action research in filipino
TRANSCRIPT
![Page 1: Action Research in Filipino](https://reader033.vdocuments.site/reader033/viewer/2022061307/5883c9901a28abb7308b4fd9/html5/thumbnails/1.jpg)
ACTION RESEARCH SA EDUKASYON
![Page 2: Action Research in Filipino](https://reader033.vdocuments.site/reader033/viewer/2022061307/5883c9901a28abb7308b4fd9/html5/thumbnails/2.jpg)
PanimulaAng action research
ay isang praktikal na dulog o approach sa propesyunal na pananaliksik at makabuluhan sa mga gurong sangkot sa araw-araw na pakikipag-ugnayan sa mga mag-aaral.
![Page 3: Action Research in Filipino](https://reader033.vdocuments.site/reader033/viewer/2022061307/5883c9901a28abb7308b4fd9/html5/thumbnails/3.jpg)
•Ang action research ay isang praktikal na paraan upang mapagnilay-nilayan ng indibidwal ang kalikasan ng kanyang praktika at paghusayin pa ito.
•Hinihikayat ng action research ang mga practitioner na maging tagalikha ng kaalaman sa halip na tagakonsumo lamang nito.
Ano ang action research?
![Page 4: Action Research in Filipino](https://reader033.vdocuments.site/reader033/viewer/2022061307/5883c9901a28abb7308b4fd9/html5/thumbnails/4.jpg)
•Gaya ng ipinahihiwatig ng pangalan nito, sangkot sa action research ang mga aktor – ang mga taong tumutupad sa kanilang mga propesyunal na gawain araw-araw – at ang layunin nito’y unawain at pagbutihin ang mga nasabing gawain.
![Page 5: Action Research in Filipino](https://reader033.vdocuments.site/reader033/viewer/2022061307/5883c9901a28abb7308b4fd9/html5/thumbnails/5.jpg)
•Ang layunin ng action researcher ay magdulot ng pagpapahusay ng kanyang praktika at pagtukoy sa mga elementong dapat baguhin. Ang prosesong ito’y nakaangkla sa pagtitipon ng ebidensya na pagbabatayan ng pinag-isipan at hindi kutob-kutob lamang na paghuhusga at pagpapasya.
LAYUNIN NG ACTION RESEARCH
![Page 6: Action Research in Filipino](https://reader033.vdocuments.site/reader033/viewer/2022061307/5883c9901a28abb7308b4fd9/html5/thumbnails/6.jpg)
• Malakas ang impluwensya ng pananaliksik ni Lawrence Stenhouse (1975) na nagbigay-diin na ang ‘pananaliksik hinggil sa paglinang ng kurikulum ay dapat ipaubaya sa mga guro.’ Aniya, ‘hindi sapat na ang pananaliksik ng mga guro ay pinag-aaralan: sila mismo’y dapat pag-aralan din iyon.’
Batayan
![Page 7: Action Research in Filipino](https://reader033.vdocuments.site/reader033/viewer/2022061307/5883c9901a28abb7308b4fd9/html5/thumbnails/7.jpg)
Inilarawan nina Carr at Kemmis (1986) ang action research bilang:
•pagpapahusay ng praktika (practice);
•pagpapahusay ng pag-unawa sa praktika;
•pagpapabuti ng sitwasyon na pinangyayarihan ng praktika.
Ang action research sa edukasyon ay nakaangkla sa pang-araw-araw na karanasan ng mga guro:
![Page 8: Action Research in Filipino](https://reader033.vdocuments.site/reader033/viewer/2022061307/5883c9901a28abb7308b4fd9/html5/thumbnails/8.jpg)
Nakabatay ang praktika sa mga intensyon,
pagpapahalaga, at paniniwala ng mga
practitioner, gayundin sa sitwasyon na humuhubog sa mga elementong ito.
![Page 9: Action Research in Filipino](https://reader033.vdocuments.site/reader033/viewer/2022061307/5883c9901a28abb7308b4fd9/html5/thumbnails/9.jpg)
Ang pananaliksik pang-edukasyon sa
pamamagitan ng action research ay di
nagbubunga ng pag-unawang maaaring
ilapat sa lahat ng sitwasyon (universal
truth);
![Page 10: Action Research in Filipino](https://reader033.vdocuments.site/reader033/viewer/2022061307/5883c9901a28abb7308b4fd9/html5/thumbnails/10.jpg)
•Sa pananaw ng mga sangkot sa action research, ang pinakamainam na paraan upang magnilay-nilay hinggil sa praktika ay ang pagtupad sa iyong mga propesyunal na gawain…
Ano ang ibig sabihin ng praktika?
![Page 11: Action Research in Filipino](https://reader033.vdocuments.site/reader033/viewer/2022061307/5883c9901a28abb7308b4fd9/html5/thumbnails/11.jpg)
Bakit dapat mong gamitin ang action research?
Dahil gusto mong baguhin ang iyong praktika.
Dahil nais mong gumamit ng paraan na makapagbibigay ng mga praktikal na solusyon sa iyong mga problema.
Upang mapatunayan mo na epektibo ang praktika na iyong gagamitin sa problema o sitwasyon na nais mong baguhin
![Page 12: Action Research in Filipino](https://reader033.vdocuments.site/reader033/viewer/2022061307/5883c9901a28abb7308b4fd9/html5/thumbnails/12.jpg)
Ang action research ay makatutulong sa mga guro na maramdamang may kontrol pa rin sila sa kanilang sitwasyong pinagtuturuan.
KAHALAGAHAN
![Page 13: Action Research in Filipino](https://reader033.vdocuments.site/reader033/viewer/2022061307/5883c9901a28abb7308b4fd9/html5/thumbnails/13.jpg)
Ang action research ay magagamit sa:
• pag-unawa ng sariling praktika;
• pag-unawa sa pagpapahusay ng praktika;
• pag-unawa sa kung paano mailalapat sa sariling sitwasyon ang isang pagbabagong buhat sa “labas”;
• pag-unawa kung paano mababago ang “labas” o ang kabuuan upang mapahusay ang sariling praktika.
![Page 14: Action Research in Filipino](https://reader033.vdocuments.site/reader033/viewer/2022061307/5883c9901a28abb7308b4fd9/html5/thumbnails/14.jpg)
Ang action research ‘cycle’
![Page 15: Action Research in Filipino](https://reader033.vdocuments.site/reader033/viewer/2022061307/5883c9901a28abb7308b4fd9/html5/thumbnails/15.jpg)
Mga PamamaraanSa paghahanap ng ebidensya ng kanyang praktika, o sa bisa ng
pagbabagong isinapraktika, kailangang tingnan ito ng guro sa iba’t
ibang anggulo; kailangan niyang gumamit ng triangulation ng iba’t
ibang pamaraan. Isa itong payak na simulain na sumasaklaw sa maingat
na pamimili ng teknik sa pangangalap ng datos; bawat isa’y maaaring
magbigay-linaw sa isang aspekto ng iisang isyu
![Page 16: Action Research in Filipino](https://reader033.vdocuments.site/reader033/viewer/2022061307/5883c9901a28abb7308b4fd9/html5/thumbnails/16.jpg)
Ang simulain o principle ng triangulation:
![Page 17: Action Research in Filipino](https://reader033.vdocuments.site/reader033/viewer/2022061307/5883c9901a28abb7308b4fd9/html5/thumbnails/17.jpg)
Mga PamamaraanBawat paraan ay magbibigay ng access sa iba’t ibang aspekto ng sitwasyon. May mga aspekto ng
suliranin na hindi mabibigyang-linaw ngunit mas maraming aspekto ang
mabibigyang-linaw kung higit sa isang pamaraan ang gagamitin. Gayundin,
ang cross-referencing ng data mula sa iba’t ibang paraan ay nagdaragdag sa pangkalahatang reliability ng proseso
ng pananaliksik.
![Page 18: Action Research in Filipino](https://reader033.vdocuments.site/reader033/viewer/2022061307/5883c9901a28abb7308b4fd9/html5/thumbnails/18.jpg)
Mga PamamaraanHangga’t ang mga action researcher ay aware sa
limitasyon ng mga partikular na pamamaraan, maaari silang gumamit ng alinman sa mga sumusunod na pamamaraan
upang mapagnilay-nilayan nila ang kanilang pinag-aaralan:
![Page 19: Action Research in Filipino](https://reader033.vdocuments.site/reader033/viewer/2022061307/5883c9901a28abb7308b4fd9/html5/thumbnails/19.jpg)
Mga Pamamaraan1. observation schedules– ng mga batas, estudyante o ng kanilang mga sarili; 2. audio o video tape recording; 3. structured o semi-structured interviews;4. class records; 5. statistical indicators;
![Page 20: Action Research in Filipino](https://reader033.vdocuments.site/reader033/viewer/2022061307/5883c9901a28abb7308b4fd9/html5/thumbnails/20.jpg)
Mga Pamamaraan
6. field notes; 7. an analytic memo; 8. sociometry; 9. photography; 10. repertory grids; 11. questionnaires; etc.
![Page 21: Action Research in Filipino](https://reader033.vdocuments.site/reader033/viewer/2022061307/5883c9901a28abb7308b4fd9/html5/thumbnails/21.jpg)