalagasAng tinik at bulo n musmos kong palad,g̃�

Sa halik ni ina'y aking napagmalasNa ako'y tao na't dapat makilamas.

Ang bibig ni inang bibig n sampaga'yg̃�Bibig na sinipi kina Clara't Sisa

Kaya't mayrong bisang kahalihalina.

Ang halik n ina'y apoy sa pagsuyo,g̃�Hamog sa bulaklak, Pag-asa sa puso't

Liwanag sa m a isipang malabo.g̃�