2 r. cabugwang ncr plus, gcq na ulit with heightened

16
Pinas pangalawa sa Southeast Asia sa may pinakamaraming COVID-19 jabs NCR PLUS, GCQ NA ULIT NCR PLUS, GCQ NA ULIT WITH WITH HEIGHTENED RESTRICTIONS’ HEIGHTENED RESTRICTIONS’ ISSN NO. 2672-2631 • TOMO 3 BLG. 3 • BUREAU OF COMMUNICATIONS SERVICES • MAYO 2021 Herd immunity sa NCR, karatig- lugar, target sa Nobyembre 2 R. CABUGWANG ‘Vacc2School’ campaign, inilunsad ng DepEd Palasyo kumpiyansa sa Israel Embassy, OWWA sa gitna ng tensyon 2 R. CABUGWANG 2 R. CABUGWANG 2 M. LADISLA 9 I. ATOMPAG MEDIAMAN 8 M. LADISLA PRRD nagdeklara ng state of calamity bunsod ng ASF Agarang Aksyon: Pagpapabakuna ng taumbayan, susi sa COVID-free na bansa PRRD tumanggap PRRD tumanggap ng unang dose ng unang dose ng bakuna ng bakuna mula sa mula sa Sinopharm Sinopharm 16 M. LADISLA NCR PLUS, GCQ NA ULIT NCR PLUS, GCQ NA ULIT WITH WITH HEIGHTENED RESTRICTIONS’ HEIGHTENED RESTRICTIONS’ Ano ang masasabi mo sa Balita Central? Sumulat o bisitahin, i-Like, i-Follow, at magkomento sa aming social media at website. bcs.gov bcs_gov bcs.gov.ph bcs_gov

Upload: others

Post on 03-Nov-2021

2 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

Page 1: 2 R. CABUGWANG NCR PLUS, GCQ NA ULIT WITH HEIGHTENED

Pinas pangalawa sa Southeast Asia sa may pinakamaraming COVID-19 jabs

NCR PLUS, GCQ NA ULIT NCR PLUS, GCQ NA ULIT ‛‛WITHWITH HEIGHTENED RESTRICTIONS’ HEIGHTENED RESTRICTIONS’

ISSN NO. 2672-2631 • TOMO 3 BLG. 3 • BUREAU OF COMMUNICATIONS SERVICES • MAYO 2021

Herd immunity sa NCR, karatig-lugar, target sa Nobyembre 2 R. CABUGWANG

‘Vacc2School’ campaign,

inilunsadng DepEd

Palasyo kumpiyansa sa Israel Embassy, OWWA sa gitna ng tensyon

2 R. CABUGWANG

2 R. CABUGWANG

2 M. LADISLA

9 I. ATOMPAG

MEDIAMAN

8 M. LADISLA

PRRD nagdeklara ng state of calamity bunsod ng ASF

Agarang Aksyon:Pagpapabakunang taumbayan, susi saCOVID-freena bansa

PRRD tumanggapPRRD tumanggapng unang dose ng unang dose ng bakunang bakunamula samula saSinopharmSinopharm

16 M. LADISLA

NCR PLUS, GCQ NA ULIT NCR PLUS, GCQ NA ULIT ‛‛WITHWITH HEIGHTENED RESTRICTIONS’ HEIGHTENED RESTRICTIONS’

Ano ang masasabi mo sa Balita Central? Sumulat o bisitahin, i-Like, i-Follow, at magkomento sa aming social media at website. bcs.gov bcs_govbcs.gov.ph bcs_gov

Page 2: 2 R. CABUGWANG NCR PLUS, GCQ NA ULIT WITH HEIGHTENED

2Mayo 2021 BalitaBalita

Herd immunity sa NCR, karatig-lugar, target sa NobyembreNi Raiza F. Cabugwang

PRRD nagdeklara ng stateof calamity bunsod ng ASF

Ni Raiza F. Cabugwang

Isinailalim ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Mayo 13 sa General Community Quarantine (GCQ) “with heightened restrictions” ang NCR Plus na kinabibilangan ng Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal mula Mayo 15 – 31, 2021.

Ang desisyon ng Pangulo ay base na rin sa rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases.

Idineklara rin sa ilalim ng parehong kategorya ng quarantine ang mga lugar na nasa Cordillera

Plano ng pamahalaan na makapagpamahagi ng sapat na bilang ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) vaccines upang makamit ng National Capital Region (NCR) at mga kalapit na probinsya nito ang herd immunity pagdating ng Nobyembre 2021.

Isinailalim ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Pilipinas sa state of calamity sa loob ng isang taon bunsod ng paglaganap ng African swine fever (ASF) sa bansa.

Sa Proclamation No. 1143 na nilagdaan ng Pangulo noong Mayo 10, 2021, ipinaliwanag nito na sa pamamagitan ng pagdeklara ng state of calamity, maaaring gamitin ng pamahalaan ang mga kaukulang pondo, kabilang na ang Quick Response Fund, upang maisakatuparan ang mga hakbang para mapigilan ang

Ang herd immunity ay makakamit kung malaking bahagi na ng populasyon ang posibleng hindi na madapuan ng COVID-19 bunsodng pagbabakuna.

Ayon kay Vaccine Czar Carlito Galvez, Jr., layon ng gobyerno na matupad ang

tuluyang paglaganap ng ASF at manumbalik sa normal ang mga lugar na apektado nito.

“The ASF is responsible for the significant reduction in the country’s swine population by around three million hogs, resulting in more than P100 billion in losses due to the local hog sector and allied industries, and leading to increased retail prices of pork products,” saad ng naturang proklamasyon, na isinapubliko noong Mayo 11.

Idineklara ni Pangulong Duterte ang nasabing state

NCR Plus, GCQ na ulit ‘with Heightened Restrictions’

Ni Raiza F. Cabugwang

Administrative Region (CAR) kabilang na ang Apayao, Baguio City, Benguet, Kalinga, Mountain Province, at Abra; Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya sa Region 2; Batangas at Quezon sa Region 4-A; Puerto Princesa sa Region 4-B; Iligan City sa Region 10; Davao City sa Region 11; at Lanao del Sur sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Samantala, ang Santiago City at Quirino Province sa Region 2; Ifugao sa CAR; at Zamboanga City sa Region 9 ay isinailalim naman sa modified enhanced community quarantine o MECQ.

Mapapasailalim naman sa modified general community quarantine o MGCQ ang iba pang mga lugar sa bansa.

Sa kanyang “Talk to the People” noong Mayo 13, umapela ang Pangulo sa publiko na ipagpaliban muna ang pagsasagawa ng mga pagtitipon na may kinalaman sa pananampalataya, lalo na aniya ngayong buwan ng Mayo, kung kailan ipinagdiriwang ang maraming kapistahan.

“I’ll be more direct than what is written here. I don’t attribute it to any particular religion or what, but there

Photo credit: pna.gov.ph

( ▶ 12 )

( ▶ 12 )

Photo credit: pia.gov.ph

naturang plano kung sakaling magkaroon ng problema sa suplay ng bakuna na maaaring maging hadlang sa pagkamit ng herd immunity sa buong bansa pagsapit ng katapusan ng taon.

“Kung nakikita natin na realistically, we will have a shortfall of supply, we need to strategize that we will get the same effect. We can have the herd immunity sa NCR and the plus six provinces around NCR by November,” pahayag ni Secretary Galvez.

Hindi naman tinukoy ng opisyal kung aling mga probinsya ang makakasama ng NCR sa listahan ng target na mga lugar para makamit ang nasabing herd immunity,

Palasyo kumpiyansa sa Israel Embassy,OWWA sa gitna ng tensyon

Ni Monica N. Ladisla

Kumpiyansa ang Palasyo na handa ang embahada ng bansa sa Tel Aviv maging sa Overseas Workers Welfare Administration para sa anumang sitwasyon na maaaring mangyari kasunod ng tumitinding girian sa pagitan ng Israelis at Palestinians.

Sa isinagawang press briefing kahapon, Mayo 13, inilahad ng embahada at ng OWWA na pamilyar na umano sila sa protocol na kailangang isagawa sa mga ganitong sitwasyon kung saan apektado ang overseas Filipino workers.

“So, hinahanda na po iyong posibleng repatriation at binibigyan na po sila ng warning na kung pupuwede po ay iyon nga po, mag-ingat dahil dito sa mga pag-iinit ng mga pangyayari diyan sa Israel ‘no at sa Occupied Territory,” pahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque.

Kung kinakailangan umano, susunduin mismo ng gobyerno ang mga Pilipinong maiipit sa hidwaan ng dalawang bansa.

“Bihasa na po ang ating mga embahada at ang

ating OWWA pagdating sa mga kaguluhan kung saan naroroon ang ating mga kababayan,” ani Sec. Roque.

Samantala, nanawagan naman ang embahada ng Pilipinas sa Israel sa mga Pilipinong naroroon na sumunod sa direktiba ng Israel Defense Forces at ng mga lokal na otoridad doon upang masiguro ang kanilang kaligtasan.

“We call all overseas Filipino workers (OFWs) who are in Israel to listen to the safety instructions, and strictly follow the directives of IDF Home Front Command. Israel is obligated for the safety of its citizens and non-citizens, among them are 30,000 OFWs, students, and diplomats, and it has been proven that the directives from the security forces and IDF Home Front Command save lives,” pahayag ng embahada ng bansa sa Israel.

Sa datos na nakalap mula sa Department of Foreign Affairs mula noong Hunyo 2020, mayroong naitalang 30,000 Pilipino sa bansang Israel. ■ Photo credit: pna.gov.ph

( ▶ 12 )

Page 3: 2 R. CABUGWANG NCR PLUS, GCQ NA ULIT WITH HEIGHTENED

EditoryalEditoryal 3Mayo 2021

EDITORIALBOARD

BALITA CENTRAL is published bimonthly by the Bureau of

Communications Services with office address at PCS Bldg. 310 San

Rafael St. San Miguel Malacañang Complex, Manila 1005.

BALITA CENTRAL is freelydistributed by the Bureau of

Communications Services. Anyperson caught selling copies of

the tabloid will be penalized.

For any inquiries, you maycontact us through the following:

Phone: (02) 8734-2117E-mail: [email protected]

Facebook: bcs.govWebsite: www.bcs.gov.ph

Agarang Aksyon: Pagpapabakuna ng taumbayan, susi sa COVID-free na bansa

Mahigit isang taon na ang nakalipas mula nang maapektuhan ang buong mundo ng COVID-19 pandemic. Hindi inasahan ng lahat ang matinding dagok na dulot ng pandemya, hindi lamang sa kalusugan ng mga tao, kundi pati na rin sa ekonomiya ngmga bansa.

Mula noon hanggang ngayon, walang tigil sa pakikipaglaban sa pandemya ang ating gobyerno, medical professionals, mga pulis, sundalo, at iba pang sektor ng lipunan na nagsisilbing frontliners. Bukod sa mahigpit na pagpapatupad ng health at safety protocols upang mapigilan ang paglaganap ng virus, agad ding kumilos ang mga opisyal ng gobyerno para makakuha ng bakuna kontra COVID-19. Ang bakuna ay isa sa mga susi para masugpo ang patuloy na pagkalat ng COVID-19 virus. Kaya puspusan ang pakikipagnegosasyon ng gobyerno upang maging tuluy-tuloy ang dating ng suplay ng bakuna sa ating bansa.

Sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Rodrigo Duterte, layon ng pamahalaan na maabot ang tinatawag na ‘herd immunity’ o ang pagkabakuna sa 70 porsyento ng ating populasyon. Paano natin ito makakamit? Ito ay sa pamamagitan ng sama-sama nating pakikibahagi sa ating vaccination rollout tungo sa COVID-free na Pilipinas. Bukod sa mga bakuna na mula sa ibang bansa, pinag-aaralan din ng mga eksperto ang ating kapasidad na makapag-develop at makapag-produce ng bakuna kontra COVID-19. Kahit ang ating Pangulo ipinagdarasal din na sana’y magkaroon din tayo ng bakuna na epektibo at ligtas na panlaban sa kumakalat na virus.

Lingid sa kaalaman ng lahat na noong 1939, nakagawa ang mga scientist sa bansa ng bakuna kontra cholera at nakapag-donate pa tayo nito sa China. Mismong ang ating butihing Science and Technology Secretary Fortunato dela Peña ang nagsabi nang makapanayam ko siya sa aking programa na

nakapag-develop tayo noon ng bakuna sa pangunguna ng dating Institute of Hygiene ng Unibersidad ng Pilipinas. Naniniwala rin ang Kalihim na kayang-kaya nating makagawa ng sarili nating bakuna basta’t ito’y sumasang-ayon sa agenda ng ating pamahalaan. Kumbaga, bukod kay Pangulong Duterte, nariyan din dapat ang tulong ng Kongreso at Senado, mga pamantasan, mga kagawaran na nasa ilalim ng Science and Health, at iba pa.

Sa katunayan, nakikipag-ugnayan na ang Department of Science and Technology sa potential local vaccine manufacturers at nagpahayag ng suporta ang mga ito para makapag-develop tayo ng sariling bakuna kontra COVID-19. Ayon kay Pangulong Duterte, tutulungan ng national government na mas mapabilis ang pagpoproseso ng mga kinakailangang papeles para masimulan na ang hakbang na ito. Kapag nagkaroon tayo ng sariling bakuna, hindi na tayo aasa sa donasyon ng COVID-19 Vaccines Global Access (COVAX) Facility at procurement ng mga ito sa pamamagitan ng diplomatic talks para makapag-secure ng milyun-milyong dosesng bakuna.

Hindi ako isang medical expert, ako ay isang mediaman na naglilingkod para sa bayan, pero naniniwala at may kumpiyansa ako na kayang-kaya ng ating bansa na makapag-develop ng sarili nating bakuna. Tunay na napakagandang hakbang nito lalo na’t limitado ang suplay ng COVID-19 vaccines sa kasalukuyan. Panahon na rin para mag-asam tayo na maging, ika nga’y, “self-reliant at self-sufficient” na bansa na may sariling bakuna na epektibo at ligtas at gawa mismo ng sarili nating mga eksperto.

Habang wala pa tayong sariling bakuna, puspusan ang pakikipag-ugnayan ng National Task Force Against COVID-19 at Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases para makuha natin ang inaasam na 148 million doses ng COVID-19 vaccines para maisakatuparan ang tinatawag na herd immunity ng bansa.

Pero maliban diyan, ang isa pang isyu na kinakaharap ng bansa ngayon ay ang tinatawag na “vaccine nationalism” ng mga mayayamang bansa. May kakayahan kaya tayong makabili ng mas maraming bakuna? Hindi lamang Pilipinas ang nakararamdam ng suliraning ito, kundi maging ibang maunlad na bansa ay kinokondena ang hakbang na ito. Alam ng ating Pangulong Duterte na may ilang mayayamang bansa ang mas pinipili umanong mag-produce at mag-hoard ng mga bakuna para sa kanilang bansa.

G a y u n p a m a n , pinapatunayan lamang ng ating pamahalaan na sa kabila ng vaccine nationalism ng ibang bansa ay nakakapag-procure pa rin tayo ng mga bakuna. Inaasahang marami pang doses ng bakuna ang darating ngayong Mayo hanggang Disyembre mula sa iba’t ibang manufacturers sa daigdig at sa tulong na rin ngCOVAX facility.

Kaugnay naman sa vaccination rollout ng ating bansa, halos 2.40 million doses na ang naibakuna sa ating mga frontliner, mga senior citizen, at mga indibidwal na may comorbidities. Dahil dito, pumangatlo ang Pilipinas sa vaccination rollout sa buong rehiyon ng Association of Southeast AsianNations (ASEAN).

Ayon sa National Task Force Against COVID-19 inaasahang aabot sa halos 20 milyong doses ng bakuna ang darating ngayong buwan ng Mayo at Hunyo, indikasyon ito

ng tuluy-tuloy na vaccination rollout sa bansa. Sa ngayon, halos 7.5 million doses ng bakuna kontra COVID-19 ang nai-deliver na sa bansa mula sa apat na manufacturers tulad ng Sinovac (China), AstraZeneca (United Kingdom), Sputnik V (Russia), at Pfizer-BioNTech(United States).

Sa pamamagitan ng pagkakaisa at pagtutulungan para makamit ang isang mithiin, kayang-kaya ng Pilipinas na maipanalo ang laban kontra COVID-19. Sa ngalan ng buong puwersa ng Presidential Communications Operations Office (PCOO), asahan ninyo na patuloy kaming magbibigay ng tama at makabuluhang impormasyon hinggil sa mga ginagawa ng gobyerno para sa ating bayan.

Bukod dito, naglalabas at maglalabas pa ang PCOO ng mga dekalibreng dokumentaryo at mga explainer video content na nakatuon sa mga kinakaharap natin ngayong panahon ng pandemya. Mayroon ding real-time updates sa ating official social media pages tungkol sa vaccination rollout ngating pamahalaan.

Kaisa ng mga opisyal ng pamahalaan, ako ay umaapela sa ating mga kababayan na huwag pabayaan ang inyong sarili, sumunod sa itinakdang minimum public health standards, at mag-alay ng panalangin hindi lamang para sa ating bansa kundi pati na rin sa buong mundo.

Basta’t laging sama-sama, kayang-kaya natin ito! ■

MA. FLORINDAPRINCESS DUQUE

Editor-in-Chief

EILEEN CRUZ-DAVIDManaging Editor

VANESSA LANDIGAssociate Editor

TRISH ALCANTARAIVY ATOMPAG

RAIZA CABUGWANGMONICA LADISLA

Writers / Researchers

DAVID VERIDIANOPhotographer

KEVIN LARANANGArt Director / Cartoonist

ENREL TAN Layout Artist

CAROLINA TONGKOProduction Manager

ARLENE BARRIENTOSCirculation Manager

MEDIAMANNi Martin M. Andanar

Page 4: 2 R. CABUGWANG NCR PLUS, GCQ NA ULIT WITH HEIGHTENED

4Mayo 2021

EditoryalEditoryalUGNAYANNi Ma. Florinda Princess E. Duque

Mga bagong bayani, prayoridad ng gobyernosa panahon ng pandemya

Hindi maikakaila ang hirap na dinaranas ng bawat Pilipino lalo na ng ating mga bagong bayani nitong nakaraang taon dahil sa pandemya. Isa nga ang ating Overseas Filipino Workers (OFWs) na lubhang naapektuhan ng kasalukuyang krisis. As of April 30, 2021, 18,357 OFWs ang naitalang positibo sa COVID-19 ayon sa tala ng Department of Foreign Affairs (DFA) ― galing ito sa mga bansa sa Asia Pacific Region (3,591), Middle East / Africa (10,453), Europe (3,356) at America (957). 5,941 sa kabuuang bilang na ito ay nagpapagamot pa at 11,271 ang gumaling na. Sa kabila nito, patuloy ang pagtulong at serbisyo ng gobyerno mula noong nagsimula ang pandemya hanggang sa kasalukuyan upang matugunan nang mabilis ang pangangailangan ngmga OFW.

Isa sa maagap na ginawa ng gobyerno ay ang mabilis at ligtas na pagpapauwi sa OFWs na kung maaalala ay nagsimulang isagawa noong Pebrero ng nakaraang taon nang magtungo ang mga miyembro ng DFA sa Wuhan, China upang pauwiin ang mga Pilipinong na-stranded sa lugar. Sa huling tala ng Department of Labor and Employment (DOLE), umabot na sa higit kalahating milyong OFWs o aabot sa 519,566 repatriated OFWs ang napauwi sa bansa sa harap ng COVID-19 pandemic, 49,742 ang naghihintay na mapauwi habang 78,519 ang nanatili sa kanilanghost country.

Ang gobyerno rin ay naglaan ng financial assistance sa OFWs bilang tulong, sila man ay nasa ibang

bansa o nakauwi na sa Pilipinas sa pamamagitan ng DOLE-Abot Kamay ang Pagtulong (AKAP) Program alinsunod sa Bayanihan to Heal as One Act ng ating pamahalaan. Sa tala noong Abril 20, 2021, ang DOLE-AKAP ay nakapagbigay na ng financial assistance na nagkakahalaga ng mahigit Php 5 bilyon sahigit 500,000 OFWs.

Bukod sa financial assistance, nagbibigay rin ang gobyerno ng pagkain, airport assistance, accommodation services, at temporary shelter sa pamamagitan ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) para sa OFWs habang naghihintay ng resulta ng kanilang COVID-19 tests. Sa tulong din ng Hatid-Probinsya Program, ang mga stranded na OFW sa Metro Manila ay nabigyan ng transportation assistance para makauwi sa kani-kanilangmga lugar.

Kasabay nito nagsagawa ang DOLE ng mga virtual job fair para sa OFWs, samantalang ang OWWA ay naglaan din ng livelihood package assistance sa pamamagitan ng Balik Pinas! Balik Hanapbuhay! Program na magsisilbing panimula o pandagdag-kapital para sa mga OFW na nais magnegosyo. Ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) naman ay nagsagawa ng libreng skills online training para sa mga distressed OFW na makatutulong para makahanap sila ng trabahosa bansa.

Sa pagkakaroon ng bakuna kontra COVID-19 sinigurado ng pamahalaan na mabibigyan ang ating mga OFW. Sa katunayan nasa 50 hanggang 60,000 OFWs na noong Enero 28, 2021 ang nakatanggap ng bakuna mula sa kanilang host country bukod pa sa mga OFW

On travel restrictions

On Julian Felipe Reef

On the appointment ofPLTGEN GUILLERMO ELEAZAR

From the Deskof Spokes

Ni Presidential Spokesperson Harry Roque

All travelers coming from Oman and the United Arab Emirates (UAE) or those with travel history to these two countries within the last fourteen (14) days preceding arrival shall be prohibited from entering the Philippines beginning 0001H of May 15, 2021 until 2359H of May 31, 2021, upon the recommendation of the Department of Health and the Department ofForeign Affairs.

Passengers already in transit from the abovementioned countries and all those who have been to the same within 14 days immediately preceding arrival to the Philippines, who arrive before 0001H of May 15, 2021, shall not be subject to the above restriction, but shall nevertheless be required to undergo stricter quarantine

Contrary to an article in the Inquirer, I have never claimed that Julian Felipe Reef is not ours.

We reiterate that the Philippines has a claim ― and has never abandoned our claim ― over Julian Felipe Reef by virtue of a Presidential Decree issued by former President Ferdinand Marcos saying it is part of the Kalayaan Group of Islands.

The basis of our claim is that while Julian Felipe Reef is indeed within our 200 nautical miles of EEZ, it nonetheless forms part of the territorial sea generated by two High Tide Elevations (HTEs) currently occupied by China (Mckennan) and Vietnam (Sin Cowe). Per the 2016 SCS Arbitral Award, these HTEs generate a Territorial Sea, which is prior to an EEZ under the UNCLOS.

na nasa frontline sa bansang England at Germany ayon sa tala ng DOLE.

Noong Abril 15, 2021, inaprubahan naman ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang pagsama sa OFWs sa A4 vaccine priority list group. Kabilang sa Priority Group A4 ang mga commuter transport, logistics, public and private wet and dry market vendors, frontline workers sa groceries, supermarkets, delivery services; manggagawa sa manufacturing for food, beverage, medical at pharmaceutical products, frontline workers sa food retail, kabilang na ang food service delivery; frontline workers sa pribado at pampublikong financial services, gayundin ang frontline workers sa hotels at accommodation establishments, taong simbahan gaya ng mga pari, at mga media worker. Ang pagkakasama ng OFWs sa A4 list ay nagpapakita ng pagkilala ngIATF at ng gobyerno sa critical at dispensable role ng mga OFW sa labankontra COVID-19.

Ilan lamang ito sa mga ginawa ng gobyerno upang tugunan ang mga pangangailangan ng mga manggagawang Pilipino sa ibang bansa sa panahon ng pandemya. Ang mga OFW ay mahalaga sa administrasyong Duterte kung kaya’t ang gobyerno ay patuloy na lumilikha ng mga proyekto upang makatulong sa ating mga OFW. Ang gobyerno rin ay lumilikha ng mas maraming oportunidad sa trabaho at pangkabuhayan dito sa ating bansa upang hindi na kailangan pang umalis ng mga Pilipino at makapagbigay ng #comfortable lives for all, ‘yan angDuterte Legacy. ■

and testing protocols, i.e. the observation of a fourteen-day facility-based quarantine period upon arrival, notwithstanding a negative Reverse Transcription - Polymerase Chain Reaction (RT-PCR) result.

Meanwhile, all existing travel restrictions of passengers coming from India, Pakistan, Nepal, Bangladesh, and Sri Lanka are extended until2359H of May 31, 2021.

The Department of Transportation should ensure that airlines are directed not to allow the boarding of passengers who are prohibited from entering the country pursuant to travel restrictions imposed by the Office of the President and IATF resolutions except if they are part of the repatriation efforts of the national government. ■

Felipe Reef, together with the two HTEs that generated the territorial sea, has never been in actual physical possession of the Philippines, albeit made part of the province of Palawan through PD 1596 (1978).

At the very least, Julian Felipe Reef should be delimited under the United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) given the overlaps ofmaritime zones.

While Julian Felipe Reef is not within our Exclusive Economic Zone (EEZ), because it forms part of the territorial sea of Mckennan which we claim in accordance with the Marcos Presidential Decree, it is in our country’s interest to continuously pursue our claim through diplomacy or in the future, by submitting it to the jurisdiction of the International Court of Justice. ■

We confirm that President Rodrigo Roa Duterte has signed the appointment of PLTGEN Guillermo Eleazar as the new chief of the PhilippineNational Police.

Gen. Eleazar’s track record of professionalism, dedication

and integrity speaks for itself. We are therefore confident that he will continue the reform initiatives of his predecessors and lead the police organization togreater heights.

All the best to Gen. Eleazar as the new PNP Chief. ■

Page 5: 2 R. CABUGWANG NCR PLUS, GCQ NA ULIT WITH HEIGHTENED

Mayo 2021EditoryalEditoryal 5

TanglawNi Eileen Cruz-David

‘Vaccine nationalism’, tanda ngsumasadsad na moralidad

sa world stage?

West Philippine Sea: Ang aking pananaw

Nang lumabas ang bakuna kontra COVID-19, meron na namang naitalang tagumpay ang siyensya, base sa pinakahuling pahayag ng WHO noong Mayo 14.

Naniniwala rin ang ahensya na tanda ang pagkakaimbento ng bakuna ng “global solidarity” ng mga bansa.

Ngunit tinuturing na “gross distortion” ng WHO ang ulat na marami pa rin ang hindi nababakunahan dahil sa kakulangan o kawalan ng access sa vaccines ng low at lower-middle income na mga bansa sa iba’t ibang panig ng globo.

Habang nababakunahan na ng ilang mayayamang bansa ang kanilang “lower risk groups” o grupong kinabibilangan ng mga kabataan, marami pa rin sa healthcare workers ng mas mahihirap na mga bansa ang hindi man lang immunized, kasabay ng pagtaas ng bilang ng mga taong nangangailangan ng lifesaving treatment samga ospital.

Sa kasalukuyan, nasa 0.3% lang ng suplay ng vaccine ang naipapadala sa low-income na mga bansa, ayon sa tala ng WHO.

Bukod sa India na ayon sa update ng WHO noong Mayo 9 ay lugar ng 95% ng COVID-19 cases at 93% ng death cases sa Southeast Asia Region, may pagtaas din sa bilang ng mga kaso at hospitalization sa Nepal, Sri Lanka, Vietnam, Cambodia, Thailand, at Egypt.

Ilang bansa rin sa rehiyon ng Americas ang nananatiling may mataas na bilang ng kaso ng COVID-19 (40% ng mga namatay sa virus sa buong mundo ay naitala rito sa nakaraang linggo), samantalang nakaaalarma rin ang upward trend ng ilan sa Africa.

Kaya naman umapela ang WHO sa mga mayayamang

bansa na muling bisitahin ang kanilang desisyon at ikonsiderang ibigay na lang bilang donasyon ang vaccines sa COVID-19 Vaccines Global Access (COVAX) na isa sa mga founder ay ang WHO.

‘Deadlier’ chapter ng COVID-19

Ayon sa WHO, nasa mahigit 3.3 milyong buhay na ang nakitil ng virus, habang nasa ilalim na ang lahat sa pangalawang taon ng pandemya na “deadlier” sa nauna.

Sa kabila ng pagiging susi sa pagtigil ng pagkalat ng nakamamatay na respiratory virus, nananatili ring pangunahing hamon ang suplay ng vaccines.

Ngunit ilang mga bansa na rin ang nag-anunsyong magbabahagi ng vaccines sa COVAX para masiguro ang pinakamabilis atpinakapantay na distribusyonng mga bakuna.

Magkakaroon din ng tech-transfer at pagbabahagi ng know-how ang mga international manufacturer para pataasin ang produksyonng vaccines.

Kabilang na ang Spain sa nagsabing aalisin ang lahat ng trade barriers sa lalong madaling panahon.

Patuloy rin ang pagtuklas ng researchers at scientists mula sa iba’t ibang panig ng mundo, katulad ng sa nakalipas na 18 buwan, sa mode of transmission, epidemiological trends, clinical management, development ng point of care diagnostics, treatments, at vaccines ngCOVID-19 virus.

Nito lamang Mayo 8 ay mahigit 2 million doses ng AstraZeneca ang dumating sa Pilipinas mula COVAX, na parte ng 4.5 million na ipinangako ng COVAX sa bansa. Nauna nang tinanggap ng bansa

FREEDOM PARKNi Trish Alcantara

( ▶ 14 )

Ang isyu ng West Philippine Sea ay laganap at mainit na pinag-uusapan ng mga Pilipino ngayon sa social media. Sa tuwing may balita o mababanggit ito, hindi nag-aatubiling ipagtanggol ng mamamayang Pilipino ang karapatan sa West Philippine Sea. Ito ay patunay lamang na gising ang diwa ng ating mga kababayan sa isyu ng West Philippine Sea at patuloy na tinututulan ang matigas na pananatili ng mga militia at barko ng Tsina saating karagatan.

Ang mga parte ng West Philippine Sea na nakapaloob sa Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas ay maliwanag na pagmamay-ari ng mga Pilipino. Nasa kasaysayan natin na tayo ang may-ari ng dagat, mga maliliit na isla, at alapaap doon. Mas pinalakas pa ito ng ating pagkapanalo sa Arbitral Ruling noong Hulyo 2016 ng Permanent Court of Arbitration (PCA). Dahil parte ang desisyong yaon ng International Law, lahat ng mga bansa ay dapattumalima rito.

Mapapansin na naging mas mabuti ang ugnayan at pagkakaibigan ng Tsina at Pilipinas sa ilalim ng administrasyong Duterte. Masigla at patuloy ang daloy ng suporta at ayuda mula sa Tsina. Ang mabuting pagtitinginang ito ay ikinatuwa ng maraming Pilipino kaya’t lubos ang ating pasasalamat sa atingkaibigang bansa.

Subalit nag-iba ang damdamin ng ating mga kababayan nang napagtanto nila na patuloy ang pagbabalewala sa nasabing desisyon. Nakalulungkot na ang Tsina at ilan pang mga bansa kagaya ng Vietnam ay patuloy na umuokupa sa mga pag-aari ng Pilipinas sa West Philippine Sea. Nagtayo na sila ng mga permanenteng istruktura roon na para bang sila ang may-ari. Maliwanag na hindi nirerespeto ng Tsina at Vietnam ang ating pagmamay-ari doon at tahasan nilang nilalabag ang desisyon ng PCA bagama’t naaayon ito sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) na kung saan sila ay mga miyembrong bansa rin. Bakit? Ito ay dahil sa sagana sa likas na yaman ang mga parteng yaon at base

sa mga pag-aaral ay mayroon itong malaking mga deposito ng langis, ginto, at natural gas.

Dalawa ang maliwanag na solusyon sa isyung ito. Una, paalisin at itaboy ang mga dayuhan sa pamamagitan ng ating mga hukbo at gamitin ang dahas kung kinakailangan. Pangalawa, idaan sa diplomasya at pakiusapan ang mga dayuhan na lisanin ang ating pag-aari. Ngayon mga ka-Central, ano ba talaga ang dapat nating gawin sa problema sa West Philippine Sea?

Pag-usapan natin ang unang pinagpipilian natin — ang paggamit ng hukbong sandatahan. Masisindak ba natin ang mga kalaban? Mananalo ba tayo laban sa kanila? Bagama’t alam nating makapangyarihan ang sandatahang lakas ng kalabang mga bansa kumpara sa atin na walang submarino, aircraft carriers, hypersonic war planes, o ballistic missile systems, naniniwala ako sa ating sandatahan na maipagtatanggol nila ang bansa laban sa panganib at, iaalay nila ang kanilang buhay para rito. Balikan natin ang ating kasaysayan at naroroon ang kasagutan. Sa tuwina, sa oras ng pangangailangan ay isinisilang ang mga magigiting na bayani at sa huli ay nalalampasan natin ang lahat ng mga hamon ng kalaban.

Ginagawa ngayon ng pamahalaang Duterte na palakasin ang ating hukbong sandatahan. Matatandaang itinaas niya ang sweldo ng mga sundalo at pulis. Patuloy rin ang modernisasyon ng hukbo at may mga balita tayo na bibili na ang bansa ng mga makabagong barkong pandigma, submarino, missile systems, at iba pang mga armas. Makatutulong ito upang maproteksyunan ang ating bansa laban sa panganib ng pananakop sa ating teritoryo. Naiintindihan ko na marami tayong pangangailangan sa edukasyon, kalusugan, at iba pang serbisyong pantao, pero ang mga gastusing ito sa militar ay kailangan rin ng ating bansa.

Ang tanong ko mga ka-Central ay kung gusto ba talaga natin ng digmaan sa pagresolba sa isyu ng West Philippine Sea? Nakahanda ba tayo na magbuwis ng buhay? Matatanggap ba natin na masira ang ating mga siyudad

at kabuhayan sapagkat wala naman tayong Iron Dome na kagaya ng sa Israel? Kakayanin ba natin ang nuclear attack ng mga kalabang bansa na mayroong mga armas nukleyar? Dito na tayo ngayon humahantong sa pangalawang opsyon — ang diplomasya. Ito ang paraan na ginagamit ng Administrasyong Duterte upang mapayapang maresolba ang hindi pagkakaintindihan sa teritoryo. Oo, maaaring matagalan bago maresolba ang isyung ito sa pamamagitan ng diplomasya, ngunit maraming buhay at kabuhayan naman ang hindi masisira ng digmaan.

Maliwanag na ayaw ng Pilipino ng digmaan. Nagkakasundo naman siguro ang karamihan d’yan. Ngayon, mga ka-Central ang tanong, bakit ba maraming ingay sa paraan ng pagresolba ng pamahalaang Duterte sa isyu ng West Philippine Sea ngayon? Simple lang po ang kasagutan. Pulitika lang po lahat ‘yan. Malapit na naman kasi ang halalan kaya nagkakaganyan. Ang daming gustong magsalita at magbigay ng kanilang bersyon o kuro-kuro. May karapatan naman sila kasi may demokrasya tayo at bawat isa ay maaaring magsalita.

Sa gitna ng ingay ng mga pulitiko, ang mahalaga ay patuloy ang diplomasya sa pagresolba sa isyu ng West Philippine Sea. Mahalaga na makapangisda pa rin tayo roon at makakilos tayo tulad ng dating nakagawian.

Kaya po mga ka-Central, ang mahalaga rito ay alam natin ang ating karapatan sa West Philippine Sea. May mga pasaway lang na mga bansa na umaangkin sa teritoryo natin, ngunit nireresolba naman ito ng pamahalaang Duterte sa pamamagitan ngmapayapang pamamaraan.

Bilang pangwakas, patuloy tayong maging mahinahon at magpatuloy sa panalangin na mangyari nawa ang kalooban ng Diyos na kung paano sa langit, gayundin sa lupa, upang magpatuloy ang kapayapaan at hindi mapahamak ang lupa sa kamay ng kasamaan. Nawa’y mamuhay tayo nang naaayon sa kagustuhan ng Maykapal ―maging matuwid at patuloy na lumago sa katwiran.

Hanggang sa muli. God bless, ka-Central! ■

BALITA

Page 6: 2 R. CABUGWANG NCR PLUS, GCQ NA ULIT WITH HEIGHTENED

6Mayo 2021

BalitaBalitaLibreng sakay, patuloy pa rin sa ilalim ng GCQ – DOTr

Ni Ivy E. Atompag

PNP community relations, mas pinalakas sa ‘Barangayanihan’

Ni Trish Alcantara

Patuloy pa rin ang libreng sakay ng Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa ilalim ng general community quarantine (GCQ), ayon kay DOTr Secretary Arthur Tugade noong Mayo 14.

“Magpapatuloy ang pagbibigay ng DOTr at LTFRB ng libreng sakay sa ating healthcare workers, medical frontliners, essential workers, at authorized persons outside residence,” saad ng Kalihim sa isang Facebook post.

Ayon kay Sec. Tugade, ang service contracting program ng LTFRB ay patuloy na makatutulong sa publiko sa kasagsagan ng pandemya.

“Nais nating makabawas kahit paano sa bigat na inyong pasan. Ang pamasaheng matitipid ninyo mula sa programang ito ay maaari ninyong magamit pambili ng pagkain at iba pang importanteng pangangailangan ng inyong pamilya at mahal sa buhay,” dagdag niya.

Iniulat din ni Tugade na ang per kilometer incentive na

WiSUPPORT inilunsad ng DSWD bilangsuporta sa mental health ng publiko

Ni Monica N. Ladisla

Inilunsad ng Department of Welfare and Development noong Mayo 6 ang programa nilang naglalayong makatulong sa mental health concerns ng publiko at magbigay ng psychosocial assistance sa Metro Manila, Central Visayas, at Caraga Region.

Ang programang ito na tinawag na Wireless Mental Health and Psychosocial Support for Individuals and Families Affected by COVID-19 and other Crisis Situations o WiSUPPORT, ay inilunsad upang makapagbigay ng agarang konsultasyon at counseling sa mga indibidwal na dumaranas ng mental o psychosocial issues ngayong panahon ng pandemya.

Ayon sa ahensya, tatlong pilot areas lamang ang maaaring maka-access ng WiSUPPORT sa pamamagitan ng e-mail, telepono, at mobile applications. Photo credit: PNA

natatanggap ng mga driver ng PUV sa ilalim ng programa ay nadagdagan din.

Sa ilalim ng regular service contracting, ang mga jeepney driver ay nakatatanggap na ngayon ng P27 kada kilometro mula sa dating P11 habang ang mga bus driver naman ay nakatatanggap ng P45.50 kada kilometro mula sadating P23.10.

Ang mga jeepney driver naman na kasama sa free ride program ay nakatatanggap

na ng P52.50 kada kilometro mula P46.80 habang ang mga bus driver ay nakatatanggap ng Php82.50 mula sadating P46.80.

“Nagdagdag din ang DOTr at LTFRB ng weekly incentive. Maaaring makatanggap ng dagdag na P7,000 ang mga PUV driver na kasali sa Service Contracting Program kung sila ay maglolog-in sa Systems App ng 5 beses (5 araw) sa loob ng isang linggo,” saad ng Kalihim. ■

Ani DSWD Secretary Rolando Bautista, “The constant worry and fear of being infected by the virus and economic concerns of providing for their families, coupled with family conflicts and disasters amid the pandemic have brought anxiety, mental, and emotional distress to a lot of people.”

“Hence, as the lead agency in social protection, and as part of the DSWD’s COVID-19 response and recovery plan, the Department sought more accessible ways for the provision of psychosocial support to Filipinos affected by the pandemic.”

Maaari rin umanong maging hotline emergency ang naturang programa para sa mga kasong nangangailangan ng agarang tulong ng psychiatrists, psychologists, at mental health institutions.

Ayon pa sa DSWD, “Among the target clientele of WiSUPPORT are Overseas

Filipinos (OFs) in Distress, children in need of special protection (CNSP), senior citizens, women in especially difficult circumstances (WEDC), persons with disability (PWDs), family heads, and other needy adults (FHONA), and other individuals and familiesin distress.”

Para sa mga nais kumonsulta at alamin ang iba pang detalye tungkol sa WiSUPPORT, maaaring makipag-ugnayan sa sumusunod na hotline at online platforms:Call Hotlines: 0947-482-2864 (Smart), 0916-247-1194 (Globe)Text Hotline: 0918-912-2813Email: [email protected]: ekwentomo.dswd.gov.phGoogle Play Store application: play.google.com/store/apps/details?id=com.cudavasol.wisupport ■

Mas pinalakas pa ang partnership at police assistance ng PNP sa mga barangay sa paglulunsad ng BARANGAYanihan (Bayanihan sa Barangay) noong Mayo 14 sa Camp BGen Rafael T Crame, QC at PROs sa buong bansa.

Sakop ng proyekto ang lahat ng umiiral na police community relations activities ng PNP gaya ng Kapwa Ko, Sagot Ko; Community Feeding Program; Adopt-a-Family Program; PNP Food Bank, atbp. na ipinatutupad sa iba’t ibang police regional at provincial offices maging sa mga police station.

Dadagdagan pa ito ng PNP sa pamamagitan ng iba’t ibang relief operations, feeding programs, civic activities, etc.

Bukod sa mas pinaigting na community affairs at development component ng pagpupulis, layon din ng programang makuha pa ang tiwala at suporta ng mga nasa barangay.

“Inaasahan ko na ang lahat ng kapulisan ay makikiisa at isasapuso ang proyektong BARANGAYanihan dahil ito ang tunay na kahulugan ng PNP motto na ‘To Serve and Protect’, at ito ang tunay na diwa ng salitang Pilipino,” pahayag ni PNP Chief Guillermo Lorenzo Eleazar. ■

Photo credit: PNA

Photo credit: PNA

Page 7: 2 R. CABUGWANG NCR PLUS, GCQ NA ULIT WITH HEIGHTENED

BalitaBalita 7Mayo 2021

Dagdag P5.2B pondo ng OWWA, ‘go signal’ na lang ni PRRD ang hinihintay

Ni Monica N. Ladisla

DPWH hataw sa pagtatayo ng medical facilitiesNi Ivy E. Atompag

Inirekomenda ng Department of Budget and Management (DBM) kay Pangulong Rodrigo Duterte na maglalaan ang ahensya ng P5.2 bilyong karagdagang pondo upang matugunan ang quarantine expenses ng pauwing overseasFilipino workers.

“The DBM is already looking for the necessary funds for the repatriation, and no longer will we be touching the OWWA funds,” paliwanag ni Cabinet SecretaryKarlo Nograles.

Dagdag pa ni Labor Secretary Silvestre Bello III, “In fact, in our last IATF (Inter-agency Task Force) meeting, the DBM clearly stated that they recommended to the President the budgetary allocation for repatriation of the amount of P5.2 billion.”

Aniya, mas mababa ito sa naunang hiniling na dagdag pondo ng OWWA na aabot sa P9.8 bilyon subalit ayon sa kanya, “this may sufficefor now.”

Noong nakaraang taon, inihayag ni OWWA Administrator Hans Cacdac na malaki ang posibilidad na maubos ang pondo ng ahensya

kung walang tulong na maibibigay ang pamahalaan.

Mula noong nakaraang taon, nakatanggap na umano ng P5.2 bilyon ang ahensya at P6.2 bilyon namanngayong taon.

“This fund for 2021 had become also threatened because of the new quarantine protocols imposed in light of the new COVID variant,”ani Cacdac.

Sa huling inilabas na resolution ng IATF, kailangang

sumailalim sa sampung araw na quarantine sa government-accredited facilities ang OFWs kahit nagnegatibo ang mga ito sa swab test.

“So, from a one-to-three-day hotel quarantine stay by our returning OFWs, now the quarantine stay extends up to seven to nine days, and based on the latest IATF decision, that runs up to 10 days. Triple and quadruple rin ang aming costs,” ayon kay Cacdac. ■

Sinabi ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Mark Villar na tuluy-tuloy ang ahensya sa pagtatayo ng isolation centers at modular hospitals hanggang makamit ng bansa ang ‘buffer’ sa medical facilities nito.

“At tuluy-tuloy naman ang pagtatayo natin ng centers, and definitely hindi tayo titigil until magkaroon tayo ng buffer sa ating medical facilities,” saad ni Villar sa meeting ng Inter-Agency Task

Force for the Management of Emerging Infectious Diseases noong Mayo 4, na pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Iniulat ni Villar na may 660 modular facilities na may higit sa 24,000 na kama ang kasalukuyang nag-o-operate ngayon sa buong bansa.

Ayon sa kanya, 603 dito ang ginagamit para sa isolation na may 23,046 beds at 10 modular hospitals na may 239 beds.

Dagdag pa niya, nagtayo ang DPWH ng 49 off-site dormitories na may 1,228 beds para sa frontliners malapit sa modular hospitals.

“Our occupancy rate in our quarantine facilities nationwide is 21 percent. The rate in NCR (National Capital Region) is high at 50.97 percent. But what is good is the trend on occupancy rate which is reducing. Last month, it was at 60 percent. Now, it’s 50 percent,” saadni Villar. ■

Photo credit: PIA

Photo credit: DPWH

Pamamahagi ng unang batch ng PhilID, sinimulan na

Ni Ivy E. Atompag

Sinimulan na ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang pamamahagi ng unang batch ng Philippine ID cards noong Mayo 3.

Nasa 956 PhilIDs ang idedeliver sa buong bansa kabilang na ang Metro Manila, La Union, Ilocos Sur, Nueva Ecija, Bulacan, Pampanga, Rizal, Cavite, Iloilo, Bacolod, Albay, Masbate, at ibapang probinsya.

Ang PHLPost, bilang opisyal na delivery partner ng PhilSys, ay nakatakdang maghatid ng PhilIDs sa iba’t ibang destinasyon.

Ayon kay PSA Undersecretary Dennis Mapa, sinisiguro nilang ang mga makinang kanilang ginagamit ay nasa maayos na kondisyon para madagdagan pa ang bilang ng mga susunod na batch ng PhilID.

“We are pleased to have commenced this major milestone in the implementation of the PhilSys. This exercise showed us what can be improved on our card production and personalization machines and processes,” saad niya sa isang news release.

Layunin ng PSA na makapagrehistro ng 70 milyong Pilipino bago matapos ang taon at halos ang buong populasyon ng

Pilipinas sa kalagitnaanng 2022.

Ang online website para sa Step 1 ng pagpaparehistro ay kasalukuyan pang isinasaayos matapos itong makatanggap ng 40,000 requests sa unang ilang minuto ng pilot launch nito noong Abril 30. Ang bugso ng registration requests ay nagdulot ng delay sa pagpapadala ng one-time password (OTP) na kailangan sa registration. Hinihikayat pa rin ng ahensya ang publiko na mag-sign up online kapag gumagana na ulit ang register.philsys.gov.ph.

“We are urgently looking into the issue and updating the website to resolve this technical challenge. Once again, we apologize for any inconvenience this has caused. We thank you for your patience and support for the PhilSys program,” saad ng kanilangFacebook advisory.

Ang pangalawang hakbang sa pagpaparehistro naman ay isasagawa saregistration centers.

Ang Philippine Identification System Act na pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Agosto 2018 ay naglalayong magbigay ng iisang national ID para sa lahatng Pilipino. ■

Photo credit: Philippine National ID

Page 8: 2 R. CABUGWANG NCR PLUS, GCQ NA ULIT WITH HEIGHTENED

Pinawi ng Department of Health ang pangamba ng publiko ukol sa pagbabakuna ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) vaccines na nakatakdang mawalan ng bisa sa darating na Hunyo o Hulyo ng taong ito.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire noong Mayo 11, may 1.5 milyong COVID-19 vaccines mula sa AstraZeneca ang nakatakdang mawalan ng

bisa sa susunod na buwan, samantalang ang ilang natitira pang doses ng nasabing bakuna ay nakatakda namang mawalan ng bisa pagsapit ng Hulyo 2021.

“Kailangan maintindihan ng ating mga kababayan na ang pinakamatagal na expiring date ay six months. Minsan ‘pag dumating sa isang bansa, ganito na ‘yong time for expiry,” paliwanag

( ▶ 12 )

8Mayo 2021

BalitaBalitaPRRD tumanggap ng unang dose ng bakuna mula sa Sinopharm

Ni Monica N. Ladisla

DOH: Hindi dapat mabahalasa expiration ng vaccinessa Hunyo, Hulyo

Ni Raiza F. Cabugwang

Nakatanggap na ng unang dose ng Sinopharm vaccine noong Mayo 3 si Pangulong Rodrigo Duterte.

Aniya, hinintay umano muna niya ang “go signal” mula sa kanyang doktor na siyang nagrekomenda ng naturang bakuna sa kanya.

“I feel good, and I have been expecting this shot, vaccination a long time ago,” pahayag niPangulong Duterte.

Si Health Secretary Francisco Duque III ang

Inaprubahan na noong Mayo 5 ng Food and Drug Administration ang emergency use authorization (EUA) ng bakunang gawa ng Moderna.

Maaaring ipamahagi at gamitin sa vaccination

Nagbabala ang Philippine Medical Association noong Mayo 3 sa mga doktor na iligal na nagbibigay ng reseta ng Ivermectin sa publiko.

Naninindigan ang PMA sa inilabas na pag-aaral ng Food and Drug Administration, Department of Health, at World Health Organization na “inconclusive” ang paggamit ng Ivermectin bilang gamot sa COVID-19.

Anila, ang paggawa at pamimigay ng naturang unregistered drugs ay

siyang nagturok ng bakuna sa Pangulo sa ipinakitang livestream sa Facebook page ni Senator Bong Go.

Samantala, nilinaw ni Food and Drug Administration Director General Eric Domingo na kabilang si Pangulong Rodrigo Duterte sa nabigyan ng compassionate special permit (CSP) ng ahensya upang makakuha ng bakuna mula sa Sinopharm.

“Ito ‘yung [permit na] hiningi ng PSG dati bago pa

dumating ang mga bakuna dito sa Pilipinas. Mayroon silang donation from China at hiningan ito ng special permit para nga maprotektahan ang Presidente at mukhang ‘yun din po ang ginamit sa ating Pangulo kagabi,” pahayagni Domingo.

Ayon pa kay Domingo, kabilang din sa nabigyan ng CSP ang mga asawa o partner ng mga miyembro ng Presidential Security Group. ■

EUA ng Moderna vaccine, aprubado na ng FDANi Monica N. Ladisla

Photo credit: PNP PIO

Iligal na pagreseta ngIligal na pagreseta ngIvermectin, kinundena ng PMAIvermectin, kinundena ng PMA

Ni Monica N. Ladisla

program ng gobyerno ang bakunang mayroong EUA mula sa FDA.

“After rigorous and thorough review by regulatory and medical experts using the currently available published

and unpublished data, FDA is granting an emergency use authorization... for the COVID-19 vaccine Moderna,” ulat ni FDA Director General Eric Domingo.

Umabot lamang umano ng sampung araw bago opisyal na nabigyan ng EUA ang naturang bakuna.

Inaasahang darating na sa Hunyo ang 200,000 doses ng bakunang binili ng gobyerno mula sa Moderna.

Pumirma rin ng tripartite agreement ang gobyerno at pribadong sektor sa Moderna upang makakuha ng 20 milyong doses ng bakuna.

Ayon sa tala noong Mayo 5, pito na ang vaccine manufacturers na nabigyan ng EUA ng bansa kabilang na ang Pfizer-BioNTech, AstraZeneca, Sinovac Biotech, Gamaleya Institute, Janssen, at Bharat Biotech. ■

Photo credit: pia.gov.ph

( ▶ 12 )

paglabag umano sa FDA Act of 2009.

“The unlawful sale of the drug product bought abroad but not registered with the FDA is also illegal. PMA hereby cautions physicians not to prescribe or compound the medicine Ivermectin outside of the approved compassionate use hospitals,” mariing pahayag ng PMA.

Limang ospital pa lamang ang aprubadong magbigay ng Ivermectin sa paggamot

Photo credit: PTV New

s

Photo credit: pia.gov.ph

Page 9: 2 R. CABUGWANG NCR PLUS, GCQ NA ULIT WITH HEIGHTENED

BalitaBalita 9Mayo 2021

Karagdagang 15K doses ng Sputnik V, dumating na sa bansaKaragdagang 15K doses ng Sputnik V, dumating na sa bansaNi Raiza F. Cabugwang

Pinas pangalawa sa Southeast Asia sa may pinakamaraming COVID-19 jabs

Ni Ivy E. Atompag

Palasyo: Vaccination site sa Nayong Pilipino, pansamantala lang

Ni Monica N. Ladisla

Nilinaw ni Presidential Spokesperson Harry Roque noong Mayo 11 na pansamantala lamang ang itatayong makeshift tents sa Nayong Pilipino Foundation (NPF) grounds upang maging vaccination facility.

Ani Sec. Roque, tulad ng tents na kasalukuyang ginagamit sa quarantine facilities ang balak itayo ng pamahalaan sa lugar.

“‘Yung itatayo sa Nayong Pilipino, makeshift ‘yan, hindi ‘yan permanente. Parang mga tent lang din ‘yan parang ‘yung mga ginawa rin na mga tent facilities para ginagamit na COVID-19 isolation diyan sa Nayong Pilipino na lupain din sa reclamation area,” paglilinaw niSec. Roque.

Dagdag pa niya, “Ito naman ay hindi magiging permanente. Ito ay para

lang maibsan itong problema sa pandemya, at kapag nabakunahan na ang karamihan sa ating mga kababayan, magtatapos na rin ang ating problema sa COVID-19.”

Dahil dito, iginiit muli ni Sec. Roque ang panawagan ng Palasyo sa NPF na huwag nang hadlangan ang planong pagtatayo ng vaccination facility sa lugar.

“So, pakiusap lang sa Nayong Pilipino Board, sana naman ‘wag kayong sumuway doon sa programa ng Presidente na makamit ang herd immunity at payagan na magtayo ng mega vaccination facility diyan sa Nayong Pilipino,” ani Sec. Roque.

Matatandaang kinundena ng NPF ang pagtatayo ng mega vaccination site dahil maaapektuhan umano ang 500 puno sa lugar. ■

AstraZeneca vaccines, pwede nang ipamahagi muli sa mga edad 59 pababa – DOH

Ni Raiza F. Cabugwang

Inanunsyo ng Department of Health (DOH) noong Mayo 7 na maaari na muling ipamahagi ng mga lokal na pamahalaan ang AstraZeneca Coronavirus disease 2019 o COVID-19 vaccines sa mga indibidwal na hindi pa tumutungtong ng 60taong gulang.

Ayon sa DOH, hindi pa sila nakatatanggap ng anumang balita hinggil sa blood clotting o pamumuo ng dugo sa mga naturukan na ngnasabing bakuna.

“To date, no local VITT (vaccine-induced thrombotic

thrombocytopenia) events have been confirmed. It was concluded that there are currently no known risk factors for VITT, and that the benefits of receiving the vaccine against COVID-19 still outweigh the risk,” pahayag ng Kagawaran.

Ang VIIT ay isang hindi pangkaraniwang kaso ng pamumuo ng dugo na may kaugnayan sa mababang platelet count. Ito ay maaaring maranasan apat hanggang 28 na araw matapos makatanggap

Lumapag na sa bansa ang pangalawang batch ng Sputnik V Coronavirus disease 2019 (COVID-19) vaccines mula Russia noong Mayo 12, 2021.

Malugod itong sinalubong ng ilang mga opisyal ng pamahalaan, kabilang na sina Pandemic Task Force Adviser Dr. Teodoro Herbosa at Health Undersecretary Ma. Carolina Vidal-Taiño.

Ayon sa Department of Health (DOH), ang naturang batch, na naglalaman ng 15,000 doses ng bakuna, ay gagamitin bilang pangalawang dose kasunod ng unang batch ng Sputnik V vaccines na dumating sa bansa noong Mayo 1.

Ibinigay ang naturang batch ng bakuna sa limang lungsod sa Metro Manila, na kinabibilangan ng Makati, Muntinlupa, Manila, Taguig, at Parañaque.

Sa kabuuan ay nasa limang milyong Sputnik V vaccines ang inaasahang daratingsa bansa.

Samantala, tiniyak naman ni Dr. Herbosa na maipamamahagi ang lahat ng COVID-19 vaccines bago pa man mawalan ng bisa ang mga ito. Ito ay kaugnay ng dalawang milyong doses ng AstraZeneca vaccines na posibleng mapawalang bisa na sa darating na Hunyoat Hulyo.

Ayon pa kay Herbosa, base na rin sa sinabi ni Vaccine

Czar Carlito Galvez, Jr., inaasahan ng pamahalaan na makatatanggap ang bansa ng 10 milyong doses ng COVID-19 vaccineskada buwan.

“If we are able to have that kind of deliveries, supply will not be a problem. Ma-aachieve natin ang target, which is 70 million by November 27, 28. It’s a tight target, but it looks doable,” saad ni Herbosa. ■

Pumangalawa sa Southeast Asia ang Pilipinas sa tala ng may pinakamaraming naibakunang COVID-19 vaccines.

Sa ulat ni National Task Force Against COVID-19 Chief Implementer at Vaccine Czar Carlito Galvez, Jr., ipinakita ng datos noong Mayo 10 na nakapagbakuna na ng 2,409,235 shots ang bansa mula nang magsimula ang vaccination drive noong Marso. Nasa 65,879 doses ang

average dose na naibabakuna sa loob ng pitong araw.

Sumunod ang Pilipinas sa Indonesia na may 21,993,299 doses nang naibakuna mula noong simulan nito ang vaccination rollout noong Enero, habang ang Cambodia ay nasa ikatlong pwesto na may 2,284,788.

Sa buong mundo, ang Pilipinas ay nasa ika-41 kasama ang 194 na bansa.

Mula nang magsimula ang vaccination drive noong Marso sa bansa, nasa 2,409,235 na indibidwal na mula sa A1 hanggang A4 categories ang nakatanggap ng hindi bababa sa isang dose ng bakuna.

Sa datos noong Mayo 10, mayroon nang 7,764,050 bakuna ang Pilipinas kasama na ang mga brand ng CoronaVac, AstraZeneca, Sputnik V, at Pfizer. ■

Photo credit: PNA

Photo credit: pna.gov.ph

( ▶ 12 )

Photo credit: pna.gov.ph

Page 10: 2 R. CABUGWANG NCR PLUS, GCQ NA ULIT WITH HEIGHTENED

BalitaBalita10Mayo 2021

DepEd pinalawig ang early registration sa mgapampublikong paaralan hanggang Mayo 31

Ni Raiza F. Cabugwang

Pinalawig ng Department of Education (DepEd) ang early registration para sa mga mag-aaral ng Kindergarten at Grades 1, 7, at 11 sa mga pampublikong paaralan hanggang sa katapusan ng buwan.

Naunang itinakda ang naturang pagpapatala hanggang sa Abril 30, 2021 lamang.

Sa pinakahuling datos ng DepEd, mahigit 4.2 milyong estudyante na ang nakapagpatala sa early registration nito na nagsimula noong Marso 26, 2021.

Pinakamarami sa mga nagpatala ay mga estudyanteng tutungtong ng Grade 1, na umabot na sa 1,490,647. Sinundan naman ang bilang na ito ng mga estudyanteng nagpatala para sa Grade 7, na umabot sa 1,049,298; Kindergarten, na nasa 919,428 na mga mag-aaral; at, Grade 11 na pumalo sa 794,768 namga estudyante.

Ang mga mag-aaral na tutungtong ng Grade 2 hanggang 6, Grade 8 hanggang 10, at Grade 12 ay kinokonsiderang pre-registered na at hindi na kinakailangan pang sumailalim sa proseso ng early registration.

Ayon sa DepEd, maaaring isagawa ang nasabing early registration online o sa pamamagitan ng text. Samantala, kinakailangan pa ring sumunod sa public health standards at safety protocols

AFP mobile kitchen, nagpakain sa mgapamilya sa QC

Ni Trish Alcantara sa pagpapatala naman sa mga paaralan at barangay na may mababang kaso ng Coronavirus disease 2019 o COVID-19.

Nauna nang pinayagan ng Kagawaran ang mga school division superintendent na magpatupad ng full remote early registration kahit sa mga lugar na nakapailalim sa modified general community quarantine batay sa riskassessment level sa mga ito.

Pinaalalahanan ni DepEd Undersecretary for Planning and Human Resource and Organizational Development, and Field Operations Jesus Mateo ang DepEd field offices na maaaring gumamit ng online platform o drop boxes sa pagsasagawa ng nasabingearly registration.

“Similar to the previous year, early registration forms will be available in barangay halls and other public spaces. An early registration dropbox will be made available for parents or guardians to collect and submit the forms in these identified places,” pahayag ng opisyal.

Samantala, mga magulang o tagapag-alaga lamang ng mga mag-aaral ang papayagang pumunta sa mga lugar na pinahihintulutan ang pagpapatala mismo sa early registration sites.

Sinabi rin ni Usec. Mateo na nararapat na magkaroon ng hotlines ang DepEd regional at division offices upang sila ay

makapagbigay ng tulong sa mga paaralan hinggil sa mga polisiya at proseso kaugnay sa nabanggit na early registration.

Hinihikayat din ang mga eskwelahan na magkaroon ng hotlines at ibigay sa publiko ang kanilang opisyal na mga detalye hinggil sa kanilang paaralan upang masagot ang mga katanungan kaugnay sa naturang pagpapatala.

Pinaalalahanan din ng DepEd ang mga paaralan tungkol sa mahigpit na pagpapatupad ng cutoff sa edad ng mga batang papasok sa Kindergarten. Ayon sa polisiya ng Kagawaran, kinakailangang nasa limang taong gulang na ang bata pagsapit ng Agosto 31, 2021 kung siya ay papasok sa darating na school year na magsisimula sa Agosto.

Isinasagawa ang early registration para sa mga mag-aaral na papasok ng Kindergarten, at Grades 1, 7, at

Namigay ng nasa 3,000 maiinit na food packs para pananghalian at hapunan ang AFP noong Abril 29 sa mga indibidwal at pamilya sa Brgy. Socorro, QC.

Namigay ang culinary trained na mga militar sa pamamagitan ng AFP Mobile Kitchen ng pagkain sa street sweepers, pedicab drivers, at mga pamilyang nakatira sa slum areas sa barangay.

“The AFP Mobile Kitchen is one of our soldiers’ humanitarian actions to help and provide assistance to our less fortunate kababayans as our nation continues to battle the COVID-19 pandemic,” pahayag ni AFP Chief of Staff General Cirilito Sobejana.

Nagsimula ang c o m m u n i t y - b a s e d efforts ng AFP sa ilalim ng “Kapwa Ko Sagot Ko” na kampanya ng ahensya noong Marso 2020 para tulungan ang mga komunidad na labis na naapektuhan ng pandemya.

Tulung-tulong ang AFP Civil Relations Service, Joint Task Force-NCR, at AFP Quartermaster General sa implementasyon ng proyekto. Nagbigay ng kani-kanilang personnel ang 7th Civil Relations Group at 11th Civil Military Operations Battalion, samantalang tumulong naman sa trapiko at pagpapatupad ng health at safety protocols ang QCPD.

Galing naman ang mga pagkain sa AFP-DND Sojourners Club, Master in National Security Administration Regular Class ‘52, at Tanging Yaman Foundation.

Suportado ng aktibidad ang pangkalahatang pagsisikap ng gobyerno na matulungan ang mga Pinoy lalo na noong umiral ang MECQ sa NCR at nalimitahan ang galaw ng mga sibilyan para makontina ang virus. ■

Bagong CPNP Eleazar, nanawagan para sa ‘intensified cleanliness policy’Ni Trish Alcantara

Nanawagan sa una niyang command conference bilang bagong PNP Chief si PGEN Guillermo Lorenzo Eleazar para sa istrikto at sistematikong

implementasyon ng Intensified Cleanliness Policy o tuluy-tuloy na reporma sa PNP at paglalapit ng mga pulis sa komunidad.

11 upang makapaghanda ang DepEd at mga paaralan para sa parating na school year.

Layon din nitong mahanap, matukoy, at maitala ang mga out-of-school youth at mga batang may kapansanan, may malubhang karamdaman o problema na may kinalaman sa kanilang nutrisyon, mga batang biktima ng pang-aabuso o pananamantala, iyong mga may pananagutan sa batas, at maging mga batang lansangan.

Hinihikayat din sa ilalim ng nasabing pagtatala ang mga paaralan, mga lokal na opisyal, at iba pang kasapi ng komunidad na tulungan iyong mga batang biktima ng kalamidad, iyong mga nakatira sa mga malalayo o mahirap na maabot na mga lugar, iyong mga hindi rehistrado o dokumentado sa kanilang mga lugar, at iyong mga out-of-school youth o mga batang tumigil na sa pag-aaral pero nais na makabalik muli. ■

Nagkaroon ng dayalogo sa ginanap na hybrid briefing sa PNP NHQ sa Camp Crame noong Mayo 8 ang PNP Chief at police commanders sa buong bansa ukol sa pagpapalakas ng kampanya laban sa kriminalidad sa kalsada, iligal na droga, pag-aalsa, at terorismo.

Nagbigay rin ng direktiba si PNP Chief Eleazar sa paghahanda ng detention facilities sa inaasahang pagtaas ng bilang ng maaaresto dahil sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na hulihin ang mga walang suot na face masks sa mga pampublikong lugar.

“Makipagtulungan tayo sa mga lokal na opisyal, kasama ang barangay, para malaman natin kung aling mga lugar sa

bawat komunidad ang maaari nating gamiting detention facilities para sa mga sadyang pasaway,” pahayag ni PNPChief Eleazar.

Sinabi rin ng PNP Chief na dapat may physical distancing sa loob ng detention areas at pinaalalahanan ang mga pulis na 12 oras lang maaaring idetina ang mga taong maaaresto sa paglabag sa minimum public health safety standards kung walang kasong isasampa samga ito.

Binalaan din ng bagong hepe ng PNP ang lahat ng police officers kontra abuso at sinabihan ang mga itong sundin ang maximum tolerance habang inaaresto ang mga violator. ■

Photo credit: PNA

Photo credit: PNP PIO

Page 11: 2 R. CABUGWANG NCR PLUS, GCQ NA ULIT WITH HEIGHTENED

BalitaBalita 11Mayo 2021

Nakapagbigay na ng unang dose ng COVID-19 ang lungsod ng Maynila sa 105,212 indibidwal, ayon sa tala noong Mayo 5.

Sa kabuuang bilang na ito, 25,161 sa mga nabakunahan ay medical frontliners mula sa mga pribado at pampublikong ospital na kasama sa A1 category ng priority list.

Nakapagbigay na rin ito ng pangalawang dose sa 39,928 na indibidwal kung saan ang 4,252 dito ay medical frontliners at 32,676 aymga residente.

Noong Miyerkules lamang ay nakapagbigay ang lungsod ng 242 unang dose. Ang 219 dito ay mula sa A1 category, 11 mula sa A2, at 12 mula sa A3 category.

Para sa pangalawang dose, 7,302 ang nabakunahan kabilang na ang 754 medical frontliners, siyam na senior

Pinagdiinan ni Malolos City Mayor Gilbert “Bebong” Gatchalian na intensyon ng Bahay Kalinga na maging pansamantalang tuluyan at hindi detainment facility ng mga batang lansangan.

“Marami sa ating mga kabataan na ang kanilang mga naging tahanan ay ‘yung lansangan, marami sa kanila ang naligaw ng landas. Tapos ‘pag dinadala sila sa Bahay Kalinga, ang nagiging impression ng mga bata ay bakit sila kinukulong? Kasi to prevent ‘yung pagtakas ng mga bata, nilalagyan ng mga bakal ‘yung mga bintana,” pahayag ng alkalde.

Kaya naman naglaan ang pamahalaang panlungsod ng P4-milyon mula sa development fund nito noong 2020 para sa rehabilitasyon ng lumang

Precinct commander, sinibak dahil sa pagdagsa ng mga bakasyonista sa isang resort sa Caloocan

Ni Trish Alcantara

Vaccine rollout ng Maynila, umabot na ng mahigit 100K

Ni Ivy E. Atompag

‘Bahay Kalinga, gawing tahanan, hindi kulungan ng mga bata’ – Mayor Gatchalian

Ni Trish Alcantara

citizens, at 6,539 na taong may karamdaman at kapansanan.

“Hinihikayat ko rin po ang lahat ng mga interesado magpabakuna na mag pre-register sa www.manilacovid19vaccine.ph para sa mas mabilis at episyenteng vaccination process,” saad ni Manila Mayor Francisco

‘Isko Moreno’ Domagoso sa kanyang Facebook post.

Dagdag pa ni Domagoso, hindi titigil ang lokal na pamahalaan sa paghahanap ng paraan upang pigilin ang pagkalat ng virus ngunit dapat ding sumunod ang mga residente sa health atsafety protocols. ■

Sinibak ang Caloocan City Police Community Precinct 9 Commander dahil sa insidenteng pagdagsa ng mga bakasyonista, kabilang na ang mga bata, sa Gubat sa Ciudad resort sa Brgy. 171 Bagumbong Caloocan sa gitna ng umiral na MECQ sa Metro Manila at mga kalapit na probinsya.

Tinanggal sa pwesto si PMAJ Harold Aaron Melgar noong Mayo 12 dahil diumano sa kabiguan nitong ipatupad ang minimum public health

Nasa 51 barangay, kasama na ang pamahalaang panlungsod, ang ginawaran ng nasa 70 e-trikes ng DOE na ipinamigay noong Abril 27 sa City of Malolos, Bulacan.

Nagsagawa muna ng ebalwasyon at oryentasyon sa mga drayber ang pamahalaang panlungsod bago ipamigay ang naturang chargeable e-trikes.

Susunod sa umiiral na batas trapiko para sa mga

70 e-trikes, ipinamigay samahigit 50 barangay sa Malolos

Ni Trish Alcantara

safety protocol sa kanyang nasasakupan.

Sinabi ni PNP Chief PGEN Guillermo Lorenzo Eleazar na sasailalim pa sa imbestigasyon si PMAJ Melgar para malaman kung may dapat ba siyang panagutan sa nangyaring insidente.

Iniimbestigahan din pati barangay chairman ng nasabing area.

Sa kabilang banda, pinapurihan naman ng PNP Chief ang naging desisyon ni Caloocan City Mayor Oscar Malapitan na iprayoridad ang

Photo credit: PIA NCR

isolation at testing ng mga nagpunta sa naturang resort matapos itong ipasara.

Pero wala ring kawala ang mga taong nagpunta sa resort dahil diumano sa pagiging “iresponsable” at paglabag sa ordinansa ng lokal na pamahalaan.

“Daan-daan kayong nag-good time sa gitna ng pandemya sa isang lugar na under MECQ at isinama ninyo pa ang mga anak ninyo. Kung hahayaan lang natin na sorry-sorry lang ito, it will send a wrong message na mag-violate na lang tayo nang mag-violate dahil anyway, patatawarin din naman tayo at walang pananagutan sa ginawa ninyo,” pahayag ng PNP Chief.

Pati isang cameraman na kumuha ng video sa mga pinaaalis sa resort ay binugbog ng ilang nagpunta roon, ibinalita rin ni PNP Chief Eleazar.

Umapela sa publiko ang PNP Chief na huwag maliitin ang pagkahawang dala ng COVID-19 at matinding sakripisyo ng health workers. ■

Bahay Kalinga at pagtatayo ng bagong gusali.

Lalawakan din ang pasilidad para magkaroon ng palaruan at area kung saan maaaring makipag-usap ang mga bata sa professional counselors.

“We are trying to change ‘yung ganitong atmosphere sa Bahay Kalinga. Ang Bahay Kalinga ay hindi detainment facility. Ito ay isang lugar kung saan mararamdaman ng bata na mayroon siyang kinabukasan, mayroon siyang pagkakataon para mangarap para sa kanilang sarili at pamilya,” dagdag pa ng punong lungsod.

Target tapusin ng pamahalaang panlungsod sa loob ng 150 working days na nagsimula nitong Pebrero ngayong taon ang naturang proyekto. ■

Photo credit: PNA

traysikel ang mga magiging drayber ng e-trikes.

Sa 70 e-trikes, 51 ang ibinigay sa mga barangay samantalang 19 naman ang gagamitin ng city hall.

Sinabi ni Malolos City Mayor Bebong Gatchalian na malaking tulong ang e-trikes bilang transportasyon lalo na sa paghahatid ng COVID-19 related programs ng lokal na pamahalaan bukod pa sa environment friendly ang mga ito. ■

Photo credit: Bayanihan Generation FB Page

Page 12: 2 R. CABUGWANG NCR PLUS, GCQ NA ULIT WITH HEIGHTENED

12Mayo 2021

BalitaBalitaare a lot of fiestas because we are predominantly Catholic country. I’m asking you not only to tone down [but] forego because we have laws. Forego to congregate, to crowd. There’s no problem. God knows we love Him, but the problem is the necessary consequence of it all. Be mindful of that because we are still in the pandemic,” pahayag ni Pangulong Duterte.

Sa ilalim ng mas pinahigpit na GCQ, pinapayagan ang mga sumusunod:

▶ Essential travel o pagbiyahe kung may napakahalagang kadahilanan papunta at palabas ng NCR Plus;

▶ Indoor dine-in services o pagkain sa loob ng mga establisyimento sa NCR Plus nang hanggang 20 porsyentong seating capacity o hanggang 50 porsyentong seating capacity naman para sa al fresco dining o pagkain sa labas;

▶ Hanggang 30 porsyentong venue capacity sa

mga outdoor na pook-pasyalan sa NCR Plus. Kinakailangan pa ring sumunod ang mga ito sa minimum public health standards;

▶ Specialized markets ng Department of Tourism (DOT), basta’t susundin ng mga ito ang minimum public health standards at ipatutupad ng mga ito ang mga panuntunan at paghihigpit na itinakda ng DOT;

▶ Hanggang 10 porsyentong venue capacity para sa mga pagtitipon na may kinalaman sa pagsamba o pananampalataya at mga pagtitipon para sa lamay, burol, at iba pang katulad na mga aktibidad para sa mga pumanaw, maliban na lamang kung ang pagpanaw ay bunsod ng Coronavirus disease 2019 o COVID-19 sa NCR Plus;

▶ Hanggang 30 porsyentong venue capacity para sa outdoor non-contact sports; at gayundin ang mga establisyimentong naghahatid ng personal care services kung

saan hindi na kinakailangan pang tanggalin ang face mask, tulad ng salons, parlors, at beauty clinics; at,

▶ Paglabas ng mga indibidwal edad 18 hanggang 65 taong gulang sa mga lugar na naka-GCQ ‘with heightened restrictions’.

Sa kabilang banda, hindi pa rin maaaring magbukas sa mga lugar na nasa pinahigpit na GCQ ang entertainment venues, tulad ng bars, concert halls, mga teatro; recreational venues, tulad ng internet cafes, bilyaran, arcades; mga parke, perya, palaruan, kiddie rides; indoor sports courts at venues at indoor tourist attractions; at mga lugar kung saan ginaganap ang mga pagpupulong, conference, at exhibition.

Sa mga lugar na nasa GCQ ‘with heightened restrictions’, hindi pa rin pahihintulutan ang pagbiyahe palabas ng NCR Plus, maliban na lamang sa Authorized Persons Outside Residence o APORs. ■

NCR Plus, GCQ na ulit mula sa pahina 2

ngunit kasama ang Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal sa tinatawag na NCR Plus bubble na matatandaang isinailalim muli sa enhanced community quarantine mula Marso 22 hanggang Abril 4, 2021.

Inaasahan ng pamahalaan na mabakunahan ang 70 milyong Pilipino kontra COVID-19 ngayong taon, pero nagtakda rin ito ng mas makatotohanang target na nasa 50 hanggang 70 milyong katao.

“With the constrictions of the global market, lalo na ‘yong nangyayari sa India na

nandoon ‘yong 30 million natin na mga vaccine na kinuha, there’s a possibility talaga na magkaroon ng delay,” ani Galvez.

Sinabi ng Kalihim na maaaring makapagpabagal sa inaasahang pagdating sa bansa ng 30 milyong doses ng Covavax vaccines ang matinding krisis na kasalukuyang dinaranas ng India bunsod ng COVID-19. Ang Covavax ay binuo ng kumpanyang Novavax mula Estados Unidos at tumutulong naman sa pagpaparami

ng suplay nito ang Serum Institute of India.

Posible rin umanong makamit ng bansa ang herd immunity sa katapusan ng taon dahil sa inaasahang pagdating ng mas marami pang suplay ng COVID-19 vaccines simula Hunyo ng taong ito.

Ayon pa kay Sec. Galvez, halos dalawang milyong doses na ng COVID-19 vaccines ang naipamahagi dalawang buwan matapos ilunsad ang programa ng pamahalaan hinggil sa pagbabakuna laban sa virus. ■

Herd immunity sa NCR, mula sa pahina 2

of calamity base na rin sa rekomendasyon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council.

Apektado ng ASF ang 12 na mga rehiyon, 46 na mga probinsya, 493 na mga lungsod at munisipalidad, at 2,561 na mga kanayunan sa buong Pilipinas mula ng tinamaan nito ang bansa noong 2019.

Nakasaad din sa ilalim ng naturang proklamasyon na inaatasan ang lahat ng ahensya ng pamahalaan at local government units na magtulungan at gawin ang mga kinakailangang hakbang para agad na masugpo ang pagkalat ng ASF, masolusyunan ang kakulangan ng suplay ng mga produktong baboy sa merkado, mapababa ang

presyo ng baboy, at masimulan na ang rehabilitasyon ng local hog industry.

“All law enforcement agencies, with the support of the Armed Forces of the Philippines, are hereby directed to undertake all necessary measures to ensure peace and order in affected areas, as may be necessary,” dagdag pa ng naturang proklamasyon. ■

PRRD nagdeklara ng state of calamity mula sa pahina 2

ni Vergeire, tagapagsalita rinng Kagawaran.

Natanggap ng bansa ang pinakaunang suplay nito ng AstraZeneca vaccines noong nakaraang Marso. Sinundan naman ito ng pagdating ng mga karagdagang suplay, kabilang na iyong lumapag nito lamang Sabado, Mayo 8.

Ayon sa tala noong Mayo 12, nasa 2,556,000 doses ng AstraZeneca vaccines ang natanggap na ng bansa sa tulong ng COVID-19 Vaccines Global Access o COVAX facility, na siyang nangangasiwa upang tiyakin na pantay-pantay ang natatanggap na suplay ng COVID-19 vaccines ng lahat ng mga bansa sa mundo.

Nasa 1.2 milyong doses ng AstraZeneca vaccines na binili ng mga pribadong kumpanya ang inaasahan namang darating ngayong Hunyo.

Kinakailangang iturok ang dalawang doses ng nabanggit na bakuna sa pagitan ng apat hanggang 12 na linggo.

Sinabi ni Usec. Vergeire na inaasahan ng pamahalaan na maipamamahagi na ang lahat ng doses ng AstraZeneca vaccines sa huling linggo ng Mayo o sa unang bahaging Hunyo.

“Wala po tayong dapat ikabahala. Nakagawa na po ng mekanismo on how we can consume these vaccines,” pagtitiyak ni Vergeire. ■

DOH: Hindi dapat mula sa pahina 8

ng COVID-19 bilang isang investigational drug.

Kaugnay nito, umalma ang ilang health workers kamakailan matapos mamigay ang dalawang pulitiko ng Ivermectin mula sa reseta ng mga on-site doctors doon ng walang pirma at nakalagay na license number ng mga ito.

“Meron tayong nakita may naglagay ng lisensya pero walang pangalan. Hindi kumpleto ang information

na nilahad para magkaroon ka ng accountability dun sa pasyente,” aniDr. Tony Leachon.

Dagdag pa niya, “Alam natin ang DOH inatasan na ang Professional Regulation Commission kung merong pagkakasala ang mga doctor na gumamit at nag-issue ng prescription outside of the approval of FDA of compassionate use ofcertain hospitals.” ■

Iligal na pagreseta Iligal na pagreseta mula sa pahina 8

ang isang indibidwal ng viral vector vaccine, tuladng AstraZeneca.

Nauna nang sinuspinde ng DOH ang pamamahagi ng AstraZeneca vaccines sa mga Pilipinong nasa 59 taong gulang pababa matapos lumabas ang mga balitang may kinalaman sa blood clotting na naranasan ng mga nabakunahan ng nasabing COVID-19 vaccine sa ilang mga bansa.

Samantala, ayon pa sa DOH, bagama’t bihira ang kaso ng post-vaccination blood clotting, naglabas pa rin sila ng mga panuntunan upang maging alerto ang vaccination sites at healthcare workers laban dito.

“All vaccination sites should have a strengthened post-vaccination surveillance to spot possible adverse events following immunization,” saad ng Kagawaran.

Dagdag pa ng tanggapan, sasailalim din sa pagsasanay ang lahat ng healthcare workers sa vaccination sites hinggil sa pagtukoy at pangangasiwa sa mga magpapakita ng mga posibleng sintomas ng VIIT. Ang mga indibidwal na kakikitaan ng sintomas ng nasabing kaso ay kinakailangang agad na ipagbigay-alam sa mga health facility upang agaran silang mapagtuunan ng pansin. ■

AstraZeneca vaccines, mula sa pahina 9

Page 13: 2 R. CABUGWANG NCR PLUS, GCQ NA ULIT WITH HEIGHTENED

BalitaBalita 13Mayo 2021

P40.7M marijuana winasak ng PNP-PDEA sa Kalinga

Ni Trish Alcantara

Nasa P40,780,000.00 halaga ng marijuana ang binunot at winasak sa tatlong araw na joint operation ng PNP-PDEA sa magkakaibang lugar sa Mt. Chumanchil, Brgy. Loccong Tinglayan, Kalinga Province.

Sa inilabas na pahayag ng PNP noong Mayo 9, nagresulta

ang eradication operation sa pagkakasabat sa nasa 2,400 pcs fully grown marijuana plants (FGMP) sa isang 300 sqm land area; 82,000 pcs FGMP sa 8,200 sqm na land area; 4,000 pcs FGMP sa 400 sqm na isa pang land area; 165 kilos marijuana dried leaves;

60 kilos marijuana seeds; at 15 kilos marijuana stalks.

“Marijuana eradication is a continuous effort to clear drug-affected areas in the mountainous areas of Cordillera region and other parts of the country,” pahayag ni PNP Chief PGEN Guillermo Lorenzo Eleazar. ■

Photo credit: PNP PIO

Drug suspects na may bitbit na P1M shabu, huli sa TondoNi Trish Alcantara

Tatlong suspek ang nahulihan ng 150 gramo ng shabu na tinatayang nasa P1,020,000.00 sa isang buy-bust noong Mayo 8 sa Malaya St. Brgy. 124 Zone 10, Tondo.

Arestado sina Anna Loivina De Leon alyas “Anna”, 38; Atilano Layosa, Jr. alyas “Raprap”, 37; at Cristina Lim,

38 ng mga operatiba ng PS-2 SDEU at MPD.

Nakuha rin sa mga suspek ang isang .45 caliber pistol.

Nasa kustodiya na rin ng mga pulis ang mga suspek para kasuhan ng paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

“Intensified anti-illegal drugs operation will continue under my watch, we will strengthen our strategies thru clustering system against illegal drug syndicates in the country,” pahayag ni PNP Chief PGEN Guillermo Lorenzo Eleazar. ■

Photo credit: PNP PIO

5th Most Wanted Isulan bomb5th Most Wanted Isulan bomb suspect, hulog sa kamay ng PNPsuspect, hulog sa kamay ng PNP

Ni Trish Alcantara

Arestado ang SOCCSKSARGEN 5th Most Wanted sa isang counter terrorism operation ng PNP noong Abril 21 sa Poblacion Ampatuan, Maguindanao.

Huli si Norton Saptula, 23, sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Acting Presiding Judge Lorenzo F. Balok, RTC 12 Br. 19 Isulan, Sultan Kudarat dahil sa three counts ng complex

crime of murder with multiple frustrated murder.

Sa tala, miyembro diumano si Saptula ng BIFF Karialan Faction sa ilalim ni Chief Staff Sukarno Sapal alyas “Diok”.

Sangkot umano si Saptula sa pambobomba noong Agosto 28, 2018 sa Brgy. Kalawag 3 na nag-iwan ng 3 patay at 36 sugatang sibilyan at noong Setyembre 2, 2018 sa Brgy. Kalawag 2 na pumatay naman sa 2 at sumugat sa 14 pang sibilyan.

Sa huling ulat, nasa kamay na ng Isulan MPS ang suspek para sa disposisyon.

“The arrest of Saptula is a setback in the atrocities of BIFF operating in Maguindanao area and nearby provinces. Moreover, this successful operation would likely affect planned attacks of local and foreign terrorist organizations,” pahayag ni PNP Chief PGEN Debold M. Sinas. ■

Phot

o cr

edit:

PN

P PI

O

Ama ng 2 drug suspects, nakipagbarilan sa mga parak para itakas ang mga inarestong anak

Ni Trish Alcantara

Pinaghahanap na ngayon ang nakatakas na dalawang drug suspects matapos pagbabarilin ng kanilang ama ang dalawang pulis na magdadala sana sa magkapatid sa ospital para sa mandatory medical examination matapos maaresto sa isang buy-bust operation noong Mayo 6 bandang 4:47 a.m. sa Dr. Evangelista St. Brgy. Sta. Catalina, Zamboanga City.

Nakatakas ang magkapatid na sina Jonar Jul-Asri alyas “Naii” at Moner Jul-Asri matapos barilin ng kanilang ama na si Naser Jul-Asri, 55, na napag-alaman ding dating miyembro ng PNP, ang dalawang pulis na sina PCPL Nicolo Leon Luna III at PSSG Bobby Judan ng RDEU 9 sa harap ng Zamboanga City Medical Center.

Nakapagpaputok pa si PSSG Judan ngunit nakatakbo na ang gunman kasama ang dalawang anak nito sa Veterans Ave., kung saan tumakas sila gamit ang isang puting van.

Nakapagtamo ng gunshot wound si PCPL Luna sa likod ng kaliwa niyang tainga samantalang tinamaan naman ng bala si PSSG Judan sa lalamunan. Nasa Zamboanga City Medical Center ang dalawang pulis para samedical treatment.

Isang citywide manhunt ang inilunsad para sa mga nakatakas na suspek.

“These drug syndicates will really fight to evade arrest and continue with their illegal activities. But we will hunt them down and make them pay for their crimes,” pahayag ni PNP Chief PGEN Debold Sinas. ■

Phot

o cr

edit:

PN

P PI

O

Page 14: 2 R. CABUGWANG NCR PLUS, GCQ NA ULIT WITH HEIGHTENED

14Mayo 2021

BalitaBalita

Hindi pahuhuli ang Pilipinas sa vaccination program. Sa katunayan, nasa ika-47 posisyon ang Pilipinas mula sa 173 mga bansa na matagumpay ang pamamahala ng pagbabakuna. Sa tala nitong Abril 20, mayroon nang 1,279,223 Pilipino ang nakatanggap na ng bakuna o katumbas na 1,477,757 doses. Sa ulat na iyon, mayroon ng 132,948 senior citizens, 180,315 ang persons with comorbidities, at 965,960 healthcare workers ang nabakunahan kung saan 198,000 rito ay nakatanggap na ng ikalawang dose.

Mga ka-Central, sa estado ng programa ng pagbabakuna ng bansa laban sa COVID-19, nagiging matagumpay ba ito? Ano ang iyong masasabi?

MASS VACCINATION SA PINAS LABAN SA COVID-19, PATULOYSA PAG-ARANGKADA

Nakakatuwang isipin na patuloy ang ating pamahalaan sa pagbili at pag-angkat ng mga bakuna upang maging proteksyon natin laban sa COVID-19. Dito nga sa amin sa lungsod ng Malabon, halos karamihan ng senior citizens ay nabakunahan na. Makikita mo talaga na prayoridad ng Duterte Administration ang kalusugan ng higit na nakararami. Kaya sana ‘wag ng haluan pa ng pulitika ng iba. Nakikita naman natin na halos hindi na nga natutulog ang gabinete niya sa pagbabantay sa estado ng pagbabakuna sa Pilipinas. Maging ang mga opisyal sa local government units — walang puknat sa pagpapaalala sa publiko na sumunod sa public health standards at protocols. Tulungan na lang natin sila sa abot ng ating makakaya. Huwag nang maging pasaway pa!

Mhay dela Cruz, 33, Malabon City

Oo naman. Talagang patuloy ang pagbabakuna ng ating COVID-19 Task Force sa mga kababayan natin. Sa darating na Hunyo, babakunahan na ang mga nasa A4 priority group. Kinabibilangan ito ng mga frontline worker sa news media, food service, commuter transport, manufacturing, pati sa education. Masaya ako kasi mababakunahan na kaming mga guro. Kailangan talaga namin ang bakuna lalo na kung maipapatupad na ang “limited face-to-face classes”. Kaya salamat sa COVID-19 Task Force — salamat kay Pangulong Duterte.

Zel Mirandilla, 34, Quezon City

Totoo ‘yan. Patuloy ang ating medical health experts sa pagbabakuna sa priority groups. May kanya-kanya kasing category, ‘di ba? Hindi naman lahat ay mapagsasabay-sabay. S’yempre kailangan ding i-factor ang costing, bilang ng mga babakunahan, venue, ganyan. S’yempre hindi naman pwede maging crowded ang lugar. Para saan pa ang social distancing na sinasabi. Pero masaya ako na unti-unti naman ay nagkakaroon na ng reality mula sa dating plano pa lang.

Rei Candido, 34, Malabon City

Sa pagkakaalam ko, noong Pebrero ngayong taon sinimulan ang vaccination rollout. Hindi ba inunang binakunahan ang ating healthcare workers? At

naging matagumpay naman ito. Pero ngayon, tingnan mo naman, napakarami nang nababakunahan. May Priority Eligible A, B, at C pa. May A1, A2, A3,

at A4. Balita ko nga sa susunod na buwan ay mga essential worker na under A4 priority group naman ang susunod na babakunahan. Ako, alam ko na hindi natutulog ang gobyerno sa pag-iisip sa mga tamang hakbang para tuluy-tuloy ang pagbabakuna hanggang sa makamit na natin ang tinatawag na “herd immunity”.

Eve Caratao, 39, Taguig City

Kabi-kabila ang balita tungkol sa vaccination. Sana sa ibang lugar, sa ibang LGUs, bilis-bilisan din nila ang aksyon. Kasi napag-iiwanan na. Pero hopeful

pa rin ako na makakasama kami sa susunod na babakunahan — this June sana. Tapos na kasi ang pagbabakuna sa ilang senior citizens at persons with

comorbidities. Basta ako, palagi akong mag-aantabay sa mga susunod na plan of actions ni PRRD at ng kanyang gabinete. Alam ko naman na iyon ay para sa ikabubuti ng mga Pilipino. Sana magkaisa tayo — ‘wag ng pulitika rito, pulitika roon. Nasa iisang laban lang tayo, ‘di ba?

Ivy Guarin, 25, Cavite City

ang kalahating milyong doses noong Marso. Simula noon, nasa mahigit 300,000 Pilipino na mula priority groups (health workers, mga matatanda, at mga taong may underlying health conditions) ang fully vaccinated na kontra COVID-19.

Nito namang Mayo 10, nakatanggap din ang Pilipinas ng 193,050 doses ng Pfizer vaccines mula COVAX na gagamitin para sa priority groups A1-A3.

“We have been working hard to bring these vaccines to the country especially with the scarce global supply of COVID-19 vaccines. We thank the COVAX facility and all of our partners for making this possible. We will continue to boost public confidence in our national vaccination program,” pasasalamat ni DOH Secretary Francisco T. Duque III.

May hinihintay pang 1.3 million doses ng Pfizer vaccines ang Pilipinas mula COVAX. Patuloy rin ang negosasyon ng gobyerno sa mga vaccine manufacturer para dagdagan pa ang COVID-19 vaccines sa bansa.

Virus evolution

Unang napaulat ang pinakabagong variant of concern (VOC) ng COVID-19 virus sa India noong Oktubre 2020. Mayroon diumano itong mas mataas na transmission rate. Sa preliminary evidence ng WHO, mababa ang effective rate ng Bamlanivimab (monoclonal antibody na gamit sa COVID-19 treatments) pagdating sa variant na ito ng virus. Mababa rin ang susceptibility ng bagong variant na ito sa iba pangneutralization antibodies.

Bukod sa India, nagtala na rin ang UK ng pinakamataas na kaso ng bagong variant na ito ng virus.

Sa Mayo 11 tala ng WHO, nasa 69 mga bansa na sa 14 na WHO regions ang napaulat na apektado ng bagong variant.

Dahil na rin sa pinaigting na surveillance activities ng kanya-kanyang mga bansa para sa agarang pagtukoy ng COVID-19 variants, ilang VOCs at variants of interest (VOIs) na rin ang napaulat. Isa na ang Pilipinas na nag-ulat ng VOI (P.3 variant) na earliest samples ay nakuha

‘Vaccine nationalism’ mula sa pahina 5

noong Enero 2021 ng DOH, UP-Philippine Genome Center, at UP-National Institutes of Health.

Sa pahayag na pinalabas ng DOH noong Mayo 4, hindi pa diumano VOC na maituturing ang P.3 variant dahil hindi sapat ang datos para sabihing may malaking implikasyon ang naturang VOI.

Samantala, patuloy pa rin ang pagpapalawig ng DOH ng vaccination coverage ng bansa sa priority population groups para maiwasan ang COVID-19 related deaths. Patuloy rin ang panawagan ng DOH sa istriktong pagsunod sa minimum public health standards para iwas exposure at infection, bukod pa sa aktibong contact tracing at mabilisang case detection, pagkumpleto ng isolation/quarantine period, implementasyon ng Prevent-Detect-Isolate-Treat-Reintegrate strategies, at localized interventions ng LGUs para mapabagal ang transmission rate at mapababa ang bilang ng kaso ng COVID-19.

Nagpalabas na rin ng travel ban ang gobyerno sa mga manggagaling sa India noong Abril 27. Noong Mayo 7 ay may travel ban na rin ang mga pasaherong manggagaling ng Pakistan, Bangladesh, Nepal, at Sri Lanka.

No Filipino is left behind

Sa kabila ng tumitinding alalahanin sa pinakabagong variant na unang natukoy sa India, nagbigay pa rin ng agarang tulong ang DOH sa 21 Filipino crew members ng MV Athens Bridge na napaulat na may travel history sa India.

Labindalawa sa mga ito ang nagpositibo sa COVID-19, kung saan dalawa ang nasa kritikal na kondisyon.

Nasa ospital na ngayon sa Maynila ang dalawang kritikal samantalang dinala sa quarantine facility naman ng Bureau of Quarantine ang iba pa.

“We recognize the risk that this act of compassion brings, but we assure Filipinos that we complied with the protocols in handling COVID-19 patients and have coordinated with other government agencies to deliver urgent assistance to our kababayans,” pahayag ni DOH Sec. Duque. ■

Page 15: 2 R. CABUGWANG NCR PLUS, GCQ NA ULIT WITH HEIGHTENED

3

4

6

2

2

1

9

5

9

4

1

7

9

4

3

5

7

5

2

3

4 8

S U D O K US U D O K U

SUD O K US U D O K U

Mga sagot sa nakaraang isyu

8

7

2

6

3

31

3

2

6

9

2

7

6

9

8

5

7

9

9

1

4

6

2

2

7

4

8

8

7

9

1

2

3

5

3

3

4

5

8

6

6

8

8

5

5

7

1

4

4

4 2

2

1

65

3

98

9

1

6

4

4

4

7

1

39

3

7

5

8

1

5

1

2

9

7

6

5

Page 16: 2 R. CABUGWANG NCR PLUS, GCQ NA ULIT WITH HEIGHTENED

‘Vacc2School’ campaign, inilunsad ng DepEdNi Monica N. Ladisla

Pinas, ‘all systems go’na sa StaySafe.ph

Ni Monica N. Ladisla

Bilang pagsuporta sa national vaccination program ng pamahalaan, inilunsad ng Department of Education (DepEd) noong Mayo 13 ang “Vacc2School: Ligtas na Bakuna, Para saBalik-Eskwela” campaign.

Layon ng kampanyang ito na magbigay impormasyon at himukin ang mga teaching, non-teaching personnel, at iba pang stakeholders na palaganapin ang vaccination drive at suportahan ang iba pang polisiyang saklaw nito.

Ang kampanyang ito ay isinagawa bilang suporta sa BIDA Solusyon Plus sa COVID-19 campaign ng Department of Health.

Ani DepEd Secretary Leonor Briones, “I am encouraging everyone, especially the teachers, and other education personnel to participate in this campaign, and make informed decisions on vaccination to further intensify and advance our chances of safely returning to school.”

Kamakailan, inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte at ng Inter-Agency Task Force ang hiling ni Sec. Briones na isali ang mga guro sa Priority Group A4.

Seniors, menor de edad, pwede na saon-site registration ng Nat’l ID – IATF

Ni Raiza F. Cabugwang

“We would like to encourage our teachers to vaccinate themselves because it is not only a matter of protecting your personal rights, it is also a matter of protecting the lives and health of children which is also entrusted to our care,” pahayag ni Sec. Briones.

Plano umano ng DepEd na mamigay ng iba’t ibang Vacc2School campaign information materials na ilulunsad sa iba’t ibang plataporma upang maiparating sa publiko ang layunin ng naturang kampanya. ■

Matapos ang ilang aberya, malugod na ibinahagi ni Presidential Spokesperson Harry Roque noong Mayo 5 ang malawakang implementasyon ng opisyal na contact tracing app ng gobyerno o mas kilala bilang StaySafe.ph.

Ayon kay Sec. Roque, naresolba na umano ang lahat ng isyu sa naturang contact tracing app na naging dahilan ng pagkaantala sapaggamit nito.

“So, iyong usapin po na marami pang deliverables, tapos na po lahat iyan, and we have decided to go full speed ahead with Safety.ph,” pahayag ni Sec. Roque.

Dagdag pa niya, “All systems — StaySafe.ph. All systems go na po tayo.”

Noong Mayo 4, matatandaang naglabas ng pahayag si Baguio City Mayor Benjamin Magalong na hindi pa umano handang magamit ang contact tracing app na ito matapos tanggihan ng Department of Health ang paggamit nito dahil sa kakulangan sakaragdagang pag-aaral.

Bukod pa rito, hindi rin umano maaasahan ang tracker

“Ang mga menor de edad 15 to 17 kasama rin po ang mga seniors, ‘yong mga above 65, palalabasin lang po ng kanilang mga tahanan para po magrehistro sa Philippine Identification System (PhilSys).”

Ito ang inanunsyo ni Presidential at Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) Spokesperson Harry Roque noong Mayo 7 hinggil sa desisyon ng IATF na luwagan ang age restrictions para mas marami pa ang makapagparehistro para sa national ID system.

Sa ikalawang bahagi ng pagpapatala para sa PhilSys ay kinakailangan ang personal

na pagpapatibay ng mga dokumento, at pagkuha ng biometric information, tulad ng fingerprints, iris scans, at mga larawan sa registration centers ng PhilippineStatistics Authority.

Bago ianunsyo ang naturang kautusan ay maaari lamang makalabas ang nabanggit na grupo kung sila ay kukuha o bibili ng kanilang mga importanteng pangangailangan o kung sila ay papasok ng trabaho. ■

software na ginamit ng mga developer dahil hindi umano kumpleto ang isinumiteng dokumento ng mga ito.

“Ang StaySafe ho kasi talaga hong tinanggihan ho ng Department of Health dahil may nakita ho silang kakulangan. So, nangyari po, idinonate po ito sa DILG. Right now ho pinapag-aralan po ng DILG iyong StaySafe at iyong kanyang functionalities,” paliwanagni Magalong.

Dagdag din niya, “Insofar as DILG is concerned, nasa study and learning status pa ho sila at talagang kulang pa ho iyong documentation na ibinigay po ng StaySafe kaya hindi pa ho natin makumpleto at masabing categorically na highly reliable na poitong StaySafe.”

Sa kabila nito, siniguro ni Sec. Roque na handa na ang lahat para sa implementasyon ng app na ito. Ginagamit na rin umano ng Department of the Interior and Local Government ang app na ito.

“Lahat po ng kontrobersiya sa app na ito ay natapos na,” ani Sec. Roque. ■

Photo: DepEd

Photo: pna.gov.ph

Photo: PIA

BalitaCentralLike and follow us :