yunit iii aralin 8:mga programang pangkalusugan

Post on 24-Jan-2018

10.340 Views

Category:

Education

33 Downloads

Preview:

Click to see full reader

TRANSCRIPT

Mga ProgramangPangkalusugan

EDITHA T.HONRADEZPASOLO ELEMENTARY SCHOOL

PASOLO VALENZUELA CITY

YUNIT III ARALIN 8

a. Anong ahensiya angtumutulong sapangangalaga ng atingkalusugan?

b. Paano naisasa-katuparan ng ahensiyaang pangangalaga saating kalusugan

c. Paano kayo makatutulongsa mga programangpangkalusugan?

d. Ano-ano ang nararapat gawin upang maging kaisa sa mga programang pang-kalusugan ng pamahalaan?

Mga ProgramangPangkalusugan

Ang lakas-tao ay isangnapakahalagang bahagi nglipunan. Nakasalalay sa taoang pagbubuo ng desisyonpara sa pang-araw-araw nakahihinatnan ng kaniyangbuhay at maging ng lipunangkaniyang ginagalawan.

Kaya naman mahalagang malusog angkaniyang pangangatawan upang malusogdin ang kaniyang pag-iisip. Ito ay isinasa-alang alang ng pamahalaan upang lubos namapakinabangan ang mamamayan at maging katuwang ito sa pagbubuo ngtamang pasiya at pagsasagawa ng wastongpagkilos para sa maayos na pamamalakadat kalagayan ng bansa.

Mga Programang Pangkalusugan ng Pamahalaan.

May mga programa para sa mga bata,kabataan, kababaihan, at para sa lahat.

Ang Kagawaran ng Kalusugan angpambansang ahensiyang naatasan ngpamahalaan na mamahala sa mga serbisyongpangkalusugan.

Ilan sa Malalaking Programa ngKagawaran

1.National Health Insurance Program (NHIP),

2.Complete Treatment Pack, pagbabakuna, programa sa mga inaat kababaihan, at programa laban samga sakit.

Ang PhilHealthAng NHIP ay itinatag upang

magkaroon ng seguro ang lahat ngmamamayan at mapagkalooban ng maykalidad na mga pasilidad at serbisyongpangkalusugan, at pagkakamit

ng pangkalahatang kalusugan.

Maraming Pilipino angnakikinabang sa programangPhilippine Health Insurance ngpamahalaan. Sa tulong ngPhilhealth, maramingmamamayan ang nakapag-papagamot at nabibigyan pa nglibreng gamot. Kasama rito anglibreng pagpapagamot sa mgasakit na dengue, asthma,

at katarata, maging samalalalang sakit gaya ngkanser. Sa pamamagitan ngNHIP, maipagkakaloob samga mamamayan, lalo na samahihirap, ang mgaserbisyong pangkalusugan, pag-iwas man ito sa sakit o paggagamot ng karamdaman.

Complete Treatment Pack

Higit ding mapauunlad angserbisyong pangkalusugan sapamamagitan ng DOH Complete Treatment Pack. Layunin nitong marating angpinakamahihirap namamamayan at mabigyan ngkumpletong gamot lalo na samga pangunahing sakit sa bansa

Nagtatalaga rin ngmga doktor, nars, atkomadrona samalalayong munisipyoupang mabilis namatugunan angpangangailangan ngmga tao rito.

PagbabakunaItinataguyod at higit pang pinalawak

ng pamahalaan ang pagbabakuna oimunisasyon ng mga bata laban sa mgasakit gaya ng diarrhea, polio, tigdas, attrangkaso. Kasama pa rito angpamamahagi ng mga bitamina gaya ngVitamin A, iron, at iodine laban sa sakitsa dugo at mata.

Isinasagawa ang mga ito samga sentrong pangkalusugan ohealth center na matatagpuan saiba-ibang bahagi ng rehiyon.Malaking tulong ang serbisyongito dahil nababawasan angmalubhang pagkakasakit ngmga bata na kung magkaminsanay sanhi rin ng pagliban nila sapaaralan.

Programa sa mga Ina at Kababaihan

Isa pa sa mga programangpangkalusugan ng pamahalaan angpangangalaga sa kalusugan ng mga ina.Kasama rito ang regular na pagpapatinginsa sentrong pangkalusugan ng mganagdadalang-tao, libreng bitamina para sakanila, at libreng bakuna laban sa sakitgaya ng neo tetanus.

Programa sa mga Ina at Kababaihan

Hinihikayat din ang mga ina na regularna magpatingin sa doktor sa mga healthcenter na makikita sa maraming bahaging komunidad. Kalakip pa rito anglibreng mga gamot na kailangan para sakanilang mga sakit. Maraming ina angnakikinabang sa mga serbisyong ito.

Programa Laban sa Iba pang mga Sakit

Ang ilang mga sakit gaya ng tuberkulosisay madali nang malunasan sa tulong ng

programa ng pamahalaan laban sa sakit naito. Maliban sa walang bayad ang

pagpapatingin, may mga gamot pang ibinibigay ang mga health center para sa

tuluyang paggaling ng mga mamamayangmay karamdamang ito.

Programa Laban sa Iba pang mga Sakit

May programa rin sapagpapalaganap ngimpormasyon sa pag-iwas,tamang pagsugpo, atpaggamot sa humanimmunodeficiency virusinfection at acquiredimmune deficiencysyndrome (AIDS).

Patuloyang panganga-laga ng pamahalaan sakalusugan ng mgamamamayan lalo natuwing nalalapit ang tag-ulan kung saan maramingmga bata angnagkakasakit.

Kasama sa panlabansa pagdami ngnagkakasakit na mgabata ang paglilinissa kapaligiran tuladng pagbobombakontra lamok namay dalang sakit.

Ano ang kalusugan?

Paano sila nakatutulongsa suliraning pang-kalusugan

Sino-sino angkadalasang nagsasagawang mga programangpangkalusugan?

Bilang mag-aaral, paanoka magiging kabalikat saganitong uri nggawain?

Paano mo magagamit saiyong pang araw-araw napamumuhay angkahalagahan ngkalusugan?

Sagutin ang sumusunod na mga tanong:1. Ano-anong serbisyo ang nakapaloob sa mgaprogramang pangkalusugan ng pamahalaan?2. Anong ahensiya ng pamahalaan angnamamahala sa mga programang pang-kalusugan?3. Saan maaaring pumunta upang makinabangsa mga serbisyo nito?4. Bakit mahalaga ang mga paglilingkod napangkalusugan?

Gawain ABuuin ang graphic organizer. Itala sa loob ngkahon ang mga serbisyong pangkalusugan natungkuling ipagkaloob ng pamahalaan samga mamamayan at mga epekto samamamayan ng mga serbisyong ito.

Serbisyong

Pangkalusugan

_______________________

_______________________

Mga Epekto

__________________

___________________

_________________

Gawain BBumuo ng tatlong grupo. Pag-usapan sabawat grupo ang mga sumusunod. Itala angnapag-usapan at sabihin sa klase.

Unang grupo: Benepisyong natamasa naninyo o ng inyong mga pamilya buhat samga serbisyong pangkalusugan ngpamahalaan

Pangalawang grupo: Mga ahensiya ngpamahalaan at iba pang samahan sa inyongpamayanan na nagkakaloob ng mgaserbisyong pangkalusugan

Ikatlong grupo: Mga paraan upangmapalaganap sa inyong pamayanan angpagtataguyod sa mga serbisyongpangkalusugan sa inyong pamayanan

Gawain CSagutin sa papel:Sa palagay mo,

paano pa mapauunladang mga serbisyongpangkalusugan ngating pamahalaan?

Ang Kagawaran ngKalusugan ang pangunahingahensiya ng pamahalaan nanamamahala sa mgaserbisyong pangkalusuganpara sa mga mamamayan.

Tandaan Mo:

Ilan sa mga serbisyongpangkalusugan ng pamahalaan angpagbabakuna, pagbibigay ng librenggamot, libreng pagpapaospital, at benepisyo ng Philhealth.

Maaaring pumuntasa mga sentrongpangkalusugan(health center) sainyong pamayananpara sa mgapangangailangangmedikal.

Sagutin ang mga tanong. Ipaliwanag kung kailangan.Isulat sa sagutang papel ang inyong mga sagot.1. Ano ang kalusugan?2. Paano mo pangangalagaan ang iyongkalusugan?3. Ano ang mga paglilingkod na pangkalusuganng pamahalaan?Magbigay ng tatlo.

Natutuhan Ko:

4. Ano-anong ahensiya o sentrongpangkalusugan ang maaaring puntahan ng mamamayan upang magpatingin o magpagamot?5. Ano ang benepisyong makukuha mula saNational Health Insurance Program ngKagawaran ng Kalusugan?6. Bakit nagtatalaga ng mga doktor, nars, at midwife sa malalayong bayan?

7. Ano ang Complete Treatment Pack ngKagawaran ng Kalusugan?8. Ano ang HIV/AIDS?9. Bakit mahalaga ang pagbabakuna sa mga bata?10. Ano-ano pang karagdagangpaglilingkod o serbisyong pangkalusuganang alam ninyo na tinatamasa rin ng mgamamamayan?

top related