alamat ng alitap

7
ALAMAT NG ALITAP-TAP Noong unang panahon, sa baryo ng Kuliglig ay may isang dalagang nag ngangalang “Alitap”. Siya ay isang magandang dilag. Lahat ng nasa baryo ay nabibighani sa kanyang ganda. Isang araw pumunta siya sa bukid upang puntahan ang kanyang mga magulang. May dala siyang pagkain at tubig. Sa kanyang paglalakad kitang- kita sa mga mata ng mga nakakakita sa kanya ang lubos na paghanga sa kanya. madalas siya din ang laman ng usapan ng mga kalalakihan sa baryo. Nadatnan niya ang mga magulang sa ilalim ng puno at namamahinga ang mga ito. Habang kumakain sila na pagkwentuhan nila ng kanyang mga magulang ang tungkol sa buhay pag-ibig ng kanilang anak. Dahil nasa tamang gulang na si Alitap. At dahil si Alitap ay isang dalagang pihikan at walang maibigan sa kanilang baryo. Kahit na maraming nanliligaw dito at halos gabi-gabing maraming dumarayo sa kanilang tahanan upang mangharana. Ngunit sadyang hindi makapili ang dalaga. Isang araw na isip ng dalaga kung anu-ano ang mga katangian na nanaisin niya sa isang lalaki. At naisip niyang hindi niya kailangan ang lalaking gwapo at matipuno ang pangangatawan. Ang nais niya lang ay makisig, mabait at handa siyang ipaglaban kahit anung mangyari. Sa kabilang daku ng kabundikan may isang lalaking naninirahan sa bayan ng Tutubi na nagngangalang “Tap”, isa siyang kagalang-galang at makisig na lalaki at kilala siya sa kanilang baryo. At siya rin ang pinapantasya ng mga kababaihan sa kanilang

Upload: mackoypogi

Post on 23-Oct-2015

31 views

Category:

Documents


3 download

TRANSCRIPT

Page 1: Alamat Ng Alitap

ALAMAT NG ALITAP-TAP

Noong unang panahon, sa baryo ng Kuliglig ay may isang dalagang nag

ngangalang “Alitap”. Siya ay isang magandang dilag. Lahat ng nasa baryo ay

nabibighani sa kanyang ganda. Isang araw pumunta siya sa bukid upang puntahan ang

kanyang mga magulang. May dala siyang pagkain at tubig. Sa kanyang paglalakad

kitang-kita sa mga mata ng mga nakakakita sa kanya ang lubos na paghanga sa kanya.

madalas siya din ang laman ng usapan ng mga kalalakihan sa baryo. Nadatnan niya

ang mga magulang sa ilalim ng puno at namamahinga ang mga ito. Habang kumakain

sila na pagkwentuhan nila ng kanyang mga magulang ang tungkol sa buhay pag-ibig ng

kanilang anak. Dahil nasa tamang gulang na si Alitap. At dahil si Alitap ay isang

dalagang pihikan at walang maibigan sa kanilang baryo. Kahit na maraming nanliligaw

dito at halos gabi-gabing maraming dumarayo sa kanilang tahanan upang mangharana.

Ngunit sadyang hindi makapili ang dalaga. Isang araw na isip ng dalaga kung anu-ano

ang mga katangian na nanaisin niya sa isang lalaki. At naisip niyang hindi niya

kailangan ang lalaking gwapo at matipuno ang pangangatawan. Ang nais niya lang ay

makisig, mabait at handa siyang ipaglaban kahit anung mangyari.

Sa kabilang daku ng kabundikan may isang lalaking naninirahan sa bayan ng

Tutubi na nagngangalang “Tap”, isa siyang kagalang-galang at makisig na lalaki at

kilala siya sa kanilang baryo. At siya rin ang pinapantasya ng mga kababaihan sa

kanilang baryo. Siya ay anak ng mayamang tao sa “Tutubi” siya ay nasa wastong

gulang na din para mag-asawa. Iniisip na din ng kanyang ama kung anong gagawin

para ito’y makahanap ng kabiyak.

Naisip ng kanyang Ama’t Ina na ipakilala si Tap sa mga anak na babae ng

mayayamang pamilya. Dahil doon halos gabi-gabing may pumupuntang mayayamang

pamilya sa tahanan nila upang ipakilala ang anak nilang babae sa kanilang anak na si

“Tap”, ngunit wala alinman sa kanila ang nagustohan nito.

Page 2: Alamat Ng Alitap

Sa itaas ng bundok ang paboritong lugar ni Tap. Kung dati ay halos araw-araw

kung siya ay magpunta doon, subali’t dahil sa gabi-gabing iba’t-ibang babae ang

pumupunta sa tahanan nila upang ipakilala sa kanya ng kanyang mga magulang kung

kaya’t hindi na siya nagagawi roon. At isang araw naisipan niyang muling magpunta

roon, at nakita niya ang isang dalagang waring naliligo sa batis. Napansin niyang hindi

pala ito naliligo roon at meron lang pala itong kinukuha sa tabi ng batohan. Bumaba

siya malapit sa batis, subali’t nadulas ang babae at ito ay nalunod. Dahil dun agad-

agad tumalon si Tap sa tubig upang sagipin ang dalaga, nawalan ito ng malay kaya’t

binuhat niya ito at dinala niya ito sa ilalim ng puno malapit sa batis. Pinagmasdan niya

ang mukha ng dalaga at siya ay nabighani sa kanyang kagandahan, maya-maya ay

nagising na ang dalaga. Sa unti uniting nagmulat ang kanyang mga mata at mukha ng

isang lalaki ang kanyang napagmasdan. Agad nagtanong ang dalaga “Sino ka?” agad

sumagot ang binata “Ako si Tap! Mula sa bayan ng tutubi, Ikaw anong pangalan mo?”

Sumagot ang dalaga “Ako si Alitap mula sa bayan ng kuliglig”. Nagtanong ulit ang

binata “Anong ginagawa mo sa batis?” ang sagot ng dalaga “Kumukuha ako ng mga

gamot para sa aking ina”. Nagkakwentuhan sila at nagkapalagayan ng loob, hindi nila

napansin na hapon nap ala kaya’t nagpaalam na sla sa isa’t isa. Subalit bago sila

umalis nagtanong agad ang binata. “Magkikita pa ba tayo ulit?!” ang sagot ng dalaga

“Siguro,pero sana” at agad umalis ang dalaga. Sa paguwi nila sa kani-kanilang

tahanan, hindi mawala sa kanilang isipan ang isa’t-isa.

Pagkalipas ng ikatlong araw ay nagtungo si Alitap sa batis sa itaas ng bundok

kung saan sila nagkita. Pagkarating ni Alitap sa taas ay agad niyang nakita si Tap.

Nagka-kwentuhan ulit sila ng matagal hanggang dumating na ang hapon at kinailangan

na nilang maghiwalay, habang tumatagal ay lalong dumadalas ang kanilang pagkikita,

ngunit hindi magawang ng binata na ipakilala ang dalaga sa kanyang mga magulang

dahil si Alitap ay mahirap lamang at alam niya na hindi matatanggap ng kanyang mga

magulang ang dalaga, pero madalas parin silang magkita. Isang araw pinasundan ng

Ama si Tap, napasin kasi niya na madalas umalis ito at hapon na kung umuwi, at sa

pag uwi ni tap ay agad siyang pinatawag ng kanyang ama, nalaman na kasi niya na

nakikipag mabutihan si Tap sa isang anak ng magsasaka. Sa kabila ng pagbabawal ng

Page 3: Alamat Ng Alitap

ama ni Tap na umalis ng bahay, pagsapit ng gabi ay palihim siya umalis at nakipagkita

sa dalaga dahil kahit si Alitap ay pinagbawalan din na makipagkita sa kanya dahil alam

ng kanyang mga magulang na hindi siya matatanggap ng mga magulang ng binata,pero

kahit ganun ay pilit parin silang nagkikita. Sa mga dala nilang mga lampara ay sapat na

para mabigyan ng liwaag ang punong malapit sa batis at bago sumapit ang umaga ay

agad silang uwuwi sa kani-kanilang tahanan. Paulit-ulit nila ginagawa ang pagkikitang

iyon, Subalit isang gabi ay sinundan sila ng kanilang mga magulang; ang kanilang mga

lamparang dala na nagbibigay liwanag sa kanila tungo sa kanilang dating tagpuan ay

siya rin ang nagging gabay tungo sa pagkikita ng kani-kanilang mga magulang. Ang

saya sa kanilang mga mata ay biglang napalitan ng pangamba. Agad-agad silang

pinaghiwalay ngkanilang mga magulang, at nung gabing iyon ang kanilang nagging

huling pagkikita. Dahil sa higpit at utos ng kanilang mga magulang, natagpuan nalang

silang patay sa kanilang mga silid dahil mas ginusto panila yun kaysa mabuhay na wala

ang isa’t-isa.

Pagkalipas ng apat na araw sa pagsapit ng gabi ay nagtungo ang mga magulang

ni Alitap sa lugar kung saan sila nagkikita ni Tap. Napansin ng mga mgaulang ni Alitap

na isang kumukutikutitap sa kanilang harapan at pinagmasdan nila ito hanngang sa

makarating sila sa lugar na tagpuan ng dalawa. Ngunit hindi lang sila ang naruon,

nakita din nila ang mga magulang ni Tap at pinagmasdan lang nila ang dalawang

insektong kumukutikutitap. Iniisip nila ang kanilang mga anak. Tinawag nila itong Alitap-

tap na pangalan din ng kanilang mga anak at sa tuwing sasapit ang gabi, ang mga puno

aylumiliwanag sa pagmamahalan nila Alitap at Tap.

Page 4: Alamat Ng Alitap

Proyekto

Sa

Filipino

Alamat ng mga Alitap-tap

Ipapasa nina:

Acuña, Mark Leo A.Ladesma, Noven A.Moran, Noel B.

Ipapasa kay:

Page 5: Alamat Ng Alitap

Bb. Kristal Jane Flores