a wife's cry untold stories mga storya ng mga taong naging ... · gwapo pa rin ang kanyang...
TRANSCRIPT
A Wife's Cry Untold Stories
by barbsgalicia
Mga storya ng mga taong naging parte ng buhay nina Allen at Vanessa.
=================
Author's Note #1
Mga storya ng mga taong naging parte ng buhay nina Allen at Vanessa. I
strongly suggest na basahin muna ang buong A Wife's Cry para mas
maintindihan ang mga kwentong nakapaloob dito. Ang bawat storya ay magla-
laman lamang ng 5-10 kabanata.
=================
And Then You Left (Ch.1)
AND THEN YOU LEFT - CHAPTER 1
+++
Mahigit isang oras na magmula nuong tumunog ang bell ng St. Agnes High
School, isang exclusive school for girls. Ngunit hanggang ngayon, hindi
pa rin umuuwi ang 15-year old na si Leila Pauleen Perez.
Matyaga siyang naghihintay sa tapat ng faculty room - nakasandal sa
malamig na dingding, nakatitig pababa sa kanyang mga bagong biling itim
na sapatos, at kapit kapit ng dalawang kamay ang kahon ng home-made
carrot cupcakes na pabaon sa kanya ng kanyang Mama.
Hindi niya na nga pinapansin ang pangangalay ng kanyang mga paa, ang
bigat ng bag na nakasabit sa balikat niya, at ang posibilidad na may
ibang mga estudyanteng maaaring makahuli sa kanya.
Paminsan-minsan ay tinitingnan niya na lang ang mga kuha niyang mga
litrato sa kanyang dalang digital camera, o kaya nama'y pinagma-masdan
ang nag-ga-gandahang Christmas lights na nakapalibot sa kalapit na
bulletin board para maibsan ang pagka-inip niya.
Ilang minuto pa ang lumipas bago bumukas ang pinto ng faculty room.
Nag-angat siya ng mukha nang lumabas mula roon ang lalaki na kanina niya
pa gustong-gusto na makita - Si Sir Levi Alarcon, her Chemistry teacher.
As usual, naka-itim na slacks at grey na polo ito bilang uniporme, at
naka-clean cut ang jet-black nitong buhok, pero kahit ganoon pa man ay
parang bagong-bago pa rin ang dating ng binata sa paningin niya. Gwapong-
gwapo pa rin ang kanyang guro para sa kanya, lalo na ngayon na hindi ito
nakasuot ng black-rimmed glasses.
Halatang nabigla naman si Levi nang makita siyang naghihintay roon.
"L-leila. Bakit ka nandito?" tanong pa nito, habang palinga-linga sa
medyo madilim na pasilyong iyon para tiyakin na walang ibang estudyanteng
nakatambay roon.
Binalewala ni Leila ang tanong sa kanya. Nilapitan niya lamang ito na may
malapad na ngiti sa kanyang labi sabay sandal pa ng mukha niya sa malapad
nitong dibdib.
Agad naman na kumilos si Levi. Dali dali siya nitong inalalayan pabalik
sa loob ng walang taong faculty room. Binuksan nito ang nakapatay ng mga
ilaw at hinila siya sa pinakadulong mesa. Nilapag nito ang bitbit na
messenger bag sa ibabaw noon, at pagkatapos ay pinaupo siya sa katapat na
silya.
Namaywang pa ito sa harapan niya.
"What are you doing here, Ms. Perez?" madiin ang pagkakatanong ni Levi sa
kanya. Halatang halata na naiinis dahil nakakunot pa ang noo nito.
"'Di ba sinabi ko na sa'yong 'wag na 'wag mo 'kong hihintayin sa labas ng
faculty room?" dagdag nito. "Paano na lang kung may makakita sa'yo? Alam
mo ba kung ano'ng pwedeng mangyari sa'tin, ha?"
Halos uminit naman ang sulok ng mga mata ni Leila. Napayuko siya. Ang
isang kamay niya'y napakapit nang mahigpit sa laylayan ng kanyang plaid
jumper uniform. Pagkatapos niyang maghintay nang mahigit isang oras sa
labas, ganoon lang pala ang reaksyon na matatanggap niya? Hindi man lang
ito natuwa na makita siya?
Bumuntong hininga siya at saka muling nag-angat ng tingin dito. "P-
pinapagalitan mo ba 'ko?" malungkot na tanong niya. "Bakit mo 'ko
pinapagalitan?"
Umaliwalas naman bigla ang mukha ni Levi. Nawala ang kanina'y inis sa
mukha nito.
Mapait itong napangiti. Pinatayo siya nito, at kinuha ang bitbit niyang
bag at nilapag din sa mesa. Agad niya namang tinago ang kamay niyang may
hawak ng kahon ng cupcakes sa kanyang likuran para hindi iyon makuha ni
Levi.
Pagkatapos ay hinaplos nito ang layered, light brown niyang buhok na
hindi lalagpas ang haba sa kanyang balikat.
"No, no, of course not. Hindi kita pinapagalitan," malambing na sagot ni
Levi, sabay haplos naman sa makinis at namumula niyang pisngi. "I'm sorry
kung ganoon ang naging dating sa'yo. Ikaw lang naman ang iniisip ko.
Ayokong may makakita sa'yo na naghihintay sa akin. Alam mo namang hindi
nila pwedeng malaman ang tungkol sa 'tin."
Hindi pinansin ni Leila ang sinabi nito. Wala naman kasi talaga siyang
pakialam kung malaman ng iba ang tungkol sa kanila. She doesn't care if
she's having an affair with his chemistry teacher, she doesn't care if
he's 12 years older than her. Ang mahalaga, makita at makasama niya ang
kanyang Sir Levi nang mas madalas. Ganoon kalalim ang nararamdaman niya
para rito. Kayang-kaya niya itong ipaglaban kahit na kanino.
"Ayaw mo ba 'kong makita?" nagtatampong tanong ni Leila.
Tumigil naman sa paghaplos si Levi sa pisngi niya. Hinawakan nito ang
kanyang mukha at tinitigan siya nang mata sa mata. Hindi siya umiwas.
Gustong gusto niya kung paano siya titigan ni Levi - malalim at puno ng
emosyon.
"Gusto ko," seryosong sagot nito. "Siyempre gusto ko. Ano na naman ba
yang mga iniisip mo? 'Wag kang mag-iisip ng kung ano-ano, pwede ba?"
Tipid siyang napangiti at saka tumango tango.
Isa 'yon sa mga nagustuhan niya sa kanyang Sir Levi. Kayang kaya siya
nitong pakalmahin sa lambing lang ng pananalita nito.
Bigla niya namang naalala ang dala niyang carrot cupcakes para sa lalaki.
Nakangiti niyang inabot iyon. "Para sa'yo pala 'to," anunsyo niya.
"What's this?" kunot noong tanong naman ni Levi sabay tanggap sa kahon na
binibigay niya. "Two weeks pa bago ang Pasko pero may regalo ka na agad
sa'kin?"
Lumapad ang ngiti ni Leila. Alam niyang binibiro na naman siya nito.
""Carrot cupcakes 'yan," sagot niya.
"Hmm. Para sa 'kin ba talaga 'to? O baon mo dapat 'to?"
Umiling-iling siya. "Para sa'yo talaga 'yan," she lied. ""Masarap 'yan.
Home-made."
"Talaga? Ikaw ba gumawa?"
"Hinde, si Mama. Pero tumulong ako, ha," proud na sabi niya pa.
Napangiti naman ito. Gustong-gusto niya talaga kapag ngumingiti ito sa
kanya. Mas lalo kasi itong gumagwapo. Bihira niyang makita si Levi na
ngumingiti. Seryoso kasi ito palagi, lalo na kapag nagtuturo ito sa
klase, at kapag pinapaligiran ng ibang mga estudyante sa campus.
"At ano namang itinulong mo?" sumunod na tanong nito sa kanya. "Mas gusto
ko kung ikaw lang talaga ang gumawa, Ms. Perez."
Napasimangot siya. Hindi dahil sa parang hindi nito nagustuhan na
tumulong lang siya sa pag-gawa ng mga cupcakes, kung 'di sa pangalang
itinawag nito sa kanya.
"Don't call me Ms. Perez," tampo niya. "'Di ba first name basis tayo
after 5pm?" paalala niya.
Ngumisi naman si Levi sabay ipit ng buhok niya sa likod ng tenga niya.
Kinurot pa nga nito nang marahan ang pisngi niya.
"I know," anito. "But we're still in the campus. And that means I'm your
Chemistry teacher and you're still my student."
"You mean your favorite student?" Pagtama niya. In-emphasize niya pa
talaga 'yung 'favorite'.
Ngumiti ulit ito nang matamis. "Okay then. My favorite student," paglinaw
nito sabay baba ulit ng tingin sa hawak nitong kahon ng cupcakes.
"Mukhang masarap nga 'to," dagdag pa ng kanyang Sir Levi. "Kainin na'tin
bago ka magpasundo sa kuya mo. Okay ba 'yon?"
Nagkunot ng noo si Leila at umiling iling. "Ayoko 'non. Ang gusto ko,
ihatid mo 'ko sa bahay."
"You know I can't, Leila," mabilis na sagot nito.
"Pero gusto ko! Wala sila Mama at Papa, hindi sila uuwi ngayon dahil may
business trip na naman sila. Hindi rin ako masusundo ni Jerome dahil may
klase siya hanggang mamayang 9PM."
"Where's your driver then?"
"Tinaguan ko kanina. Malamang umuwi na 'yon ngayon."
"W-WHAT?" bulalas ni Levi.
Napaharap ito nang maayos sa kanya. Sa kunot pa lang ng noo nito alam
niyang hindi nito nagustuhan ang sinabi niya.
"Bakit mo ginawa 'yon?" tanong nito, nagpipigil na magtaas ng boses.
"Bakit ka nagtago? Paano 'pag nagsumbong 'yon sa parents mo? Lalo na sa
kuya mo?"
"Ako nang bahala," laban niya naman. "Malulusutan ko naman sila, e.
Ayokong umuwi kasama 'yong driver na 'yon. Gusto ko ikaw ang kasama ko.
Ayaw mo ba?"
Saglit itong napapikit nang madiin. Napahilot pa ito sa gilid ng noo na
para bang hirap na hirap itong tumanggi.
"Gusto ko," sagot niya. "Alam mo namang gusto ko. Pero 'wag na 'wag mong
gagawin 'yon. Nag-iingat nga tayo para hindi sila makahalata. Ayokong
mapahamak tayo, lalo ka na. Naiintindihan mo ba?"
Tumingin si Leila sa ibang direksyon. Ang totoo, hindi niya naiintindihan
si Sir Levi. Ginagawa niya na nga ang lahat para lang palagi silang
magkita pero parang hindi naman nito naa-appreciate ang mga ginagawa
niya. Handa nga siyang mapagalitan ng kuya niya kapalit ng pagkikita nila
ni Levi.
Hinarap naman nito ang mukha niya. Pero hindi siya tumingin dito.
"Leila, I'm talking to you," sabi pa nito. "Look at me."
Doon lang siya tumingin ulit. Kitang-kita niya na naman tuloy ang dark
brown nitong mga mata na isa sa mga nagustuhan niya sa guro.
"Alam mo ba kung ano'ng ginawa mo, ha?" dagdag ni Levi.
Nag-iwas ulit si Leila ng tingin. "Alam ko. Ginagawa ko 'yon para sa'tin.
Bakit ba parang hindi ka naman masaya?"
Napansin niyang napayuko ito. Pakiramdam niya tuloy hindi na nito alam
kung paano magpapaliwanag sa kanya. Narinig niya na lang na bumuntong
hininga ito, at saka nag-angat ulit ng mukha sa kanya. Halatang halata
ang panghihina sa hitsura nito.
"So...hindi ka nga masaya," puna niya pa.
"Yes. I'm not happy, Leila."
Halos bumigay ang mga tuhod niya sa bigat ng sinabi nito. Walang gana
siyang napaupo sa silya. Napatulala siya sa sahig.
"Y-you're...not...happy?" pag-ulit niya pa.
"Oo. Hindi ako masaya sa ginagawa mo. Ilang beses ko bang kailangang ipa-
intindi sa'yo ang sitwasyon natin?"
"Hindi mo kailangang ipa-intindi sa'kin," mabilis na sagot naman niya na
para bang sawang-sawa na siyang marinig ang sinabi ng Sir niya. "Wala
naman akong nakikitang mali sa ginagawa natin. Bakit ba palagi mong
sinasabi sa'kin 'yan? Ayoko na ngang marinig 'yan! Sabi mo gusto mo rin
ako? E bakit ka ganyan?!"
Hindi niya mapigilang hindi maging emosyonal. Sobrang excited siyang
makasama nang mas madalas si Levi dahil ilang araw na lang ay Christmas
vacation na, pero bakit parang kabaligtaran naman ang nararamdaman nito?
Narinig niya itong huminga nang malalim. Pagkatapos ay lumuhod ito sa
harapan niya.
"Gusto kita, Leila," saad nito. Malambing na naman. "Hindi pa ba sapat
ang mga pinapakita at ginagawa ko para maramdaman mo? Ang gusto ko lang,
mag-ingat tayo. Hindi tayo katulad ng iba diyan na pwedeng magsama kahit
kailan natin gustohin."
"Nag-iingat naman ako," depensa niya.
"No, you're not, Leila. Makakahalata sila sa ginagawa mo. Act normal.
Katulad ngayon. It's not Friday and we're not supposed to meet. Pero
nandito ka."
Nag-angat siya ng mukha at tiningnan si Levi nang masama. Sa mga sinasabi
nito sa kanya, pakiramdam niya maiiyak siya.
"So ayaw mo pala talaga akong makita," diin niya. "Gumagawa na nga ako ng
paraan! Ayoko ng Friday lang tayo nagka-kasama! Gusto ko, araw-araw!"
Tumayo siya dahil sa bigat ng loob niya.
Tumayo rin naman kaagad si Levi.
Inagaw niya ang kahon ng cupcakes na hawak hawak nito at inis na ibinato
sa sahig.
Nanglaki ang mga mata ni Levi sa ginawa niya. Hahawakan na nga dapat siya
nito para pakalmahin pero mabilis siyang umiwas.
"YOU DON'T APPRECIATE MY EFFORTS!" singhal niya pa.
"Sshh, 'w-wag kang sumigaw. Baka may makarinig sa 'yo," pabulong na sita
naman nito sa kanya sabay sulyap sa maliit na salamin sa may pinto.
Pero hindi nagpa-awat si Leila. "Hindi ka masaya, at ayaw mo pa 'kong
makita!" dagdag pa talaga niya. "Pinapalungkot mo 'ko, Sir!"
Agad namang lumapit si Levi sa kanya. Hinila siya nito at niyakap nang
mahigpit sa leeg. May katangkaran si Levi kaya naman sakto ang pagsubsob
ng mukha niya sa dibdib nito. Hindi niya napigilan, tumulo ang luha niya
sa parteng iyon. Naiinis siya! Bakit ganito umasta ang kanyang Sir Levi
ngayon? Bakit ba kanina pa siya nito pinapagalitan?
"Tama na, tama na," pagpapatahan nito habang hinahaplos ang buhok niya.
"I'm sorry. Hindi ko na uulitin. I...I appreciate your efforts. And of
course, I want to see you. Natatakot lang ako para sa'yo. At nalulungkot
ako dahil hindi ka sumusunod sa'kin."
"S-sinusunod naman kita, e," sagot niya habang nakakulong pa rin sa yakap
nito.
"Hinde. Hindi mo 'ko sinusunod, Leila. Ginagawa mo na naman kung ano ang
gusto mo."
Napaluha na naman siya. "B-bakit ba kanina mo pa 'ko pinapagalitan? Ano
bang nangyayari sa'yo?"
"Hindi kita pinapagalitan. Sinasabihan lang kita na mali ang ginagawa mo.
Ingatan mo kung ano'ng meron tayo ngayon, kasi 'yon ang ginagawa ko."
Kumalas siya mula sa pagkakayakap nito. Pinunasan niya ang mga mata niya.
Tumulong din naman itong punasan ang basa niyang mga pisngi. "I'm sorry.
Tumahan ka na. Bakit ka ba umiiyak? Hindi bagay sa'yo."
Napangiti siya nang mapait sa gitna ng pagluha niya. "G-gusto lang naman
kasi kitang makita araw araw, e."
Hinila siya ulit nito at dinampian ng marahang halik sa noo.
Napayakap naman si Leila sa bewang, at nagpahinga pa sa dibdib nito.
"Sige. Gagawan natin ng paraan 'yang gusto mo," pangako ni Levi sa kanya.
"I don't want to see my baby crying again. Basta mag-iingat ka palagi.
Ayokong dumating ang araw na mahuli nila tayo at ilayo ka nila sa'kin."
Tuluyan nang napatigil sa pag-iyak si Leila. Gumaan ang pakiramdam niya
sa mga sinabi nito. Bakit ganoon, si Sir Levi niya lang ang taong kayang
magpasaya sa kanya nang sobra at kayang magpalungkot sa kanya nang tagos
sa puso. Tulad nito, hindi niya rin kakayanin na magkalayo silang dalawa.
Baka nga ikamatay niya pa.
Bahagya na niyang nilayo ang mukha niya. Pero nakayakap pa rin siya sa
bewang nito.
"Ihahatid mo na ba ako pauwi?" tanong niya sabay singhot.
Inayos naman bigla ni Levi ang bangs niya na halos tumakip na sa kaliwang
mata niya, sabay ngumiti nang matamis.
"Hindi kita kayang tiisin, Leila."
Ngumiti rin siya. Pagkatapos ay pinikit na niya ang kanyang mga mata, at
katulad ng nakasanayan, hinila ni Levi ang kanyang ulo at naramdaman niya
na lang ang pagdampi ng manipis at malambot na labi sa gilid ng kanyang
bibig.
TO BE CONTINUED...
===============================
AUTHOR'S NOTE:
Yes, Leila's story. Yay! Alam kong marami sa inyo ang naghihintay nito.
Short side story lang ito. Nasa mga 5-10 chapters lang, depende pa sa
kasipagan ko. Haha! Maraming salamat sa mga magbabasa at susuporta sa
"And Then You Left" at sa lahat ng mga storyang mapapaloob sa "A Wife's
Cry Untold Stories".
BARBS.
=================
And Then You Left (Ch.2)
AND THEN YOU LEFT - CHAPTER 2
+++
Pinauna na siya ni Levi na maglakad papunta sa left-wing parking lot ng
school kung saan nakaparada ang sasakyan nito.
As usual, takot itong may makakita sa kanila na magkasama. Ganoon naman
ito, e. Sobrang ingat. Si Leila, natatakot din naman siya, pero kayang
kaya niya namang lumaban kung sakaling malaman ng iba ang tungkol sa
kanila.
Para sa kanya, wala naman siyang nakikitang mali sa ginagawa nila ni
Levi. Mali lamang ang lugar at panahon ng pagmamahalan nila. 'Yon lang.
Minsan nga, hinihiling niya na sana sa ibang lugar niya na lang nakilala
si Levi, hindi sa St. Agnes. Baka sakali pang hindi sila ganito. Ang
hirap na gusto niya itong makita palagi, pero hindi niya magawa dahil
baka may makahuli sa kanila.
Gustong gusto niya talaga ang kanyang sir Levi. Mahal niya na nga ito, e.
Sinong babae naman ba kasi ang hindi mahuhulog dito? Bukod sa biniyayaan
ng kagwapuhan ang guro, ay totoong napakabait nito, matalino, at napaka-
gentleman pa! Bakit nga ba kasi ipinanganak pa ito nang sobrang aga kaysa
sa kanya? Pero hindi niya na iniisip 'yon. Wala na sa kanya ang edad, at
kung ano'ng iisipin ng iba.
Crush na ni Leila si Levi noong unang araw niya pa lang bilang transferee
student sa St. Agnes. Bagong teacher din si Levi noon. Napansin niya na
agad ang guro dahil halos pagkaguluhan ito ng ibang mga ka-eskwela niya.
All girls school ang pinapasukan niya, at iilan lamang ang mga lalaking
guro sa kanila, kaya naman ganoon na lang ka-big deal ang pagdating ni
Levi.
Nuong una, wala talaga siyang balak na makipag-kompitensiya sa mga
kaklase niyang patay na patay sa kagwapuhan ni Levi. Hanggang titig na
lamang siya sa guro. Lalo na kapag nagtuturo na ito sa klase nila. Sa
isip niya kasi, ano namang laban ng isang transferee na tulad niya? Ni
wala nga siyang kakilala sa St. Agnes. Sanay kasi siya na palaging
kapareho ng eskwelahan ang nakababatang pinsan niya na si Vannie, pero
ngayo'y nagkahiwalay sila. Kaya ayon, daig niya pa ang may nakakahawang
sakit sa pagiging loner.
***
Isang hapon noon sa library ng St. Agnes. Saglit na nilisan ni Leila ang
mesa kung saan siya nagre-review para kumuha ng panibagong libro na
gagamitin niya. Nagulat na lamang siya nang pagbalik niya'y nakita niya
nang nakaupo na sa pwestong 'yon si Levi. Nagtaka pa siya, madami naman
kasing bakanteng mesa roon, pero bakit doon pa talaga ito naupo?
Hinayaan niya na lang. Pero sa loob loob niya, pakiramdam niya'y
mahihimatay na siya sa kilig noong mga oras na 'yon. Lalo na nang bumalik
na siya sa pwestong 'yon? Diyos ko, amoy na amoy niya ang matapang na
pabango ng kanyang guro. Doon niya lang ito nakita nang ganoon kalapit.
Mas gwapo pala ito sa malapitan. At nang tumingin ito sa kanya para
magpa-alam kung pwede silang magtabi? Halos bumilis ang pagtibok ng puso
niya. Kitang-kita niya pa ang kulay tsokolate nitong mga mata. Mas lalo
niya tuloy itong nagustuhan.
Sa isip isip niya, hindi naman siguro siya tatabihan ng kanyang guro nang
ganoon kung wala itong interes sa kanya. Naniniwala siyang may gusto rin
ito sa kanya.
Noong araw na 'yon nag-umpisa ang madalas nilang pag-uusap. Nagkakatext
sila at nagkaka-usap sa phone tuwing gabi. Nagki-kwentuhan din sila
pagkatapos ng klase, 'yon ay kung hindi busy sa paggawa ng lesson plan si
Levi.
Sa kada pagdaan ng mga araw ay nararamdaman ni Leila na tumitindi na ang
pagkagusto niya sa kanyang Chemistry teacher, hanggang sa isang araw,
narealize niya na lang na hindi na niya ito kayang mawala sa kanya; hindi
na niya ito kayang makita na napapaligiran ng mga ka-eskwela niya.
Ang paniniwala niya pa nga nuon ay meant-to-be talaga silang dalawa dahil
parehong nag-uumpisa ang mga pangalan nila sa letrang 'L'. Tinawanan
naman siya ni Levi noong kinwento niya 'yon.
Alam niyang iisa lang ang nararamdaman nila para sa isa't isa. Hinding
hindi niya nga makakalimutan ang araw na sinabi na sa kanya ni Levi na
gusto rin siya nito nang higit pa sa isang estudyante. Pakiramdam niya'y
pwede na siyang mamatay noong mga oras na 'yon. Ang sarap lang sa
pakiramdam na gusto rin siya ng lalaking gusto niya.
Leila doesn't want any other guy than him. Bukod sa wala siyang ka-
eskwelang lalaki, ay hindi niya hilig ang mga lalaking isip bata, at puro
computer games lang ang alam gawin sa buhay. She wants a mature guy -
someone who can protect her, someone who can take care of her. At para sa
kanya, ang lalaking 'yon ay walang iba kung 'di si Levi.
"Ano na namang iniisip mo?" biglang tanong ng binata sa kanya.
Napangiti na lamang siya. Hindi niya namalayang nasa likuran niya na pala
ito.
Hinawakan siya nito sa siko para alalayan na papasok sa sasakyan.
"Wala pala sila Mama sa Sabado. Mag-a-out of town ulit sila. Pwede ba
tayong magkita non?" tanong ni Leila habang kinakabit ang seatbelt niya.
Binuhay naman muna ni Levi ang makina ng sasakyan bago sumagot. "Gusto mo
ba?"
Masaya siyang tumango-tango. "Syempre gusto ko!"
Sinilip siya nito saglit at ngumiti saka tuluyang pinaandar ang sasakyan.
"Ano namang ipapaalam mo sa kanila kung bakit ka aalis sa Sabado? Lalo na
sa kuya mo?"
"Sasabihin kong gagawa lang kami nila Shiela ng decors para sa Christmas
party," mabilis naman na sagot niya na tila ba buong-buo na ang
pagsisinungaling niya sa utak niya. "Basta ako na 'ng bahala," dagdag
niya pa.
"Okay. Anything you want. Just be careful. 'Wag kang magpa-pahalata."
"Yes, Sir!" biro naman niya.
Napangiti si Levi. "By the way, hindi ba magtataka ang mga tao sa inyo
dahil gabi na at wala ka pa?"
"'Wag kang mag-alala, hindi nila mapapansin. Wala naman sila Mama ngayon,
e. Si Jerome? 'Wag ka na nga kasing matakot don. Maangas lang ang dating
'non pero wala naman 'siyang binatbat sa 'yo," kampanteng sagot niya.
Napangisi si Levi sabay umiling-iling. "Hindi ka talaga natatakot sa kuya
mo, 'no?"
"Hinde," agad na tugon naman niya sabay lipat ng tingin niya sa bintana
ng sasakyan. "Wala akong pakialam 'don. Palagi nila akong pinagbabawalan,
pero hindi naman nila ako mapipigilan sa mga gusto kong gawin."
Humaplos ang kamay ni Levi sa kaliwa niyang pisngi kaya't napaharap ulit
siya rito.
Naabutan niya itong nakangiti sa kanya nang matamis bago binalik ang
atensyon sa kalsada.
"Wala ka talagang inuurungan," puri pa nito. "My baby's such a tough
girl. That's why I like you."
Kinilig siya sa huling sinabi nito. Parang gusto niya pa ngang ipaulit,
e. Ang sarap sa tenga. Madalas naman itong nagsasalita ng ganoon sa
kanya, pero parang palagi pa ring bago sa pangdinig niya.
HINDI kalayuan ang bahay ni Leila mula sa St. Agnes kaya naman nakarating
sila sa village na tinitirhan niya nang wala pang isa't kalahating oras.
Tulad ng nakasanayan, hininto ni Levi ang sasakyang bago pa makalagpas sa
guard house ng nasabing village.
"Hanggang dito na lang ulit ako," anunsyo pa nito.
Mapait namang ngumiti si Leila. "Kailan mo ba 'ko ihahatid sa tapat mismo
ng bahay namin?"
Binuksan ni Levi ang ilaw sa sasakyan para makita ang mukha niya, at saka
ito sumagot. "'Di ba pinag-usapan na natin 'to?" paalala nito sabay
haplos pa sa pisngi niya. "Makikita nila 'ko 'pag hinatid kita mismo sa
bahay niyo. Hanggang dito na lang ako."
Tumango na lamang si Leila kahit hindi niya naman talaga tanggap.
"Ite-text mo 'ko 'pag nakauwi ka na, ha?" bilin niya na lang.
Sumibol ang matamis na ngiti sa labi ni Levi. "Of course. Palagi ko
namang ginagawa 'yon. May isang araw ba na nakalimot akong mag-text? Tell
me. Then I'll say sorry."
Napaka-lambing ng pagkakasabi nito kaya nakaramdam na naman ng pagkakilig
si Leila. Namumula na naman siguro ang mga pisngi niya.
"O, sige na. Bumaba ka na. Baka nandiyan na kuya mo," utos nito.
She nods. "Kainin mo 'yung cupcakes, ha?" huling bilin niya at pagkatapos
ay pinikit na niya ang kanyang mga mata. Alam na ni Levi ang susunod na
gagawin.
***
Papasok pa lang ng bahay si Leila nang makarinig siya ng mga boses galing
sa dining area. Nagtaka siya, at the same time, kinabahan din. Ang alam
niya'y nasa business trip ang mga magulang niya ngayon. Ibig sabihin ba'y
hindi natuloy ang mga ito? Oh, no!
Dumiretso siya roon at naabutang nagha-hapunan ang mga magulang niya at
tatlong bisita na tila pamilyar ang mga mukha sa kanya. Wala pa ang kuya
niya, pero naroon ang Tito niya, ang Papa ng pinsan niyang si Vannie.
Napansin naman agad ng Mama niya ang pagdating niya.
"Leila, nandiyan ka na pala. Bakit ngayon ka lang, ha? Sabi ng driver
hindi ka raw niya nakita sa school kanina. What happened?" May bahid ng
panenermon sa tanong nito. Umiral na naman ang ka-striktohan.
Binalewala niya naman ang tanong sa kanya. Nakatingin lang siya sa
binatang ka-edad niya na nakaupo sa dapat ay pwesto niya sa hapag-kainan.
Parang pamilyar na pamilyar kasi ang mukha nito, pero hindi niya maalala
kung saan niya nakita.
"Sige na, mamaya na lang tayo mag-usap. Come here, sumabay ka na sa
'min," alok na lamang bigla ng Mama niya.
Marahil ayaw nitong ipahiya siya sa harap ng ibang tao.
Sumunod na lang siya, kahit na ang totoo'y ayaw niya sanang kumain
kasabay ang mga bisita nila.
Naupo siya sa bakanteng silya katapat ng sa nasabing binata.
"Do you remember them, Leila?" tanong ng Papa niya sa kanya pagkaupong-
pagkaupo niya.
Sinilip niya ang dalawa sa mga bisita nila. Mag-asawa ang mga ito.
Namumukhaan niya pero hindi niya alam ang mga pangalan, kaya umiling na
lang siya sabay salok ng soup sa mangkok niya.
"Oh, dear!" reaksyon naman ng Mama niya. "How come you forgot about them?
E one month ago lang e nakasama natin silang mag-dinner. They're Mr. and
Mrs. Fajardo, hijah. Naalala mo na?"
Ah! Doon niya lamang nakilala ang mga ito. Hindi naman kasi siya nag-
enjoy sa dinner na 'yon kaya hindi niya natandaan ang mga mukha ng mga
nakilala niya. Mas masaya pa sana kung nakasama niya na lang ang kanyang
sir Levi non, e.
"And this is our son, Allen," pagpa-pakilala naman ni Mrs. Fajardo sa
binata na katapat niya ng pwesto.
Napa-angat agad siya ng tingin dito. Tinitigan niya nang mabuti ang
lalaki.
Allen? Allen Fajardo?
Kulang na lang ay mapapitik siya sa hangin nang tuluyan niya nang maalala
kung sino ito. Ah, okay. Kaya pala pamilyar ang mukha nito. Nakita na
niya nga pala ito sa picture. Kung hindi siya nagkakamali, ang Allen na
'to ang ka-eskwela at ang lalaking kinababaliwan ng pinsan niyang si
Vannie. Ito ang dahilan kung bakit hindi pumayag ang pinsan niya na
lumipat sa St. Agnes kasama siya.
Napaiwas naman siya ng tingin nang bigla ring tumingin ang binata sa
kanya. Saglit na nagtama ang mga mata nila. Ang sungit nito kung
makatitig, akala mo naman kung sinong gwapo. Sus. E wala naman itong
binatbat sa Sir Levi niya.
"Naisip namin Leila..." bigla uling nagsalita ang Mama niya. "...why
don't you and Allen go out together. Friendly date, ganoon? Total,
malapit na ang Christmas vacation niyo."
Kamuntik na niyang mabuga ang kakahigop niya lang na sabaw.
Humagikgik naman ang Mama niya at ang mag-asawang Fajardo sa naging
reaksyon niya.
Pinunasan niya muna ng table napkin ang gilid ng bibig niya bago tumugon.
"Date?!" bulalas niya. "Pero Mama..."
Sinilip niya ang Papa niya. Pansin niyang nagpipigil itong mag-react.
Hindi niya alam kung ginu-good time lang siya ng mga ito o ano, e! Date?
Paano nangyaring gusto ng mga itong makipag-date siya?
Kahit kailan ay hindi siya biniro ng mga magulang niya tungkol sa date-
date na ganyan. Hindi rin siya open sa mga ito tungkol sa bagay na
patungkol sa opposite sex o pag-ibig dahil sobrang strikto ng mga ito.
Too strict to the point na hindi niya magawa nang malaya ang mga gusto
niya. Ano bang nangyayari? Hindi niya maintindihan. Nire-reto ba siya ng
Mama niya sa anak ng mga Fajardo na 'yon? Ano'ng tingin ng Mama niya sa
kanya? Kinder na pwedeng asar-asarin sa kung sino-sinong lalaki lang? Oh,
please!
"Why, Leila? Gwapo naman 'tong si Allen, ah?" dugtong pa talaga ng Mama
niya. Parang nangangantiyaw. "Allen..." pagtawag pa nito sa binata.
"...how do you find our daughter?"
At nagsi-tawanan ulit ang mga ito. Hindi siya sanay na naririnig na
tumatawa ang Mama niya.
Napatitig na lang siya sa binata. Hinihintay niya kung ano ang ire-react
nito. Nakakunot lang naman ang noo nito at parang walang ganang kumain.
Pinaglalaruan lang nito 'yung soup. Halatang wala itong interes sa mga
nangyayari, katulad niya.
Narinig niya itong bumuntong hininga sabay nagsalita, "pero may dine-date
na ho ako," siwalat nito dahilan para matahimik ang lahat.
"Allen Travis!" gigil na bulong naman ng Mama nito rito. "We've already
talked about this, right?"
Napairap ang binata.
Humarap naman si Leila sa mga magulang niya.
"Ayokong makipag-date sa kanya, Ma," diin niya.
"'Wag kang mag-alala, ayoko ring makipag-date sa'yo," laban naman nung
Allen.
Agad siyang napalipat ng tingin dito kasabay ng muling pagsita rito ni
Mrs. Fajardo.
Tinitigan niya ito nang masama. Ang kapal naman nga talaga ng mukha ng
lalaking 'to! Akala mo naman artista! Ang sungit sungit pa, parang babae
lang 'pag may period.
Parang nagdalawang isip tuloy siya kung ito nga ba talaga 'yong lalaking
crush na crush ng pinsan niya. Ang sabi kasi sa kanya ni Vanne, palangiti
raw si Allen Fajardo. Pero bakit parang hindi naman? Parang pang-biyernes
santo nga ang mukha nitong lalaking katapat niya, e.
"Fine..." pahayag bigla ni Allen sa gitna ng katahimikan, may kasama pang
buntong hininga. Halos ibagsak pa nito ang hawak na kutsara sa mangkok.
"...I'll date her. Pero isang beses lang."
Nakipag-tagisan siya ng tingin dito. Bago siya muling nagpunas ng bibig
gamit ang table napkin at padabog na tumayo.
"No, thank you," maangas na aniya. "Hindi naman kita type kaya hindi mo
kailangang pilitin ang sarili mo."
"Leila!" singhal bigla ng Mama niya. Pinanlakihan pa siya nito ng mga
mata. "Watch your mouth!"
Hindi niya na lang pinansin. Sinira ng mga ito ang dapat sana'y magandang
gabi niya.
Inabot na niya ang bag niya mula sa sahig at dali-daling tinungo ang
kwarto niya sa itaas.
For sure sermon na naman ang abot niya mamaya, pero wala siyang pakialam.
Nawala siya sa mood. Pinakulo ng walang-hiyang Allen na 'yon ang dugo
niya. Hindi niya ito gusto, period.
***
Inis niyang initsa ang bag niya sa kama at mabilis na hinugot ang phone
mula sa bulsa ng uniform niya.
She immediately dialed her Sir Levi's number. Naupo siya sa silya sa
tapat ng computer desk niya habang inip na naghihintay sa pagsagot nito.
Sa ika-apat na ring ay sa wakas sumagot na rin si Levi.
"Hello!" bungad niya agad.
"Yes, Leila?"
"Bumalik ka dito! Itanan mo na kasi ako!" iritableng sagot niya.
"Why? May nangyari ba? Pinagalitan ka?" may bahid ng pinaghalong
pagkataranta at pag-aalala sa tono ng mga tanong nito.
"Hinde!" sagot naman niya. "Pero gusto nila akong makipag-date sa iba.
Ayoko! Ayoko non! Sa'yo ko lang gustong makipag-date! Come back here,
please!"
Tumahimik naman bigla sa linya ni Levi. Parang hindi ito makasagot sa
sinabi niya. Kaya nag-hello ulit siya para makasigurong hindi naputol ang
linya.
Narinig niya itong nagpakawala ng buntong hininga. "I...I'll just call
you later, okay? I'm still driving. Don't forget to eat. 'Wag kang
magpapalipas. Bye."
'Yon lang ang mga sinabi nito, pagkatapos ay agad nang binaba ang tawag.
Ni hindi man nga lang nagawang makasagot ni Leila. Tulala lang niyang
sinilip ang screen ng cellphone niya. Parang hindi yata siya makapaniwala
na binabaan lang siya nang ganon-ganon na lang ni Levi.
Sa inis niya, binato niya ang phone niya sa kama, tapos sumubsob siya sa
katapat na computer desk. No way! Hindi 'yon ang reaksyon na gusto niyang
matanggap! Ang inaasahan niya'y papakalmahin siya nito tulad ng palagi
nitong ginagawa kapag mainit ang ulo niya. But what was that?! Nilusutan
siya nito. Kailangan nitong magpaliwanag sa kanya. Aba't nalungkot siya
roon, ah!
Ilang saglit lang ay napabangon na siya mula sa pagkakasubsob sa mesa.
Bigla niya kasing naalala ang pinsan niyang si Vannie. E kung tawagan
niya kaya ito para ipaalam dito ang balak ng mga magulang niyang
pakikipag-date niya kay Allen? Pero hindi, e. Hindi niya pwedeng gawin
'yon. She's so sure magtatampo ito. Kilalang kilala niya ang pinsan niya.
Matindi iyon kung mang-angkin ng crush. At patay na patay talaga ito sa
mayabang na Allen na 'yon.
Kinalimutan niya na lang ang pagtawag kay Vannie. Hindi niya na lang
sasabihin dito dahil una sa lahat, wala naman siyang balak na makipag-
date sa lalaking 'yon.
Tumayo na lang siya para maligo, para kahit papaano'y mabawasan ang init
ng ulo niya.
Pagkatapos niyang mag-shower, agad niyang tinungo ang direksyon ng kama
niya para kunin ang phone niya at alamin kung may nag-text ba.
Napatigil siya sa pagsusuklay sa basa niyang buhok nang makitang may
limang missed calls galing kay Levi. Kinabahan siya. Lagot! Malamang nag-
alala na naman iyon dahil hindi siya sumagot.
Naihagis niya ang hawak niyang suklay, at dali-daling gumapang paakyat sa
kama. Agad niyang dinial ang number ni Levi para tawagan ito pabalik.
Sa unang ring pa lang ay sumagot na ito.
"Leila? Jesus, bakit ang tagal mong sumagot? What happened?"
Hindi siya nakasagot kaagad. Napangiti siya sa sarili niya. Ang sarap
lang kung paano ito mag-alala sa simpleng hindi niya lang pagsagot sa mga
tawag nito.
"Galit ka ba? I'm sorry. I'm sorry. Nagda-drive kasi ako kanina, kaya--"
"Okay lang," putol niya rito. "Okay na 'ko."
Which is true. Pakiramdam niya'y nawala na ang pagka-inis niya dahil sa
lambing ng palikipag-usap ni Levi sa kanya. Kahit sa telepono, napaka-
gwapo pa rin ng boses nito. Lalaking-lalaki. Sinong babae ba naman ang
hindi kakalma 'pag nakarinig ng ganoon?
"Hindi ka galit?" tanong pa ni Levi mula sa kabilang linya.
"Hinde. Nasa bahay ka na ba? Kinain mo na ba 'yung cupcakes?"
"Yes, kararating ko lang. Hindi pa 'ko kumakain dahil inuna kong tawagan
ka. Hindi ako mapakali. I'm really sorry, baby. So, ano'ng sinabi mo
kanina? They wanted you to date another man?"
Napasimangot si Leila. Naalala niya na naman tuloy. Tsk!
"Man? Baka 'boy'? Oo, at ayokong makipag-date 'don!" galit na sagot niya.
"Ang yabang-yabang pa 'nung lalaki! Allen ang pangalan. Nandito sa bahay.
Akala mo naman gwapo! Mas gwapo ka naman sa kanya, e!"
Narinig niya itong natawa nang mahina. "Alam kong ako talaga ang pinaka-
gwapo sa lahat ng mga lalaking nakilala mo. Pero bakit hindi mo subukang
makipag-date sa Allen na 'yon? Baka mabait naman?"
Pakiramdam niya'y nanginig ang buong kalamnan niya dahil sa sinabi ni
Levi. Namanhid ang mga pisngi niya, pati na ang kamay niya na humahawak
sa cellphone.
"G-gusto mo akong makipag-date sa kanya?" Hindi makapaniwalang tanong
niya pa.
"Baka lang kasi...magustuhan mo siya 'pag nakilala mo na siya. Baka
magkasundo naman kayo sa huli," sagot nito na parang natatawa-tawa pa.
Parang nangbi-biro.
"K-kaya mo akong makita na may ka-date na iba?"
Matagal bago nakasagot si Levi mula sa kabilang linya. "Hinde." Naging
seryoso na ang tono ng boses nito. "Hindi ko kaya. I...I was just joking.
I'm sorry, baby."
Nalungkot si Leila. Parang bigla siyang nawalan ng lakas. Walang gana na
lang siyang napahiga sa kama.
Natagalan din bago niya ito nagawang sagutin muli.
"Levi? Ayaw mo na ba sa'kin?" malungkot na tanong niya habang nakatulala
sa kisame.
"What?" mabilis na reaksyon naman nito. "Leila, I said, I was just
joking. 'Wag kang mag-isip ng kung anu-ano diyan. Nagbibiro lang ako.
Napalungkot ba kita? I'm sorry then. I'm really sorry. Come on."
"Ayoko ng binibiro mo ako ng ganon."
Bumuntong hininga ito. "O-okay, okay. Hindi ko na uulitin."
Nagpikit siya ng mga mata. Matagal-tagal ulit bago siya nakapag-salita.
"Inaantok na 'ko, Sir," hinang-hina na palusot niya.
"Sir?" nagtatakang ulit naman ni Levi - halatang nagulat dahil sa
pagtawag niya ng 'Sir'. Bumuntong hininga muna ulit ito bago nagpatuloy.
"Nagtatampo ka na naman. Ano'ng pwede kong gawin para hindi na magtampo
ang Leila ko?"
She unconsciously bit her lower lip. "Wala po. Inaantok na kasi ako."
"Leila, 'wag kang ganyan. Hindi mo 'ko papatulugin sa ginagawa mo. I
already said sorry. What else do you want me to do?"
"Wala nga po. Inaantok na 'ko. Good night, Sir. I'll see you tomorrow."
'Yon lang ang sagot niya bago niya pinindot ang end button nang hindi man
lang iyon tinitingnan.
Pinatay niya ang cellphone niya, then she curled to her side.
Totoong nalungkot siya. Parang bigla siyang nakaramdam ng iba sa mga
nangyayari.
What's happening to her Sir Levi? Bakit kanina pa ito ganoon? Pakiramdam
niya tuloy unti-unti na itong nawawala sa mga kamay niya. Parang lumalayo
na ito mula sa kanya.
TO BE CONTINUED...
===================================
AUTHOR'S NOTE:
Hi, guys! Nasa 5 chapters lang 'tong Untold Story na 'to. Also, alam kong
ang ilan sa inyo ay iba ang naging reaksyon sa plot nitong And Then You
Left. Haha! Pero katulad nga ng palagi kong sinasabi sa mga A/Ns ko sa A
Wife's Cry, JUST TRUST ME. 'Yon lang po. Maraming salamat!
P.S: Early update 'to dahil wala ako sa Sunday.
BARBS
=================
And Then You Left (Ch.3)
AND THEN YOU LEFT - CHAPTER 3
+++
"Ano 'yan?" seryosong tanong ni Levi nang ihain sa kanya ni Jerome ang
isang puting sobre.
"Ba't 'di mo kunin para makita mo kung ano 'to?" maanghang na sagot naman
nito.
Nilingon niya muna ang paligid para masigurong walang mga estudyante sa
parking lot kung saan sila nag-uusap, at saka niya inabot ang sobre.
Kumunot ang noo niya nang makitang cheke ang laman non.
Sinamaan niya ng tingin si Jerome kasabay ng pagbalik ng sobre rito.
"Binabayaran niyo 'ko?"
"Kung 'yon ang tingin mo sa ginagawa ko, baka nga," tugon nito.
"Hindi niyo ba talaga 'ko titigilan? Ano ba 'ng gusto niyo?"
"Simple lang Mr. Levi Alarcon...
...stay away from my sister."
Napangisi si Levi sabay umiling-iling. "Wala akong ginagawang masama sa
kapatid mo."
"Wala?!" biglang tumaas ang boses ni Jerome. "Sinisira mo ang buhay ng
kapatid ko, alam mo ba 'yon? Tapos ngayon sasabihin mong wala kang
ginagawang masama?!"
Tinalasan niya ng tingin ang kausap. Pinipilit niyang maging kalmado
kahit na ang totoo'y naiinis na siya.
"Gusto ko si Leila," aniya. "Seryoso ako sa kanya. Papaanong sinisira ko
ang buhay niya?"
Jerome cursed. "Sino'ng gina-gago mo rito?! Anong 'gusto'? Anong
'seryoso'? MY SISTER IS JUST 15 YEARS OLD! 15!"
"Ano ba'ng akala mo? Na niloloko ko ang kapatid mo?" mabilis na depensa
niya.
"Hindi ako naniniwalang mahal mo ang kapatid ko. Paano ako makakasigurong
wala kang ibang habol sa kanya, ha?"
Nainsulto si Levi sa narinig. Ano bang akala nito? That he's one hell of
a pervert man flirting with a high school girl?
"Ganyan ba ang tingin niyo sa 'kin?" laban niya. "I don't have plans of
taking Leila's innocence away, if that's what you think. Hindi ko rin
habol ang yaman niyong mga Perez. May pera ako."
Napakuyom ng kamao si Jerome. "Layuan mo ang kapatid ko. Hindi niya alam
ang ginagawa niya. And you, hindi mo na dapat pinapatulan pa ang mga
inaasal niya. Ikaw pa nga dapat ang nagsasabi sa kanya na mali ang
ginagawa niya dahil mas matanda ka! Hindi ka gusto ni Leila,
naiintindihan mo ba 'yon? Masyado pa siyang bata para sa ganyan. Kulang
lang siya sa atensiyon."
"At ano'ng alam mo sa tunay na nararamdaman ni Leila? E napaka-higpit
niyo sa kanya?"
Kitang-kita ang panggi-gigil sa hitsura ni Jerome. "Wala ka ng pakialam
kung paano namin pinapalaki si Leila. Hindi ka ba nahihiya sa pinag-
gagawa mo, ha?!" diin nito. "You are her teacher, and she's your student
for Pete's sake! Para mo na siyang kapatid, ah! Pwedeng-pwede kang
makasuhan sa ginagawa mo, siguro naman alam mo 'yon, 'no?"
Umiwas ng tingin si Levi. Hindi niya maatim na tinatakot siya ng isang
lalaking kung tutuusin, mas bata ang edad sa kanya. E kung suntukin niya
kaya ito? Makakalaban kaya 'to?
"Wala ka bang pasok? Umalis ka na," sabi niya na lang.
Pero hindi nagpatinag si Jerome. "Alam mo ba kung ano'ng pwedeng mangyari
kay Leila kapag nalaman ng St. Agnes ang relasyon niyo? She can be kicked
out from school! At posibleng wala ng ibang eskwelahan na tumanggap sa
kanya. Gusto mo bang mangyari 'yon sa kanya? 'Yon ba talaga ang gusto mo,
ha?! At ikaw, mawawalan ka rin ng trabaho 'pag nahuli kayo."
Binalik niya ang tingin niya rito. Seryoso ang histura niya. "Alam ko na
'yan bago mo pa sabihin sa 'kin. Pero huli na para matakot pa 'ko.
Pasensiya ka na, hindi ko na kayang bitiwan ang kapatid mo. Umalis ka
na."
Kinwelyuhan siya bigla ni Jerome. Nanginginig ang mga kamay nito sa inis.
Tumingin na lang siya sa ibang direksyon.
"Huling beses ko na 'tong sasabihin sa 'yo, Mr. Alarcon..." Jerome
threatened in gritted teeth. "...stay away from my sister! 'Wag mo nang
hintaying ang Papa pa namin ang gumawa ng aksyon. Dahil 'pag nangyari
'yon, hindi lang ikaw ang mapapahamak...pati na rin ang kapatid mo."
Kumulo ang dugo ni Levi sa sinabi nito. Halos manginig ang kalamnan niya.
Galit niyang itinulak si Jerome sa dibdib palayo. Akmang sasapakin niya
pa nga ito sa panga, pero pinigilan niya ang sarili.
Kinwelyuhan niya na lang din ito. "'Wag na 'wag niyong idadamay ang
kapatid ko rito," nanggi-gigil na singhal niya. "Kung may galit kayo sa
'kin, ako lang ang sirain niyo. 'Wag niyong pakelaman si James!"
Inalis ni Jerome ang mga kamay niyang nakakapit sa mga kwelyo nito.
Inayos nito ang sarili na para bang walang nangyari. Pagkatapos ay kaswal
nitong inilabas ang puting sobre mula sa bulsa ng suot na slacks at
muling inabot sa kanya.
Nakangiti pa ito nang nakakaloko na para bang siya ang nagwagi sa laban.
"Kung mahalaga sa 'yo ang kapatid mo, tatanggapin mo 'to at aalis ka na
sa buhay ni Leila. Leave my sister alone."
***
Nanginginig pa ang mga kamao ni Levi habang naglalakad papunta sa
pinakamalapit na banyo.
Padabog niyang binuksan ang pinto, at inis na tinungkod ang mga kamay sa
lababo. Napamura na naman siya sa loob loob niya.
Damn it! Ang tapang ng loob ng Jerome na 'yon para pagbantaan ang buhay
nilang magkapatid. Hindi niya matanggap na pati ang nakababatang kapatid
niyang si James ay idadamay pa ng pamilya ni Leila sa gulong pinasok
niya.
Gigil siyang napasuklay sa kanyang buhok.
Sht! Ngayon ano na 'ng gagawin niya? Ayaw niyang mapahamak ang kapatid
niya, pero hindi niya rin namang magawang iwanan si Leila. Ngayon pa?
Kung kailan masyado na silang malapit sa isa't-isa?
Ilang beses niya na nga bang sinubukang layuan si Leila. Lalo na noong
nag-umpisa na siyang makatanggap ng mga tawag at text messages mula sa
kuya nito. Hindi niya alam kung papaano nalaman ni Jerome ang number niya
at ang tungkol sa lihim nilang relasyon, basta ang alam niya, hindi ito
titigil sa pagbabanta sa kanya hangga't hindi niya nilulubayan si Leila.
Sinasaktan siya ng ulo sa kaka-isip kung ano 'ng susunod na gagawin. Sa
tuwing nagtatangka kasi siyang makipag-hiwalay, nararamdaman agad 'yon ni
Leila at umiiyak ito sa harapan niya. And it hurts him to see her Leila
crying. Masyadong malambot ang puso niya para makita itong umiiyak nang
ganoon. He admits, he's too weak na tipong kaunting tampo lang ni Leila
ay tumitiklop na siya.
Iniisip niya ang mangyayari rito kung sakali. Kung ano'ng magiging
reaksyon nito. He's sure may gagawin itong hindi maganda sa sarili kapag
sinabi niyang makikipaghiwalay na siya. Kilalang-kilala niya si Leila. At
ayaw niyang mangyari 'yon.
Bakit nga ba kasi pumasok pa siya sa sitwasyong 'to, bakit niya pa ba
kasi pinatulan ang estudyante niya, e alam niya namang gulo lang 'yon.
He can't help himself from liking Leila. Totoo ang sinabi niya kay Jerome
kanina na seryoso siya sa kapatid nito. Nagkaroon na rin naman siya ng
mga girlfriends noon na kasing edad niya. But those relationships didn't
work out. When he started teaching at St. Agnes and he saw Leila, that's
when he realized he has the thing for young girls. As in very young
girls.
Pinigilan niya naman noong una, e. Pinilit niyang pigilan. Alam niyang
mali dahil napakalayo ng edad nila sa isa't isa. At isa pa, estudyante
niya si Leila. Napaka-immoral. Naisip niya nga, baka kailangan na yata
niyang magpa-doktor dahil nahuhumaling siya sa bata. O baka talagang
nagagandahan lang siya rito.
But no. Hindi lang 'yon, e. There's something about her. Gustong-gusto
niya kung paano ito tumingin sa kanya - para nitong binabasa ang nasa
isip niya.
Gusto niya ang pagiging loner nito, ang pagiging playful nito, ang
pagiging curios nito sa mga bagay-bagay. Ang sarap-sarap pa nitong
alagaan at i-baby. Nahihirapan lang siya minsan kapag masyado na itong
nagiging selfish at immature, pero iniintindi niya na lang. Bata, e.
Isa pang nagustuhan niya ay ang pagiging matapang ng personality nito,
kahit na alam niyang 'yon ang maaaring maging dahilan para malaman ng iba
ang tungkol sa relasyon nila.
NAPATUWID siya ng tayo nang biglang bumukas ang pinto ng banyo. Pumasok
ang co-teacher niyang lalaki.
"O, Levi. Nandito ka pa pala. Akala ko umuwi ka na, wala na kasi gamit mo
sa faculty room. May estudyante ka pala na dumaan 'don kanina. Magpapasa
raw ng Christmas decor," balita nito.
Hindi na siya sumagot pa. Bigla niyang naalala si Leila. Baka kanina pa
'yon nanghihintay sa classroom doon sa lumang building ng St. Agnes kung
saan sila palihim na nagkikita tuwing Biyernes.
***
Dumaan na muna siya sa bakeshop ng St. Agnes para bumili ng paboritong
cake ni Leila bago siya tumuloy sa lumang building.
Hindi niya alam kung bakit niya pa ginawa 'yon. Sinasabi ng utak niyang
tumigil na siya para sa ikatatahimik ng buhay nilang magkapatid, pero
ayaw sumang-ayon ng puso niya. Gusto niya pa ring suyuin si Leila.
Alam niya kasing nagtatampo ito sa kanya dahil sa mga sinabi niya kagabi
sa telepono. Hindi pa nga siya nito tine-text hanggang ngayon, e. Hindi
tuloy siya nakatulog nang matino at nakapagturo nang maayos kanina dahil
sa kakaisip. Ewan nga rin niya kung makikita niya si Leila sa lumang
building ngayon. Kung sisipot ba ito. Bahala na.
Pagkarating sa lumang building ay nakita na agad niya si Leila na
nakatayo't nakatalikod mula sa pwesto niya. Kinabahan siya dahil wala ito
sa loob ng classroom kung saan sila nagkikita. Paano na lang kung may
makahuli rito na nagpupunta roon? Tsk. Ang tigas talaga ng ulo.
"Leila," pagtawag niya habang papalapit dito. "Bakit nasa labas ka?"
Humarap ito sa kanya. Kitang-kita ang pagkatamlay sa histura nito.
Namamaga pa ang mga mata - halatang galing sa iyak.
As usual, lumambot na naman ang puso ni Levi dahil sa ayos ng kanyang
Leila. Agad niyang hinaplos ang mga mata nito nang tuluyan na siyang
makalapit.
Yumuko naman ito.
"Bakit wala ka 'don sa classroom?" malambing na aniya. "Baka may makakita
sa 'yo rito."
Hindi naman nagsalita si Leila. Pinakita lang nito sa kanya ang hawak-
hawak na digital camera. Kumukuha na naman pala ito ng mga litrato.
Inangat niya ang mukha nito, at mapait na nginitian.
"Galit ka ba sa 'kin?" tanong niya. "Bakit 'di ka nagsasalita? Hindi mo
nga 'ko tinetext o tinatawagan. Naghihintay ako kagabi pa. Hindi mo 'ko
pinatulog, alam mo ba 'yon? Kanina nakasalubong mo 'ko, pero hindi mo 'ko
nginitian..."
Saglit niyang inayos ang buhok nito tapos ay bumuntong hininga.
"Hindi ka pa rin ba magsasalita?" patuloy niya. "'Di ba nag-sorry na 'ko
sa 'yo kagabi? Bakit nagtatampo pa rin sa 'kin ang Leila ko?"
Napakagat ng labi si Leila sabay bulong, "ikaw kasi!"
Kitang-kita niya ang pangigilid ng luha sa mga mata nito kaya inunahan na
niya. Alam niyang maiiyak na naman ito kaya niyakap na niya ito nang
mahigpit sa leeg gamit ang isa niyang braso.
"'Wag kang iiyak. I'm sorry, baby. 'Wag ka nang magtampo."
Kumalas siya sa pagkakayakap. "Look, I bought you something," aniya sabay
abot sa box ng mango cake slice kay Leila. "It's your favorite."
Pinunasan nito ang gilid ng mga mata at saka ngumiti nang matamis sa
kanya. He likes it when she smiles at him like that. Ang ganda ganda
nito.
Tinanggap ni Leila ang kahon ng cake bago nagsalita. "Ayoko kasing
makipag-date sa Allen na 'yon. 'Wag mo 'kong payagan na makipag-date sa
kanya."
Napangiti rin siya sabay ipit ng buhok nito sa likod ng tenga nito. "Okay
then. If that's what my Leila wants. Hindi ka makikipag-date sa kanya.
Hindi ako papayag."
Mabilis na yumakap nang mahigpit si Leila sa bewang niya.
Siya nama'y napapikit nang madiin at napamura na naman sa isip niya. Damn
it! Ano na naman ba'ng ginagawa niya? Hindi niya talaga mahindian si
Leila! Nasa kanya na yata talaga ang mali, e. Dapat layuan na niya ito
simula ngayon, pero ano 'to at mas nilalagay niya pa ang mga sarili nila
sa panganib.
"'Di mo 'ko niyayakap?" may bahid ng pagtatampo na naman sa pagkakaksabi
ni Leila. Hindi ito kumakalas sa pagkakayakap sa kanya.
Hindi na siya nakaiwas at niyakap niya na rin ito pabalik. Oh, come on!
How could he leave this girl? Ibang-iba ito kung maglambing! Masarap
magmahal dahil wala itong pakialam sa mga humahadlang sa kanila. Sana
ganoon na lang din siya. 'Yong walang pakialam sa mga consequences na
maaari niyang matanggap. Pero hindi, e. Hindi ganoon kadali sa parte
niya. Bukod kay Leila, may ibang tao pa siya na kailangan protektahan.
Ilang segundo pa silang nagtagal sa ganoong ayos bago tuluyang kumalas si
Leila mula sa pagkakayakap.
Ngiting-ngiti ito sa kanya.
"Tuloy tayo bukas, 'di ba? Sabi mo magkikita tayo. Manood tayo ng sine.
Excited ako!" galak na galak na anito.
Natawa tuloy nang mahina si Levi. Ang cute ni Leila kapag nae-excite.
"Sige, magkikita tayo. Ano'ng oras mo gusto?"
Nag-isip muna si Leila bago sumagot. "10 AM! Para mas matagal tayong
magkasama. Mamaya na lang ako magpa-paalam kay Jerome. Susunduin mo ba
'ko sa village namin?"
"Gusto mo 'yon?"
Masaya itong tumango-tango. "Gusto ko! Magsusuot ako nang maganda!"
Natawa ulit si Levi. "Bakit pa? Maganda ka na."
Namula naman bigla ang mga pisngi ni Leila. Pansin na pansin dahil
mestiza ito. Nahihiya itong napatingin sa ibang direksyon, nagpipigil pa
ng ngiti.
Hinabol naman ni Levi ang mga mata nito. Hinawakan niya pa ito sa baba
para ibalik ang tingin sa kanya.
"You're blushing. I like it."
She smiled sweetly. "Excited ako bukas. Iiyak ako 'pag hindi tayo
natuloy."
"Matutuloy tayo," he assured. "Don't worry."
"Promise?"
Tumango-tango siya. "Kailangan ko pa bang mag-promise? Kailan ba 'ko
hindi tumupad sa mga sinabi ko sa 'yo?"
Napasimagot si Leila at nagpadyak pa ng paa. "Mag-promise ka kasi!"
Natawa siya. "Okay. I promise."
Ngumiti na ulit si Leila, pagkatapos ay pumikit nang madiin. He already
knows what to do next.
Hinawakan niya si Leila sa magkabilang pisngi at akmang hahalikan na ito
sa gilid ng labi, pero agad ding napatigil nang makarinig ng ingay ng
mga kumalampag na mga kahoy.
Sabay silang napatingin sa entrance ng lumang building kung saan
nanggaling ang ingay. Walang naabutang tao roon si Levi pero siguradong-
sigurado siya na may nakakita sa kanila. He cursed to himself.
"Go home. Now!" ma-awtoridad na utos niya kay Leila saka dali-daling
umalis para sundan kung sino man 'yong naka-buko sa sikreto nila.
Gusto niya pa sana itong yakapin ulit nang mahigpit dahil mukhang 'yon na
ang huli nilang pagkikita, pero hindi na niya nagawa.
TO BE CONTINUED...
=================
And Then You Left (Ch.4)
AND THEN YOU LEFT - CHAPTER 4
+++
It's already 10:00 AM, pero hanggang ngayon, wala pa ring tawag na
natatanggap si Leila galing kay Levi.
Naiiyak na naman siya! Kagabi pa ito hindi nagpaparamdam. Walang tawag o
kahit na anong text. Nakaka-paranoid na! Hindi niya tuloy alam kung ano
nang nangyari matapos may makahuli sa kanila. Wala siyang balita dahil
hindi naman nito sinasagot ang mga tawag niya.
Pero bahala na. Aalis na siya ng bahay. Paano na lang kung naghihintay na
pala ito sa guard house ng village nila ngayon? Total, 'yon naman talaga
ang usapan nila. Hindi niya ito pwedeng paghintayin nang matagal dahil
baka isipin nito hindi siya makakarating.
Kinuha na niya ang bag niya at dali-daling lumabas ng kwarto.
Swerte't wala ang mga magulang niya at tulog pa yata si Jerome, kaya
libreng-libre siyang makakatakas ng bahay.
Nang makalabas siya ng pinto, akala niya'y ligtas na siya. Pero sinalakay
siya ng kaba nang makitang naka-padlock ang gate. Hinila-hila niya pa
'yon na para bang masisira niya ang kandado nang ganun-ganon na lang.
"San ka pupunta?"
Nataranta siya nang marinig ang boses ni Jerome mula sa likuran niya. No!
Akala niya ba tulog 'to? Tumindi ang kaba niya. Madiin siyang pumikit
bago ito nilingon.
"S-sa school. Gagawa kami ng Christmas decors."
Pinilit niyang maging diretso ang dila niya, habang sinasabi ang kwentong
binuo niya sa kanyang utak. Pero mukhang hindi niya napaniwala si Jerome.
Sumugod ito sa kanya at mahigpit siyang hinigit sa braso. Napa-aray siya
dahil halos bumaon ang mga kuko nito sa balat niya.
"Bumalik ka sa loob! BALIK!" galit na utos nito.
"A-ayoko! Bitawan mo 'ko! May gagawin nga kami sa school. Isusumbong kita
kay Mama 'pag 'di mo 'ko pinaalis!"
"ISUSUMBONG?! Baka ikaw pa ang isumbong ko! Hindi uubra sa 'kin 'yang
paggawa-gawa mo ng kwento, ah! Ano, makikipag-kita ka na naman sa teacher
mo, 'no?!"
Nanglaki ang mga mata niya.
Tama ba ang pagkaka-rinig niya? Pakiramdam niya'y tutulo na lang bigla
ang mga luhang kanina pa nangingilid sa mga mata niya dahil sa sobrang
kaba. Paano nito nalaman ang tungkol sa kanila ni Levi? No! That's
impossible! Nag-iingat naman siya.
Sinubukan niyang bawiin ang braso niya pero hindi siya nagtagumpay.
"Ano, ha?! Akala mo hindi ko alam?" dagdag pa ni Jerome. "Akala mo hindi
ko malalaman na nakikipag-relasyon ka sa sarili mong teacher?! What were
you thinking, Leila!"
"H-hindi ko alam ang sinasabi mo!" laban niya.
Mas humigpit naman ang kapit nito sa braso niya. "Tumigil ka sa pinag-
gagawa mo! Nakakahiya ka! Alam mo ba kung ano'ng pinasok mo, ha?! Sino'ng
nagturo sa 'yong maging ganyan? Anong akala mo, na pwede 'yang ginagawa
niyo? Hindi ka ba nag-iisip? Akala ko ba matalino ka?"
"H-hindi ko alam 'yang sinasabi mo! Wala akong boyfriend! Let go,
masakit!"
"Tumahimik ka! Alam kong may relasyon kayo ng Alarcon na 'yon, kaya 'wag
na 'wag mo 'kong dadalihan niyang mga pagsisinungaling mo! Hindi ka gusto
ng teacher mo, kaya tumigil ka! Iba ang habol non sa'yo!"
Ginamit niya lahat ng lakas niya para tuluyang mabawi ang braso niya.
"Hindi 'yan totoo!" she yelled kasabay ng pagtulo ng mga luha niya.
"Gusto niya 'ko! Mahal niya nga ako, e!"
He cursed. "Naririnig mo ba 'yang sinasabi mo?! Ang bata bata mo pa!"
"Hindi na 'ko bata!"
"Tumigil ka! Siya pupuntahan mo ngayon, 'no? Baket? Akala mo sisiputin ka
niya? Hindi na 'yon magpapakita ulit sa 'yo. Alam mo kung bakit? Kasi
tinanggap niya 'yong perang binigay ko kapalit ng paglayo niya sa 'yo!"
Natigilan si Leila sa narinig. Namanhid ang mga kamay niya.
Matagal-tagal bago niya na-realize ang sinabi nito. But no! Alam niyang
hindi totoo ang binulgar ni Jerome. Hindi 'yon magagawa sa kanya ni Levi.
Hindi iyon nakukuha sa pera.
Inis niya itong itinulak sa dibdib at hinampas pa sa braso at saka muling
umiyak. "Sinungaling ka! Bakit mo ba kasi kami pinapakelaman!" Muli
niyang sinubukang buksan ang kandado ng gate kahit na imposible.
Hinila naman siya ulit ni Jerome paatras. "Hindi ka makakalabas ng bahay,
Leila! Subukan mo lang tumakas at talagang ipaparating ko na kila Mama
'tong pinaggaga-gawa mo!"
Hinampas niya ulit ito sa braso.
"I hate you! Bakit ba kasi ikaw pa naging kapatid ko!" sigaw niya sabay
takbo pabalik sa kwarto.
PADABOG niyang binato ang bag niya sa kama, at sumalampak ng higa roon.
She weeps.
Hindi 'to pwedeng mangyari! Hindi siya naniniwala sa sinabi ni Jerome.
Alam niyang hindi ganoong klase ng tao si Levi.
Pero paano na 'to ngayon? She's grounded! Kailangan niyang makatakas
ngayon din! Baka kanina pa naghihintay si Levi sa kanya sa guard house.
She's so sure naghihintay na ito sa kanya. Hindi sila pwedeng hindi
magkita, lalo na't ganito ang nangyayari. She wants to see him so bad!
'Di niya kakayanin 'pag hindi niya na ito nakita pa. Usapan nila na
magde-date sila ngayon. Manonood sila ng sine! He promised her!
Muli niyang nilabas ang phone mula sa bulsa ng shorts niya. Lalo siyang
naiyak nang makitang wala pa ring tawag o text man lang si Levi.
She doesn't know what to do! Kailangan niyang gumawa ng paraan para
makatakas mula sa kapatid niya.
At saka niya lang naalala na pwede nga pala siyang dumaan sa likuran ng
bahay nila! May gate roon na alam niyang hindi ika-kandado ng kuya niya.
Agad niyang pinahid ang basa niyang mga pisngi. Bumangon siya ng kama at
inayos ang sarili niya. Tinungo niya ang aparador. Kinuha niya mula roon
ang malaki niyang backpack at pinuno 'yon ng mga paborito niyang damit.
Wala na siyang pakialam sa pamilya niya. Pupuntahan niya si Levi at
sasabihan niya itong ilayo na siya mula sa mga taong humahadlang sa
kanila.
***
Nagtagumpay siya sa plano. Walang kahirap-hirap siyang nakaalis ng bahay
nang hindi nalalaman ni Jerome.
Ang kaso, hindi niya naman nakita si Levi sa guard house kung saan siya
nito dapat na susundoin. Marahil nainip na ito at umuwi na lang, kaya't
napag-pasyahan niyang puntahan ito sa bahay nito.
NAGPUNAS ulit siya ng basang mga pisngi bago sunod-sunod na pinindot ang
doorbell.
Maya maya lang ay pinagbuksan siya ng isang binatang halos ka-edad niya.
'Yon yata ang kapatid ni Levi - si James.
"N-nandiyan ba si Sir Levi?" tanong niya rito.
Hindi naman na ito nakasagot pa dahil lumabas na si Levi mula sa loob ng
bahay.
"James, sino 'yan?"
Gumaan ang pakiramdam niya nang matanaw si Levi. Naka-panglakad ito.
Mukhang tama nga ang hinala niyang umalis ito para sana'y makipag-kita sa
kanya. Sinalubong na niya ito. She's so happy to see him! Halos matabig
niya pa nga si James nang tumuloy siya ng pasok sa loob ng gate.
"L-leila?" hindi makapaniwalang tawag ni Levi.
Agad siyang yumakap nang mahigpit sa bewang nito. Hindi niya napigilan,
napaiyak na naman siya.
"A-anong ginagawa mo rito?" he asked. "B-baka may makakita sa 'yo."
Hindi niya pinansin ang mga tanong nito, kahit na ba parang nararamdaman
niyang hindi ito ganoon kasaya na makita siya. Nag-angat siya ng mukha,
patuloy pa rin sa pag-tulo ang mga luha niya.
"Sir...I...I'm sorry, hindi ako naka-alis ng 10AM. Hindi kita napuntahan
agad sa guard house. Si Jerome kasi! Hindi niya 'ko pinayagan! Ni-lock
niya 'yong gate! Hindi ako nakaalis agad. S-sorry!" paliwanag niya at mas
lalong yumakap nang mahigpit.
Nagtaka naman siya nang pilit kumawala si Levi mula sa pagkakayakap niya.
"Halika nga rito." Hinila siya nito papasok sa loob ng bahay at dinala sa
isang bakanteng kwarto.
"B-bakit? Hindi pa ba tayo aalis?" humihikbi na tanong niya nang
makapasok na sila. "Alis na tayo! Nag-promise ka sa 'kin na manonood tayo
ng sine. Ready na 'ko, oh! Itakas mo na rin ako. Ayaw ko na sa pamilya
ko. Nagdala na 'ko ng mga damit. Sasama ako sa 'yo kahit saan!"
Hindi magawang makatingin ni Levi sa kanya. And she doesn't know why!
Sanay siya na tinititigan siya nito nang diretso sa mga mata.
"Sir? What's wrong?" pag-kuha niya sa atensiyon nito dahil nakatingin
lamang ito sa ibang direksyon. Parang ang lalim-lalim ng iniisip nito.
Nagpakawala ito ng buntong hininga, pagkatapos ay inalalayan siya pa-upo
sa gilid ng kama.
Hinubad niya ang suot na bagpack, kasabay ng paghaplos ni Levi sa
pisngi niya para pahidin ang mga luha niya.
Napangiti siya nang mapait.
"Leila, I have to tell you something," malungkot na anito. "Pero mangako
ka muna sa 'kin na iintindihin mo."
Napakunot ng noo si Leila. Kinakabahan siya dahil parang alam na niyang
kung ano'ng gusto nitong sabihin.
"A-ano 'yon?"
Napayuko ito. Narinig niya ulit ito na bumuntong hininga. Pagkatapos ay
tumingin na naman sa ibang direksyon. Bakit ba kanina pa ito hindi
makatingin nang maayos sa kanya?
"Leila...listen...we can't be together now..."
Hindi pa man ito tapos magsalita ay naiyak na naman si Leila.
Napatingala naman si Levi sa kisame na para bang hindi nito maatim na
makita siyang nagkaka-ganoon.
"Come on, Leila, 'wag kang umiyak. 'Wag mong gawin 'tong napaka-hirap
para sa 'kin."
"N-nakikipag-hiwalay ka na sa 'kin. B-bakit? Siguro totoo nga ang sinabi
ni Jerome. Tinanggap mo nga siguro 'yong perang binigay niya sa 'yo para
layuan mo na 'ko," she said in between her sobs.
"W-what?" gulat na pahayag naman nito. "N-no. Sinabi niya ba 'yon sa 'yo?
No, baby, no. Hindi ko tinanggap. I can't do that."
"Then why? At alam na pala ni Jerome. B-bakit hindi mo sinabi sa 'kin?"
"I tried, baby. But I don't want you to worry too much. Kaya nga pinag-
iingat kita."
She controlled her sobs and looked at him. "I love you, Levi. Hindi ako
naniniwala kay Jerome. Mahal mo rin naman ako, 'di ba?"
Levi sighed once again. Matagal-tagal din bago ulit ito nakapag-salita.
"Yes. Pero hindi na pwede. Hindi talaga tayo pwede, Leila."
"'Wag mo kasing sabihin 'yan! Bakit ba kasi? 'Yung nakakita ba sa 'tin
kahapon ang may kasalanan? Wala naman akong pakelam sa kanya. Wala akong
pakialam sa sasabihin ng iba. Umalis na lang kasi tayo! Dalhin mo 'ko
kahit saan mo gusto. Sir naman!"
Pinatahan siya nito dahil muli na naman siyang napaiyak.
"Hindi ganon kadali 'yon, naiintindihan mo ba? Hindi kita pwedeng ilayo
sa kanila nang ganon-ganon na lang. I'm really sorry, baby. But I need to
leave you."
"N-NO!" tarantang sigaw niya sabay yakap kay Levi. "Sir, no! No!"
Ang akala niya'y yayakapin din siya nito pabalik pero nagkamali siya.
Nilayo lang siya nito. Pinilit nitong tanggalin ang mga braso niyang
nakapulupot paikot sa dibdib nito.
"I...I'm really sorry, Leila. Come on, umuwi ka na. Hindi mo alam ang
pwedeng gawin ng pamilya mo sa 'min at sa 'yo 'pag nalaman niyang
pinuntahan mo 'ko rito."
Tumayo na si Levi at akmang hihilain na rin siya pasunod para pauwiin,
pero hindi siya nagpa-ubaya.
Padabog siyang bumitiw sa mga kamay nito. "Ayokong umuwi! Dito lang ako
sa 'yo!" Napatakip siya sa kanyang mukha at humagulgol ng iyak.
Nagpakawala na naman ng buntong hininga si Levi. Maya maya lang ay inalis
nito ang mga palad niyang nakatakip sa kanyang mukha. Nakaluhod na ito sa
harapan niya. Hinawakan nito nang mahigpit ang kanyang mga kamay at
hinalikan pa ang mga 'yon. Mas lalo tuloy siyang naiyak.
"Leila...intindihin mo, please. Para sa 'yo 'tong ginagawa ko," anito
nang hindi pa rin tumitingin nang diretso sa kanya.
"I...I can't understand," she murmured; still sobbing.
"'Yong nakahuli sa 'tin kahapon, ka-klase mo," he then added. Dinadahan-
dahan nito ang pagki-kwento. "Nagsumbong siya sa principal. Mrs. Castro
fired me, and she wants to suspend you from school, too. Pero hindi ako
pumayag. Sabi ko sa kanya 'wag ka nang idamay. Ako na lang. Ako na lang
tatanggap ng lahat ng parusa. Pinaki-usapan ko rin sila na 'wag nang
ipaalam sa mga magulang mo. Ayokong masira ang kinabukasan mo nang dahil
lang sa 'kin, Leila. At naapektohan na rin ang kapatid ko. He's been
receiving threats from Jerome...
...Leila, I love you. You know that. Gagawin ko lahat para lang ma-
protektahan ka dahil alam kong 'yon ang trabaho ko. Kahit na career at
buhay ko ang kapalit. Please understand. I'm doing this for you. Hindi na
ako magtuturo sa St. Agnes. Aalis na kami ng kapatid ko. Susunod kami sa
parents namin sa Amerika."
Napatigil sa pag-iyak si Leila.
TIla namanhid ang mga pisngi niya sa huling sinabi ni Levi.
Tiningnan niya ito nang diretso. "N-no! Y-you're not leaving me!" giit
niya.
"Yes, Leila. I'm leaving."
"NO!" sigaw niya sabay bato ng bagpack niya kay Levi. Pinaghahampas niya
pa ito sa dibdib at sa braso. "NO, NO, NO! Bakit mo 'to ginagawa sa 'kin,
Sir! Sinasaktan mo 'ko, SINASAKTAN MO 'KO!"
Hindi naman siya pinigilan ni Levi. Tinatanggap lang nito ang mga
malalakas na hampas niya, hanggang siya na lang ang napagod. Muli niyang
sinubsob ang mukha niya sa kanyang mga palad.
"Tingnan mo, mapapagod ka lalo. Sshh, stop crying, baby, please. Halika
na. Isasakay na kita ng taxi pauwi," sabi na lang ni Levi sabay alalay na
ulit sa kanya patayo.
Pero agad siyang bumitiw nang magtagumpay itong patayuin siya. She
stamped her feet out of frustration. Kaunti na lang ay para na siyang
maglulumpasay sa sahig.
"Ayoko nga sabing umuwi! Sir! Tama na po! Masakit na! Don't leave! Don't
leave me! Sasama na lang ako sa 'yo, please! Isama mo 'ko! Kahit saan!"
she begged. Kulang na nga lang yata e lumuhod siya sa harapan nito. Bakit
hindi ito naaawa sa kanya?
"Tama na, Leila," he answered. "Nasasaktan din ako sa ginagawa mo. Ayaw
kitang makitang nagkaka-ganyan. Stop crying, please. Nahihirapan ako."
Hindi na ulit sumagot si Leila. Umiyak na lang siya. Sobrang nalulungkot
at nasasaktan na siya. Hindi niya kayang mawala si Levi sa kanya. He is
her only happiness! Para na rin siyang namatayan kung mawawala ito sa
kanya!
Wala na siyang ibang maisip na gawin. It hurts so bad but she doesn't
want to give up. She won't give up! Pumikit siya at bahagyang tumingala,
habang patuloy pa ring lumuluha.
Alam niyang hahalikan siya ni Levi tulad ng nakasanayan nila.
Naghintay siya ng ilang segundo, pero wala siyang labing naramdaman.
"Sir!" she called.
"No, Leila."
Naiyak siya lalo. Mas diniinan niya ang pagkakapikit niya. "Please,
Sir!"
"Stop that. Tama na. Hindi kita hahalikan."
Lalo niyang diniinan ang pagkakapikit. Hindi siya titigil. Kahit mabulag
siya hindi siya titigil! "Please! Please! Kiss me, Sir! Please!" she
begged as her tears aggressively rolled down her cheeks.
Maya maya lang ay hinawakan na ni Levi ang kanyang mga pisngi. Pero imbis
na halikan siya nito sa gilid ng labi, ay hinalikan lamang siya nito nang
madiin sa noo.
Pakiramdam ni Leila'y bumigay bigla ang mga tuhod niya. Impit na lang
siyang napaiyak. Ang sakit! Hindi na talaga siya mahal ng kanyang Sir
Levi. Ayaw na nito sa kanya.
Niyakap siya ni Levi sa leeg. Inabot pa nito ang mga braso niya at
pinayakap sa bewang nito. Pagkatapos ay naramdaman niya na lang ang
mainit nitong paghinga sa gilid ng kanyang ulo.
"I'm sorry, baby. I'm really sorry. Stop crying. Hindi ko ginustong
masaktan ka nang ganito. Believe me, I didn't want this, too. 'Pag
tumanda ka na, maiintindihan mo rin ang lahat. Maiintindihan mo kung
bakit natin kinailangang mag-hiwalay. Kung bakit kinailangan kong gawin
'to...
...Leila, stay strong. Promise me that, okay? Maging matapang ka para sa
'kin. Alam ko, galit na galit ka sa 'kin ngayon dahil sa ginawa ko. Pero
sana, balang araw, mapatawad mo 'ko."
Humigpit ang pagkakayakap nito sa kanya. He's so sincere. "I love you,
Leila. Please be happy. Even without me."
Tuluyan nang namanhid ang buong katawan ni Leila. Wala na siyang
maramdaman kung 'di ang sakit sa puso niya, at ang bigat ng dibdib niya.
Ni hindi niya na nga naririnig ang mga sinasabi ni Levi. Para na siyang
nabingi.
Be happy? Paano niya gagawin 'yon? Kung ang tanging taong nagpapasaya sa
kanya ay mawawala na?
Walang gana siyang kumalas mula sa pagkakayakap ni Levi. Pagkatapos ay
hinang-hina niyang pinulot ang backpack niyang nasa sahig nang hindi man
lang umiimik.
Levi held her hand to support her, pero inis siyang umiwas. Hinaplos din
siya nito sa pisngi, pero umilag lang siya. Hindi siya nagsasalita. Basta
tuloy-tuloy lang ang pagtulo ng mga luha niya na para bang hindi na
titigil ang mga 'yon.
"Leila...I'm really, really sorry. Sana mapatawad mo 'ko."
Tiningnan niya ito nang diretso sa mga mata, kahit na sobrang nanginginig
ang mga kamay at tuhod niya.
"I hate you. I hate you so much," maanghang na aniya habang nagpipigil ng
mga hikbi. "I'm willing to give up everything I have just for you!
Everything, Sir! Sinayang mo lang lahat! Iiwan mo 'ko nang ganito. Ikatu-
tuwa mo ba 'yon? Sana...sana hindi ka maging masaya. Ipagdarasal ko na
hindi ka rin maging masaya! I hate you, Sir Levi!"
Hinampas niya ito sa dibdib sabay takbo palabas ng kwarto habang
pinipigilan ang muling pagbuhos ng mga luha niya.
She heard Levi calling her, pero hindi na niya ito nilingon. Hindi siya
bumalik. Para saan pa? Para marinig ulit ang pagpapa-alam nito sa kanya?
Tama na. Hindi niya na kayang lumunok pa ng dagdag na sakit.
TO BE CONTINUED...
=================================
AUTHOR'S NOTE:
Hey! I'll try to post the last chapter later today. Leila and Levi until
the end? Let's see. Thank you for reading!
BARBS
=================
And Then You Left (Ch.5)
AND THEN YOU LEFT - CHAPTER 5
+++
Ilang araw nang nagkukulong si Leila sa loob kanyang kwarto.
Hindi siya kumakain kahit na kinakatok na siya ng Mama niya at ng mga
katulong nila. Hindi niya pinapansin ang mga ito, lalong lalo na ang kuya
niyang si Jerome. Ito ang sinisisi niya kung bakit nararamdaman niya ang
ganitong klase ng sakit. She hates him! At hindi niya ito mapapatawad sa
ginawa nito sa kanya; sa kanila ni Levi.
Hindi rin siya pumapasok sa eskwela. Wala siyang gana. Walang tigil lang
siyang umiiyak sa loob ng kwarto, minsan sa loob ng sarili niyang C.R, o
kaya'y sa tapat ng computer habang tinitingnan ang mga litrato nila ni
Levi sa monitor. Hanggang sa makatulog na lang siya. Ganoon siya araw-
araw. She's broken and depressed. Hindi na niya alam kung saan o kanino
siya kakapit.
Hindi niya matanggap ang ginawa sa kanya ng kanyang Sir Levi. She thought
it's Leila and Levi against the world, pero pakiramdam niya'y iniwan siya
nito sa ere. Ang sakit tanggapin na siya, handa siyang ipagpalit lahat,
even her family, just to be with him. Pero ito, hindi nito magawang
lumaban. He's so weak and unfair!
Masamang masama ang loob niya rito. Pero hindi niya mapagkaka-ilang kahit
papano'y hinihiling niya na sana hindi na lang totoo ang lahat. Na sana
panaginip lang ang nangyari, at 'di totoong nawala na sa buhay niya si
Levi.
Pero hindi, e. 'Yong sakit na nararamdaman niya ngayon, 'yon ang patunay
na totoong nangyari ang lahat. He's gone. At hindi niya alam kung
magkikita pa ulit sila.
MARTES nang maisip niyang pumasok na ulit sa school. Masama ang
pakiramdam niya, at ang bigat-bigat ng katawan niya, pero pinilit niya pa
ring pumasok.
It's a Tuesday, at ito ang araw na magtuturo ng Chemisty si Levi sa klase
nila. She's quite excited na para bang umaasa pa siyang makikita niya pa
si Levi, kahit na alam niyang hindi na. There's still little hope in her.
Pagkarating niya sa St. Agnes, pansin na niya agad ang mga matang
nakatitig sa kanya. Napayuko na lang siya at nagpatuloy sa paglalakad.
Wala siyang mukhang maiharap. Marahil alam na ng mga ka-eskwela niya ang
lihim niya.
Dumiretso siya sa classroom. Pasok sa isang tenga, labas sa kabila na
lang ang ginagawa niya kapag naririnig ang mga maldita niyang mga kaklase
na pinag-tsi-tsismisan siya.
Sinubsob niya ang mukha niya sa mesa ng kinau-upuang armchair. She feels
so alone. Hindi niya na yata kaya pang mag-aral. Parang gusto na niyang
maunang mag Christmas vacation. Parang gusto niya na lang tumigil. Wala
na talaga siyang gana.
Ilang sandali pa ay bumukas na ang pinto ng classroom nila. Napa-ayos
silang magkaka-klase ng mga upo.
Pumasok ang kanilang principal, si Mrs. Castro, kasunod ang isang babae
na nasa late 20s na siguro.
"Good morning, students!" bati ni Mrs. Castro. "As I announced last week,
Mr. Alarcon is no longer affiliated with our school. So now, I'd like you
to meet Ms. Lopez. She will be your new Chemistry teacher starting today.
Maging mabait sana kayo sa kanya."
Walang ganang napayuko si Leila. Para siyang nabagsakan ng langit dahil
sa narinig.
Hindi niya na nga namalayang tumulo na naman pala ang luha niya.
Nanginginig ang mga kamay niya. Alam niya naman, e, pero bakit masakit pa
rin? Hindi niya matanggap! Hindi niya talaga kayang tanggapin! He's
really gone. Her Sir Levi really left her.
Hindi na niya alam ang sumunod niyang ginawa. Kinuha niya ang bag niya't
dire-diretsong lumabas ng silid. Kailangan niyang gawin 'yon, dahil kung
hindi, baka mag-breakdown siya sa loob mismo ng classroom. Hindi na niya
kayang pigilan ang pag-iyak niya. Sobrang sakit lang talaga.
Narinig niyang tinawag siya ng principal para bumalik, pero hindi siya
nakinig.
Bumaba siya ng hagdan habang panay ang pagpahid sa mga luha niyang ayaw
paawat sa pagtulo. Ang sakit sakit ng dibdib niya. It's like she's going
to collapse anytime soon. Wala na nga rin siyang pakialam kung mahulog
siya sa hagdanan dahil nanglalabo na ang paningin niya. Sana nga mahulog
na lang talaga siya, e. Total, wala na siyang gana sa buhay.
Binaybay niya ang pasilyo na papunta sa faculty room. Baliw na kung
baliw, pero umaasa siyang makikita niya si Levi roon. Baka nandoon pa ito
at hindi pa umaalis. Kailangan niya itong mapigilan.
Napatigil siya bigla sa locker area nang mapansin niyang may nakasilid na
papel sa locker niya. Pinunasan niya ang mga mata niya para makakita siya
nang maayos.
Hinila niya ang papel. It's a letter. Tiningnan niya muna kung kanino
galing. Napa-iyak na naman siya nang makita ang pangalang "Levi" sa ibaba
ng papel. Mabilis niyang pinahid ang kakatulo lang niyang luha, at saka
sumandal sa nakasarang locker para simulang basahin ang nakasulat doon.
Leila,
I will miss you. Hindi kita makakalimutan.
Alam kong galit ka sa 'kin dahil sa ginawa kong pakikipag-hiwalay at pag-
iwan sa 'yo. Pero sana maintindihan mo kung bakit ko 'yon ginawa. Para sa
'yo yon. I'm really sorry for hurting you so bad. Hindi mo na kailangang
ipagdasal na sana hindi na ako maging masaya, dahil talagang hindi na ako
magiging masaya kasi alam kong sobrang nasaktan kita. I just wish you'll
learn to forgive me. Hindi ko alam kung makakabalik pa ako diyan, o kung
magkikita pa tayo ulit. Pero sana, 'pag maayos na ang lahat, at binigyan
ako ng pagkakataon na balikan ka, sana pwede na tayo.
I love you, baby. 'Wag mong kakalimutan 'yon. I love you so much. I'm
sorry for not fighting for us. Please smile. Be strong. Please take care
of yourself. 'Wag na 'wag kang gagawa ng mga bagay na hindi ko
magugustuhan. Lumayo ka sa gulo. Basta mag-ingat ka. Dahil hindi ko
mapapatawad ang sarili ko 'pag may nangyaring masama sa 'yo. 'Wag kang
magpapalipas ng pagkain. Study hard. I love you. I'm sorry.
Levi
Hindi napansin ni Leila na nalukot niya na pala ang papel na hawak hawak
niya. Ang sikip sikip ng dibdib niya. Hindi na siya makaiyak, pero ramdam
na ramdam niya ang pag-iinit ng kanyang mga mata.
Wala sa sarili siyang naglakad, kapit kapit ang sulat, papunta sa pinaka-
malapit na banyo. Pumasok siya sa bakanteng cubicle at naupo sa
nakasarang bowl.
Impit siyang napaiyak. At sobrang hirap 'non - na gusto niyang humagulgol
pero hindi niya magawa dahil baka may makarinig sa kanya. Ganito pala ang
pakiramdam nang mawalan ng minamahal. Ganito pala kasakit ang mahulog.
She thought Levi was her prince. Her leading man in her love story. Pero
hindi pala totoo ang mga ganoon.
Yes, there's true love. But there's no such thing as 'forever' and 'happy
ever after'. Minsan, kahit na mahal na mahal niyo ang isa't isa, hindi
talaga pwede.
Bakit pa ba kasi nag-exist ang Love? That thing was made only to hurt
people. Sana hindi na lang siya nagmahal. Sana pala nakuntento na lang
siyang tingnan na lang si Levi habang nagtuturo ito, habang kumakain ito
sa cafeteria kasama ang ibang mga teachers, habang gumagawa ito ng lesson
plan sa library.
They started out as plain student and teacher, and then she fell for him
little by little, then he acted so sweet that she fell for him even
more...they were both happy...and then he left.
Ganoon na lang ba talaga 'yon? Life is so unfair.
Gigil na nilukot ni Leila ang sulat at inis na tinapon sa kalapit na
basurahan. Hindi niya 'yon itatago. Hell no! Ayaw na niyang mabasa ulit
ang sulat na 'yon. She wiped her tears away and calmed herself down with
deep breaths.
Lumabas na siya mula sa cubicle, at tiningnan ang sarili niya sa salamin.
Ano na bang hitsura niya? Halos hindi na niya makilala ang sarili. Hindi
na siya nakapag-ayos. Mugtong-mugto ang mga mata niya, nalaglag na rin
ang ilang hibla ng kanyang mga buhok mula sa pagkaka-ponytail.
Inayos niya ang kanyang sarili. Pinlantsa niya gamit ang mga palad ang
nalukot niyang uniporme. Kumuha siya ng tissue para punasan ang kanyang
mukha. Naglugay din siya ng buhok at sinuklay 'yon, nag-polbo siya, at
nagpatong ng lip balm.
Tinapangan niya ang tingin sa sarili. She took another deep sigh.
Tama na. Ito na ang una't huli. From now on, she will be a different
Leila. Hindi na ulit siya iiyak nang dahil lang sa lalaki. She now hates
men, including her brother, and that Allen. Pinapangako niya sa sarili
niyang hindi na siya magmamahal ulit.
Because Love is a murderer.
It killed her.
THE END
============================
AUTHOR'S NOTE:
Yes! Maraming maraming salamat sa lahat ng nagbasa at sumuporta sa
storyang 'to. Alam ko ang ilan sa inyo, hindi gusto ang ganitong ending.
Haha! But this is Leila's untold story. Just so you know, na-hook ako
masyado sa storyang 'to. And I'm thinking of writing a novel about Leila.
Pero hindi ko pa alam kung itutuloy ko. Help me decide, guys. Haha!
Thanks again. More AWC Untold Stories to come! Yay! :)
UPDATE AS OF AUGUST 10, 2014:
TINULOY KO NA PO ANG KWENTONG ITO NI LEILA. SA MGA GUSTONG MAGBASA, JUST
VISIT MY PROFILE ANG LOOK FOR "FALL AGAIN", OR CLICK EXTERNAL LINK.
MARAMING SALAMAT SA MGA HUMILING NA ITULOY KO 'TO :)
BARBS
=================
Author's Note #2
Author's Note #2:
Hello! Maraming maraming salamat sa lahat ng mga humiling na ituloy ko
ang And Then You Left - ang kwento ng ating mahal na si Leila.
Good news! Tinuloy ko na talaga siya! Sa mga gustong magbasa at malaman
kung magkaka-tuluyan ba si Leila at Sir Levi, go to my profile and search
for "Fall Again", or click external link.
Thank you! Sana 'wag kayong magsawang sumuporta :)
BARBS