teksto deskriptibo

Post on 24-Jan-2017

332 Views

Category:

Education

18 Downloads

Preview:

Click to see full reader

TRANSCRIPT

Tekstong

Deskriptibo

Isang pagpapahayag ng mga impresyon o kakintalang likha ng pandama. Sa pamamagitan ng pang-amoy, panlasa, pandinig, paningin, at pansalat, itinatala ng sumusulat ang paglalarawan ng mga detalye na kanyang nararanasan. Mauuri ang paglalarawan sa dalawa: Karaniwan at Masining.

Karaniwan -Ang paglalarawan kung nagbibigay ng impormasyon ayon sa pangkalahatang pagtingin o pangmalas.

Masining -Kung ito ay nagpapahayag ng isang buhay na larawan batay sa damdamin at pangmalas ng may-akda. Karaniwang pili ang mga ginagamit na salita sa paglalarawan, kabilang na ang ginagamit ng mga pang-uri, pang-bay, tayutay at idyoma.

Masasabing subhetibo ang paglalarawan kung ang manunulat ay maglalarawan nang napakalinaw at halos madama na ng mambabasa subalit ang paglalarawan ay nakabatay lamang sa kanyang mayamang imahinasyon at hindi nakabatay sa isang katotohanan sa totoong buhay.

Masasabing obhetibo naman ang paglalarawan kung ito ay may pinagbatayang katotohanan. Halimbawa, kung ang lugar na inilalarawan ng isang manunulat ay isa sa magagandang lugar sa bansa na kilala rin ng kanyang mga mambabasa, gagamit pa rin siya ng sarili niyang mga salitang maglalarawan sa lugar subali’t hindi siya maaaring maglagay ng mga detalyeng hindi taglay ng kanyang paksa.

Karaniwang Bahagi

lang ng Ibang Teksto

ang Tekstong Deskriptibo

Isang bagay na dapat tandaan sa pagbuo ng tekstong deskriptibo ay ang relasyon nito sa iba pang uri ng teksto. Ang paglalarawan kasing ginagawa sa tekstong deskriptibo ay laging kabahagi ng iba pang uri ng teksto partikular ang tekstong naratibo kung saan kinakailangang ilarawan ang mga tauhan, ang tagpuan, ang damdamin, ang tono ng pagsasalaysay, at iba pa.

Nagagamit din ito sa paglalarawan sa panig na pinaniniwalaan at ipinaglalaban para sa tekstong argumentatibo, gayundin sa mas epektibong pangungumbinsi para sa tekstong persuweysib o paglalahad kung paano mas magagawa o mabubuo nang maayos ang isang bagay para sa tekstong prosidyural.

Gamit ang Cohesive Devices

o Kohesyong Gramatikal sa

Pagsulat ng Tekstong Deskriptibo

Upang maging mas mahusay ang pagkakahabi ng tekstong deskriptibo bilang bahagi ng iba pang uri ng teksto o kaya’y maging mas malinaw ang anumang uri ng tekstong susulatin, kinakailangan ang paggamit ng mga cohesive device o kohesyong gramatikal.

Ang mga teksto ay hindi lang basta binubuo ng magkakahiwalay na pangungusap, parirala, o sugnay, bagkus ang mga ito ay binubuo ng magkakaugnay na mga kaisipan kaya’t kinakailangan ang mga salitang magbibigay ng kohesyon upang higit na lumitaw ang kabuluhan at kahulugan ng bawat bahagi nito.

Reperensya Anapora Katapora Substitusyon Ellipsis Pang-ugnay Kohesyong Leksikal -Reiterasyon -Pag-uulit o repetisyon -Pag-iisa-isa -Pagbibigay-kahulugan -Kolokasyon

top related