accord - rc-services-assets.s3.eu-west-1.amazonaws.com · mga lathalain ayon sa labanan:...

2
Mga Lathalain Ayon sa labanan: Aceh-Indonesia Angola Cambodia Colombia Georgia–Abkhazia Guatemala Liberia Lebanon Mozambique Nagorny Karabakh Hilagang Irlandya Hilagang Uganda Papua New Guinea–Bougainville Pilipinas–Mindanao Sierra Leone Somalia Sri Lanka Sudan Tajikistan Kanlurang Aprika: Liberia at Sierra Leone Ayon sa tema: Peacebuilding sa mga hangganan ng mga bansa (Cross-border) Pakikipag-usap sa mga armadong grupo Mga insentibo, parusa at kondisyon Partisipasyon ng taumbayan Isang malayang organisasyon ang Conciliation Resources na nakikipagtulungan sa taumbayan na nasa gitna ng labanan upang pigilan ang karahasan tungo sa pagpanday ng kapayapaan. Naririto kami upang magbigay ng payo, suporta, at mga praktikal na dulugan hangga’t kinakailangan. Dagdag dito, dinadala namin ang mga natututunan mula rito sa mga gumagawa ng patakaran sa gobyerno, at sa iba pang nagsisikap na tapusin ang labanan, upang mapahusay at maisagawa ang peacebuilding sa buong mundo. Nagbibigay kaalaman at nagpapalakas ng mga prosesong pangkapayapaan ang seryeng publikasyon naming Accord sa pamamagitan ng pagdodokumento at pagsusuri sa mga praktikal na aral sa pagpapanday ng kapayapaan. Sinisiyasat ng mga proyektong Accord ang mga partikular na labanan sa daigdig at ang mga madalas na tema sa peacebuilding. Inilalahad sa bawat publikasyon ang mga karanasan at pagwawari ng mga praktisyoner at dalubhasa, lokal man o internasyunal, upang makabuo ng malawak na pagsusuri. Gumagawa rin kami ng mga pampatakarang kongklusyon at rekomendasyon upang matampok ang mga pinakamagaling na gawain (best practice). Kilala sa buong mundo ang publikasyong Accord dahil inilalahad nito ang mga bagong pananaw sa kapayapaan. Ibinibigay din nito ang komprehensibo at mataas na kalidad na impormasyon at pananaliksik ukol sa mga inobasyon sa pagpanday ng kapayapaan. Kung sakali mang wala pang Accord, kakailanganin itong likhain! Accord Internasyonal na pagsusuri ng mga inisyatiba para sa kapayapaan Johan Galtung 4 4 4 4 4 4 4 4 4 4 4 4 4 4 4 4 4 4 4 4 4 4 4 4 www.c-r.org/accord Conciliation Resources 173 Upper Street London N1 1RG UK Tel: +44 (0)20 7359 7728 Email: cr@c-r.org Web: www.c-r.org Twitter: @ CRbuildpeace Image © UN Photo/Fred Noy

Upload: others

Post on 19-Oct-2020

1 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

Page 1: Accord - rc-services-assets.s3.eu-west-1.amazonaws.com · Mga Lathalain Ayon sa labanan: Aceh-Indonesia Angola Cambodia Colombia Georgia–Abkhazia Guatemala Liberia Lebanon Mozambique

Mga LathalainAyon sa labanan:

Aceh-Indonesia Angola Cambodia Colombia Georgia–Abkhazia Guatemala Liberia Lebanon Mozambique Nagorny Karabakh Hilagang Irlandya Hilagang Uganda Papua New Guinea–Bougainville Pilipinas–Mindanao Sierra Leone Somalia Sri Lanka Sudan Tajikistan Kanlurang Aprika: Liberia at Sierra Leone

Ayon sa tema:

Peacebuilding sa mga hangganan ng mga bansa (Cross-border) Pakikipag-usap sa mga armadong grupo Mga insentibo, parusa at kondisyon Partisipasyon ng taumbayan

Isang malayang organisasyon ang Conciliation Resources na nakikipagtulungan sa taumbayan na nasa gitna ng labanan upang pigilan ang karahasan tungo sa pagpanday ng kapayapaan.

Naririto kami upang magbigay ng payo, suporta, at mga praktikal na dulugan hangga’t kinakailangan. Dagdag dito, dinadala namin ang mga natututunan mula rito sa mga gumagawa ng patakaran sa gobyerno, at sa iba pang nagsisikap na tapusin ang labanan, upang mapahusay at maisagawa ang peacebuilding sa buong mundo.

Nagbibigay kaalaman at nagpapalakas ng mga prosesong pangkapayapaan ang seryeng publikasyon naming Accord sa pamamagitan ng pagdodokumento at pagsusuri sa mga praktikal na aral sa pagpapanday ng kapayapaan.

Sinisiyasat ng mga proyektong Accord ang mga partikular na labanan sa daigdig at ang mga madalas na tema sa peacebuilding. Inilalahad sa bawat publikasyon ang mga karanasan at pagwawari ng mga praktisyoner at dalubhasa, lokal man o internasyunal, upang makabuo ng malawak na pagsusuri. Gumagawa rin kami ng mga pampatakarang kongklusyon at rekomendasyon upang matampok ang mga pinakamagaling na gawain (best practice).

Kilala sa buong mundo ang publikasyong Accord dahil inilalahad nito ang mga bagong pananaw sa kapayapaan. Ibinibigay din nito ang komprehensibo at mataas na kalidad na impormasyon at pananaliksik ukol sa mga inobasyon sa pagpanday ng kapayapaan.

Logo using multiply onlayers

Logo drawn as seperate elementswith overlaps coloured seperately

“Kung sakali mang wala pang Accord, kakailanganin itong likhain! ”

AccordInternasyonal na pagsusuri ng mga inisyatiba para sa kapayapaan

Johan Galtung

4

4

4

4

4

4

4

4

4

4

4

4

4

4

4

4

4

4

4

4

4

4

4

4

www.c-r.org/accord

Conciliation Resources 173 Upper Street London N1 1RG UK Tel: +44 (0)20 7359 7728 Email: [email protected] Web: www.c-r.org Twitter: @CRbuildpeace

Image © UN Photo/Fred Noy

Page 2: Accord - rc-services-assets.s3.eu-west-1.amazonaws.com · Mga Lathalain Ayon sa labanan: Aceh-Indonesia Angola Cambodia Colombia Georgia–Abkhazia Guatemala Liberia Lebanon Mozambique

labanan, karaniwang mga estado lamang ang inaasahan ng mga internasyonal na grupo para sa pagsusuri at pagsasaayos.

Sa Accord 22, sinusuri kung papaano makakaisip nang “hindi limitado sa estado” ang mga istratehiya at kakayahan sa pagpanday ng kapayapaan: na lagpas pa rito, sa pamamagitan ng rehiyonal na pakikipag-ugnayan, at sa ilalim nito, sa pamamagitan ng mga komunidad sa mga hangganan ng mga bansa o mga pangkalakalang network.

Kaninong kapayapaan nga ba ito? Ang pag-uugnay sa Somali at pandaigdigang pagpanday ng kapayapaanHindi naman gaanong kasamaan ang kaguluhan o pagka-walang sinasantong batas sa Somalia. Nagamit na ng mga Somali ang sarili nilang mga kaalaman at tradisyon ng paglutas sa alitan

upang maibalik ang seguridad at pamamahala sa maraming mga komunidad. Pakay ng Accord 21 na pahusayin ang pag-uunawaan at mga ugnayan sa pagitan ng Somalia at sa mga pandaigdigang patakaran at pagkilos. Pinapakita rito kung paano napangunahan ng mga Somali ang praktikal na pampulitika at administratibong pagsasaayos upang mapanghawakan ang tunggalian at magbigay ng maasahang seguridad at batas.

Conciliation Resources Charity registered in England and Wales (1055436) Company limited by guarantee registered in England and Wales (03196482)

“Mahusay na pag-aaral ng Conciliation Resources – pagdala ng mga lokal na pananaw tungkol sa kapayapaan sa Liberia at Sierra Leone. Magandang pagmuni-munian nating mga nagpapanday ng kapayapaan.”Judy Cheng-Hopkins, Assistant Secretary-General para sa UN Peacebuilding Support Office – komentaryo sa Accord 23

Bilang tugon sa paglalahad ng Accord 24, Positive peace for Lebanon, sa Nueva York noong December 2012, sinabi ni Gay Rosenblum-Kumar, Executive Secretary ng UN Interagency Framework Team for Preventive Action na ‘mayaman at maraming kaalaman ang naibigay ng iba’t ibang pananaw at pagkadalubhasa na naibahagi rito… nagabayan ang mga kalahok sa mga pangunahing tunguhin ng masalimuot na tunggalian sa Lebanon at, mas mahalaga, kung ano ang maaaring gawin ukol sa pagkasalimuot na ito upang magkaroon ng batayang pagbabago sa labanan pagdating ng panahon.’Sa pamamagitan ng pagtingin sa mga karanasan sa peacebuilding sa mga hangganan ng mga bansa, nakapaghandog ang Accord 22, Paix sans frontières: building peace across borders, ng bagong kaisipan. May impluwensya ang lathalain at ang kasama nitong ulat pampatakaran (policy brief) sa mga pandaigdigan at pambansang debate at pamamaraan ng pagtugon. Nakapagbigay, at nakapagpatibay rin ito, sa mga mahahalagang pagbabago na nakikita natin ngayon sa larangan ng pagpapanday ng kapayapaan.Mapapansin sa mga pagbabago sa mga pandaigdigang patakaran at sa 2012 London Conference sa Somalia ang marami sa mga susing mensahe na nakasaad sa lathalaing Accord, Whose peace is it anyway? Connecting Somali and international peacemaking. Noong 2012, sinabi ni Henry Bellingham, MP UK Minister para sa Africa, na mananatiling ‘mahalagang susing babasahin ng mga diplomat na nakatutok sa Somalia’ ang 2010 na ulat ng Accord.

Mga bagong tagumpay

2

2

2

Mga bagong lathalain

Pagkakasundo, reporma at kakayahang makabalik sa dating ayos: Positibong kapayapaan para sa LebanonUmani ng papuri ang Lebanon bilang modelo ng pagbabahagi ng kapangyarihan (power sharing) at paglago ng liberal na ekonomiya matapos ang digmaan. Ngunit hindi natulungan

ang karamihan ng tao sa Lebanon. Pinapakita sa sunod-sunod at paulit-ulit na karahasang pampulitika mula pa noong Kasunduang Pangkapayapaan sa Taif sa taong 1989, at ngayon naman sa pangambang madadamay sila sa labanan sa Syria, na kailangan na ang bagong pamamaraan upang mabago ang negatibo at mapanganib na kalagayan sa Lebanon tungo sa isang positibo at maibabalik na kapayapaan. Higit sa 30 artikulo at panayam mula sa iba’t ibang pananaw at disiplina ang nilalaman ng Accord 24: nagagamit at nagsusuri (applied and analytical), at mula sa loob at labas ng bansa. Pinapakita rito na hindi pasibong biktima ng marahas na kapalarang dulot ng ibang bansa ang mga taga-Lebanon: naghahanap ng pagbabago ang karamihan sa kanila. Aktibo rin nilang sinisiyasat ang mga pagkakataon at tinutulak ang mga hangganan upang makamit ito.

Pagpapatibay ng kapayapaan: Liberia at Sierra Leone Halos sampung taon mula nang matapos ang mga digmaan sa Sierra Leone (2002) at Liberia (2003), mas binibigyang pansin ngayon ang pangmatagalan na kaunlaran sa halip ng pagpanday ng kapayapaan. Ano na ang mga

naging pagsulong? Ano ang mga hamon na kailangan pang harapin? Ano ang mga maaring matutunan dito?

Humuhugot sa mga karanasan at perspektiba sa mga lipunan ng dalawang bansa ang Accord 23 – na pinupuri ng mga may mataas na katungkulan sa UN – upang siyasatin ang mga komparatibong aral at suriin ang pag-unlad. Kinakatuwiran dito na kailangang mas bigyang diin ng mga patakaran at pagkilos sa peacebuilding ang taumbayan: ang pagsasaayos at pagtatayo ng mga ugnayan sa pagitan ng mga komunidad, at sa pagitan ng mga komunidad at ng estado; at ang pagpaunlad ng pulitikang marami ang nakikilahok (participatory politics) at lipunan na kinakabilangan ng mga naisasantabing grupo.

Paix sans frontières: pagpanday ng kapayapaan sa mga hangganan ng mga bansaHindi ginagalang ng digmaan ang mga hangganang pulitikal o teritoryal. Bagkus, nagiging bahagi pa ito ng labanan sa mga rehiyon sa pamamagitan ng mga puwersang tumatawid sa mga hangganang

ito: daloy ng mga taong nagsisilikas, mga armadong grupong palipat-lipat tulad ng LRA, mga sindikato sa droga at krimen, blood diamonds, o ugnayang psycho-social. Ngunit may kakulangan sa patakaran pagdating sa mga hangganan ng mga bansa at mga lupang kalapit dito kung saan ang karamihan sa mga kagamitang pampatakaran ng pamumuno at diplomasya ay nahihirapang makarating. Kung may