24.pagpaplano ng proyekto(2)
TRANSCRIPT
8/16/2019 24.Pagpaplano Ng Proyekto(2)
http://slidepdf.com/reader/full/24pagpaplano-ng-proyekto2 1/8
GRADE VI
PAGPAPLANO NG PROYEKTO
Baki t may plano ang mga bahay, tulay at iba pang mga proyektong ginagawa sa
pamayanan? Gaano kahalaga ito sa bawat gawain?
Sa modyul na i to malalaman mo ang kahalagahan ng mga bahagi at paggawa
ng plano ng proyekto na makatutulong nang malaki upang makatipid sa panahon,
salapi at lakas sa paggawa ng mga proyekto. Kail angan lang ng masusing pag-
aaral upang i to ay matutuhan.
ALAMIN MO
8/16/2019 24.Pagpaplano Ng Proyekto(2)
http://slidepdf.com/reader/full/24pagpaplano-ng-proyekto2 2/8
2
A. Alin sa mga sumusunod ang higit na nangangailangan ng plano ng proyekto?
Lagyan ng tsek (√) kung nangangailangan at ekis (x) kung hindi.
Paggawa ng bahay ____________
Paggawa ng bisagra ____________Paggawa ng Dust pan ____________
Paggugupit ng yero ____________
Pagpapako ng hugpong ng table ____________
Paggawa ng upuang tabla ____________Paggawa ng proyekto sa sining
Pang-industriya ____________
Ilan ang iyong tamang sagot? Paano mo matutukoy ang mga gawaing
nangangailangan ng plano?
B. Natatandaan mo pa ba ang mga katumbas ng simbolong ito?
1.” – pulgada o inch
2. I 6” = 6 pulgada ang sukat ng bahaging ipinakikita.
Magaling! Gagamitin mo ito sa susunod mo pang mga gawain.
PAGBALIK-ARALAN MO
8/16/2019 24.Pagpaplano Ng Proyekto(2)
http://slidepdf.com/reader/full/24pagpaplano-ng-proyekto2 3/8
3
Sa bawat gagawin, kailangan mong magplano. Kailangan mong matukoy kungano ang layunin mo sa paggawa nito. Ang mga sukat ng mga bahagi, presyo ng
materyales at ng krokis ng proyekto ay dapat ding isaalang-alang. Pag-aralan din ang
mga kasangkapang gagamitin at mga hakbang sa paggawa nito.
Pag-aralan mo ang sampol ng plano ng proyekto: “Extension Cord”
A. Pangalan ng proyekto :” Extension Cord”
B. Layunin ng proyekto:
Magkaroon ng karagdagang outlet ng kuryente sa tahanan.
Makagawa ng angkop na proyekto na naaayon sa plano
C. Talaan ng mga materyales (bill of materials)
Yunit Kuwantidad Deskripsiyon Halaga bawat
piraso
Kabuuang
halaga
1
1
5
piraso
piraso
metro
convenience
outlet
(saksakan ng plug)
plug
(pansaksak saoutlet
electric wire
#16
P 25.00
P 10.00
P 10.00/metro
P 25.00
P 10.00
P 50.00
P 85.00
D. Mga kasangkapan sa paggawa
1.
Disturnilyador2. Side cutting plier (plais)3. Wire stripper (pang balat ng wire)
PAG-ARALAN MO
8/16/2019 24.Pagpaplano Ng Proyekto(2)
http://slidepdf.com/reader/full/24pagpaplano-ng-proyekto2 4/8
4
E. Mga hakbang sa paggawa ng proyekto:
1. ihanda ang mga materyales2. sukatin ang mga bahagi ng alambre na babalatan
3. ikabit ang bawat dulo ng alambre o wire sa plug at sa outlet
4.
sa dikeksiyong clockwise sundin ang nakasaad sa krokis
F. Krokis o guhit ng proyekto
1. Dayagram:
2. Detalyadong Ilustrasyon
Sa nabasa mong sampol ng proyektong extension cord, nakita mo kung paano
ginawa ang plano at ang bawat bahagi nito.
Dapat nakasaad ang pangalan at layunin ng proyekto. Ano ang maitutulong
nito sa mga gagamit? Ang bill of materials o talaan ng mga materyales ay dapatmaipakita nang tama ang deskripsyon at kuwenta ng materyales. Dapat nakalagay
ang kabuang halaga na kinuha sa yunit, kantidad, deskripsyon at halaga ng bawat
piraso. Kailangan maliwanag, ang kwenta para maihanda ang gagastusin sa
proyekto. Upang maipakita pa ang kahandaan, ang kasangkapang gagamitin aydapat ding matukoy gayon din ang mga tama at sunod-sunod na hakbang sa
paggawa.
8/16/2019 24.Pagpaplano Ng Proyekto(2)
http://slidepdf.com/reader/full/24pagpaplano-ng-proyekto2 5/8
5
Ang working drawing o krokis ay kinakailangang maipakita ng wasto katulad
ng mga sukat at ilustrasyong madaling maiintindihan upang madaling magawanang tama ang proyekto.
Sa kabuuan, walang maaksaya sa gagawing proyekto kung ito ay may tamang plano.
Gumawa ng plano tungkol sa ibang binabalak na proyekto. Sundin ang mga gabay
na napag-aralan sa paggawa nito.
Makatutulong nang malaki ang paggawa ng plano para sa isang maganda, tama at
kapaki-pakinabang na proyekto.
Nakaplano ng lahat ang bawat gawin ni Magno lalo na ang mga gawain sa Sining
Pang-industriya. Alam niya na ang pagpaplano ay napakahalaga sa ikatatagumpay ngano mang adhikain.
Anong katangian ang nakikita mo sa ginagawa ni Magno?
Ano-anong kabutihan ang magagawa nito sa kanya? Kung ikaw si Magno, gagawin mo ba ang ginagawa niya?
Bakit?
SUBUKIN MO
TANDAAN MO
ISAPUSO MO
8/16/2019 24.Pagpaplano Ng Proyekto(2)
http://slidepdf.com/reader/full/24pagpaplano-ng-proyekto2 6/8
6
Pag-aralan ang krokis na ito at gawin ang plano ng proyekto ayon sa napag-
aralang halimbawa:
Sundin ang pormat na ito
I – Pangalan ng proyekto _____________
II – Layunin ng proyekto ___________
III- Talaan ng materyales (Bill of Materials)
Yunit Kantidad Deskripsyon Halaga Kabuuang
halaga
IV- Mga Kasangkapan Gagamitin
GAWIN MO
8/16/2019 24.Pagpaplano Ng Proyekto(2)
http://slidepdf.com/reader/full/24pagpaplano-ng-proyekto2 7/8
7
V- Mga Hakbang sa Paggawa ng Proyekto
VI- Krokis o Disenyo ng Proyekto
A. Ibigay at isulat sa ibaba ang anim na bahagi ng plano ng proyekto.
1. ___________________
2.
___________________
3. ___________________
4. ___________________5. ___________________
6. ___________________
PAGTATAYA
8/16/2019 24.Pagpaplano Ng Proyekto(2)
http://slidepdf.com/reader/full/24pagpaplano-ng-proyekto2 8/8
8
B. Pag-ugnayin ang tinutukoy sa Hanay A na matatagpuan sa Hanay B. Isulat ang
titik ng tamang sagot sa kaliwa ng mga bilang.
A B
1. Drowing ng Proyekto a. layunin2. Pagkakakilanlan sa proyekto b. krokis
3. Plais, Disturnilyador c. pangalan ng proyekto
4. Pagsusukat, pagtatabas d. hakbang sa paggawa5. Yunit, kantidad materyales e. kasangkapang gagamitin
6. Bakit ginawa ang proyekto f. talaan ng materyales
Kung nasagutan mo nang buong husay ang bahaging
pagtataya ng modyul, binabati kita! Maaari mo nang pag-
aralan ang susunod na modyul.
C. Gumawa ng isang simpleng plano ng proyekto na maaari mong simulan.