478-500 ikaapa~2 482-504

30
BANGHAY- ARALIN SA PAGTUTURO NG FILIPINO 3 PANUNURING PAMPANITIKAN IKAAPAT NA MARKAHAN – IKALIMANG LINGGO I. PAKSA/MGA KASANAYAN/MGA KAGAMITAN Paksa : Saykolohikal na Pagsusuri sa Panitikan Susuriing Genre : Dulang Pampelikula Halimbawang Akda : Himala (bahagi) Ni Ricky Lee Mga Kagamitan : Bidyo teyp, sipi ng texto Kasanayang Pampanitikan : Pagsusuri sa mga kilos, gawi at saloobin ng tauhan Kasanayang Pampag-iisip : Matalinong pagpapasya Halagang Pangkatauhan : Habang may buhay may pag- asa II. MGA INAASAHANG BUNGA (BAWAT ARAW) A. Nakapaglalahad ng pansariling karanasang kaugnay ng mga nakapaloob sa akda. B. Mga Layuning Pampagtalakay B.1. Pagsusuring Panglingwistika Pagsusuri sa pagkakabuo ng mga pangungusap (haba o ikli). B.2. Pagsusuring Pangnilalaman BSE-Kagawaran ng Edukasyon 477

Upload: lyndon-to-os-tuala

Post on 30-Mar-2015

804 views

Category:

Documents


6 download

TRANSCRIPT

Page 1: 478-500 IKAAPA~2 482-504

BANGHAY- ARALIN SA PAGTUTURO NG FILIPINO 3PANUNURING PAMPANITIKAN

IKAAPAT NA MARKAHAN – IKALIMANG LINGGO

I. PAKSA/MGA KASANAYAN/MGA KAGAMITAN

Paksa : Saykolohikal na Pagsusuri sa PanitikanSusuriing Genre : Dulang PampelikulaHalimbawang Akda : Himala (bahagi)

Ni Ricky LeeMga Kagamitan : Bidyo teyp, sipi ng texto Kasanayang Pampanitikan : Pagsusuri sa mga kilos, gawi at

saloobin ng tauhan Kasanayang Pampag-iisip : Matalinong pagpapasyaHalagang Pangkatauhan : Habang may buhay may pag-asa

II. MGA INAASAHANG BUNGA (BAWAT ARAW)

A. Nakapaglalahad ng pansariling karanasang kaugnay ng mga nakapaloob sa akda.

B. Mga Layuning Pampagtalakay

B.1. Pagsusuring Panglingwistika

Pagsusuri sa pagkakabuo ng mga pangungusap (haba o ikli).

B.2. Pagsusuring Pangnilalaman

Pagsusuri sa mga bahaging may kinalaman sa tradisyunal na elemento ng akda (tauhan, pangyayari, galaw, paksa, kasukdulan).

B.3. Pagsusuring Pampanitikan

Nasusuri ang akda batay sa pananaw saykolohikal.

C. Nasasabi ang bisang pandamdamin at pangkaisipan ng akda. D. Nakasusulat ng isang reaksyong kritikal.

BSE-Kagawaran ng Edukasyon 477

Page 2: 478-500 IKAAPA~2 482-504

III. PROSESO NG PAGKATUTO UNANG ARAW

A. Mga Panimulang Gawain

Mungkahing Istratehiya : Picture Sketch

1. Nabasa ba ninyo ang kwentong Impeng Negro? Ngayon, bubuin ninyo habang binabasa ko ang isang bahagi ng kwento kung ano ang hitsura niya. Habang pinapakinggan, iisketch ninyo ang kanyang anyo batay sa paglalarawan.

(Pagkatapos ng pagbabasa ng hitsura)

2. Ngayon, dahil dito anu-ano ang impresyon ng tao sa kanya? At ano ang naging epekto nito kay Impe?

Pagganyak : Pagbabahaginan ng sariling pang-unawa at karanasan.

Mungkahing Istratehiya : Habi ng Pagkakaugnay

Tanong :

Ano ang pumapasok sa inyong isipan pag naririnig ang salitang HIMALA?

Paglalahad : Pagpapanood ng maikling bahagi ng pelikulang HIMALA. Pagpapabasa sa maikling texto ng iskrip

BSE-Kagawaran ng Edukasyon478

Page 3: 478-500 IKAAPA~2 482-504

HIMALA

1. EXT. KALSADA. HIPON.

Tuluyan nang tatakpan ng buwan ang araw at magdidilim sa kalsada. Tarantang matatakbuhan ang mga tao habang nakatingala sa langit. Isang matandang babae ang takot na takot na mapapaupo sa tabi ng kalsada at magdarasal. Kakahol ang mga aso.

MATANDANG BABAE Diyos ko po, gunaw na yata!

Mula sa pagbabantaysa tindahay’y sisigawan ni Lucio, 33 ang babae.

LUCIO : Hindi iho, eclipse lang ho ‘yan!

Walang damdamin sa mukhang pinagmamasdan ni Elsa ang lahat habang naglalakad. Mahigit beiente si Elsa, maliit lang, katulong sa malaking bahay. Ang lugar ay Cupang, Isang baryo sa Pilipinas na matagal na panahon ding hindi dinaratnan ng ulan, nagbibitak ang mga kalsada’t natutuyo ang mga pananim.

Sa dilim ay makikita ni Elsa sina Lolo Hugo, Bella, at Pilo. Bulag si Lolo Hugo, akay-akay ng pamangking si Bella. Maganda si Bella, Inosente. Si Pilo, magsasaka, ay may 25 na.

LOLO HUGO : Bakit, anong nangyayari?

BELLA : Naku, tiyong, umuwi na tayo, natatakot ako!

PILO : (kay Bella). Ikaw kasi e, ayaw mo pa akong sagutin. Ikaw rin, baka matapos na ang mundo.

Maglalakad si Elsa at makakasalubong si Sepa, asawa ng magsasaka.

SEPA : Elsa, nakita mo ba sina Nestoy at Intong? Nasa eskwelahan ba?

ELSA : Hindi nakita.

Maglalakad palayo si Elsa. Magpapatuloy ng paghahanap si Sepa.

BSE-Kagawaran ng Edukasyon 479

Page 4: 478-500 IKAAPA~2 482-504

2. EXT. BUROL. HAPON

Sa dilim ay mangangapa si Elsa paakyat sa burol . Humuhugong ang hangin . Madadapa siya. Babangon sana pero may maririnig na bulong.

BOSES NG BABAE : Elsa .

Mapapalingon si Elsa. Parang tumahimik ang lahat, nakikinig din. Nagtatakang tatayo si Elsa. Sa loob ng ilang sandali’y wala siyang makikita. Hahakbang siya palapit sa tuyong-tuyo’t walang dahong punongkahoy sa tuktok ng burol.

Noon niya makikita ang kung anuman ‘yun. Parang nauupos na kandilang mapapaluhod siya at maninigas ang katawan, tatapon ang ulo papunta sa likod habang nakatingalang parang mababakli ang leeg, hindi kukurap ang mga mata, sa dilim ay nagnininging ang mukhang akala mo’y sinisikatan ng araw.

3. NT. SALA. BAHAY NINA ELSA.GABI

Minamasahe ni Elsa si Aling Saling ang ina niya. May malalim na iniisip si Elsa. Sa altar ay may nakasinding kandila sa imahen ng birhen.

ALING SALING : Munting kumibot ang lupa’y natatakot na agad silang baka gunaw. Kung bakit naman naniniwala pa rin silang ang lugar na itoy isinumpa. Sabagay naniwala din ako n’ong una pero ngayon , ewan ko. Baka me mga lugar alagang bihirang datnan ng ulan, Hoy, Elsa, nakikinig ka ba?

ELSA : Opo.

ALING SALING : Lagi kang wala sa sarili. Gaya kanina. Pinapunta kita kina Lucio’y nakalimutan mo. Lagi kang nasa burol. Ilang taon ka na ba?

ELSA : Beinte – kuwatro po.

ALING SALING : Di kita laging mababantayan. Dapat mag-asawa ka na.

ELSA : Wala naman pong manliligaw sa ‘kin e.

ALING SALING : Me anak ‘yung isa kong kumpare sa ibayo. Binata pa.

ELSA : Inay, me ipagtatapat po ako sa inyo.

BSE-Kagawaran ng Edukasyon480

Page 5: 478-500 IKAAPA~2 482-504

ALING SALING : Baka sabihin nila’y mag-ina tayong matandang dalaga. Di kita inampon para gumaya lang sa ‘kin.

ELSA : Nakita ko po ang Mahal na Birhen.

Mapapatingin si Aling Saling.

ELSA : Sa burol po. Kanina habang may eclipse. Nakaputing damit po siya. May belong asul. May sugat sa dibdib. Umiiyak po siya at saka nawala.

Mapupuno ng ligalig at –aalala ang mukha ni Aling Saling.

ELSA : (Manlulumo). Ayaw po kayong manila sa akin?

Bubuntunghininga si Aling Saling.

4. INT. BAHAY NINA ELSA.HAPON.

Muling babagsak ang pamalong hawak-hawak ng arbularyo. Tatama sa nakahubad na likod ni Elsang nakadapa sa katre. Sa halip mapangiwi sa sakit ay titigas ang mukha niya.

Nag –aalanglang nakatingin Sa tabi si Aling Saling, akala mo’y siya ang pinapalo. Hindi nakatingin si Chayong, kaibigan ni Elsa. Nakatayo lang si Mrs. Alba, amo ni Elsa.

Muling hahataw ang pamalo. Lalong titigas ang mukha ni Elsa. Humihingal na titigil ang arbularyo.

ARBULARYO : (kay Aling Saling). Talagang matigas ang espiritu. Kailangan pa nating maghintay nang ilang araw. Tsaka n’yo na lang siya ibalik sa ‘kin.

Lalapit ang kamera sa mukha ng nakadapang si Elsa. Naroroon pa rin ang tigas.

BSE-Kagawaran ng Edukasyon 481

Page 6: 478-500 IKAAPA~2 482-504

5. EXT. BUROL UMAGA.

Kakanta-kantang papunta si Baldo sa bukit. Mapapatigil. Makikita si Elsa sa burol, nakaluhod sa harap ng tuyong punongkahoy, naninigas ang nakatapong ulo sa likod, walang kagalaw – galaw.

Humuhugong ang hangin.

Nagtatakang lalapit si Baldo at nabibigla.

May sugat sa magkabilang bisig si Elsa pero parang walang nararamdamang sakit.

BALDO : Elsa? Elsa?

Di gagalaw si Elsa. Yuyugyuin ni Baldo sa mga balikat.

BALDO : Elsa!

Matagal bago magmumulat ng mga mata si Elsa. Pero parang wala ang nakikita. Bubukas ang mga kamay niya . May sugat siya sa mga palad.

6. EXT. INT. KUMBENTO. GABI

Sa labas ng kumbento’y palakad-lakad na naghihintay sina baldo. Aling Saling. Mrs. Alba at Chayong. Pabulong na nagrorosaryo si Chayong.

MRS. ALBA : Kaya pala lagi siyang malilimutan ngayon.

CUT TO : Sa loob ng silid ay nakaupong magkaharap sina Elsa at ang pari. Parang inquisition ang nangyayari. Walang simpatiya ang pari kay Elsa.

Matatag at walang damdamin si Elsa. Sa di kalayuan ay pinagmamasdan sila ng nakatayong imahen ng Birhen. Hindi tumitingin ditto si Elsa.

PARI : Kung minsa’y nagpapanggap ang demonyo. Nakikilala siya bilang isang hayop, o kaya’y isang angel, o kaya’y isa sa tatlong persona.

Di kikibo si Elsa.

BSE-Kagawaran ng Edukasyon482

Page 7: 478-500 IKAAPA~2 482-504

PARI : (ituturo ang imahen). Ganito ba ng nakita mo?

ELSA : Opo, pero meron po siyang sugat sa dibdib. Para pong tama ng baril.

PARI : Me baril na ba nong unang panahon?

ELSA : Ewan ko po.

PARI : E papaano mo nakita e may eclipse?

ELSA : May liwanag pong nanggagaling sa kanya. Para po siyang nabibihisan ng araw.

PARI : Nakausap mo siya?

ELSA : Noong una po’y nagpapakita lang siya, umiiyak, at saka nawawala. Pero nitong huli’y nagsasalita na siya.

PARI : Bakit daw siya umiiyak?

ELSA : Sabi po niya’y di mo ako mapapangiti, Ineng, maraming kasalanan ang tao.

PARI : Sa kanya mo ba nakuha ang mga sugat mo?

ELSA : Ewan ko po, pero sabi po niya, kung magpapakabait daw po lahat ng mga tagarito, Isang araw ay mawawala ang sumpa.

PARI : Naniniwala ka na isinumpa ang baryong ito?

ELSA : Iyan po ang kuwento ng matatanda. (titigil, mapapatingala sa imahen). At ang sabi din po niya, darating daw po ang araw at lalapit daw po sa akin lahat ng may sakit at manggagamot daw po ako. Hindi lang daw po sugat ng katawan kundi pati’y ‘yung sagot ng mga kaluluwa.

PARI : Lagi kang tinutukso ng mga tao dito bilang putok sa buho. Di sasagot si Elsa.

PARI : At noong araw na nakita mo ang Birhen ay nakagalitan ka daw ni Mrs. Alba.

ELSA : Lagi naman po niyang ginagawa ‘yun e.

BSE-Kagawaran ng Edukasyon 483

Page 8: 478-500 IKAAPA~2 482-504

PARI : May sama ka ba ng loob sa mga tao dito, Elsa?

ELSA : (titingin ng tuwid sa pari). Di po ako nagbubulaan Padre.

PARI : Hindi ako naniniwala sa mga milagro. Ang Panginoong Diyos ay hindi gagawa ng milagro para lang mapagtakpan ang pagkukulang sa pananampalataya ng mga tao.

ELSA : Totoo po ang nakita ko.

7. INT. KUWARTO. BAHAY NINA ELSA. GABI

Sa sahig ay nakahiga na para matulog si Elsa. Nakaupo sa tabi ang nag-aalalang si Aling Saling.

ALING SALING : Baka pagtawanan ka ng mga tao. Kung anu-ano kasing iniisip mo. Baka matanggal tayo sa trabaho kay Mrs. Alba. Mahirap lang tayo, Elsa. Baka madagdagan pa ang problema natin.

ELSA : Totoo po ang sinasabi ko, Inay.

ALING SALING : Nagsisi ako. Pinabayaan kita n’ong maliit ka pa. Kung anu-anong kuwento ang iniimbento mo noon, na pinaniniwalaan ko. Minsan sinabi mong me kalaro kang angel. Gusto kitang pigilin noon pero lungkot na lungkot ka. Lagi kang kinakantiyawang putok ang baho ng mga kalaro mo. Napulot lang daw kita sa burol. Inampon lang daw kita dahil sa tumatandang dalaga ako’t kailangan kong libangan. Lagi kang nag-iisa. Kaya pinayagan kita sa mga laro mo. Sabi ko’y bata ka pa, lilipas din. At lumipas nga. Hanggang kahapon. Akala ko’y lumipas na.

8. INT. KUWARTO. BAHAY NINA ELSA. MADALING ARAW.

Magigising si Aling Saling. Mapapansing wala si Elsa sa higaan. Mapapabalikwas ng bangon.

9. EXT. KALSADA. UMAGA.

Sagsag sa kalsada sina Aling Saling, Chayong at Baldo.

CHAYONG : Baka ho nasa burol.

BSE-Kagawaran ng Edukasyon484

Page 9: 478-500 IKAAPA~2 482-504

10. EXT. BUROL. UMAGA

Mapapatigil sina Aling Saling, Chayong at Baldo. Nakaluhod si Elsa sa harap ng punongkahoy na pinagpakitaan sa kanya ng Birhen. Mapapatingin ito sa kanila, walang damdamin sa mukha. Susugurin nila ito at mapapatigil sila sa pagtataka. Wala na ang mga sugat sa katawan ni Elsa.

CHAYONG : Susmaryosep!

TAGABARYO : Off – camera). Baldo! Baldo!

Tumatakbong lalapit ang isang tagabaryo.

TAGABARYO : Baldo, ‘yung bisita mong taga-Maynila, ‘yung tiningnan ni Elsa, nawala na raw ang sakit niya! Gumaling na daw siya!

Magkakatinginan sina Chayong at Baldo, at Aling Saling. Parang hinigop na mapapaluhod si Chayong sa harap ni Elsa. Mapapatingin lang sa kanya si Elsa. Di malaman ni Baldo kung aalis para tingnan ang kaibigan niya, o luluhod kay Elsa. Mapapaluhod siya sabay kabig paluhod din sa tagabaryo.

Maiiwang mag-isang nakatayo si Aling Saling. Naglalaban sa mukha ang iniisip at nararamdaman. Mapapatingin sa kaya si Elsa. Bubukas ang bibig ni Aling Salin at may lalabas na tunog na di maintindihan. Habang nagtatalo pa rin sa mukha ang halu-halong damdamin ng pagtataka, pagkapahiya’t pagmamahal sa anak ay mapapaluhod na rin siya. Walang damdaming nakatutok lang ang mga mata ni Elsa sa mga nakaluhod sa kanyang harapan.

11. EXT. TINDAHAN NI LUCIO. HAPON.

Naghuhuntahan sina Lucio, mga lalaking tagabaryo’t isang matandang babae.

LUCIO : E ‘yang si Baldo dating sepulturero ‘yan kaya mahilig magpapaniwala sa mga himala.

LALAKI 1 : Di na raw sumusumpong ang sakit niya sa atay E.

LALAKI 2 : At amoy sampagita na daw ang buong kabahayan nina Elsa!

LALAKI 3 : E sobra na kasi ang kasalanan ng tao kaya nakikialam na ang birhen!

BSE-Kagawaran ng Edukasyon 485

Page 10: 478-500 IKAAPA~2 482-504

MATANDANG BABAE : Baka mawala na ang sumpa sa Cupang. Magdodoble ‘yan e di umuulan ! (Mapapansin ang paring nagdaraan). Aba si Padre, Padre, daan ho muna kayo!

PARI : (lalapit). Magandang hapon sa inyong lahat.

LUCIO : Padre, anong palagay n’yo sa himala?

PARI : Aba’y kailangang hintayin natin ang pasiya ng ating Obispo. Samantala’y hindi pwedeng kunsintihin ng simbahan ang mga nangyayari.

Magkakatinginan sina Lucio.

LUCIO : Tama

12. INT. SALA. BAHAY NINA ELSA. UMAGA.

Itataas ni Elsa ang mga kamay at marahang hahagurin ang mga mata ni Lolo Hugo. Umaasang nakatingin sina Bella, Chayong, Aling Saling, Sepa at Baldo. Ginagaya ni Chayong bawat galaw ng kamay ni Elsa.

13. INT.SALA.BAHAY NINA ELSA. UMAGA.

Kakatapos lang nilang bihisan nang putting-puti si Elsa.

CHAYONG : Kasya pala sa’yo. Damit ‘yan pinsan kong nagmamadre.

Lalakad sila para umalis. Sa altar, ang Imahen ng Birhen ay may nakasabit nang mga bulaklak at nakasinding kandila. 14. INT. KALSADA.UMAGA.

Para silang munting prusisyon sa kalsada. Si Elsa kasunod sina Aling Saling, Chayong, Baldo at Sepa. Daraan sa tapat ng tindahan ni Lucio. Papaswitan sila nito.

LUCIO : Baldo, pagbutihin mo! Baka maawa sa’yo ang Mahal na Birhen at pagkalooban ka ng asawa.

Hindi siya papansinin nina Baldo.

15. EXT. BUROL. UMAGA

Mula sa point of view ng burol ay maliliit na hugis sina Elsa, Aling Saling, Baldo, Chayong at Sepa paakyat. Maririnig ang ilang boses.

BSE-Kagawaran ng Edukasyon486

Page 11: 478-500 IKAAPA~2 482-504

NESTOY : Baka ditto! Baka nagtatago lang dito! O baka naman d’yan sa kabilang puno!

INTONG : H’wag kang maingay! Baka matakot lumabas!

Makikita sina Igmeng Bugaw, Nestoy, Intong at isa pang bata, Iniinspeksiyon ang punongkahoy na nilalabasan ng Birhen. May dala-dala pang flashlight si Igmeng Bugaw.

SEPA : Anong ginagawa n’yo d’yan! (susugod)

NESTOY : (lalapit) Tinitingnan lang po namin kung saan lumalabas ‘yung Birhen!

SEPA : (mapapanguros). Mga walang sampalataya! Halikayo rito!

BALDO : Kailangang pabakuran natin ang lugar na ‘to at nang di inuusyoso!

Luluhod para magdasal sina Aling Saling, Chayong, Sepa at Baldo. Mapapatingin sa kanila si Igmeng Bugaw, saka para di kasaling lalayo ito.

16. EXT. BAHAY NINA ELSA.HAPON

Nakatingin lahat sina Mrs. Alba, Aling Saling, Sepa, Chayong, Baldo, ilang deboto at pasyente mula sa Cupang at kalapit – baryo. Isang pasyente ang ihaharap ni Baldo kay Elsa.

ELSA : Anong nararamdaman n’yo?

PASYENTE : Naipitan ako ng ugat sa leeg.

Mamasahehin ni Elsa Ang leeg ng pasyente. Patuloy na pinag-aaralan at ginagawa ni chayong bawat gawin ni Elsa. May naglalaro sa isipan ni Mrs. Alba habang nag-oobserba. Dudungaw siya sa labas at makikita ang nagdaratingang marami pang pasyente.

Hihilahin ni Mrs. Alba si Aling Saling sa kabilang kuwarto at bubulungan.

MRS. ALBA : Saling, maski di mo na mabayaran ang utang mo sa ‘kin. Hindi mo na rin kailangang manilbihan sa akin.

Magtataka si Aling Saling.

BSE-Kagawaran ng Edukasyon 487

Page 12: 478-500 IKAAPA~2 482-504

MRS. ALBA : (aabutan ng pera si Aling Saling). Eto, Tanggapin mo, Sige, kunin mo, kunin mo.

Babaling sa sala si Mrs. Alba at tatawag.

MRS. ALMA : Chayong …. Ikaw … Baldo … Sepa!

Lalapit ang mga tinawag.

MRS. ALBA : Kailangang mag-organisa tayo. At magiging trabaho natin ay tulungan at bantayan si Elsa. Maraming magpapanggap diyan pero mga alagad ng demonyo. Kagaya niyang si Igmeng Bugaw.

17. INT. KAPILYA.UMAGA.

Nagsesermon ang pari.

PARI : Ang Diyos ba ay mapagparusang lagging naghihiganti sa atin tuwing tayo’y nagkakamali? O siya ba’y isang multo lamang, aparisyon o ilusyon? Maraming katanungan sa ‘ting dibdib.

Patatahimikin ng ina pinapasusong anak.

PARI : Ano ang mangyayari kung magiging napakadali ng mga himala? Magugulo ang kaayusan. Maski sino ay maaaring magsabing sugo siya ng ating panginoong Diyos. SA Halip na magbubukas ng ating mga mata, ang relihiyon ay magsisilbing tagabulag.

18. INT. BAHAY NINA CHAYONG. GABI.

Kakawala sa pagkakahalik ni Pilo si Chayong at humihingal na babangon. Nasa ilalim sil ng bahay, sa may tangkal ng bahoy.

CHAYONG : H’wag, Pilo! Natatakot ako.

PILO : Ba’t ka natatakot, ako lang ‘to di ba mahal mo ako? Chayong, mapapanis tayo!

CHAYONG : Alam mo namang gusto kong malinis ako bago tayo makasal Yun lang ang maibigay ko sa yo.

BSE-Kagawaran ng Edukasyon488

Page 13: 478-500 IKAAPA~2 482-504

PILO : (pilit uling yayakapin si Chayong). Ngayon mo na ibigay Chayong .

CHAYONG : (iiwas). Ba’t ako pa ang nagustuhan mo? Marami ka namang girlfriend a.

PILO : Wala naman A! (muling magtatangkang hagkan si Chayong. Sige na, Chayong…

CHAYONG : H’wag, Pilo …. H’wag!

Hinahabol ang hiningang makakawala si Chayong at tatayo.

CHAYONG : Talaga namang marami kang girlfriend a. pati nga Si Elsa niligawan mo n’on!

PILO : Lahat ng babae kaya kong ligawan, pero si Elsa hindi.

CHAYONG : Bakit?

PILO : Ewan ko. Parang hindi siya babae e. Parang hindi siya tao. Kelan ba tayo pakakasal?

CHAYONG : Nakausap ko na si Elsa, Pilo.

PILO : (mawawalan ng gana) Lahat ba namang gagawin mo’y ikinukunsulta mo pa ke Elsa?

CHAYONG : Alam niya ang lahat

PILO : Ano siya, salamangkero?

CHAYONG : Natatakot akong pakasal, Pilo. Baka di ko maibigay sa ‘yo ang gusto mo.

PILO : Tuturuan kita.

Magtatangka uli si Pilong yakapin si Chayong pero tuluyang iiwas at aalis ito. Maiiwan si Pilo.

Sa lababo buong diing kinukuskos ni Chayong ng sabon ang mga labing hinagkan ni Pilo. Darating si Narding, kapatid niya. May 24 na ito nakaunipormeng konduktor.

BSE-Kagawaran ng Edukasyon 489

Page 14: 478-500 IKAAPA~2 482-504

B. Pangkatang Gawain

Pangkat 1 at 2 : Pagtatala ng mga bahaging nakaaapekto sa kaisipan at damdamin ng mga manonood o tagapakinig.

Mungkahing Istratehiya : Classify Organizers

Pangkat 3 at 4 : Pagtutukoy sa mga bahagi na nagpapakita ng pinakamadulang pangyayari? Bakit pinili ito?

Mungkahing Istratehiya : Visual Display of Text

BSE-Kagawaran ng Edukasyon490

Mga Pangyayari sa Napanood o Napakinggan

BISA

PandamdaminPangkaisipan

MADULA

Pinaka Madulang bahagi ng

kwento

MADULA

PALIWANAG

MADULA

MADULA

PALIWANAG

Page 15: 478-500 IKAAPA~2 482-504

Pangkat 5 at 6 : Pag –uunay ng mga pangyayari sa kanilang buhay / sa buhay ng ibang tao na may kaugnayan sa mga pangyayari sa akda?

Mungkahing Istratehiya : Pagkukuwento ng karanasan ng mag-aaral sa Anak sa Labas o ng isang kakilala na PUTOK SA BUHO o napanood sa TV.

C. Pagbabahaginan ng napag-usapan ng pangkat (lider lamang).

D. Pagbubuo ng sintesis

PAGSUSURI SA AKDA

IKALAWANG ARAW

A. Panimualng Gawain

Pagganyak : Madulang pagbasa sa bahaging tinalakay.

Mungkahing Istratehiya : Story Frame

BSE-Kagawaran ng Edukasyon 491

Tauhan Tagpuan Suliranin Madulang Tagpo

Madulang Tagpo

Page 16: 478-500 IKAAPA~2 482-504

B. Pangkatang Pagsusuri

Pangkat 1 at 2 : Pagsusuring Panglinggwistika

1. Pagsusuri sa pagkakabuo ng mga pangungusap (haba / ikli). 2. Pagpupuno sa frames batay sa hinihingi.

Halimbawa ng Pangungusap

Pagsusuri (Mahaba o Maikli)

EPEKTO SA MANONOOD O TAGAPAKINIG

BSE-Kagawaran ng Edukasyon492

Page 17: 478-500 IKAAPA~2 482-504

Pangkat 3 at 4 : Pagsusuring Pangnilalaman

Pag-isa-isa sa mga mahahalagang impormasyon tungkol sa tauhan na inilahad sa akda.

Mungkahing Istratehiya : TALK ABOUT

BSE-Kagawaran ng Edukasyon 493

Mga Impormasyon

Mga Impormasyon

Mga Impormasyon

Mga Impormasyon

Mga Impormasyon

ELSA

Mga nais sabihin ng akda sa Mambabasa

Mambabasa

Mambabasa

Mambabasa

Page 18: 478-500 IKAAPA~2 482-504

Pangkat 5 at 6 : Pagsusuring Pampanitikan

A. Habi ng Kaisipan

Tanong :

Ano ang napansin ninyo sa kilos ni Elsa ng sabihin niya kay Aling Saling na nakita niya ang Birhen?

B. EYE WITNESS

Kasama siya rito.Huwag kang At ininpeksyon ang mga

Baka dito! Maingay! Baka punungkahoy na Baka nagtatago matakot lumabas! Nilalabasan ng Birhen.Lang dito! O baka may dala-dala pang Naman diyan sa flashlight.Kabilang puno.

NESTOY INTONG IGMENG BAYAW

Simple lang ba ang naging tono ng usapan nina Igmeng Bayaw at mga kasama? Ano ang masasabi ninyo batay sa usapan?

C. Pagbabahaginan ng napag-usapan sa bawat pangkat.

BSE-Kagawaran ng Edukasyon494

hinuha hinuhahinuha

ELSA (kay Aling Saling)

Nakita ko po ang Mahal na Birhen. Sa burol po kanina habang may eclipse. Nakaputing damit po siya. May belong asul sa dibdib. Umiiyak po siya at saka nawala.

Page 19: 478-500 IKAAPA~2 482-504

D. Pagkuha ng feedback mula sa mga nakinig.

E. Pagbibigay ng input ng guro tungkol sa Teoryang Saykolohikal.

F. Pagbubuo ng sintesis tungkol sa aralin.

Mungkahing Istratehiya : Factual Chart

IV. EVALWASYON

PAGPAPAHALAGA SA AKDA

IKATLONG ARAW

A. Panimulang Gawain

Pagganyak : Pagbubuod ng mga kaisipang nakapaloob sa akda.

B. Pangkatang Pagsusuri

Pangkat 1 at 2 : Pagpapakita ng Pakikisangkot

Mungkahing Istratehiya : Paabanikong Pagsusuri at Interpretasyon / Saloobin tungkol sa akda.

BSE-Kagawaran ng Edukasyon 495

Pangkalahatang Kaisipan

Mga Pangyayari

Suliranin

Tagpuan

Tauhan

Page 20: 478-500 IKAAPA~2 482-504

Pangkat 3 at 4 : Pagpapakita ng Paghahambing

Pagbabasa ng lathalain o balita tungkol sa mga himalang nagaganap (kung may balita o lathalain tungkol kay Judell ng Agoo, La Union na pinuntahan ng maraming tao noon ay pwedeng gamiting halimbawa).

Mungkahing Istratehiya : T Chart Paghahambing

Balita o Lathalain Himala

1. Pagkakatulad 2. 3.

1.Pagkakaiba 2. 3.

1.2.3.

1.23..

BSE-Kagawaran ng Edukasyon496

HIMALA

Makatotohanan ba ang mga kaisipan sa Akda?

Makapagdudulot ba ito ng panibagong pag-asa sa mga taong nangangailangan ng Himala? Ipaliwanag.

Magbigay ng mga kaisipang inilahad sa akda.

Sariling interpretasyon tungkol sa kaisipan, ideya, opinion, paniniwalang inilahad sa akda.

Page 21: 478-500 IKAAPA~2 482-504

E. Paano sila magkakatulad o magkakaiba? Ipaliwanag batay sa binuong tsart.

Pangkat 5 at 6 : Pagpapakita ng Pagtataya

Role Play sa mga piling tagpo sa pelikula na nagpapakita nang mahusay na pagkakaganap ng mga tauhan.

D. Pagbabahaginan ng napag-usapan ng pangkat (lider lamang).

E. Pagbibigay puna ng mga mag-aaral.

F. Pagbibigay ng karagdagang feedback ng guro.

G. Pagbubuo ng sintesis tungkol sa paksang tinalakay.

Mungkahing Istratehiya : Story Grammar

Paniniwala

Suliranin

Kinahinatnan

BSE-Kagawaran ng Edukasyon 497

Page 22: 478-500 IKAAPA~2 482-504

PAGPAPALAWAK NG KARANASAN

PAGLIKHA

IKAAPAT NA ARAW

A. Panimulang Gawain

Pagganyak : Muling panonood ng vidyo / pagsasalaysay ng isang piling mag-aaral sa buod ng akda.

B. Ipasusuri ng guro sa mga mag-aaral ang pelikula na binibigyan ng pansin ang mga sumusunod :

1. tauhan o karakter (angkop ba ang gumanap)

2. pangyayari (makatotohanan ba ito)

3. mensahe ng akda (makabuluhan ba ito)

C. Pagpapabasa ng simula ng sinulat na pagsusuri ng isang piling mag-aaral (kung tapos na).

D. Pagbibigay ng reaksyon tungkol sa binasang pagsusuri.

E. Pagbibigay ng guro ng reaksyon sa binasa at sa talakayan.

F. Pagpapatuloy ng pagsusuri bilang gawaing – bahay.

PAGPAPAHALAGA SA ISINULAT

IKALIMANG ARAW

A. Panimulang Gawain

Pagganyak : Pagbibigay ng pangkalahatang mensahe ng pelikula.

B. Pagbibigayin ng guro ng reaksyon ang mga mag-aaral kung ano ang nadama habang sinusuri ang pelikula? Bakit?

BSE-Kagawaran ng Edukasyon498

Page 23: 478-500 IKAAPA~2 482-504

C. Pagbabasa ng ginawang pagsusuri ng ilang magboboluntaryong bata.

D. Pagbibigay reaksyon sa mga binasang reaksyon.

E. Pagbibigay ng guro ng huling input tungkol sa paksang tinalakay.

TAKDANG GAWAIN : Paglilikom ng mga lathalain ng mga himalang naganap. (Pangkatang Gawain)

BSE-Kagawaran ng Edukasyon 499