libelo (libel)

Post on 24-Feb-2016

971 Views

Category:

Documents

12 Downloads

Preview:

Click to see full reader

DESCRIPTION

Ng: Pangkat Dalawa ( Pangkat Tatlo sa Pag-uulat ). Libelo (libel). Ano ang libelo ?. Ang paninirang puri sa kapwa ay labag sa batas . Kung ito ay nasusulat , ito ay libelo . Kung ito naman ay binigkas ang tawag dito ay islander (slander). Ano ang libelo ?. - PowerPoint PPT Presentation

TRANSCRIPT

Libelo (libel)

Ng: Pangkat Dalawa (Pangkat Tatlo sa Pag-uulat)

Ano ang libelo?

Ang paninirang puri sa kapwa ay labag sa batas. Kung ito ay nasusulat, ito ay libelo. Kung ito naman ay binigkas ang tawag dito ay islander (slander).

Ano ang libelo?

Subalit libelo pa rin ang turing kung ang paninirang puri ay binigkas sa radyo o telebisyon.

Katuturan

1. Ang libelo ay isang pampubliko’t pasulat na may masamang hangaring paninirang puri ng tao dahil daw sa isang krimen o isang bisyo, depekto, tunay o guniguni man o isang pagkilos,

Katuturan

o isang pangyayaring nagiging patunay sa kawalang karangalan; isang pagpula o paglapastangan sa isang tao o pagdungis ng alaala ng isang namatay na. – Art. 358, Binagong Kodigo Penal

Katuturan

2. Ang libelo ay isang publikasyon, nasusulat o nalilimbag, hayagang pagpula (defamatory) sa isang tao, maging buhay man o patay.

Katuturan3. Ang libelo ay isang paninirang puri o hayagang pagpula kung ito’y magiging dahilan ng pagsira ng karangalan, pula o paglapastangan sa isang tao o pagdungis ng alaala ng isang namatay na.

Katuturan

4. Ang libelo ay isang paninirang puri (defamation); ito’y paglabag sa karapatan ng karangalan. Alinmang nasusulat o nalilimbag, na pagtatalusira sa karapatan ng mabuting pangalan ng iba

KatuturanAlinmang nasusulat o nalilimbag, na pagtatalusira sa karapatan ng mabuting pangalan ng iba ay kasalanang kriminal o sibil o kapwa at dapat ipailalim sa makatarungang pagbibigay-lunas (redress).

Mga Pagkakakilanlan (Requisites) sa Libelo

1. Paninirang puri sa karangalan

(defamatory imputation)

Mga Pagkakakilanlan (Requisites) sa Libelo

2. Malisya, maging sa batas o sa paksa (malice either in law or in fact).

Mga Pagkakakilanlan (Requisites) sa Libelo

3. Pagpapalimbag ng paninirang puri

(publication of the imputation)

Mga Pagkakakilanlan (Requisites) sa Libelo

4. Pagkakilala’t pagtiyak sa biktima (identity and certainty of the person libelled).

Mga Pagkakakilanlan (Requisites) sa Libelo

Paninirang Puri at Hayagang Pagpula sa Karangalan

Ang pangungusap ay hayagang pagpula kung ito’y magiging sanhi ng pagkamuhi, pagkutya o paglapastangan sa kinauukulan ng kanyang kapwa o kung ito’y magiging sanhi ng paglayo ng tao sa kanya;

Paninirang Puri at Hayagang Pagpula sa Karangalan

Ang isang paghahatid ng balita ay hayagang pagpula kung ito’y makasisira sa karangalan ng iba, mapapababa ang pagkilala sa kanya ng pamayanan;

Paninirang Puri at Hayagang Pagpula sa Karangalan

Ang isang pahayagan ay maaaring maging mapanirang puri (libelous) kahima’t ito’y nag-aaliw o dili kaya’y matalinong tumugon lamang sa pamumuna ng kalaban.

Paninirang Puri at Hayagang Pagpula sa Karangalan

Malisya (Malice)

Ang publikasyon ay malisya kung ito’y walang pahintulot na pagpapalimbag na hayagang pagpula na walang pagpapatawad ng batas. Ito’y tinatawag na malice in law.

Malisya (Malice)

Malisya pa rin kung ito’y nangangahulugan ng masamang motibo, o di-mabuting kalooban sa pagpapalimbag. Ito’y tinatawag na malice in fact.

Malisya (Malice)

Pagpapalimbag

Hindi sapat ang isang isyu na may paninirang puri ay naipalimbag ng isang editor o newsmen upang siya’y panagutin sa salang libelo.

Pagpapalimbag

Siya’y mananagot lamang kung tiyak ang kanyang malisya at kung ito’y nabasa ng iba.

Pagpapalimbag

n.b. Kung ang paninirang puri (defamation) ay nai-broadcast sa radyo o telebisyon ito ay maituturing na libelo pa rin kahit hindi nailimbag.

Pagpapalimbag

Pagkilala sa Biktima ng Libelo

Ang huling kailangan o requisite para mapatunayan ang salang libelo ay ang malinaw na pagkilala ng biktima ng libelo kahit hindi binanggit ang kanyang pangalan.

Pagkilala sa Biktima ng Libelo

Kung walang tiyakang sinasabi o inilalarawan nang husto sa isang bagay na sinasabing libelo, hindi maisasakdal ang nasabing nagkasala.

Pagkilala sa Biktima ng Libelo

Samakatuwid, kung ang artikulo ay walang tinutukoy at hindi tumutukoy sa sinumang tao, walang pruwebang hinihingi ng batas upang bigyang daan ang kasong libelo ng nasaktang partido.

Pagkilala sa Biktima ng Libelo

Mga Mananagot sa Libelo

Ang mga taong (hayop na) may pananagutan sa publikasyon ng libelo ay ang mga sumusunod:

Mga Mananagot sa Libelo

1. Sinumang tao na naglilimbag, nagtatanghal o naging dahilan ng paglilimbag o pagtatanghal ng isang nakasulat o nakalathalang paninirang puri ay siyang mananagot.

Mga Mananagot sa Libelo

2. Ang may-akda at editor ng isang aklat o polyeto (pamphlet) at ang editor na tagapangasiwa ng pahayagan, magasin o seryal na publikasyon ay silang mananagot sa paninirang puri na

Mga Mananagot sa Libelo

na nakalathala sa mga pahina niyon na wari’y sila ang may-akda noon.

Mga Mananagot sa Libelo

3. Ang may-ari ng palimbagan ay mananagot rin, ngunit di laging gayon.

Mga Mananagot sa Libelo

Dalawang Uri ng Libelo

May dalawang uri ng libelo – ang libelo per se at ang libelo per quod.

Dalawang Uri ng Libelo

Ang libelo per se (by or in itself) ay isang paninirang puri na di na kailangan pang patunayan.

Dalawang Uri ng Libelo

Ayon sa Korte Suprema, ang mga ito ay maliwanag na nakapanira o nakasakit sa damdamin ng tao na di na kailangang patunayan na ang mga ito ay nakakasama at nakakapinsala.

Dalawang Uri ng Libelo

Sa libelo per quod (by provable evidence) naman, kinakailangan pa na ang paninirang puri ay mapatunayan na nakapinsala.

Dalawang Uri ng Libelo

Mga Halimbawa ng Libelo Per Se:

Ang mga sumusunod, ayon kay

Mga Halimbawa ng Libelo Per Se:

top related