391-1279-1-pb

12
MGA PUNDASYON NG KAGANDAHANG LOOB 67 MALAY Malasakit, P Malasakit, P Malasakit, P Malasakit, P Malasakit, Pakikipagkapwa, at Kalinisang Loob: akikipagkapwa, at Kalinisang Loob: akikipagkapwa, at Kalinisang Loob: akikipagkapwa, at Kalinisang Loob: akikipagkapwa, at Kalinisang Loob: Mga Pundasyon ng Kagandahang Loob Mga Pundasyon ng Kagandahang Loob Mga Pundasyon ng Kagandahang Loob Mga Pundasyon ng Kagandahang Loob Mga Pundasyon ng Kagandahang Loob Ron R. Resurreccion Ron R. Resurreccion Ron R. Resurreccion Ron R. Resurreccion Ron R. Resurreccion Pamantasang De La Salle-Maynila, Pilipinas Ang Kagandahang Loob ay isang mahalagang konsepto sa kulturang Pilipino. Madalas itong ginagamit upang ilarawan ang isang taong nagpapakita ng kabutihan sa kapwa ngunit wala pa itong malinaw na depinisyon. Sa literatura, ito ay ang lahat ng kabutihang taglay ng isang tao. Ito rin ay inihahalintulad sa pagmamahal ng Diyos sa kanyang mga anak. Nakamit sa qualitative na pag-aaral na ito ang pagkakaroon ng depinisyon ng Kagandahang Loob mula sa empirikal na datos. Content analysis ang ginamit upang makabuo ng 3 domeyn at 12 kategorya mula sa 16 (mga propesor at mga nasa helping profession) na sumagot sa questionnaire. Ayon sa resulta, ang taong may kagandahang loob ay may malasakit (sensitibo, hindi iniinda ang abala, may konsiderasyon, at inuuna ang kapakanan ng iba), may pakikipagkapwa (laging handang tumulong, unconditional, nagbibigay-serbisyo, at maalalahanin), at may malinis na kalooban (tumatanaw ng utang na loob, bukal ang kalooban, nagbibigay ng lakas ng loob, at marangal). Ang implikasyon ng resulta sa clinical psychology at counseling psychology ay tinalakay rin sa pag-aaral na ito. Ang pagkilala sa mga katutubong konsepto na kadalasan ay walang eksaktong katumbas sa wikang Ingles ay nakatutulong sa pag-unawa sa isang kultura, kaya may ilang mga mananaliksik na nagsisikap na pag-aralan ang mga konseptong ito. Ang halimbawa nito ay ang salitang Amae sa Japan na ang kahulugan ay “pagiging dependent sa pagmamahal at pag-aaruga ng isang tao.” Madalas itong pag-aralan ng mga mananaliksik na Hapon sapagkat ayon sa kanila ay wala itong eksaktong katumbas sa Ingles. Maaaring nararanasan din ang konseptong ito sa ibang kultura dahil may mga salita naman na maihahalintulad dito sa ibang wika, ngunit sa Japan ay napakahalaga ang konseptong ito, dahil malaking bahagi ito ng kanilang kultura (Doi 1992). Gayundin ang masasabi sa konseptong Pilipino na Kagandahang Loob. Bagamat nararanasan din ito sa ibang kultura, mahalagang bigyan ito ng pansin ng mga mananaliksik, sapagkat ito ay malaking bahagi ng pagkataong Pilipino at ang salitang ito ay wala ring eksaktong katumbas sa Ingles. Sa salitang kagandahang loob, ang nakatatawag ng pansin ay ang katagang loob. Ang “loob” ay isang mahalagang konsepto sa kulturang Pilipino. Ayon kay Zeus Salazar (1985), ang pagkatao ng isang Pilipino ay may loob at labas (internality at externality ) at ang loob ang siyang mas pinahahalagahan. Ayon kay Reynaldo Ileto (1979), ang loob ang siyang panloob na sarili, ang ubod ng pagkatao, at siyang kinasasalalayan ng tunay na halaga ng isang tao. Ang loob ay isang konseptong may kinalaman sa relasyon at naglalarawan sa ating pakikitungo sa iba, kaya

Upload: dave-dela-cruz-alvarez

Post on 08-Apr-2015

439 views

Category:

Documents


12 download

TRANSCRIPT

Page 1: 391-1279-1-PB

MGA PUNDASYON NG KAGANDAHANG LOOB 67

MALAY

Malasakit, PMalasakit, PMalasakit, PMalasakit, PMalasakit, Pakikipagkapwa, at Kalinisang Loob:akikipagkapwa, at Kalinisang Loob:akikipagkapwa, at Kalinisang Loob:akikipagkapwa, at Kalinisang Loob:akikipagkapwa, at Kalinisang Loob:Mga Pundasyon ng Kagandahang LoobMga Pundasyon ng Kagandahang LoobMga Pundasyon ng Kagandahang LoobMga Pundasyon ng Kagandahang LoobMga Pundasyon ng Kagandahang Loob

Ron R. ResurreccionRon R. ResurreccionRon R. ResurreccionRon R. ResurreccionRon R. ResurreccionPamantasang De La Salle-Maynila, Pilipinas

Ang Kagandahang Loob ay isang mahalagang konsepto sa kulturang Pilipino. Madalas itongginagamit upang ilarawan ang isang taong nagpapakita ng kabutihan sa kapwa ngunit wala paitong malinaw na depinisyon. Sa literatura, ito ay ang lahat ng kabutihang taglay ng isang tao.Ito rin ay inihahalintulad sa pagmamahal ng Diyos sa kanyang mga anak. Nakamit sa qualitativena pag-aaral na ito ang pagkakaroon ng depinisyon ng Kagandahang Loob mula sa empirikal nadatos. Content analysis ang ginamit upang makabuo ng 3 domeyn at 12 kategorya mula sa 16(mga propesor at mga nasa helping profession) na sumagot sa questionnaire. Ayon sa resulta,ang taong may kagandahang loob ay may malasakit (sensitibo, hindi iniinda ang abala, maykonsiderasyon, at inuuna ang kapakanan ng iba), may pakikipagkapwa (laging handang tumulong,unconditional, nagbibigay-serbisyo, at maalalahanin), at may malinis na kalooban (tumatanawng utang na loob, bukal ang kalooban, nagbibigay ng lakas ng loob, at marangal). Ang implikasyonng resulta sa clinical psychology at counseling psychology ay tinalakay rin sa pag-aaral na ito.

Ang pagkilala sa mga katutubong konsepto nakadalasan ay walang eksaktong katumbas sawikang Ingles ay nakatutulong sa pag-unawa saisang kultura, kaya may ilang mga mananaliksik nanagsisikap na pag-aralan ang mga konseptong ito.Ang halimbawa nito ay ang salitang Amae sa Japanna ang kahulugan ay “pagiging dependent sapagmamahal at pag-aaruga ng isang tao.” Madalasitong pag-aralan ng mga mananaliksik na Haponsapagkat ayon sa kanila ay wala itong eksaktongkatumbas sa Ingles. Maaaring nararanasan din angkonseptong ito sa ibang kultura dahil may mgasalita naman na maihahalintulad dito sa ibang wika,ngunit sa Japan ay napakahalaga ang konseptongito, dahil malaking bahagi ito ng kanilang kultura(Doi 1992). Gayundin ang masasabi sa konseptong

Pilipino na Kagandahang Loob. Bagamatnararanasan din ito sa ibang kultura, mahalagangbigyan ito ng pansin ng mga mananaliksik, sapagkatito ay malaking bahagi ng pagkataong Pilipino at angsalitang ito ay wala ring eksaktong katumbas sa Ingles.

Sa salitang kagandahang loob, ang nakatatawagng pansin ay ang katagang loob. Ang “loob” ay isangmahalagang konsepto sa kulturang Pilipino. Ayon kayZeus Salazar (1985), ang pagkatao ng isang Pilipinoay may loob at labas (internality at externality) at angloob ang siyang mas pinahahalagahan. Ayon kayReynaldo Ileto (1979), ang loob ang siyang panloobna sarili, ang ubod ng pagkatao, at siyangkinasasalalayan ng tunay na halaga ng isang tao. Angloob ay isang konseptong may kinalaman sa relasyonat naglalarawan sa ating pakikitungo sa iba, kaya

Page 2: 391-1279-1-PB

68 R.R. RESURRECCION

TOMO XIX BLG. 3 ABRIL 2007

naman ang mga salita natin tungkol sapakikipagkapwa ay may taglay na loob: “utang naloob,” “sama ng loob,” “kusang loob,” at“kagandahang loob.” Kapag ang salitang loob ayginamit upang ipahayag ang nararamdaman, sadyanglumalalim ang kahulugan nito. Ang “palagay ang loobko sa iyo” ay mas malalim sa “may tiwala ako sa iyo”at ang “masama ang loob ko sa iyo” ay mas mabigatkaysa sa “galit ako sa iyo.”

Ang konsepto ng “kagandahang loob” ay hindina bago sa ating pandinig, ngunit kung itatanongmo sa mga tao kung ano ang ibig sabihin nito,hindi ito madaling sagutin. Bawat isa ay maysariling pagpapakahulugan. Ang maaaring gawinay hanapin ang common na depinisyon naginagamit ng mga Pilipino. Sa Ingles, angpinakamalapit na katumbas nito ay kindness na ayonkay Piero Ferrucci (2006), ito ay kombinasyon ngmaraming magagandang katangian tulad ng pagigingtapat , mapag-aruga, mapagpatawad,mapagtiwala, may konsiderasyon,mapagmalasakit , mapagkumbaba,mapagpasensya, mapagbigay, may respeto,mapaglingkod, maalalahanin, at masayahin. Ayonrin kay Ferrucci (2006), ang bawat isa sa mgamabubuting katangiang ito ay sapat na upangmagkaroon ng malaking pagbabago sa atingpagkatao. Sa literatura ng social psychology, angpinakamalapit na kaugnay na salita dito ay angprosocial personality, na ang ibig sabihin ay ang“palagiang pag-iisip sa kapakanan at karapatanng ibang tao, pakikiramay sa kanila, at pagkilossa paraang kapaki-pakinabang sa kanila” (Pennerat Finkelstein 1998). Sa literatura ng counselingpsychology, ang pinakamalapit na rito ay ang salitangempathy. Ilang mga Pilipino na rin ang nagtangka naisalin ito sa Ingles. Ayon kay Rogelia Pe-Pua atElizabeth Protacio-Marcelino (2000), ito ay ang“shared humanity.” Kay Victoria Narciso-Apuan(Symposium, Nobyembre 24, 2005) naman, angkahulugan nito ay “essence of humanity.”

Bukod sa walang eksaktong katumbas angkagandahang loob sa Ingles, wala rin itongkongretong depinisyon sa sarili nating wika. Maymga ilan nang sumubok na magbuo, ngunit walapang depinisyon na masasabing standard.

Mga Unang Depinisyon ng KagandahangLoob

May nagsasabi na ang Kagandahang Loob ayang lahat ng mabuting katangian na nasa isang tao(De Mesa 1991). Ito rin ay maihahalintulad sapag-ibig ng Diyos sa tao (Miranda 2003, DeMesa 1991), sapagkat ang isang taong maykagandahang loob ay mapagpatawad at hindikinukunsinti ang mga maling gawain (Miranda2003), marunong makipagkapwa, may magandangintensyon para sa ibang tao, nagpapakatotoo,mabait, matulungin (De Mesa 1991), mapagbigay(De Mesa 1991; Narciso-Apuan 2005) atnakikiramay na hindi lamang nagpapakitang-tao(Miranda 2003; Narciso-Apuan 2005).

Sa ngayon, si Narciso-Apuan (2005) ang maypinakamalawak na deskripsyon ng kagandahangloob. Ito ay ang “hindi pagiging makasarili,pagbibigay ng respeto sa ibang tao, nakahahanapng kaligayahan mula sa pagtulong sa ibang tao,ginagawa ang tama kahit na ito ay mahirap otaliwas sa tingin ng ibang tao, hindi nandidikta onamumuwersa ng ibang tao, malaya, maawain,mapagmalasakit, mapagkumbaba, humihingi ngtawad, maunawain, nagpapasaya at nanghihikayatng mga may problema, bukas ang loob,nagpapatibay ng loob ng kapwa, nagbibigay ngpag-asa, nagtitiwala sa sarili at sa kakayahan ngibang tao, nag-aaruga, hindi nanghahamak onanlalait, kusang loob na naglilingkod sa kapwanang walang kapalit, malawak ang pang-unawa,at malapit sa Diyos.”

Marami-rami na ang mga katangiang nabanggitna maaaring maging batayan sa pagbuo ngdepinisyon ng kagandahang loob, ngunit halos lahatay konseptwal lamang at hindi empirikal. Limitadoat hindi pa malinaw and depenisyon ngkagandahang loob base sa pagsusuri ng literatura.Ang depinisyon na maaaring masaklaw ang lahatng deskripsyon ng iba’t ibang may-akda ay iyongkay De Mesa (1991) na ang kagandahang loob ayang lahat ng mabuti na nasa isang tao.

Tanging layunin ng pag-aaral na ito na makabuong kongkretong depinisyon na may empirikal nabasehan na makatutulong sa pag-unawa natin sa

Page 3: 391-1279-1-PB

MGA PUNDASYON NG KAGANDAHANG LOOB 69

MALAY

konsepto ng kagandahang loob . Isangquestionnaire ang ipinasagot sa mga kalahok atmula sa kanilang mga kasagutan ay nakalikha ngmga kategorya na masasabing bumubuo ngdepenisyon ng kagandahang loob.

Pagpili ng KalahokSa pagpili ng mga kalahok sa pag-aaral na ito,

nonprobablity purposive sampling ang ginamit,sapagkat may mga katangiang taglay na hinanapsa bawat kalahok. Sa paghahanap ng depinisyonng isang konsepto, mahalaga na maraming ekspertosa konsepto ang magtulung-tulong sa paggawa nito.May dalawang grupo na sumagot sa questionnaire.Ang unang grupo ay binubuo ng mga eksperto (mgapropesor) sa kagandahang loob. Kabilang sagrupong ito ay isang propesor ng sikolohiya,tatlong propesor ng sikolohiyang Pilipino,dalawang propsesor ng counseling psychology,isang propesor ng wikang Pilipino, at dalawangpropesor ng relihiyon at moralidad. Ang ikalawanggrupo naman ay ang mga indibidwal napinaniniwalaang may taglay na kagandahang loobna kinabibilangan ng dalawang counselor, isangpari, isang madre, at dalawang charity volunteer.Ang kabuuan ng mga sumagot ay 16. May 11 nalalaki at 5 babae na ang edad ay mula 18 hanggang62. Ang average na edad ng nila ay 39.47.

Mga InstrumentoIsang open-ended interview questionnaire ang

ibinigay sa dalawang grupo (grupo ng mga eksperto,at grupo ng mga pinaniniwalaang may kagandahangloob). Ang mga katanungan sa questionnaire ay purotungkol sa kung paano nila naranasan angkagandahang loob mula sa ibang tao at kung paanonila binibigyan ng depinisyon ang kagandahang loob.Sa pananaw ng mananaliksik, mas magigingkomportable ang mga kalahok kung ang katanungansa questionnaire ay “Sa paanong paraan ka nakaranasng kagandahang loob mula sa kapwa?” sa halip na“Sa paanong paraan mo naipakita ang iyongkagandahang loob sa iyong kapwa?” Sa ganitongtanong, hindi mahihiyang sumagot ang mga kalahok.Sa kulturang Pilipino, hindi kaaya-aya na maghayagng mga mabubuting ginawa natin sa kapwa.

Ang questionnaire ay sinuri muna ng isang ekspertosa pananaliksik mula sa Departamento ng Sikolohiyang De La Salle University bago ipinasagot sa mgakalahok.

Paglikom ng DatosAng lahat ng mga kalahok na naging bahagi ng

pag-aaral ay binigyan ng liham ng pagpayag o consentletter kung saan nakasaad ang kanilang bahagi bilangkalahok at ang layunin ng pag-aaral. Sa 14 nakalahok, personal na ibinigay ng mananaliksik angquestionnaire at ang dalawang kalahok naman aysumagot sa pamamagitan ng e-mail. Ang mga kalahokay may dalawang linggo upang sagutan angquestionnaire. Personal rin na kinuha ang mgaquestionnaire mula sa mga kalahok maliban lamangsa mga sumagot sa e-mail. Sinigurado ng mananaliksikna konpidensyal ang mga datos na nakuha mula sakanila. Ang mga sagot sa questionnaire ay inilipat saelectronic file upang masimulan ang pag-aanalisa.

Pagsusuri ng DatosAng pag-aaral na ito ay gumamit ng qualitative

analysis. Sa pagbuo ng konsepto ng kagandahangloob, content analysis ang ginamit. Mula sa mgakasagutan sa questionnaire, hinanap ang mgamagkakapareho ng tema at bumuo ng mga domeynat kategorya. Isang eksperto sa Sikolohiyang Pilpino,isang counselor, at isang propesor ng counselingpsychology ang mga tumulong sa mananaliksik sacontent analysis o sa pagbuo ng mga domeyn atkategorya. Sila ay hindi kasama sa mga kalahok nasumagot sa questionnaire. Tinawag na general angmga kategorya na lumabas sa lahat ng case malibansa isa. Typical naman kapag higit sa kalahati atvariant kapag higit sa tatlo. Dahil mahigit sa 15ang mga kalahok, nagdagdag pa ng isang uri natinatawag na rare kapag ang kategorya ay dalawao tatlong beses lamang na nakita (Hill, Thompson,Hess, Knox, Williams at Ladany 2005).

Pagkatapos mabuo ng mananaliksik at ngkanyang mga kasamahan ang mga domeyn at mgakategorya ay muling sinuri ng external auditorupang makasiguro na ang pag-aanalisa ng datos oang pagbubuo ng mga domeyn at kategorya aywasto.

Page 4: 391-1279-1-PB

70 R.R. RESURRECCION

TOMO XIX BLG. 3 ABRIL 2007

Limitasyon ng MetodolohiyaSa kabila ng masusing pagpaplano ng paraan

ng pagkalap ng datos para sa pag-aaral na ito,may mga kahinaan pa rin na makikita sa pag-aaral.May ilang problema rin na hinarap angmananaliksik sa pag-aaral na ito. Ngunitnaniniwala ang mananaliksik na marami pangmaaaring maging kontribusyon ng pag-aaral naito sa iba’t ibang larangan ng sikolohiya.

Marahil ay mapapansin kaagad ng mgamambabasa at maitatanong din nila kung ano angmagiging basehan sa pagpili ng mga indibidwalna pinaniniwalaang may kagandahang loobgayung wala pa namang malinaw at kongkretongdepinisyon ito. Paano matitiyak na ang mgamapipili ay may kagandahang loob? Maykatuwiran ang tanong na iyan, subalit kailangangmagsimula sa kahit na anong paraan na nararapat.Sa sitwasyong ito, sa tingin ng mananaliksik, angparaan lamang ay ipagpalagay na ang mga taongnasa helping profession ay may kagandahangloob, sapagkat napapaloob sa kanilang trabahoang pagtulong sa kapwa.

Sa pagsusuri naman ng datos, may ilan dingnaging mga pagsubok. Ayon kina Hill, Thompson,Hess, Knox, Williams at Ladany (2005), sa isangpagsusuri na maraming tao ang kasapi, maaaringmaging problema ang komitment ng mgamiyembro, pagdodomina ng isang miyembro,paulit-ulit na pagsusuri, at kakulangan sakongkretong hakbang sa pagsang-ayon sa mgakategorya. Ginawa ng mananaliksik ang lahat upangmaiwasan ang mga ito, ngunit inaasahan na hindilubusang maaalis ang naturang mga hadlang.

ResultaNapag-alaman na ang kagandahang loob ay

binubuo ng tatlong domeyn: ang malasakit,pakikipagkapwa at malinis na kalooban. Sabawat domeyn ay may kategorya na sumasailalim.Masasabing ang kahulugan ng kagandahang loobay ang “pagiging mapagmalasakit , maypakikipagkapwa, at pagkakaroon ng malinis nakalooban.” Napag-alaman din ang ilang katangianna nagpapakita ng kawalan ng kagandahangloob.

Mga Katangian ng Konseptong Kagandahang Loob

Mula sa datos na nakalap sa mga kasagutan ngmga kalahok, may tatlong domeyn na lumabas angKagandahang Loob at sa bawat domeyn ay maymga kategoryang napapasailalim sa mga ito.Ipinakikita sa Talahanayan 1 ang tatlong domeynna nabuo, at sa Talahanayan 2 hanggang 4 ang mgakategoryang napapasailalim sa mga domeyn na ito.Sa bawat talaan, nakalagay ang mga deskripsyon,porsyento, at uri ng mga ito. Sa mga sumusunodna talata ay ipaliliwanag nang mas malalim ang mgaito at magbibigay ng mga halimbawa para sa bawatkategorya na mula sa aktwal na kasagutan ng mgakalahok sa questionnaire.

Mga Domeyn ng Kagandahang Loob

Mula sa datos, mayroong tatlong pangunahingkatangian ang taong may kagandahang loob. Siyaay may “malasakit, pakikipagkapwa, at malinis nakalooban.”

May malasakit (15 sa 16 o 94%). Ang taongmay malasakit ay sensitibo sa pangangailangan ngibang tao at may inisyatibong tumulong. Hindinagdadalawang-isip kahit na siya ay maabala. Siyaay may konsiderasyon sa kapakanan ng ibang taoat hindi siya nang-aabala. Kahit sa mgapagkakataon na siya mismo ay may mgapangangailangan din, uunahin pa rin niya angtumulong sa iba.

Pakikipagkapwa (15 sa 16 o 94%). Ang mgataong marunong makipagkapwa ay laging handangtumulong kahit kanino, kahit saan, kahit kailan at kahitna sa anong paraan. Kapag sila ay nagbigay ng tulong,hindi sila naghihintay ng kapalit. Iniaalay nila angkanilang serbisyo o ang kanilang pagiging ekspertopara sa mga taong makikinabang dito. Sila aynakaaalaalang magbigay ng kahit na maliliit na bagaylamang sa kanilang mga kaibigan o mga kakilala.

Malinis na kalooban (11 sa 16 o 69%). Sila aytaal na mabubuting tao at masasabing halos walangbahid ng dungis ang kanilang kalooban, at kahitang kabutihan na natanggap nila ay nais nilang ibaliksa nagbigay. Sila ay tumatanaw ng utang na loob o

Page 5: 391-1279-1-PB

MGA PUNDASYON NG KAGANDAHANG LOOB 71

MALAY

Mga Kategoryang Katangiang Malasakit Deskripsyon Porsyento

(%)Uri

Sensitibo

Hindi iniinda ang abala(Unmindful of self)

May konsiderasyon

Pag-una sa kapakananng ibang tao (Selfless)

may pagkukusa, nakararamdamng may pangangailangan

hindi iniintindi kung siya aymaaabala sa pagtulong sa ibangtao

hindi nanlalamang, disiplinado,iniisip ang kapakanan ng iba,hindi nang-aabala, may respeto

Iniisip muna ang ibang tao bagoang sarili, handangmagsakripisyo

75

31

19

19

Typical

Variant

Rare

Rare

Talahanayan 2: Mga Kategorya ng Katangiang Malasakit

Mga Domeynng Kagandahang Loob Deskripsyon Porsyento

(%)Uri

Malasakit

Pakikipagkapwa

Malinis na kalooban

Sensitibo, hindi iniinda angabala, may konsiderasyon,inuuna ang kapakanan ng iba

Laging handang tumulong,unconditional, nagbibigay ngserbisyo, maalalahanin

May utang na loob, bukal angloob, marangal, nagbibigay nglakas ng loob

94

94

69

General

General

Typical

Talahanayan 1: Mga Domeyn ng Kagandahang Loob

nagbabalik sa ibang tao ng kabutihan,sapagkat silarin ay nakaranas nito mula sa kanila. Bukal angkanilang loob—tapat at mula sa kanilang puso angkanilang mga inihahayag. Kabutihan lamang anginiisip nila para sa kapwa at hindi sila gumagawang mali kahit ginagawa ito ng karamihan. Angkalinisan ng kanilang loob ay kanila ring ibinabahagisa pamamagitan ng pagbibigay ng lakas na loob sakapwa nila.

Ang mga kategorya sa ilalim ng mga domeynna ito ay ipaliliwanag sa mga sumusunod natalahanayanan at talata.

Sensitibo (12 sa 16 o 75%). Ang taong maykagandahang loob ay sensitibo sa pangangailangan

ng ibang tao at may pagkukusang tumulong. Hindina kailangan pang hingan ng tulong ang taong itosapagkat siya na mismo ang lalapit at ibahagi angsarili. Siya na ang mag-aalok ng tulong. Anghalimbawa ay ang kusang pagtulong sa pag-asikasong mga papeles ng isang kaibigan dahil wala nasiyang oras para asikasuhin ito. Isa panghalimbawa ay ang pagpapahiram ng gamit sakaibigan para hindi na siya bumili pa.

Hindi iniinda ang abala. (5 sa 16 o 31%). Angtaong may kagandahang loob ay hindi iniintindikung siya ay maaabala sa pagtulong sa ibang tao.Sila ay mga tao na masasabing “going out of theirway to help others.” Halimbawa niyan ay ang pag-

Page 6: 391-1279-1-PB

72 R.R. RESURRECCION

TOMO XIX BLG. 3 ABRIL 2007

aalok ng upuan sa MRT sa isang babae kahit namahirapang tumayo at makipagsiksikan. Ang isapang halimbawa ay ang pagtulong sa kaklase nagumawa ng proyekto kahit na siya ay may gagawinpang iba. Maaari ring ihalimbawa ang paghatid opagsundo sa kaibigan na malayo ang tirahan.

May konsiderasyon (3 sa 16 o 19%). Ang taongmay kagandahang loob ay hindi nanlalamang ngkapwa, disiplinado, at iniisip ang kapakanan ngibang tao at hindi lamang ang sarili. Hindi rin siyanang-aabala ng iba. Siya ay sumusunod sa usapano sa napagkasunduan. Ang madalas na halimbawaay ang pagiging disiplinado sa pagmamaneho,Pagpila at hindi pagsingit sa pila, at pagigingpasensyoso at hindi bumubusina agad-agad.

Pag-una sa kapakanan ng ibang tao [Selfless](3 sa 16 o 19%). Ang taong may kagandahangloob ay iniisip muna ang ibang tao kahit na siya aymay sariling pangangailangan. Handa niyangisakripisyo ang sariling kapakanan. Isang

halimbawa ang pagbibigay ng donasyon sa mgamahihirap ng isang mahirap din lamang. Isa panghalimbawa ang pagtigil sa pag-aaral upangmakapagtrabaho at mapag-aral ang mga kapatid.

Laging handang tumulong (12 sa 16 o 75%).Ang taong may kagandahang loob ay hindi namimiling oras ng pagtulong at kahit sino—mahirap mano mayaman, babae man o lalaki, kaibigan man okaaway, kakilala man o di-kakilala—ay tutulunganniya. Kahit kailan at saan ay maaasahan at nariyansiya tuwing may nangangailangan ng tulong.Tumutulong siya sa kahit na anong paraan maliitman o malaki. Isang halimbawa ay ang pagsundosa kaibigan kahit na gabi na at malayo, o kaya ayang pagtulong na magbuhat ng bag ng isangmatanda. Ang isa pa ay ang pakikisakay sa kotseng mga taong naglalakad sa kalye kahit na hindikakilala o ang pagtulong sa mga kapitbahay namagpatay ng sunog.

Mga Kategorya ng KatangiangPakikipagkapwa Deskripsyon Porsyento

(%) Uri

Laging handang tumulong

Walang kondisyon(Unconditional)

Nagbibigay ng serbisyo

Maalalahanin

hindi pinipili ang oras, kung sino angtutulungan, at kung anong klasengtulong ang maibibigay

Tumutulong at hindi naghahangad ngkahit na anong kapalit

Inaalay ang serbisyo sapagkat sila ayeksperto sa larangan

Naaalala ang mga mahahalagangokasyon, nagbibigay ng kahit namaliliit na bagay sa ibang tao

75

63

25

25

Typical

Typical

Variant

Variant

Talahanayan 3: Mga Kategorya ng Katangiang Pakikipagkapwa

Walang kondisyon [Unconditional] (10 sa 16 o63%). Ang taong may kagandahang loob aytumutulong nang hindi naghahangad ng kabayaranmula sa tinutulungan, maliit man o malaki angnaitulong niya. Maaaring ihalintulad ito sa salitangaltruism. Para sa kanila, ang pagtulong sa kapwa

ay nakapagbibigay sa kanila ng kaligayahan. Angpagtulong sa kapwa ay hindi niya ipinagmamalakiat lalong hindi niya ipinanunumbat. Ang halimbawanito ay ang lalaking tumulong sa babae na magpalitng gulong ng kotse. Nang siya ay binabayaran ngbabae ay hindi niya ito tinanggap. Sabi niya ay

Page 7: 391-1279-1-PB

MGA PUNDASYON NG KAGANDAHANG LOOB 73

MALAY

tulong lang talaga iyon. Isa pang halimbawa ay angpag-tutor sa isang kaklase na hindi humihingi ngkapalit. Ang tanging hiling lamang niya ay sanamaipasa ng kanyang tinuruan ang eksam.

Nagbibigay ng serbisyo (4 sa 16 o 25). Angtaong may kagandahang loob ay tumutulong samga taong nangangailangan ng kanilang serbisyosapagkat sila ay eksperto. Nais nilang ibahagi angkanilang kaalaman o abilidad sapagkat alam nilangsila ay makatutulong sa panahon na iyon, o kayaay alam nilang hindi makababayad ang mga taongiyon kung sa iba nila kukunin ang serbisyo. Isangmagandang halimbawa ay ang sikolohista na hindinaningil sa pasyenteng mahirap at ang physicaltherapist na nagbigay ng seminar sa mga nanayng mga batang may cerebral palsy.

Maalalahanin (4 sa 16 o 25%). Ang taong maykagandahang loob ay nakaaalaala ng mgamahahalagang okasyon ng ibang tao at gumagawang paraan upang iparamdam ang kanilangpagkagalak. Halimbawa ay ang pag-aambag-ambag ng mga estudyante ng pera upang makabiling cake para sa kaarawan ng isang guro na parana rin nilang tatay. Ang isa pa ay ang pag-text samga kaibigan ng mga magagandang mensahe upangmapasaya nang kaunti ang araw ng mga kaibigan,

Talahanayan 4: Mga Kategorya ng Katangiang Malinis ang Kalooban

Mga Kategorya ng Katangiang Malinisang Kalooban

Deskripsyon Porsyento(%)

Uri

Tumatanaw ng utang na loob

Bukal sa kalooban

Nagbibigay ng lakas ng loob

Marangal

paggawa ng mabuti sa mga naagawang kabutihan sa kanila

may sinseridad; puro ang isip, salitaat gawa; tapat at hindi nagpapanggap

nagbibigay-buhay o pag-asa sa ibangtao.

hindi nagpapadala sa masamangginagawa ng ibang tao; malinis angkonsensya.

31

25

19

13

Variant

Variant

Rare

Rare

pagdalaw sa may mga sakit at ang pagbibigay ngprutas sa kapitbahay kapag may ani.

Tumatanaw ng utang na loob (5 sa 16 o 31%).Ang taong may kagandahang loob ay marunongtumanaw ng utang na loob. Kapag siya aynagawan ng kabutihan ng ibang tao ay sinisiguradoniyang gagawan niya rin ito ng kabutihan. Isanghalimbawa ang mag-aaral na dumalaw sa kanyangcounselor dahil sa payong naibigay nito sa kanya.

Bukal ang kalooban (4 sa 16 o 94%). Ang taongmay kagandahang loob ay may sinseridad; puro angisip, salita, at gawa; tapat; at hindi nagpapanggap onagkukunwari. Totoo ang kanyang mga sinasabi atpagbibigay-puri. Isang halimbawa ay ang pagsasabing “salamat” na mula talaga sa puso at hindi pilit.

Nagbibigay ng lakas ng loob (3 sa 16 o 19%).Sila ang mga taong nagbibigay-buhay at pag-asa saibang tao. Nahihikayat nila ang ibang tao namagpatuloy kahit na may mga problema. Sapagkatsila ay may malinis na kalooban, nais rin nilangmaibahagi ito sa kapwa. Ang halimbawa ay angpanghihikayat sa mga kaibigan na magpatuloy satrabaho o pangungumusta sa kanilang kalagayankapag sila ay may suliranin.

Marangal (2 sa 16 o 94%). Ang taong may

kagandahang loob ay hindi naiimpluwensyahan ngkasamaan ng ibang tao. Hindi siya nagpapadala samasamang ginagawa ng iba at malanis ang

konsensya niya. Matatag ang kanyang prinsipyo.Ang halimbawa nito ay ang pagiging tapat satrabaho at hindi nangungurakot kahit na ang mga

Page 8: 391-1279-1-PB

74 R.R. RESURRECCION

TOMO XIX BLG. 3 ABRIL 2007

kasamahan sa trabaho ay madalas itong gawin athinihikayat pa ang iba na gumaya.

Mga Katangian ng mga Taong HindiNagpapakita ng Kagandahang Loob

Isa sa mga katanungan sa questionnaire nasinagutan ng mga kalahok ang ukol sa hindikagandahang loob. Bagamat hindi ito bahagi nglayunin ng pag-aaral, minarapat na isama rin ito sapag-aanalisa. Ayon sa kanila, ang isang taong hindinagpapakita ng kagandahang loob ay ang mgataong sadyang makasarili, walang malasakit,manhid, walang pagkukusa, nananamantala atwalang konsiderasyon o nang-aabala, nanlalamangng kapwa, walang sinseridad, mapagkunwari,nanloloko, at maramot.

Karamihan sa mga ito ay kabaligtaran ng osalungat sa mga katangian ng isang maykagandahang loob. Ang makasarili, walangmalasakit, walang pagkukusa, at manhid aykabaligtaran ng pagiging sensitibo at may malasakit.Ang pagsasamantala, walang konsiderasyon, atpang-aabala ay kabaligtaran ng maykonsiderasyon. Ang panlalamang ng kapwa aysiyang kabaligtaran ng pang-una sa kapakanan ngiba. Ang kawalan ng sinseridad, pagkukunwari, atpanloloko naman ay kabaligtaran ng pagiging bukalang kalooban at marangal. Ang pagiging maramotnaman ay kabaligtaran ng pagiging laging handangtumulong.

Sa mga susunod na pag-aaral, maaaring balikanang mga katangiang ito upang lalo pang mapag-alaman ang mga katangian ng mga taongnagpapakita ng “hindi kagandahang loob.” Sakasalukuyan, hilaw pa ang datos tungkol ditosapagkat hindi ito ang pangunahing layunin ngkasalukuyang pag-aaral.

Diskusyon

Ayon sa resulta, ang taong may kagandahangloob ay may malasakit (sensitibo, hindi iniinda angabala, may konsiderasyon, at inuuna ang kapakananng iba), may pakikipagkapwa (laging handangtumulong, walang kondisyon, nagbibigay serbisyo,

at maalalahanin), at may malinis na kalooban(tumatanaw ng utang na loob, bukal ang kalooban,nagbibigay ng lakas ng loob, at marangal).

Ang tatlong domeyn na ito ang maaaring magingpundasyon sa pagbuo ng depinisyon ngkagandahang loob. Sa mga sumusunod na talata,ilalahad ang mga pagpapaliwanag at implikasyonng resulta pati na rin ang mga suhestyon para samga susunod na pag-aaral.

Kagandahang Loob: Ang Lahatng Mabuting Katangian na Nasa Isang Tao

Karamihan sa mga nakitang kategorya sa pag-aaral na ito ay may kaugnayan sa mga katangiangmatatagpuan sa mga nakaraang literatura lalo nasa mga katangiang nabanggit ni Narciso-Apuan(2005). Malasakit ang pinakamalapit na katumbasng empathy at ang katangiang ito ang pinakalitawsa mga kasagutan ng mga kalahok. Sang-ayonsi Narciso-Apuan (2005) na ang taong maykagandahang loob ay may malasakit. Sang-ayonrin s iya na i to ay walang kondisyon onaglilingkod nang walang kapalit, bukas angkalooban at hindi nagpapakitang-tao. Sinang-ayunan din ito nina Miranda (2003) at De Mesa(1991). Ang may kagandahang loob ay maykonsiderasyon o hindi makasarili, nagbibigay ngrespeto sa ibang tao, at hindi nanghahamak onanlalait (Narciso-Apuan 2005). Inuuna niyaang kapakanan ng ibang tao, hindi iniinda angabala sa sarili, at laging handang maglingkod.Siya ay matulungin at mapagbigay (De Mesa1991) at nakakahanap ng kaligayahan mula sapagtulong sa ibang tao (Narciso 2005). Angpakikipagkapwa naman ay nabanggit ni Narciso-Apuan (2005) bilang “essence of humanity” at“shared humanity” naman, ayon kay Pe-Pua atProtacio-Marcelino (2000). Ayon pa kay Narciso-Apuan (2005), ang may kagandahang loob ayginagawa ang tama o marangal kahit na ito aymahirap o taliwas sa tingin ng ibang tao.Nabanggit din ni Narciso-Apuan (2005) na angtaong may kagandahang loob ay nagbibigay nglakas ng loob at pag-asa at nagtitiwala sakakayahan ng iba.

Page 9: 391-1279-1-PB

MGA PUNDASYON NG KAGANDAHANG LOOB 75

MALAY

May mga katangiang nakita sa pag-aaral na hindinabanggit sa literatura, tulad ng maaalalahanin,nagbibigay ng serbisyo, at tumatanaw ng utang naloob. Gayundin naman ay mga nasa literatura ngunithindi lumabas sa pag-aaral, tulad ng malaya,maawain, mapagkumbaba, humihingi ng tawad,maunawain, nagtitiwala sa sarili, nag-aaruga, atmalapit sa Diyos (Narciso-Apuan 2005).Nakapagtataka na ayon kay Miranda (2003) atDe Mesa (1991), ang kagandahang loob aymaihahalintulad sa pag-ibig ng Diyos, ngunit walakahit ni isang nagbanggit nito sa mga kalahok, kahitna ang pari at madre.

Maraming implikasyon at mga isyu anghinaharap ng kasalukuyang pag-aaral. Ang ibigsabihin ba nito ay hindi bahagi ng kagandahang loobang mga hindi lumabas na mga katangian sa pag-aaral, katulad ng mapagpatawad, mapagkumbaba,at maka-Diyos? Mahirap ikaila o sabihin na hindisila bahagi sapagkat ang mga ito ay mgamagagandang katangian din; at, ayon kay De Mesa(1991), ang kagandahang loob ay tumutukoy salahat ng mabuting katangian na nasa isang tao.

Paano rin lubusang masasabi na ang tao ay maykagandahang loob? Dapat ba ay mayroon siyatatlong domeyn ng mga katangian na nabanggit sapag-aaral, o maaaring isa o dalawa lamang ditongunit consistent naman? Sa pag-aaral, angmalasakit at pakikipagkapwa lamang ang may uringgeneral at ang malinis na kalooban ay typicallamang. Maaari bang masabing “maganda angloob” ng isang taong hindi nakikita ang kalinisanng loob kung siya naman ay may malasakit atpakikipagkapwa? Dapat ba tayong sumang-ayonkay Ferrucci (2006) na ang pagkakaroon ng kahitisa lamang sa mga mabubuting katangiang ito aysapat na upang magkaroon ng malaking pagbabagosa ating pagkatao?

Napag-alaman din sa pag-aaral ang ilangkatangian ng isang taong nagpapakita ng hindi-kagandahang loob. Maaari bang masabi pa rin naang isang tao ay may kagandahang loob kung siyaay mayroon din ilang katangian na napapailalim sakatangian ng hindi-kagandahang loob?

Ilang beses na rin natin narinig mula sa ibangtao na ang lahat ng labis ay masama. Kung ang

isang tao ay puno ng kagandahang loob, maaaririn ba itong makasama sa kanya? Maaaring angmga sobra sa malasakit ay makalimutan na angsariling pangangailangan. Maaaring abusuhin ngibang tao ang madalas makipagkapwa. Ang mgamay malinis na kalooban at nagsasabi ngkatotohanan ay maaaring malagay sa panganib.Maaari bang sa labis na pagpapakita ngkagandahang loob ay makasasama rin ito sa kapwadahil lagi na lamang silang aasa sa iyo?

Ang Pagkakaroon ng Kagandahang Loob

Una ang 12 na kategorya ng kagandahang loobay nasa loob ng isang tao. Ang loob ay isangmahalagang konsepto sa mga Pilipino. Ayon kaySalazar (1985), ang pagkatao ng isang Pilipino aymay loob at labas (internality at externality) atang loob ang siyang mas pinahahalagahan. Ayonkay Ileto (1979), ang loob ang siyang panloobna sarili, ang ubod ng pagkatao, at siyangkinasasalalayan ng tunay na halaga ng isang tao.Ang loob ay isang konseptong may kinalamansa relasyon at naglalarawan sa ating pakikitungosa iba, kaya naman ang mga salita natin tungkolsa pakikipagkapwa ay may taglay na loob:“utang na loob,” “sama ng loob,” “kusang loob”at “kagandahang loob.” Ngunit dahil sa ito aygaling sa “loob,” upang makita ito sa isang tao aydapat itong mailabas. Kaya ang mga katangian sa12 na nabanggit sa pag-aaral ay may kinalaman sapagkilos o observable behavior ng tao.

Pangalawa, ang mga katangian ng kagandahangloob ay mga katangian na hindi inaamin ng isangtao na taglay niya. Hindi dapat manggaling sa sariliang pagsasabi na siya ay may kagandahang loob.Dapat ibang tao ang nakakikita nito. AngKagandahang Loob ay iginagawad ng ibang tao,hindi tulad ng ibang positibong katangian tulad ngpagiging masayahin. Ang isang tao ay maaaringipagsasabi na siya ay masayahin ngunit ang taongmay kagandahang loob ay hindi ito maaaringipagsabi. Maaari nga na hindi niya alam namayroon siya nito, sapagkat ibang tao angnakakikita nito sa pamamagitan ng kanyangpagkilos at pag-uugali.

Page 10: 391-1279-1-PB

76 R.R. RESURRECCION

TOMO XIX BLG. 3 ABRIL 2007

Mga Isyu sa mga Katangianng Kagandahang Loob

Sapagkat ito ay mga katangian o traits at angmga katangian ay laging may kinakaharap na mgaisyu, masasabi rin na ang mga katangian ngkagandahang loob ay napapasailalim din sa mgaisyu ng traits na binanggit nina Church at Katigbak(2000). Ang mga katangian ba ng kagandahangloob ay ayon sa sitwasyon (situational) o sadisposisyon (dispositional)? Ito ba ay mulapagkapanganak (innate) o natututunan (acquired)?Karamihan din sa mga katangian ng kagandahangloob ay may kaugnayan sa moral values. Kapagnilikha ang iskala, maaaring magkaroon ngargumento sa mga kasagutan sapagkat magkakaibaang mga pagpapahalaga o values sa iba’t ibangkultura. May epekto kaya ang individualism atcollectivism sa pagbuo ng konsepto ngkagandahang loob?

Implikasyon sa Clinical at CounselingPsychology

Ngayong may ideya na tayo kung ano angkagandahang loob, maaaring makatutulong ito sapagpapabuti ng ating relasyon sa ating kapwa saaraw-araw na interaksyon natin sa kanila. Bukodpa dito, maaaring makatutulong ito sa mga clinicalat counseling psychologists. Maaaring tingnan ngmga counselor o therapist ang kanilang mga sariliat alamin kung ano sa mga katangian ngkagandahang loob ang mayroon sila nanakatutulong sa kanilang propesyon. Maaaring angmaging pokus ng isang counselor ay hindi lamangang kanyang oryentasyon at mga teknik kundi patina rin ang kanyang mga katangian upang magingisang epektibong counselor. Gayundin sa laranganng pananaliksik sa counseling. Karamihan sa mgapananaliksik ay nakatuon lamang sa modelo ngcounseling ngunit limitado ang mga pananaliksik samga katangian ng isang counselor kung ikukumparasa bilang ng mga nagawa na tungkol sa modelo oestratehiya.

Ayon kay Seligman (2000), ang PositivePsychology, o ang sikolohiya na nakatuon sa mga

positibong katangian ng isang tao, ay unti-unti nangnakikilala sapagkat marami itong aplikasyon saiba’t ibang larangan ng sikolohiya kabilang na angcounseling. Ang pagbuo ng konsepto ngkagandahang loob ay maaaring makatulong sapagsisimula ng Filipino Positive Psychology namaaaring may aplikasyon sa counseling.

Sa isang pag-aaral na may layuning makagawang isang unibersal na klasipikasyon ng mgapositibong katangian ng mga tao sa halip na mganegatibong karamdaman na kagaya ng Diagnosticand Statistical Manual of Mental Disorders (DSM-IV), natuklasan nila Dahlsgaard, Peterson, atSeligman (2005) na may anim na positibongkatangian na makikita sa Confucianism, Taoism,Buddhism, Hinduism, Athenian, Judaism,Christianity, at Islam. Ang mga ito ay justice,humanity, temperance, wisdom, transcendence, atcourage. Maaaring ang mga ito ay kaugnay ng“kagandahang loob” at maituturing napinakamahahalagang konsepto sa Filipino PositivePsychology.

Marahil kung ang isang counselor ay maykagandahang loob, isa itong asset o kalamangansa counseling ngunit baka mayroon din itongnegatibong epekto sa counselor. Kung lagi siyanghandang tumulong, magbigay ng serbisyo, at inuunaang kapakanan ng ibang tao, hindi kaya siya aysobrang mapagod at mawalan ng motibasyon sacounseling? Hindi kaya mamihasa ang mgacounselee at abusuhin ang kanyang kagandahangloob? Ngunit kung may dedikasyon ang counselorsa kanyang propesyon ay kaya niya itongmapaimbabawan at hindi indahin ang abala o pagodna, ayon sa pag-aaral na ito, isang katangian ngkagandahang loob.

Sa pagkakaroon ng mga domeyn at kategoryang kagandahang loob, maaaring makabuo ng isangiskala na susukat sa kagandahang loob ng isangtao. Ang iskalang mabubuo ay maaaring gamitinsa counseling at sa pagpili ng mga aplikante satrabaho, bukod sa iba pang gamit.

Kung ang pagkakaroon ng kagandahang loobay natututuhan, maaari ba itong ituro sa counselorat pati na rin sa counselee? Maaari bangmagkaroon ng kurso upang madebelop ang

Page 11: 391-1279-1-PB

MGA PUNDASYON NG KAGANDAHANG LOOB 77

MALAY

kagandahang loob, o maaari bang magkaroon ngmodelo o estratehiya sa counseling na gamit angkonseptong ito?

Limitasyon ng Metodolohiya

Dahil sa ang pag-aaral ay may layuningmakabuo ng konsepto, ninais ng may-akda namagkaroon ng maraming kalahok upangmaraming pananaw ang makuha, kayanapagdesisyunan na questionnaire ang gamitin sapagkalap ng datos sapagkat mas marami angmaaaring makasagot. Ngunit may ilang limitasyonang ganitong pamamaraan. Una, maaaring masmarami silang naisagot kung interbyu ang ginamit.Pangalawa, walang pagkakataon na magkaroonng consensus ang mga kalahok. Nagkaroon manng mga eksperto na tumulong sa content analysis,mahalaga pa rin kung ang mga kalahok mismoang nagtipon upang magsalu-salo ng mgapananaw. Maaari sanang magawa ito sapamamagitan ng Focus Group Discussion.

Mayroon ding naging limitasyon angquestionnaire na ginamit. Ang panuto ay “sumulatng karanasan nila noong huling apat na linggo.”Nilagyan ng time frame dahil baka mas detalyadoang kanilang kwento kung sariwa pa angpangyayari. Ngunit ang maaaring nangyari ay hindinila isinulat ang isang karanasan na matagal nangnaganap kahit na ito ay mas makabuluhansapagkat ang nakalagay sa panuto ay mgakaranasan noong nakaraang apat na linggolamang. Sa mga susunod na pag-aaral, maaaringhuwag na lamang lagyan ng time frame.

Sa pagpili ng kalahok, ang mananaliksiklamang ang nagdesisyon kung sino ang nararapatna gawing kalahok base sa kanyang palagay oassumption na ang mga nasa helping professionay may taglay na kagandahang loob. Maaaringsa susunod ay gagamit ng nomination method nakung sino ang pinakamaraming nominasyon mulasa ibang tao ay siyang magiging bahagi ng pag-aaral.

MGA SANGGUNIAN

Alejo, Albert. Tao po! Tuloy!: Isang landas ngpag-unawa sa loob ng tao. QC: Office ofResearch and Publications, AdMU,1990.

Church, Timothy at Katigbak, Marcia. FilipinoPersonality: Indigenous and Cross-CulturalStudies. Manila: DLSU P, 2000.

Dahlsgaard, Katherine, Peterson, Christopher,at Seligman, Martin. Shared virtue: TheConvergence of Valued Human StrengthsAcross Culture and History. Review ofGeneral Psychology, 9 (2005): 203-213.

De Mesa, Jose. In solidarity with the culture.QC: Maryhill School of Theology, 1991.

Doi, Takeo. On the concept of Amae. InfantMental Health Journal, 13 (1992): 7–11.

Ferrucci, Piero. The power of kindness: Theunexpected benef i ts o f leading acompassionate life. NY: Penguin Group Inc.,2006.

Hill, Clara, Thompson, Barbara, Hess, Shirley,Knox, Sarah, Williams, Elizabeth at Ladany,Nicholas. Consensual Qualitative Research:An update . Journal o f Counsel ingPsychology, 52 (2005):196-205.

Ileto, Reynaldo C. Pasyon and Revolution.Popular Movements in the Philippines, 1840-1910. QC: AdMU P, 1979.

Miranda, Dionisio. Kaloob ni Kristo: A FilipinoChristian account and conscience. Manila:Logos Publication, Inc., 2003.

Narciso-Apuan, Victoria. “Ang kagandahangloob at pagiging matanda.” Panayam saokasyon ng ika-30 kumperensya ngSikolohiyang Pilipino, Maynila, Pilipinas,2005.

Niiya, Yu, Ellsworth, Phoebe at Yamaguchi,Susumu. Amae in Japan and the UnitedStates: An exploration of a “culturally unique”emotion. Emotion, 6 (2006): 279-295.

Penner, Louis a t Finkels te in , Marcia .Dispositional and structural determinants ofvolunteerism. Journal of Personality andSocial Psychology, 74 (1998): 525–537.

Page 12: 391-1279-1-PB

78 R.R. RESURRECCION

TOMO XIX BLG. 3 ABRIL 2007

Pe-Pua, Rogelia at Protacio-Marcelino, ElizabethA.Sikolohiyang Pilipino (Filipino psychology):A legacy of Virgilio G. Enriquez. Asian Journalof Social Psychology, 3 (2000): 49-71.

Salazar, Zeus. Four filiations in Philippinepsychological thought. In A. Aganon at M.David (Mga Patnugot), Sikolohiyang Pilipino:

Isyu, Pananaw at Kaalaman (New Directionsin Indigenous Psychology). Manila: NationalBook Store, 1985.

Seligman, Martin. “Positive psychology: Anintroduction.” American Psychologist, 55(2000): 5-14).