esp 9 m2 lipunang pampolitika
Post on 07-Aug-2015
853 Views
Preview:
TRANSCRIPT
Isa sa pinakamasayang bahagi ng buhay-high-school ang paghahanap ng
mga matatalik at tunay na kaibigan.Sa isang mahiwagang paraan, nag
sasama-sama ang mga magkakatulad, maaring magkakatulad ng INTERES,
ng HILIG, o ng mga PANGARAP.
May pagkakataon
ding nagsasama ang hindi
magkaka kilala. May pareho at
may pagkaka iba rin. Umuusad at lumalalim ito sa
paglipas ng panahon o oras
dahil sa maraming
napagkwekwentuhan.
Ang BARKADAHAN ay parang isang pamayanan. Pinagsama-sama sila.Sama-sama silang
bumubuo ng mga sistema kung paano haharapin ang mga hamon sa buhay. May mga
kwento silang pinagdadaanan at may kwento silang nabubuo.
KULTURA - ang tawag sa mga nabuong gawi ng
pamayanan. Ito ang mga :• Tradisyon
• Nakasanayan• Mga hangarin na kanilang
pinagbahaginan sa paglipas ng panahon.
PAMPOLITIKA - ang tawag sa paraan ng pagsasaayos ng
lipunan upang masiguro na ang mga bawat isa ay malayang
kabutihang panlahat.
Mag-iipon, mag-iingat, at magbabahagi ng yaman ang pamahalaan sa pmamamgitan ng pagbubuwis at pag bibigay serbisyo. Mag papatupad ng batas upang matiyak ang soberanya at mapanatili ang seguridad at kapayapaan sa loob ng bansa na kailangan sa pagiging produktibo ng lipunan.
Sa barkada at pamayanan, basta sumusunod ang mga kasapi sa mga tumatayong lider kahit sa una’y ayaw
naman talaga. Bakit ? Dahil mayroong nakikita sa kanilang
pag-aalab ng kalooban.
Ang pamahalaan ay kaloob ng mga tao sa kapwa nila tao dahil sa nakikita nilang husay at galing ng
mga ito sa pamumuno at pangangasiwa.
Ang lipunan ay hindi pinapatakbo ng iilan. Kailangan pa ring makilahok ng taumbayan, gawin ang kayang gawin ng bawat
isa, at ibahagi ang bunga ng paggawa sa bayan.
Ang proyekto ng pinuno ay hindi
proyektong para sakanyang sarili. Ito ay proyekto para sakanya
at para sa kaniyang pinamumunuan.
PRINSIPYO NG SUBSIDIARITY – ay tumutulong sa pamahalaan ang mga
mamayan na magawa nila ang makakapag paunlad sa kanila na walang
makakahadlang sa kalayaan ng mga mamayan mula sa pinuno sa pamamagitan
ng pag –aambag sa estado ng kanilang buwis, lakas at talino.
PRINSIPYO NG PAGKAKAISA (SOLIDARITY) –
ay tungkulin ng mga mamayan ang magtulungan at ng pamahalaan ang mag tayo ng mga estruktura upang
makapagtulungan ang mga mamayan.
LIPUNANG PAMPOLITIKA - ay isang ugnayang nakaangkla sa pananagutan ng pinuno na pangalagaan ang nabubuong
kasaysayan ng pamayanan. Ang pag-unlad ng isang lipunan ay hindi gawa ng pinuno, gawa ito ng pag-ambag ng talino at lakas ng mga kasapi sa kabuuang pagsisikipa ng lipunan.
Ang pag-unlad ng
lipunan ay hindi gawa ng pinuno. Gawa ito ng talino at lakas ng mga kasapi
sa kabuuang pagsisikap ng
lipunan.
Ang namumuno ay hindi espesyal na nilalang na hiwalay sa
kasaysayan ng tao at bayan. Nangunguna lamang sila sa grupo, hindi nasa itaas ng iba. Utang na
loob nila sa taumbayan na ipinaubaya sa kanila ang pangunguna sa bayan.
“Boss” ng bayan ang pangulo – magtiwala ang bayan sa pangunguna ng
pinuno dahil may makikitang higit at dakila
ang pinuno para sa kasaysayan at
kabutihang panlahat.
“Boss” naman ng pinuno ang taumbayan –
walang gagawin ang pinuno kundi ingatan,
payabungin, at paunlarin ang mga karapatan at
kalayaan ng mga tao sa bayan.
top related