ang kabuhayan sa pagdating ng mga amerikano

12
Ang kabuhayan sa Pagdating ng mga Amerikano

Upload: jetsetter22

Post on 25-Jun-2015

1.186 views

Category:

Documents


2 download

TRANSCRIPT

Page 1: Ang kabuhayan sa pagdating ng mga amerikano

Ang kabuhayan sa Pagdating ng mga Amerikano

Page 2: Ang kabuhayan sa pagdating ng mga amerikano

Ang mga pagbabago sa panlipunang pamumuhay ng mga Pilipino noong panahaon ng mga Amerikano ay nakatulong sa pag-unlad ng bansa. Ayon sa mga Amerikano, ang mga patakarang pangkabuhayang kanilang inilunsad para sa kaunlaran ay isa pa ring paghahanda para raw sa diumanong nalalapit na pagsasarili ng mga Pilipino

Page 3: Ang kabuhayan sa pagdating ng mga amerikano

Ang Pilipinas ay iang bansang agrikultural kaya ito ang isa sa mga pinagtuunan ng pansin ng mga Amerikanong malinang sa bansa. Dagdag pa rito ang mga batas na kanilang pinairal hinggil sa wastong paggamit at pangangalaga sa mga likas yamang pinagkukunan ng bansa

Page 4: Ang kabuhayan sa pagdating ng mga amerikano

Itinuro sa mga magsasaka ang makabagong paraan ng pagsasaka, pagpili ng pananim na magiging mabunga, paggamit ng pataba, pagpapatubig sa bukid, at ang paggamit ng mga makinarya sa pagtatanim.

Binigyang-pansin rin ang paghahayupan na kakabit ng pagsasaka.

Page 5: Ang kabuhayan sa pagdating ng mga amerikano

Itinatag ang Bureau of Plant and Industry, ang kauna-unahang ahensya ng pamahalaang itinatag sa ilalim ng pamamahala ng mga Amerikano gayundin ang mga Bureau af Animal Industry upang lalong mapabuti ang kalagayang pang-agrikultural ng bansa. Mabilis na umunlad ang produksiyon ng palay sa bansa…

Page 6: Ang kabuhayan sa pagdating ng mga amerikano

Ang mga Pilipino ay lalong nagsipag at nagsikap sa pagsasaka at paghahayupan. Dahil dito ay binigyan sila ng karapatang makakuha ng mga bahagi ng mga sakahan. Pinairal ang Homestead Law na nagbigay ng karapatan sa sinumang Pilipinong makapagmay-ari ng hindi hihigit sa 24 na ektaryang lupang pansakahan…

Page 7: Ang kabuhayan sa pagdating ng mga amerikano

Ang lahat ng nagmamay-ari ay inatasang magparehistro ng lupa at binigyan ng titulo o Torrens Title bilang katibayan o sertipiko ng pagmamay-ari.

Page 8: Ang kabuhayan sa pagdating ng mga amerikano

Malayang Kalakalan

Page 9: Ang kabuhayan sa pagdating ng mga amerikano

Ang kalakalan at komersiyo ay napaunlad din ng mga Amerikano. Dahil sa malayang kalakalan dumami at lumaki ang halaga ng produksiyon, dati’y hindi tinatanggap ng Estados Unidos ang mga produkto ng Pilipinas na walang buwis ngunit nabago ito noong 1909, nang pagtibayin ang Payne-Aldrich Act.

Page 10: Ang kabuhayan sa pagdating ng mga amerikano

Noong 1913 nabago ang batas na ito nang pagtibayin ang Batas Underwood-Simmons Act. Ang batas na ito ay nag-aalis ng quota ng pagluwas ng produktong tulad ng abakada at tabako na naging dahilan ng mas mataas na kita ng bansa

Page 11: Ang kabuhayan sa pagdating ng mga amerikano

Ngunit, nagkaroon ng suliranin ang mga Pilipino sa pagkakaroon ng malayang kalakalan. Nahilig ang mga Pilipino sa mga produktong dayuhan o stateside sa halip na tangkilikin ang sariling produkto

Page 12: Ang kabuhayan sa pagdating ng mga amerikano

Higit na binigyang pansina ang mga produktong kailangan ng Estados Unidos gaya ng asukal, niyog, tabako, at abaka na naging dahilan upang mapabayaan ang ibang likas na yaman at produkto ng bansa.