takbo cha cha! takbo!!!

Post on 29-Nov-2014

486 Views

Category:

Documents

0 Downloads

Preview:

Click to see full reader

DESCRIPTION

Digital Storytelling

TRANSCRIPT

Takbo ChaCha! Takbo!!!

EDUC 190 Aimee Deus Caren GamboaJennifer Ramirez

Siya si ChaCha, isang maliksing bata. Siya ay walong taong gulang.

Si ChaCha ay mahilig maglaro

ng computer games.

Si ChaCha ay mahilig makipaglaro sa kanyang kaibigan araw-araw.

Mahilig rin siyang manood

ng telebisyon.

Isang gabi, dahil sa sobrang pag-kokompyuter, paglalaro at panonood ng telebisyon,madaling araw na siya nakatulog.

Kinabukasan, pilit siyang ginigising ng kanyang nanay dahil tanghali na at huli na siya sa kanyang klase.

ChaCha, anak, gising na.

Ngunit sa sobrang pagod, hindi pa rin siya magising dahil siya'y napuyat.

CHACHAAAAA!!!GISING NAAA!!!

Hindi ka pa rin ba gigising? Akala ko ba may pagsusulit ka pa?

Kaya naman nagmadali si ChaCha pumasok.

Alas-otso ang pasok mo diba?! Wala ka bang balak bumangon at pumasok?!

Ito na nga po nanay, papasok na po.

Pasado alas-nuebe na dumating sa paaralan si ChaCha. Huling-huli na siya sa kanyang klase.

Tumatakbo si ChaCha papunta

sa kanyang silid paaralan.

Naku ! Huling-huli na ako! Mayroon pa kaming pagsusulit! Hindi pa ako nag-aaral! :((

Dahan-dahang pumasok si ChaCha

sa silid paaralan.

Napagsabihan siya ng

kanyang guro sa pagiging huli sa klase.

Pinayagan siyang kumuha ng espesyal na pagsusulit ng kanyang guro.

Anong oras na?! Pauwi na ang mga kaklase mo.Sige, maupo ka. Bibigyan nalang kita ng espesyal na pagsusulit.

Pasensya na po titser. Napuyat po kasi ako kagabi eh.

Hirap na hirap sa pagsusulit si ChaCha dahil hindi siya nakapag-aral.

Simula noon,natulog na siya sa tamang oras.

Sa halip na maglaro siya computer games, manood ng tv, makipaglaro sa mga kaibigan, nag-aaral nalang siya.

At dahil doon, nakakuha si ChaCha ng mataas na grado!

ChaCha

Wakas :)

Huli sa Klase by Deus, Gamboa, Ramirez is licensed under a Creative Commons Attribution-NonCommercial-NoDerivs 3.0 Philippines License.

top related