ang varayti at varyasyon ng wika

Post on 26-Dec-2015

920 Views

Category:

Documents

33 Downloads

Preview:

Click to see full reader

DESCRIPTION

Ang Presentasyong ito ay nag bibigay ng kahulugan ng Varayti at Varyasyon ng Wika.

TRANSCRIPT

ARALIN: ANG VARAYTI AT

VARYASYON NG WIKA

Ang paniniwala noon,Wika ay isang biyayang nagmula sa langit mula

sa Diyos.

Kontemporaryong Panahon: Wika >Inimbento atdinivelop ng tao >paraan ng paglipat ng kaalaman

Ayon kay Constantino(2002) >Ang Pagkakaroon ng Pagkakaiba-iba sa

wika ay hindi nangangahulugang negatibo.

Pahayag niya;

Pagkakaisa at Pagkakaiba Pagkakaisa sa Pagkakaiba Pagkakaiba tungo sa Pagkakaisa

Ang Pananaw na ito ay nabuo sa kontekstong umiiral sa panahon ng ideya ng progreso na kaugnay ng Sibilisasyon na sumasangkot sa Kultura at Institusyon.

Kultura-ay hango sa mga tao. Wika-ay nagpapahayag ng

espiritu/kaluluwa ng mga tao na bumubuo ng Lipunan/Komunidad.

Lipunan-ay nangangailangan ng;>Pakikisalamuha(integrasyon)>Ugnayan(interdependence) ng mga tao.

Ang ugnayan ng Wika at Lipunan ito ay kinasasangkutan ng isang masining na kultura.

Nagiging komplikado habang lumalaki at lumalawak ang progreso.

Nagkakaiba ang mga ideya at gawain ng mga tao.

Nagiging espesyalisado ang mga gawain at tungkulin.

Ayon kay Rousseau(1950)>Tumutungo ang bagay na ito sa

pagkakaiba-iba sa Kultura at Wika.>Siyang panukat sa progreso ng mga tao.

..Ang pagkakaiba-iba sa kultura ay wika ay nagbubunga sa bawat panahon,at pag-uugali at kaasalan,na may kaugnayan sa di pagkakapantay-pantay ng mga wika,sangkot ang Tagapagsalita,Kultura at Sibilisasyon.

Bunga nito; May tinawag na mga Wikang;Superyor-imperyor(Calvet 1987,nasa

Williams 1992)Sibilisado-di sibilisado,barbaro,edukado-di

edukado,pangmasa(Voltaire 1952,nasa Williams 1992)

Mataas,bulgar, istandardisado-di istandardisado(de Brosse 1801,at Garvinas nasa Williams 1992)

Sa gitana ng mga Pagkakaiba-iba sa mga wika dahil sa Pagkakaiba-iba ng mga Gawain at Tungkulin ng Tao sa Lipunan.

Kinailangan ang isang estado na mag-iisa o magbibigay ng Kaayusan sa lipunan sa pamamagitan ng mga batas at mga institusyong magsasagawa ng mga ito.

..Kaya ang Lipunan kailangan ng; A.Pakikisalamuha (Integrasyon) B. at Ugnayan ( Interdependence) ng

mga tao.

VARAYTI NG WIKA: MGA TEORYA SOSYOLINGGWISTIKONG Teorya> Ang wika ay Panlipunan at ang

speech(langue) ay pang-indibidwal.(Sapir 1949)- ang Wika ay isang

instrumento o kasangkapan ng Sosyalisasyon,na ang mga relasyong sosyal ay hindi iiral kung wala ito.

(Saussure 1915)- ang wika ay hindi kompleto sa sinumang tagapagsalita,umiiral lamang ito sa loob ng kolektibo.

HETEROGENOUS NG WIKA Magkakaibang indibidwal at grupo na may

magkakaibang lugar na; >tinitirhan >interest >gawain >pinag-aaralan at iba pa. PANINIWALA > Ang wika ay Hindi Isang Simpleng Instrumento

ng Komunikasyon na ginagamit ng indibidwal ayon sa isang sistema ng mga alituntunin.

> Ito ay Isang Kolektibong Pwersa. > pagsasama-sama ng mga Anyo sa isang

magkakaibang kultura at sosyal na mga gawain at grupo.

2 DIMENSYON ANG PAGKAKAROON NG VARYABILIDAD NG WIKA A. Heograpiko (Diyalekto) > Ang nabubuong Anyo ng Wika B. Sosyal (Sosyolek) > Ang nabubuong Wika ...Ang mga ito ay nagkakasama-sama sa

Isang Komunidad.

DIMENSYONG HEOGRAPIKAL(DIYALEKTO) Pagkakaroon ng Linggwistikong

Diyalekto. Pagkakaiba-iba ng wika Iba-iba ang lokasyon ng tagapagsalita

ng wika >Halimbawa: American English,Canadian

English,Australian English,British English,Filipino English,Singaporean English,Tagalog Rizal, Tagalog Bulacan, Tagalog Batangas at iba pa.

DIMENSYONG SOSYAL( SOSYOLEK) Pagkakaroon ng mga; Register,Jargon sosyal na varayti. Pagkakaiba-iba ng wika,dahil sa iba’t

ibang estado ng tao sa lipunan. ....HALIMBAWA..... > Wika ng bakla,wika ng

estudyante,wika ng matatanda,wika ng kababaihan, register ng matematika,register ng pisika,wika ng isports sa pagbabalita ,Wika ng Relihiyon,wika sa Showbiz.

MGA TEORYA SA SLA(SECOND LANGUAGE ACQUISITION) Teoryang Akomodasyon (Howard Giles)A. Linggwistic Convergence > pagiging kabilang sa grupo gumaya,bumagay sa pagsasalita ng

kausap Pakikiisa,pakikilahok,pakikipagpalagay

an ng loob,pakikisama.

B. Lingwistik Divergence >pagkakaroon ng sariling kakayahan >identidad o pagkakakilanlan >pagiging iba sa gamit ng wika

# Interferens Fenomenon >tumutukoy sa; Impluwensya sa

bigkas,leksikon.morpolohiya,sintaktika sa pagkatuto ng wika.

#. Interlanguage> Tumutukoy sa Mental Grammar na

nabuo ng tao pagdating ng panahon sa proseso ng pagkatuto niya sa pangalawang wika.

> Nabago ang paggamit ng grammar ng wika sa pamamagitan ng pagdagdag o pagbawas at pagbabago ng mga alituntunin.

3 PANGUNAHING PERSPEKTIBO O ASPEKTO(PAG-AARAL NG VARAYTI AT VARYASYON NG WIKA)

A. Perspektibong Sikolohiko B. Pedagohikal C. Intelektwal

2 MALAKING URI ANG VARAYTI NG WIKA A. Permanenteng Varayti ( Idyolek at

Dayalek)> Idyolek – ay ang katangian o gamit ng

wika na kaiba o pekulyar sa isang indibidwal.

> Dayalek – paggamit ng wika batay sa lugar,panahon,kaanyuan ng buhay. Paraan ng salita,batay sa kanyang estado o grupong kinabibilangan.

B. Pansamantalang Varayti > kaugnay sa kagya’t na sitwasyong

pampamamahayag. > nabibilang dito ang Register,modo at

estilo. >terminong ginagamit sa iba’t ibang

larangan.

Register –ang tawag sa varayting kaugnay ng higit na malawak na panlipunang papel na ginagampanan ng tagapagsalita sa oras ng pahayag.

Ang pagkakaroon ng Varayti ng Filipino ay

unti-unting nagbabago ang saloobin ng marami sa Wikang Pambansa. Magkakaroon ng Kamalayan ang isang Pilipino na may bahagi at papel siya sa Pagpapaunlad ng Wikang Pambansa.Hindi na binibigyan ng pansin kung saan ka nanggagaling,tama ba ang pagbigkas at pagkagamit ng mga salita ng isang tao. Ang MAHALAGA ay magkakaunawaan at mauunawaan ng nakararaming Pilipino ang pagkakaiba ng kahulugan,at implikasyon ng magkaiba at naiibang konsepto ng Wikang Pambansa.

top related