46.pag-iimbak at preserbatiba(10)

Upload: honiel091112

Post on 05-Jul-2018

283 views

Category:

Documents


3 download

TRANSCRIPT

  • 8/16/2019 46.Pag-iimbak at Preserbatiba(10)

    1/11

    1

    GRADE VI

    PAG-IIMBAK AT PRESERBATIBA

    Ngayon, kaibigan, ay madali mo nang mapag-aaralan ang modyul tu ngkol sa pag- ii mbak sa pamamagitan n g paggamit ng pr eserbatiba at matutuhan ang pagtutuosng gastos at kiki tain sa pagbibi li n g in imbak na pagkain. H anda ka na bangmagsimula?

    Sa panahong napakarami ang hul in g isda at sobra-sobra ang in anin g mgagulay at pru tas ay mabuting mag-imbak ng pagkain u pang ang mga ito ay dimasira at mabulok. Dito, malalaman mo ang mga mabisang preserbatibangkail angang gamiti n. Bago mo sin imu lan ay magbali k-tanaw ka sa mga paraan ngpag-iimbak.

    ALAMIN MO

  • 8/16/2019 46.Pag-iimbak at Preserbatiba(10)

    2/11

    2

    Basahin ang mga bugtong na nakasulat sa mga kahon. Piliin ang sagot ng tamang paraan ng pag-iimbak na nakatala sa ibaba. Isulat ang sagot sa kuwadernong sagutan.

    1. Pagyeyelo2. Pagtutuyo3. Pag-aasin4. Pagsasalata5. Pagmamatamis

    1.Paraang ginamit ay yelo

    Sa pagsugpo ng mikrobyoAnong paraan ito?

    2.Magkaibigan ang isda at karneAsin ang kasama sa boteAnong paraan ito?

    3.Ako ’y si pusit

    Nakadipa sa init

    Anong paraan ito?

    4.Sa lata na walang pinto

    Nang pumasok akoWalang buntot walang uloAnong paraan ito?

    5.Ako’y asukal na pinoSa prutas sumama ako

    Sa paraang gusto moAnong paraan ito?

    Matapos mong sagutan ang mga bugtong ay maaari mo nang pag-aralan ang mga preserbatiba sa pag-iimbak ng pagkain.

    PAGBALIK-ARALAN MO

  • 8/16/2019 46.Pag-iimbak at Preserbatiba(10)

    3/11

    3

    Ipakikilala ka sa iyo ang iba’t ibang preserbatiba na ginagamit sa pag-iimbak ng pagkain.

    1. ASIN- Isinasama at inihahalo sa pagkaing nais patuyuin.

    2. INIT NG ARAW- Ang pagkain ay hinihiwa nang manipis, inilalatag salalagyan at ibinibilad sa init ng araw.

    3. USOK- Ang isda ay inaasinan at niluluto ng bahagya bago inilalantad sausok ng nasusunog na pinagkataman na kahoy.

    4. ASUKAL- Ang prutas o bungangkahoy ay pinepreserba sa maramingasukal.

    5. SUKA- Ang pagkain ay inihahanda, inaasukalan at nilalagyan ng suka atiba pang pampalasa na nagbibigay sarap na lasa at amoy sa pagakain.

    6. SALITRE- Isang kemikal na ginagamit sa karne, isda, gulay o prutasupang tumagal ang pagkain.

    7. YELO- Ang lamig ng temperatura ang pumipigil sa pagkakaroon ng

    mikrobyo sa pagkain.Matapos mong makilala ang mga preserbatiba na ginagamit sa pag-iimbak ng

    pagkain ay pag-aralan mo ang isang paraan ng pag-iimbak ng pagkain. pag-aralan ang batayang impormasyon at paraan ng pagdadaing ng hasa-hasa

    PAGDADAING NG ISDA

    Mga Sangkap Mga Kagamitan:1-tasang asin pantakip na lambat2-tasang tubig salaan1-kilong sariwang hasa-hasa kutsarang kahoy

    mangkokkatsa

    bistay na salaansisidlan o clay jar

    PAG-ARALAN MO

  • 8/16/2019 46.Pag-iimbak at Preserbatiba(10)

    4/11

    4

    Paraan ng Paggawa:

    1. Hiwain sa likod ang isda at ibuka ito. Alisin ang lamang loob o bituka.Hugasan nang mabuti ang tiyan ng isda.

    2. Ilagay ang mga isdang biniyak sa salaan upang patuluin ang tubig.

    3. Kung 1 kilong isda ang dadaingin, maghanda ng 1 tasang asin paghaluin ang 3 tasang tubig at 1 tasang asin. Ito ang “ brine solution”

  • 8/16/2019 46.Pag-iimbak at Preserbatiba(10)

    5/11

    5

    4. Salain sa katsa ang brine solution upang maalis ang anumang dumi.

    5. Ilagay sa malalim sa palanggana ang mga isda, at ibuhos dito ang brinesolution.

    6. Patungan ng plato ang mga isda. Idiin nang bahagya ang kamay upangmasiksik at mababad nang husto ang isda sa solusyon. Ibabad ito saloob ng 6 na oras. Pagkatapos, patuluing mabuti ang tubig.

  • 8/16/2019 46.Pag-iimbak at Preserbatiba(10)

    6/11

    6

    7. Ilagay ang mga isda sa bistay. Tiyakin na hindi magkakapatung-patongang mga binilad na isda upang maging pantay ang pagkakatuyo ngmga ito, Takpan ng lambat upang di dapuan ng kulisap at ibilad sa initng araw.

    Mahalagang magkaroon ka ng karanasan na matuto sa paggawa ng Daing na isda,ngunit kailangang malaman mo rin ang pagtutuos ng gastos at kikitain sa paggawa ng

    daing na isda, lalo na kung nais mong magkaroon ng dagdag kita.

    Magiging tagumpay ka sa gawaing ito kung isasagawa at isasaloob ang mgatamang paraan at gawi sa paggawa.

    Ngayon, tingnan mo ang Pagtutuos ng nagastos sa mga sangkap sa pagdadaing ngisda.

    Sangkap:

    1-tasang asin P 4.00

    2-tasang tubig1-kilong hasa-hasa P 100.00P 104.00- Halaga ng puhunan

    Ang paglalagay ng presyo o halaga ng paninda ay ibinabatay sa pamantayang pinaiiral ng pamahalaan.

    Pormula: puhunan P 104.00-PuhunanX 15% X15% -

    15.60 dagdag

    P 104.00+ 15.60P 119.60- halaga ng pagbebenta ng 1

    kilong daing na isda.

  • 8/16/2019 46.Pag-iimbak at Preserbatiba(10)

    7/11

    7

    Inaasahang maliw anag ang kuwenta sa “Pagdadaing ng Isda”. Sa puhunan mongisandaan at apat na piso (P104.00) ay maipagbibili mo ng isang daan, labinsiyam na

    piso at animnapung sentimos (P119.60). Kaya may tubo kang labinlimang piso atanimnapung sentimos (P15.60). Hindi ba maayos na iyon? Kaya kung may puhunanka, maaari ka nang magsimula ng isang negosyo upang kumita ka.

    Subukin mong sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang sagot sa isangmalinis na papel.

    1. Ano-ano ang mga preserbatibang ginagamit sa pag-iimbak ng pagkain?2. Bakit mahalaga ang mga preserbatiba sa pag-iimbak ng pagkain?3. Ibigay ang mga sangkap at kagamitan sa paggawa ng daing na isda.

    .

    Ang suka, asukal, yelo, salitre, asin, init ng araw, at usok ang mga preserbatibangginagamit sa pag-iimbak ng pagkain. Ginagamit ang mga ito upang hindi agad masiraang pagkain. Sa pag-iimbak, kailangang malaman ang pagtutuos ng mga gastusin

    para sa mga sangkap gayundin upang malaman ang tutubuin.

    SUBUKIN MO

    TANDAAN MO

  • 8/16/2019 46.Pag-iimbak at Preserbatiba(10)

    8/11

    8

    Sagutin nang matapat ang mga tanong sa tseklist.

    OO HINDI1. Natutuhan ko ba ng mga hakbang sa

    pagdadaing ng isda?2. Alam ko na ba ang iba’t ibang

    preserbatiba na magagamit sa pag-iimbakng pagkain?

    3. Alam ko ba na ang mga isda ay angkopgawing daing? Magagawa ko ba itongmag-isa?

    4. Makapagtutuos ba ako ng gastusin kungmag-iimbak ako ng pagkain?

    5. Magagawa ko bang magkaroon ngtutubuin at di malulugi kungmagnenegosyo ako?

    Kabuuan

    Iskor para sa OO 4-5- Napakagaling2-3- Magaling0-1- Kailangan pagalingin pa

    ISAPUSO MO

  • 8/16/2019 46.Pag-iimbak at Preserbatiba(10)

    9/11

    9

    A. Basahin ang mga pangungusap at sagutan ang mga puwang.Isulat ang sagot sa isang malinis na papel.

    1. Ang _______ ay isang sangkap na kailangan sa pagdadaing ng isda.

    2. Ang atsarang papaya ay tinitimplahan ng ______ at iba pang pampalasa.

    3. Sa paggawa ng hamon at tocino, may sangkap na isinasama tulad ng

    _________ upang tumagal at di masira ang pagkain.

    4. Ang lamig ng ______ ang pumipigil sa pagkakaroon ng mikrobyo sa pagkain.

    5. Ang Jam at Jelly ay nilalagyan ng tamang sukat ng ________.

    B. Gumawa at humanap ng mga larawan na may kaugnaya n sa iba’t ibang paraan ng pag-iimbak sa isda. Gupitin at ilagay sa isang malinis na papel. Lagyan ng“caption”.

    Kilalanin ang mga sumusunod na preserbatiba, sangkap, at kagamitan sa pag-iimbak ng pagkain .

    1. - Asin

    GAWIN MO

    PAGTATAYA

  • 8/16/2019 46.Pag-iimbak at Preserbatiba(10)

    10/11

    1

    2. – suka

    3. - yelo

    4. - salitre

    5. – isda

    6. – mangkok

  • 8/16/2019 46.Pag-iimbak at Preserbatiba(10)

    11/11

    11

    7. -bistay

    8. – asukal

    9. – lambat

    10. – salaan

    Kung nasagutan mo nang buong husay ang bahagingpagtataya ng modyul, binabati kita! Maaari mo nang pag-aralan ang susunod na modyul.