epp 6 he aralin 1- kahalagahan ng pagiging malinis at maayos sa sarili

Post on 12-Jan-2017

742 Views

Category:

Education

45 Downloads

Preview:

Click to see full reader

TRANSCRIPT

IKALAWANG MARKAHAN:

ARALIN 1:KAHALAGAHAN NG

PAGIGING MALINIS AT MAAYOS SA SARILI

Ano ang masasabi ninyo tungkol sa unang

larawan? Sa pangalawa?Dapat ba silang

pamarisan? Bakit?Paano mo ito magagawa?

Ano ang mga karanasan ninyo sa pag-aayos ng sarili bago pumasok sa paaralan?

GAWAIN: Pagpapangkat Pag-usapan ang kahalagahan ng maayos at mabikas na sarili at tulong-tulong na sagutin ang mga tanong..

A. Maglista ng mga tao sa paaralan na may maayos at mabikas na paggayak. Paano ninyo sila tutularan?

B. Maglista ng mga tao sa sariling pamayanan na may maayos at mabikas na paggayak. Bakit masasabing maayos at mabikas ang kanilang paggayak?

C. Mabikas at maayos ba ang paggayak ng mga kasapi ng inyong grupo? Paano ninyo ito panatilihin?D. Masdan mabuti ang inyong sarili sa salamin. Ano ang inyong masasabi? May tiwala ba kayo sa sarili para harapin ang sinumang tao? Bakit?

Paglalahad ng awput:

Pagtatalakay:Ano ang nararapat gawin para mapanatiling maayos at mabikas ang paggayak at ang kahalagahan ng pagpapanatiling maayos at mabikas sa sarili?

Mabikas na Paggayak: A. Pagiging malinis sa katawan mula ulo hanggang paa. B. Pagsusuot ng malinis, maayos at angkop na pananamit. C. Pagpapanatiling malusog ng katawan; - pag-eehersisyo - pagkain ng tama at masustansyang pagkain. - pagpapanatili ng mabikas na tindig.

Kahalagahan ng pagiging malinis at maayos:1. Masarap na pakiramdam at

mababakas sa mukha ang kasiyahan.

2. Magkakaroon ng tiwala sa sarili na humarap sa sinumang tao o anumang gawain.

3. Magiging listo sa klase at sa pakikilahok sa mga gawaing pampaaralan.

4. Magkakaroon ng maraming kaibigan at kagigiliwan ng lahat.

Pagbubuo ng Mahalagang Kaisipan: Mahalaga bang panatilihing maayos at mabikas ang paggayak? Bakit?

PAGTATAYA:Isulat ang tama kung mahalaga ang Gawain at mali kung di-mahalaga.1. Ang batang may mabikas

na gayak ay kinagigiliwan ng lahat.

2. Higit na magandang tingnan ang batang malinis na, may angkop na kasuotan pa.

3. Ang pagpapanatili ng kalinisan ng katawan ay mahirap na gawain.4. Ang pagiging malinis at maayos sa sarili ay isang kaugaliang dapat simulant kung nasa tamang edad na.5. Ang madalas na pagsasagawa ng mga pangkalusugang gawi ay nakadaragdag sa pagkakaroon ng mabikas na paggayak.

MGA SAGOT SA PAGTATAYA

PAGTATAYA:Isulat ang tama kung mahalaga ang Gawain at mali kung di-mahalaga.1. Ang batang may mabikas

na gayak ay kinagigiliwan ng lahat.

2. Higit na magandang tingnan ang batang malinis na, may angkop na kasuotan pa.

TAMA

TAMA

3. Ang pagpapanatili ng kalinisan ng katawan ay mahirap na gawain.4. Ang pagiging malinis at maayos sa sarili ay isang kaugaliang dapat simulan kung nasa tamang edad na.5. Ang madalas na pagsasagawa ng mga pangkalusugang gawi ay nakadaragdag sa pagkakaroon ng mabikas na paggayak.

MALI

MALI

TAMA

TAKDANG GAWAIN:Humanap ng kapareha at ipasagot sa kanya ang mga tanong tungkol sa iyo, lagyan ng tsek(/) o ekis(X) ang patlang.___1. Ako ba ay malinis?___2. Ang mga damit ko ba ay malinis at walang lukot?___3. Mayroon ba akong malinis at malusog na kutis?

___4. Ang buhok ko ba ay malambot, makintab at maayos ang pagkakasuklay?___5. Pinapanatili ko bang maayos ang aking tindig sa lahat ng oras?___6. Ako ba ay magalang at may masayang disposisyon?___7. Sinusunod ko ba ang wastong oras ng pahinga at pagtulog?

___8. Ako ba ay kumakain ng wasto, masustansya at sapat na pagkain?___9. Naglaan ba ako ng panahon sa pageehersisyo?___10. Angkop ba ang aking kasuotan sa ibat ibang okasyon?

top related