instrumentong banda

Post on 26-May-2015

31.534 Views

Category:

Education

22 Downloads

Preview:

Click to see full reader

TRANSCRIPT

Ang banda ay isang mahalagang bahagi ng kulturang Pilipino. Simula sa panahon ng ating mga ninuno ay nagkaroon na ng bahagi ang banda sa mga kasayahan at pagtitipon tulad ng mga pistang bayan, parada, prusisyon mga kaarawan at iba pang pagdiriwang. May mga pagkakataon na ang banda at tumutugtog sa pakikipagdalamhati at pakikipaglibing.

Ang banda ay binubuo ng tatlong pangkat ng instrumento ang perkusyon, tanso at kahoy na hinihipan.

A.PerkusyonAng perkusyon ay binubuo ng mga

instrumentong karaniwang pinatutunog sa pamamagitan ng paghampas, pagkalog, pagtapik o pagtatama. Kabilang sa pangkat na ito ang mga sumusunod na instrumento.1. Timpani- instrumentong perkusyon na panritmo. Sa lahat ng instrumentong perkusyon ay ito lamang ang may tiyak na tono na nagagawa sa pamamagitan ng

pagpihit sa mga turnilyo sa paligid nito. Maari ring magbago ang tono nito sa pamamagitan ng pag-apak sa pedal nito. Sa bawat pag-apak ay isang tono ang nababago rito.

Kadalasan ay dalawang timpani ang ginagamit sa pagtugtog. Ang higit na maliit na timapani ang tinutugtog para sa mas mataas na tono samantalang ang malaking timpani ay ginagamit para sa mas mababang tono.

2. Tambol o “drum”Dalawa ang uri ng drum; ang snare

drum at ang bass drum.

Ang snare drum o side drum ay tinatawag ding karakatak. Ito ay maliit na tambol na ang magkabilang panig ay nababalutan ng balat. Ang isang panig ay may ilang metal na liston na nakahalang. Ito ay pinatutunog sa pamamagitan ng paghampas ng dalawang patpat sa panig na walang listong metal.

Ang tambol o bass drum ay higit na malaki at malapad kaysa karakatak. Ito ay pinatutunog sa pamamagitan ng pagpalo ng isa o dalawang pamalong may malambot na balat sa dulo na siyang pinatatama sa panig ng tambol na nababalutan ng balat. Ito ay mayroong madagundong at malaking tunog.

3. Pompiyang o cymbalsAng pompiyang ay dalawang

malapad at manipis na instrumentong tanso na pinatutunog sa pamamagitan ng paghampas ng mga ito sa isa’t isa. Maari rin itong ibitin o ipatong sa isang nakatayong bakal na pinatutunog sa pamamagitan ng pagpalo ng patpat na kahoy. Ang tunog nito ay mataginting at maingay.

B. Brass o TansoAng instrumentong brass ay yari sa

tanso na animo’y tubo na palaki ang isang dulo tulad ng imbudo. Ang mga ito ay pinatutunog sa pamamagitan ng pagpindot sa mga pistonat paghila at pagtulak sa slides Ang sumusunod ang mga instrumentong brass.

1. Trumpeta o trumpetAng trumpeta ay instrumentong brass

na may pinakamataas na tono. Ito ay ang itinuturing na soprano sa pangkat ng mga instrumentong tanso. Ito ay may tatlong piston na pinipindot upang magkaroon ng iba’t ibang tunog. Malaki ang lawak ng mga nota ng trumpeta at nakagagawa ito ng mataas na mga himig at natutunog din ang mababang mga tunog. Ang tunog nito ay maningning.

2. French HornAng French Horn ay mahabang tubo

na inikot. Ito ay tinutugtog sa pamamagitan ng pag-ihip sa “mouth piece” habang pinipindot ng kaliwang kamay ang piston at ang kanang kamay naman ay inilalagay sa butas ng hugis imbudong malaki na ipinapasok inilalabas upang mapatunog ang instrumento.

3. Trombone Ang trombone ay instrumentong

nahahawig sa trumpeta. Ito ay itinuturing na baho (bass) ng trumpeta sa malakas na tunog nito. Ito ay pinatutugtog sa pamamagitan ng pag-ihip sa “mouth piece at pag-urong sulong sa slides nito.

4. TubaAng tuba ang pinakamalaking

instrumentong brass na dinadala nang nakapaikot sa katawan ng manunugtog. Ang isang dulo nito ang pinagkakabitan ng metal na “mouth piece” at ang kabilang dulo ay hugis kampana o embudong malaki.

Ang tuba ay tinutugtog nang tulad sa pagtugtog ng trumpeta. Iba’t ibang tono ang nagagawa nito sa pamamagitan ng pagpindot sa mga piston nito. Ito ang may pinakamababang tunog sa buong pangkat ng mga instrumentong tanso.

C. Kahoy na Hinihipan o “Woodwind”Ang mga instrumentong “ wood

wind” ay yari sa kahoy na may ihipang yari sa manipis na kawayan na tinatawag na “reed”. Ang katawan ng mga instrumentong kabilang sa pangkat na ito ay may mga butas na binubuksan at sinasarhan sa pamamagitan ng mga pisada na itinutulak ng mga daliri.

1. Paluta o ‘flute” at PiccoloAng plauta at piccolo ay

pinatutunog sa pamamagitan ng pag-ihip sa butas ihipan na matatagpuan sa gawing dulo ng tubo ng bawat instrumento.

Ang piccolo ay higit na maliit kaysa plauta. Ito ang pinakamataas na tono sa pangkat ng mga instrumentong kahoy na hinihipan.

2. “Oboe”Ang oboe ay nagtataglay ng

dalawang pirasong kahoy o “double reed” sa dulong ihipan nito. Ito ay may payat na katawan at may kabigha-bighaning tunog.

3. “Clarinet”Ang “clarinet” ay kahawig ng

“oboe” subalit iisa lamang ang “reed” nito. Ito ay tinutugtog na tulad ng “oboe”.

4. “Bassoon”Ang “bassoon” ay ang instrumentong

“wood wind” na nasa tagiliran ang ihipan>

Tulad ng “oboe”, ito ay gumagamit din ng “double reed”. Ito ay pinatutunog nang medyo pahiga at nakasabit sa leeg.

Ang “bassoon” ay maaring lumikha ng tunog na mababa, malungkot o nakatatawa.

Panuto: Basahing mabuti ang mga katanungan. Piliin ang wastong sagot at isulat sa sagutang papel.

1.Anong instrumentong perkusyon ang bukod tanging may tiyak na tono?

A. “snare drum”B. “cymbals”C. timpaniD. “bass drum”

2. Alin sa mga sumusunod ang kabilang sa instrumentong “woodwind” ?

A. pompiyangB. “French Horn”C. “Tuba”D. “Oboe”

3. Anong instrumentong “woodwind” ang maaring lumikha ng tunog na mababa, malungkot o nakatatawa?

A. OboeB. French HornC. BassoonD. Clarinet

4. Alin sa instrumentong tanso ang itinuturing na soprano sapagkat nakapagbibigay ito ng mataas na tono?

A. tuba B. tromboneC. trumpeta D. French Horn

5. Alin sa mga instrumentong perkusyon ang nagbibigay ng mataginting at maingay na tunog?

A. snare drum B. bass drumC. timpani D. cymbals

top related