acrobat file

2
Karapat-dapat na Panuntunan ng Ex-Gratia Scheme para sa mga Elderly Property Own-occupiers Ang mga aplikante ay dapat na matugunan ang mga sumusunod na kondisyon: 1. dapat matugunan ang mga kailangang panuntunan para sa CR; at 2. kung papasa sa mga sumusunod na pamantayan hindi ma kinakailangan magsumite ng DPT: na kung saan ang aplikante, at ang miyembro ng pamilya sa aplikasyon ay kailangang may idad na 60 o higit pa; (a) na kung saan ang aplikante, at ang miyembro ng pamilya ay nag mamayari at nanirahan sa nasabing ari-arian sa loob ng 10 taon o higit pa; at (b) ang naturang ari-arian ay dapat na nilalakad lamang na kung saan walang elevator. Mga Katanungan Para sa mga katanungan, maaaring tumawag ang Hotline ng SWD sa 2343 2255. Paano Mag-Aplay Ang mga aplikante ay maaaring lumapit sa Integrated Family Service Centres/Integrated Services Centres, Medical Social Services Units o Social Security Units para sa mga katanungan at aplikasyon. Mga Bayarin Walang bayad. Pebrero 2010 Compassionate Rehousing at Iba Pang Tulong sa Pabahay Iba Pang Tulong sa Pabahay Dagdag pa dito, pinalakas ng SWD at HD ang pamamaraan sa pagsangguni para sa paghahawak ng mga aplikasyon sa paglilipat, paghihiwalay, karagdagang (mga) miyembro ng pamilya sa upahan ng PRH at pagsasaayos ng iba pang tulong sa pabahay. Ang mga nangungupahan sa PRH ay maaaring gumawa ng aplikasyon sa HD kung saan ito ay magsasala at mamimili ng karapat-dapat. Kung saka-sakaling ang ilan sa mga kahilingan ay hindi maaaring payagan sa ilalim ng kasalukuyang patakaran ng HD at ang nangungupahan ay maaaring may panlipunan at medikal na dahilan na mangangailangan, ang HD ay maaaring humingi ng payo at tulong mula sa mga serbisyong yunit ng SWD at mga non-governmental organizations na may pahintulot mula sa aplikante. Compassionate Rehousing at Iba Pang Tulong sa Pabahay Tagalog

Upload: doannhu

Post on 23-Dec-2016

253 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

Page 1: Acrobat File

Karapat-dapat na Panuntunan ng Ex-Gratia Scheme para sa mga Elderly Property Own-occupiers

Ang mga aplikante ay dapat na matugunan ang mga sumusunod na kondisyon:

1. dapat matugunan ang mga kailangang panuntunan para sa CR; at

2. kung papasa sa mga sumusunod na pamantayan hindi ma kinakailangan magsumite ng DPT:

na kung saan ang aplikante, at ang miyembro ng pamilya sa aplikasyon ay kailangang may idad na 60 o higit pa;

(a) na kung saan ang aplikante, at ang miyembro ng pamilya ay nag mamayari at nanirahan sa nasabing ari-arian sa loob ng 10 taon o higit pa; at

(b) ang naturang ari-arian ay dapat na nilalakad lamang na kung saan walang elevator.

Mga KatanunganPara sa mga katanungan, maaaring tumawag ang Hotline ng SWD sa 2343 2255.

Paano Mag-AplayAng mga aplikante ay maaaring lumapit sa Integrated Family Service Centres/Integrated Services Centres, Medical Social Services Units o Social Security Units para sa mga katanungan at aplikasyon.

Mga BayarinWalang bayad.

Pebrero 2010

Compassionate Rehousing at

Iba Pang Tulong sa Pabahay

Iba Pang Tulong sa Pabahay

Dagdag pa dito, pinalakas ng SWD at HD ang pamamaraan sa pagsangguni para sa paghahawak ng mga aplikasyon sa paglilipat, paghihiwalay, karagdagang (mga) miyembro ng pamilya sa upahan ng PRH at pagsasaayos ng iba pang tulong sa pabahay. Ang mga nangungupahan sa PRH ay maaaring gumawa ng aplikasyon sa HD kung saan ito ay magsasala at mamimili ng karapat-dapat. Kung saka-sakaling ang ilan sa mga kahilingan ay hindi maaaring payagan sa ilalim ng kasalukuyang patakaran ng HD at ang nangungupahan ay maaaring may panlipunan at medikal na dahilan na mangangailangan, ang HD ay maaaring humingi ng payo at tulong mula sa mga serbisyong yunit ng SWD at mga non-governmental organizations na may pahintulot mula sa aplikante.

Compassionate Rehousing at

Iba Pang Tulong sa Pabahay

Tagalog

Page 2: Acrobat File

Ang CR ay isang paraan ng pagtulong sa pabahay, na naglalayon na makapabigay ng tulong sa mga indibidwal at mga pamilya na mayroong mga napipintong pangangailangan sa pabahay na hindi nila kayang lutasin. Ang Social Welfare Department (SWD) ay ang siyang nakatala na magrekomenda ng mga nararapat na mga aplikante sa Housing Department (HD) para sa pamamahagi ng public rental housing (PRH) unit.

Sa ilalim ng panukalang CR, ang Conditional Tenancy (CT) ay inirekomenda upang matulungan ang may mga ginagampanang kustodiya ng (mga) bata at nasa gitna ng pagdidinig ang diborsyo upang matugunan ang kanilang mga napipintong pangangailangan sa pabahay habang hinihintay ang pasya sa aplikasyon ng kanilang paghihiwalay sa korte. Nagkabisa mula Nobyembre 2001, pinahaba ng HD ang CT upang maisama ang mga biktima ng mga karahasan sa pamilya o domestic violence na may petisyon ng diborsyo ngunit walang anak o walang kasamang inaalagaang anak noong oras ng pag-alis sa kanilang tahanan. Ang SWD ay nagrerekomenda ng mga nararapat na mga aplikante sa HD para sa panandaliang paninirahan sa yunit ng PRH.

Upang matugunan ang suliraning hinaharap ng mga matatandang nagmamay-ari/ naninirahan sa mga sira-sirang pribadong gusali, ang HD at SWD ay sumangayon noong Hunyo 2004, base sa napagkasunduan sa ilalim ng CR, sa isang panukalang ex-gratia upang matulungan ang mga karapat-dapat na mga EPO na makalipat sa Housing for Senior Citizens (HSC). Nagkabisa mula noong Hulyo 2005, ang Housing Authority ay nagbago ng Panukala upang payagan ang pagbabahagi ng self-contained na yunit ng PRH na lisensyado ng EPO sa oras na kanilang pagtanggi sa alok sa mga yunit sa HSC.

Ang mga aplikante ay dapat na matugunan ang mga sumusunod na kondisyon:

1. dapat na matugunan ang mga kinakailangan na panukala para sa CR at sila ay nakakaranas ng paghihirap dahil sa patuloy na paniranirahan kasama ang partido kung saan ang diborsyo ay pinag-iisipan. Bukod dito, ang mga aplikante at/o kanilang (mga) anak, kung mayroon, ay tunay na nangangailangan ng isang pampublikong pabahay na matutuluyan upang malutas ang kanilang problema.

2. ang isang bona-fide na petisyon sa diborsyo ay naihain na sa korte, o napagkaloob na ang ligal na tulong para sa mga pagdinig sa diborsyo.

3. kasalukuyang nasa kustodiya ng aplikante ang (mga) anak at ayon sa yunit na nagpoproseso, kinokonsidera na ito ay pinaka angkop na partido upang alagaan ang (mga) anak; at

4. ang mga mangungupahan ay dapat na mangako na kapag sila ay hindi pinagkakalooban ng kustodiya ng mga anak sa sandali ng pagbibigay ng korte ng desisyon sa diborsyo, ang pangungupahan ay dapat na ihinto at ang tinitirhan ay dapat na ibalik sa HD.

Puna 1: Ang mga kailangan upang matugunan ang mga 3 panuntunan na nasa itaas ay maaari nang hindi isama para sa mga biktima ng karahasan sa pamilya kung saan walang anak o walang kasamang anak noong panahon na umalis sa kanilang tahanan.

Puna 2: Sa rekomendasyon ng SWD para sa mga aplikanteng magasawa na may ari-arian o pribadong bahay sa ilalim ng Home Ownership Scheme, ang HD ay maaaring magkaloob ng pansamantalang pangungupahan sa kanila habang hinihintay ang pasya ng korte para sa pamamahagi ng kanilang karapatan sa ari-arian.

Puna 3: Pagkatapos ng mga pagdinig sa diborsyo at pagkakaloob ng kautusang pasya sa diborsyo, ang CT ng aplikante ay maaaring ilipat sa normal tenancy, kung sila ay nakapasa sa CMT at natugunan ang mga kailangan ng DPT katulad ng mga kaso ng iba pang diborsyadong mag-asawa. Ang mga aplikante ay dapat ring matugunan ang iba bang nararapat na panuntunan kasama na ang pagkakaloob ng kustodiya ng kanilang mga anak, kung mayroon.

4. ang mga aplikante at miyembro ng pamilya ay dapat na ipasa ang Comprehensive Means Test (CMT) (sahod at pag-aari na nakatayo sa pampublikong paupahang pabahay sa lebel ng listahan ng naghihintay) at ang Domestic Property Test (DPT) (i.e. walang pribadong residensyal na ari-arian); at

5. may kakayahan na makapagbayad ng upa (kasama ang sustento sa upa sa ilalim ng Comprehensive Social Security Assistance Scheme).

Bukod sa mga nabanggit na panuntunan, ang mga responsableng social worker ay kukuha ng mga natatanging mga impormasyon tungkol sa mga nakaraan ng pamilya at pampinansiyal na karanasan at ang mga mahahalagang impormasyon at dokumento ay patotohanan bagopagpasyahan kung ito’y karapat-dapat.

Karapat-dapat na Panuntunan ng CT Scheme

Karapat-dapat na Panuntunan ng CRAng mga aplikante ay dapat na matugunan ang mga sumusunod na kondisyon:

1. nasa matinding pangangailangan ng pang-matagalang tulong sa pabahay

2. mayroong panlipunan o medikal na pangangailangan at ang pagkakaloob ng CR ay maaaring makatulong sa paglutas ng kanilang suliranin o pagpapagaan ng kanilang paghihirap;

Halimbawa: (a) Sa pamamagitan ng CR, ang mga taong may kapansanan ay maaaring matulungan sa

pagpapagaling at muling pagkikihalubilo sa komunidad. (b) Para sa mga pamilya na dumaan sa trauma sa pag-iisip at mga masasamang

pangyayari sa buhay, ang CR ay maaaring makatulong na mabuo muli ang kanilang pamilya at makapagbagong-buhay.

3. sa oras ng pamamahagi, ang kalahati ng miyembro ng pamilya na kasama sa aplikasyon ay kasalukuyang nakatira sa Hong Kong at nanirahan sa Hong Kong sa loob ng pitong taon. Lahat ng mga batang may idad na 18 pababa, (i) saan man ang lugar ng kapanganakan at kasama ang isa sa kanilang magulang na nanirahan sa Hong Kong sa loob ng pitong taon; o (ii) may patunay na ang estado ng kapanganakan sa Hong Kong bilang mga permanenteng residente, ay ipinagpapalagay na tinupad ang alituntuning pitong-taon na paninirahan.

Compassionate Rehousing (CR)