kolonyalismo-pulitikal na aspeto
Post on 23-Jun-2015
10.815 Views
Preview:
TRANSCRIPT
Takdang Aralin
• Sa size 1, ilarawan ang mga sumusunod:–encomienda–tributo –polo y servicios–bandala–kalakalang galleon
Pagsilip sa Nakaraang Sesyon
• Pagbibigay kahulugan sa kolonyalisasyon• Mailahad ang ebolusyon ng kolonyalismo sa
Pilipinas• Pagpapakilala sa mga hamon at tugon ng mga
Pilipino sa pagdating ng mga dayuhan
Pagsilip sa Sesyon Ngayon
• istrukturang pamahalaang lokal sa ilalim ng Espanya
• kulturang namamayani sa loob ng sistemang pulitikal ng pamahalaan
• bunga ng konsolidasyong pulitikal sa pamayanang Pilipino
• Raha Soliman at Raha Lakandula, pumayag ang dalawa na magpabinyag at mapasailalim sa kapangyarihan ng Espanya.
Gawaing Pang-upuan
• Gamit ang takdang-aralin at impormasyon sa aklat 98 - 99, ipag-ugnay ang pangkasalukuyang opisyal ng pamahalaan sa opisyal ng pamahalaan noong panahon ng Espanyol
UPUAN ni Gloc 9
• Anong uri ng taong nasa posisyon ang inilalarawan sa awit?
• Ano ang panawagan ng mga tao sa mga taong nasa posisyon?
• Ano ang mensaheng iniiwan sa atin ng awit?
Kasalukuyang Panahon
Tawag noong Panahon ng Espanyol
Tungkulin
Kataastaasang Hukuman (Supreme Court)Gobernador (Tagapamuno ng mga alkalde sa lalawigan)Alkalde (Pinuno ng isang lungsod o bayan)Pangulo (Pinuno ng bansa)Punong Barangay (pinuno ng barangay)Pulis (alagad ng batas)
Paglalarawan• Principalia – mga mayayamang katutubo• Guardia Sibil – tagapangalaga ng kapayapaan• Cabeza de barangay – pinuno ng barangay• Gobernadorcillo – punong tagapagpaganap ng mga
pueblo (lupon ng mga barangay)• Alkalde Mayor – tagapamuno ng mga Gobernadorcillo
sa buong lalawigan• Gobernador-Heneral – tagapagtaguyod ng Kaharian ng
Espanya sa kolonya• Audiencia – tagapagpairal ng katarungan• Viceroy – punong tagapagtaguyod ng Kaharian ng
Espanya sa labas ng Espanya
Naging Kaugalian
• Principalia – Mayayamang mga katutubo. Nakahihingi ng pabor at nakakauha ng exceptions mula sa pamahalaan at simbahan. Sa kanila nanggagaling ang mga cabeza.
Naging Kaugalian• Guardia Sibil – • Tungkulin: Tagapangalaga ng
kapayapaan.• Kaugalian: Abusado at mapagmataas.
Pinoprotektahan ang mga Kastila.
Naging Kaugalian
• Cabeza de barangay – • Tungkulin: Tagapagkolekta ng tributo.• Pribilehiyo: Hindi kasama sa polo at
pagbabayad ng tributo.• Kaugalian: Nangongolekta ng higit sa
kailangan.
Naging Kaugalian
• Gobernadorcillo – • Pribilehiyo: May suweldo at porsiyento
mula tributo.• Tungkulin: Pinansiyal na pangangasiwa
sa pueblo (suweldo ng pulis, pagkain ng bilanggo, panatilihin ang imprastraktura)
• Kaugalian: Ibinubulsa ang dapat na mapunta sa pangangasiwa sa pueblo
Naging Kaugalian
• Alkalde Mayor – • Tungkulin: Tumatayong tagahatol sa mga
kasong sibil.• Pribilehiyo: May suweldo, may
monopolyo sa kalakal (Indulto de comercio).
• Kaugalian: Tumatanggap ng suhol mula sa mga partidong nais manalo sa kaso.
Naging Kaugalian
• Gobernador-Heneral – • Tungkulin: Punong Militar, pangulo ng
Royal Audencia, Bise-Patron ng Simbahan • Pribelehiyo: Maaaring isuspinde sa
anumang kautusan na hindi aangkop sa kolonya
• Kaugalian: Diktador at nakaliligtas sa mga katiwalian dahil sa pagiging bahagi ng Audencia, sa panunuhol sa juez de residencia at pagkilala sa visitadores
Naging Kaugalian
• Royal Audiencia – • Tungkulin: nagsilbing KORTE SUPREMA
AT TAGAPAYO NG GOBERNADOR-HENERAL
• Kaugalian: nababayaran ang mga hukom
Naging Kaugalian
• Viceroy (Viceroyal) – Ang pinakamataas na punong militar at punong simbahan sa labas ng Espanya na kumakatawan sa kaharian ng Espanya. Hindi alam ang tunay na nangyayari sa loob ng mga kolonya.
• Namayani ang kultura ng katiwalian mula sa mababa hanggang pinakamataas na opisyal ng pamahalaan. Ano ang maaaring sanhi at bunga ng pamamayani ng kulturang ito?
• S - Walang check and balance: Naipon sa kaunting tao ang kapangyarihan na wala namang mabisang check and balance sa pamahalaan.
• B – Namayani ang mga tiwali at mapang-abusong mga opisyal sa pamahalaan na walang ginawa kundi palobohin ang sariling mga pitaka habang isinasangtabi ang kapakanan ng mga Pilipino.
• S - Sobrang pang-aabuso ng mga opisyal ng pamahalaan at simbahan: Kinamkam ang lupain at ani. Pinagtrabaho at inalila na walang wastong kabayaran.
• B – Natutong manlamang ang mga Pilipino. Natutong ikahiya at hindi paboran ang anumang trabahong pampisikal.
• S – Walang wastong edukasyon kundi ang turo lamang ng mga pralye: Natuto ang mga tao na mabuti magsakripisyo dahil ito ay ang ginawa ng Panginoon.
• B – Hindi natutong mangarap at pagbutihin ang buhay ng karaniwang Pilipino. Hindi naging mapanuri sa mga turo ng simbahan.
Mga Bunga ng Pagkakaroon ng Sistemang Pamahalaan
• Ano naman ang mga naging bunga ng pagkakaroon ng sistemang pamahalaan?
• Masama: paghihirap sa mga tao, hirap matugunan ang pangangailangan ng tao dahil sa burukrasya
• Mabuti: natugunan ang ilang pangangailangan ng mga tao nang mas mabilis
Reduksyon
• Upang lalong maging mas epektibo ang pamumuno sa mga kabayanan, isinaayos ang mga kabahayan at itinatag ang reduksyon.
• Kapansin-pansin ang papel na ginampanan ng simbahan sa pagkakaroon ng kaayusan at katahimikan sa isang pamayanan• Kapansin-pansin din ang istratehiyang
ipinatupad upang mas madaling maipatupad ang mga batas ng mga kolonyalista
• Bakit mahalagang gampanan nang maayos ng mga opisyal ang kanilang tungkulin sa pamahalaan?
• Ang maayos na pagganap na tungkulin ng mga opisyal ay makatutulong sa pagsusulong ng isang malinis at epektibong pamahalaan.
top related