ang kredo, artikulo 1

Post on 17-Dec-2014

2.603 Views

Category:

Documents

28 Downloads

Preview:

Click to see full reader

DESCRIPTION

 

TRANSCRIPT

Sumasampalataya ako sa Diyos Amang

Makapangyarihan sa Lahat na may Gawa ng

Langit at Lupa

(Artikulo 1)

Ano bang kahulugan ng

“Sumasampalataya Ako sa Diyos?”

Ang sumasampalataya ay nangangahulugan ng ganap

na pagsuko sa Diyos ng ating talino at kalooban.

Ang manalig sa Diyos ay nangangahulugan ng

pakikinig sa kanyang Salita at pagsasakatupan nito.

Ang sumasampalataya sa Diyos ay nangangahulugan

din ng pagmamahal sa kanya.

“Makinig ka, Israel! Si Yahweng Diyos natin ay iisang Diyos. Mahalin mo si

Yahweh, iyong Diyos, nang buo mong puso, buong

kaluluwa at buong lakas” (Deuteronomio 6:4-5).

Si Abraham ang Ama ng lahat ng sumasampalataya.

“Lisanin mo ang iyong bayan at magpunta ka sa lupang ituturo ko

sa iyo. Gagawin kitang isang malaking bayan. Pagpapalain kita at gagawin kong dakila ang iyong pangalan, at magiging pagpapala

ka sa iba” (Gen 12:2-3).

Si Abram ay tinawag ng Diyos. Hindi man batid kung saan siya

tutungo, siya ay nanalig sa Diyos.

Muling sinubukan ng Diyos si Abraham. Ipinag-utos ng Diyos na ihandog ang kanyang anak na si

Isaac. Hindi man nauunawaan ay sinunod ni Abraham ang Diyos.

Ang Birheng Maria ay huwaran ng

pananampalataya.

Ang Pagbati ng Anghel kay Maria

Ang sagot ni Maria kay Anghel Gabriel:

“Ako’y alipin ng Panginoon, maganap nawa sa akin

ang iyong sinabi” (Lukas 1:38)

Ano ang kahulugan ng “Amang Makapangyarihan

sa Lahat?”

Ang Diyos ay Ama dahil nilikha niya ang sanlibutan.

Bilang pagtupad sa Kanyang pangako, isinugo ng Diyos ang Salita upang

magkatawang-tao.

Si Hesukristo ang Diyos na totoo at Tao rin totoo, kapantay sa

pagka-Diyos ng Ama.

Isinilang at hindi nilikha.

Pagkatapos na si Hesus ay namatay at muling nabuhay,

siya ay umaakyat sa Ama.

Sa kahilingan ni Hesus, ang Espiritu Santo

ay isinugo sa mga alagad.

Ang aral tungkol sa “Banal na Trinidad”

ay nagsasaad na ang Diyos ay may Isang Banal na Kalikasan, ngunit may tatlong Banal na

Persona: Ama, Anak at Espiritu Santo.

Patunay ng Tatlong Persona ng Diyos, sinabi ni Hesus:

“Kaya humayo kayo at gawing mga alagad ang lahat ng bansa.

Binyagan sila sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo”

(Mateo 28:19).

Ang Diyos ay makapangyarihan

dahil walang imposible sa Kanya.

Ang Diyos ang Tagapaglikha

Ang Diyos ang gumawa ng langit at lupa mula sa wala.

Nilikha ng Diyos ang sanlibutan dahil sa pag-ibig.

Ang Diyos, bilang mabuting Ama, ay nangangalaga sa kanyang mga nilikha sa

pamamagitan ng kanyang kagandahang-loob.

Ang hantungan ng mga nilikha ay bigyang

luwalhati ang Diyos.

Nilikha ng Diyos ang lahat ng bagay. Subalit hindi

niya nilikha ang kasamaan at kamatayan.Pumasok ito sa mundo

dahil sa inggit ng demonyo.

Mababatid natin nang buong katiyakan ang pagkakaroon ng

Diyos na lumikha ng langit at lupa, kapag ating

pinagmamasdan ang kagandahan at kaayusan

ng sanlibutan.

Ang Banal na Trinidad ay kumilos nang sama-sama

bilang isang Diyos sa paglikha ng sanlibutan.

Ang Diyos ang may likha ng langit at lupa, at ng lahat ng nakikita at di

nakikitang bagay.

Ang Mga Anghel

Bago pa nilikha ng Diyos ang tao, nilikha na niya ang mga anghel - mga espiritwal at

walang katawan.

Ang misyon ng mga anghel ay paglingkuran ang Diyos at

pangalagaan ang tao.

Ang Tao

Ang tao ay nilalang ayon sa larawan at pagkahalintulad sa

Diyos (Gen 1:26), may kaluluwa, talino at sariling pasya.

Ang tao ay nilalang na lalaki at babae, kapwa may dangal

na kawangis ng Diyos, subalit magkaiba sa kasarian at katawan.

Hindi sila magkasalungat, kundi magkatugma.

Sa Paraiso, sina Adan at Eba ay pinagkalooban ng orihinal na kabanalan at katarungan.

Mapayapang namumuhay kapiling ng Diyos at ng ibang nilalang. Walang pagdurusa

o kamatayan.

Ang Kasalanang Mana

Ang lahat ng nilalang ng Diyos ay mabuti.

Ang kasamaan at kamatayan ay pumasok sa mundo dahil

sa inggit ng demonyo.

Isang Arkanghel Lucifer, “Tagapagdala ng Liwanag,”

ang naging palalo at naghangad na matulad sa Diyos.

Pinalayas siya sa Paraiso at itinapon sa lupa.

Ang Anghel na si Lucifer ay tinawag na

Satanas (Taga-usig), Beelzebul (Diyos ng Langaw),

Demonyo (Tagahati).

Tinukso ni Satanas si Eba na gawin ang ipinagbabawal ng Diyos

at sila ay matutulad sa Diyos na alam ang mabuti at masama (Gen 3:4-5).

Ginawa nga ni Adan at Eba ang ipinagbabawal ng Diyos at sila ay

pinalayas sa Paraiso.

Ang Pagkakasala ng Tao

Ang bunga ng kasalanang mana ay pagkapawi ng orihinal na kabanalan at katarungan ng tao, pumasok sa mundo ang

kamatayan at ang buong lahi ni Adan ay ipinaglihing may

kasalanang mana.

top related