kahirapan at krisis pang

Post on 13-Apr-2018

245 Views

Category:

Documents

0 Downloads

Preview:

Click to see full reader

TRANSCRIPT

7/26/2019 Kahirapan at Krisis Pang

http://slidepdf.com/reader/full/kahirapan-at-krisis-pang 1/3

Kahirapan at Krisis Pang-

Ekonomiya: Tanaw mula

sa GitnaMarch 1, 2009Bumalik na sa 7.00php (6.00php sa ating mga mag-aaral) ang minimum fare ng

mga namamasaheng dyip noong huling linggo. Nakapagtataka siguro sa iba

bakit ngayon lang gayong maagang Enero pa nagsimula ang pagbaba ng

pandaigdigang presyo ng krudo, pero hindi na ako naninibago: umaabot nga ng

taon bago mapasa ang hiling ng mga manggagawa sa sektor ng transportasyon

na dagdag-pamasahe. Marahil akala ng marami na pisong matitipid na rin ito,

lalo na sa isang tulad kong dumadaan pa sa tatlong pasada bago makarating sa

paaralan. Laking gulat ko nang singilin ako ng manininda ng dalawang piso pa

para sa isang bote ng Mountain Dew – bawi rin pala ang pisu-pisong akala’y

napalaya na.

 

Di alintana sa mga gitnang uri ang ganitong karanasan – di tulad ng mgamaralitang Pilipino na tagos hanggang sikmura ang mga dagok ng

pampinansyang krisis. Tayong mga kabataang mag-aaral, guro, empleyado at

propesyonal ay nagagawa pang alpasan ang mga incremental na pagbulusok

pababa n gating ekonomiya. Kunot lang ng noo an gating inaabot sa pagpataw

ng mga masmamahaling mga bayarin sa tubig, kuryente, at iba pang batayang

pangangailangan. Saan pa nga ba nagmula ang imahen ng mga Pilipinong

ngumingiti kahit lugmok sa kahirapan kundi sa ating kulturang tiisin sa kronikong

kahirapang naging normal na lang sa ating araw-araw na buhay.

 

Kung kaya’t sa halip ng gamitin ang tinaguriang “Philippine Ingenuity” upang

mabigyan ng makabuluhang solusyon ang pagbulusok ng palitang Piso-Dolyar,

7/26/2019 Kahirapan at Krisis Pang

http://slidepdf.com/reader/full/kahirapan-at-krisis-pang 2/3

ang malikhaing kakayahan ng mga Pilipino ay tinuon nalang sa pagpapa-gaan ng

mga pasanin. Nalikha ang Sachet Economy na nagbibigay ng luwang sa badyet

ng mga pamilya: ngayon ay mabibili na ng patingi-tingi ang mantika, toyo, sabong

panlaba at iba pang batayang produktong pang-tahanan (kahit load para sa

SMS!) – ngunit hindi ito nagbibigay ng solusyon na tumutugon sa ugat na

problema ng pagtaas ng mga bayarin. Lumilikha ito ng ilusyonadong persepsyon

na may kapangyarihang-pambili ang mga Pilipino.

 

Hindi na bago sa atin ang ganitong klaseng gawi. Ako man ay tumatangkilik sa

Pancit Canton o Siomai value meals sa mga kiosk ng mga manininda, na

bagamat alam naman nating hindi sapat ang ganitong pagkain upang makamitang RDA na minumungkahi ng mga samu’t saring nutritionist ay masmalakas pa

rin ang hatak ng malinamnam na lasang maslalong pinapasarap ng abot-kayang

halaga. Katunayan, ang ganitong kontradiksyon ay laganap sa mga gitnang-uri.

 

Sa pagnanais nating umangat ang pampinansyang kakayahan ay naghahanap

tayo ng mga kaparaanan upang madaling maka-igpaw sa obhetibong kahirapang

nararanasan natin kapalit ng mga nararapat. Hindi ba’t patuloy ang panaginip

nating makapanalo sa sugal tulad ng Lotto at Sweepstakes kahit na ang statsitika

ng tyansa ng pagkapanalo at ng lugi sa paginvest dito ay lantarang sumisigaw na

walang lohika ang pagsali dito? Hindi ba’t nauso na ang fast-food lifestyle at

kulturang tingi kahit na alam nating darating ang araw na hindi na madadaan sa

pagtitipid ang pakikipag-sapalaran sa darwinistikong seleksyon na nagaganap sa

lipunang ito? Hindi ba patuloy ang buhay-kapit sa patalim ng parehong gradweyt

at hindi gradweyt sa kolehiyo sa pagkakaroon ng mga trabahong salat sa

dignidad at wastong bayad tulad ng pagiging care-giver, call-center agent, atOFW?

 

Matagal nang alam ng mga Pilipino ang mukha ng kahirapan at pang-

ekonomiyang kakapusan bago pa dumating ang pandaigdigang krisis-

7/26/2019 Kahirapan at Krisis Pang

http://slidepdf.com/reader/full/kahirapan-at-krisis-pang 3/3

pampinansya ng Estados Unidos na nagsimula lang mapansin noong nakaraang

taon. Matagal ko nang alam na hindi totoo ang pinagsasabi ng mga ekonomista

ng gobyerno na ramdam na natin ang kaunlaran. Hindi ba panahon nang

lumagpas sa ating simpleng pagkakaalam lang tungkol sa kahirapan? Hindi ba

panahon nang tayo’y dapat may pakialam at nakikialam na?

 

top related