alamat ng makopa

2
Ang Alamat ng Makopa Sa isang malayong bayan sa lalawigan ng Samar ay may isang simbahang denarayo ng maraming debuto. Ang mga tao ay nagtutungo roon upng magdasal at mikinig ng misa. Asang bagay na nakaaakit sa kanila sa simbahang iyon ay ang napakagandang tunog ng kanilang mga kampana. Tatlong kampana nasa kampanaryo ng simbahan. Kapag kinakalembang na ang mga ito ay nakalilikha ng tunog na kaiga-igaya sa madla. Subalit ang mga kampanang iyon ay hindi lamang ginagamit sa pagtawag ng mga tao upang magsimba at magdasal. Ang mga ito rin naghuhudyat ng mga kalamidad tulad unos, baha, sunog at iba pa. Ito ang dahilan kung bakit ang mga pirata sa karagatan ay hindi makasalakay sa nasabing bayan. Laging hindi natutuloy ang kanilang mga masasamang balak sapagkat si Pedro kampanero ay maagap na makapagbibigay-babala sa kanyang mga kababayankapag natatanaw pa lamang niya mula sa tore ng kampanaryo ang pagdating ng mga masasamang-loob. Isang araw, isang maitim na balak ang binuo ng mga pirata.”Nanakawin natin ang mga kampanang iyon!”Halos yumanig ang mga dingding ng barko sa malakas na bosesng pinuno ng mga pirata. “ Iyon ang dahilan kung bakiy hindi tayo makapasok sa bayan,” ngitngit na ngitngit na dugtong pa nito. Isang gabi walang buwan, isinagawa ng nga pirate ang kanilang mga plano. Mabilis at walang nakapuna sa kanilang paggapang patungo sa kampanaryo ng simbahan. Dala ang matatalim na kutsilyo, dire-diretso sila sa itaas ng kampanaryo. Handang-handa na sila upng putulin ang kinatatalian ng mga kampana subalit…”Wala! Wala na rito ang mga kampana! Nasan ang mga kampanang iyon?” Halos lumabas ang tilid ng pinouno sa pagsigaw mula sa tore. Bagay na nakagising ng maraming lalaki sa bayan. Dala-dala ng mga sulo, nagpanakbuhan ang mga itosa kampanaryo. “ Habulin, habulin ang mga magnanakaw!” sigawa ng kalalakihan. Mabilis na nagtatakbuhan ang mga pirata. Hindi na sila inabot ng galit nag alit na taumbayan. “Subalit nasaan na ang kampana? Nasaan si Pedro? Pinatay ba nila si Pedro” Ito ang mga katanungang nagapalipat- lipat sa labi ng mga tao. Hindi na nga nila muling narinig ang kanilang kampana, kaya lubos na nalungkot ang mga taumbayan. Naaalala rin nila ang madalas na sabihin ng kampanerong si Pedro noong kasa-kasama pa nila ito. “Mahal na mahal ko ang kampanang ito. Maraming beses na nailigtas ang ating bayan dahil sa mga ito kaya’t iaalay ko rin maging ang aking buhay para sa kin agisnan nating kampana,” madalas sabihin ito sa mga kaibigan. Hanggang isang araw, isang di karaniwang halaman ang tumubo sa likod ng simbahan, sa tabi ng kubo ni Pedro. Inaakala nilang itinanim ito ng binata kaya’t inalagaan ang halaman. At nang mamanga’t mahinog ang mga bunga’y anong laking pagkamangha ng lahat. Ang mga ito ay hugis-kampana. Tila kumpol-kumpol na kampana. Ang lubos na nakapagtataka ay ang pulang kulay ng mga ito. Isang matandang babae ang nakasaksi sa lahat. Hindi nito nagawang ikuwento agad ang mga pangyayari sapagkat siya’y nauulyanin na at madalas ng makalimot sa mga nangyayari sa kanya. Nagbalik lamang ang kanyang alaala nang Makita ang bungang hugis kampana at kulay-pula. Narinig ko ang pagdating ng mga pirata ng gabing iyon. Mabilis sila subalit higit na mabilis si Pedro. Hindi niya pinatunog ang kampana sapagkat malapit na ang mga pirata. ayaw niyang may mapahamak sa mga taumbayan.naigawa niyang maibaba ang niyang ibaba ang kampana

Upload: rigen-maalam

Post on 20-Jan-2016

90 views

Category:

Documents


3 download

TRANSCRIPT

Page 1: Alamat Ng Makopa

Ang Alamat ng Makopa

Sa isang malayong bayan sa lalawigan ng Samar ay may isang simbahang denarayo ng maraming debuto. Ang mga tao ay nagtutungo roon upng magdasal at mikinig ng misa. Asang bagay na nakaaakit sa kanila sa simbahang iyon ay ang napakagandang tunog ng kanilang mga kampana. Tatlong kampana nasa kampanaryo ng simbahan. Kapag kinakalembang na ang mga ito ay nakalilikha ng tunog na kaiga-igaya sa madla.

Subalit ang mga kampanang iyon ay hindi lamang ginagamit sa pagtawag ng mga tao upang magsimba at magdasal. Ang mga ito rin naghuhudyat ng mga kalamidad tulad unos, baha, sunog at iba pa. Ito ang dahilan kung bakit ang mga pirata sa karagatan ay hindi makasalakay sa nasabing bayan. Laging hindi natutuloy ang kanilang mga masasamang balak sapagkat si Pedro kampanero ay maagap na makapagbibigay-babala sa kanyang mga kababayankapag natatanaw pa lamang niya mula sa tore ng kampanaryo ang pagdating ng mga masasamang-loob.

Isang araw, isang maitim na balak ang binuo ng mga pirata.”Nanakawin natin ang mga kampanang iyon!”Halos yumanig ang mga dingding ng barko sa malakas na bosesng pinuno ng mga pirata. “ Iyon ang dahilan kung bakiy hindi tayo makapasok sa bayan,” ngitngit na ngitngit na dugtong pa nito.

Isang gabi walang buwan, isinagawa ng nga pirate ang kanilang mga plano. Mabilis at walang nakapuna sa kanilang paggapang patungo sa kampanaryo ng simbahan. Dala ang matatalim na kutsilyo, dire-diretso sila sa itaas ng kampanaryo. Handang-handa na sila upng putulin ang kinatatalian ng mga kampana subalit…”Wala! Wala na rito ang mga kampana! Nasan ang mga kampanang iyon?” Halos lumabas ang tilid ng pinouno sa pagsigaw mula sa tore. Bagay na nakagising ng maraming lalaki sa bayan. Dala-dala ng mga sulo, nagpanakbuhan ang mga itosa kampanaryo. “ Habulin, habulin ang mga magnanakaw!” sigawa ng kalalakihan.

Mabilis na nagtatakbuhan ang mga pirata. Hindi na sila inabot ng galit nag alit na taumbayan. “Subalit nasaan na ang kampana? Nasaan si Pedro? Pinatay ba nila si Pedro” Ito ang mga katanungang nagapalipat-lipat sa labi ng mga tao.

Hindi na nga nila muling narinig ang kanilang kampana, kaya lubos na nalungkot ang mga taumbayan. Naaalala rin nila ang madalas na sabihin ng kampanerong si Pedro noong kasa-kasama pa nila ito. “Mahal na mahal ko ang kampanang ito. Maraming beses na nailigtas ang ating bayan dahil sa mga ito kaya’t iaalay ko rin maging ang aking buhay para sa kin agisnan nating kampana,” madalas sabihin ito sa mga kaibigan.

Hanggang isang araw, isang di karaniwang halaman ang tumubo sa likod ng simbahan, sa tabi ng kubo ni Pedro. Inaakala nilang itinanim ito ng binata kaya’t inalagaan ang halaman. At nang mamanga’t mahinog ang mga bunga’y anong laking pagkamangha ng lahat. Ang mga ito ay hugis-kampana. Tila kumpol-kumpol na kampana. Ang lubos na nakapagtataka ay ang pulang kulay ng mga ito.

Isang matandang babae ang nakasaksi sa lahat. Hindi nito nagawang ikuwento agad ang mga pangyayari sapagkat siya’y nauulyanin na at madalas ng makalimot sa mga nangyayari sa kanya. Nagbalik lamang ang kanyang alaala nang Makita ang bungang hugis kampana at kulay-pula.

Narinig ko ang pagdating ng mga pirata ng gabing iyon. Mabilis sila subalit higit na mabilis si Pedro. Hindi niya pinatunog ang kampana sapagkat malapit na ang mga pirata. ayaw niyang may mapahamak sa mga taumbayan.naigawa niyang maibaba ang niyang ibaba ang kampana bago pa sila umabot sa kampanaryo,” wika ng babae habang halos hindi kumukurap ang lahat sa pkikinig sa kanya.”Ipinadaosdos niya ang mga kampana sa tulunog ng lubid subalit sa kasamaang-palad, sa huling kampana ay sumabit ang paa niya at nahuluog siya. Sa kabila nito, nagawa pa niyang hilahin ang mga kampana. Hindi ko malaman kung saan niya dinala subalit alam kong hidi niya pinabayaan ang mga kampana.” Naluluha ang matanda sa kanyang pagsasalaysay. “Narinig ko na lamang ang kanyang tahimik na pagdaing habang hinahabol ninyo ang mga pirata,” dugtong pa nito.

“Ano pa ang narinig ninyong sinabi niya? Usisa ng isa sa mga taong bayan.“Ma….. mahal ko ang mga kampana….”Iyon ang paulit-ulit niyang sinasambit.

Hanggang sa marinig ko na lang ang mga katagang ma… ko….pa….at alam kung pumanaw siya dala marahil ang tindi na sugat niya”.

Walang hindi lumuha nang mga sadaling iyon. Si Pedro na nanindigan para sa ikabubuti ng lahat ay nakasama ng mga kampana hanggang huling sandal nito.

“kaya pala kulay-pula ang mga bunga nito. Ang kulay ng dugo ni Pedrong siyang dumilig sa mga kampana.” Magmula noon, tinatawag ng mga tao ang halamang “makopa” bilang pag-alala sa mga katagng sinambit ni Pedro “Ma…mahal ko ang kam…pa…na…”