talumpati kumpas 2

Post on 03-Apr-2015

5.069 Views

Category:

Documents

75 Downloads

Preview:

Click to see full reader

TRANSCRIPT

Talumpati

• Ang PAGTATALUMPATI ay isang mabisa at kalugud-lugod na paraan ng PAGBIGKAS.

• Ang kaalaman sa wastong pagtatalumpati ay mahalaga ay mahalaga sa pagtatamo ng higit na pagkilala sa sariling kakayahan, pagpapaunlad ng pakikitungo sa iba, pagpapataas ng kakayahang pampropesyon at kakahayang makatulong sa ikauunlad ng ating bansa.

MGA LAYUNIN NG TALUMPATI

1. Magpahatid ng mahalagang ideya tungkol sa isang paksa.

2. Pumukaw sa damdamin ng mga nakikinig.

3. Makaakit.4. Makapagpaniwala.5. Makapagbigay – kasiyahan sa mga

nakikinig.

MGA URI NG TALUMPATI

1. Talumpating may layuning manlibang- Ito’y kadalasang binibigkas pagkatapos ng isang salu-salo. Ang nagtatalumpati ay nagpapatawa sa pamamagitan ng kuwento at anekdota.

MGA URI NG TALUMPATI

2.Talumpating nagbibigay-kabatiran – Ang uring ito ay kadalasang binibigkas sa mga kombensyon. Ang tagapagsalita ay tumatalakay sa paksang may kinalaman sa kanyang partikular na larangan. Ito’y nagpapaliwanag at nagtuturo. Ginagamit ang uring ito sa mga ulat at pahayag.

MGA URI NG TALUMPATI

3. Talumpating gumigising sa damdamin at nakalilikha ng Impresyon – Ang uring ito ay karaniwang ginagamit sa mga reunyon, pagtanggap ng isang natatanging panauhin, pampasigla sa mga koponan ng mga manlalaro, pagpaparangal sa mga bayani, gradwasyon, pagtatalaga ng pamunuan, inagurasyon, huling pati sa isang pumanaw at pagtugon sa isang talumpatng parangal sa isang tao.

MGA URI NG TALUMPATI

4. Talumpating naghihikayat sa isang tao – Ang talumpating ito’y ginagamit sa paglulunsad ng krusada, pagtatalumpati ng isang pulitiko, pagpapasok ng panukalang batas ng isang mambabatas, pagtatanggol ng isang abugado sa kanyang kliyente, at isang karaniwang taong may layuning akitin ang mga kababayan o kanayon na tumulong sa kanyang inilunsad na proyekto.

MGA BAHAGI NG TALUMPATI

1. PAMBUNGAD/PANIMULA – bahaging inihahanda ang kaisipan ng mga nakikinig. Layunin ng bahaging ito na kawilihan ng mga nakikinig upang ipagpatuloy ang pakikinig. Ang pambungad ay dapat na mapagkumbaba at nakakaakit sa kalooban ng mga nakikinig. Ang pagpapatawa sa simula ng talumpati ay nakakatulong sa pagkuha ng kalooban ng mga nakikinig.

MGA BAHAGI NG TALUMPATI

2. PAGLALAHAD – bahaging nagpapaliwanag. Ito ang katawan ng talumpati. Ang hakbang na ito’y maayos na isinasagawa upang ang diwang nais maipahatid ay mapagtagumpayan maitanim sa isip ng mga nakikinig.a. kawastuan - buod, porma at balarila.b. kaliwanagan - sapagkat hindi mapapahinto ng mga nakikinig ang isang nagtatalumpati kung mayroon silang hindi naiintindihan.

MGA BAHAGI NG TALUMPATI

c. Pang-akit – ay dapat umaakit sa katwiran, guni-guni at damdamin ng mga nakikinig sa pamamagitan ng mga salitang may kaugnayan sa limang senso ng tao.

PAGKUMPAS

Ang pagkumpas ay nakatutulong sa pagbibigay-diin sa ideyang nais ipahatid ng isang mananalumpati. May tatlong bahagi ang pagkumpas: PAGHAHANDA, PAGKUMPAS at PAGBABALIK ng KAMAY.

Mga dapat tandaan sa pagkumpas

1. Dapat na galing sa kalooban ang natural na pagkumpas.

2. Dapat na ibagay sa mga salitang binibigkas ang pagkumpas.

3. Ang bisig at sikong tuwid na tuwid ay hindi makapagdaragdag ng diin.

4. Ang pagkumpas ay dapat na una kaysa pananalita.

Mga dapat tandaan sa pagkumpas

5. Ang pagkumpas ay nagsisimula sa balikat at nagtatapos sa dulo ng daliri.

6. Hindi dapat gumamit ng napakaraming kumpas o kaya ay wala ni isa man.

7. Ang pasulpot-sulpot na napakaraming kumpas ay nakababawas diin.

Mga dapat tandaan sa pagkumpas

8. Dapat na may hangganan ang paggalaw ng kamay. Hindi dapat iunat ang kamay nang malayung malayo sa tagiliran kapag kumukumpas. Ang kamay ay di dapat sumakop sa kabilang hati ng katawan kapag kumukumpas.

9. Hindi dapat isagawa ang pagkumpas na parang nagwawalis.

Mga dapat tandaan sa pagkumpas

10. Kapag nauuna ang kanag paa sa pagtayo, ang kanang kamay ang gamitin sa pagkumpas, kapag nauuna ang kaliwang paa, ang kaliwang kamay ang gamitin sa pagkumpas, at kapag dalawang kamay ang ginagamit, dapat na magkapantay sa pagkakatayo ang mga paa.

URI NG KUMPAS

1. Palas na itinataas habang nakalahad – Nagpapahiwatig ito ng dakilang damdamin “Kami’y nananalig sa iyong kapangyarihan, Dakilang Bathala.”

2. Nakataob na palad at biglang ibababa – Nagpapahayag ito ng marahas na damdamin. “Huwag kayong padala sa simbuyo ng inyong damdamin.”

URI NG KUMPAS

3. Palad na bukas at marahang ibinababa – Ito’y nagpapahiwatig ng mababang uri ng kaisipan o damdamin. “Ibig kong malinawan ang mga bagay na may kinalaman sa naganap na kaguluhan..”

URI NG KUMPAS

4. Kumpas na pasuntok o kuyom ang palad – nagpapahayag ito ng pagkapoot o galit at pakikipaglaban.“Ipagtatanggol natin ang ating bayan laban sa mga mapagsamantala.”

5. Paturong kumpas – Ang kumpas na ito’y nagpapakilala ng panduduro, pagkagalit at panghahamak.“Sino kang huhusga sa aming pagkatao?”

URI NG KUMPAS

6. Nakabukas na palad na magkalayo ang mga daliri at unti-unting ititikom – nagpapahiwatig ng matimping damdamin ang uring ito.“Hindi ko akalaing ang kasiglahang ipinamalas niya sa’kin ay balatkayo lamang, mahinang-mahina na pala siya dahil sa taglay na karamdaman.”

URI NG KUMPAS

7. Ang palad ay bukas, paharap sa nagsasalita – Ito’y pagtawag ng pansin sa alinmang bahagi ng katawan ng nagsasalita.“Ang puso ko’y tigib ng kaligayahan sa mga sandaling ito sapagkat kapiling ko ang aking mga mahal sa buhay.”

URI NG KUMPAS

8. Nakaharap sa madla, nakabukas ang palad – Ipinahihiwatig nito ang pagtanggi, pagkabahala at pagkatakot.“Matitiis ko ang pagdaralita sukdang magdildil ng asin huwag ka lamang malayo sa aking piling, aking ama.”

URI NG KUMPAS

9. Kumpas na pahawi o pasaklaw – Ito’y nagpapahayag ng pagsaklaw ng isang diwa, tao o pook.“Nilupig ang bayan, inalis ang mga karapatan ng mga mamamayan at sila ang nangugsiupo sa trono ng kapangyarihan.”

URI NG KUMPAS

10. Marahang pagbababa ng dalawang kamay- Ito’y ginagamit sa pagpapahiwatig ng kabiguan o kawalan ng lakas.“Wala na! Wala na ang pag-asa naming makaahon sa karalitaang malaong panahon na naming kinasasakdalan.”

Tinig

Ang tinig na tinatanggap ng mga nakikinig ay tinig na kasiya – siya sa pandinig, matatas at nagbabagu-bago. Mapauunlad ang kakayahan sa pagsusuri ng sariling tinig sa mamagitan ng pagsasanay sa tulong ng tape recorder. Huwag asahang mapauunlad ang tinig sa paminsan-minsang pagtatalumpati.

Mga dapat tandaan sa paggamit ng tinig:

1. Iangkop sa piyesa ang uri ng tinig na gagamitin.

2. Tuwirang mangusap sa madla.3. Kailangan ang malinaw na pagbigkas

upang maunawaan.4. Taimtim na mangusap sa mga nakikinig.5. Iwasang gumamit ng mga

mapagkunwaring pananalita na maaaring magbigay ng alinlangan sa mga nakikinig.

Mga dapat tandaan sa paggamit ng tinig:

6. Magkaroon ng tiwala sa sarili. Ang kakimian ay sagabal sa pagtatalumpati. Ito’y nakapagpapaudlot sa mabisang daloy ng pananalita.

Mukha

Tumingin sa mga mata o mukha ng mga nakikinig. Iwasan ang pagtingin sa kisame, bintana at sahig. Ang mga nakikinig ay nagkakaroon ng interes kung nadarama nilang sila’y kinakausap ng nagtatalumpati. Ang maiilap na mata at magalaw na ulo ay nakalilito sa mga nakikinig at nakapagbabawas ng kanilang kawilihan.

Mukha

Ang wastong pang-intelektwal at emosyonal na kahulugan ng mga salita ay nailalahad ng anyo ng mukha. Ang damdaming nakapaloob sa paksa ay napapalutang sa pamamagitan ng wastong ekspresyon ng mukha. Magiging katawa-tawa ang isang nagtatalumpating nakangiti habang nagpapahayag ng isang malungkot na paksa.

Ang ekspresyon ng mukha ay dapat ibagay sa sitwasyon at kahulugan ng mensahe.

top related