final filipino
Post on 25-Oct-2014
434 Views
Preview:
TRANSCRIPT
Espiritwal na Pagkalinga ng Nars sa Pasyente: Isang Pag-aaral
Ipinasa nila:Bantay, Charmaine.
Feliciano, Carmela Marie JoyceVince Cruz, Jonniel
Ipinasa kay:Gng. Deogracia Santos
Pamantasan ng Lungsod ng MaynilaKolehiyo ng Malayang Sining
Ipinasa noong:Marso 7, 2012
ABSTRAK
Ang paksa ng pananaliksik na ito ay nauukol sa “Espiritwal na Pagkalinga ng Nars sa
Pasyente: Isang Pag-aaral” na tumatalakay sa kahalagahan ng pagkalingang ibinibigay ng isang
nars hindi lamang batay sa pisikal o mental na aspeto kundi sa pangkabuuan o pang-isipiritwal
na anyo. Ang pag-aaral na ito ay may malaking epekto sa pag-aaral ng kalinga sapagkat noon pa
man ay may malaking bahagi na itong ginagampanan na ukol sa pag-paapagaling ng mga
pasyente na walang sapat na kakahayang makapag-bayad. Pulos makadiwa o pasalilta ang
prosesong ito na nagbibigay-tangi sa ibang pamamaraan. Nananatili ang mas naaksentrong
pagkalinga ng isang manggagamot kung mas sensitibo o naiiba at tiyak sa bawat indibidwal ang
dapat matugunan.
Sa pag-aaral na ito, ay gumawa ang mga mananaliksik ng isang sarbey na tutugon upang
kung tayahin kung ano na ang naging kaalaman ng pasyente sa espiritwal na pag-kalinga , tungo
sa mas lalong progresibong tulong sa pangangailangan ng bawat isa. Ang mga pantulong na
katanungan din sa dapat gawin ukol sa pagkalingang ito na hindi gaanong nabibigyang-pansin ay
natutukoy din sa kaduluhan ng sarbey.
Kung matutukoy ang inaasahang tulong na maibibigay ng nars, at kung malalaman kung
naibigay ng nars ang pagkalingang ayon sa layunin na :aspetong pagpapatnubay sa pansariling
katauhang pangkalusugan at gawaing espiritwal, at pagpapatibay sa pansariling katauhang
pangkalusugan at gawaing espiritwal, at pagpapatibay sa mabuting ugnayan ukol sa espiritwal na
pangangailangan ng pasyente, ay mas lalong mapauunlad ang kahalagan ng tumpak na
pagkalingang iaalay sa bawat pasyenteng may kinalaman sa espiritwal na pagkalinga.
PANTEORYANG BALANGKAS
Ang balangkas ng pag-aaral ay tumatalakay sa buo at komprehensibong pagkilala sa
espiritwal na pagkalingang naibibigay ng isang nars sa pasyente. Sa kasalukuyang panahon,
nababatid na ng nakararami ang tunay na tungkulin ng nars sa sambayanan: ang maglingkod sa
bawat taong nangangalingan ukol sa kanilang kalusugan. Subalit sa likod nito, ay hindi buo o
“holistic” ang maihahatid bilang isang nar kung tumutukoy lamng ito sa pisikal at emosyonal, ni
saykolohikal na aspeto lamang sapagkat maryroon pang isang bahagi sa kalusugan ng isang tao
na may natatago subalit pinakamalaking epekto sa kahabaan ng buhay ng isang tao: ang
espiritwal na kalusugan.
Ang espiritwal na kalusugan at espiritwal na pananaw ng isang tao ay isang
napakahalagang isyung pangkalusugan na hindi gaanong nabibigyang-pansin, ayon sa
mananaliksik na nagbibigay katumpakan sa mga pag-araral sa pag-kalinga. Pawang pang
pisolohikal lamang at teknolihikal na pagsulong ukol dito ang tanging maliwanag na datos na
nagpapaunlad sa propesyon ng pagkalinga.
Upang malutas ang suliraning ito, ang mga mananaliksik ay humanap ng pamamaraan
upang suriin, at tasahin kung ano na ang kasalukuyang katayuan ng karamihang nars sa ating
bansa, kung kaya’t siniyasat nila ang antas ng pagkalingang nakikita pa hanggang ngayon mula
sa sinumang pasyente ang kamakailaan lamang ang nadala sa ospital. Tutukuyin din sa mga
pasyente kung ano ang kanilang pananaw ukol sa espiritwal na pagkalinga bilang gabay o
patnubay sa mga susunod pang mananaliksik , o mas mataas na intitusyon sa mga dapat na
bigyang pansin kung sakaling mas paiigtingin ang pagkalingang pang-espiritwal. Ang nars ay
may malaking responsibilidad na dapat tugunan sa pamamagitan ng pagkalingang hindi lamang
nakasentro sa isang aspeto kundi sa panlahatang pag-iingat at pag-aalaga sa pasyente.
INTRODUKSYON
Ang kurso ng pagkalinga ay may panlahatang paggawa sa mga tuntunin ng paghahatid ng
pangunahing pangangalaga ng kalusugan. Buo, at hindi lamang tumutukoy sa pisolohikal, mental
at saykolohikal na pangangalaga kundi sa espiritwal na aspeto ng kalusugan ayon pa sa
tagapagbunsod at nagpalawig ng propesyon ang dapat maunawaan ng bawat nars sa
pangangalaga sa kanyang pasyente. Ngayong panahon, laganap na ang iba’t ibang teknolohikal
na pagsulong sa mga nars; mga pagbabagong pagsulong sa sitema at hakbangin dulot ng
progresibong kaalaman at ang personal na pagkalinga. Sa katunayan, ang mga pagsulong na ito,
lalo na sa larangan ng medisina, ay napatunayang nakapatutulong pa sa agarang paggaling ng
pasyente.Kung gayon, ay unti-unti nang napanghihina ang mabuti at terapyutikong ugnayan sa
pagitan ng nars at pasyente , ang pagtupad sa tungkuling kalingain ang kabuuang kalusugan ng
isang tao.
Bilang isang indibidwal, nananatiling marami at natatangi ang bawat pangangailangan ng
tao, na nagdudulot sa patuloy at aktibong gawain sa pamamagitan ng matalinong
pagpapaplanong pagkalinga. Bilang karagdagan , binigyang-diin ng mga teorista (Kozier,
Henderson)ukol sa propesyon na marapat lamang na isaalang-alang ang partikular na
pangangailangan ng pasyente, may kinalaman man ito sa saanmang pagkatao ng pasyente.
May ilang mga komentarista ang nagsabi na ang pagkalinga at pangngangalaga sa
kalusugan ng tao ay may matagal nang kalipunan sa relihiyoso at espiritual na gawain.
Halimbawa, inilarawan nina Koenig, McCulloug at Larson kung paano mamuhay ang mga
taong maysakit noong unang panahon. Maraming komunidad at institusyon ang nagtutulong-
tulong upang makapag-aalay ng lunas sa pulubi at matatandang iniwan na ng kanilang pamilya.
Itong mga komunidad, sa pamamagitan ng kanilang kawanggawa at pinag-aralan nagbibigay ng
pagtitipon na may kinalaman sa espiritwal nilang pamumuhay. Sa pagdating ng National Health
Service (NHS),mismong ang gobyerno na ang may hawak sa pankalahatang kalusugan ng
estado, na nagresulta sa pagbaba ng antas ng espiritwal na pagkabatid ng pasyente sa tungkulin
ng isang nars.
Samakatwid, masasabi na ang kahalgahan ng relihiyon at espiritwal na paniniwala sa
pagkalinga ay nakakaligtaan na , at napabayaan habang ang pangangalaga sa kalusugan ay mas
lalong nagiging siyentipiko at sekular.
Ang Patient’s Charter ay nagbigay-hudyat sa pagbabagong kultural mula sa pagkalinga
ng pisiskal na pangangailangan ng pasyente gamit ng pagkuha ng atensyon sa iba pang
mahahalagang dimensyon sa buhay ng isang tao. Ang mga propesyonal ukol sa kalusugan ay
naatasan upang igalang ang kabuuang pangangailangan ng . Bilang karagdagan, kaunti lamang
ang lumalaganap sa espiritwal na pagkalinga, sa mga progresibong bansa gaya ng US at Canada.
Kung iisipin, malaki ang tungkuling ginagampanan ng pasyente sa pag-unlad ng
espiritwal na pagkalinga ng nars . Ganoon di’y tiyak ang pangangailangan na alamin ang tunay
na persepsyon o pagkaunawa ng pasyente ukol sa espiritwalidad, at kung ano ang pagtatasa niya
o ebalwasyon ukol dito, upang makatutulong upang lalong matugunan ang kanyang
pangangailangan batay sa kabatirang makukuha ng nars.
KONTEKSTO NG PANANALIKSIK
Ayon kay Jean Watson, sinisikap ng mga nars na ilakip sa panlahatang pagkalinga o
“holistic care” ang espiritwal na pagkalinga tuwing sila ay nagsasanay sa pagsasagawa ng
pagpapayo, pagsusuri, panggagamot o pagsasagawa ng alinmang gawaing pagkalinga. Bagaman
ang pagkalinga ay kumikilala sa magkakaibang pangangailangan pang-espiritwal, ang
kasanayang ito ay madalang nang naipamamalas sa karamihang pasyente ayon sa pambanasang
kamalayan, at madalang nang naisaalang-alang bilang sangkap ng buong pagkalinga. Ito ay
maaaring bunga ng kaisipan ng nars na ang mga pastor o pari o mga panrelihiyong lider lamang
ang may tungkuling mangialam o palawakin ang sarili ng pasyente, gayunma ayon sa nakrarami,
ang mismong nars ang may pinakalamaking kakayahan upang tunlungan at suportahan ang
pasyenteng may problema sa espiritwal na katauhan lalo’t sa mga may mabibigat na
karamdaman.
Sa gayon, mahalagang malaman ang kahalagahan ng isang tiyak at buong pagkalinga
sapagkat nakaaapekto ito sa kalusugan ng pasyente, lalo’t ang malalim na pananaw o
nararamdaman ng pasyente sa mga isyu ng buhay. Ang isang pag-aaral ay marapat na
komprehensibo, at may idudulot na makabuluhang epekto sa mga mambabasa nito, at sa panig
ng mga nars ay may malaki itong maitutulong, sa mga mag-aaral na nars kung ang mismong mga
pasyente o mismong dako ng kanilang ispesyalidad ay nauukol pa sa pagkatao ng pasyente.
Ayon kay Virginia Henderson, Ina ng Modernong Pagkalinga, isa sa pangunahing
pangangailangan ng pasyente ay pagkakaroon ng buo at ganap na pakiramdam, partisipasyon sa
gawaing makapagpanumbalik ng kaniyang kalusugan, kung kaya’t isang pangunahing hakbang
ang pagbibigay ng kalinga sa pasyente -ang espiritwal na pagkalinga. Kung gayon, isang
napakahalagang hakbang ang pagbuo sa bawat pangangailangan ng pasyente tungo sa kanyang
mabilis at progresibong paggaling, na maaaring idulot ng espirtiwal na pagkalinga.
Ang pag-aaral na pagkalingang ito ay naglalayon na pag-aralan ang relasyong nabubuo
sa pagitan ng kanyang pasyente na may kinalaman sa espiritwalidad. Ito ay naglalayong
magakapag-bigay kontribusyon sa pangkalahatang pagkilala ng pagkalingang espiritwal:, na
ayon kay Lydia Hall ay ang mga sumusunod:
Upang mag-karoon ng ideya kung ano ang epekto ng pagkalingang espiritwal sa tao
Upang mag-karoon ng kaalaman ukol sa persepsyon ng pasyente sa pagkalingang ito, o
kung kinakailangan pa ba ito sa atin ngayong panahon
Upang magkaroon ng ideya ukol sa espiritwal na pagkalinga
Upang malaman kung paano nakakaapekto ang pakikipag-kapwa ng mga nars.
Upang malaman kung may magagawa png aksyon upang mas mapalawig ang
pagkalingang ito
EMOSYON BILANG MABISANG TULONG SA PAGKALINGANG PANG-ESPIRITWAL
Ayon kay Stephen Wright, ang emosyon ng isang nars sa kasaulukuyang panahon ay may
malaking epekto sa kaniyang komunikasyon, lalo na a pasyenteng sensitibo sa pagkikipas-usap
sa ibang tao. Ang pagkalingang espiritwal ay may malaking pokus sa makadiwa o verbal na
komunikasyon kaya’t kung matuto ang nars na kontrolin ito, o maging kanais-nais ito sa
pasyente, mabibigyan-lunas ang ibang pangangailangan ng pasyente ayon kay Seeley at Tate
(2006)
Ito ay may dalawang dimensyon. Ang positive affect ay tumutukoy sa mga mga
damdaming mayroong masayang kalikasan; gaya ng saya, pagkasabik, at iba pa. Ang negative
affect naman ay tumuturo sa mga damdaming mayroong malungkot na kalikasan; ilang na rito ay
ang galit, kaba at takot.
Ayon kay Brissette at Cohen (2002), Tarlow at Haaga (1996), Watson, Clark, at Carey ay
(1988), mayroong koneksyon ang negative affect sa sikolohikal na stress. Pinapakita nito na ang
mga taong mayroong mataas na antas ng ganitong klase ng mga emosyon ay nakakaranas ng mas
maraming problemang pangkalusugan kung ikukumpara sa mga taong mayroong antas na
mababa (Burger, 2007, p. 215). Kung titingan ng mabuti, ang pagkakaroon ng problema ay isang
napapanahong pangyayari sa ating buhay. Sa koneksyon nito sa pag-aaral, kung
MABISANG PAGTUGON SA ESPIRITWAL NA PANGANGAILANGAN
Ang spiritual-centered therapy ay umiikot sa pagbibigay ng naaayon na kapaligiran na
makapagdudulot ng mataas na tingin ukol sa sarili ng pasyente. Ayon kay Carl Rogers na
gumawa sa ideyolohiyang ito, lahat ng mga tao ay umuusbong pasulong sa isang positibong
pamamaraan, maliban nalang kung mapigilan ng ilang mga salik ang pagunlad na ito.
Kinakailangan lamang na magbigay ang naaayon na tulong ang nars upang makabalik ang
pasyente sa pamamaraang ito.
Mithiin ng Rogerian therapy ang maging mas bukas ang kliyente sa sarili nilang personal
na karanasan, maging pala-tanggap sa lahat ng aspeto ng kanilang sarili, at mabawasan ang
pagiging depensibo sa mga bagay-bagay na maaaring humamon sa kanilang konsepto ng sarili.
Dapat silang maging masaya at umusad ng kumpletong kumpleto. Ngunit paano ito nakakamit?
Kinakailangan munang magkaroon ng magandang relasyon sa pagitan ng nars at ng pasyente
bago pa man ang kung anu-anong mga hakbang. Kailangan ng nars na maging makatotohanan
ngunit hindi nakakasakit, pala-tanggap ngunit kritikal sa mga maling gawain ng pasyente niya.
Mahalaga ang makatotohanang relasyon na ito sa kadahilanang malaki ang ginagampanan ng
pagtitiwala sa nasabing prosesong, upang para sa ganoon ay hindi matakot sa rejection ang
indibidwal. Magkakaroon lamang ng kalayaan sa nadaramang kagipitan sa pamamaraan ng
pagmumulat sa damdamin at pagpapahayag nito. (Burger, 007, p. 308-309)
Ayon kay Kozier (2007), hindi kinakailangan ng propesyunal na tulong ang mga
problemang hindi sensitibo. Kadalasan, isang simpleng paguusap lamang sa pagitan ng dalawang
tao ang kinakailan upang mabawasan ang stress na naibibigay problema sa kabuuan ng pasyente.
Isang pamamaraan na ang tinatawag na self-disclosure. Nakaranas na ng ganitong klaseng
pakikipagtalastasan ang karamihan. Nagsisimula ang paguusap sa mga pangkaraniwan na mga
paksa lamang, ngunit habang lumilipas ang oras, unti-unting naipapasok ang mga mas pribadong
usapin gaya ng mga maliliit na impormasyon ukol sa kalagayan ng pamilya, o kaya’t sa inis na
nararamdaman ng patungkol sa mga katrabaho. Ito ang pangunang hakbang sa isang maganda’t
pang-patagalang pagkakaibigan. Isa pang positibong epekto ng self-disclosure ay ang pagbibigay
nito ng isang kaaya-ayang pakiramdam. Maraming humanistic psychologists ang nagtutulak sa
ideyang mahalaga ang prosesong ito sa pag-hakbang patungong mainam na personal growth at
kasiyahan. Nakakatulong din ito sa pagtanggap ng sarili. (Burger, 2007, p. 322-323)
Ang primary care giver ang responsable sa pagbibigay ng emosyunal, at pisikal na aspeto
ng kalusugan minsan pay na tulong at pagaaruga sa espiritwal na kalagayan ng pasyente. Kasama
na dito ang pagdadala o paglilipat ng indibidwal sa kung saan-saan, pagbabantay sa kanyang
mga galaw, administrasyon ng gamot, pagsasa-ayos ng sintomas, pagpipigil ng krisis at pag-
aanalisa ng intervention. Kapag nakakadama ng kahirapan at kawalan ng pagkakontento ang
primary care giver, kahit ano mang dahilan ang sumusuporta rito, hindi maiiwasan ang pag-
debelop ng caregiver stress. Ito ay nagdudulot ng pagbaba ng pang-angkop na kapabilidad at
nagpapataas ng antas o dami ng stressors. Ang iba’t ibang taong nakapalibot sa pasyente ay
mayroong indibidwal na reaksyon sa kalagayan at sakit nito. Nakakaapekto sa ugali ng mga
primary care givers ang kalagayang pangkalusugan ng pasyente. Nakakapagbago rin ito sa
family dynamics ng isang tao o grupo ng taong mayroong malapit na proksimiti sa kliyente. Ang
pinaka-importanteng kinakailangan ng mga indibidwal na responsable sa kapakanan ng isang
pasyente ay ang sikolohikal, emosyunal, at konktretong suporta at payo na nakatuon sa isyung
napapalibot sa pasyente, pakikisalamuha sa ibang tao, at impormasyon ukol sa mga sintomas,
medikasyon, at side effects (Hileman, Lackey, & Hassanein, 1992; Jed, 1989).
Ang mainam na istratehiya na makakapagpabuti ng nababahalang relasyong ito ay ang
pagbibigay ng oportunidad na mapagusapan ng pasyente at ng primary care giver ang kanilang
indibidwal na pangangailangan tungo sa espiritwal na Kailangang mabigyan ng naayon na
suporta’t tulong ang pagbubukas ng damdamin at iniisip ng dalawang panig. Makakatulong din
ng lubusan ang pagtataguyod ng family conference upang maanalisa ng kumpltong kumpleto ang
mga iba’t ibang konsepto ng nurse-patient relationship, gaya ng rule change, role change, role
reversal at iba pa. Sa ganitong pamamaraan makakamit ang pagpapahayag ng nadarama, bukas at
malayang komunikasyon, at paglutas ng problema (Klebanoff & Smith, 1997). Kung makikita
natin sa pahayag na nakalap naming galing sa mga katiwa-tiwalang sources, karamihan ng pang-
emosyunal na pagangkop ay nakasentro sa pagpapahayag ng nararamdaman at hindi ang pagtago
at pag-maskara ng mga ito. Mas nakakapagsulong ng sikolohikal at pisikal na kalusugan ang
pagiging bukas at pakikisama sa malayang talastasan ng mga di kaaya-ayang sitwasyon na
nangyayari sa sarili. Kaya’t sa isang propesyong gaya ng Narsing, kung saan ipinoprohibita ang
malayang pagpapahayag na ito, mataas ang antas ng mga pangyayaring konektado sa
somatization o somatic behavior.
Sa pangaraw-araw na gawain, isang importanteng salik ang kagustuhang gumawa at
makakupleto ng mga tiyak na gawain lalo’t malaki ang epekto ng pagnanais sa kasalukuyang
estado ng pasyente. Ang kagustuhang ito ay naaapektuhan ng isang ideyang tinatawag na
motivation. Ito ay tumutukoy sa mga bagay-bagay na nagtutulak sa isang indibidwal na gawin
ang isang bagay (Watkiss, 2004). Karamihan ng ating ginagawa ay inaapektuhan ng mga
pagiisip na sumesentro sa maaring matanggap na gantimpala, o ang kahihinatnang maidudulot ng
hindi paggawa nito. Ang pormal na katawagan sa dalawang uri ng motivation ay extrinsic
(pagkumpleto sa isang gawain dahil sa kasiyahang makukuha rito) at intrinsic (pagkumpleto sa
isang gawain alang-alang sa kakalabasan nito, mapa gantimpala o pagiwas sa parusa) motivation.
Ang pagkakaroon ng pagnanais na gumawa ay nakakaapekto rin sa kagustuhan ng isang taong
maging magaling sa ilang tiyak na aspeto ng kanyang buhay, na tinatawag na achievement
motive. Isang proponent din dito ang pangangailangan ng taong malagpasan ang mga suliraning
bumabagabag sa normal na daloy ng buhay. Kapag hindi nagamit ang tamang coping mechanism
o hindi nasolusyunan ng tama ang mga problema, magkakaroon ng negatibong epekto sa
achievement motive ng nasabing indibidwal. At dahil dito, mababaling ang negatibong bungang
ito sa antas ng arousal ng isang tao. Ang arousal ay maipapaliwanag ng arousal theory, na
nagsasaad na ang bawat tao ay may optimal na lebel ng arousal na nakasalalay sa sitwasyong
kinaroroonan nito. Pinapanatili ito ng kanyang kagustuhan at nakakaapekto sa antas ng gawain.
Kaya’t makikita na ang mga propesyunal na nagtatrabaho kahit na mayroong krisis sa buhay
(gaya ng pagkamatay ng mahal sa buhay, at iba pa) ay mayroong mababang lebel ng pagiging
produktibo. Ang pangkalahatang performance ay bumabagsak, at palabo-labo ang konsetrasyon,
na higit na kinakailangan sa mga gawaing saklaw sa pagtatrabaho. Lahat ng impormasyong
ibinigay ay nagtuturo sa isang mahalagang paghuhunina. Dahil lamang sa maling pagsalubong sa
sikolohikal o pisikal na suliranin (na sa pagaaral na ito ay tinuturo bilang ang pagtatago ng
emosyon), bumababa ang antas ng maraming aspeto ng pamumuhay ng taong nakakaranas nito.
Hindi umuusad tungong therapeutic healing ang ganitong uri ng pamamaraan.
Ang proseso na kung saan ang sikolohikal na paghihirap ay naipapakita bilang pisikal na
sintomas ay tinatawg ding Somatic behavior .Ito ay isang di namamalayang pangyayari at wala
sa control ng taong nakakaranas dito. Ang somatization as isang posibleng epekto ng pagtatago
ng emosyon dahil sa simpleng katotohanan na nagbibigay ito ng stress na nagpipigil sa maayos
na paglulunas sa mga problemang nangyayari. Ang iba pang mga posbleng epekto ay depression,
withdrawal, at suspicion. Ang depression ay isa sa mga karaniwang epekto ng stress sa isang tao.
Ang isang taong dumaranas ng depression ay kinakikitaan ng paulit-ulit na karamdaman ng
pagkalungkot, kawalan ng pag-asa at pagkawala ng interes sa mga bagay na dating
pinagmumulan ng kasiyahan. Ang kawalan ng pagasam pagkalumbay at pakiramdam ng
pagkakasala ay ilan lamang sa mga naidudulot nito. Ang pagtingin ng isang taong may
depression sa kanyang sarili ay unti-unting nababawasan at unti-unting nahuhulma sa
pagkawalng halaga. Anim hanggang walong porsyento ng populasyon ang nagkakaroon at
dumadanas ng ganitong klaseng emosyon (Wayne, 1989). Bukod sa depression , ang pag-iiwas
ng sarili o withdrawal ay isa sa mga epekto ng stress. Ayon sa Merriam Webster’s Collegiate
Dictionary (1996), ang withdrawal ay ang pagtalikwas sa isang bagay o ang pagputol ng
koneksyon sa anumang bagay na nakagawian na. Ang taong nag-iiwas ng kanyang sarili ay
nawawalan ng sosyalismo sa kanyang buhay. Napuputol o nawawalan sila ng interaksyon sa mga
taong nakapaligid sa kanila, maging ito man ay ang kanilang kamag-anak o kaibigan, dahil sa
pagkawala ng tiwala sa sarili. Minsan, nais nilang mapag-isa, na humahantong naman sa
pagbubukod o paghihiwalay sa kanilang sarili (isolation). Ang suspicion ay isa ring posibleng
epekto. Dahil sa kawalan ng tiwala sa sarili, naibabaling niya ito sa ibang tao. Nagkakaroon siya
ng negatibong pagtingin sa mga taong nakapaligid sa kanya (Goldberger & Breznitz, 1982).
Isang konkretong halimbawa ng epekto ng stress ay ang pagkakulang sa tulog ng isang
taong may stress. Dumadating ang ilang panahon sa buhay ng isang tao na ang stressor na
nararanasan nito ay linalagpasan na ang resources na meron ang ating katawan. Maraming
epekto ang overflow na ito, at isa na dito ang sleep deprivation. Ayon sa restorative theory, ang
NREM (Non-rapid Eye Movement) na klase ng pagtulog ay responsable sa paghihilom at
pagtanda ng mga tisyu ng ating utak. Ito ay isang mahalagang kontribusyon sa pagbuo at paglago
ng Central Nervous System ng ating katawan. Sa mga taong mas nakakabit sa negatibong
pagangkop ng problema, sleep deprivation ay isa sa mga pinaka ebidenteng problema. Ito ay
nagpapababa ng ilang mga kakayahan at abilidad ng katawan. Isa pa itong karagdagan, particular
sa mga nars at mga miyembro ng medical team, na stressor sa di kaya-ayang pangyayaring ito.
Nagbigay tuon din ito sa mga nars. Ang nars ay isang propesyonal na nakapagbibigay ng
serbisyong totoo sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan at pamumuno sa ilang mga
pangangailangan ng pasyente upang mabigyang kalutasan ang problema nito. Ang klinikal na
bahaging ibinibigay sa mga malalang sitwasyon, pangkomunidad at pangmatagalang pag-aalaga
ay isinasakatuparan sa pakikipagtulungan ng mga may pahintulot na ahensiyang klinikal na may
kakayahang magbigay ng kinakailangang karanasan. Subalit sa ganitong mga sitwasyon ay
kinakailangan ng sapat na pag-aaral mula sa mga propesyonal na tao. Ang oras na magugugol sa
klinikal na parte ay magkakaiba at maaaring magbago. Ngunit, karamihan sa mga nagsisipag-aral
ay gumugugol ng mahabang panahon upang makumpleto ang mga layunin. Ito ay kailangan
paglaanan ng oras upang matugunan ang mabilisang pangangailangan ng karamihan. Ang
pagkumpirma ng pagiging karapat-dapat sa pagpaparehistro sa Kolehiyo ay kailangan bago
magpahayag ng kahilingan upang matanggap sa programa ng mga papel na sasagutan kasabay
ang kahilingan para sa programa.
Malaki ang magagawa ng mga intervention ng nars sa espiritwal na katayuan ng pasyente
kung kayat marapat lamang itong isulong at palawigin sa pagamutan ngayong panahon.
KATANUNGAN NG PANANALIKSIK
Batay sa napiling konseptong ipinabatid ng mga naunang mannaliksik, ang mga isyung
napaloob ukol sa kakulangan ng espiritwal na kalinga ng nars at pangngailangan ng mga psyente
sa pagpapalawak ng kani-kaniyang espiritwalidad ay nakabuo ng mga katanungang sasaliksin at
susuriin:
I. Ano ang kabuuang pagkaunawa ng pasyente sa espiritwalidad at espiritwal na pagkalingan
ibinibigay ng nars?
a. Naniniwala akong ang nars ay maaring makapagbigay ng espiritwal na pagkalinga sa
pamamagitan ng pagsasaayos ng dalaw ng kapelyan (pastor) ng ospital o ang mismong lider sa
kinabibilangang relihiyon
b. Naniniwala akong ang nars ay maaaring makapagbigay ng espiritwal na pagkalinga sa
pamamagitan ng pagpapakita ng kagandahang-loob, pag-aalala, at kasiglahan tuwing
nagbibigay-kalinga
c. Naniniwala akong ang espiritwalidad ay may kinalaman sa pamumuhay ng buo at ng
walang pangamba
d. Naniniwala akong ang espiritwalidad ay may kinalaman lamang sa relihiyon at
paglilingkod sa Diyos o Manlilikha
e. Naniniwala akong ang espiritwalidad ay may kinalaman lamang sa paniniwala at
pananampalataya sa Manlilikha / Diyos/ Bathala
f. Naniniwala akong ang espiritwalidad ay tungkol sa paghahanap ng kahulugan sa mabuti
at masamang pangyayari sa buhay
g. Naniniwala akong may kakayahan ang nars upang magbigay ng espiritwal na pagkalinga sa
paggugol ng panahon kasama ang pasyente na may kalakip na suporta at pagtulong sa oras ng
pangangailangan
h. Naniniwala akong may kakayahan ang nars upang makapagbigay ng espiritwal na
pagkalinga sa pagtulong sa pasyente upang hanapin ang tunay sa kahulugan at kadahilanan ng
kanyang karamdaman
i. Naniniwala akong ang espiritwalidad ay tungkol sa pagbibigay pag-asa sa buhay
j. Naniniwala akong ang espiritwalidad ay tungkol sa pamamaraan ng pamumuhay ng isang
tao
k. Naniniwala akong may kakayahan ang nars upang makapagbigay ng espiritwal na
pagkalinga sa pagpapalakas sa loob ng pasyente upang mapag-usapan ang kanyang suliranin at
pangamba sa buhay
l. Naniniwala akong ang espiritwalidad ay nagbubuklod sa bawat isa upang makamit ang
kapayapaan ng kapaligiran
l. Naniniwala akong ang espiritwalidad ay hindi tumutukoy sa larangan ng sining,
pagkamalikhain at pagpapahayag ng sarili
m. Naniniwala akong may kakayahan ang nars upang makapagbigay ng espiritwal na
pagkalinga sa pamamagitan ng pagrespeto sa dangal, relihiyon at kultural na mga paniniwala ng
isang pasyente
n. Naniniwala akong ang espiritwalidad ay may kinalaman sa pakikipagkaibigan, ugnayan
sa isa’t-isa
o. Naniniwala akong ang espiritwalidad ay may kinalaman sa pag-uugali ng tao
II. Anong mga espiritwal na gawaing pagkalinga ang naibibgay ng nars sa pasyente
hinggil sa:
1. Pagpapatnubay sa pansariling katauhang pangkalusugan at gawaing espiritwal
a) Sinisiguro ba ang pagbibigay ng wastong pagkalinga sa pamamagitan ng nararapat na
nutrisyon at pagkain batay sa relihiyon, kultura at kagustuhan ng pasyente?
b) Kung kinakailangan, ay gumagawa ba ng alternatibong gawain ukol sa panggagamot,
paninistis, ehersisyo, at anumang pangangalagang pangkalusugan sa pasyente hinggil sa
espiritwal na katayuan ng pasyente (relihiyon, konsepto sa sarili, pananaw sa buhay,
kultura atbp.)?
c) Nirerespeto ba ang espiritwal at panrelihiyong paniniwala ng pasyente anumang sektang
pangespiritwal ang kanyang kinabibilangan ?
d) Sinisiyasat bang mabuti ang demograpiko at personal na kagustuhan ng pasyente bilang
batayan sa pagkalinga?
e) Kayang bang makipag-ugnayan ng wasto sa espiritwal na aspeto ng buhay ng pasyente
kung kinakailangan?
2. Pagpapatibay sa mabuting ugnayan ukol sa espiritwal na pangangailangan ng pasyente
a) Tinutugunan ba ang nararapat, napapanahon, hustong pangingialam at pagpapayo ang
mga pasyenteng anuman ang karamdaman ?
b) Sensitibo ba at tiyak sa limitasyon ng pakikialam sa personal na pamumuhay,
sekswalidad, prinsipyo at konsepto sa sarili ng pasyente, at pagrespeto ukol dito?
c) Pinangangalagaan ba ang sariling pananaw ukol sa relihiyon at espiritwal na pamumuhay,
pagpapakita ng sapat na kaalaman upang makatulong sa iba?
d) Sinusuportahan ba ang pasyente sa anumang gawaing pang-espiritwal bilang tulong
tungo sa agarang paggaling ng pasyente?
e) Sinisikap bang maipadama ang malasakit , interes at tungkulin sa pasyente sa pagiging
partikular sa paglilingkod-kalusugan at hindi ritwal na gawain ?
3. Anong mga hakbangin ang dapat gawin upang mapaunlad ang epiritwal na pagkalinga?
Naniniwala ba ang pasyente na ang espiritwal na pagkalinga at espiritwalidad ay saligang
aspeto ng pagkalinga
Naniniwala ba ng pasyente na ang nars ay nakatatanggap ng sapat na edukasyon at
pagsasanay sa espiritwal na paniniwala
Naniniwala ba ang pasyente na ang espiritwal na pagkalinga ay hindi dapat ilaan sa
propesyon ng pagkalinga
Naniniwala ba ang pasyente na ang gobyerno ay magbigay ng pamantayan at suporta sa
mga nars upang magpanukala ukol sa espirtiwal na kalinga
Naniniwala ba ang pasyente na dapat gabayan ang mga nars ng ospital upang lalong
mabigyabg-pansin ang pagkalinga ng nars sa espiritwalidad
METODOLOHIYA NG PANANALIKSIK
Ang mga mananaliksik ay gumamit ng Dekriptib na disenyo ng pananaliksik, at
ito ay pumapaloob sa pamimigay ng mga sarbey o palatanungan upang malimi ang saloobin ng
mga pasyente ukol sa espiritwal na pagkalinga ng nars. Ang sarbey na ito ay may dalawang
bahagi: ang pagpapatnubay sa pansariling katuhang pangkalusugan, at ang pagtukoy sa kabuuang
pangkaunawa ng pasyente sa espiritwal na pagkalingang ibibinibigay ng nars. Kasami rin nito
ang mga kaukulang pagsusuro sa ugnayang pinapanatili ng nars gamit ang mabuting
komunikasyon at iba pang pamantayng napapabilang sa personal na pagkatao ng nars. Ang mga
sarbey ay ipamimigay sa mga pasyenteng nakatanggap na ng pagkalingan sa isang nars sa loob
ng isang linggo na maalpit sa dakong pinagawaan ng pananaliksik. Buinubo ang mga kataningan
batay sa napiling paghahanap na isinasaas sa pag-aaral,. Sinubukang ilarawan, ipaliwanag at
suriin sa pag-aaral na ito ang mga kontribusyon ng espiritwal na pangangalaga, komunikasyon,
pamamalakad at pagtuturo sa pagkakaroon ng panterapeutikang relasyon sa pagitang nars at
pasyente .
Sapagkat iba’t iba ang posibleng maging persepsyon o pagkakaunawa ng nars sa
espiritwalidad, ang pasyente na ang nagsilbing paksa o pangunahing pinagkukunan ng datos sa
palatanungan. Ang sarbey ay kolejsyon ng mga naunang konespto ayon sa mga lupon ng
eksperto sa medisina, saykolohika at pagkalinga, subalit ang sarbey na ito ay hindi lamang
pinamimigay sa pasyente upang alamin ang kani-kaniyang prinsipyo o paniniwala kundi upang
masuri kung ano ang mga pagbabagong naganp sa kaisipan ng pasyente sa kalusugan pang-
espiritwal noon kumpara sa nagaganap ngayon. Natutukoy rin gamit ng sarbey , ang kalidad ng
[pagkalingang ibinibigay ng karmihang nars sa kasalukuyan.
Ang mga piniling respondete sa pag-aaral na ito ay ang mga pasyente , na tatlumpu ang
bilang: mayroong karanasan at pangunahing kaalaman ukol sa mga gawain ng bawat nars.
Ang pag-aaral na ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng pagsasarbey. Ang mga
mananaliksik ay naghanda ng ilang mga katanungan na naglalayong makapangalap ng mga datos
upang malaman at masuri ang mga kontribusyon ng direktang pangangalaga, komunikasyon,
pamamalakad at pagtuturo sa pagkakaroon ng panterapeutikang relasyon sa pagitang nars at
pasyente.
Nagsasagawa rin ng pangangalap ng mga impormasyon ang mananaliksik sa iba't-ibang
mga hanguan sa aklatan katulad ng aklat, dyornal, proposal at artikulo. Kumuha rin ang mga
mananaliksik ng ilang impormasyon sa internet.
Ito ay isang panimulang pag-aaral na maaaring makatulong sa lipunan, partikular na sa
mga ospital, at upang mapalawak ang kaalaman ukol sa mga bagay na may kaugnayan sa pinag-
aaralan. Ang mga katanungang isinagawa ay pinaghandaan ng maayos upang mas epektibong
makuha ang impormasyong kailangan. Kaunti lamang ang mga respondenteng kabilang sa pag-
aaral na ito sa kabila ng paggamit nito sa parehong pamamaraan ng pakikipanayam at
pagsasarbey. Ito ay upang mas mabigyang pansin ang mga mahahalagang detalye ng mga
impormasyong ibinahagi na nagmula sa bawat indibidwal. Dahil ang papel na ito ay pagsasanay
lamang at hindi naman isang pangangailangan sa pagtatamo ng isang digri tulad ng tisis, walang
ginawang matinding pagsusuri sa mga datos sa pamamagitan ng kompleks na pamamaraan.
Bilang lamang ng mga respondente sa bawat aytem sa sarbey ang inalam ng mga mananaliksik.
KAHALAGAHAN NG PANANALIKSIK
Naniniwala ang mga mananaliksik na malaki ang maitutulong ng pag-aaral na ito
sa bawat nars na magbibigay-kalinga sa pasyente. Makatutulong ito sa iba pang mag-aaral at
mananaliksik na palawagin paang kaalaman ukol sa nasabing paksa. Layunin din ng
pagsasaliksik at pag-aaral ukol sa paksang tatalakayin na maibahagi ng mga mananaliksik
ang kaalaman nabunga ng mausisang pananaliksik ; pag-aaral ukol sa mga Espiritwal na
pagkalinga ng nars sa pasyente sa larangan ng panggagamot at pag-aalaga sa kanila.
Nakatutulong din ito sa pag-aaral ng isang mag-aaral na nais makapagtapos ng isang
kurso ukol sa pag-aaral. Maaari itong maging gabay sa pagtahak ng ibang mananaliksik
tungo sa pag-aaral nila ng mga paksang may kaugnay dito.
Ang pag-aaral na ito ay inaasahang magiging kanilang motibasyon upang malaman nila
ang kahalagahan ng pag-aalaga sa pasyente. Para sa ibang mambabasa, inaasahang ang pag-aaral
na ito ay makapupukaw ng kanilang pansin at malaki ang maiambag sa kanilang mga ginagawa
at gagawin pang pag-aaral tungkol sa mga maginging epekto ng mga Espiritwal na pagkalingga
sa pasyente. Isa pa ay ang matuklasan ng isang nars ang mga dapat niyang gawin sa kanyang
pasyente upang maiwasan ang ilan man suliranin. Natutuklasan din dito ang mabisang
pamamaraan ng pag-aalaga at mapagaan ang loob ng pasyente. Magsisilbi itong gabay sa mga
nars sa kung papaano nila maiiwasan ang pagkakaroon ng negatibong epekto sa mga pasyente
ang pagbibigay ng espiritwal na pagkalinga.Gayundi’y inaasahan na sa pag-aaral na ito ay ma-
eebaluweyt ng mga nars ang kanilang sarili at ang kanilang kakayahang magbigay ng espiritwal
na pagkalinga ukol sa pasyente.
Sa kasalukuyang panahon, laganap ang pag-aaral patungkol sa iba’t ibang
karamdamanito man ay pisikal o mental. Maituturing na isa sa mga pinakamalalaking
responsibilidad ng mga nars ay ang mabigyan ng dekalidad na pag-aaruga ang kanilang mga
pasyente sa espiritwal na pag-aaruga maging anumanang kondisyon nito. Ang pag-aaral na ito ay
nakatuon upang magbigay kaalaman sa kung paano ang tamang pagbibigay ng alaga sa
pamamagitan ng pagkalap ng kaalaman ukol sa mga bagay na nakaapekto sa relasyon ng nars at
ng kaniyang pasyente.
Isa pang kahalagahan ng nasabing pag-aaral ay ang pagbibigay nito ng pokus sa
mga pangangailangan ng nars at ng pasyente. Sa ganitong paraan, ang proseso ng pagbibigay
ngdekalidad na pag-aalaga ay mapapaunlad at mas magiging sapat.Ayon na rin sa mga batikang
pag-aaral at sa sinabi ng isang sikat na siyentipiko sa ilalaimng pag-aaral ng Eugenics. “Ang
bilang ng mga may sakit at kapansanan na dulot ng palpak o palsong pagpapalitan ng
mpormasyong genetic ay patuloy na tumataas kaya’t gayon na rin anghalaga ng pagbibigay ng
makabagong kaalaman hindi lamang para mapaunlad ang pagbibigay ng pag-aalaga sa mga
pasyente ngunit upang pigilan na rin ang paglaganap nito saGenetic pool ng mundo”
PAUNANG RESULTA
PERSEPYON UKOL SA ESPIRITWALIDAD AT PAGKALINGANG PANGESPIRITWAL
Bahagdan ng Resulta
Higit Na
Sumasang-
Ayon
Sumasang-
Ayon
Hindi
Sumasang-
Ayon
Higit Na Hindi
Sumasang-Ayon
a. Naniniwala akong ang
nars ay maaring
makapagbigay ng espiritwal
na pagkalinga sa
pamamagitan ng pagsasaayos
ng dalaw ng kapelyan (pastor)
ng ospital o ang mismong
lider sa kinabibilangang
relihiyon
1 o 3% 7 o 23% 19 o 63% 3 o 10%
b. Naniniwala akong ang
nars ay maaaring
makapagbigay ng espiritwal
2 o 7% 21 o 70% 7 o 23% 0 o 0 %
na pagkalinga sa
pamamagitan ng pagpapakita
ng kagandahang-loob, pag-
aalala, at kasiglahan tuwing
nagbibigay-kalinga
c. Naniniwala akong ang
espiritwalidad ay may
kinalaman sa pamumuhay ng
buo at ng walang pangamba
10 o 33 % 4 o 13% 16 o 53% 4 o 13%
d. Naniniwala akong ang
espiritwalidad ay may
kinalaman lamang sa
relihiyon at paglilingkod sa
Diyos o Manlilikha
2 o 7% 4 o 13% 13 o 43% 11 o 37%
e. Naniniwala akong ang
espiritwalidad ay may
kinalaman lamang sa
paniniwala at
pananampalataya sa
Manlilikha / Diyos/ Bathala
0 o 0% 4 o 13% 17 o 57% 9 o 30%
f. Naniniwala akong ang
espiritwalidad ay tungkol sa
paghahanap ng kahulugan sa
2 o 7% 12 o 40% 14 o 47% 2 o 7%
mabuti at masamang
pangyayari sa buhay
g. Naniniwala akong may
kakayahan ang nars upang
magbigay ng espiritwal na
pagkalinga sa paggugol ng
panahon kasama ang pasyente
na may kalakip na suporta at
pagtulong sa oras ng
pangangailangan
6 o 20% 16 o 53% 4 o 13% 4 o 13%
h. Naniniwala akong
may kakayahan ang nars
upang makapagbigay ng
espiritwal na pagkalinga sa
pagtulong sa pasyente upang
hanapin ang tunay sa
kahulugan at kadahilanan ng
kanyang karamdaman
3 o 10% 15 o 50% 7 o 23% 5 o 17%
i. Naniniwala akong ang
espiritwalidad ay tungkol sa
pagbibigay pag-asa sa buhay
6 o 20% 8 o 27% 12 o 40% 4 o 13%
j. Naniniwala akong ang
espiritwalidad ay tungkol sa
12 o 40% 13 o 43% 4 o 13% 1 o 3%
pamamaraan ng pamumuhay
ng isang tao
k. Naniniwala akong
may kakayahan ang nars
upang makapagbigay ng
espiritwal na pagkalinga sa
pagpapalakas sa loob ng
pasyente upang mapag-usapan
ang kanyang suliranin at
pangamba sa buhay
8 o 27% 13 o 43% 4 o 13% 5 o 17%
l. Naniniwala akong ang
espiritwalidad ay
nagbubuklod sa bawat isa
upang makamit ang
kapayapaan ng kapaligiran
1 o 3% 12 o 40% 14 o 47% 3 o 10%%%
l. Naniniwala akong ang
espiritwalidad ay hindi
tumutukoy sa larangan ng
sining, pagkamalikhain at
pagpapahayag ng sarili
3 o 10 % 8 o 27% 4 o 13% 15 o 50%
m. Naniniwala akong
may kakayahan ang nars
upang makapagbigay ng
16 o 53% 7 o 23% 3 o 10% 4 o 13%
espiritwal na pagkalinga sa
pamamagitan ng pagrespeto
sa dangal, relihiyon at kultural
na mga paniniwala ng isang
pasyente
n. Naniniwala akong ang
espiritwalidad ay may
kinalaman sa
pakikipagkaibigan, ugnayan
sa isa’t-isa
6 o 20% 14 o 47% 16 o 53% 7 o 23%
o. Naniniwala akong ang
espiritwalidad ay may
kinalaman sa pag-uugali ng
tao
5 o 17% 15 o 50% 10 o 33 % 0 o 0%
Sa mga nakalap na datos, masasabing hindi tiyak ang modelong mabubuo ukol sa
espiritwal na pagkalinga. Ang espiritwal na pagkalinga, ayon sa mga pasyente, ay hindi nauukol
sa relihiyong kinabibilangan, ni sa mga bagay na pinaniniwalaan, kundi sa mismong estado ng
nararamdaman sa pamumumuhay bilang tao. Mas nakasentro ang espiritwal na pagkatao ng
pasyente sa kanyang sarili, at hindi sa koneksyon sa mga malalim na bagay kagaya ng may
kinalaman sa kahulugan ng kanyang buhay, kaganapan at tunay na kaligayahan. Ngayong
panahon, masasabing mas praktikal na ang bawat isa na mas nabibigyang pansin ang mga may
agaran at normal na gawain, at mga bagay na dumarating sa buhay, kagaya ng mga suliranin,
mga bagay na panlipunan at pampamilya.
Sa gayon, naapektuhan din ng mga kasagutan sa mga tingin ng pasyente ang kayang
gawin ng isang nars. Ang persepyon ng pasyente ay may negatibong konteksto kung ang
pagbabatayan ay ang pagiging tagapayo sa pasyente, at ukol sa sensitibong bagay na may ibang
kahulugan sa iba’t ibang tao.
EBALWASYON NG PASYENTE UKOL SA ESPIRTWAL NA PAGKALINGA NG NARS
1 Bahagdan ng Resulta
Higit na
sumasang-
ayon
Sumasang-ayon Hindi sumasang-
ayon
Higit na Hindi
sumasang-ayon
Sinisiguro ang
pagbibigay ng wastong
pagkalinga sa pamamagitan ng
nararapat na nutrisyon at
pagkain batay sa relihiyon,
kultura at kagustuhan ng
pasyente.
15 o 50% 12 o 40 % 3 o 10 % 0 o 0%
Batay sa talahanayan, makikitang positibo na isinasaalang-alang ng nars ang pagbibigay
ng wastong pagkalinga sa pamamagitan ng iba’t ibang aspeto sapagkat lamapas kalahati ang
sumang-ayon dito kung pagsasamahin ang mga sumang-ayon.
2 Bahagdan ng Resulta
Higit na
sumasang-
Sumasang-ayon Hindi sumasang-
ayon
Higit na Hindi
sumasang-ayon
ayon
Kung kinakailangan, ay
gumagawa ng alternatibong
gawain ukol sa panggagamot,
paninistis, ehersisyo, at
anumang pangangalagang
pangkalusugan sa pasyente
hinggil sa espiritwal na
katayuan ng pasyente
(relihiyon, konsepto sa sarili,
pananaw sa buhay, kultura
atbp.)
2 o 7 % 17 o 57 % 9 o 30 % 2 o 7 %
Batay sa talahanayan, makikitang positibo pa rin na isinasaalang-alang ng nars ang
pagbibigay ng alternatibong gawain sa pasyente bagamat may kasagutan na hindi sumasang-
ayon sa pahayag na ito.
3 Bahagdan ng Resulta
Higit na
sumasang-
ayon
Sumasang-ayon Hindi sumasang-
ayon
Higit na Hindi
sumasang-ayon
Nirerespeto ang
espiritwal at panrelihiyong
paniniwala ng pasyente
anumang sektang
pangespiritwal ang kanyang
kinabibilangan
20 o 67 % 5o 17 % 4 o 13 % 1 o 3 %
Batay sa talahanayan, sadyang positibo na isinasaalang-alang ng nars pagrespeto sa
espiritwal na pamumuhay ng pasyente anuman ang ang relihiyong kanyang kinabibilangan.
4 Bahagdan ng Resulta
Higit na
sumasang-
ayon
Sumasang-ayon Hindi sumasang-
ayon
Higit na Hindi
sumasang-ayon
Sinisiyasat na mabuti
ang demograpiko at personal
na kagustuhan ng pasyente
bilang batayan sa pagkalinga
12 o 40 % 15o 50 % 3 o 10 % 0 o 0%
Batay sa talahanayan, makikitang positibo na isinasaalang-alang ng nars ang pag-alam sa
chart ng mabuti upang maibigay ang maaari at hindi maaari sa pasyente, na makatutulong
upang gabayan sa pagdedesisyon at pagpapalano ng kalinga para sa pasyente
5 Bahagdan ng Resulta
Higit na
sumasang-
ayon
Sumasang-ayon Hindi sumasang-
ayon
Higit na Hindi
sumasang-ayon
Kayang makipag-
ugnayan ng wasto sa espiritwal
na aspeto ng buhay ng pasyente
kung kinakailangan
3 o 10 % 2 o 7 % 17 o 57 % 70 23 %
Batay sa talahanayan, makikitang negatibo ang pagsaalang-alang ng nars sa makipag-
ugnayan ng wasto sa espiritwal na aspeto ng buhay ng pasyente kung kinakailangan.
6 Bahagdan ng Resulta
Higit na
sumasang-
ayon
Sumasang-ayon Hindi sumasang-
ayon
Higit na Hindi
sumasang-ayon
Tinutugunan ang
nararapat, napapanahon,
hustong pangingialam at
pagpapayo ang mga
pasyenteng anuman ang
karamdaman
6 o 20 % 8 o 27 % 10 o 33 % 6 o 20 %
Batay sa talahanayan, makikitang negatibo na isinasaalang-alang ng nars ang pagbibigay
ng wastong pagkalinga sa pamamagitan ng pagtugon sa nararapat, napapanahon, hustong
pangingialam at pagpapayo ang mga pasyenteng anuman ang karamdaman, sapagkat ang hindi
sumasangayon ay nakahihigit kumpara sa positibo ang pagtugon.
7 Bahagdan ng Resulta
Higit na
sumasang-
ayon
Sumasang-ayon Hindi sumasang-
ayon
Higit na Hindi
sumasang-ayon
Sensitibo at tiyak sa
limitasyon ng pakikialam sa
personal na pamumuhay,
sekswalidad, prinsipyo at
konsepto sa sarili ng pasyente,
15 o 50% 12 o 40 % 3 o 10 % 0 o 0%
at pagrespeto ukol dito
Batay sa talahanayan, makikitang positibo na isinasaalang-alang ng nars ang kanyang
mga limitasyon sa pagpbibigay ng espiritwal na pagkalinga sapagkat higit na nakararami dito
ang sumasang-ayon sa pahayag.
8 Bahagdan ng Resulta
Higit na
sumasang-
ayon
Sumasang-ayon Hindi sumasang-
ayon
Higit na Hindi
sumasang-ayon
Pinangangalagaan ang
aking sariling pananaw ukol sa
relihiyon at espiritwal na
pamumuhay, pagpapakita ng
sapat na kaalaman upang
makatulong sa iba
8 o 26 % 15 o 50 % 4 o 13% 3o 10 %
Batay sa talahanayan, makikitang positibo na isinasaalang-alang ng nars ang
pangangalagang hindi mapangialaman o manghimasok sa sariling pananaw ng pasyente ukol sa
relihiyon at espiritwal na pamumuhay,
9 Bahagdan ng Resulta
Higit na
sumasang-
ayon
Sumasang-ayon Hindi sumasang-
ayon
Higit na Hindi
sumasang-ayon
Sinusuportahan ang
pasyente sa anumang gawaing
2 o7% 9 o 30% 14 o 47% 5 o17%
pang-espiritwal bilang tulong
tungo sa agarang paggaling ng
pasyente
Batay sa talahanayan, makikitang sadyang negatibo ang isinasagawang pagsuporta sa
pasyente sa anumang gawaing pang-espiritwal bilang tulong tungo sa agarang paggaling ng
pasyente.
10 Bahagdan ng Resulta
Higit na
sumasang-
ayon
Sumasang-ayon Hindi sumasang-
ayon
Higit na Hindi
sumasang-ayon
Sinisikap na maipadama
ang malasakit , interes at
tungkulin sa pasyente sa
pagiging partikular sa
paglilingkod-kalusugan at hindi
ritwal na gawain
0 o 0 % 12 o 40% 16 o 53% 2 o 7%
Batay sa talahanayan, makikitang negatibo ang gawaing pagsisikap ng nars na maipakita
sa pasyente ang kanyang kahalagahan, at upang mabigyan ng tiyak, at hindi ritwal na gawain.
REKOMENDASYON NG PASYENTE SA PAGKALINGANG ESPIRITWAL
Naniniwala ba ang pasyente na ang espiritwal na pagkalinga at espiritwalidad ay saligang
aspeto ng pagkalinga?
Naniniwala ba ng pasyente na ang nars ay nakatatanggap ng sapat na edukasyon at
pagsasanay sa espiritwal na paniniwala?
Naniniwala ba ang pasyente na ang espiritwal na pagkalinga ay hindi dapat ilaan sa
propesyon ng pagkalinga?
Naniniwala ba ang pasyente na ang gobyerno ay magbigay ng pamantayan at suporta sa
mga nars upang magpanukala ukol sa espirtiwal na kalinga?
Naniniwala ba ang pasyente na dapat gabayan ang mga nars ng ospital upang lalong
mabigyabg-pansin ang pagkalinga ng nars sa espiritwalidad?
Sa mga datos na nakalap, napag-alamang halos lahat ng nakapaloob sa
katanungan ito ay nabigyan ng positibong tugon; samakatwid ay nagkaroon ng pagsang-
ayon mula sa kanilang kasagutan. Ang mga may negatibo lamang na tugon ay ang
pagtigil ng pagkalingang espiritwal, at ang sapat na kaalaman sa espiritwal na pagkalinga
(16% Hindi Pagsang-ayon, 84 % Pagsang-ayon) na ayon sa kanila ay mahalaga tungo sa
paggaling ng pasyente.
IMPLIKASYON/ KONKLUSYON
Sa mga resultang nakalap batay sa pananaliksik , mahihinuha na malaki ang
ginagampanan ng isang nars sa pagtugon sa espiritwal na pagkalinga sa kanyang pasyente
sapagkat marami ang pamamaraan na nagagamit ng nars sa mula sa pakikiangkop sa pag-
uugali ng pasyente, pag-alam at pag-aanalisa sa kalagayan ng pasyente, pisolohikal,
emosyonal at espiritwal, mabuting pakikitungo, paggiging masigasig sa naisin at
ikabubuti ng pasyente hanggang sa pagrespeto at mataas na pagtngin sa dignidad nito.
Mapagpapalagay din na hindi nararapat maging mapakialam ang isang nars sa
pasyente kung hindi kinakailangan, sapagkat ayon na rin sa mga pasyente ay wala pang
sapat na kakayahan ang iba sa mga nars na magpayo o magbigay- tulong sa pagbibigay
ng opinyon na hindi makasasama sa pasyente.
Ayon sa mga tumugon ng sarbey, naniniwala ba ang pasyente na ang nars ay hindi
nakatatanggap ng sapat na edukasyon at pagsasanay sa espiritwal na paniniwala, subalit
marrin naman nilang itinatanggi na ang espiritwal na pagkalinga ay hindi dapat ilaan sa
propesyon ng pagkalinga. Naniniwala ba ang pasyente na ang gobyerno ay dapat
magbigay ng pamantayan at suporta sa mga nars upang magpanukala ukol sa espirtiwal
na kalinga.
Samakatwid, mairerekomenda ng mananaliksik at ayon na rin sa kasagutan ng mga
pasyente na dapat gabayan ang mga nars ng ospital upang lalong mabigyabg-pansin ang
pagkalinga ng nars sa espiritwalidad.
SANGGUNIAN
Fenton E and Mitchell T (2002) Growing old with dignity: a concept analysis, Nursing
Practice, 14 (4), pp.19-21.
Greenstreet W editor (2006) Integrating spirituality in health and social care: perspective
and practical approaches, Oxford: Radcliffe Publishing.
International Council of Nurses (2006) The ICN code of ethics for nurses, Geneva: ICN.
Koenig HG, McCullough ME and Larson DB (2001) Handbook of religion and health,
Oxford: Oxford University Press.
Males J and Boswell C (1990) Spiritual needs of people with a mental handicap, Nursing
Standard, 4 (48), pp.35-37.
Murray RB and Zentner JB (1989) Nursing concepts for health promotion, London:
Prentice Hall.
McSherry W, Gretton M, Draper P and Watson R (2008) The ethical basis of teaching
spirituality and spiritual care: a survey of student nurses perceptions, Nurse
Education Today, 28 (8), pp.1002-1008.
Narayanasamy A (2010) ‘Recognising spiritual needs’, in McSherry W and Ross L
(editors) Spiritual assessment in health care practice, Keswick: M&K Publishing.
Narayanasamy A (2001) Spiritual care: a practical guide for nurses and health care
practitioners (2nd edition), London: Quay Books.
NHS Education for Scotland (2009) Spiritual care matters – an introductory resource for
all NHS Scotland staff, Edinburgh: NES.
THESIS
Bernstein, Richard J. (1984). Beyond Objectivism and Relativism: Science,
Hermeneutics and Praxis. Philadelphia. (Doctoral dissertation): University of
Pennsylvania Press.
Cavendish, R., Edelman, M., Naradovy, L., Bajo, M. M, Perosi, I., & Lanza, M. (2007).
Do Pastoral Care Providers Recognize Nurses as Spiritual Care Providers? (Doctoral
dissertation) Holistic Nursing Practice, 21(2), 89–98.
Emblen, J. D., & Halstead, L. (1993). Spiritual Needs and Interventions: Comparing
the Views of Patients, Nurses, and Chaplains. (Doctoral dissertation) Clinical Nurse
Specialist, 7(4),175–182.
Faust, D. G. (2008). This Republic of Suffering: Death and the American Civil War.
(Doctoral dissertation)New York: Norton.
Fenn, P. A., & McGuire, A. (1996). Valuation as Measurement: an Economist’s
Approach to Rendering Health Care Outcomes Commensurable. In H. Macbeth
(Ed.). Health Outcomes: Biological, Social, and Economic Perspectives. (Doctoral
dissertation) Oxford:
Oxford University
.Flannelly, K. J., Weaver, A. J., & Handzo, G. F. (2003). A Three-year Study of
Chaplains’ Professional Activities at Memorial Sloan-Kettering Cancer Center
in New York City. (Doctoral dissertation) Psycho-Oncology, 12(8), 760–768.
Fitchett, G., Murphy, P., Kim, J., Gibbons, J., Cameron, J., & Davis, J
. (2004).
Religious Struggle: Prevalence, Correlates and Mental Health Risks in Diabetic,
Congestive Heart Failure, and Oncology Patients. International Journal of
Psychiatry in Medicine, (Doctoral dissertation) 34(2), 179–196.
Habermas, J. (1981). The Theory of Communicative Action, Vol. 1. Trans., Thomas A.
McCarthy Cambridge: (Doctoral dissertation) Cambridge University Press.
Handzo, G., Flannelly, K., Kudler, T., Fogg, S., Harding, S., Hasan, Y. et al. (2008).
What do Chaplains Really do? II. Interventions in the New York Chaplaincy
Study. Journal of Health Care Chaplaincy, (Doctoral dissertation) 14(1), 39–56.
Harding, S., Flannelly, K., Galek, K., & Tannenbaum, H. (2008). Spiritual Care,
Pastoral Care, and Chaplains: Trends in the Health Care Literature. Journal
of Health Care Chaplaincy, (Doctoral dissertation) . 14(2), 99–117.
WEBSITES:
http://dissertations.ub.rug.nl/FILES/faculties/medicine/2008/r.r.van.leeuwen/c6.pdf
http://pediatrics.aappublications.org/content/111/1/e67.full.pdf
http://www.spiritualityandhealth.duke.edu/sth/2009/papers/griffiths.pdf
http://www.sach.org.uk/journal/0302p28_grosvenor.pdf
http://www.rehabnurse.org/pdf/RNC_264.pdf
http://www.faithcommunityrn.info/uploads/5/2/1/6/5216232/
what_have_we_learned_from_spiritual_care_research_.8.pdf
http://www.professionalchaplains.org/uploadedFiles/pdf/APC-white-paper-text-only.pdf
http://caringrn.com/spirituality.pdf
http://www.rcn.org.uk/__data/assets/pdf_file/0017/391112/003861.pdf
http://www.nursingcenter.com/library/JournalArticle.asp?Article_ID=1281173
HUGPONG
Pangalan (opsyonal):______________________________________________________________
Ang mga sumusunod na pahayag ay ulat ukol sa iyong ebalwasyon o pagsusuri batay sa
pagganap ng nars sa kalusugang pang-espiritwal noong pananatili sa pagamutan. Lagyan ng tsek ( )ang
patlang kung ano ang sa tingin mong naging marka ng nars batay sa kanyang pagtugon sa iyong
pangangailangan.
1.Sinisiguro ang pagbibigay ng wastong pagkalinga sa pamamagitan ng nararapat na nutrisyon at
pagkain batay sa relihiyon, kultura at kagustuhan ng pasyente.
Higit na sumasang-ayon
Sumasang-ayon
Hindi sumasang-ayon
Higit na hindi sumasang-ayon
2.Kung kinakailangan, ay gumagawa ng alternatibong gawain ukol sa panggagamot, paninistis, ehersisyo,
at anumang pangangalagang pangkalusugan sa pasyente hinggil sa espiritwal na katayuan ng pasyente
(relihiyon, konsepto sa sarili, pananaw sa buhay, kultura atbp.)
Higit na sumasang-ayon
Sumasang-ayon
Hindi sumasang-ayon
Higit na hindi sumasang-ayon
3.Nirerespeto ang espiritwal at panrelihiyong paniniwala ng pasyente anumang sektang pangespiritwal
ang kanyang kinabibilangan
Higit na sumasang-ayon
Sumasang-ayon
Hindi sumasang-ayon
Higit na hindi sumasang-ayon
4.Sinisiyasat na mabuti ang demograpiko at personal na kagustuhan ng pasyente bilang batayan sa
pagkalinga
Higit na sumasang-ayon
Sumasang-ayon
Hindi sumasang-ayon
Higit na hindi sumasang-ayon
5.Kayang makipag-ugnayan ng wasto sa espiritwal na aspeto ng buhay ng pasyente kung kinakailangan
Higit na sumasang-ayon
Sumasang-ayon
Hindi sumasang-ayon
Higit na hindi sumasang-ayon
6.Tinutugunan ang nararapat, napapanahon, hustong pangingialam at pagpapayo ang mga pasyenteng
anuman ang karamdaman
Higit na sumasang-ayon
Sumasang-ayon
Hindi sumasang-ayon
Higit na hindi sumasang-ayon
7.Sensitibo at tiyak sa limitasyon ng pakikialam sa personal na pamumuhay, sekswalidad, prinsipyo at
konsepto sa sarili ng pasyente, at pagrespeto ukol dito
Higit na sumasang-ayon
Sumasang-ayon
Hindi sumasang-ayon
Higit na hindi sumasang-ayon
8.Pinangangalagaan ang aking sariling pananaw ukol sa relihiyon at espiritwal na pamumuhay,
pagpapakita ng sapat na kaalaman upang makatulong sa iba
Higit na sumasang-ayon
Sumasang-ayon
Hindi sumasang-ayon
Higit na hindi sumasang-ayon
9.Sinusuportahan ang pasyente sa anumang gawaing pang-espiritwal bilang tulong tungo sa agarang
paggaling ng pasyente
Higit na sumasang-ayon
Sumasang-ayon
Hindi sumasang-ayon
Higit na hindi sumasang-ayon
10.Sinisikap na maipadama ang malasakit , interes at tungkulin sa pasyente sa pagiging partikular sa
paglilingkod-kalusugan at hindi ritwal na gawain
Higit na sumasang-ayon
Sumasang-ayon
Hindi sumasang-ayon Higit na hindi sumasang-ayon
Pangalan (opsyonal):____________________________________________________________
Ang sumusunod na pahayag ay mga pananaw hinggil sa espiritwalidad at espiritwal na
pagkalinga. Lagyan ng tsek ( )ang patlang kung ano ang iyong pagkakaunawa sa ukol espiritwalidad
at espiritwal na pagkalingang ibinibigay ng nars.
1. Naniniwala akong ang nars ay maaring makapagbigay ng espiritwal na pagkalinga sa
pamamagitan ng pagsasaayos ng dalaw ng kapelyan (pastor) ng ospital o ang mismong lider sa
kinabibilangang relihiyon
Higit na sumasang-ayon Sumasang-ayon Hindi sumasang-ayon Higit na hindi sumasang-
ayon
2. Naniniwala akong ang nars ay maaaring makapagbigay ng espiritwal na pagkalinga sa
pamamagitan ng pagpapakita ng kagandahang-loob, pag-aalala, at kasiglahan tuwing nagbibigay-
kalinga
Higit na sumasang-ayon Sumasang-ayon Hindi sumasang-ayon Higit na hindi sumasang-
ayon
3. Naniniwala akong ang espiritwalidad ay may kinalaman sa pamumuhay ng buo at ng walang
pangamba
Higit na sumasang-ayon Sumasang-ayon Hindi sumasang-ayon Higit na hindi sumasang-
ayon
4. Naniniwala akong ang espiritwalidad ay may kinalaman lamang sa relihiyon at paglilingkod sa
Diyos o Manlilikha
Higit na sumasang-ayon Sumasang-ayon Hindi sumasang-ayon Higit na hindi sumasang-ayon
5. Naniniwala akong ang espiritwalidad ay may kinalaman lamang sa paniniwala at
pananampalataya sa Manlilikha / Diyos/ Bathala
Higit na sumasang-ayon Sumasang-ayon Hindi sumasang-ayon Higit na hindi sumasang-ayon
6. Naniniwala akong ang espiritwalidad ay tungkol sa paghahanap ng kahulugan sa mabuti at
masamang pangyayari sa buhay
Higit na sumasang-ayon Sumasang-ayon Hindi sumasang-ayon Higit na hindi sumasang-ayon
7. Naniniwala akong may kakayahan ang nars upang magbigay ng espiritwal na pagkalinga sa
paggugol ng panahon kasama ang pasyente na may kalakip na suporta at pagtulong sa oras ng
pangangailangan
Higit na sumasang-ayon Sumasang-ayon Hindi sumasang-ayon Higit na hindi sumasang-ayon
8. Naniniwala akong may kakayahan ang nars upang makapagbigay ng espiritwal na pagkalinga sa
pagtulong sa pasyente upang hanapin ang tunay sa kahulugan at kadahilanan ng kanyang
karamdaman
Higit na sumasang-ayon Sumasang-ayon Hindi sumasang-ayon Higit na hindi sumasang-ayon
9. Naniniwala akong ang espiritwalidad ay tungkol sa pagbibigay pag-asa sa buhay
Higit na sumasang-ayon Sumasang-ayon Hindi sumasang-ayon Higit na hindi sumasang-ayon
10. Naniniwala akong ang espiritwalidad ay tungkol sa pamamaraan ng pamumuhay ng isang tao
Higit na sumasang-ayon Sumasang-ayon Hindi sumasang-ayon Higit na hindi sumasang-ayon
11. Naniniwala akong may kakayahan ang nars upang makapagbigay ng espiritwal na pagkalinga sa
pagpapalakas sa loob ng pasyente upang mapag-usapan ang kanyang suliranin at pangamba sa
buhay
Higit na sumasang-ayon Sumasang-ayon Hindi sumasang-ayon Higit na hindi sumasang-ayon
12. Naniniwala akong ang espiritwalidad ay nagbubuklod sa bawat isa upang makamit ang
kapayapaan ng kapaligiran
Higit na sumasang-ayon Sumasang-ayon Hindi sumasang-ayon Higit na hindi sumasang-ayon
13. Naniniwala akong ang espiritwalidad ay hindi tumutukoy sa larangan ng sining, pagkamalikhain at
pagpapahayag ng sarili
Higit na sumasang-ayon Sumasang-ayon Hindi sumasang-ayon Higit na hindi sumasang-ayon
14. Naniniwala akong may kakayahan ang nars upang makapagbigay ng espiritwal na pagkalinga sa
pamamagitan ng pagrespeto sa dangal, relihiyon at kultural na mga paniniwala ng isang pasyente
Higit na sumasang-ayon Sumasang-ayon Hindi sumasang-ayon Higit na hindi sumasang-ayon
15. Naniniwala akong ang espiritwalidad ay may kinalaman sa pakikipagkaibigan, ugnayan sa isa’t-
isa
Higit na sumasang-ayon Sumasang-ayon Hindi sumasang-ayon Higit na hindi sumasang-ayon
16. Naniniwala akong ang espiritwalidad ay may kinalaman sa pag-uugali ng tao
Higit na sumasang-ayon Sumasang-ayon Hindi sumasang-ayon Higit na hindi sumasang-ayon
Mangyari lamang pong sagutin ang mga sumusunod na katanungan:
Naniniwala ka ba na ang espiritwal na pagkalinga at espiritwalidad ay saligang aspeto ng
pagkalinga? ___________________________________________________________
Naniniwala ka ba na ang nars ay nakatatanggap ng sapat na edukasyon at pagsasanay sa
espiritwal na paniniwala? __________________________________________
Naniniwala ka ba na ang espiritwal na pagkalinga ay hindi dapat ilaan sa propesyon ng
pagkalinga? ___________________________________________________
Naniniwala ka ba na ang gobyerno ay magbigay ng pamantayan at suporta sa mga nars
upang magpanukala ukol sa espirtiwal na kalinga?__________________________
Naniniwala ka ba na dapat gabayan ang mga nars ng ospital upang lalong mabigyabg-
pansin ang pagkalinga ng nars sa espiritwalidad? _________________________
top related