elisha 2 - 7am tagalog service - ptr. vetty gutierrez

Post on 19-May-2015

112 Views

Category:

Spiritual

0 Downloads

Preview:

Click to see full reader

TRANSCRIPT

NAGHUHUKAY NG BALON SA TAGTUYOT:

NAKAKATAWANG PANANAMPALATAYA

Ang pinakamatindi mong pangangailangan ay

nagiging pagpapala kapag ito ay itinutulak ka na mag-

depende lang sa Diyos.

2 HARI 3:9-12

9 Kaya, nagsama-sama ang sandatahang-lakas ng mga hari ng Israel, Juda at Edom. Makaraan ang pitong araw nilang paglalakad, naubusan sila ng tubig. Wala nang mainom ang mga kawal at ang mga hayop. 

2 HARI 3:9-12

10 Dahil dito, sinabi ng hari ng Israel, "Tayong tatlo'y pinagsama-sama ni Yahweh upang ibigay sa kamay ng mga Moabita."

2 HARI 3:9-12

11 Itinanong ni Jehoshafat, "Wala ba ritong propeta para makasangguni tayo kay Yahweh?" Sumagot ang isa sa mga opisyal ng hari ng Israel, "Narito po si Eliseo, ang anak ni Safat at dating lingkod ni Elias."

2 HARI 3:9-12

12 Sinabi ni Jehoshafat, "Siya ay tunay na propeta ni Yahweh." At ang tatlong hari ay pumunta kay Eliseo.

2 HARI 3:13-14

13 Tinanong ni Eliseo ang hari ng Israel, "Bakit sa akin kayo lumalapit at hindi sa mga propetang nilapitan ng inyong ama't ina?”

2 HARI 3:13-14

"Sapagkat kaming tatlo'y pinagsama-sama ni Yahweh upang ibigay sa kamay ng mga Moabita," sagot ng hari.

2 HARI 3:13-14

14 Sinabi ni Eliseo, "Saksi si Yahweh, ang buhay na Makapangyarihan sa lahat, na siyang aking pinaglilingkuran. Kung hindi lang dahil kay Haring Jehoshafat ng Juda, ni hindi kita papansinin.”

2 HARI 3:15

15 “Dalhan ninyo ako ng isang manunugtog." Ganoon nga ang ginawa nila. Nang tumutugtog na ito, si Eliseo'y nilukuban ng kapangyarihan ni Yahweh. 

2 KINGS 3:15-16 (NKJV)

15 ”But now bring me a musician.” Then it happened, when the musician played, that the hand of the LORD came upon him.16 And he said, “Thus says the LORD: ‘Make this valley full of ditches.’

2 HARI 3:17-18

17 “Hindi uulan ngunit mapupuno ng tubig ang batis na ito para may mainom kayo at ang inyong mga hayop. 

2 HARI 3:17-18

  18 Hindi lamang iyan ang gagawin niya sa inyo. Ibibigay niya sa inyong mga kamay ang mga Moabita.” 

ANG PANANAMPALATAYANG

MAY GAWA

Diyos lang ang pwedeng magpadala ng ulan, subalit

minsan ang nais Niya ay maghukay ka ng balon.

JAMES 2:26(NLT)

  26 Just as the body is dead without breath, so also faith is dead without good works.

SANTIAGO 2:26

  26 Patay ang katawang walang espiritu; gayundin naman, patay ang pananampalatayang walang kasamang gawa.

“Ipakita mo ang iyong pananampalataya at

ipapakita Ko ang Aking katapatan.”

Kadalasan, nais ng Diyos na makasama tayo sa mga

milagro na Kanyang ginagawa.

“Real faith believes BIG but is willing to start small.”

Ang totoong pananampalataya ay naniniwala sa mga

malalaking bagay subalit payag siyang magsimula sa

maliit.

Magplano ng MALAKI, magsimula sa maliit, at

magpakalalim ka.

ZECHARIAH 4:10

(NLT)

  10 Do not despise these small beginnings, for the LORD rejoices to see the work begin, to see the plumb line in Zerubbabel’s hand.”

ZACARIAS 4:10

  10 “Nag-aalala sila ngayon dahil sa mabagal na pagkayari ng templo. Ngunit matutuwa sila kapag nakita nilang ito'y pinapamahalaan na ni Zerubabel."

2 HARI 3:20

  20 Kinaumagahan, sa oras ng paghahandog, nakita nilang umaagos ang tubig mula sa Edom at naging masagana sa tubig ang lupaing iyon.

GAWIN MO ANG IYONG

PINANAMPALATAYAAN.

MAGHUKAY NG BALON.

top related