akda

7
I. AKDA a. Pamagat – “Dalawang Anghel” b. Sinong may Akda – c. Sangunian – https://www.facebook.com/notes/stories-of- your-life-katatakutan-kababalaghan-pag-ibig/ang- maikling-kwento-ng-dalawang-anghel-bunny-/ 248765191813590 II. Maikling kwento "Doon tayo! Makiusap tayo baka tayo ay patuluyin nila!!!" sabi ng nakababatang anghel. "tok.. tok.. tok.." Bumukas ang pinto at isang matandang lalaki ang nagbukas ng pinto. Ang leeg niya ay nakakasilaw dahil sa gintong kuwintas na kanyang suot. "Kami po ay ginabi sa paglalakbay, maaari po ba kaming makituloy...." sabi ng nakatatandang anghel.

Upload: salpandita

Post on 08-Dec-2015

29 views

Category:

Documents


5 download

DESCRIPTION

Filipino

TRANSCRIPT

Page 1: AKDA

I. AKDA

a. Pamagat – “Dalawang Anghel”

b. Sinong may Akda –

c. Sangunian – https://www.facebook.com/notes/stories-of-your-life-

katatakutan-kababalaghan-pag-ibig/ang-maikling-kwento-ng-dalawang-

anghel-bunny-/248765191813590

II. Maikling kwento

 

"Doon tayo!  Makiusap tayo baka tayo ay patuluyin nila!!!" sabi ng nakababatang

anghel. 

 

"tok.. tok.. tok.." 

 

Bumukas ang pinto at isang matandang lalaki ang nagbukas ng pinto.  Ang leeg niya ay

nakakasilaw dahil sa gintong kuwintas na kanyang suot. 

 

"Kami po ay ginabi sa paglalakbay, maaari po ba kaming makituloy...."  sabi ng

nakatatandang anghel. 

 

Hindi agad nakasagot ang matanda at tinitigan sila.  Nagaalinlangan ang matanda

sapagkat sila'y nakabalatkayo at hindi alam na sila ay mga anghel.  Ngunit dahil sa

pakiusap ng mga anghel na nagbalatkaong tao sila rin ay pinatuloy.  Sila ay pinatulog

sa isang masikip na kuwarto na may maatigas na higaan.  Hindi sila inalok ng makakain

kahit na alam ng matandang mayaman na sila ay nangangatog na sa gutom.  Nung sila

ay matutulog na, nakita ng nakatatandang anghel na may butas ang dingding ng

Page 2: AKDA

kuwarto.  Inayos niya iyon at isinarado ang butas.  Nakatingin amang ang

nakababatang anghel sa mga nangyari.   Kinabukasan, sila ay nagpasalamat at umalis

na.  Naglakbay nanaman sila at napunta sa isang bukid. 

 

"Gutom na talaga ako!" sabi ng nakababatang anghel. 

 

"O sige teka lang... sa banda roon ay may maliit na kubo...  tingnan natin at tayo ay

magtanong sa kanila.." 

 

Nung sila ay malapit na sa kubo nakita nila ang magasawang matanda.  Makikita sa

kanilang tindig ang hirap ng buhay. 

 

"Magandang hapon sa inyo, kayo ba ay naligaw?" sabi ng matandang lalaki. 

 

"Ginabi na po kami at kami po ay nagugutom... Nakakahiya po ngunit manghihingi kami

ng pabor na kung may konti kayong tinapay ay manghihingi po kami para kami ay

makaraos sa gabing ito.."  Sabi ng nakatatandang anghel... 

 

"Oo meron kami dito at gabi na rin masyado para kayo ay maglakbay, kaya dto na kayo

magpalipas ng gabi!" sabi ng matandang babae. 

 

Gutom man hindi pa rin masyadong nakakain ang nakababatang anghel sapagkat

napansin niyang ang ibinigay sa kanila ay ang tanging pagkain ng mag-asawa. Inalok

niya subalit ipinilit ng mga matatanda na sila ay kumain sapagkat sila ay malayo apa

ang alakbayin kinabukasan.  Maliban doon, pinatulog sila ng mag-asawa sa kanilang

higaan, at ang mga matanda ay natulog sa sahig. 

 

 

 

Kinabukasan, nagising ang nakababatang anghel sa isang malakas na iyak.  Lumabas

siya at nakita ang matandang babae na umiiyak habang tinitignan ang asawang

Page 3: AKDA

inaasikaso ang namatay na baka na tangi nilang kayamanan.  Bumalik sa loob ng kubo

ang nakababatang anghel na may galit.  Hinarap ang isang anghel at sinabing

 

"bakit mo ito ginawa?  iyong mayamang matapobre hindi tayo inasikaso pero inayos mo

pa ang dingding ng bahay niya.  Pero itong mga matatandang halos lahat ng mayroon

sila ay inalay sa atin.. hinayaan mo pang mamatay ang baka nila...  Bakit???" 

 

"Naiintindihan ko ang ngitngit mo, munting anghel... Pero nung nandun tayo sa

mansyon ng matndang matapobre na sinasabi mo..... nakita ko na may kayamanan sa

butas ng dingding.. Hindi pa niya iyon nakikita.. At dahil sa masama ang ugali niya

tinakpan ko iyon.... Kagabi naman, dumating ang anghel ng kamatayan.... kinukuha ang

matandang babae... pero dahil mabait sila sa atin.. ang kanilang baka ang aking

ibinigay...."

 

 

"Sa ating buhay, maraming ganitong kwento...  Kadalasan nauuna ang ating

panghuhusga...  Pero ang ating nakikita ay maaaring hindi tulad ng ating inaakala..

Tayo ay binibiyayaan sa paraang madalas ay hindi natin alam...."

May Dalawang Anghel na naglalakbay.  Sa kanilang paglalakbay sila ay ginabi at

naghanap ng matutuluyan.  May nakita silang malaking bahay. 

a. Mga tauhan-

i. Nakatatandang anghel

ii. Nakababatang anghel

iii. Matanda – matapobreng mayaman na kinupkok ang mag kapatid

iv. Magasawa – mabait na magasawa na kinupkop ng isang gabi ang

mag kapatid na anghel

Page 4: AKDA

b. Kahulugan ng Pamagat

-Ang pamgat na ang “Dalawang Anghel” ay inuugnay ang dalawang

mgkakapatid na anghel na nawawala. Ang dalawang anghel ay ang

nakakatanda at ang nakakabatang kapatid na parehong gutom at gusting

makaraos.

c. Kulturang Pilipino

-Paggamit ng “po at opo” sa nakatatanda – ito’y simbolo ng pagrespeto

sa mga nakatatanda.

-Pakikisama - Ang pakikisama ay ang kaugaliang Pilipino na nagnanais

magkaroon ng maganda at mabuting pakikitungo sa iba.

-Utang na Loob - Ang Utang na Loob, ay isang utang ng tao sa taong

tumulong sa kanya sa mga pagsubok na kanyang dinaanan.

-Palabra de Honor - "May isang salita" Isang kaugalian ng mga Pilipino

na kailangan tuparin ang mga sinabi nitong mga salita o pangako.

-Amor Propio: Pagpapahalaga ng isang tao sa kanyang dignidad.

Page 5: AKDA

III. Bisang Pampanitikan

a. Bisa sa isip

b. As

c. As

IV. Pabalat ng Kwento